Jersey Number Eleven

By xelebi

2M 80.7K 35.3K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

37

34.1K 1.2K 996
By xelebi

• 🏐 •

Baby.

Baby raw.

Tsk. Kainis.

Ang sakit na ng pisngi ko kakapigil ng ngiti dahil sa word na iyon. Baby niya raw ako. Potek na iyan. Ang laki ko namang baby. Nakakaasar naman itong si number eleven. Ang dami palang alam ng isang 'to? Hindi kasi halata sa kaniya na ang itatawag niya sa 'kin ay... baby.

Shit na malagkit naman talaga, oo. Syempre kilig na kilig naman ang Kaizen. Iyong mga daliri ko sa paa, e, kanina pa naka-curl. Akala mo, e, first time makarinig ng gano'ng tawagan.

Pero iba naman kasi kapag ikaw mismo ang tatawagin na baby! Medyo cringe kapag sa iba mo narinig pero ang sarap pala sa tenga kapag ikaw na nakaka-experience. Gets ko na sila ngayon.

So... baby na rin ba itatawag ko sa kaniya?

Ang laki niya ring baby, a. Mas malaki pa nga sa 'kin, e.

Sa totoo lang, okay lang naman sa 'kin. Pero si number eleven na kasi siya sa isip ko, e. Ang hirap nang tawagin siya sa ibang pangalan. 'Tsaka sabi niya, siya raw si number eleven ko, e...

Number eleven ko.

Tangina. Maawa ka naman sa pisngi mo, Kaizen! Kanina pa iyan nagpipigil ng smile! Harot, harot mo! Tsk.

Pero naisip ko lang din, hindi ko pa siya pwede tawaging baby. Hindi pa niya alam na kami na. Sabi niya, willing to wait naman daw siya pero paghihintayin ko pa ba ang isang 'to? Sigurado naman ako sa feelings ko. Isa pa, baka mainip siya tapos makawala pa, e.

"Number eleven," tawag ko.

"Yes, babe? You need something? Anything?"

Umawang ang labi ko at ginawa ko ang best ko para 'wag ipahalata na kinikilig na naman ako sa tinawag niya sa 'kin. Tsk. Doon ko lang din talaga napatunayan na hindi pa rin ako expert pagdating sa pagiging chill lang sa harap ni crush, e. Matatapos yata ang araw na 'to na may sugat iyong pisngi ko.

Hindi pwede 'to. Siya naman dapat ang kiligin ngayon.

"Okay," sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Okay? What's okay?"

"Tayo na," ngumiti ako.

Nakita kong unti-unting nanlaki ang mga mata niya at sinabayan iyon ng ano pa nga ba? Para bang switch iyong sinabi ko and as if on cue ay pumula na naman ang mga tenga niya. Natawa ako. Para siyang si Rudolph. Iyon nga lang, hindi ilong ang pula sa kaniya kundi tenga.

Ang cute mo, number eleven!

Bumuka ang labi niya kaya ro'n na napunta ang focus ko. At sino ba ang nagsabi na tenga niya lang ang mapula ngayon? Hindi ko alam pero dini-distract na ako ng lips niya. Parang ang lambot no'n...

"Are you for real, Kai?" Tanong niya.

Pero hindi ko pinansin iyon. Sa labi niya na lang ako nakatingin. Ano kayang feeling... mahalikan iyon?

Shit.

Iyong imagination mo, Kaizen!

Pero titignan ko lang naman kung malambot nga!

"Number eleven," tawag ko ulit sa kaniya. "Lapit ka nga nang kaunti."

"Huh? Why?" Wala pa sa sariling tanong niya pero lumapit pa rin naman.

Lumaki ang ngiti ko at bago pa siya makapag-react ay hinila ko na iyong kwelyo ng polo shirt na suot niya saka siya hinalikan sa labi.

Naramdaman kong nagulat si number eleven sa ginawa ko. Pero mabilis din naman siyang nakabawi nang maramdaman kong hinawakan niya iyong magkabila kong pisngi para palalimin iyong halik.

Shit... malambot nga iyong labi niya.

Ganito pala iyong feeling mahalikan siya. Nakikita ko na naman sa background iyong fireworks at rainbow.

At... ayoko na sana pansinin pero paanong ang galing niya rin humalik? Dalang dala ako. Parang ayoko nang huminto. Ang unfair talaga minsan ng mundo, e. Wala ba siyang kayang gawin na hindi siya nag-e-excel? Tsk.

