Make You Mine Season 2 | Hear...

By chrisseaven

5.9K 362 82

Hayaan mo muna akong lumayo sa 'yo. | As Tian and Haku are now officially partnered on a movie, the feelings... More

Make You Mine
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Author's Note
About Make You Mine S2
About Heartful Academy
Series Timeline
Invitation

Chapter 5

199 14 1
By chrisseaven


TIAN MARTELL

KAKAPASOK lang namin sa gate ng aking bahay at kanina pa tawa nang tawa sina Vincent at Blue halatang ang saya-saya nila makasama si Haku. Iba ang tawa nila na parang mga batang mahinhing tumatawa na parang kinikilig.

Napabuntong hininga lang ako. "Jusko, ang aasim niyong lumandi..."

Kanina pa ako sa likod nila at nauumay na ako kakatingin sa kanilang dalawa na parang away ng bitawan si Haku, pariho nilang hawak ang magkabilang braso ni Haku at panay ang sabi nila ng mga pick up lines dito pero walang reaction lang si Haku dahil hindi naman talaga sila nakakatuwa.

"Haku, alam mo kanina pa tahimik dyan sa likod si Tian, pero pinapatay na 'yan ng selos..."

"Oo nga, malamang gusto na kaming suntokin nyan, naiinip na 'yan dahil hindi ka niya mahawakan..."

Napikon na nga ako sa hindi magandang biroan nilang dalawa at tinatawanan pa nila ako kaya hindi na ako nakapagtimpi, agad akong lumapit sa kanila at dali-dali kong inalis ang mga kamay nilang nakahawak sa magkabilang braso ni Haku

Ako ngayon ang humawak sa braso ni Haku. "Dyan na nga kayo..." dali-dali kong hinila si Haku papasok ng bahay at agad kong isinara ang pinto.


Hinayaan ko lang sa labas sina Vincent at Blue na kumakatok pa pero naririnig ko pa rin ang tawa nila. Inis kong nilingon si Haku. "Bakit ka ba kasi sumama dito?! Ilang pages ba 'yang mukha mo, ang kapal mong magpunta dito!" Panggigigil ko sa kanya.

Sa kabila ng galit ko ay nakita ko pa rin siyang dahan-dahan na ngumi-ngiti bagay na ikina-inis ko, kaya dahan-dahan kong inilapit ang mukha kong nangangalit sa kanya. Habang nanlilisik ang mga mata ko sa kanya mukha pa rin siyang kalmado.

"Bakit ang hilig mong ilapit ang mukha mo sa 'kin, gusto mo ba akong halikan?" Napalunok ako sa naging tanong niya, bigla akong nakaramdam ng kaba.

Naririnig ko ang tibok sa dibdib ko at unti-unti akong nanghihina habang nakatingin ako sa kalmadong mga mata niya. Ngayon ko lang na-realized na ang lapit pala talaga ng mukha ko sa kanya na halos magtama na ang mga labi namin.

Dahan-dahan ko inilayo ang mukha ko sa kanya at ilang oras din akong natahimik. Nakayuko lang ako at hindi ko siya magawang tignan. Pero naramdaman kong mukhang magsasalita siya.

"And why you kept holding my hands? Parang ayaw mo na akong pakawalan." Mukhang natawa siyang nagtanong.


Nanlaki ang mga mata ko at dali-dali kong tinignan ang magkabilaang kamay ko at halos mahulog ang panga ko nang makitang hawak ko pa pala ang isang kamay ni Haku. Muli ko siyang tinignan at nakangiti pa pala siya sa 'kin kaya dali-dali ko siyang binitawan.

"Diputa ka talagaaa!" Malakas ko siyang itinulak kaya bumangga pa siya sa pintoan pero maypa-ngiti-ngiti pa rin siya sa 'kin. "Tinatawa-tawa mo dyan...? Hindi bagay sa 'yo, mukha kang ulol..."

Ang gago ay mukhang ayaw pa rin akong tantanan, dahan-dahan siyang lumalapit sa 'kin. "So why you locked the door? Seems you want to solo me." Nakangiti siya ngayon. "Don't worry baby, I'm only yours."

Halos masira ang mukha ko pero sinusubukan kong hindi matawa. "Yes darling, I want you..." pinilit kong ngumiti at dahan-dahan akong lumayo sa kanya.

Lumapit ako sa sofa at dali-dali kong kinuha ang isang pillow at kaagad itong pinagsasapak sa kanya. "I want you to get out of here!" Pinagsisigawan ko siya habang walang tigil kong pinagsasapak ang dibdib niya ng pillow.


Kahit palakas nang palakas ang sapak ko sa kanya ay hindi ko siya nakitang nainis. Hanggang sa unti-unti siyang sumi-seryoso at nawawala ang ngiti sa mukha niya. Bigla nalang ako nakaramdam ng kaba kaya dahan-dahan akong natigil sa pagsapak sa kanya.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga kamay ko. "You know what, sumusubra ka na." Seryosong sabi niya sa 'kin at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para akong nanghihina kaya hindi ako makapagsalita at tuloyang natulala.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang dahan-dahan niyang dinidikit sa 'kin ang katawan niya. Mayamaya ay bigla niya akong itinulak kaya napahiga ako ngayon sa sofa.

Napalunok ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin, para niya akong ginapang mula ibaba hanggang paitaas. "Dapat mo nang matikman kung paano ako magalit." Habang sinabi niya 'yon ay napakagat pa siya sa labi. "Huwag ka lang iiyak." Dagdag pa niya.

Parang naging blanko ang pag-iisip ko na wala man lang akong ginawa, hinayaan ko lang nakapatong sa 'kin ang katawan ni Haku habang dahan-dahan niyang inilapit sa 'kin ang kanyang mukha.

Tumitibok ang puso ko when he gently touch my lips. "This beautiful lips of yours, are only mine." Mukhang gusto niya akong halikan.

Hindi ko alam kung anong klaseng espiritu ang sumapi sa 'kin dahil dahan-dahan akong nagpikit ng mata instead na umiwas. Sa isip ko ay gusto ko itigil ang kahibangan na 'to pero parang ayaw ng katawan ko, ni-hindi ko magawang kumilos.


Tsaka lang ako nagising sa kalokohang ito nang marinig ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto. Napatingin ako sa pinto at nakatayo doon sina Vincent at Blue. "Haku, Tian—" natigilan sila at halos mahulog ang mga panga nila nang makita kami ni Haku sa sofa.

Nanlaki ang mga mata ko at maging si Haku ay napatingin sa kanila. "Ginagawa niyo...?" Tanong nila. "W-Wala..." dali-dali kong itinulak si Haku at sa lakas no'n ay nahulog pa siya sa sofa at napangiwi dahil sa pagkatama niya sa sahig.

Agad akong tumayo sa harap ng mga kaibigan ko at kabadong-kabado ako dahil nakakunot ang mga noo nila. "What thing we just missed...? Magpaliwanag kayo..." parang pinipigilang matawa ni Vincent, knowing my friends mga dirty minded sila.

Kaya nataranta na ako. "A-Ano, w-wala...tinulongan ko lang siya..." dali-dali akong umupo at nag-abot ng kamay kay Haku, humawak naman siya sa 'kin kaya dahan-dahan ko siyang tinulongan makatayo.

"Sure kayong hindi kayo nag-away?" Tanong ni Blue at umiling naman ako. "Hindi ah..." sagot ko at makapanti na sana ako pero biglang nagtaasan ang mga kilay nila. "So ibig sabihin, may ginagawa kayong kakaiba...?" Parang nagpipigil ngumiti si Blue.

Nagtinginan sila ni Vincent. "Something spg, bawal sa mga batang manunuod..." hirit ni Vincent. "Something miracle...gosh ang aga pa para sa paputok niyo..." natawang sabi ni Blue at nagtawanan na nga silang dalawa.

Mas lalo akong nataranta. "Ay oo yes...yes nag-aaway pala kami, hindi ko siya bati..." agad kong binitawan si Haku at tinulak papunta sa sofa. Hindi ko na tinignan ang mga kaibigan ko at nakatingin nalang ako kay Haku na nagmukhang batang nagugulohan sa lahat.

"Dyan ka na nga, diputa ka!" Sigaw ko kay Haku at napakamot-ulo lang siya tsaka ako nag walk out.


Pumasok ako sa kwarto at agad kong pinagsusuntok ang kama. "Arrrgghhh...nakakainis ka talaga Haku..." nanggigigil na ako.

Pinilit kong kumalma at dahan-dahan na naghubad ng t-shirt para makapag-bihis na ako. Papunta na sana ako sa drawer para kumuha ng damit nang biglang pumasok sa kwarto ko si Haku dahil nakalimutan ko palang isara ang pinto.

Dali-dali ko siyang hinarap. "Hoy anong ginagawa mo dito...?!" Sigaw ko sa gulat, tahimik lang siya at mukhang malalim ang iniisip, kaya tinignan ko ang mga mata niya at nanlaki ang mga mata ko nang malamang sa katawan ko pala siya nakatingin.

"Oi...!!!" Dali-dali kong tinakpan ng kamay ang dibdib ko. "Napakabastos mo naman Tol...nababadingan ka na naman ba sa 'kin 'no?!" Pagsisigaw ko sa kanya.

