FALLEN INTO YOUR LOOK (ESCUDE...

By BinibiningNadya_25

1.2K 128 11

Matthew Cyriel Escudero wass probably the most handsome in their town, apart from being smart, there are also... More

DISCLAIMER
WARNING ⚠️
Prologue
CHAPTER 1 (Standee) ⚠️⚠️
CHAPTER 2 ( Order )⚠️⚠️
CHAPTER 3 (The office of Governor) ⚠️⚠️
CHAPTER 4 ⚠️WARNING⚠️
CHAPTER 6 ⚠️WARNING⚠️
CHAPTER 7 ⚠️WARNING⚠️
CHAPTER 8 ⚠️WARNING⚠️

CHAPTER 5 ⚠️WARNING⚠️

72 8 1
By BinibiningNadya_25



Pagpasok sa kwarto ko ay agad akong nahiga. Medyo napagod din ako, kahit puro gala lang kami. Nakakapagod kaya gumala noh.



Minsan napapaisip ako, bakit kailangan akong i-arrange ni Dad sa Governor na yun. Kaya ba ayaw niya na magka boyfriend ako? Nagagalit siya tuwing nalalaman niya na may Jowa ako?

Speaking of Jowa, tumatawag siya ngayon. Nakalimutan ko pala makipag break sa kaniya. Haysss!


Napairap naman ako, bago sinagot ang tawag niya.


"Yes?"


"Why didn't you even picked up my calls?!"- tanong nito na parang naiirita. Tss. Napa check ako sa phone ko, marami pala siyang missed calls. What ever!


"So? Let's break up!"-matapang na turan ko.


"What? No! Don't do this to me!"

"Stop calling me again, were done."


"You can't do this to me, Sandra! Ple---"

*tooot tooottttt*

I hang up the call at in-off na rin ito.

Bawas sa problema, sabi niya pasisikatin niya ko pero hindi naman nangyari. Isa siyang talent manager ng ilang artista tapos jinojowa pa niya yung mga artista niya, feeling gwapo eh. Tapos konti lang nakakakilala sakin hanggang ngayon! Wala naman nangyari sa paggamit ko sa kaniya. Kaya kailangan ko pa ang pera ni dad para mabuhay! Hayssttt!

So, sino naman kaya ang pwedeng gamitin para sumikat na ako ng tuluyan?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang laptop ko. Nagsearch ako about kay Gov.


Konti lang pictures niya. Woahhh! Really? Meron siyang 5 Million Followers sa IG? Samantalang yung sakin, 100k thousand lang. Ganoon ba siya kakilala bilang politician? Haysst! Wala man lang mga selfie niya ang naka post, puro lang kapag nasa isang event siya.



Artista ba ito? Para kasing nasa fashion show event siya lagi, minsan nasa ibang bansa ang location.


Nagbasa naman ako ng ibang article tungkol sa kaniya.

Model? Really? Kaya pala puro ganun ang post niya sa IG, model din pala siya tulad ko. Haysssttt! Kakainis naman siya,pero bakit hindi ko siya kilala, ibig sabihin hindi siya ganun kasikat para makilala ko.


Tiniklop ko na ang laptop at nahiga na ulit sa kama.


Nakakainis ka namang lalaki ka! Eh ako kaya, kilala niya kaya bilang model din? Model endorser kaya ako ng mga makeups, expensive clothes, shoes at iba pa.


Pero bakit hindi madami followers ko?


Tanungin ko kaya si Dad kung bakit, gusto niyang maikasal ako sa ... ano bang name non? Matthew Cyriel? Yan tama!



Kinabukasan.


Naglalakad ako patungong kusina ng may narinig ako mahinang nag uusap sa may Dinning area. Kaya medyo lumapit ako sa may pinto para marinig kung ano ang pinag uusapan nila.


"So, yun pala ang dahilan kaya gusto mo silang makasal?"-boses ni Mama Meghan. Huh?


"Yes."-boses ni Dad.



"Ano bang plano mo? Pareho nilang ayaw na matuloy ang kasal."-Mama Meghan


Hindi ko na pala kailangan magtanong, tsismisan pa lang nila malalaman ko na.


"Pagkatapos ng termino ko, ebebenta ko na ang lahat na ari- arian ko rito at sa States na lamang kami maninirahan. Medyo tumatanda na rin ako.

States? Nandoon si Ate, ayoko doon. Napaka maldita ng ate ko, tapos siya lang palagi kinakampihan ni Daddy tuwing nag aaway kami. Ayoko!



Ang tanging kakampi ko lang noon ang nag iisang tao na nagmamahal sakin, siya ang tumuturing sakin bilang kadugo niya pero kinuha agad siya sa akin ni Lord.



"Mas mabuti na yun, kaysa sa maghirap kami ng anak ko. Ang Escudero lang ang pag asa namin para magpatuloy ang nasimulan ng Lolo ko noon."- rinig kong boses ni Dad na halatang malungkot.



Matagal ng nagseserbisyo sa bayan ang lolo ni Dad, hanggang sa minana ito ng Dad niya at ngayon minana niya. Tapos gusto niyang si Matthew magpatuloy non? Pero dapat magiging asawa ako ni Matthew? Huhuhu.



