Jersey Number Eleven

By xelebi

2.1M 81.6K 36.2K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

44

34.2K 1.2K 794
By xelebi

• 🏐 •

Nagsimula sa panalo ang Creston sa round 2 ng elimination round. Currently rank 2 kami sa team standing with 7 wins and 1 loss. Westmore ang rank 1 na wala pang talo habang rank 3 naman ang Easton win 2 losses.

Syempre sobrang saya ng team kasi kung magiging consistent kami hanggang matapos ang round 2, mataas ang chances namin na makakuha ng twice-to-beat advantage going into the next round. Pero syempre, alam din ng team na kailangang pagtrabahuhan iyon.

Hindi madali lalo na ngayong nakapag-adjust na panigurado ang lahat ng teams. Nasa amin ang momentum pero hindi naman palaging pabor sa Creston sa lahat ng pagkakataon.

Kaya kahit hindi naman ako maglalaro, e, kinakabahan na ako ngayon pa lang kasi Easton na ang next na kalaban namin. For sure, babawi ang mga iyon kasi tinalo namin sila no'ng round 1.

Na-injure pa nga ako no'n, e.

And speaking of injury, so far, so good naman ang rehab sessions ko. Naigagalaw ko na nang medyo mabilis iyong tuhod ko kaya kahit paano ay nailalakad ko na siya. Buti na lang talaga at magaling at matiyaga sa 'kin iyong PT namin.

"Hi, baby," bati ni number eleven nang sunduin niya ako sa dorm ng araw na iyon.

The battle between Creston and Easton has finally arrived. Unang araw rin ngayon ng finals week sa Creston pero dahil wala naman akong pasok at nakapag-review na ako nang malala ay nag-decide akong manood nang live. Important game pa naman 'to kaya susuportahan ko ang team. Kapag nanalo kami, malaking boost iyon para sa final 4 campaign namin. Pero kapag nanalo ang Easton, fifty-fifty ang magiging chance namin para sa twice-to-beat advantage.

Mahirap sila talunin pero gaya nga ng palagi kong sinasabi, bilog ang bola.

At dahil wala ring pasok ngayon si number eleven ay sasamahan niya akong manood. Sabi pa nga niya, hitting two birds with one stone daw ang maa-achieve niya.

Bukod sa hindi raw niya papayagan na tumabi sa 'kin si Carlos just in case manood iyong isa, e, malaki na raw ang chance naming magawan ng Tiktok edit kasi magkatabi na kami kapag tinutukan ng camera.

Natatawa na lang talaga ako sa isang 'to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinusukuan ang video agenda niya.

Dito ko siya hinintay sa lobby ng dorm. Dahan-dahan akong tumayo pagkapasok niya at mabilis naman niya akong inalalayan.

"Thank you," sabi ko nang abutan niya ako ng iced coffee. Naks. May pa-kape si sir. "Ang bango naman," sabi ko pa nang maamoy ang pamilyar niyang pabango.

Ngumiti siya nang mayabang. "I'm always mabango."

Napailing na lang ako at hindi na ginatungan ang kahambugan niya. Well, hindi rin naman kayabangan iyon kasi totoo naman na palagi nga siyang mabango.

Kahit pawis na pawis nga iyan sa court, mukhang amoy baby powder pa rin.

Tapos ang gwapo niya nga rin ngayon, e. I mean, gwapo naman talaga siya palagi pero mas nae-enhance pa iyong looks niya sa kung paano siya manamit. Bagay na bagay sa kaniya iyong suot niya ngayon na black oversized shirt, cargo pants, at white sneakers. Nakababa rin iyong buhok niya kaya may kaunti siyang bangs.

Ang unfair talaga. Kapag ako ang nagsuot ng oversized shirt, mukhang pantulog sa 'kin. Kapag ako nag-bangs, mukhang bao naman.

Napatingin tuloy ako sa suot ko ngayon. Nag-white shirt ako para syempre support sa Creston. Tapos washed denim jeans at Converse. May dala rin akong maliit na sling bag lagayan ng phone at wallet ko.

Hindi naman siguro ako mukhang madungis kapag itatabi ako sa kaniya, 'no?

Pero iba kasi talaga ang number eleven. Parang may dalang ringlight palagi.

"Number eleven," tawag ko sa kaniya no'ng nasa daan na kami papuntang arena.

"Hmm?" Saglit niya akong nilingon.

"Ang gwapo mo."

Natawa ako nang makitang unti-unti siyang mamula. Nagsimula sa tenga hanggang sa kumalat sa buong mukha niya. Kinikilig na naman 'to for sure.

"Bagay sa 'yo gupit mo," dagdag ko.

"Uh, thank you."

"Buhay pa gumupit sa 'yo?"

Kumunot iyong noo niya at saglit ulit akong nilingon. Kinagat ko iyong dila ko. Oo nga pala. Nakalimutan kong laki sa aircon nga pala siya kaya aircon jokes lang din ang nage-gets niya.

"Joke lang," bawi ko. "Pero aware ka naman siguro na gwapo ka, 'no?"

