Shattered Chords

By yrioosterical

17.8K 471 216

Nagka-crush kana ba? Nagka-boyfriend? Naranasan mo na ba na yung crush mo ay naging boyfriend mo? Nangyari ka... More

Shattered Chords
01
02
03
04
05
06
07
08
10
11
ACES
12

09

1.6K 29 21
By yrioosterical

Chapter Nine

NAPATAAS ang kilay nito nang makilala niya kung sino ako bago ngumisi nang nakakaloko.

"So you are Saelah, right?" tanong nito.

Kahit na cu-curious ay napatango ako. "Ikaw pala yung bago niya." tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

Napairap ito at bahagyang ngumiti. "Ipagpapalit nalang, sa pangit pa." mahina nitong bulong pero narinig ko.

"Excuse me?" napapamaang kong saad.

Aba, porket ex na siya ni Russel hindi naman ata pwede ga-ganyan ganyanin niya ako?!

Tinignan ko ang kabuuhan niya, wala naman talaga akong masabi dahil maganda naman talaga siya, mas lalo nga ata siyang gumanda nung time na umalis siya e.

"You know what?" lumapit ito sa akin at ngumisi nang nakakaloko. "Babalik din sa akin si Russel."

Naramdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. "Ahh, i have to go baka malate pa ako sa flight ko." pang aasar nito base sa tono ng boses niya.

Doon ko lang napansin na may dala siyang maleta, nagtaka naman kaagad ako dahil parang kakarating palang naman niya rito sa Pilipinas nung nakaraang linggo pero bakit aalis kaagad siya?

"I'm going to London nga pala." ngumisi ito nang nakakaloko kaya naman parang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko.

Doon din ang punta ng Aces para mag concert ulit? Sinusundan niya ba si Russel?

Nakaramdam naman kaagad ako ng kaba dahil sa nag ha-halo na ang mga iniisip ko, nag o-overthink ako.

"Always remember." lumapit ito sa akin at tumigil ito sa gilid ko. "He's mine." ayon ang huli niyang sabi bago tuluyan nang naglakad.

Natulala nalang ako sa sahig at hindi maproseso ang mga sinabi niya.

He's mine?

Aagawin niya ba sa akin si Russel? Pero bakit? Di ba may asawa na siya?

Hindi ko namamalayan na nasa labas na pala ako ng airport, nag lakad ako nang hindi ko namamalayan.

Bumuntong hininga ako bago muling tumingin sa airport na nasa harapan ko.

Should i go to London?

Napakagat ako sa labi bago yukong tumungo sa taxi at pumasok don. "Sa Villa Costa po." maingat kong sabi bago muling tumingin sa labas ng bintana.

Umandar na ang taxi kaya naman ay muli kong sinulyapan ang airport.

Why do i feel something is wrong?

Iniling ko nalang ang ulo ko dahil sa daming pumapasok na tanong sa isip ko, literal na nag ooverthink na ako sa sinabi ni Karina.

Bahagya nalang akong pumikit at isinantabig ang mga isipin na bumabagabag sa akin.

May tiwala naman ako kay Russel, hindi niya naman ako lolokohin.

But thinking that Karina is his first love, mas lalo akong nababahala hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Naalala ko na naman nung araw na pumunta ako sa concert nila, yung kinanta ni Russel habang nakatingin kay Karina hindi siya mawala sa isip ko.

Bakit ganon? Bakit pakiramdam ko mahal pa rin siya ni Russel?

Naalala ko naman kung paano ipinaramdam sa akin ni Russel ang pag mamahal niya nung nanatili siya rito sa pinas ng isang linggo.

Gusto kong paniwalaan yon, na ako na ang mahal niya ngayon pero nung nakita kong bumalik na si Karina nag karoon na ako ng doubt sa puso ko.

But i guess, i will trust Russel nalang.

Mahal ko e.













I STARED at my phone for hours. Ilang buwan na ang nakakalipas nang pumunta sa pilipinas ang Aces at ang pag bonding namin ni Russel.

My chest throbbed in pain because of the news.

Celebrity RUSSEL, the leader of famous group ACES caught dating a mysterious girl in Hongkong....

Hindi ko maialis ang tingin ko sa isang litrato, naka cap at face mask ang lalaki, paano nila nalaman na si Russel 'to?

