Jersey Number Eleven

By xelebi

2M 80.8K 35.4K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

Epilogue 04

33.4K 1.3K 743
By xelebi

Hi! I just want to say thank you for giving my first attempt in writing a chance. I hope you enjoyed reading Jersey Number Eleven as much as I enjoyed writing it. May the story of Kai and Roen be a reminder to all of us that love is love no matter who you are as an individual. Let's always give love; celebrate pride 🌈; and spread kindness.

This is the last part of the epilogue.

Again, thank you po! :)

• 🏐 •

"Creston University's starting libero, wearing jersey number eleven, Kaizen Reyes!"

It's game day today.

Ito rin ang unang balik ko sa taraflex simula nang maka-recover ako sa ACL tear injury na nakuha ko last year. Naka-lineup ako sa buong season pero ngayon lang talaga ako pinasok ni coach dahil importanteng match ito. Ramdam na ramdam ko iyong excitement at adrenaline sa katawan ko ngayon habang nakikipag-high five sa mga teammates ko at sa coaching staff.

It's so good to be finally back on the court. Na-miss ko r-um-eceive ng bola na sana ay kaya ko pa ring gawin. Na-miss ko mag-dig ng mga malalakas na spikes. At sobrang na-miss ko ring maglaro sa harap ng maraming tao rito sa arena katulad na lang ngayon.

"Let's go Creston! Let's go!" Cheer ng mga supporters ng school namin.

Grabe... ang bilis talaga ng panahon, 'no? Sobrang tanda ko pa iyong araw na na-injure ako. Tanda ko pa nga rin iyong sakit ng tuhod ko no'n. At syempre, makakalimutan ko ba iyong confession ko rin ng araw na iyon kay number eleven? Talagang mas inuna ko pa iyon kaysa alalahanin ang tuhod ko, e.

Tapos heto na ulit ako ngayon, back in action ulit.

Hindi ko na nga halos namalayan ang mga araw, e. Pagkatapos ng Thailand trip namin ni number eleven ay naging busy na ulit kami pareho. Siya kasi, e, 4th year na niya tapos ako naman ay 3rd year ko na sa college at 3rd playing year ko na rin.

Akalain n'yo iyon? Parang dati lang, e, rookie pa lang ako ng team. Tapos ngayon, co-captain na at isa na sa mga seniors na nagli-lead at guma-guide sa mga rookies namin. Nando'n iyong pressure pero sobrang nae-enjoy ko naman.

And speaking of team, nag-participate ulit ang Creston sa off-season tournament last year. And from bronze ay naiuwi nila ang silver medal! Natalo kami against Westmore sa finals no'n pero nakita kong sobrang laki ng improvement ng team na makipagsabayan sa in-season champions. To think na iyong team A ng Westmore ang nakalaban nila, a? Si number eleven lang ang wala sa lineup nila pero ang ma-push ang game sa 5 sets against them ay malaking bagay na.

And speaking of number eleven naman, pinakilala na pala niya ako sa parents niya.

At tandang-tanda ko pa iyong kaba ko no'n na gusto ko nang ipahinto kay number eleven iyong sasakyan niya sa gitna ng kalsada para lang hindi na matuloy ang meet-and-greet ko sa parents niya.

Mas doble pa yata iyong kaba ko no'n kaysa no'ng niyaya ko siyang sumabay sa 'kin sa shower sa Thailand.

Mabuti sana kung iyong kaba ay mapapalitan ng sarap-

Hoy, Kaizen! Anong sarap?!

I mean, alaga at kalinga pala!

Mabuti sana kung pagkatapos kong makausap ang parents niya ay mapalitan iyong kaba ko ng alaga at kalinga gaya ng ginawa ni number eleven sa 'kin no'n sa Thailand pero baka ma-upgrade lang iyon sa nerbyos at palpitation ng kawawa kong puso.

"Kinakabahan talaga ako," sabi ko habang paulit-ulit na bumubuga ng hangin.

"Baby, relax," natatawang sagot naman ni number eleven, patingin-tingin sa 'kin habang nagmamaneho siya papunta sa bahay nila sa Parañaque.

