Jersey Number Eleven

By xelebi

2.2M 86.9K 38.8K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

48

35.2K 1.2K 237
By xelebi

• 🏐 •

Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas na nando'n lang kami ni number eleven na nakatayo habang pinagmamasdan ang tahimik na dagat. Walang nagsasalita sa 'min pero sobrang peaceful sa pakiramdam.

Ito talaga iyong mga gusto ko, e. Iyong tahimik at relaxing lang. Pwede kayang dito na lang kami palagi? Ang sarap siguro gumising kapag ang view mo ay kulay blue na dagat at mga bundok sa malayo tapos ang una mong maririnig ay iyong hangin at mga alon. Tapos meron ka pang mainit na kape. Parang tanggal lahat ng problema at iniisip mo kapag gano'n.

Ngayon pa lang ay nagso-sorry na ako sa hometown ko. Maganda sa Baguio pero iba talaga ang dagat.

Gusto kong magtayo rin ng bahay na malapit sa ganito. Magkano kaya iyon? Kahit maliit lang. Hindi naman kailangan na malaki at maganda tulad ng rest house nina number eleven. Gusto ko lang ng mapupuntahan kapag stressed na ako.

"Baby," tawag ni number eleven.

Tumingin ako sa kaniya. Naabutan ko siyang tumigil na sa paglalaro sa mga daliri ko at may kinukuha na sa bulsa ng shorts niya.

"Bakit?"

"I have a gift for you."

"Gift?" Na-excite ako.

May regalo ang number eleven sa 'kin!

Para akong bata na sobrang excited habang hinihintay siyang ilabas ang regalo niya para sa 'kin. At napaawang na lang ang labi ko nang may nilabas siyang square na kulay dark blue na box. Nagkatinginan kami at malaki agad ang ngiti niya sa 'kin.

Binuksan ni number eleven iyong box at kumabog nang malakas ang dibdib ko nang makita ang laman no'n.

Isang gold na kwintas na may pendant na volleyball.

"Happy birthday, Kai," bati niya ulit sa hindi ko na alam kung pang-ilang beses na ba iyon.

"Wow..." bulong ko habang titig na titig sa kwintas.

"You like it?"

"Ang ganda!" Sagot ko at natawa naman siya. "P-Para sa 'kin iyan?"

"Yes."

"Talaga?"

"Yes, baby. It's yours," sabay halik niya sa noo ko. "Let me put it on you."

Pumunta siya sa likuran ko at wala pang ilang segundo ay naramdaman ko agad iyong malamig na kwintas sa balat ko. Nang humarap na ulit ako sa kaniya ay hindi na mawala sa mukha ko ang ngiti at hindi na rin nilubayan ng mga mata ko ang regalo niya sa 'kin.

Shit... ang ganda talaga.

At nakakatuwa na naisip niyang volleyball ang gawing pendant na reason kung bakit kami nagkakilala.

Na-pressure tuloy ako lalo kung ano bang magandang regalo sa birthday niya. Parang hindi yata sasapat ang trip to Thailand, a? Bigyan ko rin ba siya ng kwintas? Para pareho kami? O bracelet? Mukhang mamahalin pa naman itong bigay niya. Ngayon pa lang, nanginginig na iyong savings ko.

"Looks good on you," sabi ni number eleven.

"Thank you," sagot ko saka siya niyakap.

Niyakap niya rin ako agad pabalik. "You're always welcome, baby."

Grabe... minsan talaga ay hindi ko ma-predict kung anong susunod na gagawin nitong isa. Mahilig siya sa mga surprises. Hindi ko nga alam kung aware ba siya ro'n o talagang gano'n lang siya pinanganak o sinasadya niya ba pero sino ba naman ako para magreklamo, 'di ba? Para namang hindi ako tuwang tuwa sa mga pakulo nitong malaking baby na 'to.

At the same time, e, sobrang grateful ako na dumating si number eleven. Kahit wala ngang mga regalo o surprises galing sa kaniya, walang problema. Sabi nga nila, siya lang, sapat na. Sabi ko naman, sobra pa sa sapat.