Napatingin ako sa babaeng nakatalikod, she has a long blonde hair, familliar ang features niya sa akin.

Muling bumalik ang tingin ko sa lalake.

Si Russel ba talaga 'to? O maiisue lang talaga sila?

Napakagat ako sa labi, bakit feeling ko ay si Karina ang babae at si Russel talaga ang nasa picture?

Tama pa ba 'tong kutob ko o masyado na akong over reacting kaya naiisip kong sila 'to?

Pwede maging fake news 'to o totoo, ang isip ko sinasabing fake news 'to but my heart keep saying that the news is true.

I shake my head. No! This is totally and obviously fake news. Paano nila nalaman na si Russel nga ang lalaking 'yan, diba? I open the comment section, and many fans commenting...

@itsyougurl
omg! i think i know that girl!

@gfniaziel
wahh!! ka-jelus naman buti hindi si baby Aziel ko ang nabalitaan baka mamatay ako.

@ACES4ever
parang familliar yung kasama ni papi Russel.

@russelmylove_
ackkk, ka selossss.

@justme_andy
parang si Karina yung babae!

Nanatili ang mata ko sa isang comment na 'yon bago ibinalik ang tingin sa litrato na nakuha. Nanikip na namang muli ang dibdib ko dahil bigla kong naisip na kung sila nga 'to ni Russel parang hindi ko kaya.

Sinabi ko na sa sarili ko na handa na ako pero bakit hindi ko kaya yung sakit?

I pressed the home button bago pinatay ang cellphone ko dahil ayoko nang isipin ang balita na 'yon.

Fake news lang 'yon.

Napatingin ako sa isang side ko kung saan naka display ang picture frame naming dalawa ni Russel.

Hindi mo naman magagawa sa akin 'yon diba, Russel?

Napakagat nalang ako sa labi, at muling inisip ang picture na nakita ko sa balita.

Matangkad yung babae, blonde ang buhok, mahaba rin ito. Halatang modelo ang babae.

Biglang pumasok sa isip ko si Karina, she's a famous model sa Hongkong. Bigla akong natigilan. Hongkong?

Muli kong binuksan ang cellphone ko at tinignan ang mga update sa page ng mga idols. Nag scroll down ako at nakita kong nag concert nga ron ang Aces nung isang araw.

Sunod ko namang tinignan ang official page ng mga models kung saan naroon si Karina.

Tinignan ko ang isa niyang picture na kahapon lang, nangunot ako nang makita na long blonde hair ang kulay ng buhok niya.

Napatingin din ako sa suot niya at lumakas ang tibok ng puso ko dahil ganon na ganon ang suot niya sa picture na nakuha.

Ini-screenshot ko yon at bumalik sa page kung saan naroon ang news, ini-screenshot ko rin 'yon.

Pumunta ako sa gallery bago pinag kumpara ang dalawang picture, same na same ang suot niya. Mukhang kinuha ang litrato na 'to ay kakatapos lang ng photoshoot niya.

Napadako ang tingin ko sa matangkad na lalaking nasa picture kasama ang babae na si Karina pala.

Napalunok ako nang maalala ko ang isang comment na pumukaw sa mata ko kanina, muli kong binack ang gallery at pumunta sa instagram kung saan nag po-post ng picture si Russel.

Tinignan ko ang pinaka-latest post niya at parang sinuntok nang maraming beses ang dibdib ko.

Parehas na parehas sa picture na nasa balita.

Hindi nga fake news yung sinabi sa isang post? Totoo pala talaga? Gina-gaslight ko nalang ang sarili ko.

Pinatay ko na ang cellphone ko at kaagad na itinabi 'yon sa gilid ko bago i-angat ang paa ko sa kama at yumuko.

Naramdaman ko nalang na sunod-sunod nang pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

I cried and cried until i fall asleep.








"Here's your passport ma'am." ngumiti ako sa babae bago kinuha sa kamay niya ang passport ko.

"This way po." saad nito at ginayak ako papunta sa eroplano na sasakyan ko, inassist niya rin kung saan ako uupo kaya naman nag pasalamat ako nung makaupo na ako.

Nag pakawala ako nang malalim na buntong hininga at tumingin sa bintana ng eroplano, iniwas ko na ang tingin ko sa bintana bago dukutin ang cellphone ko sa bag na dala ko.

I open my instagram and search @official_aces i scroll down and pinindot ko ang isang post.

