Jersey Number Eleven

De xelebi

2M 81K 35.7K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. Mais

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

45

32.2K 1.1K 154
De xelebi

• 🏐 •

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba akong injured ako ngayon kaya hindi ako makakauwi sa Baguio. Nakalimutan yata ni mama na nagpapagaling ako kasi grabe iyong pagpipilit niya na dalhin ko raw iyong ate ni number eleven sa bahay para makilala niya.

Sa totoo lang, nalungkot ako ro'n.

Ayoko masyadong isipin pero... mukha talagang hindi kami matatanggap ni mama kung sakaling ipapakilala ko si number eleven bilang boyfriend ko.

Kasi tignan mo naman iyong naging reaksyon niya no'ng kumalat ang video edit namin ni Carlos versus sa video namin no'ng ate ni number eleven. Tinadtad niya ako ng tanong do'n sa una tapos itong pangalawa ay kulang na lang, e, magpadala siya ng bus sa dorm para lang dalhin ko ro'n si Ate Rian.

Kahit hindi niya sabihin, alam kong babae ang gusto niya para sa unico hijo niya.

Gets ko naman iyon. Pero... may masama ba kung sa lalaki ako magkagusto? Hindi ba pwede na may possibility talaga ang tao na magkagusto sa kahit na sino kahit pa ano iyong gender ng taong iyon?

Paano kung doon ka masaya, 'di ba?

Paano kung sabihin ko sa kanila na masaya ako kapag kausap at kasama ko si number eleven?

Sapat na bang dahilan iyon para tanggapin nila kami? O baka iyon ang magiging dahilan kung bakit hindi na ako makakabalik ng Baguio? Ang OA pero pwede kasing mangyari iyon kahit may malaking part sa 'kin na confident na hindi ako palalayasin ni mama.

Kasi kung itatakwil nila ako, wala na silang anak, 'no.

Iyan kasi. Hindi ako ginawan ng kapatid. Kaya wala silang choice kundi tanggapin ako.

Pero what if palayasin nga ako?

Shit... hindi ko na alam talaga. Iiyak na lang siguro ako kasi sa totoo lang, wala pa talaga akong plano just in case hindi namin makuha ang approval ng parents ko.

Basta ang alam ko lang, ilalaban ko si number eleven.

"Baby..." tawag ni number eleven.

Wala sa sarili akong lumingon sa kaniya. Sunday na at tapos na rin ang hell week sa Creston kaya nagkaro'n na kami ng time na magkita. Sobrang busy kasi talaga ng week na 'to. Ang daming nangyari. Bukod sa final exams at rehab sessions ko, e, dumagdag pa nga rin iyong tungkol sa video namin ng kapatid nitong isa.

Na kung hindi lang bini-big deal ni mama, e, wala lang naman sa 'kin ang mga gano'n.

And speaking of Ate Rian, well, iyon daw ang itawag ko sa kaniya, pagkatapos nilang magbangayan na magkapatid ay umalis din siya agad. Hindi na siya nanood ng game. Ako naman daw talaga ang pakay niya ng araw na iyon.

At aaminin ko, kinilig ako no'ng sabihin niya na gusto niya raw ako at masaya raw siya para sa 'min ng kapatid niya. Na nilu-look forward niya raw ang official meeting ko sa kanila kasama ang parents nila.

Oo, sinabi ni number eleven na approved kami sa pamilya niya pero iba pa rin pala talaga kapag narinig mo iyon mismo galing sa kanila.

Ang sarap lang sa feeling na alam mong tanggap ka... na tanggap nila ako... kaming dalawa ni number eleven.

Kaya nakakalungkot talaga na baka hindi gano'n pagdating naman sa pamilya ko.

"Bakit?" Tanong ko.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop dito sa Tagaytay. Katatapos lang naming mag-lunch at nagpapababa na lang ng kinain gamit ang kape. At dahil Westmore naman ang may hell week next week, e, dinala rin ni number eleven iyong mga reviewers niya para makapag-aral na rin.