Kaya nga minsan ay hindi ko maiwasan na isipin kung totoo ba talaga na, iyon nga, boyfriend ko siya. Kung hindi lang ba ako nag-i-imagine na nayayakap at nahahalikan ko siya kahit kailan ko gusto. Kahit nga ngayon na mga oras na 'to, hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko siya na nakangiti at nakatingin sa 'kin gamit ang namumungay na mga mata niya.

Kasi... alam mo iyon? Wala lang... sobrang swerte ko lang talaga kay number eleven.

Na wini-wish ko rin na sana ay gano'n din ako sa kaniya.

Na sana ay nare-reciprocate ko lahat ng binibigay, pinapakita, at pinaparamdam niya sa 'kin.

Kasi deserved niya iyon.

"Number eleven," tawag ko sa kaniya habang nilalabas ko iyong phone ko.

"Hmm?"

"Picture tayo."

Tumalikod kami sa dagat para iyon ang maging background namin. Inakbayan ako ni number eleven at naka-ilan din kaming selfie. Iyon nga lang, ang unfair talaga. Kahit ano yatang anggulo, ang ayos pa rin ng hitsura nitong isa. Iba na talaga kapag gwapo na nga tapos photogenic pa.

Na-excite tuloy ako sa graduation picture niya.

Doon talaga magkakaalaman, e. Nagpa-practice na nga ako kung paanong smile ang gagawin do'n. Syempre mina-manifest ko nang ga-graduate ako. Pero feeling ko, itong isa, e, sure nang ga-graduate on time tapos gwapo pa rin sa gradpic niya.

"Send that to me," sabi niya sa isang picture namin na nakatingin ako sa camera pero ang tingin niya ay nasa 'kin. Ngiting ngiti ako ro'n habang in love na in love naman iyong hitsura niya.

Well, ako lang 'to, number eleven.

Ilang minuto pa kaming nag-stay ro'n hanggang sa ayain na niya akong mag-late lunch. Akala ko pa nga no'ng una ay mag-o-order na lang kami ng kung ano pero dinala niya ako sa isang kubo sa gitna ng mango farm nila tapos may nakahanda na palang mga pagkain do'n.

Emphasis sa word na mga!

Napanganga na lang ako habang pumapasok kami sa kubo. Huling lunch na ba namin 'to? Pero naisip ko rin, baka gutom na talaga ang number eleven kasi ikaw ba naman ang mag-drive ng 6 hours, e.

"Kain na kayo, sir, habang mainit pa ang mga pagkain," sabi no'ng biglang sumulpot na caretaker na siya ring sumalubong sa 'min kanina. May dala rin siyang isang pitsel ng malamig na tubig na binaba niya sa table.

"Thank you, Kuya Aldo," sabi ni number eleven.

"Thank you po," sabi ko rin.

"Kain lang kayo ha? Tawagin n'yo lang ako kapag may kailangan pa kayo."

Ngumiti sa 'min iyong si kuya saka na kami iniwan ro'n. Huminga ako nang malalim habang tinitignan iyong mga pagkain. Puro Pinoy dishes iyon tapos may mga prutas on the side. At syempre, since nasa mango farm kami, iyong mga mangga agad ang target ko.

Pero namomroblema pa rin ako kung paano namin uubusin ang lahat ng 'to.

Tinignan ko si number eleven at nahuli ko siyang nakatingin na rin sa 'kin. Nakangiti pa siya na para bang aliw na aliw habang pinapanood ako.

"Ang daming pagkain," sabi ko sa kaniya.

"Yeah. I think Kuya Aldo got too excited to cook," sagot niya saka natawa. "Let's eat?"

"Paano natin mauubos 'to?"

Mas lalo lang natawa ang number eleven pero hindi na ako sinagot. Naglagay na lang siya ng kanin sa plato ko at kung anu-anong ulam. Pinunasan niya rin ng tissue iyong kutsara't tinidor saka binigay sa 'kin. Tapos ay naglagay siya ng tubig at juice sa mga baso namin.

Nagsimula na rin kaming kumain pagkatapos. Hindi nga lang ako makapag-focus masyado kasi sobrang amazed ako sa malawak nilang mango farm. Nalaman ko kay number eleven na sa kaniya pala ipapangalan 'to after niya gr-um-aduate. Grabe. Secured na agad ang future niya ngayon pa lang.