Isa.

Dalawa.

Tatlong minuto.

Ewan ko. Hindi ko na alam kung gaano katagal na naming ginagawa iyon. Pero isa lang ang sigurado ko, ayokong matapos kami. Gusto ko lang siyang halikan nang halikan.

Kaya naman halos makaramdam ako ng pagtatampo sa kaniya nang unti-unti niyang hiniwalay ang mukha niya sa 'kin. Nagtama agad ang mga mata naming dalawa at doon ko lang na-realize na hinahabol ko iyong paghinga ko. Hinihingal na pala ako.

At doon ko rin napansin na ang higpit na pala ng pagkakahawak ko sa damit ni number eleven na nagusot ko na iyon. Binitawan ko agad iyon at binalik ang tingin sa kaniya para lang abutan siyang pinapanood pa yata ang bawat galaw ko. Bigla tuloy akong nahiya. Lalo na nang makitang ang gulo rin ng buhok niya tapos... tapos mas mapula na rin iyong labi niya!

Shit. Ako ba may gawa no'n?

Gano'n din ba ang hitsura ko ngayon?

"Baby," tawag niya sabay hawak sa baba ko para hulihin iyong mga mata ko.

Ngumiti siya.

Kumabog na naman ang puso ko.

Ewan ko pero na-miss ko ang signature smile niya na iyon.

"Number eleven," tawag ko rin sa kaniya.

"I'm your boyfriend now," sabi niya na para bang declaration iyon at hindi lang basta pag-i-inform sa 'kin.

Dahan-dahan akong tumango at ngumiti rin sa kaniya.

Nilapit niya ulit ang mukha niya sa 'kin. Akala ko ay hahalikan niya ulit ako pero pinagdikit niya lang iyong noo naming dalawa. Kinuha niya rin iyong kamay ko at saka pinaglaruan.

"I want to kiss you again," bulong niya.

"Sige lang. Hindi naman kita pipigilan."

Natawa siya. "But you're injured."

"E, ano naman? Iyong tuhod ko ba ang iki-kiss mo?"

"I'm just afraid that I might not be able to control myself-"

Natigilan nga lang kami pareho nang marinig namin na magbukas iyong pintuan. Nanlaki ang mga mata ko at namalayan ko na lang na naitulak ko si number eleven palayo sa 'kin dahil sa pagpa-panic. Mukhang napalakas pa nga yata iyong tulak ko sa kaniya kasi halos masubsob siya ro'n sa sahig! Narinig ko pa siyang umaray!

Magso-sorry na sana ako nang makita sina mama at Tita Melba na pumasok. Shit! Nandito sila? Bakit sila nandito? Ay, oo nga pala! Injured nga pala ako!

Ano ba iyan, Kai. Hinalikan ka lang ni number eleven, nakalimutan mo nang masakit iyong tuhod mo?

"Ay, pogi, anong ginagawa mo riyan sa sahig?" Bungad na tanong ni Tita Melba.

Patawarin na lang talaga ako ni Lord kasi hindi ko na napigilang matawa sa hitsura ni number eleven. Paano ba naman kasi, plakda talaga siya ro'n sa sahig. Nakataas pa iyong isa niyang paa!

Saglit niya akong nilingon kaya napatikom ako ng bibig. Kumunot ang noo niya tapos ay dahan-dahan siyang tumayo na para bang walang nangyari.

Sorry na, MVP!

"Good afternoon po," bati ni number eleven sabay bless niya kina mama.

"Good afternoon din, Roen," sabi naman ni mama. "Binisita mo si Kaizen?"

"Uh, yes po."

"Hindi ba sabi ko, kahit wala nang mano sa 'kin?" Sabi naman ni Tita Melba at nag-smile lang iyong isa. "Pero bakit nando'n ka sa sahig? Anong ginagawa mo ro'n?"

Nakita kong napakurap si number eleven. Mukhang nahihirapan umisip ng dahilan.

Shit, Kai, isip na ng palusot!

Tumikhim ako. "Uhm, may ano, may pinapatingin lang po ako sa kaniya sa ilalim nitong kama. Parang may, ano po, anong tawag nga ulit do'n? Ipis! Iyon po. Parang may gumapang po kasing ipis," mabilis kong sabi saka nilingon si number eleven. "Meron ba? Nahuli mo?"

Napakurap siya at sandaling napanganga. Nagpalusot na ako, baby! Sana ma-gets mo!

