POS 1: Miles, Track and Field...

By sailerstories

148 24 28

In order to reach the finish line, there are obstacles and uneven roads to pass through. It wasn't that easy... More

POS 1: Miles, Track and Field Hottie
Teaser
Prologue
Sprint: One
Sprint: Three
Sprint: Four
Sprint: Five
Sprint: Six
Sprint: Seven
Sprint: Eight
Sprint: Nine
Sprint: Ten
Sprint: Eleven
Sprint: Twelve
Sprint: Thirteen

Sprint: Two

9 2 3
By sailerstories


//

Antok na antok pa rin si Miles nang magising siya bandang alas sais y medya ng umaga. Napasimangot na lamang siya nang dumako ang mga mata niya sa nakapaskil na schedule ng klase niya sa araw na ito. Sa kabilang panig ng dorm ay natutulog pa rin si Theo sa higaan nito.

Mamayang alas otso ng umaga ang klase nito. Ito ang ka-dormmate niya sa Mechevel Hall: ang tawag sa dormitory building ng mga lalaki katapat ng Maroon Hall na dormitory building ng mga babae sa Dayton Crest University.

He yawned while scratching his bare stomach and snatched his towel from the hook. Pumasok siya sa banyo at naligo. Panaka-naka ang pagsakit ng ulo niya gawa ng pagtungga niya ng alak kagabi. Mataas ang alcohol tolerance niya kaya hindi siya masyadong lasing puwera kay Attwell na karay-karay nilang dalawa ni Theo. Mabuti na lamang hindi sila nahuli ng istriktrang taga-bantay ng dormitory nila.

Nang matapos maligo ay nagbihis na siya ng simpleng white shirt, jeans at sneakers. Book bag lang ang dala niya nang lumabas na ng dorm. Tanging left over sandwich lang ang kinain niya bilang agahan. Lakad-takbong tinahak niya ang hallway nang bahagyang bumagal ang paglalakad niya nang dumako ang mga mata niya sa lalaking nakaupo't nakasandal sa gilid ng isang pinto.

It's Eros Apostol. One of the Prince of Sports. Ang isa sa limang POS sa DCU. Anong ginagawa nito sa labas ng isang dorm room? Napagsarhan ba ito ng pinto? Lumaylay lang ang ulo nito at tuluyan nang humiga sa malamig na sahig.

May sampung minuto pa siya upang makarating sa CBA Building. Tumakbo na talaga siya nang tuluyan nang makalabas na ng Mechevel Hall. May mga estudyante pakalat-kalat ang napapatigil sa mabilis niyang pagtakbo. Kahit wala siya sa POS List, may mga estudyante pa ring nakakakilala sa kanya dahil sa mga gulong sangkot siya at ang positibong side ay ang pagiging track and field athlete niya.

"Tabi!" Gulat na tumabi ang mga nakakasalubong niyang tao nang patakbong umakyat na siya ng hagdan. Binalanse niya ang paghinga niya gaya ng ginagawa niya sa training. Humina lamang ang pagtakbo niya nang makarating siya sa ikatlong palapag ng CAS Building. May mga estudyante na ring pumasok sa mga klase nila.

He jogged to his class and checked his wristwatch. Napangisi siya. May dalawa pang minutong natitira. Mayamaya pa, pumasok na ang professor nila para sa Business Math subject. Nag-discuss lang ang prof nila na wala rin naman siyang naiintindihan dahil hindi naman siya nakikinig. Mas gusto niyang tumakbo sa oval track kaysa makinig sa klase.

Iyon nga ang ginawa niya. He put on his sando na may logo ng DCU, trackpants at rubber shoes. He did some jumping jacks and opposite toe touches on the oval track, eyes crinkling because of the heat of the sun. Bakante ang football grounds sa gitna. Mamayang hapon ang practice ng mga ito. May iilang mga joggers ang nandoon sa oval track. Puwesto siya sa fourth lane at naglakad-lakad muna habang nag-iinat ng mga kamay. Nagsimula na siyang tumakbo nang may sumabay sa kanya. Kagaya niya itong nasa linya ng track and field ngunit mas focus ito sa long jump.

"Yo, Miles." Sandro flashed his cocky smile. Bahagyang nairita si Miles. May ideya na siya kung ano ang sasabihin nito. "Singapore is nice. Sayang, wala ka doon. You're supposed to meet an Olympian runner. Nagbabakasyon siya roon. One of the spectators sa event." Pabaliktad na tumatakbo ito. Nangungunot na ang noo ni Miles sa takbo ng mga salita nito at para bang naiinis ay ngumisi pa lalo ito. "Puwede kang humingi ng advice sa kanya."

"I'd rather discover it myself." Hindi siya papatinag rito. He sported his usual smirk. "See you in the next line-up."

"Ang tanong kung makakasali ka pa ba," pang-aasar nito sa kanya sabay takbo ng mabilis at nilampasan lang siya. Parang gusto niyang sakmalin ito mamaya sa training nila.

He stopped on his tracks for a bit and released a sharp breathe. Humagap siya ng hangin at mariing ipinikit ang mga mata niya upang kalmahin ang sarili niya.

"Ano? Babasagin mo na ba ang mukha nun?" Naimulat niya ang mga mata niya niya nang marinig ang boses na iyon. Marahas na napalingon siya sa nakangiting Shane na para bang wala siyang ginawang kalokohan rito kagabi. Nakasuot na naman ito ng dilaw na shirt at medyo masakit iyon sa mata.

"As much as possible, ayoko munang mapasok sa gulo." Puwera na lang sa Sandro na iyon. Nag-iisip na siya kung paano makaganti rito. Ito ang numero unong iniinsulto ang kakayahan niya sa pagtakbo na tila ba isang pagkakamali ang maging kabilang siya sa larangan ng track and field.

"May utang ka pa sa 'kin kagabi. Di bale, mayaman naman ako kaya di na ako maniningil." Sa lahat ng napagtripan niya, ito lang ang tila hindi iyon ininda. "Man, maging creative ka naman sa mga pranks mo." May dumaang petite na babae kaya sandaling napako ang mga mata ni Shane roon. Nag-focus ito sa makinis na legs ng babae. Napailing na lang siya sa isip. Mukhang kahinaan nito ang legs ng babae.

"Kapag dinale na naman ako ng isa sa mga miyembro ng dive team. Magiging dugo ang kulay ng swimming pool," naniningkit ang mga matang sabi niya. Maaliwalas ang panahon. Kakaunti lang ang mga ulap at nakakapaso ang init ng araw ngunit hindi iyon alintana sa kanilang dalawa. Sanay silang nabababad dahil sa sports na kinabibilangan nila. He positioned his both arms as if he's doing some fist pose like the one's Aga did in some of his boxing matches. "Wanna run with me?"

"Of course, babe," biro nito na sinamaan lang niya ng tingin. "Kidding. Who wouldn't? Baka sakaling may makuha akong technique sa 'yo sa pagtakbo. I still have to improve my stride frequency. Tutal nag-ditch na rin ako kagaya mo."

Binalewala niya ang huling sinabi nito at nagsimulang mag-jogging. Sinundan naman siya nito. "Reducing your stride length might increase your stride frequency. One-inch lang ang idadagdag mo sa length ng stride."

"How could I measure my stride length?" parang tangang tanong nito kaya bahagya siyang napailing at umalis sa track lane ng oval. "Saan tayo?"

"Sumunod ka na lang," aniya. He wiped his sweaty forehead with his towel clinging on his left shoulder. "Magtatakbo lang tayo sa paligid ng university. Tingnan natin kung hanggang saan ang hangin mo kapag tinahak natin ang Northside ng Dayton,"  he smirked.

Shane widened his eyes upon hearing the Northside. "Teka, 'wag mong sabihing aakyat tayo ng mga burol?"

"Sinabi ko nang it-test ko ang lung capacity mo, di ba?" Parang gusto niyang konyatan ito. "Kung ayaw mo, 'wag ka nang sumabay sa 'kin."

