My Stubborn Girl

By purplenayi

5.4K 222 34

[Ongoing] My Porker-Faced Guy Book 2 Matapos ang apat na taon, 2 years with no communication, ay nagkitang mu... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9

Chapter 8

513 17 1
By purplenayi

"Are you ready?" nakangiting sabi ni Xander na bumungad sa pinto ng opisina ko. Gumanti naman ako ng ngiti at itinuro ang sofa.

"Sorry, I just need to finish this. Marami pa naman tayong oras 'no?" sabi ko.

"Yeah, you can take your time. Hindi naman malayo ang restaurant."

May lunch meeting kami sa isang restaurant 10 minutes away. Alas-dose medya pa naman iyon at wala pang alas-dose. Hindi naman traffic papunta roon kaya siguradong hindi kami male-late.

Itinutok ko na muna ang pansin ko sa ginagawa. Nang matapos ay nai-send ko agad 'yon via email. Nag-check pa muna ako ng ilang email nang bigla na lang may pumasok sa opisina ko.

"Hey, beautiful!" masiglang bati ni Liam at tuloy-tuloy na lumapit sa akin. Bahagyang naupo pa siya sa armchair ng swivel chair ko at umakbay. "Let's have lunch together," sabi niya pa.

Sanay na akong may pagka-touchy siya. Although, mas touchy siya kay Gen pero minsan umaakbay rin siya sa akin. Hindi ko na lang iyon masyadong pinapansin dahil alam kong wala rin naman sa kanya iyon.

"Sorry, Liam. May lunch meeting kami," sabi ko sabay turo kay Xander na nakatingin lang sa kung saan, hindi lumilingon sa amin.

Mukha namang noon lang napansin ni Liam si Xander. Tumayo siya agad at tinignan ang lalaki.

"Oh, may tao pala. I'm sorry, hindi kita napansin," sabi ni Liam kay Xander.

"It's fine," simpleng sagot nito.

Sandaling tumahimik si Liam, tila nag-iisip. Mayamaya ay pumitik siya bigla at itinuro pa si Xander.

"That's right! You're Xander. Mica's ex, right?"

Tumingin ng ilang sandali si Xander kay Liam bago nagsalita.

"Yes, ex. Just like you," sabi ni Xander na ikinagulat ko. Parang nahimigan ko kasi ng paghahamon ang boses niya.

Tumawa naman nang malakas si Liam dahil sa isinagot ni Xander pero wala na itong sinabi pa tungkol sa topic na iyon.

"Long time no see, bro! You work here now?" tanong ni Liam.

Oo nga pala at hindi ko nabanggit kay Liam na narito na ulit si Xander at siya pa ang bagong president ng company. Hindi rin naman kasi kami nagkaroon pa ng pagkakataon na magka-usap.

"Yes, he's the new president," sabi ko bilang sagot nang hindi nagsalita si Xander.

"I see. Congrats!" Bumaling na sa akin si Liam pagkasabi noon kay Xander. "Then, can we have dinner later instead?" tanong niya sa akin.

Nag-thumbs up naman agad ako pero bumaling pa siya kay Xander.

"I can take her to dinner later, right?"

Poker-faced na tumingin si Xander kay Liam bago sumagot.

"I don't think she needs my permission."

"Oh, right! Ex. Just like me," tumatawa pa ulit na sabi ni Liam habang tinuturo pa ang sarili niya.

Napapa-iling na lang na kinurot ko sa beywang si Liam na lalo niyang ikinatawa. Hinuli niya pa ang kamay ko bago pinisil iyon.

"We have to go, Liam. I'll see you later. Pupunta na lang ako sa resto mo," sabi ko saka tumayo na.

Bumaling ako kay Xander.

