Chapter 7

398 21 5
                                    

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko habang hinihintay ang paglapat ng mga labi ni Xander sa mga labi ko. Pero bago pa man iyon nangyari ay napapitlag kaming pareho nang tumunog ang doorbell.

Mabilis na humiwalay ako kay Xander at nagbaba ng tingin.

"I'll just check kung sino," sabi ko saka nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ng pinto.

Napapikit pa ako nang mariin nang makalayo.

I can't believe that happened!

Huminga muna ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko bago sumilip sa peep hole para tignan kung sino ang naroon. Binuksan ko agad iyon nang makita ang nakatatanda kong kapatid na si Kuya Maico.

"Oh, Kuya. Why?" sabi ko agad pagkabukas na pagkabukas ng pinto.

Disappointed na tinignan ako ni kuya.

"You forgot, did you?" sabi niya, pinaningkitan pa ako ng mga mata.

Nang mapatingin ako sa katabi niya ay saka ko naalalang iiwan niya nga pala ang pamangkin kong si JM dito sa akin. Balak kasi nila ni ate Jacky na mag-travel tonight hanggang Sunday para i-celebrate ang anniversary nila.

Maglilimang taong gulang na ang pamangkin ko at malapit siya sa akin kaya naman sa akin siya madalas iwan ng mag-asawa sa tuwing nagta-travel sila.

Alanganing nginitian ko lang siya at hindi sumagot. Nakalimutan ko naman kasi talaga. Buti na lang at hindi ako nag-set ng lakad this weekend.

Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok silang dalawa.

"Oh, are we interrupting something?" biglang tanong ni Kuya, tagos ang tingin sa likod ko.

Nang tignan ko ang tinitignan niya ay nakatayo roon si Xander, nakangiti kay Kuya Maico.

"Good evening, Kuya Maico," sabi niya.

Hindi ko na lang pinansin ang tawag niya sa Kuya ko. Kahit naman noon, ganun na ang tawag niya. Mas weird kung bigla niyang babaguhin kahit na ba sabihin pang hiwalay na kami.

"Hey, long time no see! Nabalitaan ko ngang nakabalik ka na pero hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkita. How are you? Hindi ka ba pinapahirapan nito sa company?" tuloy-tuloy na sabi ni Kuya sabay nguso pa sa akin.

"Not really. Minsan..." nag-mwestra pa siya gamit ang kamay niya saka nagma-make face, tila pinapahiwatig na pinapahirapan ko siya, na ikinatawa ni kuya.

"Well, I know you can handle her. Anyway, I need to go. Sorry kung makaka-abala kami," sabi ni kuya bago bumaling kay JM. "Be good, okay? 'Wag bigyan ng sakit sa ulo ang tita."

Tumago naman si JM sa ama saka bumitaw sa kamay nito.

Tumingin pa ulit si Kuya kay Xander. "Let's catch-up soon," sabi ni Kuya bago tumalikod.

Inihatid ko pa palabas ng pinto si Kuya bago kinuha ang bag na naglalaman ng mga gamit ni JM na inilapag nito malapit sa pinto.

"Ipapasok ko lang ito sa kwarto," sabi ko, tinutukoy ang bitbit na bag.

Mabilis lang na inilapag ko sa maliit na mesa sa kwarto ang bag at lumabas na rin agad.

Napatigil ako nang mapansing nakatayo lang sina Xander at JM, parehong hindi ngumingiti na nakatingin sa isa't-isa. Hindi muna ako lumapit at humalukipkip munang pinanood habang nag-staring contest sila.

Ilang segundo lang din, si JM ang naunang nagsalita.

"You're the one in the photos, right? Are you Tita Mica's boyfriend?" tanong nito.

My Stubborn GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon