Four Hearts [π™Άπš‡π™Ά] [𝙿𝙾𝙻�...

Oleh xvii_xxiv

71.2K 3.1K 410

A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her. Lebih Banyak

Prologue
Introduction of Main Characters
Synopsis
Chapter 1: Again
Chapter 2: Marriage Certificate
Chapter 3: First Disaster
Chapter 4: Four Deity
Chapter 5: New Target
Chapter 6: Stress
Chapter 7: Bago yun
Chapter 8: Knowing you
Chapter 9: Fiance
Chapter 10: Date
Chapter 11: The Post
Chapter 12: Ideal Girl
Chapter 13: Campus Princess
Chapter 15: Ice Queen
Chapter 16: The bet

Chapter 14: Campus Sweetheart

2.4K 117 20
Oleh xvii_xxiv

Tala Amara's POV

Dahil sa ginawa ni Manyak hindi tuloy ako ang nakapag luto. Hindi ko alam kung sinong nag luto pero hindi talaga ako.

"Ate, kain na po tayo." Siguro pang limang beses na aya na sa akin 'yan.

"Sinong nag luto?" Tanong ko.

"Si ate Maeve po, pag kaluto niya umuwi na din siya." Bakit siya nag luto? Wala naman akong sinabi na mag luto siya tsk.

Bumabawi ang loko.

Bumaba na ako para makakain, siraulo kase. Napakamanyak.

Pag umaga may nag hahatid kay Tarah at Amaro tapos may nag babantay naman kay lolo at Ate. 'Yon ang huling gustong gawin ni ate Ten na hindi ko talaga mahindian kase ipapatapon niya daw kami sa ilalim ng tulay pag tumangi pa ako. Nakapabrutal din talaga eh.

At dahil hindi ko na iniisip ang pag pasok nila, nauna na akomg umalis sakanila at hinabilis na sila kay Mang Ben. Siya 'yong driver nila dito. Sinabihan ko na din sila Aling Mirna na, alam ko naman na alam nila trabaho nila pero kase nakakahiya parin tyaka kailangan talaga na binabantayan si Lolo at ate. Kailangan mag gamot ni lolo every two hours at si ate naman laging kailangan din ng atensyon kaya hindi ko din maiwasan na hindi sabihan sila Aling Mirna.

Nag madali na akong pumasok, baka kase malate ako. Scholar nga lang ako dito tapos malalate pa ako.

Bago pa ako makadating sa loob natanaw ng mga mata ko si Rhya, nakaupo siya sa gilid ng kalsada tapos parang nag pupunas ng luha.

Lumapit ako sakaniya at medyo nagulat pa ako na may hawak siyang ibon sa isang kamay niya.

"Rhya?" Tawag ko sakaniya.

Nag angat siya ng ulo at pilit pinipigilan ang pag hikbi niya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakaniya.

"I..I j-just—wahhhhhhhhh!!" Ayy jusko, lalong lumakas pag iyak niya.

Pinatahan ko siya, kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ko mukha niya. Ang dungis na niyang tignan dahil sa luha niya.

"Ano bang nangyare?" Tanong ko.

"I—I killed h-her.." Napatingin ako sa hawak niya.

Humihinga pa pero may dugo sa may bandang pakpak. Kinuha ko sakaniya yon at tinignan kung saan 'yong sugat. Wala naman naman siyang sugat pero hindi ko alam kung saan galing 'yong dugo.

Tinignan ko 'yong paa niya at may pilay siya doon.

"Buhay pa siya, may pilay pa." Agad na lumapit si Rhya at tinignan 'yon.

Ang cute niyang tignan, para siyang batawang walang muwang sa mundo.

"Dalhin natin sa animal clinic." Hindi pa ako nakakasagot nung bigla niya akong hilain.

"Teka, baka malate ta—"

"It's sports fest, don't worry." Sabi niya habang hinahatak parin ako.

Ang aga ko pang bumangon kanina tapos haysss.. Sanang hindi na ako pumasok, ayaw kkng makita si Manyak.

Pumara siya ng taxi at agad na sumakay kami. Hindi ko alam kung may malapit na animal clinic kuno dito. Alam ko lang 'yong para sa aso at pusa eh.