"What are you thinking?" Tanong niya rin pabalik. Binaba pa niya iyong libro na binabasa at nasa 'kin na ang buong atensyon.

"Ha?"

"You seem distracted."

Napakurap ako. "Talaga ba?"

Napatingin ako sa hawak kong phone. Tapos na pala iyong pinapanood kong video ng latest game ng Creston versus Easton kung saan natalo kami. Iyon ang pinagkaabalahan ko para hindi ko maistorbo itong isa habang nag-aaral siya.

"Care to share your thoughts? Hmm?"

Tinignan ko si number eleven saka kinuha iyong iced coffee kong coffee na lang kasi tunaw na iyong ice. Buti na lang talaga at hindi na siya badtrip. Actually, hindi ko nga alam kung matatawa o maaawa ba ako rito sa boyfriend ko na 'to.

Paano ba naman kasi, no'ng lumabas iyong video edit namin ng kapatid niya, hindi ko talaga siya makausap nang maayos. Nagpa-gwapo pa naman daw kasi siya tapos iyong kapatid lang daw pala niya ang makakasama ko sa video. Umasa pa naman daw siya na by the end of that day, e, may issue na kaming dalawa.

Buti na lang at nasuyo ko.

Isang sinigang lang after ng game nila at okay na ulit siya.

"Wala... iniisip ko lang iyong mga sagot ko sa exams."

Hindi ko sasabihin sa kaniya iyong tungkol kina mama. Saka na kapag nakausap ko na. Baka kasi isipin pa ni number eleven ang tungkol do'n. Hindi pwede lalo na't finals week na nila tapos ongoing pa iyong season.

Magsasalita na sana si number eleven nang pareho kaming mapatingin sa phone kong umilaw. At bigla akong kinabahan nang makita ro'n na nagre-request ng video call si papa.

"Go ahead. Answer it," sabi ni number eleven.

"Okay lang ba? Nagre-review ka, e."

"It's okay, baby. Study break," sabay inom niya sa matcha latte niya.

Kinuha niya rin iyong isa kong kamay at dinala iyon sa hita niya saka pinaglaruan iyong mga daliri ko.

Tumango ako at huminga nang malalim bago sagutin iyong tawag ni papa. Napaisip pa nga ako kung akong oras na ba ngayon sa Canada at bakit napatawag siya. At parang gusto ko agad putulin iyong call nang maisip na baka may kinwento na sa kaniya ang mama. Halos araw-araw pa naman sila magka-video call.

"Hello, 'nak," bungad ng nakangiting si papa. Naka-hoodie at mukhang nasa apartment niya lang siya.

Ngumiti rin ako. "Hello po, pa. Kumusta kayo? Wala po kayong pasok?"

"Rest day ko ngayon," sagot niya. "Ikaw? Kumusta ang rehab? Sumusunod ka ba sa therapist n'yo?"

"Okay naman po. Nailalakad ko na po iyong tuhod ko."

"Mabuti naman. Palagi kang susunod sa mga coaches mo ha? H'wag pasaway."

Tumango ako at saglit na tinapunan ng tingin si number eleven. Nakaupo pa rin naman siya rito sa tabi ko. Nagkakalikot sa phone niya habang hinihilot hilot na iyong palad ko.

Pasimple kong inikot ng tingin ang paligid. Wala masyadong tao dito sa napili naming coffee shop kahit Sunday. Iyong pinakamalapit sa 'min ay mag-asawa yata pero may sarili silang mundo. Buti na lang kasi kung may makakita sa 'min ngayon ay baka isiping PDA kami masyado.

OA mo, Kaizen. PDA agad? Pinaglalaruan lang iyong mga daliri mo, e. Akala mo naman, nagpapalitan na kayo ng mukha ng number eleven mo.

