Sunshine, Coffee, and You

By purplenayi

637 38 5

[Ongoing] (Boys Love) Mula pa noon ay gusto na ni Raziel ang childhood friend niyang si Alvin. Wala itong ala... More

Prologue
Chapter 1

Chapter 2

68 9 5
By purplenayi

"I'm gay."

Sandaling tumitig kay Raziel si Cyrus bago ito nagkibit balikat.

"Oh, okay," sabi nito kapagkuwan at ngumiti.

Namamanghang tinignan niya ang lalaki.

"That's it? Okay? I just told you I'm gay," sabi pa ulit niya.

"I heard you. So what? Walang problema sa akin kung ano ang preference mo."

Hindi alam ni Raziel kung anong mararamdaman. For the first time, sinabi niya ang pinakatatagong sikreto sa isang tao na hindi naman siya malapit, pero iyon lang ang reaksyon nito. A part of him is happy dahil hindi big deal dito ang sexuality niya. Pero may parte din sa isip niya na natatakot na baka sinasabi lang nito na hindi iyon big deal pero sa totoo ay nagsisisi na itong inalok pa sa kanya ang makasama sa dorm.

"Wala talagang kaso sa akin. Trust me," sabi ni Cyrus nang ilang sangdali na ang lumipas ay tahimik pa rin siya.

Tipid na ngumiti siya saka tumango. Kahit kasi narinig niya naman ang sincerity sa boses ni Cyrus ay hindi niya pa rin maiwasan ang magduda.

Lumapit na siya rito at hinayaan itong i-tour siya sa kwarto.

"Dito ako humihiga sa ibaba for now, pero kung mas prefer mo rito, pwede naman ako sa taas. I don't mind kahit saan ako," sabi nito. "As you can see, meron nang provided na kutson si senyora, unan na lang ang dadalhin mo saka bedsheets. Maliit compared sa twin sized bed pero sapat naman na, hindi naman masikip."

Tinignan niya ang higaan. Maliit nga iyon kumpara sa normal na single bed. Pero wala namang kaso sa kanya iyon. Ang mahalaga ay may higaan. Bonus pa na libre na ang kutson kaya hindi niya na kakailanganing bumili.

"Itong mesa at upuan natin, premium 'yan," sabi ni Cyrus habang tumatawa. "Normally 'yong puting mesa at monobloc na puti ang nasa mga kwarto, pero inungot ko kay senyora na itong kulay brown ang dito sa 'tin. Pinagbigyan naman ako. Masarap upuan ito, kesa doon sa may butas-butas na upuan," sabi pa nito.

Hinawakan niya ang mesa at medyo natawa. Kulay brown nga iyon pero plastic pa rin. Though mukha ngang mas okay kesa sa normal na plastic table na nakikita niya.

Doon sa mesa ay nakapatong ang mga gamit sa pag-aaral ni Cyrus pati ang bag nito.

Mukhang napansin naman ni Cyrus na nakatingin siya roon.

"Oh, aayusin ko na lang ang mga gamit ko bago ka lumipat. Saan mo mas prefer pumwesto?" tanong nito.

Nag-isip siya sandali at pinili ang upuan na malapit sa pinto.

"Dito na lang ako. May part-time ako tuwing gabi, alas-nwebe hanggang ala-una ng madaling araw. Baka masilaw ka ng ilaw sa laptop kaya dito na lang ako pupwesto. Pati pala sa baba na lang sana ako ng double deck para hindi ka ma-istorbo sa pagtulog kung sakali," sabi niya.

Tumango-tango si Cyrus.

"Sure, walang problema."

Ngumiti siya at tumingin sa gilid ng mesa. Noon niya lang napansin na may bintana pala sa dalawang gilid ng kwarto. Ang wala lang ay ang nakarugtong sa katabi.

Napansin ni Cyrus na tinignan niya iyon.

"Ah, yes. Mga dulong kwarto lang ang may dalawang bintana kaya mas okay ang liwanag kapag umaga. Sakto rin na nasa east nakaharap itong binatana kaya hindi mainit kapag hapon."