ACES concert will be in Canada at May 25, 2024, 6pm.

Ayan caption na nakalagay sa post ng acc nila at kasama na ron ang picture ng Aces.

Itinago ko na ang cellphone ko nang mag salita na ang piloto ng eroplanong sinasakyan ko.

"Ladies and gentlemen, good afternoon. Welcome on board BA 222. This is Captain Sevi Guivarez speaking and I have some information about our flight. Our flight time today will be 3:00 PM and our estimated time of arrival in Canada is 7:00 AM local time. The weather in our route is good and the forecast says it will be spring in Canada when we arrive. We remind you that if you need any special attention, all our crew will be at ready to assist you. Enjoy your flight."

Mukhang long flight nga ang mangyayari ngayon dahil halos bukas pa ako ng maaga makakarating don.

Sumandal nalang ako sa upuan habang tinitignan ang labas na unti unti nang tumatakbo at pagkatapos ay tuluyan nang umangat sa ere.

Pumikit ako para sana matulog nalang pero biglang nag ring ang cellphone ko kaya naman ay kinuha ko ito sa bag ko para tignan ang caller.

Bigla akong naalarma nang makitang si Russel ang tumatawag.

Hindi niya pwedeng malaman na nakasakay ako sa eroplano para puntahan siya sa Canada.

Sa sobrang panic ko ay napatayo ako at pumunta sa restroom ng eroplano na 'to, umupo ako sa inidoro bago kinakabahan na sagutin ang tawag niya.

"Love, why you take so long to answer my call?" bungad kaagad nito sa akin.

Nakita kong parang nasa labas siya at parang may ginagawang photo shoot. Naka-porma kasi 'to mukhang siya ang kukuhaan ng litrato.

"A-ah..." palihim akong napalunok dahil iniisip ko kung ano idadahilan ko.

"Wait... Where are you?" nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin na mas lalong nakapag pakaba sa dibdib ko.

"N-nasa... nasa banyo!" sagot ko kaagad kasi yun naman talaga ang totoo. "Kaya ako natagalan na sagutin ang tawag mo kasi nasa banyo ako." paliwanag ko.

He chuckled. "So lumabas ka pa para kuhain ang cellphone mo?"

Napanguso ako at tumango. "Oo, excited na kasi akong makausap ka e." pang uuto ko para hindi na niya tanungin. "Lumabas pa ako para lang tignan kung sino ang tumatawag tapos bumalik ako sa loob ng c.r."

This time, tumawa na siya sa call. "Miss na miss mo ba ako?" tanong nito.

Nginitian ko siya. "Sobra."

"I miss you more." sagot nito.

"A-ah... Sige na, bye na." pag papaalam ko.

Nangunot naman ang noo nito. "Huh? Akala ko ba miss mo 'ko? Bakit parang nag mamadali ka?"

"Mukhang busy ka e." saad ko.

"Hindi nam-. Sir, they need you now, ikaw na ho ang kukuhanan ng picture-." naputol ang sinasabi ni Russel nang biglang may sumabat sa kabilang linya. "Love, i need to go."

Mag papaalam na sana ako kaso biglang may kumatok sa labas ng pintuan. "May tao ba?" boses lalaki.

"Ah sige sige, bye na rin." nag mamadali ko ring paalam sakaniya.

"I love yo-." hindi na niya natapos dahil bigla ko nang pinatay ang tawag. Agad ko itong tinago sa shoulder bag ko at tumayo.

Pinagpagan ko naman ang kamay ko bago buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki, maputi at gwapo.

"Ah miss, i'm sorry." paumanhin pa nito sa akin.

"No, it's okay. Sige na gamitin mo na." nakangiti kong ani bago gumilid para makapasok siya kaya lumabas na ako.

"Thank you." nginitian ko nalang siya bilang tugon.

Umalis na ako sa pwesto na yon at kaagad na bumalik kung saan ako nakaupo kanina.

Nagtaka naman ako dahil may bag na nakalagay na banda sa upuan na katabi ko.

Wala naman akong katabi kanina?

Ipinag sa walang bahala ko nalang ito at umupo na kung saan katabi ko ang bintana ng eroplano.

I check my phone and i received a message from Russel.

hubby
why did you hang up? i didn't even finish my word, and i heard a voice in the line kanina, hindi ako pwedeng mag kamali, lalaki 'yon.