"Promise, kanina ko pa tina-try mag-relax pero parang matatae na talaga ako."

Lumakas ang tawa ni number eleven. Tignan mo 'to. Tawang-tawa na naman. Ang saya, saya niya palibhasa, e, hindi man lang nakaramdam ng kaba no'ng siya ang pinapakilala ko kina mama. Sobrang feel at home pa nga niya no'n no'ng pumunta kaming Baguio at sa bahay namin siya nag-stay. Hindi man lang ako bahagian ng confidence ngayon. Tsk.

"Baby, there's nothing to be nervous about. They just want to formally meet you. That's it," malambing na sabi niya pero wala talagang effect sa 'kin.

Gusto ko nang sumigaw ng "Stop the car!"

"What if sabihin nating may LBM ako?"

"Nope," ngumisi siya.

"Or sabihin natin na may emergency ako?"

"Nope."

"Or sabihin nating nagka-wardrobe malfunction ako?"

"What?" Tumawa na naman siya.

In the end, sumuko na lang ako kasi wala talagang balak si number eleven i-postpone ang pagpapakilala niya sa 'kin sa parents niya. Pero naisip ko rin no'n, bakit ko pa ba patatagalin, e, makikilala at makikilala ko pa rin naman sila kasi sila ang parents ng boyfriend ko. Isa pa, nakakahiya rin sa kanila kasi sila mismo ang nag-invite sa 'kin ngayon doon sa bahay nila.

Kinakalma ko ang sarili nang maramdamang kinuha ni number eleven ang kamay ko saka niya hinalikan ang likod no'n. Nilingon niya ako nang nakangiti at parang magic na nag-relax ang isip at katawan ko kahit paano.

Pero bumalik din iyong kaba nang makarating na kami sa malaki nilang bahay. Alam kong mayaman sina number eleven pero... grabe. Iba pa rin pala kapag nakikita mo na sa harap mo kung gaano siya ka-rich kid.

"Baby," rinig kong tawag niya pagbaba namin ng sasakyan.

Nilapitan niya ako at hinalikan sa noo. Saglit akong napapikit dahil do'n.

"Feeling better now?" Tanong niya.

"Hindi," umiling ako at natawa. "Pero nandito na tayo, e. Ilaban ko na 'to."

Ngumiti siya.

Ilang segundo pa kaming nagtitigan doon saka ko nilipat ang tingin sa hawak kong bouquet ng bulaklak at sa basket ng fruits na hawak naman ngayon ni number eleven.

"Okay na ba itong mga dala ko? Baka may something specific na gusto ang mama mo o iyong papa mo."

"These are fine, baby."

"E, iyong hitsura ko? Hindi ba ako underdressed?"

Tinignan ko naman ang suot ko ngayon. Color white iyon na short-sleeved polo, black pants, at loafers. May suot din akong wristwatch at iyong kwintas na regalo ni number eleven.

Actually, halos pareho nga kami ng suot ngayon, e. Ang kaibahan lang ay naka-long sleeves siya na white na nakatupi iyong manggas hanggang sa siko niya. Suot niya rin iyong regalo kong kwintas.

Sobrang gwapo niya nga ngayon, e. Okay naman iyong hitsura ko no'ng last kong tingin sa salamin pero baka kasi sa sobrang kaba ko on the way rito at nahulas na agad ako. Ayoko na kapag nakita kami ng parents nitong isa ay bigla nilang maisip na hindi pala kami bagay kasi ang dungis ko tignan.

Nakita kong ngumiti ulit si number eleven.

At medyo nagulat ako nang mabilis niyang pinatakan ng halik ang labi ko.

"Baby, you look handsome today."

"Today lang?"

Natawa siya at hinalikan na naman ako.

"You always look great in my eyes."

Napailing na lang ako at natawa na rin. Ewan ko sa 'yo, number eleven.

"Let's go?" Tanong niya saka pinagsalikop ang mga kamay namin.

"Wait," sabi ko. "Kinakabahan talaga ako. Paano kung biglang... hindi na pala nila ako gusto?"

Humarap ulit sa 'kin si number eleven saka hinawakan ang pisngi ko. Tiningala ko siya ro'n na puno ng kaba pero the moment na magtama ang mga tingin namin, alam kong kakayanin ko kahit ano pa iyan.

