Never Thought

By JustMe_R_

11.3K 530 129

I am not a fvcking gay. I don't like dumb people. But I Never thought... that I would fall in love with my d... More

Chap 1
Chap 2
Chap 3
Chap 4
Chap 5
Chap 6
Chap 7
Chap 8
Chap 9
Chap 10
Chap 11
Chap 12
Chap 13
Chap 14
Chap 15
Chap 16
Chap 17
Chapter 18
Chapter 19
>3
Chapter 20
Chap 21
Chap 22
Chap 23
Chap 24
Chap 25
Chap 26
Chap 27
Chap 29

Chap 28

203 10 8
By JustMe_R_


Calliopi

"Hmmm..."

Rinig kong ungol nya nang ipasok ko ang dila sa loob ng bibig nya.

Nakakapit ang dalawang kamay nya sa ulo at leeg ko habang nakahawak naman ang dalawang kamay ko sa bewang nyang sobrang kurba.

Hindi ako makapaniwala.. Professor Meisi Vastes and I are kissing. Torridly.

Naghalikan naman na kaming dalawa, pero ewan ko, mas special tong kiss namin ngayon lalo na't alam kong parehas lang kami ng nararamdaman kaya hindi talaga ako makapaniwala.

"Oh gosh.."

Pareho kaming hiningal nang matapos ang mapusok na halik na iyon.

Nagkatitigan kaming dalawa. Parehong mapupungay ang mga mata naming dalawa ngayon dahil sa sensasyon.

Hinawakan ng isang kamay nya ang muka ko bago sya nagsalita.

"Pupuntahan mo pa ba sya?"

Tanong nito mula sa hinihingal na boses.

Bakas sa mata nito ang pag-aalala na baka puntahan ko na naman si ave.

Napailing nalang ako bilang sagot.

After what I've heard, after her revealation.. wala na akong balak pang umalis sa tabi niya.

"Good then." Napangiti sya saka sya tumayo.

"Let's go?" Nakangiting ani niya pa habang inaabot ang kamay sakin.

"Huh? Saan?" Naitanong ko pero tinanggap ko ang kamay nya saka ako tumayo.

"Anywhere. Just the two of us."

Niyakap nya ako na nagpawala na naman ng hininga ko.

"To be honest.. I missed you. Those days that you've been ignoring me.. are those days that I slowly realize that you have a special place in my heart. This is the first time that I felt this way, so I've been confused and questionning why am I missing you everyday.. why am I wanted to see you?.. and why am I jealous everytime I saw you with her. It's making me frustrated.. calliopi. There's a lot of thoughts and questions that are running through my mind but then.. I soon realize how much I fell for you."

I was stunned. I was speechless.

Hindi ako makagalaw dahil sa rebelasyon nya para sakin.

This her 3rd revelation.

At ngayon.. ramdam ko na naman ang malalakas na tambol ng dibdib ko.

This couldn't be real.

The cold and terror professor just conffesed to me! JUST HOW COULD THIS HAPPEN?!

"Hey, speak up."

Bumitaw sya ng yakap at tiningnan ako ng masama.

"Wala ka bang sasabihin?" Nakasimangot na tanong niya.

I compossed myself immidiately.

"*ehem* sorry.. h-hindi lang ako makapaniwala na... ganito. I mean, parang kailan lang sinabi mo na hinding hindi ka magkakaroon ng.. alam mo na, pero ngayon.. bigla ka nalang nag confess, nakakagulat lang."

Natawa ito.

"Maski ako nagulat din. Hindi ko nga alam kung pano mo 'ko ginayuma eh. I just woke up realizing that I fell in love with you."

Tinitigan niya ako nang may sinsiredad. Kitang kita ko sa mata nito ang kislap habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

Nag init ang buong muka ko.

Nag iwas ako ng tingin habang pinipigilan ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko.

Tumikhim ulit ako bago humarap sa kanya at kinuha ang dalawang kamay nya.

I intertwined our fingers.

"Hindi mo rin alam ma'am kung gano kita kagusto.. pero.." napayuko ako nang may maisip na naman ako.

"Hindi ka ba naco-confused lang? I know you're hella straight. Baka.."

She lifted my chin for me to face her.

Nginitian ako nito bago hinamas ang kaliwang muka ko.