Alam ko nakakalungkot para kay Dad ang mawala sa kaniya ang lahat, pero paano naman ako? Gusto kong maging single habang buhay! Huhuhu!


CAPITOL


Nasa harap ako ngayon ng Kapitolyo, ewan ko kung ano ba ang naiisipan ko para pumunta dito.



Nagpahatid ako rito kay Manong, pero pinauwi ko na siya dahil kaya ko naman umuwi ng mag isa. Hindi ko ma rin sinama si Marga, dahil gusto ko makausap si Mr. Polo na kami lang.


Natanaw ko naman yung alalay niya na nasa parking area, kaya agad kong linapitan ito.


"Annyeong."-bati ko rito at kumaway kaway pa habang naka fake smile. Napakunot naman ang noo niya na tumititig sa akin. "Wae?"

Napakamot naman ito sa ulo niya na parang naguguluhan.


"Alien po ba kayo maam?"-tanong pa nito. Medyo nanlaki naman ang mata ko at napatakip pa ng bibig ng marealize iba palang lenggwahe ang gamit ko. Tskk! Nahawaan kasi ako ni Marga na mahilig sa Kdrama na super unrealistic haysss!


"Hahaha! Sorry, i mean. Gusto kong makausap si Matthew, nasa office ba siya?"-tanong ko rito.


"Wala po siya sa office, may pinuntahan siya sandali. Bakit ho?"-tanong nito.


"Sabi niya kasi pumunta ako rito, dahil may pupuntahan kami."-pagsisinungaling ko. Baka sabihin ng lalaking ito, kung may appointment ba ako or wala. "Pero saan ba siya pumunta? Pupuntahan ko na lang siya doon."-saad ko na todo ngiti sa kaniya.



"Mabuti pa ho, sumama kayo sakin. Susunduin ko na siya doon."-sabi pa nito na todo ngiti sakin at pinag buksan ako ng pinto sa backseat ng sasakyan. Agad naman akong sumakay, ang bilis pala mauto ng alalay niya. Sa bagay, kilala niya naman siguro ako diba? Ang bumangga sa akin ay sasagasaan ko.


Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang magtanong rito.



"Saan ba siya nagpunta? Wala ba siyang kasamang alalay or body guards?"-tanong ko.



"Binisita niya po ang lola niya, ayaw niya ng kasama tuwing bibisita roon eh. Kaya hinahatid ko na lang siya tapos susunduin pagkatapos."-sagot nito na habang nakangiti, pansin ko palangiti ang assistant niya pero yung Governor palaging poker face. Nakapagtataka naman kung paano siya nanalo bilang Governor eh.


Kalahating oras ang nakalipas, hininto niya ang sasakyan sa isang memorial Park.

Teka, ano namang ginagawa niya rito? Ibig sabihin ba, dinalaw niya ang Lola niyang namayapa na?



"Baba na po kayo maam, dito ko na lang po kayo aantayin."-rinig kong boses nito na pinagbuksan na pala ako ng pinto ng sasakyan.



Bumaba na ako at naglakad papasok ng memorial Park. Madali lang naman siyang mahahanapa kung sakali. Habang naglalakad ay nagtitingin tingin ako sa mga museum kung may tao ba or wala. Hanggang sa matanaw ko ang isang museum na nakabukas at may tao nga doon na nakatalikod nalalaki.



Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng Museum. Dalawa ang nakalibing sa loob non, habang si Matthew ay nakatayo lang.



"Anong ginagawa mo rito?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat. Nakakainis naman ang lalaking ito! Hindi ko namam siya nakitang lumingon pero nakikita niya ang nasa likod niya. May third eye ba siya?



"Tinatanong kita?!"-iritableng boses nito at nakaharap na sa akin. Medyo napaurong naman ako sa may gate ng museum ng lola niya.



"Ano kasi....."

"What?!"


Hayss, paano ko ba sasabihin sa kaniya ang gusto kong sabihin. Bwesit naman!


"Hindi ka ba magsasalita?"-nakataas ang isang kilay nito. Paano ba kasi? Naglakad ito palabas ng museum kaya sumunod ako. Sinara niya at pinadlock ang gate at saka ito nagpatuloy sa paglalakad.



"Matt...."-pagtawag ko sa pangalan niya. Sandali itong napahinto sa paglalakad pero hindi lumingon sa akin.


"Let's get M-married."-diretsang saad ko, na halos nahirapan pa akong huminga dahil sa sobrang kaba.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 148K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
222K 10.6K 49
"သက်ထက်မြိုင်" စံအိမ်ကြီးရဲ့သခင်လေး အသက်၁၅ နှစ်အရွယ် မာန်ဆက်နောင်ကို ဆိုးလွန်းလို့ ထိန်းကျောင်းရန်အတွက် ရေးစစ်သွင်ဆိုတဲ့အထိန်းတော် တစ်ယောက် ရောက်ရှိလ...
207K 14.7K 19
"YOU ARE MINE TO KEEP OR TO KILL" ~~~ Kiaan and Izna are like completely two different poles. They both belong to two different RIVAL FAMILIES. It's...
3.1M 254K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...