"Just be yourself, baby. I'm very much sure that they're gonna like you even more. And remember, I'm always here for you, okay? Always."

Tumango ako at ngumiti.

At tama nga si number eleven. Wala naman pala talaga akong dapat ikakaba. Sobrang bait ng parents niya. Tuwang tuwa sila na makilala ako. At naramdaman ko agad na parang anak na rin ang turing nila sa 'kin. Sobrang nakakataba ng puso kasi tanggap nila kami. Tanggap nila ako. At higit sa lahat ay tanggap nila si number eleven at kitang-kita ko ang suporta at pagmamahal nila sa kaniya.

"Welcome to the family, Kai," sabi ng mama ni number eleven bago kami umalis. "We're so happy to finally meet the source of my son's happiness."

At ang OA ba kung gusto kong maiyak no'n mismo sa harap nila? Buti na lang talaga at napigilan ko kasi nakakahiya iyon. Pero grabe... doon ko talaga na-realize na sobrang swerte ko, namin, dahil iyong mga taong nakapaligid sa 'min ay suportado kami.

Siguro nga ay sobrang bait namin ni number eleven sa past lives namin kaya blessed kami ngayon ng mga taong nandiyan para tanggapin kami.

At sobrang grateful ako ro'n.

Sobrang nagpapasalamat ako sa parents ko, sa mga kaibigan ko, at lalo na sa pagdating ni Roen sa buhay ko.

"Westmore University's outside hitter, wearing jersey number eleven, Roen Alejo!"

Nagsigawan ang mga tao kaya sa kanila ang tingin ko habang pinapakilala ang mga players ng Westmore University. Nakakatuwa talaga kapag puno ang arena ng mga supporters either ng both teams o kahit iyong mga wala namang sinusuportahan pero avid fan ng volleyball at gusto lang manood nang live.

Nahahati ang arena sa halos dalawang kulay lang. Dark blue para sa mga supporters ng Westmore habang white naman ang para sa Creston. Jampacked ngayon dito dahil hindi lang 'to simpleng match.

It's the game 2 of the finals.

And yep, it's Creston versus Westmore in the final series!

After how many years, nakapasok ulit ang Creston sa championship game! Akalain n'yo iyon! Grabe nga, e. Sa totoo lang, hindi pa talaga nagsi-sink in sa team na naglalaro kami ngayon para sa gold medal. Sobrang laking achievement nito considering na nag-struggle talaga nang malala ang Creston no'ng preliminary rounds.

Kami ang nag-rank 4 at kinailangan naming talunin ang rank 3 na Northville nang isang beses tapos ang rank 2 na Easton nang dalawang beses para makarating sa finals against the undefeated Westmore team.

Cinderella run it is.

At doon ko lang din napatunayan na nagwo-work talaga ang pagma-manifest. Last year lang ay pinangarap kong mag-finals kami tapos heto na nga kami ngayon. Iyon nga lang, talo kami no'ng game 1 kaya do-or-die kami ngayon kundi Westmore na naman ang magcha-champion for 5 consecutive seasons.

Nagsigawan ang mga tao habang pumipwesto na kami sa court. Nakita kong tinuturo sa 'kin ni Jerome iyong screen sa itaas at pagtingala ko ay bumungad sa 'kin ang pa-split screen sa 'ming dalawa ni number eleven.

Napailing na lang ako habang nangingiti.

At nang tumingin na sa kabilang court ay nahuli ko agad ang mga mata no'ng isa, pinapanood na naman ako.

Naka-game face mode na siya.

Ang seryoso naman ng baby na iyan!

Kaya ang ginawa ko, kinindatan ko siya. At mission accomplished kasi kitang-kita ko kung paano namula iyong buong mukha niya kasabay ng pagyanig ng buong arena.

"Tama iyan, Kai, i-distract mo si Alejo!" Sigaw ni Jerome.

"What the hell, Roen?" Si Carlos naman na balik na rin sa paglalaro.

Natawa ako habang ngumunguso naman do'n si number eleven. Parang nagtatampong bata. Ang seryoso kasi ng mukha niya, e. Nakalimutan kong mabilis nga lang pala siyang pakiligin.