Pagkasabi noon ay pumunta naman ito sa harap ng two door cabinet. Plastic din iyon at tulad ng mesa at upuan nila at kulay brown din. Malaki ang pinto noon sa taas na may bakal na sabitan nga mga hanger at may dalawang drawer sa ibaba.

"Hati tayo dito. Hindi naman marami ang mga damit ko kaya wala akong nakukuha masyadong space. May plantsa pala ako rito, pwede mo ring gamitin. Unan lang ang ginagamit ko na patungan kapag namamalantsa."

Tinignan niya ang loob ng cabinet at gaya nga ng sabi ni Cyrus ay halos hindi nakapangalahati ang mga nakasabit doon na damit. Mga polo lang iyon na napapansin niyang isinusuot nito sa pagpasok sa university.

"Iyong nasa pinaka-ilalim ang drawer na gamit ko, kaya ito ang sa 'yo," sabi nito at tinapik ang drawer na nasa ibaba lang ng malaking pinto ng cabinet. "Ito pala, sa 'yo na lang, paglagyan mo ng mga gamit mo panligo. Nabili ko 'yan nang buy one take one. Hindi ko naman nagagamit iyong isa."

Hindi niya na napigilang mapatawa nang makitang brown na naman ang kulay niyon. Rattan basket ang style na may handle sa magkabilang dulo.

"Hindi ka naman masyadong mahilig sa brown?"

Natawa na rin si Cyrus.

"Medyo lang."

Lumingon ito sa sulok malapit sa pinto. Naroon ang isang rack na may nakapatong na water container. Sa tabi ay may maliit na mesa kung saan may nakapatong na dalawang tasa at ilang kobyertos. May full length mirror din na nasa dingding katabi ng water container.

"May nagde-deliver nga pala rito ng tubig. Nakasulat ang number nila d'yan sa nakadikit na papel sa container. Sa 'yo na itong isang tasa, bundle ko rin 'yan nabili." Itinuro ni Cyrus ang kulay puting tasa, brown naman ang kulay ng isa pa. "Itong mga kutsara panghalo ko lang talaga ng kape, pero pwede mo ring gamitin kung kakain ka dito sa kwarto."

Nang matapos pagpapaliwanag ay humarap na sa kanya si Cyrus.

"So, ano? What do you think? Dito ka na?" tanong nito.

"Are you really sure na ayos lang sa 'yo na maging roommate ako?"

Bahagya itong ngumiti at tumango.

"One hundred percent sure."

Nag-isip pa siya sandali. Nakatingin lang sa kanya si Cyrus, naghihintay naman ng sagot niya.

"Well, nakapamili na nga ako ng pwesto," sabi niya bilang sagot.

Ngumiti si Cyrus saka iminwestra ang pinto.

"Then, let's go. Puntahan na natin si senyora nang makapirma ka na ng kontrata."

***

"Seriously? Akala ko may suitcase kang nasa loob ng coffee shop noong nakita kita nang gabing 'yon. Ito na talaga lahat ang gamit mo?" tanong sa kanya ni Cyrus nang makita ang malaking backpack na bitbit niya.

Sabado na at araw na ng paglipat niya. After lunch siya naglipat dahil naglinis pa siya sa bahay ni Leo para malinis niya namang iwan iyon. Nag-iwan na rin siya ng 500 sa mesa bilang bayad sa abala, at ambag na rin sa kuryente at tubig na halos isang linggo niyang ginamit.

"Yeah, 'yan lang ang binitbit ko nang umalis ng bahay."

Iilang damit lang ang inilabas niya mula sa bag. Iyon lang kasi ang nagkasya. Mas mahalaga ang mga libro niya at mga gamit niya sa pag-aaral kaya iyon ang nai-prioritize niya.

Napatitig siya sandali kay Cyrus na nakatayo sa harap niya at nakatingin lang sa gamit niya. Thankful siya na hindi nito inuungkat ang tungkol sa pag-alis niya sa bahay. Mukhang naghihintay ito na siya ang kusang magsabi. At balak niyang sabihin din iyon dito in the near future.