Muntik na akong umirap. Umeepal na naman kasi itong utak ko. Sa harap talaga ng tatay ko ako nag-iisip ng mga gano'n? Parang gago naman.

"Nasaan ka nga pala?" Tanong ni papa.

"Uh, dito po sa Tagaytay."

"Oh? Sino kasama mo riyan?"

Doon ko napatunayan na nakikinig pala si number eleven kasi mabilis siyang lumingon sa 'kin. Nagkatinginan kami at bigla akong na-pressure kung anong isasagot kay papa.

Shit, anong sasabihin ko?

Teammate? Kaibigan?

Tsk. Grabeng teammate at kaibigan naman iyan. May teammates at magkaibigan bang naghahalikan?

Pero hindi nga? Teammate talaga, Kai? Magsisinungaling ka sa harap ng tatay at boyfriend mo? At paano kung baligtad ang sitwasyon? Paano kung teammate lang ang pakilala sa 'yo ni number eleven? Baka ikaw naman ang magpasuyo?

Ano na, Kaizen?

Huminga ako nang malalim. Ito na ba iyong time para umamin? Ipapakilala ko na ba si number eleven? Mas understanding ang papa ko kaysa kay mama pero paano kung magalit siya? Paano kung awayin niya itong isa?

"Uhm, bakit po pala kayo napatawag?"

Buti na lang talaga ay pinanganak ako na mabilis makaisip ng palusot. Ginawa ko ang best ko para magmukhang chill lang sa harap ni papa kahit sobrang nagpa-panic na ako.

Don't get me wrong. Hindi sa ayaw kong ipakilala si number eleven pero gusto ko munang makausap sina mama't papa tungkol do'n. At gagawin ko iyon pagkatapos na ng season at kapag nakauwi na ako sa Baguio.

Hindi lang naman kasi ang relasyon namin ni number eleven ang sasabihin ko kundi pati na rin iyong tungkol sa gender identity ko.

At alam kong mabigat ang topic na iyon sa kanila kaya kailangan ko ring i-ready ang sarili ko.

"Ah! Itong mama mo kasi," sagot ni papa na malaki ang ngiti. "Ang sabi niya, may girlfriend ka na raw?"

Tsk. Sabi na nga ba.

Saglit kong tinignan si number eleven na naka-focus na ulit sa pagbabasa pero hawak pa rin ang kamay ko. So, tapos na iyong study break niya?

"Totoo ba iyon, 'nak? Hindi mo pa raw pinapakilala-"

"Hindi ko po girlfriend iyon, pa," putol ko agad sa kaniya. "Wala po akong girlfriend."

Boyfriend po ang meron ako.

Natigilan si papa. "Sino pala iyon?"

"Uhm," tumikhim ako. "Kaibigan ko lang po."

"Hindi mo nililigawan?"

Naramdaman kong tumigil sa pagpisil ng kamay ko si number eleven. Tumingin ako sa kaniya at naabutan ko siyang nakanguso ro'n.

Shit... suyuin si Roen part 2 is coming.

"Hindi po. Wala po akong nililigawan."

"Bakit? Maganda siya, 'nak. Nakita ko ro'n sa video na s-in-end ng mama mo-"

"Pa," putol ko ulit sa kaniya. "Hindi nga po."

Natigilan sandali si papa. Na-guilty naman ako agad pero kasi naman... pati ba naman sila ni mama ay naniwala agad sa video na iyon? Pinanood ko rin naman iyon pero magkatabi lang naman kami ng ate ni number eleven habang nag-uusap. Anong meron do'n? Normal lang naman iyon, 'di ba? Kapag ba may nakita kang babae at lalaki na magkatabi sa audience, mag-boyfriend/girlfriend na agad?

Ano, nadala ba sila sa background music na ginamit do'n sa video? Sa filter? Sa mga heart emoji?