Napalunok ako ng laway, ano ba pwedeng idahilan?

wifey
nag mamadali kana kasi, that is why i hang up the phone, and about sa sinabi mo na you heard a voice, wala naman akong narinig? wag mo naman akong takutin.

Napakagat nalang ako sa labi ko dahil sa pag sisinungaling ko sakaniya, mali man pero anong magagawa ko? Hindi niya pwedeng malaman na pupunta akong Canada para makita siya.

Bumalik ang tingin ko sa phone ko ng mag vibrate ito.

hubby
okay then, i gotta go okay? eat on time, huwag papabayaan ang sarili, okay? i love you.

wifey
opo, i love you too.

"Sweet." napalingon kaagad ako sa nag salita, hindi ko napansin na may tumabi na pala sa akin dahil sa sobrang busy ko sa pag text kay Russel.

"Hi! Ikaw yung nasa restroom diba?" yung lalaki kanina na kumatok sa restroom kanina!

"A-ahh, oo." ilang kong sagot.

Ngumiti ito sa akin nang matamis bago inilahad ang kamay sa akin.

"Btw, i'm Zyrus."

Napatingin pa ako sa kamay niyang nakalahad bago ito tanggapin at nginitian siya.

"Saelah." i shake my hands and ganon din ang ginawa niya.

"Nice to meet you." nakangiti nitong saad.

"You too." balik ko.

"So..." naibalik ko ang tingin ko sakaniya nang mag salita na naman siya. "Why did you lie to your husband?" tanong nito.

Husband?

"Huh? Husband?"

"Diba husband mo yung kausap mo kanina?" taka nitong saad.

Bigla kong naalala si Russel. "Ahh, hindi ko pa siya asawa." nakangiti kong ani. "Binasa mo pala lahat?"

"Nabasa ko lang siya by accident, nakita ko kasi yung mukha mo na parang aalalang alala ka kaya hindi ko naiwasang hindi tignan."

Napatango nalang ako at nginitian siya. "Hindi niya kasi alam na pupunta akong Canada."

Nangunot naman ang noo nito na parang nag tataka. "Pupuntahan ko siya sa Canada, and gusto kong i-suprise siya kaya ayon, nag sinungaling ako." paliwanag ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ko pa 'to sinasabi sakaniya e hindi ko naman siya kilala diba? But magaan ang loob ko sakaniya kaya siguro naisabi ko na rin yon.

"Ahh, ganon pala. Swerte naman niyan." nakangiti nitong ani.

"E ikaw ba? Galing kang pilipinas, bakit ka pupunta sa Canada?" tanong ko.

Nakita kong bigla siyang natigilan at hindi nakaimik. "A-ah, okay lang na hindi mo nalang sagutin, sorry for my question." paumanhin ko kaagad.

Daldal mo kasi, Saelah.

"Nah, ayos lang." tumawa pa ito. "Kaya ako pupunta ng Canada..." tumahimik muna ito. "Too move on."  sagot niya.

"So broken hearted ka?" natatawa kong ani.

Ngumiti ito bago tumingin sa akin. "Oo e."

Napangiti nalang din ako. "Sorry for asking, but why?" curious kong tanong. "Sorry ah, pwede mo rin naman wag sabihin kung ayaw mong ikwento."

Nakita kong natawa siya. "Siguro masarap din i-share sa stranger ang nararamdaman mo kesa sa mas kakilala mo e." saad nito. "Malay mo, gumaan pakiramdam ko pag na i-kwento ko sayo."

Bahagya akong natawa. "Kung ayan naman ang gusto mo, pwedeng pwede ako makinig."

Bumuntong hininga ito. "She cheated on me." natigilan naman ako.  "Nakikipagkita pa pala siya sa ex niya."

Ow?

"Bumalik siya rito sa pilipinas para lang sundan ang ex niya, so ako naman sinundan ko rin siya rito sa pilipinas then a week lang, umalis na naman siya para pumunta sa ibang bansa dahil nga umalis din ang ex niya."

Nangunot ang noo ko, bakit pakiramdam ko parang familliar sa akin ang eksena?

"Hindi ko na siya sinundan dahil nga nakakasawa rin ang mag habol nang mag habol sakaniya kung yung ex niya pa rin ang nasa isip niya." he let a heavy sigh. "That's why kaya ako nag stay nalang muna rito sa pilipinas."