"Make it faster manong, this is a matter of life and death." Napasampal nalang ako sa noo ko.

Kanina pa noya pinagmamadali 'yong driver.

"Kumalma ka nga, nakikita mo ng traffic eh." Sabi ko sakaniya.

"But she'll die." Mangiyak ngiyak na sabi niya.

"Paanong mag mamadali si kuya kung wala naman siyang lulusutan?" Parang narealize niya 'yong sinabi niya.

"I have an idea, I will play a siren—"

Hindi ko na siya pinatapos. "Umupo ka nalang d'yan at mag hintay nalang tayo." Sabi ko at inabot sakaniya 'yong ibon. "Hawakan mo 'yan."

May ilang minuto din ang byahe namin nung tumigil si Kuya sa isang pang vet nga ata?

Bumaba na kami at literal na kakababa lang ni Rhya, tumako na siya papasok. Wala na akomg nagawa kaya ako na din ang nag bayad, buti nalang nag dala ako ng extrang pera ko.

Sinundan ko na siya papasok at pag dating don para siyang magulang na kabadong nag hihintay sa waiting area.

"Kumalma ka nga, okay lang siya." Sabi ko sakaniya. Tinignan niya ako at parang maiiyak nanaman siya.

Umupo ako don sa upuan at siya tumayo tapos palakad lakad pa, ako 'yong nahihilo sakaniya.

"Ano ba, umupo ka nga. Nahihilo ako sayo." Sabi ko at pinaupo siya.

"What if she die?" Pano ba niyang nalaman na babae 'yon?

"Hindi mamamatay 'yon, nanghina lang siya pero mabubuhay siya." Sabi ko sakaniya.
Masyado siyang nag ooverthink.

After ng ilang minuto tinawag na din kami.

"Okay na siya may konting pilay lang at sugat sa pakpak niya." Sabi nung nag gamot sa ibon. Doctor din tawag sakanila di'ba?

"Maraming salamat po." Pag hingi ng salamat ni Rhya at kinuha na 'yong ibon pero bumili siya ng kulungan para dun muna ilagay ang ibon.

Nag bayad na din siya at bumili ng pagkain, mukhang balak niyang alagaan 'yong ibon. Maya pamandin ang ibon na 'yon.

Pabalik na sana kami sa school pero napahinto ako kaya napahinto din si Rhya.

"Tara ice cream?" Aya ko sakaniya, napatingin naman siya dun sa tinitignan ko kanina at napangiti.

"Sige tara, libre ko." Sabi niya at hinatak ako papunta sa playground. May mga bata din kase don tapos 'yung nag titinda ay 'yong mga naka bike tas cornetto binebenta nila.

Hindi ko alam na may gan'to pa pala dito. Bumili si Rhya ng dalawang chocolate flavor at binigay niya sa'kin 'yung isa.

"Mahilig ka talaga sa chocolate?" Tanong ko.

"Simula bata kase ako, pinagbabawalan na ako ni papa pero kakampi ko nun si mama. Lagi akong pinagdadala ng chocolate ni mama na hindi alam ni papa tapos nung namatay si mama.." Napahinto siya saglit at nag taka ako nung bigla siyang ngumiti. "Mas lalong naging mahigpit si papa, lahat ng sweets nilayo niya sa akin. Puro healthy foods lang daw dapat." Napayuko siya at napansin kong parang umiiyak siya.

Huminga muna ako ng malalim bago humarap sakaniya at umupo para makita ang mukha niya.

"Kung gusto mong umiyak, iyak ka lang." Hindi ko kase alam 'yong feeling ng pag higpitan eh. Mabait si Lolo sa akin.

"Unfair lang. Sana hindi nalang si mommy ang nawala." Hinampas ko siya ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Huwag ka ngang ganyan. Alam mo may dahilan kung bakit nangyare 'yon." Hindi ako marunong mag comfort ng tao, help.

"Alam ko naman pero dapat iba nalang. Ang bait ni mama eh." Naalala ko 'yong parents ko. Mabait din daw sila eh, bakit sila kinuha agad?