"I know what I'm feeling calliopi.. I love you.. yes, at first I was confused. I even deny it a couple of times. I don't know what real love is. Madami na akong naririnig tungkol sa love.. but I just shrug it off. Heck, I don't even want to love someone in the first place. It's a waste of time for me. Not until you came. I always question myself why it has be you. You know that I have high standard calliopi.. and honestly hindi ka pasok don." Napangiwi naman ako.

Takte naman! Ok na sana eh, bat may ganun? Bat hindi ako pasok??? Seryoso ba talaga sya?

"Ang sakit naman non." Napanguso ako pero tinawanan lang ako nito saka ako mabilis hinalikan sa labi na nagpangiti nalang sakin.

Tch. Sige na nga, tanggap ko na basta may kiss.

"Patapusin mo muna ako ok?" Pangiti ngiti akong tumango bago sya nagpatuloy. "But then I realize.. I realize that it's not all about the standards. It's about how you feel to that person. How she make you happy or sad, how she make you care for her, and how she makes you comfortable. And that is why.. I found out what love is. At ikaw yun calliopi.. you make me feel those. Hindi ko alam kung anong minahal ko sayo, pero narealize kong ganun pala ang pag magmahal. Mararamdaman mong mahal mo na ang tao kung palagi mo ng kini-question kung pano at bakit mo sya minahal." She sighed. "I hope you get my point.. what I want to imply is that.. I love you coz I'm blind."

Sa hinahaba haba ng sinabi nya ay nag blanko ang isip ko.

Wait, so mahal nya ako kasi bulag sya? Ha? Bakit naman ganun??

Pinitik nya ang noo ko dahilan para mapadaing ako.

"Gosh, you look dumb. Forget what I said."

Napanguso nalang ako habang hinihimas ang noo ko pero nagulat nalang ako ng nakawan na naman ako nito ng halik.

"Don't pout calliopi, it's too cute that everytime you did that I can't help but wanting to kiss you."

Dahil sa sinabi nya ay mas lalo pa akong ngumuso bagay na ikinatawa nya.

"Well I guess I just have to restrain myself--"

Hindi ko sya pinatapos dahil ako na mismo ang humalik sa kanya.

We kissed passionately.. slow and gentle as we feel ourselves.

Nilagay nya ang dalawang kamay sa ulo ko dahilan para mas lalong dumiin at lumalim ang halikan namin.

We both close our eyes while savoring the warm kiss we shared that only the river and moon are witnessing this unforgetable moment.

"Ay! Jusmeyo marimar!"

Pareho kaming agad na bumitaw sa isa't isa nang marinig namin ang paghiyaw ng kung sino.

Napalingon kami sa tao na yun.

Isang matandang babae pala na may dala dalang walis tambo na batid kong isang cleaner dito sa River Park.

And judging from the look of the old woman, halatang hindi sya makapaniwala sa nakita nya. Para syang nakakita ng multo.

"*ehem* p-pasensya n-na p-po, a-aalis na po k-kami." Hindi ako makatingin sa matanda kaya agad ko ng hinawakan ang kamay ni ma'am saka ito hinila palayo at iniwan ang matanda doon na nakatunganga pa.

Napabuga ako ng hininga matapos kaming makalayo don sa matanda.

Shet, may pa river and moon pa ako sa isip ko. Putik hindi lang pala river and moon yung naka-witness pati rin pala yung matanda kanina.

Napatampal ako sa noo.

"You ok?"

Tumango ako sa tanong ni ma'am. "Opo, nakakahiya lang yun. Nakita tayo--"

"Are you ashamed about the kissed?" Na blanko naman ako sa naging tanong nito.

"Huh? H-hindi sa ganun ma'am--"

"Now you're calling me 'ma'am'? Are you seriously kidding me? We just kissed and someone even witness that and yet you're still gonna address me with that?" Napakurap ako ng mata.

Grabe naman. Bilis naman yata mawala ng mood nya.

"Uhm, yeah, I'm sorry.. nasanay lang kasi ako na tawagin ka ng ganun." Napayuko ako.

"Nevermind, kapag tayo lang dalawa gusto ko tawagin mo 'ko sa pangalan ko. But honestly, I would prefer you to call me some endearment that is unique." Nag angat ako ng tingin at nakitang nakangiti na sya ng malawak ngayon.

Napangiti rin tuloy ako ng wala sa sarili.