"Sasabay ako. I am not a quitter." Nilagpasan pa siya nitong tumakbo. May mga taong bumabati rito nang dumaan ito animo'y kumakaway na tila tatakbo bilang mayor ng Puerto Real.

Halos gumulong na si Shane sa damuhan, hingal na hingal pa rin mula sa mag-isang oras na sprint and run nila. In between of those, they jogged and walked. Sinasabi na nga ba niya na kailangan pa nitong i-train ang lung capacity nito. Mukha itong hingal-kabayo ngayon samantalang prenteng nakaupo lang si Miles sa malawak na damuhan na may mangilan-ngilang nakapaligid na halaman. Sa silangang bahagi ay mga burol na may mga tanim ng Agriculture students. Dinaanan nila iyon kanina at sa bandang likod naman ay kagubatan at coastal area na rin ilang kilometro ang layo.

Dayton Crest University is the biggest university in the country in terms of landmass and also, one of the university who offered more Science courses.

"Nakatulong rin ang pagtakbo natin. Na-relax ang utak ko. Nakakasawa na rin kasing mag-practice sa iisang lugar." Dumapa lang si Shane at binalingan siya. "Since when did you start running? Does that mean dodger ka rin sa totoong buhay?"

Miles is not an open type of person even if people sees him goofing and smirking around. "Naglaro ako sa Palarong Pambansa noong nasa elementarya pa ako. Nagsimula lang sa tipikal na habul-habulan hanggang sa nadiskubre kong mas mabilis ako sa normal na takbo ng tao." He shrugged and stood up and inhaled the fresh air around them. "Ikaw na ang nagsabing na-relax ang utak mo. I forget my nuances when I'm running."

Shane looked at his wristwatch. Pinagpag nito ang damit nitong kinapitan ng maliliit na damo. "May klase pa ako. Major. Baka ibagsak ako ng walanghiyang prof."

Napatingin na rin siya sa wristwatch niya at napangiwi nang maalalang klase niya pala sa Accounting II after twenty minutes. Mukhang kailangan na nilang kumilos bago pa siya gilitan ng leeg ng tatay niya oras na makarating rito na nagloloko na naman siya.

"This is your fault, Principe! Bakit nagsinungaling kang hindi magche-check si bruha sa dorm natin? Ang mga pagkain ko!" himutok ni Ainsley na kulang na lang maglupasay sa panlulumo. Kabilang ito sa POS list.

Nakaluhod ito sa damuhan, sa tapat ng Mechevel Hall habang nakataas ang mga kamay sa ere. Ito ang posisyon din ng ibang mga nahuli ng 'bruha' kasama na roon si Miles at Theo na magkatabing nakaluhod. Iniinda ang lupa at maliliit na batong tumama sa kanilang mga tuhod.

"Just to add some thrill," balewalang sagot ni Preston na tila hindi apektado sa nangyayari ngayong kasagsagan ng gabi. Alas dose na ng gabi at nabubulahaw na ang ibang walang kamuwang-muwang sa pag-iinspect ng 'bruha'.

"Thrill? Thrill?! Pucha naman! Mamamatay ako sa gutom nito," angal ni Ainsley. "Tuwang-tuwa ka kasi halos wala silang nakuhang contraband mo." Ainsley snorted. Mukha ng toro si Ainsley na susuwagin si Preston na unbothered king pa rin ang drama.

May mga estudyante ring napasali na sa linya nilang lahat doon. Pinaluhod ng mga nabulabog na school workers. Inutusan kasi ito ng mistress ng dormitory na tawag minsan nila ay Madaam Bruha pag wala ito. Naglalaro sa edad kuwarenta mahigit si Madaam Ophelia. Laging nakapusod ang buhok nito at may mga salamin sa mga mata, idagdag pa na laging nakasimangot at matalas ang mga mata. Iilan lang sa kanila ang hindi natatakot sa paninindak nito.

"I'm just abiding the rules, Ainsley," patuyang wika ni Preston, pino-provoke ang mainit ang ulong si Ainsley.

"Puwede ba, kung mag-aaway lang rin naman kayong mag-asawa. Mag-divorce na kayo bukas!" singhal ni Charles sa dalawa na nag-irapan lang sabay singhalan ulit.