Napaka-seryoso ng titig niya. "Meron din naman ako nyan. Don't be so dramatic overthere." Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. "But I think mas mataba niyang boobs mo kumpara sa 'kin." Habang palapit siya nang palapit nakatingin naman siya sa dibdib ko kaya todo takip ako.

"Oi anong gagawin mo...?!" Inis kong tanong habang humahakbang ako patalikod papunta sa drawer. Tahimik lang siya at dahan-dahan niyang inilapit ang mga kamay niya sa dibdib ko. Sa inis ko ay sinapak ko palayo ang kamay niya. "Hindi na ako natutuwa sa 'yo Tol!"

Tumalikod ako at kumuha ng damit sa drawer tsaka dahan-dahan na sinuot. Napansin kong natahimik siya. Pakiusapan ko sana siyang lumabas na pero bigla siyang nagsalita.


"You know what my fetish is? This kind of ass. A big ass, just like yours. Bouncy siguro nito, hawakan ko nga..." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon sa kanya, kaya dali-dali akong humarap at sinapak palayo ang mga kamay niya.

"The fuck!" Sigaw ko. "Umalis ka na nga dito!" Pinaharap ko siya sa pintoan at agad na pinagtutulak palabas dito sa kwarto ko. "Alam mo, bwesit na bwesit na talaga ako sa 'yo, pero nagawa mo pa rin akong kulitin! Sinasabi ko sa 'yo, hindi mo magugustohan ang nakatago kong kademonyohan!"

Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Sige nga, ipakita mo sa 'kin ang nakatagong 'yan..." hindi ko nagustohan ang biro niya kaya sasapakin ko sana siya nang biglang pumasok ang mga kaibigan ko na mukhang kanina pa nakikinig sa labas.

"Anong ipapakita 'yan...?" nagkasabay pa silang nagtanong at parang nagpipigil silang tumawa.

Agad kong binitawan si Haku at lumayo ako ng kaunti sa kanya. "Aba ewan ko sa kanya, kung ano-anong elemento nalang ang lumalabas sa bibig nyan eh...nasiraan na yata..."

May inabot sila sa 'king bowl at sa loob nito ay ang mga na-mix ng gamit pang color ng buhok. "Oh ayan tapos na namin i-mix, ikaw na mag-color sa hair ni Haku," sabi ni Blue kaya napabusangot ako. "Luh, bakit ako...?"

"Kasi syempre ikaw ang nagbibigay kulay sa mundo niya..." hirit pa ni Vincent sabay abot sa 'kin ng hair brush kaya lalong nagsira ang mukha ko. "At kailan pa naging mundo ang buhok niya...?" Sarcastic kong tanong.

Biglang hinila nilang dalawa ang mga kamay ko at pinahawak sa 'kin ang hair brush. "Huwag na maraming satsat, gawin mo nalang..." dali-dali silang nagsilabasan. "Hoooyyy...ayaw kooo!!!" Napasigaw na ako ng pagkalakas.



Here I am sa loob ng malaking bath room holding the bowl with the hair color. Padabog kong hinanda ang mga gamit at pinunasan na rin ng wipes ang mahaba't malaking salamin sa harapan. Padabog kong nilagay sa harapan ng salamin ang isang upuan.

"Bwesit! Panay reklamo pa ako kanina nag end up lang din pala ako dito. Nakakainis na binubwesit nila ako sa sarili kong pamamahay..." sa inis ko ay sinapak ko ang upuan.

"Pumasok ka na ditong hayop ka!" Tawag ko sa walang hiyang Haku at agad din naman siyang pumasok na naka-sando at short na, akala niya sigurong papayagan ko siyang matulog dito.

Pinaupo ko na siya sa upuan. "Simulan na natin 'to nang matapos na at makaalis ka na..." agad kong sabi at nilingon niya ako. "Wait lang. Baka kasi madumihan 'tong suot ko, puti pa naman ito." Sabi niya at nagsalubong ang mga kilay ko. "Jusko, dami mo namang arte..."

Bigla siyang tumayo at nakaharap pa sa 'kin. "Anong gagawin mo...?" Tanong ko at unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahan niyang hinuhubad ang suot na sando. "Oi gago ka Tol..." napaiwas ako ng tingin.

"Sus parang hindi ka naman lalaki," parang natawa siya, kaya kahit naiilang ako ay pinilit kong tignan siya dahil baka kung anong iisipin niya. Pero pagkatingin ko sa kanyang nakahubad ay lalo lang akong nawawala sa sarili, nihindi ako makagalaw at tulala kong pinagmasdan ang katawan niya.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay kong may hawak ng hair brush at dahil parang sinasakay na ng spaceship ang isip ko nahayaan ko siyang ilagay ang kamay ko sa dibdib niya at unti-unti pa niya itong ibinababa hanggang sa tiyan niyang mukhang nagkaroon na ng abs dahil sa kaka-gym niya nong nakaraang araw para sa movie.