"Let's go."

~~~

Kakatapos lang ng meeting namin at pabalik na kami sa office. Successful naman iyon kaya masaya kami pareho ni Xander. Medyo malapit na kami sa office building nang mapansin ko na may message sa phone ko.

Napakunot ang noo ko nang makitang si Liam 'yon, lalo na sa sinabi niya.



<In the Photo: Chat message with Liam

Liam Bring Xander with you later 😉

Me: Why? 🤨

Liam: Nothing. I just want to become friends with him 😜>



Napatingin ako kay Xander matapos iyon. I don't know kung gusto niyang makipag-kaibigan kay Liam but it doesn't sound bad. Mas okay na rin siguro na magkaroon din ng ibang kaibigan si Xander. And I'm sure makakasundo niya rin ang lalaki. Chill lang naman kasi si Liam.

"Xander," tawag ko sa kanya.

"Hmn?" tanong niya, naka-concentrate lang sa pagda-drive habang ipinapasok ang sasakyan sa basement parking.

"You want to tag along later sa dinner?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin na tila nagtataka at hindi muna sumagot. Nai-park niya muna ang sasakyan sa reserved parking space niya bago humarap sa akin.

"Did you just ask me to crash in your date?" sabi niya, hindi mababasa ang mukha.

Natawa ako at bahagya pa siyang hinampas sa braso.

"It's not a date, Xander. So, ano? Sama ka?"

Tila nag-isip pa ito sandali bago sumagot.

"No."

Mabilis na bumaba na siya ng sasakyan kaya naman sumunod agad ako.

"But why? I told you it's not a date. It's just dinner so kahit tatlo tayo, walang kaso," sabi ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ba pinipilit ko si Xander dahil lang sa sinabi Liam. Maybe because gusto ko rin na kasama siya? I don't know but lately, gusto ko siyang nakakasama.

Sumakay na kami ng elevator at pipilitin ko pa sana siya pero may biglang nagsidating na sasakay din. Marami sila kaya naman napuno ang elevator. Nahiya naman ako bigla kaya hindi na muna ako nagsalita.

Nang makababa kami sa floor namin ay kumapit agad ako sa braso ni Xander.

"Sama ka na, please?" sabi ko habang nakatingala pa sa mukha niya.

Umiling lang siya.

Ngumuso ako at yumakap sa braso niya. Nagdahan-dahan siya ng lakad dahil matutumba kami kung bibilisan niya.

"Please, please, please?"

Nakita ko pang napatawa siya nang bagya bago tumango.

"Fine, you win," sabi niya.

Ngumiti pa ako nang malapad sa kanya pero bigla ring napabitaw nang may marinig na impit na pagtili sa gilid ko.

"Nakakakilig talaga sila," bulong ng isa.

"Ang cute nilang tignan!" sabi pa ng isa.

Doon ko lang napansin na nakatingin na pala sa amin ang mga emplyado sa paligid. Ngiting-ngiti pa sila habang pinapanood kami. Nawala sa isip ko na nasa hallway pala kami!

Nag-init bigla ang pisngi ko kaya binilisan ko ang paglalakad papunta sa opisina ko, hindi na hinintay si Xander na narinig ko pang tinatawag ang pangalan ko.

~~~

Dahil dala ko rin ang sasakyan ko ay convoy kami ni Xander papunta sa restaurant ni Liam. Hindi ko naman kasi maiwan iyon sa opisina dahil pupunta ako sa site kinabukasan at kailangan ko ang sasakyan ko.

Nang makarating ay itinuro agad kami ng isang waiter papunta sa reserved seat para sa amin. May naka-set na roon na tatlong wine glass pero wala si Liam.

"Special delivery!" narinig kong sabi ng nasa likod ko.

Si Liam iyon na may dalang dalawang tray ng pagkain. Marahang ibinaba niya iyon sa mesa. Dalawa ang magkatabi at isa naman sa tapat.

"Sit there," sabi sa akin ni Liam saka itinuro ang pwesto na may katabi.

Hindi naman ako tumutol at naupo roon. Nakita ko pang pupunta sana si Xander sa tabi ko pero mabilis na naupo roon si Liam. Hinayaan na nito na ang isang waiter ang kumuha ng mga tray at ibalik sa kitchen.

"Ayos, ah. Talagang ang owner pa ang nag-serve," pang-aasar ko kay Liam.

Ngumiti lang siya at bumaling kay Xander.

"I took the liberty to decide on the menu. I hope it's to your liking. Actually, these are our special for today," sabi niya. "We can switch it if you prefer something else."

Bahagya lang din na ngumiti si Xander.

"No, It's fine."

Tumingin naman sa akin si Liam.

"You know I eat anything," natatawang sabi ko.

Habang kumakain ay nagku-kwentuhan kami. Tahimik lang si Xander kaya paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya at isinasali siya sa usapan. Pero parati ay tango o ngiti lang ang sagot niya.

Medyo na-konsensya pa ako dahil mukhang hindi naman siya nag-eenjoy na kasama kami ni Liam sa dinner.

"Oh, that's right! May nakita akong clip ng movie na nakakatawa. Available daw sa streaming sites. You want to watch this weekend?" sabi ni Liam kaya napabaling ako sa kanya.

"Sure. Wala pa naman akong plans this weekend," sabi ko.

"Alright, doon na lang tayo sa unit mo," sabi niya pa.

Tumango ako.

"Basta ikaw ang magdala ng pagkain."