Pero teka--gusto nya bang bigyan ko sya ng endearment? Hihi gusto ko rin sana yun!

"Talaga? Kahit ano bang endearment?" Excited na tanong ko at tumango naman sya.

"Uhm.. pwede ba kitang tawaging.. baboy?"

Nawala naman ang ngiti nya sa nasabi ko at napalitan ng nakakamatay na tingin.

"Nanggagago ka ba?" Agad naman akong napailing.

"Hindi po, sabi nyo po kasi diba? Bigyan kita ng endearment. Kaya lang naman yun yung binigay ko na pangalan kasi sabi nila mas cute daw kapag ang tawagan nyo ay yung mga pangalan ng mga hayop."

"And who on the right mind said that?" Nakataas kilay na tanong niya.

"Mga kaibigan ko po." Pagak naman itong natawa.

"kaya naman pala. Ah basta, ayoko ng mga pangalan na ganun."

"How about pusa po?" Kumunot ulit ang noo nya.

"Dog?" Mas lalong sumama ang timpla ng muka nito.

"Nope."

"Tiger"

"Eagle"

"Monkey"

"Chicken--"

"Gosh stop!" Agad na nagsara ang bibig ko nang tinakpan ng kamay nya ang bibig ko. "You know what? This is non sense! Wag mo nalang akong bigyan ng endearment. You're just getting on my nerves."

Binitawan nya ang bibig ko saka niya ako inikotan ng mata at tinalikuran ako.

Hahakbang na sana sya pero natigilan sya nang magsalita na naman ako.

"Moo."

Humarap sya sakin at ganun parin ang itsura nito. Nakabusangot.

"Ano? Katunog ba yan ng baka? Kust stop trying calliopi, masyado ng childish--"

"My one and only, that's what it stands for."

Natigilan naman sya. Ngumiti ako bago sya nilapitan.

"Ok ba yun sayo?" Tinitigan nya ako saglit bago sya nag iwas ng tingin.

"*ehem* Ikaw bahala." Napatango tango naman ako.

"Ok lang naman sana yun, kaso ayokong tawagin kang ganun kasi hindi ka naman akin."

Nabaling uli ang tingin nito sakin.

"What do you mean?"

"Mei nalang siguro ang ibibigay ko na endearment sayo. Cute parin naman yun eh."

Sinamaan ulit ako nito ng tingin.

"Mas gusto ko yung una."

"Alin? Yung baboy?" Sinapak na ako nito sa braso this time na ikinatawa ko nalang.

"Hahah, yung moo ba? Hmm.. wag na, ayokong bigyan ka ng ganung endearment." Sumeryoso ang muka ko. "Kasi honestly.. hindi naman talaga dapat ganun. Masyadong sweet para sa walang label na relasyon natin. Alam mo yung nangyayari satin ngayon.. hindi nga dapat nangyari. Kasi una sa lahat, may boyfriend ka. Pero... wala akong pinagsisihan. In fact gustong gusto ko talaga yung nangyari satin ngayon. Sa sobrang saya ko nga.. muntik ko naring makalimutan na may boyfriend ka pa pala. Isa yun sa bumabagabag sa utak ko kanina. Pero isinawalang bahala ko yun dahil mas nangibabaw sakin ang saya nang mag confess ka. It feels so right kissing you.. yet so wrong dahil hinalikan ko ang may pag-aari na. But mei.. kissing you was the best thing that ever happen to my life." Hinawakan ko ang kamay nito saka ito hinalikan. "Gustong gusto kita. I wanted to pursue you kahit alam kong may boyfriend ka.. pero ayoko namang--"

"Do it." Natigilan ako bago nag iwas ng tingin.

"I-I want to, pero ayokong--"

"Do you think I'll still keep him after what happen between us?" Napatingin ako sa kanya at seryoso lang din syang nakatitig sakin ngayon. "You already knew the reason why I still keep him until now, and it's because of my cousin kelly. I wanted to revenge on her for all the bad things she did to me when I'm still in my high school days.. but you know what? Fvck that. Coz you're right when you said I'm just being immature and that I should have let those grudge go. That is why.. the moment that this wonderful things happen to us right now, made me realize.. that I should have cut ties with him. And now I finally made up my mind.. I'll break him up calliopi... you can now pursue me. And I'll give you an answer."