Kumakaba ang dibdib ko habang tinitignan ko ang nangungusap niyang mga mata, tamang laki na biceps at makinis na katawan. Pagkatingin ko sa kamay ko ay nagising ako sa pagkatulala nang makitang papalapit na sa nakatago niyang alaga ang kamay ko.

Dali-dali kong inalis ang kamay ko at inis ako sa kabastosan niya gusto kong manakit pero parang nagugulohan ako parang hindi ko kaya bigla akong nanghina. Napabuntong hininga nalang ako. "Pakiusap. Maupo ka na." Pinigilan kong sumabog sa galit.

Habang nakatingin siya sa salamin ay kanina pa niya hinahawakan ang mga buhok niya. "Parang hindi ko 'ata kayang tignan na mag-iba ang buhok ko. Nasanay na ako sa naturally black." Napabuntong hininga siya. "I'm gonna miss my hair..." dagdag pa niya.

Ginulo ko ang makapal niyang buhok at nagiging cute siya tignan ngayon sa salamin with messy hair. "It's for our movie. Kaya wala tayong choice." Sabi ko kaya natahimik siya at hindi ko alam kung bakit naisipan kong iangat ang braso. "Kung gusto mo itong kilikili mo nalang ang kulayan natin..." sabay tawa ko at bigla din siyang natawa. "Uy huwag dyan, nakikiliti ako..."

Hindi ko alam kung anong klaseng feeling 'to, pero parang natutuwa akong makita siyang nakangiti na tumatawa. "Ah ganon, may kiliti ka pala dito..." hinawak-hawakan ko ngayon ang magkabilaang kilikili niya na parihong malinis at mabango pa, walang tigil kami sa pagtawa habang patuloy ko pang hinahanap ang mga kiliti niya.

"Uy tama na tumigil ka na, sakit na tiyan ko kakatawa..."

"Hindi, walang titigil..."


Pagtapos ng aming biroan ay sinimulan ko na kulayan ang buhok niya ng blonde. Tahimik lang kami at kalmado lang siyang nakaupo. Sa tuwing ihaharap ko siya sa 'kin ay sa aking mga mata lang siya nakatingin at maging ako na rin ay napatitig ng ilang minuto sa mga mata niya.

Nang sa wakas ay tapos ko na i-color ang buhok niya ay naghintay nalang kami ng ilang minutes. After few minutes ipinapasok ko na siya sa shower para mabanlawan ang buhok niya. Pero ang puta ay nangungulit pa. "Sabay na tayong maligo..."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Nge, bahala ka dyan..." pagtanggi ko at napabusangot siya na parang bata. "Sige na please...kahit pagbanlaw lang nitong buhok ko, hindi ko kasi alam paano..." napakamot na ako sa ulo. "Sus dami mong palusot..."

"Please..." habang nakiusap siya ay nakatingin naman ako sa mga mata niya, pero ayaw kong magpadala sa pa-cute niya kaya agad kong sinara ang pinto. "Basic lang 'yon, maligo ka lang, literal na ligo..." sigaw ko sa labas. "Tian naman..." sigaw niya sa loob. "Bahala ka dyan..." umalis na ako.


After few minutes bumalik ako sa bathroom at sakto namang lumabas na siya ng shower at naka towel na. Napatulala ako hindi sa katawan niya kundi sa sobrang gwapo niya sa bago niyang buhok. Dahan-dahan akong mas lumapit at nakipagtitigan ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong nakain ko nang dahan-dahan kong hinawakan ang blonde brown niyang buhok. "Super gwapo mo Tol. You look like an American star." May ngiti sa labi ko at napangiti din siya. "Oh thank you. But you are my star at the midnight." Napaka-kalmado niya habang binigkas ang katagang 'yon.

Sinamahan ko na siya palabas ng bahay at sasakay na siya sa kotse niya pero muli pa niya akong nilingon. "Tian, I enjoyed this day with you. Thank you." Nakangiti siya at tumango lang ako.

Nang pumasok na siya ay kumaway nalang ako. "Bye, ingat sa byahe." Saad ko at ngumiti lang siya tsaka nagmaniho at umalis na.




Continue Reading

You'll Also Like

52.4K 1K 54
"I will take her to her room." Evangeline said to the guards. The younger Grisha paused and gave a look at the guards. "Please. I insist." "A-alright...
42.4K 1.2K 37
Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despite the condition he become one of the big...
249K 6.6K 43
Two billies!? I think so 😋
1.3M 32.1K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...