Hindi na ako nag salita hindi ko kase alam kung anong sasabihin ko sakaniya. Pag dating sa gantong sitwasyon nabablanko ako. Hindi ako sanay na ganto si Rhya, masayahin 'yong Rhya na kilala ko hindi 'yong gan'to na parang pinagbagsakan ng lagit at lupa.

Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang yakapin o ano. Pansin ko kase kay Rhya pag mas kinocomfort mo siya, mag lalo siyang iiyak kaya hindi nalang ako umalis sa pag kakaupo ko dito sa harap niya.

Nagulat ako nung bigla siyang tumingala at sumigaw.

"Ahhhhhhhhhh!!" Malakas niyang sigaw. Taka ko lang siyang tinignan.

Habang nakatingala siya pinunasan niya mga luha niya at huminga ng malalim bago yumuko para tignan ako.

Nakangiti na siya ngayon pero medyo mapula parin ilong niya at mata niya.

"Little red nose." Wala sa sariling sabi ko na kinatawa niya.

"Thank you, Tala." Nakangiti niyang sabi.

Masayahin talaga siyang tao, at 'yon ang hindi magandang mawala sa pagkatao niya.

"Wala naman akong ginawa." Sabi ko sakaniya habang yakap-yakap ang dalawang binti ko.

Nakaupo siya sa bench tapos ang dalawang paa niya nasa mag kabilang gilid ko habang sinusuportahan ng dalawang kamay niya ang timbang niya. Nakatingala ako sakaniya at siya naman nakayuko sa akin.

"You stayed kaya, mas okay 'yong hinahayaan lang ako na ilabas lahat ng sama ng loob ko kesa sinesermunan ako." Nakangiti niyang sabi kaya napangiti din ako.

Silang dalawa ni Noelle nakakahawa ang ngiti amp.

"Wala 'yon, hindi ko kase talaga alam kung anong dapat sabihin eh." Sabi ko.

Natawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko. Parang nawala 'yong batang Rhya, parang naging older sister ang dating niya ngayon.

"Okay ka na ba?" Tanong ko.

"Konti lang." Sabi niya at tumingin sa mga batang nag lalaro bago tumayo.

Inalok niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo kaya tinanggap ko naman 'yon.

Pag katayo ko hindi pa'rin niya binibitawan kamay ko. Hinayaan ko nalang siya para kahit papaano maramdaman niyang hindi siya nag iisa.

"Can you help me?" Tanong niya kaya napatingin ako sakaniya.

"Saan?" Tanong ko.

"May pupuntahan lang, it's my comfort zone and my stress reliever." Medyo na-curious ako kaya napa-oo nalang ako.

Pumara siya ulet ng taxi at ngayon sinabi niya sa supermarket daw kami.

Dito ba 'yong comfort zone niya?

"Sa supermarket?" Tanong ko.

"I just need to buy something." Sabi niya at ngumiti ng pagkalapad-lapad.

Bumabalik na 'yong jolly na Rhya, para kaseng ang matured niya ngayon. Hindi ako sanay. Pag kadating namin sa supermarket, nag bayad na siya sa taxi.

Buti naman, wala na akong pera.

Hinatak niya ako papasok sa loob at kumuha ng isang push cart tapos binigay sa'kin tas kumuha ulit siya.

Luh? Bakit dalawa? Pag gogrocery ba happiness ng batang 'to?

Sinundan ko lang siya, kumuha siya ng iba't ibang klase ng tinapay at biscuit.

Pareho lang ba 'yon?

Tapos kumuha na din siya ng mga delata at nag pakuha ng limang sako ng bigas. Kulang pa pala ang dalawang cart.

May mga staff na ang tumulong sa amin, sa isang cart puro delata, sa isa naman puro instant noodles, sa isa naman puro tinapay/biscuits, sa isang junkfoods and chocolate, sa isa naman mga damit na pang-bata may pangbabae at panglalaki, tapos sa isa naman laruan, sa isa naman puro gamit ng baby kasama na mga gatas at bote, may dalawa pang cart tapos laman non puro school supplies.

Magiging santa claus ba siya?

Ang dami masyado ng pinamili niya. May school ba na tinutulungan 'to? Hindi ko nalang siya tinanong kase malalaman ko din naman 'yong sagot mamaya. Pero hindi ko mapigilan na hindi mag tanong.

