Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicro...

By PsychopathxXx

339K 10.3K 1.2K

Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. Th... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
1. Weakness Detected
2. Wrong One
3. His Eyes Around
4. Wanted Bride
5. Old Married Couple
6. White Dress
7. The Honeymoon Part
8. Newly-Wed Spark
9. That Side of Him No One has Seen
10. Failing... Falling... Sweetheart
11. Possible Danger
12. A Weekend Getaway
13. Message Received
14. Family Tree
15. The Past and the Present
16. Clear Choice
17. Happy Birthday
18. An Eye for an Eye
19. Spoiled Kid
20. Triggers and Reminders
21. Double Trouble
22. Clingy Baby
23. Flames of Desire
24. Bracelets
26. Pleasure in Confession
27. Mommy!
28. Birthday Boy's Request
29. Pretty... Queen... Fili!
30. Wedding Vows
Epilogue: Perfect Match

25. Baby Tarsier and the Guards

9.4K 303 36
By PsychopathxXx

CHAPTER TWENTY-FIVE

Lumipat kami sa mansyon mula sa penthouse kagaya nang napag-usapan noong nakaraan. Voight's getting big, and he's needing more space. Malaki naman ang penthouse pero wala iyong binatbat sa dati naming mansyon.

Isa pa, kung sakaling bumalik si Celeste, wala na siyang madadatnan pa sa penthouse.

Alam kong sa pagbalik namin sa mansyon, ganoon din ang mga alaala ng nakaraan.

The penthouse can be used for leisure... mainly for our sexcapades.

Isang truck ang humakot ng mga laruan ni Voight patungo sa mansyon. He seemed to be excited going back to the mansion. Sumakay naman kaming dalawa sa kotseng maneho ng kanyang ama.

"Are you ready?" Gotham asked us both.

"Yes, daddy!" Voight screamed his lungs out.

Tumawa naman kami pareho. "Are you comfortable there?" tanong ko sa batang makulit.

He nodded.

Pinasibad naman ni Gotham ang sasakyan. His one hand was on the wheel, the other hand was seeking refuge with mine. Alam kong ramdam niya ang bigat ng pakiramdam ko.

Tumapat ang kotse sa mansyon, pinagmasdan ko iyon mula sa bintana. It was still the same as it was before. It was maintained the same way. Marahang pumasok ang kotse sa malawak na garahe ng mansyon.

Bumaba si Gotham para pagbuksan kaming dalawa ng kanyang anak.

Bahagya akong pumikit upang kalmahin ang aking sarili. I never thought I would step foot in this mansion again. Wala na akong balak bumalik sa buhay nina Gotham, pero kusa niya akong hinanap.

"Fili... are you sleeping?" A small hand reached my cheek. Malambing ang boses niya.

Nagmulat naman ako ng mata, bumungad sa akin ang naghihintay na si Voight. He waited for me to get out of the car. Nakaabang din si Gotham. His eyes were asking me a question, I just nodded at him.

Binuhat ko naman si Voight, sabay na kaming tatlong pumasok ng main door. Huminga ako nang malalim. Walang pinagbago ang kabuuan ng mansyon.

Bumaba naman sa pagkakarga sa akin si Voight, tumakbo siya sa iba't ibang sulok ng mansyon. He was in awe how enormous our new place is.

It wasn't exactly a new place, he already resided here before. Sigurado akong may ilan siyang alaala sa lugar kagaya ng memorya niya sa kapatid ko.

"Are you sure you're okay with this set up?" Gotham asked me. "We can always find another place."

"It's fine. I have to face my scars whether I like it or not..." malaman kong turan.

Lumapit siya, humawak ang kanyang kamay sa aking baywang. He kissed both my eyelids. Napapikit naman ako. The only comfort I have is being with Gotham... I'm letting myself be dependent of him.

Just like before.

Ni hindi nawala ang nararamdaman ko sa kanya, natabunan lang ito ng iba't ibang emosyon na pumaloob sa akin sa ilang taon. I had to survive on my own, it didn't become my priority.