Nakaramdam naman kaagad ako ng awa sakaniya kasi diba minsan kana nga lang makakahanap ng lalaking ganito tapos papakawalan mo pa?

Mas ginusto pa niyang sundan ang ex niya kesa sa boyfriend niyang nag papakatanga sakaniya?

"Feel ko nga one sided love lang ang nangyari sa amin e, na ako lang ang nag mahal sa aming dalawa."

Sakit naman non.

"Dahil wala yatang araw na puro yung ex nang ex lang ang bukam bibig niya." saad nito pero natawa ako nang umirap siya na parang babae at nag cross arm.

"Pangit ba ako?" biglang tanong niya sa akin.

Agad naman akong napailing. "Gwapo ka." walang pag aalinlangan kong sagot.

"Kapalit palit ba ako?" tanong nitong muli.

"Hindi, kasi sa nakikita ko mukha ka namang green flag." sagot ko sa tanong niya.

"Then why?!" nagulat ako nang bahagya itong sumigaw, napalingon pa ang ibang pasahero na malapit sa amin.

"Uy! ang ingay mo naman." bulong na may diin na pagkakasabi ko sakaniya.

Ngumiti ito sa akin.

"Triny ko lang yung napanood ko nung nag cine ako."

Napatampal ako sa noo ko dahil akala ko naman ay broken na broken sakaniya pero parang okay na okay naman siya e?

Okay nga lang ba talaga?

Baka naman nag papanggap lang siya pero sobrang broken na talaga, ayaw niya lang ipakita.

"Btw ikaw? Bakit ka pupunta ng ibang bansa?" baling nito sa akin.

"Ahh..." napaisip pa ako kung sasabihin ko ba sakaniya, baka hindi rin naman siya maniniwala kung sasabihin kong boyfriend ko si Russel ang member ng Aces diba?

"To relax my mind lang." palusot ko.

Ang totoo ay gusto kong makita si Russel, gusto ko rin malaman kung totoo ba yung mga nalalaman ko sa news tungkol kay Russel at don sa unknown girl.

"Talaga? Gusto mo ba ng tour guide?" napatingin naman ako sakaniya.

"Tour guide?"

"Yes! Tour guide, ito-tour kita sa Canada."

Bahagya naman akong napangiti, next week pa naman ang concert ng Aces kaya pwede pa naman siguro ako mag libot, sulitin ko na rin ang pag stay ko rito.

"Sige ba." sang ayon ko na ikinangiti niya.

"Good, may mga alam akong tourist spot sa Canada, pupuntahan natin yung mga 'yon."

Na excite naman ako kaagad sa mga sinasabi niya, gusto ko na tuloy na bilisan ng piloto ang pag papalipad ng eroplano para makarating kaagad sa Canada.

"Parang excited ka?" natatawang ano nito nang mapansin na ang saya saya ko.

"Wala, na excite lang kasi first time e." nakangiting saad ko.

"Kaya naman pala." tango tango naman nito.

Hindi na kami umimik parehas kaya naman binalik ko na ang tingin sa labas ng bintana at pinag masdan ang ibaba kung saan puro malawak na tubig lang ang nakikita ko.

Nakaramdam ako ng antok kaya naman ay pumikit ako at nilamon na ako ng kadiliman.













NAGISING ako nang maramdaman kong may gumigising sa akin, napadilat ang mata ko at bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Zyrus.

"Hey." pag tawag pansin nito sa akin dahil nga natulala ako sa mukha niya na sobrang lapit.

Napalunok ako bago iniwas ang tingin sakaniya bago umupo nang maayos, napasandal pala ako sa balikat niya.

Ilang oras kaya ako nakatulog? Baka mamaya sobrang tagal ko na palang nakasandal sakaniya at nangalay ng sobra ang balikat niya.

Parang kanina lang ay nakasandal pa ako sa bintana, hays.

"S-sorry." pag hingi ko ng tawad.

Nginitian naman ako nito at bahagyang umayos ng upo at inikot ikot nito ang braso niya.

"Namanhid yata balikat ko sayo ah." natatawang saad nito.

Nakaramdam naman kaagad ako nang hiya at guilty. Napatingin ako sa balikat niya na kinakapa kapa pa rin niya.

"Kung nag aalala ka, i'm fine okay? don't worry." pag aassure nito.