"May malapit bang mabibilhan ng murang damit? Mukhang kailangan kong bumili. Kaso baka hindi kayanin ng budget kung sa mall ako bibili," tanong niya.

Two months advance at one month deposit din ang binigay niya kay senyora kaya naman gusto niyang tipirin ang pera. Mahirap nang ma-short siya. Ang ipon niya sa bangko ay nakalaan na para sa thesis niya sa susunod na taon kaya ayaw niyang gamitin iyon.

Tumabi sa kanya si Cyrus sa harap ng closet at tinignan ang mga damit na inilagay niya. Pang-isang linggong polo, dalawang pantalon, tatlong pambahay na t-shirt at tatlong shorts. Mga underwear at medyas niya lang ang dinala niya lahat.

"Pwede na siguro pang-isang linggong damit ano? May malapit na nagtitinda ng mga damit dito 30 to 50 lang ang presyo. Sakto din sa tabi 'yon ng general merchandise. Kailangan mo rin ng unan 'di ba? May bed sheets na rin doon."

Tumango-tango siya saka nagpunta sa mesa.

Gaya ng sabi ni Cyrus ng nakaraan, nakaayos na ang mga gamit nito at kalahati ng mesa lang ang sinakop. Ibinaba niya na rin doon ang mga gamit niya at inayos.

"Pwede tayong mamili ng gamit mo mamaya pagkatapos mong ayusin mga gamit mo. Nag-half day lang ako sa coffee shop kaya pwede kitang samahan."

Na-appreciate niya ang ginawa nitong pag half-day para lang matulungan siya sa pag-move in at masamahan sa pamimili.

"Weekend lang ang pasok mo roon?" tanong niya.

"Nah. Pati Tuesdays and Thursdays. Hanggang alas-dos lang kasi ang klase ko sa mga araw na 'yon. Sayang naman 'yong oras ng hapon kaya pumapasok na lang ako sa coffee shop."

Tumango siya. Gusto niya sanang itanong kung may bakante pang trabaho roon pero nakahiyaan niya na lang. Tityempo na lang siguro siya mamaya para maitanong.

***

Walking distance lang mula sa dorm ang sinasabi ni Cyrus na general merchandise at ang bilihan ng mga damit. At gaya ng sabi nito ay kumpleto iyon ng mga kakailanganin niyang gamit. Binili niya lahat ng tingin niya ay kakailanganin niya at namili na rin ng mga damit mula sa katabing tindahan ng mga damit. May ilan siyang nabili na polo shirt na kahit na mura ay maipapampasok niya sa university.

"'Di ko akalain na ganun lang ang magagastos ko sa mga gamit. Ang mumura lang pala doon," sabi niya.

Kumakain sila ng hapunan ni Cyrus sa carinderia na palagi nitong kinakainan matapos ayusin ang mga gamit na pinamili sa dorm.

Ang mga labahin ay dinala nila sa laundry shop, at dahil close si Cyrus sa nagbabantay roon ay pumayag ito na mag-load ng mga damit nila sa washing machine at sa dryer. Normally ay self-service iyon pero nagsabi silang bibigyan na lang nila ito ng meryenda pagbalik nila.

"Sabi sa 'yo mura lang mga gamit doon eh," si Cyrus.

"Good thing talaga naisipan kong tignan ang dorm. 'Di pa pala kita napapasalamatan kasi inalok mo 'yon sa akin at naipa-reserve pa kahit na pinakita ko sa 'yo noong una na hindi ako interesado. Sa totoo lang ayoko talaga sana nang may kasama sa kwarto. Pero mukhang hindi ko naman pagsisisihan. Thank you, ha."

Ngumiti si Cyrus.

"Wala 'yon. Mas magiging komportable rin naman kasi ako kung kakilala ko ang magiging roommate ko. Kung tutuusin, hindi ko nga naging ka-close 'yong huling roommate ko. Bukod kasi sa barumbado, makalat pa kaya hindi kami magkasundo."