Hindi nawala, nanatili lang nakatago.

Voight emerged out of nowhere. Basa na siya ng pawis sa pagtakbo. Sigurado akong ubos ang enerhiya ni Voight sa pag-akyat panaog pa lamang. He told us what he was excited about.

"Look, Fili and daddy, I found something..." May kinuha siya sa bulsa ng shorts niya.

It was a tiny baby toy Russle used to hide for us to find. My heart skipped a bit with the sudden memory of my brother. Humiwalay ako kay Gotham, yumuko ako upang pumantay kay Voight.

"I'm sure, you'll find more of that..."

His eyes lit. "Really?"

Tumango ako.

Maraming laruang sobrang liit na binili si Russle para ikalat iyon sa kabuuan ng bahay, iyong iba naman ay nilalagay niya sa bagahe ni Gotham kapag kinakailangan nitong umalis ng ibang bansa. Para sa kanya, proteksyon ang mga laruang iyon...

Muli siyang tumakbo upang maghanap ng mga laruang tinago ng kapatid ako.

Naiwan naman ako kay Gotham. I couldn't face him. Natatakot akong baka bumuhos ang luha ko kapag humarap ako sa kanya.

Hindi na ako nakapagsalita nang kabigin niya ako pasubsob sa kanyang dibdib. He hugged me. I couldn't hold back my tears, I was crying on his chest again.

Wala siyang imik. Yumakap lang siya habang hinahaplos ang aking likod.

Maybe, I didn't need to say something. I'm sure he knew what already happened back then. Hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya ang nangyari. Nasasaktan ako. Nahihiya ako dahil binigo ko siya.

Russle loved Gotham a lot. He was his favorite, he was so fond of him. My husband loved my brother as well, the same way I did. Iyon din ang nagustuhan ko sa kanya kaya napalapit ang puso ko, tinuring niya ng higit ang kapatid ko.

It would hurt him the same way it pained me.

I almost lost myself when Russle died.

Hindi ko iyon matanggap dahil ginawa ko naman ang lahat para dugtungan ang buhay niya sa kanyang sakit, pero kinuha siya sa akin sa paraang hindi dapat. Masasaktan man ako, pero matatanggap ko kung nawala siya sa sakit.

Pero hindi...

He didn't die because of heart illness, he was taken away from me by Bernabe.

I killed him, too. I killed his goons. But no matter how many lives I killed, it wouldn't compensate my suffering. Hindi nito kayang tumbasan ang inosenteng buhay na nawala.

Russle died on my birthday. His last words were asking me to take care of Gotham and Voight.

Akala ko noon wala na akong tiyansang magawa ang bagay na iyon, wala akong lakas ng loob na harapin ang asawa ko. Hindi ko kayang harapin ang panunumbat sa aking kapabayaan.

Siguro, ngayon ang tiyansa.

Pinahid ko ang aking luha, alam kong namumula ng bahagya ang aking mata. Minsan lang akong umiyak, halatang - halata pa.

This time, I would take the chance to live by honoring my brother's memories and wishes.

"Don't be too hard on yourself, Fili. It's not your fault. It was never your fault." Binigyan niya ng halik ang magkabila kong mata. I felt his lips on my forehead.

Iginiya niya ako patungo sa aming kuwarto, tinawag naman niya si Voight upang sumama sa amin. We couldn't let Voight play unsupervised. Iniiwasan naming maaksidente siya sa paglalaro.

Patakbo naman siyang umakyat ng hagdan. Ipinakita niya sa amin ang ilang pirasong laruang nakita niya sa paghahanap sa buong bahay.

It was too little.

Even before, whenever I thought I found all of the hidden small toys, I would always find more.

Dumako kami sa master's bedroom. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Walang pinagkaiba ang kuwarto sa huling alaala ko.

"I tried to preserve it so it could smell like you," I heard Gotham's voice beside me. "I come here whenever I miss you." His voice laced emotions I couldn't name.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "I'm here, you don't need to miss me."

"Don't leave me again." It was pleading.