At bakit ba kasi ako ang bunot sa mga gano'n nitong mga nakaraang araw? Mukha ba akong naghahanap ng lovelife sa paningin ng iba?

E, paano ba iyan? Nahanap ko na.

Natapos ang tawag na pinaalalahanan lang ako ni papa na mag-ingat at palaging aalagaan ang sarili. Sinagot ko naman siya na miss ko na siya at hindi na ako makapaghintay ng pag-uwi niya next year.

Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko pagkatapos ng tawag na iyon. Wala naman kaming masyadong pinag-usapan ni papa pero iyong fact na nandito lang sa tabi ko si number eleven habang hinahanapan ako ng tatay ko ng girlfriend ay nakaka-drain ng energy.

Tapos idagdag pa na ang tahimik nitong katabi ko.

Nilingon ko si number eleven. Hindi na siya nakanguso. Hindi rin naman nakasimangot o salubong ang mga kilay. Mukha pa nga siyang kalmado lang, e. Wala pa rin ngang tigil sa paglalaro sa kamay ko.

Tsk. Ang sabi ko pa naman, e, hindi ko babanggitin sa kaniya ang tungkol sa issue ko ngayon sa parents ko pero heto, nalaman din naman niya.

"Number eleven," tawag ko sa kaniya.

Nilingon niya ako. "Yes, baby?"

Pinakiramdaman ko iyong tono ng boses niya. Hindi siya tunog nagtatampo pero ewan ko. Nagi-guilty kasi talaga ako.

I mean, nando'n na iyong opportunity na ipakilala ko siya kay papa, e. Kaunting layo ko lang ng phone ko ay kita na rin si number eleven sa video call. Isang "Pa, boyfriend ko nga pala" lang pero hindi ko pa magawa.

Hindi muna ako sumagot agad. Kinuha ko iyong kamay niya saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Nakita kong umawang ang labi niya at namula agad ang mga tenga habang tinitignan iyon.

Pagkatapos ay sinandal ko ang ulo ko sa malapad niyang balikat.

Huminga ulit ako nang malalim saka pumikit.

Hindi naman ito iyong first time na isandal ko iyong ulo ko sa balikat niya pero kada gagawin ko ay sobra talaga akong nare-relax. Para bang ang gaan na ulit lahat.

Tapos idagdag pa iyong mga kamay naming malaki ang size difference pero kahit na gano'n ay para bang ginawa talaga para sa isa't isa.

"Sorry," sabi ko.

"Hmm... for what?"

"Kasi hindi kita pinakilala kay papa kanina."

Naramdaman kong huminga siya nang malalim. "It's alright."

"Hindi iyon alright. Sasabihin ko lang naman na ikaw ang kasama ko rito pero hindi ko nagawa."

Narinig kong mahina siyang natawa. "Baby, remember what I told you before? I'll say it again, okay? We'll take this slow. There's no need to rush. If you're not ready yet, it's totally fine. I'm not going anywhere and I could wait. I will always wait for you."

Napapikit ako nang maramdaman ang labi niya sa tuktok ng ulo ko.

"But, god, I really hate my sister," dagdag niya.

Napaayos ako ng upo saka pabirong hinampas iyong hita niya. "Ang sama mo sa ate mo."

"Uunahan pa niya ako. Tss," at napa-Tagalog na nga. "We should really work on that Tiktok video, baby. I'm so tired of people-"

Natigilan nga lang siya nang bigla ko siyang halikan sa labi.

"Ingay. Mag-review ka na ulit," sabi ko nang natatawa.

Iyon nga lang, nagsisi ako agad sa ginawa ko kasi hindi na nag-review si number eleven. Nakalimutan niya yatang nasa public place kami kasi pinapak na ako ng halik.

Continue lendo

Você também vai gostar

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
2.6K 230 47
𝗩𝗜𝗥𝗧𝗨𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧𝗕𝗘𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1/9
797K 27.1K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...