Ito ang unang beses niyang titira sa isang dorm pero alam naman niya na hindi mo makakasundo ang lahat lalo na kung hindi kayo magkakilalang titira sa iisang bubong. Kaya nga malaki ang pagtanggi niya noong una. Pero sa nakikita niya kay Cyrus ay mukhang hindi niya naman pagsisisihan ang desisyon niya.

"And don't worry about sa sinabi mo sa akin last time. I won't tell a soul."

Ngumiti siya rito. "I know. Kaya tiwala rin akong sabihin sa 'yo."

Nang matapos kumain ay nagkayayaan silang pumunta sa coffee shop na pinapasukan ni Cyrus. Balak nila na roon na rin bumili ng meryenda pasa sa bantay ng laundry shop.

Pagkapasok pa lang nila ng coffee shop ay sinalubong na agad sila ng matinis ng boses ng isang babae.

"Cy! Nako ang daming naghahanap sa 'yo kanina pa! Na-miss ang gwapo mong mukha!" sabi ng babae sa counter, tatawa-tawa pa.

He must admit, gwapo at malakas ang appeal ni Cyrus bukod pa sa bright personality at pagiging sociable. Kaya naman marami rin ang nagkaka-gusto rito sa campus. Ilang beses niya na ring nabalitaan na may nag-confess dito pero tinanggihan nito. Ang bali-balita ay hindi pa ito nakaka-move on sa dating girlfriend.

"Ano, bumaba ba ang sales natin?" sabi ni Cyrus.

"Sinabi mo pa, 'yong ibang dalagang pumunta kanina umalis na lang kasi wala ka naman daw," sagot ng isa pang babae na nasa counter din pero sa suot nito ay halatang hindi ito empleyado.

Tinawag siya ni Cyrus na lumapit dito.

"Kaibigan ko pala, si Raziel. Siya na ang magiging roommate ko simula ngayon. Si Ate Tonet, cashier slash barista tulad ko. At ang amo namin si Ate Layne, siya na rin ang tumatayong manager," pakilala ni Cyrus sa dalawang babae roon.

Bago pa siya makapagsalita ay nasa harap niya na ang tinawag ni Cyrus na Ate Layne, ang owner ng coffee shop.

"Naghahanap ka ba ng part-time job?" bungad sa kanya nito.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at kay Cyrus na nakangiti lang sa kanya.

"Uhm, tuwing weekend po sana. May ibang part-time po kasi ako kapag weekdays," sabi niya, medyo nahihiya.

"Oh! Sakto! Gusto mong maging cashier? As you can see, malapit nang pumutok ang tiyan ni Tonet kaya kailangan ng kapalit niya. At least nand'yan pa siya para magturo kung sakali," sabi nito.

Noon niya lang napansin na buntis pala ang babae sa harap ng cash resgiter. Maliit kasi itong babae at payat kaya hindi mo mahahalatang buntis kung hindi mo titignan ang tiyan.

Ngumiti siya saka tumango. Kung tutuusin ay pinag-iisipan niya na rin kanina bago pumunta kung paano itatanong kung pwede siyang pumasok as part-timer.

"Great! Can you start tomorrow?"

"Sure po."

Napapalakpak ang owner bago humarap kay Ate Tonet.

"Nako, mukhang lalong tataas ang sales natin nito 'pag weekend!" tumatawa pang sabi nito.

Naguguluhang tinignan niya si Cyrus pero ngumiti lang ito bago bumaling sa mga katrabaho. Nakipagkulitan pa ito sa mga ito saka nag-order ng kape at cake.

Hindi niya mapigilang mapatitig kay Cyrus at mapangiti. Maswerte siyang nakilala at nagtiwala siya rito. Kung wala ang lalaki ay nag-i-struggle pa siguro siya sa ngayon. Bukod sa maayos na tirahan, pati part time job ay nakuha niya nang dahil dito.

Lumapit siya kay rito at bahagyang tinapik ito sa braso saka bumulong.

"Salamat, Cyrus."

Continue Reading

You'll Also Like

568K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
58.5K 1.1K 74
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
433K 5.9K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
82.7K 4.3K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...