"Of course, given na 'yon."

Kinuha agad ni Liam ang phone niya at nag-send ng message sa group chat naming tatlo ni Gen. Kapag ganitong nagyayaya siya, understood na agad na kaming tatlo iyon. Hindi lang nakasama ngayong si Gen dahil may sariling lakad.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko pero hindi ko na iyon tinignan dahil alam kong si Liam iyon.

Nangingiti pang ipinakita niya sa akin ang reply ni Gen.


<In the Photo: Chat from Gen in group chat

Gen: 🍔🍟🍕>


Ibig sabihan lang ay siguraduhing may burger, fries, at pizza na dala si Liam.

Napabaling ulit ako kay Xander. Halata sa mukha niya na medyo naiinis na. Kahit naman siguro ako, maiinis kung isinama ako pero hindi naman ako included sa usapan.

"Gusto mong sumama this weekend?" tanong ko.

"Oo nga, you can hang-out with us," segunda naman ni Liam.

Sandaling tumingin si Xander saka umiling.

"No, thanks. I have prior engagement this weekend," sabi niya.

"Oh, sayang naman. Pero kung maging free ka, feel free to drop by. Sa Saturday, from 1pm onwards," sabi ko pa.

Tumango lang siya bilang sagot.

Medyo nakaramdam ako ng awkwardness dahil mukhang bored na si Xander. Ang kaso, wala rin naman kaming mapag-usapan na makikisali siya. Kahit na alam niya ang topic, tumatahimik lang siya.

Kaya naman naisipan kong kumuha ng piraso ng karne sa pinggan ko at itinapat iyon sa kanya.

"Try this," nakangiting sabi ko.

Sandali lang na nag-alangan siya pero isinubo rin naman iyon. Ngumiti siya kapagkuwan at nag-thumbs up pa.

"Ito, bro, tikman mo."

Pinigilan ko ang matawa nang malakas nang makitang itinapat di ni Liam ang tinidor nito na may karne sa harap ni Xander. Masama ang tingin ni Xander dito pero hindi nagpatinag si Liam, naghihintay na isubo ni Xander ang karne.

"Tikman mo na, masarap 'yan. Tumulong si Liam sa recipe niyan," sabi ko.

Napabuga na lang ng hangin si Xander. Pero imbis na isubo iyon ay kinuha niya ang tinidor mula kay Liam. Inilagay muna ang karne sa pinggan niya saka gamit ang sariling tinidor ay kinain iyon.

"It's good," sabi ni Xander pagkatapos.

Natawa na ako nang makitang nakapangalumbaba si Liam paharap kay Xander habang hinihintay ang sasabihin nito. Although alam ko naman na nang-aasar lang ito.

"Alam niyo, bagay kayo! Kayo na lang kaya?" biro ko.

Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Xander pero tumingin din agad siya sa gilid at nag poker face na lang ulit.

"Ay bet! Tayo na lang, Fafa Xander, please?" sabi ni Liam na pinatulis pa ang nguso.

Aabutin pa sana niya ang kamay ni Xander pero na-iwas agad iyon ng huli.

Hindi tuloy ako magkandamayaw sa pagtawa.

"Bwiset ka talaga, Liam," sabi ko nang mahimasmasan. "Kung 'di ko lang alam na marami kang babae, maniniwala ako sa pinaggagagawa mo," sabi ko pa.

"Pero nand'yan ka pa rin naman kahit na marami akong babae," sabi ni Liam. Tiinaas-taas niya pa ang kilay bago umakbay sa akin.

"Ay siya, tapusin na lang natin ang pagkain," sabi ko.

Nang matapos kumain ay nagpasya kami na umalis na. Pero bago pa ako makapag-paalam nang tuluyan kay Liam at mabilis na nagyaya siya.

"Punta muna tayo sa dati bago ka umuwi," sabi niya.

Ang tinutukoy niya ay ang tambayan namin na open field, na may ilog sa gilid. Wala namang problema sa akin na pumunta dahil maaga pa naman.

"Sige. Dadalhin mo sasakyan mo?" tanong ko.

"No, mag-taxi na lang ako pabalik," sabi niya.

Bumaling naman ako kay Xander na nakatayo na rin.

"Sama ka?"

"No, thanks. May aasikasuhin pa ako. I'll get going," sabi niya saka nagpatiuna nang umalis.

He looked a little pissed kaya naman susundan ko sana siya pero mabilis na hinawakan ni Liam ang braso ko.

"Let's go?"

Continue Reading

You'll Also Like

346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
767K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
48.7K 885 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...