"I'll try."

Ayokong pangakuan siya na hindi ko naman kayang tuparin.

"That's enough for me. It's enough you're going to try, sweetheart." He squeezed my hand. Ilang minutong nakatutok ang mata namin sa isa't isa. Nag-alis lang ako ng tingin sa pagtawag ni Voight sa amin.

He was already jumping in the bed with his socks, at least, he removed his shoes.

"It's huge! There's a lot of s-space to play!"

Hinawakan niya kami at hinila upang matumba sa kama. We just let him. Parehas niya kaming niyakap.

"I l-like it here already!" Voight told us. "Do you like it here, Fili?"

Tumango naman ako.

It was Russle's favorite place. It was our home until I decided to run away. This is the place I felt the most secure and special because of Gotham and Russle.

Of course, I like it here.

***

Nothing was changed.

I still have the dresses, and materials things my husband bought for me. They were still placed in the walk-in closet. Nilibot ko rin ang kabuuan ng bahay, lahat ng sulok walang pinagbago.

Isa lang ang hindi ko kayang puntahan... ang kuwarto ng kapatid ko.

Hindi pa ako handa na pasukin ang naiwang alaala ng kapatid ko.

Bumalik naman si Gotham sa penthouse para kuhanin ang naiwang laruan ng kanyang anak. Isang truck na iyon, hindi pa rin pala kasya. Naiwan kami ni Voight sa kabuuan ng bahay.

I stayed in our room, Voight asked permission to play around. Hindi na raw niya kailangan ng kasama, magpahinga raw muna ako. I was a bit hesitant at first, but he promised me he would behave while playing downstairs.

Pumayag din ako.

Nanatili muna ako sa kuwarto, tinitingnan ang mga naiwan ko noon at inayos ko rin ang mga damit ng makulit naming bata. Paminsan - minsang bumababa naman ako para silipin si Voight. He is well-occupied by his toys.

Hindi pa niya gustong iligpit ang mga laruan, nakatambak pa lahat ng iyon sa aming sala. It was like a factory of toys. Sobrang dami. Sigurado akong kulang ang isang araw upang ligpitin namin ang lahat ng iyon.

May parating pa... hindi pa iyon kumpleto.

Kaya naman pala bahagyang masikip ang penthouse, tambak na tambak ng kayang mga laruan. Lahat ng gusto ni Voight, madaling bilhin ng kanyang ama.

"Fili! Fili!"

His voice was urging me.

Voight's back.

Pawisang - pawisan ang bata kaya naman kumuha ako ng malinis na tuwalya bago lumabas ng walk-in closet. Agad ko siyang sinalubong ng tuwalya. Pinahiran ko ang kanyang mukha.

"Pagod ka na ba?"

I grabbed his suitcase with shirts. Balak ko nang palitan ang kanyang damit.

"I f-found something..." Itinaas niya ang kanyang hawak sa kamay upang makita ko. "It's a camera! I l-looked at it, Fili! There are p-pictures of me when I'm baby!" wika niyang excited.

Parang tinakasan naman ako ng dugo sa mukha nang makita ko ang pamilyar na bagay. It was a camera owned by my brother. He loved taking pictures of Voight when he was a baby.

Pinindot niya iyon at pinakita niya sa akin ang mga larawan niya. It was just Voight... with his bottle, when he was smiling, a couple of blurred, random shots. Then, I heard his voice...

Russle was singing him a lullaby to sleep.

The video camera was focused on the toddler, but he was singing on the background.

My uncontrollable tears started flowing. Voight was humming with him.

Bahagya akong napaupo sa sahig. When he looked at me, I was bawling. His eyes widened.

Inilapag niya ang camera sa kama. His small hands touched my face and dried my tears.

"Voight, can you leave me for awhile, please?" I asked him softly. "I just need to compose myself."

Hindi na kailangan pang makita ng bata ang pag-iyak ko. I should've controlled my emotions more, he shouldn't have seen how vulnerable I was. Hindi niya kailangang indain ang lungkot na dala ko.