"Well," tumikhim siya, parang gusto na yatang lumubog sa driver's seat. "I haven't given much thought to it..."

"Naks. Pa-humble pa. Hindi ka napopogian sa sarili mo kapag tumitingin ka sa salamin?"

Natawa na rin siya. "Why do I feel like you're just teasing me? Hmm?"

"Hindi, a! Legit question iyon," sabi ko kahit nagpipigil nang tumawa. "Tapos ang galing mo pa mag-volleyball. Parang ang dali lang sa 'yo humampas ng bola."

Malakas siyang tumawa saka umiling-iling pero nando'n pa rin iyong pamumula ng tenga niya. Kilig na kilig na naman sa 'kin si number eleven.

"Kaya mag-promise ka sa 'kin," sabi ko.

"Okay, baby. I promise," mabilis na sagot niya.

Natawa kami parehas tapos mahina kong pinalo iyong braso niya. "Wala pa nga, e."

"Whatever it is, I'm already promising."

"Hindi mo pa nga alam, e."

Tumawa lang ulit siya. "Alright. What is it, then?"

"Kung mag-aaway man tayo in the near future, 'wag mo ako hahampasin, a?"

Nagsalubong iyong mga kilay niya. "And what makes you think that I can do that to you?"

"Malay mo, bigla mo akong mahampas dala ng bugso ng damdamin mo."

"I'll never do that. Ako na lang ang hampasin mo."

"Just in case lang naman iyon! Ayoko lang matulad sa bola kapag pinapalo mo. Sure ako na masakit iyon kasi kita mo iyang braso mo?" Sabay pisil ko sa bicep ng kanang braso niya. "Ang laki tapos ang tigas-"

Natigilan nga lang ako nang ma-realize na ang pangit pakinggan no'ng sinabi ko. Nakita kong napatingin si number eleven sa kamay kong nasa braso niya at para akong napaso kaya mabilis ko ring binawi iyon.

Nagkatinginan kami pagkatapos at buti na lang ay nagda-drive siya kaya hindi rin nagtagal iyong titigan namin. Tumingin na lang ako sa labas at tinanong ang sarili kung building ba iyong nakikita ko kahit building naman talaga.

Badtrip ka, Kaizen.

Ang awkward tuloy bigla!

Malaki tapos matigas? Nakakaasar itong bibig ko. Tsk.

At... uminit yata? Nakatapat naman iyong aircon sa 'kin...

"So, you like my arms, huh?" Nakangisi niyang tanong.

Pakiramdam ko, e, mukha ko naman ang namumula ngayon. The tables have turned daw. Tsk.

"Wala akong sinabi na like ko ang arms mo."

"But you find it huge and hard?"

Inulit pa talaga ng mokong!

At mukhang nakakita ng ipang-aasar niya sa 'kin ang number eleven kasi nakarating na lang kami sa arena ay hindi na siya natigil sa pagbanggit tungkol sa braso niya. Tapos no'ng tinutulungan niya akong bumaba sa sasakyan ay tinaas pa niya iyong manggas ng shirt niya sabay sabing doon daw ako kumapit. Hinampas ko na. Loko, e.

Halos puno na ng mga supporters ang arena pagpasok namin. Kanina pa naman din kasi may game. Game 2 ang Creston versus Easton at halos dalawang kulay lang din ang makikita ngayon dito. Green para sa Easton at white naman para sa Creston. Nakakakaba na nakaka-excite sa totoo lang.

Sana manalo ang Creston.

Hell week pa naman na namin kaya sana talaga ay manalo kami. Mas masarap magsagot ng exam kapag galing sa panalo, e.

Nilabas ko iyong phone ko saka p-in-icture-an iyong crowd tapos in-story ko iyon sa IG. Nag-message na rin ako ng good luck sa team sa group chat namin. Napangiti ako nang mag-reply si Jerome ng picture nila ng buong team.

Tsk. Miss ko na talaga maglaro.

"Baby," rinig kong tawag ni number eleven.

Paglingon ko sa kaniya ay saktong pagpindot niya ro'n sa screen ng phone niya. Nagpi-picture pala ang loko! Ngiting ngiti siya ro'n samantalang nakaawang lang iyong labi ko.

Ipapa-delete ko sana sa kaniya iyong picture nang marinig naming nagsigawan iyong mga tao. Ewan ko pero automatic kaming napatingala sa screen sa itaas. At iyon na nga. Sa amin ni number eleven nakatutok iyong camera.

Napaayos tuloy ako ng upo.

Itong katabi ko naman, ngiting tagumpay.

Kulang na lang ay kumaway pa siya sa camera.

"Finally," bulong niya sa 'kin.

Umiling ako at tumawa lang ang number eleven. Ang saya na naman ng bata. Palibhasa, e, natupad na rin sa wakas iyong pangarap niyang matutukan kami ng camera na magkatabi. Gustong gusto talaga ng Tiktok edit, e.

At kung may gumawa nga ng video tapos makarating na naman kina mama? Mukhang mapapaaga ang pagpapakilala ko kay number eleven, a?