Matagal bago ma proseso iyon ng utak ko. Pero ang talagang nag e-echo sa pandinig ko.. ay yung panghuling salitang binitawan nya.

'I'll break him up calliopi.. you can now pursue me. And I'll give you an answer'

Kumurap kurap ako.

"T-totoo ba to?" I stuttered.

Isa na namang hindi kapani-paniwalang narinig ko.

Grabe, sobra na tong mga naririnig ko ngayon mula sa pinapangarap kong babae. It's just too good to be true..

Tumawa ito saka ako nito niyakap ng mahigpit.

"You're not dreaming.. stupid."

Masaya kaming naglalakad ngayon dito sa side walk habang magkahawak ang mga kamay.

Walang nagsasalita samin but we find ourselves stealing glances with each other kaya natatawa nalang kami.

I sighed in so much joy.

Wala na yatang isasaya pa sa gabi ko ngayon. Isa ito sa pinaka the best na gabi na nangyari sa buong buhay ko na hindi ko malilimutan.

Malaya na akong magkagusto sa kanya..

And now I can finally pursue my professor.. my moo..

At gagawin ko lahat para mapa-oo sya.

Natigilan ako sa paglalakad nang may maalala ako saglit.

Sh*t! Si ave nga pala!

"Why did you stop?"

"Ma'am--este moo, may nakalimutan ako. Nasabi ko sa tawag kanina na babalik ako kay ave kaya kailangan ko syang puntahan ngayon."

Ang kaninang nakangiti ay napalitan na naman simangot.

"Sabi mo hindi mo na sya pupuntahan diba?"

Napakagat labi ako.

Oo nga pala.

Haist! Yan kasi yopi inuuna mo yung kilig mo kanina haist!

"O-oo nga po, kaso kawawa naman baka naghihintay pa kasi sya sakin don."

May kinuha ito sa purse nya at inabot sakin ang cellphone. "Here, just text her na hindi ka na makakabalik coz you're with me. Hindi mo na sya kailangan puntahan pa."

Kinuha ko ang cellphone na inabot nito pero naitampal ko lang ito sa noo ko nang mapagtantong hindi ko pala kabisado ang number ni ave.

"Ah eh hindi ko po pala kabisado ang number ni ave eh." Tinapunan naman ako nito ng nakakamatay na tingin.

Grabe talaga sya makatingin samantalang sya ang dahilan kung bakit hindi ko na makokontak pa si ave kasi nga tinapon nya cellphone ko--

"Fine, let's go fetch her."

Nauna na itong naglakad.

-----

"Moo, dito ka lang ah. Puntahan ko lang--"

"Just get the hell out of the car." Naka-cross arms na sabi nya habang nasa harapan naman ang tingin nyang nakakamatay.

Napanguso ako saka lumabas.

Pagdating ko sa lobby close na pala at wala ng katao tao.

Napabuntong hininga ako.

Nakauwi na kaya sya?

Tsk. Sana hindi magalit sakin si ave. Huhu.. kasalanan ko to.

"It's almost 11 pm.. dapat inextpect mo na sarado na lahat ng establishments." Nakanguso akong humarap rito.

Sinundan pala ako ni ma'am--I mean, ni moo.

Hays, hindi pa ako sanay. Pero kinikilig talaga ako kapag tinatawag ko syang ganun.

Naipilig ko ang ulo ko.

Haist, hindi ko na nga naabutan dito si ave kung ano ano pang kalandian tong nasa isip ko.

"Stop frowning, just make an excuse to her tommorow. Let's go to somewhere else."

Hindi na ako nakapalag at nagpahila nalang sa mahal ko---

I know wala pa syang balak umuwi. At ako rin naman..

And about ave..

Maybe I'll just make up for her tommorow. Ako na naman manglilibre sa kanya kasi baka nagtampo sya.

But right now, all I want to do is to be with this sophisticated, intimidating and terror professor..

Oh ma'am...

Kahit mag-umaga tayong mag date ngayon.. ayus na ayus lang basta makasama ka.

Alam namin pareho na may pasok kami bukas but... who cares?

It's our night.

It's my night with this gorgeous and hot professor.

And now.. I can call this night as a longgg long night. And nobody can stop us.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
177K 13.8K 35
Her marriage was fixed which was an arranged marriage but she moved to London to pursue her career and dreams and after that, she would marry. But in...
1.5M 111K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
2.7M 156K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...