I was a bit relieved when he followed my instruction and ran outside the room. Marahan niyang isinara ang pinto. Natumba naman ako sa sahig, hinayaan ko munang tumulo ang aking luha ng ilang minuto.

Narinig kong muli ang kanyang boses... pagkatapos nang mahabang panahon.

I missed him more.

Bumukas muli ang kuwarto. I tried to gather myself as quick as possible. Dala ni Voight ang kanyang mga laruang dinosaur at ibang animals, pinalibot niya iyon sa akin.

"What are you doing?" I asked, confused.

Kumuha rin siya ng unan sa kama at ibinaba niya iyon. Pinahiga ako ni Voight sa unan, nahiga rin siya sa tabi ko. Hinaplos niya ang aking pisngi.

"They are our g-guards, Fili. It's okay, you can cry. I cry, too."

His words just comforted me.

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak habang pinapahid niya ang aking luha sa pisngi. Niyakap ko siya. Hinayaan naman niya ako.

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko sa kanyang presensya. Napatigil naman ako nang nabasa ang aking damit, nang tingnan ko si Voight, umiiyak din siya kasabay ko.

"Why are you crying?" I asked him. "Naipit ka ba? I'm sorry."

"Because you're crying!"

Natawa ako, pinunasan ko ang kanyang pisngi. "Oh, Voight. You didn't know how much you comfort me. 'Wag ka nang umiyak, hindi na rin ako iiyak..." Natawa ako sa huli kong sinabi.

"Let's just cry..."

Mas lalo akong natawa.

Hinalikan ko ang kanyang noo nang paulit - ulit. Akala ko hindi kami magiging magkasundo noong una. I was wrong. He's a bit naughty, yes. But he's also sweet, and caring.

Napailing ako, mas umiyak si Voight kaysa sa akin. Bumangon naman ako para ihiga siya sa kama. Inayos ko rin ang mga laruan bilang guwardiya naming dalawa. I tickled him to make him stop from crying.

He still didn't stop. "Do you want pancakes, Botbot?"

I got the camera again and browsed the pictures. Pinahiga ko siya sa aking braso.

"Look, that's you..." Itinuro ko ang kanyang litrato, bahagya naman siyang tumigil sa pag-iyak. It was mostly his pictures. "Do you know who got these pictures of you?" marahan kong tanong sa kanya.

"My p-playmate..." He nodded.

"Yes. Russle. He took those pictures. You were his favorite subject, Voight. He asked your father to get him a camera just like you did, so he could capture pictures of you... and us." Ngumiti ako.

Dumako ang camera sa isang litrato. It was a picture focused on him. Hinawakan ko naman iyon.

"I was crying because I missed him... so much." Tumingin ako sa kanya. "He's my brother, Voight."

Sa kanya umikot ang aking mundo... siya ang naging buhay ko.

"We can v-visit him, I'll be with you!" sinabi niya pa.

I just smiled and said yes.

Hindi pa niya maiintindihan dahil bata pa siya na iyong pangungulila ko panghabang-buhay. I didn't want him to understand such scenario... ayokong maranasan niya iyon para maintindihan ako.

I should pat myself for being calm and collected as I told Voight those things. Hindi ako naglupasay sa lungkot sa unang pagkakataon. I will preserve those memories so I can survive this lifetime.

His presence was still felt in the house.

Hinayaan ko siyang matulog sa aking bisig habang nakayakap sa akin.

Pinagmasdan ko siya at hinalikan ang kanyang noo. He just saved me from drowning in pain earlier. Bahagya akong natawa nang mahagip ng aking paningin ang laruan niyang nagsisilbing guwardiya naming dalawa.

His gesture melted my heart.

Manang - mana siya sa ama. Noong una akala ko hindi ko makakasundo si Gotham, pero mali ako. Nahulog din ang aking damdamin sa lalaki. Voight's doing the same trick to me, I'm already letting him into my system.

Parang unti - unti ko nang inaako ang responsibilidad na maging ina niya.