Sana lahat may generational wealth, 'no?

Iyong hindi mo na iisipin kung paano mo ibi-build ang future mo. Iyong alam mong safe ka na agad at hindi ka na mahihirapan. Pero hindi ko naman sinasabing hindi maganda iyon. Ang akin lang, sobrang swerte ng mga gaya ni number eleven sa mga privilege na meron sila.

Siguro mabait sila no'ng past life nila kaya mayaman na agad sila ngayon.

"Number eleven," tawag ko habang pinapanood siyang pinagbabalat ako ng hipon. Sabi ko kanina, ako na pero birthday ko raw kasi kaya hindi raw dapat ako nagbabalat ng hipon. Hinayaan ko na lang kahit hindi ko gets iyong logic no'n.

"Hmm?"

"Ano plano mo after college?"

Saglit siyang napatingin sa 'kin pero nag-focus din ulit sa mga hipon.

"What do you mean?"

"I mean, after college, balak mo bang mag-professional volleyball? For sure, marami kukuha sa 'yo."

"I... actually don't know yet."

"Ha? Bakit hindi mo pa alam?"

Hindi muna sumagot si number eleven. Sinubo niya muna sa 'kin iyong isang hipon na nabalatan niya.

"I love volleyball but I don't think that's what I wanna do after getting my degree. But I'm not closing any doors," sabay kibit balikat niya.

Ako naman ang hindi agad nakasagot. Grabe... may iniisip pala siyang ganito. Akala ko, volleyball is life ang motto ni number eleven. Kasi ang galing niya, e. Palagi ko ngang sinasabi na ang dali lang sa kaniya ng volleyball.

Hindi ko lang inakala na maririnig ko sa kaniya na baka hindi niya i-pursue ang volleyball career niya. Sa totoo lang, hindi ko ma-imagine na wala ang isang Roen Alejo sa men's volleyball scene ng Pilipinas.

Isa siya sa future stars, e. Nakikita ko pa nga siyang captain ng national team.

Actually, gusto ko sanang maging teammates kami kung sakaling ma-invite din ako sa national team.

Ewan pero bigla akong nalungkot.

"Baby," tawag niya kaya napatingin ako sa kaniya. "What are you thinking?"

"Wala," sagot ko. "Iniisip ko lang na hindi na pala kita makikita na naka-jersey."

Natawa siya at sinubuan ulit ako ng hipon. "It's not final yet and I still have plenty of time to decide."

"Sabagay. Pero kahit ano pa iyang decision mo, support kita."

Ngumiti siya. "Thank you, baby."

"Pero kung hindi ka na magva-volleyball, ano gagawin mo? Ima-manage itong farm mo? O mag-e-engineer ka?"

"I want to be your husband," sabay kindat niya.

Tignan mo talaga itong lalaking 'to. Ang seryoso no'ng usapan tapos biglang hihirit ng nakakakilig?

Tsk. Husband daw. Ang advance masyado mag-isip ng loko. Kapag ako, nag-I do rito, ewan ko na lang.

"Ayos kasi," sabi ko pero namumula na yata iyong mukha ko. Pabiro ko ring hinampas iyong braso niya pero ano pa nga ba? Tinawanan lang ako. "Ano nga? Itong farm o engineering?"

"I think I can be an engineer while managing the farm."

"Yabang!" Sabi ko at natawa naman siya. Ginamit pang opportunity iyon para subuan naman ako ngayon ng pusit. "Pero knowing you, alam kong kaya mo nga iyon."

"What makes you think that? What if I fail?"

"Iyong 10 points na lamang nga ng kalaban, kaya mong habulin, e. Kaya alam kong kaya mo iyon."

Nakita kong namula iyong mga tenga niya kaya ako naman ang tumawa ngayon. Inasar ko siya pero inilingan lang ako. Nakakatuwa talaga kapag nakikita kong kinikilig si number eleven sa 'kin. Syempre hindi pwedeng ako lang ang kinikilig dito, 'no. Dapat siya rin.

Nagpahinga lang kami saglit pagkatapos kumain tapos ay inaya niya akong mag-harvest ng mangga. Sinamahan kami ni Kuya Aldo at tamang-tama lang daw ang dating namin kasi marami na ang hinog dahil summer season na.

