Chapter 9

588 24 5
                                    

"Good morning!" masiglang bati ko kay Xander nang makasabay ko siya sa paglalakad papunta sa kanya-kanya naming opisina.

"Good morning," ganting bati niya, bahagya lang ngumiti.

Binabati rin kami ng mga nakakasalubong namin at mga nasa upuan nila na nadadaanan namin.

"Ano 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa hawak niyang box. Kung titignan ay box iyon ng cake pero gusto ko pa ring itanong dahil baka naman mali ako.

Tumigil siya saglit sa may gilid bago itinaas ang bitibit at ipinasilip sa akin ang laman mula sa gilid. Maliit lang iyon at pang-dalawang tao lang siguro.

"Whoah! Chocolate cake!" sabi ko, medyo na-excite.

Hindi ko na maalala ang huling beses na kumain ako ng chocolate cake. Nagbawas kasi ako ng sweets. Simula kasi nang magsimula akong mag-trabaho ay parang bumagal nang kaunti ang metabolism ko. Naalala ko pang naging chubby ako one time kaya nagbawas ako ng nakakatabang pagkain at sinisigurong makakapag-exercise at least 3 times a week.

"You want some?" tanong ni Xander.

Napaisip ako sandali kung kukunin ko ba. Pero minsan lang naman ako kumain ng matatamis kaya naman tinignan ko ang box bago nagsalita.

"Pwede?"

Natatawang iniabot niya sa akin ang box.

"It's yours."

"Really?" masayang sabi ko habang sinisipat-sipat pa ang box.

Tumango si Xander bilang sagot.

"Let's eat it together later," sabi ko.

***

"Saan ka bukas?" tanong ko kay Xander.

Sabay ulit kami pero this time, nagpa-deliver na lang kami ng pagkain at dito kami sa opisina ko.

"Hmn?" tila nagtatakang tanong niya.

"Sabi mo may lakad ka bukas. I'm just curious kung saan," ngimiti ako bago nagpatuloy. "You don't have to answer me if you don't want to," sabi ko pa.

"Ahh. Sa bahay ng parents ko ako pupunta," sabi niya.

"Ohh, yeah? Oo nga pala't 'di ka na roon nakatira. Condo ba ang tinitirhan mo ngayon?" tanong ko.

Alam kong nagsasarili na siya ng tirahan pero hindi ko sure kung condo ba iyon o apartment. Ang alam ko lang ay mas malayo ng kaunti sa opisina kaya nagagawa niya akong daanan kung minsan 'pag papasok.

"Yeah. A one-bedroom unit tulad ng sa 'yo. Pero mas malaki ang unit mo. Walang partition ang kitchen at living room ng sa akin," sabi niya.

Tumango-tango ako.

"Then, pwede ka tomorrow pagkagaling sa bahay ng parents mo?"

Sandaling nag-isip si Xander. Gusto ko lang na imbitahan siya ulit na sumama sa bonding namin bukas nina Liam at Gen. Baka sakali na this time, um-oo na siya.

Nang nagdaang gabi ay hindi na siya sumama sa amin ni Liam. Ang totoo, pinagseselos lang daw ni Liam si Xander. Nakikita niya raw kasing may gusto pa sa akin ang huli. I doubt it though. Mararamdaman ko naman 'yon siguro kung totoo. And besides, wala siyang sinabi nang nakipaghiwalay ako formally.

Kaya hayun, naisipan niya na pasamahin si Xander sa dinner namin. At nang pauwi na ay niyaya niya pa ulit ako na tumambay muna kami sa tambayan namin dati. Sinabi niyang sinusundan daw kami ni Xander pero hindi ko naman nakita ang huli. Pero kahit na hindi, nagkukunwari pa rin si Liam na sobrang close kami at umaakbay pa. Hinayaan ko na lang siya dahil hindi rin naman siya papapigil kung anong gusto niyang gawin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Stubborn GirlWhere stories live. Discover now