Pumito ang referee. Westmore ang unang magse-serve kaya nag-ready ako to receive. At gaya nga ng inaasahan namin, mabigat na jump serve agad ang pinakawalan no'ng setter nila. Nagsigawan ang mga tao pero napangisi ako nang perfect iyong receive ko.

Shit, may receive pa rin ako!

"Nice pass, Kai!" Sigaw ni coach sa sideline.

"Patayin n'yo!" Sigaw ko.

Halos hindi na gumalaw si Jerome para sa second ball at mabilis na combination play agad ang ginawa niya. Pero na-deflect ng Westmore ang palo ni Drew!

Pumosisyon agad ako para sa depensa. Malinis na naihatid ng libero nila iyong bola sa setter at kanino pa nga ba niya iyon ibibigay? Syempre ro'n sa ace spiker nilang si number eleven.

Nagsigawan ulit ang mga tao no'ng nasa ere na siya. Ito rin talaga ang mahirap kapag siya papalo, e. Mataas na tumalon tapos may hang time pa sa ere. Hindi ko tuloy agad mabasa kung saan niya dadalhin iyong bola. Kung magda-down the line ba siya o magko-crosscourt o biglang magda-dropball.

At napangisi ulit ako nang mag-crosscourt siya at tinayuan ko lang iyong palo niya.

Shit, ang satisfying talaga kapag napuputo ko siya!

Well, sorry, pero walang baby, baby rito number eleven.

Nag-cheer ang supporters ng Creston dahil do'n. Excellent dig ang nagawa ko at sakto ulit ang punta ng bola kay Jerome na mabilis s-in-et ang bola kay Kiko for a B-quick. And boom! First point of the match goes to Creston University!

"Nice one!" Sabi ko nang i-celebrate namin iyong point.

Iyon nga lang, parang gusto ko nang bawiin iyong walang baby, baby sa game. Iyong boyfriend ko, iyon, kinakarne na kami. Nagpapagpag na ng jersey niya. Yabang talaga nito minsan, e.

Pero nawala iyong angas niya nang muntik niya akong ma-facial hit ulit no'ng umpisa ng set 2. And to be honest, kinabahan talaga ako ro'n. Akala ko ay mabubungi na ako pero buti na lang ay naiwasan ko agad iyong bola.

Nakita ko rin iyong takot sa mukha ni number eleven pero sumenyas lang ako sa kaniya na okay lang ako. Pero mukhang siya pa yata iyong mas kinabahan kasi hindi na talaga niya sa 'kin dinala iyong mga palo niya. Wala tuloy akong chance na ma-dig siya.

Nagpatuloy iyong game na hindi namin malamangan sa score ang Westmore. Pero makikita mo sa mga mukha ng teammates ko na hindi sila stressed. Ine-enjoy na lang kahit pa no'ng dumating na sina number eleven sa championship point.

At gano'n din naman ako.

No'ng huli naming timeout ay sinabi ko na lang sa kanila na kahit anong maging resulta ng final series na 'to, sobrang proud ko kasi nilaban talaga ng team ang season.

Imagine, rank 4 kami pagkatapos ng prelims pero nakaabot pa rin kami sa finals.

Hindi naman sa pagiging negative at sumusuko na kami agad pero sadyang mas malakas talaga sa 'min ngayon ang kalaban. Hindi pa siguro talaga namin time para mag-champion pero alam kong darating din kami ro'n. Sabi ko nga sa kanila, may next year pa para kunin namin ang gold medal. Hangga't may playing year ako, kami, ilalaban namin ang Creston University.

Sa ngayon, papalakpak muna kami sa success ng iba.

Pero alam kong darating din iyong time na kami naman ang papalakpakan.

Kung hindi rito sa collegiate level, baka sa professional level, 'di ba? Basta, laban lang nang laban.

"Congratulations," sabi ko kay number eleven isang linggo pagkatapos ng championship game.

Nandito kami ngayon sa condo niya. Pareho pang pagod galing sa mga byahe namin. Galing siya sa Bali kasi ro'n sila nag-celebrate ng victory party nila. Ako naman ay galing sa Hong Kong kasi nagpa-Disneyland si team manager para sa silver medal namin.