Isa siyang malaking kawalan ni Celeste, hindi niya mararanasan kung paanong magmahal ang kanyang anak na iniwan.

***

Since we are now residing back in our place before, Gotham invited his gagong friends for a barbecue party at our place. Medyo nahiya naman ako dahil wala pang kaayusan ang mansyon.

Half of Voight's toys are still placed anywhere around the house. Nililigpit naman namin iyon pagkatapos niyang maglaro pero bumabalik din sa pakalat - kalat kinabukasan.

He would help me clean his toys. Mas madalas na nakasabit siya sa akin kaya mayroon akong bagong pet name sa makulit na bata.

Ang aking munting tarsier.

"Voight, come with daddy, let's clean the pool area." He extended his arms for him. "Let Fili rest. You're always hanging yourself onto her."

"No, daddy. I'm Fili's baby tarsier."

Tumawa kami pareho. Tanggap na tanggap niya ang pagiging tarsier. Hindi pa yata siya nakakakita ng tarsier, sinabi ko namang cute iyon. He believed me. Well, it's cute with its big, round eyes.

"Daddy, ice cream, please!"

"Sure, son."

Hinawakan naman niya ang aking kamay, hinila niya ako patungo sa kusina. Lumapag naman si Voight sa counter habang kumukuha si Gotham ng ice cream tub sa freezer.

We got our grocery yesterday for our party tomorrow. They accompanied me as usual. Behave naman ang dalawa, hindi sila nag-away habang namimili kami sa grocery store.

Binuksan ni Gotham ang ice cream, naglagay siya sa dalawang bowl at ibinigay niya iyon sa amin. He scooped at the same time to feed the both of us. Voight surely loved the ice cream with the expression on his face.

Gotham was enjoying with his task. There was a subtle smile on his face watching his son's expressions... he would wink at my direction. Humaharot na naman ang isang ito.

Agad ko namang pinainom ng tubig si Voight nang maubos niya ang ice cream.

"You don't want ice cream, Gotham?" tanong ko sa aking asawa.

Panay lang ang subo niya sa aming dalawa, hindi naman siya tumikim.

"Want."

I was about to go and get a bowl and spoon on the cupboard when he stopped me. Iniharap niya ako sa kanya.

"I want to taste the ice cream on your lips," suwabe niyang saad bago sakupin ang aking labi.

Tinugon ko naman ang kanyang halik. It was just a sweet, passionate kiss. Alam kong nagpipigil siyang galugarin ng dila ang kabuuan ng labi ko dahil and'yan si Voight. Naglayo kami nang marinig namin ang tunog ng camera.

Manang - mana siya sa kapatid ko.

"It becomes my favorite flavor whenever it's on your lips," he said biting his lower lip.

Pinisil ko ang kanyang pisngi. "Malandi."

Humarap naman ako kay Voight, nakatutok pa rin sa aming dalawa ang kanyang camera. Gotham bribed his son to hand his camera to us. Tiningnan namin ang litratong kuha niya.

It seemed like professionally taken. Nakuha niya ang tamis ng halik naming pinagsaluhan.

Lumambitin muli sa aking leeg si Voight. Hindi na naman maawat ang aking tarsier.

"I like it, son. You're good in taking pictures... is this what you want to pursue in the future?" Gotham asked our little tarsier.

He shook his head. "I don't want to w-work, daddy!"

We laughed at his answer. Kahit naman hindi siya magtrabaho, mayaman naman siya. People would work for him, instead.

Matapos ang ilang minutong ice cream break, muli akong bumalik sa paglilinis ng mansyon. Sa pool naman naatasan si Gotham, hindi sumama sa kanya ang batang tarsier.

This time, Voight was genuinely helping me clean the house. Panaka - nakang nakakahanap naman siya ng mga tiny baby toys na tinago ng kapatid ko. Iniipon niya iyon.

Once Gotham was done with the pool, he also helped us clean inside the house.

It was such a nice bonding moment for us three.

***

The first ones who arrived were the girls.