Nahiya pa nga ako kasi isang basket na puno ng hinog na mangga ang binigay nila sa 'kin no'ng malaman nila kay number eleven na birthday ko.

Gusto ko nga sana bayaran kasi ang dami rin no'n pero syempre hindi pumayag ang number eleven. Kaya iyon, nag-decide na lang ako na ipapamahagi ko iyon sa buong team kasi hindi ko iyon kayang ubusin na ako lang. Alam ko, favorite din ni coach ang mangga, e.

"Ang tamis!" Sabi ko nang ipatikim nila sa 'kin iyong isa sa mga kapipitas lang.

Ngumiti si number eleven sabay kagat din do'n sa hawak kong mangga.

"Paano 'to tumamis? Dahil ba sa dyaryo na nakabalot sa mangga?"

Tumawa lang si number eleven saka niya in-explain sa 'kin iyong mga ginagawa nila rito sa farm nila. At habang nakikinig sa kaniya ay hindi ko maiwasan na ma-amaze kasi sa way ng pagpapaliwanag niya ay alam mong alam niya talaga ang sinasabi niya.

Grabe. May future nga rin talaga siya sa pagfa-farm.

Kaya naman pala nagdadalawang-isip siya ngayon kung itutuloy ba niya ang volleyball.

Pero sana ituloy niya.

Gusto ko pa siyang makitang maglaro.

Gusto ko rin siyang makalaro habang nasa iisang side kami ng court.

Imagine, ako ang re-receive ng bola na babarugin niya? Tapos may flag pa ng Philippines sa mga jersey namin?

Ay, wait. Kung nasa iisang team kami, sino ang magsusuot ng jersey number eleven?

Ibibigay ko na lang siguro sa kaniya iyon. Okay lang naman ako sa kahit anong number.

Pero iyon ay kung mai-invite din ako sa national team. Marami kasing magaling na libero ngayon. Pero kung mabibigyan ng chance, hindi ko tatanggihan ang opportunity to represent the country.

No'ng bandang 4 na ng hapon ay nag-decide na kaming umuwi kasi mahaba pa ang byahe namin pabalik ng Manila. Ililibot pa nga sana ako ni number eleven sa buong farm at sa rest house nila pero naalala niyang injured nga pala ako at hindi pa pwede sa mahabang lakaran iyong tuhod ko.

Nagpaalam kami kina Kuya Aldo at maya-maya lang din ay nasa kalsada na kami pauwi.

Kung ako lang ang masusunod, sasabihin ko rito sa isa na bukas na lang kami umuwi. Hindi pa kasi talaga siya nakakapagpahinga tapos magda-drive ulit siya ngayon ng panibago na namang 6 hours. Kaso may training daw siya bukas ng 9AM kaya nag-isip agad ako ng mga pwedeng gawin para manatiling gising para may kausap siya sa byahe.

"Did you have fun?" Tanong niya no'ng nag-red ang traffic light.

"Oo. Thank you," sagot ko nang nakangiti. "Thank you sa gift. Thank you rin sa mga mangga. Ang dami no'n."

Natawa si number eleven habang kinukuha iyong kamay ko. Pinanood ko siyang dinala iyon sa labi niya at mabilis na pinatakan ng halik.

"You're welcome, baby."

Nagpatuloy iyong mahabang byahe na smooth lang. Walang masyadong traffic pabalik ng Manila. Nagkukwentuhan lang kami ni number eleven ng mga kung anu-ano. Minsan ay sinasabayan pa namin iyong mga kanta sa radyo. Tapos matatawa kasi pipiyok iyong isa.

Okay na sana pero napalitan iyon ng kaba nang silipin ko iyong phone ko at makitang may missed calls sina mama't papa.

Kumunot ang noo ko.

Bakit sila tumawag?

At nasagot agad ang tanong ko nang sunod kong buksan ang mga messages nina Jerome, Reena, at Carlos. May pinapa-click silang link at nang puntahan ko iyon ay kumabog nang malakas ang dibdib ko.

Post iyon sa IG ng mga stolen pictures namin ni number eleven na naghahalikan.

Continue Reading

You'll Also Like

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
192K 3.4K 83
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...