"Para saan 'to?" Tanong ko sakaniya.

"Sa mga anak ko." Nakangiti niyang sabi na kinangiwi ko.

"Para saan nga?" Pag uulit ko at natawa lang siya.

"Basta malalaman mo din."  Sabi ko nga dapat hindi na ako nag tanong e.

Nung mapack na halat halos lumuwa mata ko nung makita ko kung mag kano nagastos niya. Kulang nalang mag seven digits na.

Nung matapos kami parang alam na agad ng mga lalaking staff ang gagawin nila, diniretso nila sa isang truck at itong si Rhya nag para na ng taxi para sa amin.

"Eh paa—"

"Ihahatid na nila sa pupuntahan na'tin." Putol niya sa itatanong ko hmp.

Hindi ko naintindihan 'yong address o lugar na sinabi niya sa driver.

"Matulog ka na muna, medyo malayo pa tayo eh." Sabi niya.

"Hindi naman ako inaantok eh." Maaga pa naman, wala pang lunch.

Inabot din kami ng dalawang oras sa pag gogrocery niya ng pag karami-rami.

Nagulat ako nung bigla nalang siyang humiga sa hita ko. Wala naman pakealam 'yong driver.

Jusko huling sakay ko ng taxi hindi maganda nangyare, buti nalang si Rhya kasama ko. Hindi parin talaga mawala sa isip ko 'yong ginawa niya, weird pero parang nararamdaman ko pa'rin mga labi niya sa labi ko.

Nakakainis, mapapatay ko talaga siya!

Wala pang ilang minuto ang byahe ng nung marinig kong humilik si Rhya, ang bilis naman niyang makatulog. Pinaglaruan ko sa mga daliri ko ang hibla ng buhok niya, ang labot din.

Pinagmasdan ko ang mukha niya at inalis ang ilang buhok niya na nakaharang sa mukha niya. Ang himbing ng tulog niya.

Ang cute nga niya, maganda siya pero mas bagay niya talaga ang pagiging cute. Alam ko may lahing japanese ang isang 'to. Feel ko pag nag cosplay siya bagay niya, pwede din siyang maging idol. 'Yong mga napapanuod ko sa TV na mga naka pang maid or kahit anong costume na cute tapos sumasayaw sila at kumakanta. Feel ko mas dadami 'yong humahanga sakaniya tapos cute pa siya.

Hindi ko na siya masyadong tinitigan baka kase magising pa siya e tyaka kung ano pang isipin niya.

Isinandal ko nalang ulo ko at pinikit mga mata ko, medyo inantok na ako.

_________________

"Tala!" Nagising ako nung yugyugin ako ng mahina ni Rhya.

Napasarap 'yong tulog ko.

Pag mulat ko ng mata, si Rhya ang bumungad sa akin. Ako na 'yong nakahiga sa mga hita niya. Agad akong tumayo at tinignan ang paligid. Hindi familiar sa akin ang lugar.

Nasaan kami?

"Tara na, kanina pa ako nagugutom. Hindi lang kita ginising agad kase ang sarap ng tulog mo e." Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa hiya.

"Ga'no ba ako katagal na tulog?" Tanong ko.

"Three hours mahigit. One hour ago nung makarating tayo dito e. If I'm not mistaken two and half ang byahe." Medyo nagulat ako sa sinabi niya.

Ang haba naman ng tulog ko.

"Bakit hindi mo ako agad ginising? Hindiba namanhid mga paa mo? Tyaka si manong, kanina pa nandito." Nasa taxi pa'rin kase kami e.

"Okay na, he's my personal driver. Taxi car lang gamit niya kase I want to experience na pumara ng taxi." Ehhh? Pati pag bayad? "Yes pati pag bayad."

Mag rereklamo sana ako kase ako unang nag bayad pero hindi naman kase siya 'yong driver tyaka isa pa, kaya pala kanina bigla nalang sumusulpot sa kung saan 'tong taxi na 'to.

"Nasaan tayo?" Tanong ko kababa namin.

Parang dormitory 'tong pinuntahan namin.

"Basta, tara!" Hinila niya ako papasok sa loob.