Gabi pa lang ay dumating na sila sa bahay. Iyong pilit naming nilinis na kalat na mga laruan ay muling bumalik sa dati. Napailing na lang ako.

Inilabas na ni Gotham ang grill umaga pa lang. The kids were excited with the grilling session. Pinaunlakan na sila ni Gotham, sinubukan na nila iyon. We had varieties of meat and seafood.

Unang dumating sina Justise at Priam kasama si Freedom. Mas lalong natuwa ang mga bata lalo na si Badiday.

Bumeso sa akin si Justise, mayroon siyang dalang basket na mga regalo. Reign and Sioux couldn't attend the party, they are still cruising. Nagpadala naman ito ng isang mini desserts truck para sa mga bata.

I was about to put the basket together with the food when I realized it didn't contain food. It's a make up collection. I remembered she owns a beauty business. Itinabi ko muna iyon.

I almost gasped. Hinila ako ni Gotham sa tagong parte ng mansyon.

"Tigang na tigang, hinalikan pa lang kita kanina, ah."

"Kiss me again, please." His eyes were pleading me.

Sumunod naman ako sa kagustuhan niya dahil gusto ko rin. I loved kissing him. I loved his kisses. It makes me feel giddy and excited. Masyado siyang guwapo upang magkaawa sa mga halik ko.

"Ya, ang lalandi ay!"

Naghiwalay naman kami agad ni Gotham. I saw four pair of eyes staring at us, one pair of eyes was peeking. Tinakpan ni Freedom ang mata ng batang tarsier namin. It was cute.

Madalas naman niya kaming makitang nagki-kiss dahil malandi ang kanyang ama.

"They always k-kiss!" saad pa ni Voight.

Mas lalo akong pinamulahan ng mukha. Inilaglag pa kami ni Voight sa kanyang mga kalaro.

"Kids, you shouldn't be disturbing people who are busy." My husband told them.

Badiday just gave him a side eye. "And'yan na ngani sina Ate Aramis, inahanap ka na, Burarat. Tara na, maglaro na ulit tayo!" Tumakbo ang mga bata paalis ng lugar, nagpabuhat naman si Voight kay Freedom.

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na humalakhak.

"I'm missing you on top of me," he grunted.

Ngumisi ako. "Hayaan mo sa susunod, itatali kita sa kama habang gumigiling ako sa harap mo. Gusto mo 'yon, sweetheart?" Hinawakan ko ang kanyang pisngi.

Desire flashed his eyes. "Yes, ma'am."

Pinagbibigyan niya ako kapag gusto kong maging dominante sa kama at ako ang nasa ibabaw niya. He was a generous lover, not just with financial aspect, even in bed. Sinisiguro niyang natutugunan ang pangangailangan ko sa kama bago ang kanya.

We went back to the garden to greet our visitors. Aramis kissed my cheeks. Karga niya si Volcan na magkaiba ang kulay ng mata, napakagwapong bata, medyo masungit lang sa tao na namana raw sa ama.

Huling dumating si Rainbow at ang asawa nitong si Mr. Petrovich na may berdeng mata. Naalala ko ang lalaki dahil namangha si Russle sa berdeng mata nang dumalaw kami sa opisina ni Gotham noon.

Some of Gotham's friends attended the gathering without their partners. Wala akong ideya kung kasal na ba ang ibang lalaki.

For that matter, I should ask Jianyu. Siya naman ang mayroong mata ng agila, at saka tsismoso siyang tunay. Kilala ko na ang gagong iyon, dapat may kapalit din. Mayroon pa akong utang sa lalaki.

"Kumusta naman si Voight?" Aramis asked me.

Nasa malilom kaming parte ng garden habang nag-iihaw ang mga lalaki, iyong iba naman ay naatasan upang magbantay ng mga batang naglalaro. We are treated as queens.

Nakahain lang ang charcuterie board na dala ni Rainbow na pinapapak namin.

"He's clingy," sagot ko sa tanong niya ng may ngiti. "Medyo na-spoil ni Gotham, pero mabait siyang bata. Palagi siyang nakasunod sa akin."