Nakasandal ako ngayon sa dibdib niya habang siya naman ay pinaglalaruan ang mga daliri ko. Pareho kaming hubad ngayon sa ilalim ng kumot dito sa kama sa kwarto niya.

Akala ko, mag-uusap lang kami, e...

Partida, pagod pa si number eleven sa byahe pero nakuha pang... ewan. Volleyball player nga siya. Ang taas ng stamina, e. Na-miss niya raw kasi ako. Miss ko rin naman siya pero hindi ko in-expect na... iyon nga.

Mas lalo tuloy kaming pagod ngayon.

Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan.

"Thank you, baby," namamaos pa ang boses niya.

"Grabe ka na. Hakot award. 5-peat champion ang Westmore. MVP ka ulit. Best Outside Hitter pa. Tapos shoo-in ka na rin agad sa national team. Good luck sa SEA games. Galingan n'yo ha?"

Naramdaman kong niyakap niya ako saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Baby," tawag niya, hindi pinansin iyong mga sinabi ko.

"Hm?"

"You didn't know yet?"

"Ang alin?"

"Your coach didn't tell you?"

Kumunot ang noo ko at napaayos ng upo saka nilingon si number eleven na tamad lang na nakahiga ro'n. Namumungay pa ang mga mata at gulo ang buhok. Hindi rin nakatakas sa 'kin ang pulang marka sa leeg niya pero hindi ko muna iyon pinansin.

"Si coach? Bakit? Anong meron?"

"So, he wants me to deliver the good news to you instead of him," bulong niya at umayos na rin siya ng upo at humarap sa 'kin. Tanaw na tanaw ko iyong malapad niyang dibdib pati na rin iyong abs niya.

"Uy, ano iyon? Nakakakaba naman iyan."

Natawa siya. "Congratulations, baby."

"Ha?"

"You're also part of the national team."

"Ha?!"

Mas lalong natawa si number eleven saka ako hinila para yakapin. Nag-congratulate ulit siya sa 'kin pero hindi na yata gumana iyong utak ko. Walang nagsi-sink in sa 'kin! Ano raw ang sabi niya?

Ako? Part ng ano? National team?

"Hindi nga?" Tanong ko ulit sa kaniya nang humiwalay ako sa yakap niya.

"Yes, baby," sabay halik sa tungki ng ilong ko. "Finally, we're teammates, huh?"

Ewan ko pero naiyak na ako ro'n. Tumawa si number eleven saka ako hinila ulit para yakapin. Grabe... hindi ko iyon in-expect! Ako? Kasali sa national team? Isa sa mga libero na magre-represent sa Pilipinas? Re-receive ng bola na papaluin ni number eleven? Si number eleven na kakampi ko na?

Shit... hindi ako makapaniwala.

Pangarap ko lang 'to dati tapos ngayon ay totoo na. Thank you po, Lord.

"I'm so proud of you," bulong niya. "I know you're gonna do well. But I have a question, though."

Humiwalay ako sa yakap niya at pinunasan naman agad ni number eleven iyong mga luha sa pisngi ko. Pagkatapos ay malambing niya akong tinignan.

"Ano iyon?" Tanong ko.

"Since we're teammates now in the national team, who's gonna wear jersey number eleven?"

Umawang ang labi ko pero unti-unti ring napangiti. Imbes na sagutin agad siya ay gumalaw ako para maupo sa kandungan niya. At hindi na naalis ang ngiti ko nang makitang namumungay na naman ang mga mata niya habang pinapanood ang bawat galaw ko.

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat habang titig na titig sa kaniya. Tiningala naman niya ako at unti-unti ko siyang naramdaman sa ilalim.

"Ikaw," napapaos na sagot ko saka siya pinatakan ng halik sa labi. "Ikaw palagi si number eleven, Roen."

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 230 47
𝗩𝗜𝗥𝗧𝗨𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧𝗕𝗘𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1/9
Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
9.2K 342 115
I'amore Dello Scrittore Epistolary Series #5 The writer's twisted words of love.