Malayo palang nakakarinig na ako ng mga batang nag lalaro. Hindi nga ako nag kamali dahil unang bumungad sa amin kapasok sa gate ang playground tapos may mga bata.

Meron ding basketball court at may mga lalaking bata na nag lalaro.

"Ate Rhya!" Masiglang sigaw ng isang bata dahilan para mapatingin silang lahat sa direksyon namin at..

"Tara takbo." Natatawang sabi niya at hinila ako palayo.

Napasabay ako sa takbo niya dahil hatak-hatak niya ako. Hindi lang 'yon, mapapatakbo ka talaga dahil hinahabol kami ng mga bata.

"Ate Rhyaaaaaaa!" Tawag nila kay Rhya pero hindi niya pinapansin at parang nakikipag habulan talaga siya sa mga bata, at dinamay pa ako.

"Shit!" Nabungo ako kay Rhya nung huminto siya bigla kaya pareho kaming tumumba sa sahig.

Tatayo na sana ako pero niyakap ako ng mahigpit ni Rhya at kasabay non ang pag sugod ng mga bata sa amin.

Tumatawa lang si Rhya habang inilalayo ako sa mga bata pero naiipit na din talaga ako dahil nakahiga si Rhya tapos nakadapa ako sakaniya.

"Alright, alright. You caught me. Can you please help us get up?" Agad naman silang lumayo at ang ilan tinulungan kaming tumayo.

Hingal na hingal na nga ako tapos nadaganan pa kami ng mga batang 'to.

Pinagpagan ko sarili ko at ganon na din ginawa ko sa likudan ni Rhya.

"I miss all of youuuuu!!" Nag open arms si Rhya kaya sumugod naman ng yakap ang mga bata.

"Namiss ka din po namin!"

"Ang tagal mong hindi nag pakita"

"Bakit ang tagal mo?"

"Ate Rhya huhu"

Nag iyakan na sila, jusko. Sino na 'tong mga batang 'to? Bakit ang dami nila?

"Sabi na nga ba't nandito ka eh." Napatingin ako dun sa nag salita. Dalawa silang madre, base sa suot nila.

Humiwalay ang mga bata kay Rhya at lumapit sa dalawang madre, nag mano siya.

"Namiss ko po kayo." Sabi ni Rhya. "It's been awhile since I last visited them po."

"It's been awhile ka d'yan. Last week lang huling punta mo dito." Natawa si Rhya at napakamot pa sa may batok niya.

"Ikaw po ba ang girlfriend ni ate Rhya?" Napatingin ako sa batang kumalbit sa akin.

Yumuko ako para pantayan siya. "Kaibigan lang ako ni ate Rhya mo." Sabi ko.

"Ang ganda mo po." Lumapit na din ang ibang mga bata sa akin at kung ano ano na ang mga pinag tatanong nila.

"Talaaa!" Napatigil sila sa pag tatanong sa akin nung tawagin ako ni Rhya.

Pinapalapit niya ako sakaniya kay nag paalam ako sa mga bata at sinabing mamaya na sasagutin mga tanong nila sa akin.

"Si Tala po." Pakilala sa akin ni Rhya sa dalawang madre. "Tala, si sister Jemma at sister Elena."

Nag mano na din ako sakanilang dalawa, parang nakakahiya kase kung makikipag shake hands ako.

"Sila ang nag aalaga sa mga bata dito sa bahay ampunan." Napa "ahh" ako sa sinabi niya.

Kaya pala maraming bata. "Isa din si Rhya sa mga binantayan namin dito sa ampunan." Nagulat ako sa sinabi ni sister Jemma.

"Ampon ka lang?" Takang tanong na kinailing agad ni Rhya.

"Hindi, pero dito ako tinapon ni papa nung namatay si mama. Limang taon din ako dito." Grabe naman tatay niya, itapon ba daw sa ampunan e.

Dumating na ang mga pinamili namin kanina kaya hindi na ako nag karoon ng pagkakataon na mag tanong. May ilang oras akong tulog tapos ngayon lang dumating?

Umupo ako sa ilalim ng puno, 'yong puno naman isa nasa loob ng plant box. Teka plant box pa ba tawag dito kung puno naman siya?