"He's longing for a mom. We're happy he found you." Ngumiti siya.

Pinanliitan ako ng mata ni Justise. Parang iinterogahin niya ako, hindi naman ito ang unang beses na nakahalubilo ko ang mga kababaihan pero ngayon lang nagkaroon ng oras para sa kuwentuhan.

I was a bit aloof before. Hindi pa namin kami masyadong maayos ni Gotham. I still have a lot of things to say to him, but there's progress.

"So, you're kasal na to him even before? Bakit ka nag-run away? Can you tell us naman about your love story like how kayo nag-meet? Nag-sex ba kayo agad on your first meeting?"

Their eyes focused on me. Halatang nag-aabang sila ng sagot ko. Halos mabulunan naman ako sa huling tanong niya. Sobra siyang kuwela, madaldal, at sosyal.

"Ninakaw ko iyong sasakyan niya... tapos benenta ko. Hindi na niya ako tinantanan."

Ilang minuto nila akong tinitigan.

"Oh, you're magnanakaw! I like that!" Justise exclaimed. "Rico made panggap kasi na he was mahirap, so I went to his lugar and someone snatched my phone! I made habol nga, eh. Na-forgot niya 'yong charger."

Natawa naman ako.

Aramis clapped her hands. "Bet ko 'yan! Inisahan mo ang isang Alpha! Bakit kayo naghiwalay?"

"I had someone to protect..." Huminga ako nang malalim. "I didn't want him to choose between important people for him." I answered vaguely.

Hindi pa ako hang idetalye iyon ng husto sa ngayon. Natapos din naman agad ang usapan namin, tumakbo ang mga bata papalapit sa amin. Muling pumulupot sa aking leeg ang batang tarsier.

He's sweaty.

May nakahanda naman akong gamit para sa kanila. Pinunasan ko ang mukha ni Voight. Lumapit din sa akin si Bebang, pinunasan ko rin ang basa ng pawis niyang mukha.

Nanatili na sila sa aming puwesto. Mukhang napagod na ang mga ito sa paglalaro.

Kinalong ko si Voight, nakasandal naman siya sa akin. The kids were telling us about the dessert truck their Uncle Sioux and Aunt Reign had sent. Pabalik - balik na raw sila upang kumain ng matamis na pagkain.

Pinainom ko naman agad ng tubig si Voight. Baka sumakit ang kanyang tonsil sa sobrang tamis ng kanilang kinain.

"Fili, aren't we going to eat yet? I'm h-hungry!" bumulong siya sa akin.

"Ask daddy. Tell him to hurry..."

Inakit naman niya ang mga kalaro upang puntahan ang kanyang ama. They smiled at me.

"You two look cute. Voight seems to be super comfortable with you. Hindi siya ganyan sa ibang tao, kahit sa akin. I'm just happy seeing him like that," saad pa niya.

The kids came back with the news. Nakapag-set up na raw sila ng table at ready na ang pagkain. Ilang minuto naman ang lumipas, sinundo na kami ng kanya - kanyang kabiyak.

Gotham gave me a kiss on the lips. Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming lumakad patungo sa dining spot, karga ko naman si Voight na gutom na.

It was a long table full of his friends and their wives. Maraming pagkain ang nakahanda. They opened some wine for everyone who wanted a drink. Mango juice naman ang para sa mga bata.

The barbecue party was chaotic. Mas maingay at malikot pa ang mga kalalakihan kaysa sa mga bata.

Napailing na lang ako, pero masaya ang puso ko.

I felt happiness again...

I was dreading if this would end soon.

Continue Reading

You'll Also Like

29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
173K 5.4K 57
Do you think you can love someone again if there's something in your past that's preventing you? What if you fell in love, with someone who's younger...
161K 4.5K 38
She's a gold-digger... In this economy, respect the hustle. The Gold-digging Mastermind | PsychopathxXx __________ Warning: R-18 | Story not suitable...
2.3M 73.3K 35
Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other...