"Sigurado ka ba talaga?" nag aalala kong sabi.

"Oo naman." pero hindi ko 'yon pinakinggan kaya naman ay hinawakan ko ang braso nito.

"Halika, masahiin ko para medyo mawala wala." marahan kong hinawakan ang braso nito bago inangat ang kamay ko sa balikat niya kung saan ako humiga.

Hinilot ko 'to nang marahan at bahagyang marahang inikot ikot ang kamay niya, sinusundan niya naman kung ano ang ginagawa ko.

Napatingin ako sakaniya pero natigilan ako nang mag tama ang tingin naming dalawa.

Nginitian ko siya. "Ilang oras ba akong nakatulog?" tanong ko.

"Halos buong gabi."

"HA?!"

Mas lalo akong na guilty sa pag kasandal ko sakaniya. "Sana ginising mo nalang ako para hindi mag ganyan ang balikat mo." nag aalalang kong ani.

Natawa naman siya. "Ayos lang naman ako, inaalis ko naman ang ulo mo pag need kong tumayo at mag pumunta sa comfort room."

Napatango naman ako at medyo nakahinga nang maluwag. "Kusa nga lang bumabalik yung ulo mo sa balikat ko." natatawa nitong dagdag.

Namula naman ako dahil sa sinabi niya. "Btw, nakatulog ka rin ba?"

Tumango siya sa akin. "Oo, sorry minsan kasi nasasandalan ko ang ulo mo pag nagigising ako."

"Hindi, ayos lang yon." iling ko kaagad.

Bigla kong na imagine na parehas kaming tulog tapos nakasandal ako sa balikat niya at siya naman ay sa ulo ko.

Para namang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil na imagine ko talaga ang itsura namin.

"Ayos lang ba talaga? Bakit namumula ka?"

"A-ayos lang talaga." iniwas ko na ang tingin ko sakaniya at umayos ng upo.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. It's already 4:00 am in the morning.

Ganon pala kahaba ang tulog ko? dalawang oras nalang ay malapit na kami sa Canada.

Mas lalong nakaramdam ako ng excitement.

"Ang haba pala nang naitulog ko." saad ko.

"Ayaw mo non? At least malapit na tayo sa destinasyon natin."

"Kaya nga e, mas lalo akong na excite." parang kinikilig na saad ko.

He chuckled. "Halata nga sayo."

Ilang oras pa ang nakalipas ay malapit na kami sa destination namin, napatingin ako sa speaker nang mag salita na naman ang piloto.

"We’ve already started our descent procedure into Toronto Pearson Airport. We expect to land at 30 minutes. If you want to adjust your watch, it is 6:30 am in Toronto now. The weather in Toronto is sunny and the temperature is 10C. We wish you a pleasant stay in Toronto, Canada and we hope to see you again very soon. On behalf of all our crew, thank you for choosing our company as your airline today this morning."

Mas nakaramdam ako ng excite dahil sa sinabi ng piloto, 30 minutes nalang ay lalapag na ang eroplanong sinasakyan namin at nasa Canada na kami.

"May hotel kana bang matutuluyan?" napatingin ako sa gilid ko kung nasaan si Zyrus.

Napailing ako. "Ayon na nga pino-problema ko e. Wala pa akong matutuluyan." natatawa kong saad.

"You can stay in my place." saad nito kaya naman napatingin ako sakaniya. "Don't worry, I won't do anything bad." pag aassure nito sa akin. "Besides, you don't have a place to stay right now, and you're not familiar with the places here in Canada."

Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko, iniisip ko kung tama bang sumama ako sakaniya.

Napatitig ako bigla sa mga mata niya at tinignan kung totoo ba ang mga sinasabi niya at wala siyang balak na masama.

"May choice pa ba ako?" natatawa kong saad. "Okay, I'll just stay at your place then." nakangiti kong pag sang ayon.

"That's good." tango tango nitong saad. "Then the next day, we'll start our tour so your visit to Canada will be worthwhile."

Napasandal nalang ako sa upuan bago muling tumingin sa bintana.

Malapit na ulit kitang makita Russel.

© yrioosterical

Continue Reading

You'll Also Like

225K 11.4K 90
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
494 63 19
This is a Taglish (Tagalog and English) Anthology. Different stories of people that will encounter love in their lives. A captivated hearts.
190K 4.3K 67
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
88.4K 2.3K 33
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...