Tinatanaw ko lang sila mula sa covered court. Ang saya-saya niyang tignan habang binibigyan ng laruan at pagkain ang mga bata. Kita ko din ang saya sa mga mata ng mga bata.

"Nakakatuwa silang tignan 'di ba?" Napatingin ako kay Sister Jemma na tumabi ng upo sa akin.

"Kayo po pala." Nakangiti kong sabi sakaniya.

"Girlfriend ka ba ni Rhya?" Medyo nagulat ako sa tanong niya kahit ilang beses na nilang tinanong sa akin 'yon.

"Hindi po." Agad na sagot ko.

"Akala ko girlfriend ka na niya, ikaw palang kase ang dinala niya dito." Tumingin ako ulit kay Rhya. Silang apat na mag kakaibigan, bisexual nga siguro sila.

"Kilala niyo rin po ba 'yong tatlong kaibigan niya?" Tanong ko. Medyo curious kase talaga ako.

"Ahhh sila Kalli, Maeve at Noelle." Sa pag kakasbai niya ng pangalan nung tatlo parang napa flashback pa siya.

"Magkakaibigan na po ba sila noon pa?" Tanong ko.

"Dito sila nag kakila-kilala." Medyo nagulat ako sa sinabi niya.

Ilang beses pa ba akong magugulat?

"Paano po?"

"Same sa reason ni Rhya, para-pareho silang pinatapon dito pero iba-iba ang dahilan kung bakit sila pinatapon dito. Si Noelle nung nag kasakit nanay niya dahil sa pagkawala ng papa niya. Si Maeve dahil sa pagiging pasaway, Si Kalli naman dahil sa pakikipag-away." Simula bata pala 'yong dalawa, siraulo na sila.

Natahimik kami ng ilang sandali at napatingin ako ulet kay Rhya na tuwang tuwang nakikipaglaro sa mga bata.

Naalala ko before isa yan sa mga gusto ko sa mga boys. Ang laking turn on kaya sa akin nung malapit sa bata.

Kung iisipin, ang ibang ugali ni Rhya at Noelle ang gusto ko sa isang lalaki pero bakit babae sila? Hayyy Lord hindi po ba pwedeng makakilala ng lalaki na kagaya nila?

"Talaaaa!" Bumalik ako sa ulirat nung sumigaw si Rhya kaya tinignan ko siya.

Nakangiti siya habang nakataas isang kamay niya dahil nilalayo niya yung bola sa tatlong bata na tumatalon para abutin yon tapos kumakaway siya sa akin.

Ito 'yong Rhya na kilala ko. Hindi ko alam na may gantong side din pala siya.

"Halika ka. Sali ka!" Aya niya sa akin maya nag paalam na muna ako may sister Jemma at sumali sakanila.

Medyo nakakapagod silang kalaro pero nakakaenjoy din naman at hindi ako nag sisi na sinamahan ko si Rhya dito. Parang pati pakiramdam ko gumaan kaso hindi ko maiwasan na hindi mamiss mga mapatid ko. Babawi talaga ako sakanila.

Nag pahinga na muna kami at hinayaan ang mga bata na mag laro.

"Tala, here." Abot niya sa akin nung bote ng tubig at kinuha ko naman 'yon.

Iinom palang sana ako pero bago ko pa magawa natigilan ako dahil sa ginawa ni Rhya. Bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Taka ko siyang tinignan. "Thank you." Nakangiting sabi niya at umupo sa tabi ko.

Normal na kiss lang naman 'yon pero simula kase nung halikan ako ni Maeve parang iba nagiging epekto pag hinahalikan ako.

Dapat ko na nga ata silang iwasan pero parang mahihirapan ako at alam ko sa sarili ko na mas lalo akong mahihirapan.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

2.3K 152 8
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
349K 6.5K 28
Sa loob ng Barangay Santolan magsisimula ang kakaibang karanasan ng labinlimang taong gulang na si Jinuel. Sundan ang kanyang istorya at kung hanggan...
82.2K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
122K 4.1K 20
"All I want is to live a normal life Lauren, ayoko ng ganito" I'm crying so hard in front of her. "then let's live a normal life together hmm, just t...