Maya-maya lang din ay tinawag na iyong dalawang teams para sa official warmup. Na-focus doon ang atensyon ko at wala sa sarili na tumango nang magpaalam si number eleven na magba-banyo raw siya.

Kinakabahan na talaga ako. Paano ba naman kasi, iyong mukha ng mga players ngayon ng Easton, e, sobrang seryoso. Gustong gusto talaga nila kami bawian, a?

"Hi. Is this seat taken?"

Napalingon ako sa nagtanong na iyon. Umawang ang labi ko nang makita ang isang matangkad at magandang babae na nakangiti sa 'kin.

"Uhm, hindi po," sagot ko, tinutukoy iyong kaliwang seat. Sa kanan ko kasi nakaupo si number eleven.

Naupo iyong babae ro'n at binalik ko ulit ang focus kina Jerome. Iyon nga lang, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa 'kin iyong babae. Hindi ko na sana papansinin pero naiilang na kasi ako kaya nilingon ko na.

At lumaki ang ngiti niya nang magtama ang mga tingin namin.

"You're Kaizen, right?"

Kumunot ang noo ko. Hinalungkat ko agad iyong utak ko kung kilala ko ba siya pero sure akong ngayon ko pa lang siya nakita.

"Uhm, opo," dahan-dahan akong tumango.

"I know Roen's gonna be mad pero hindi na kasi ako makapaghintay to meet you."

Roen? Roen daw? Kilala niya si number eleven?

Halata siguro sa mukha ko na naguguluhan ako kaya natawa iyong babae sabay lahad ng kamay niya.

"I'm Rian. Roen's sister."

Nang marinig iyon ay nanlaki ang mga mata ko at halos mapatayo. Napigilan nga lang nang maalala na injured nga pala iyong tuhod ko. Shit... nasa harap ko ngayon ang kapatid ni number eleven?

Gusto kong batukan ang sarili kasi sa totoo lang, nakalimutan kong nabanggit nga pala ni number eleven na may ate siya. Ngayon na lang nag-sink in sa 'kin nang matitigan ko na itong babae at na-realize na magkamukha sila! Siya iyong girl version ni number eleven!

Medyo nanginginig pa ako nang kunin ang kamay niya. Napansin niya iyon kaya natawa ulit siya.

"Bakit ka nanginginig?" Tanong niya.

Shit, bakit nga ba? Kumalma ka, Kaizen!

"S-Sorry po," nag-bow pa ako.

"Hala, bakit ka nagso-sorry?" Tumawa lang ulit siya. "You're so cute. Sa picture pa lang kita nakita pero mas cute ka sa personal. No wonder Roen's in love with you."

At gaya no'ng una kong nakilala si Carlos ay hindi ko rin alam kung anong ire-react ko sa sinabi ng ate ni number eleven. Basta, ang alam ko lang, nagpa-panic na ako. At bakit ba ang tagal mag-CR no'ng isa? Kinain na ba ng inidoro?

"It's so nice to finally meet my brother's boyfriend."

Nakangiti iyong ate ni number eleven sa 'kin at mukha namang mabait talaga pero for some reason, e, hindi ko magawang ayusin ang ngiti ko sa kaniya. Mukha siguro akong natatae na ewan! Tsk!

"Don't be nervous! Ano ka ba! Ako lang 'to," sabay halakhak niya. "I want to chat more with you pero papatayin talaga ako ni Roen kapag nalaman niyang nagpakilala na ako sa 'yo. He said he's gonna introduce you to us kapag okay na iyong injury mo pero as an atat girl, obviously, I cannot wait na," sabay tingin niya sa tuhod ko. "How is it na nga pala? Are you feeling okay-"

Natigilan nga lang siya nang marinig namin ang sigawan ng mga tao. Dalawa lang naman ang usually reason kung bakit sila sumisigaw, e. Kung hindi players ang pinapakita sa screen ay siguradong isa sa audience naman.

At tama nga ako.

Nakita ko na lang na kaming dalawa na ng ate ni number eleven ang pinapakita sa screen.

"Ate?" Biglang sulpot ni number eleven sa tabi ko.

At hindi ko na alam... one second, nag-aaway na sina number eleven at ang ate niya.

Tapos namalayan ko na lang na tinatalo na ng Easton ang Creston.

Tapos namomroblema ako kinabukasan sa pagsagot ng exam ko kasi may kumakalat na naman na video pero hindi kami ni number eleven ang nando'n kundi ako at ang kapatid niya.

And the next thing I know, kausap ko na si mama sa phone kasi nakita na niya iyong Tiktok edit namin ng ate ni number eleven at pinipilit niya akong dalhin sa Baguio para raw makilatis niya.

Hindi ko na talaga alam.

I-facial hit n'yo na lang kaya ako? Tsk.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
154K 5.7K 37
Belle Ville Series #3. Life has always been tough for Hagia. She was forced by fate to be strong and independent at a young age. Working different pa...
729K 26.6K 35
Belle Ville Series #1. After countless betrayals and heartbreaks, Feem built walls around her. She's not tearing down those walls for anyone again. S...
154K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...