Tumikhim siya at mukha namang nakuha na iyong gusto kong sabihin. "Uh, there's no ipis, babe-" natigilan siya lalo na no'ng makita niyang nag-panic ulit ako sa sinabi niya. "I mean, there's no ipis, Kai."

"Gano'n ba..." sabi ni tita.

"I'll go ahead na rin po," sabi ni number eleven kaya napatingin ako agad sa kaniya. Tumingin din siya sa 'kin at saka ako nginitian. Naramdaman ko nga lang ang pagtayo ng balahibo ko nang makita iyong labi niyang pulang pula pa rin. "I'll pray for your successful operation, Kai."

May sasabihin sana ako pero hinatid na siya ni mama sa may pintuan.

"Ingat ka sa daan, hijo. Salamat sa pagbisita kay Kaizen ha?"

"No problem po, tita."

Bago pa siya makalabas ay nagkatinginan pa kami ni number eleven. Nginitian niya ulit ako saka siya kumaway. Ginaya ko rin siya. Kumaway rin ako hanggang sa isara na ni mama iyong pintuan.

Ewan ko pero nalungkot ako kahit alam ko namang magkikita pa rin naman kami sa mga susunod na araw. Ganito ba kapag may boyfriend ka? Hindi pa nga yata siya nakakalabas nitong ospital, e, miss ko na siya agad.

Tapos hindi pa ako nakakapag-sorry man lang sa kaniya kasi tinulak ko siya kanina. Tsk.

Lagot ka, Kai. Baka isipin no'n na hindi ka pa ready ipagsigawan sa mundo na boyfriend mo na siya kasi nag-panic ka kanina na baka may makakita sa inyong dalawa.

Shit talagang utak 'to. May sariling buhay.

Pero paano kung gano'n nga ang isipin niya?

Tsk. Hindi talaga ako nauubusan ng io-overthink, 'no? Pero isa lang ang sagot dito, e. Kailangan ko lang kausapin si number eleven. Ayokong pati siya ay mag-overthink din. Gusto kong isipin niya palagi na sigurado ako sa nararamdaman ko para sa kaniya.

"Gusto ko talaga ang batang iyon. Bukod sa pinagpala sa hitsura ay mabait at magalang. Binisita pa talaga rito si Kai," rinig kong sabi ni Tita Melba. "Single pa iyon, 'di ba, Kai? Tamang-tama! Wala pang boyfriend ang pinsan mong si Dianne. Ipakilala mo-"

"Ayoko po," putol ko kay tita.

"Ay, bakit?"

"Melba..." saway ni mama pero hindi siya pinansin.

"Ipakilala mo na, Kai. Para naman maranasan ng pinsan mo magka-boyfriend ng gwapo at matangkad. Iyong huli niyang pinakilala sa 'min, wala na ngang hitsura, e, sablay pa sa ugali. Nagloko pa! Ang kapal din ng mukha."

"Melba, iyang bibig mo talaga."

"Bakit? Totoo naman iyon. Kaya kaysa magaya sa 'kin si Dianne na tatandang dalaga dahil nasawi sa pag-ibig, e, hahanapan ko na siya-"

"May..." ... boyfriend... "... jowa na po si Roen."

Natigilan ang Tita Melba at nag-activate agad ang chismis mode niya kaya natawa ako.

"Talaga? May jowa na si pogi? Kilala mo?"

Kilalang kilala po. Nasa harap n'yo na nga po, e.

Pero hindi ko sinabi iyon. Hindi muna ngayon. Kaya umiling lang ako at dinala na ang usapan tungkol sa injury ko.

Continue Reading

You'll Also Like

769K 15.1K 43
"Happy first day of your death, Misis Montelibano. Your outfit suits for this occasion," sarkastikong bulong ni Alexander bago tuluyang lumayo sa kan...
33.1K 1.7K 76
ONLINE LOVE DUOLOGY #1 An Epistolary (Chat Fiction) Landiang nabuo't nagsimula online, mauuwi kaya sa totohanan?
276 60 11
The sinking ship represent Leiro Dewey Salazar's life, he always see his life as battleship fighting his own unpredictable waves, but when his ship s...
19.8K 548 50
➵ hidden | markhyuck ↳ started: 080720 ends: 091320 lowercase intended "hyuck wag naman ganito oh." inalis ni hyuck yung pagkakahawak ko sa braso n...