"Gago, di kami kasal! Walang divorce sa Pilipinas!" hirit ni Ainsley. "Mas lalong hindi kay Preston!"

"Oh yeah? Kasalanan mo rin naman, masyado kang matakaw," asar na counter ni Preston.

"Hoy, sa korte na kayo magdemandahan. Wag dito. Nagdidilim na paningin ko," singit ni Attwell sa mga ito ngunit nilingon lamang siya ng dalawa at sinamaan ng tingin.

Walang nagpapatalo sa famous 'mischevous boys' ng DCU at naririndi na mga tainga nila sa sagutan ng dalawang POS. Nasa bandang harap lang nila ito nakaluhod.

"Manahimik kayong lahat!" Pati yata mga nagpapahingang mga ibon sa mga puno sa paligid nila ay nabulabog sa lakas ng boses nito. Napangiwi na lamang ang iba sa kanila at nangaligkig na sa lamig ng gabi. May iba kasing nakasuot lang ng boxer shorts, halatang kagigising lang ng i-check ang dorm. Nangangalay na sila kanina pa.

Bitbit ang malaki nitong pamaypay, lumakad sa harap nila si Madaam Ophelia, nanlilisik ang mga matang sinermunan na naman sila. "Ilang beses ko nang sinabi sa inyo na bawal ang contrabands! Bawal ang sobrang pagkain sa athletes! Bawal ang baraha, kahit anong bagay na may kinalaman sa sugal at may isa pa sa inyo na may revolver. Hesusmariya! Kung makakarating ito sa kinauukulan tiyak na mas-suspend kayo!"

Marami pang mga salitang lumabas sa bunganga nito na hindi na pinakinggan ni Miles. Pasok sa kaliwang tainga. Labas sa kaliwa. Dapat noon pa silang nagreklamo sa opisina na gusto nilang i-swap si Madaam Ophelia kay Manong Alonzo na siyang bantay sa dormitory ng mga babae. Mabait ito at maunawaan. Minalas lang silang mga lalaki kay Madaam Ophelia.

Naalala pa niya ilang oras ang nakakaraan kung paano sila nahuli . . .

Naalimpungatan si Miles nang marinig ang malutong na mura ni Theo na bumasag sa katahimikan ng dorm nila. Pupungas-pungas siyang bumangon at sandaling nabulag sa liwanag. Natagpuan niyang nagmamadaling itinago ni Theo ang mga gamit nito sa ilalim ng kama nito.

"Anong nangyayari?" Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya. Inaantok pa siya.

"Shit Miles! Itago mo na ang mga contra-band mo. Papunta na rito ang buwisit na bruha." Sukat sa sinabi ni Theo ay nawala ang agiw sa utak ni Miles at nagkukumahog na tinungo ang mga gamit niya sa bandang kusina. Paano ba niya itatago ang mga kitchen utensils niya, oven at baking materials? Pinagkakasya na lang niya iyon ilalim ng lababo, nagbabasakaling hindi ito i-check ng bruha.

"That shit Principe! Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang sinungaling na 'yon," himutok ni Theo na panay na kuha ng mga pagkain sa ref na di naman dapat sa diet niya.

Napasimangot si Miles. Ano pa bang bago sa wicked billiard na si Preston? Nagugulo silang lahat minsan dahil dito. "Nasaang lupalop na ba ng Mechevel ang bruha?" Hindi na nagkasya sa ilalim ng lababo ang mga gamit niya kung kaya't itinago na lamang niya ito sa puwang ng ref.

"Aba'y ewan ko!" pasigaw na sagot ni Theo. 

Hindi na magkamaliw ang dalawa sa pagtago ng mga gamit nila at hindi na namalayang nabuksan na pala ang pinto ng dorm room nila. Kumatok si Madaam Ophelia sa pinto. Nanlalaking napalingon sina Theo at Miles sa bandang pintuan, nagulat nang makita ang isang malaking sumpa na yata sa Mechevel Hall.

Her expression is stern and she looked like an eagle who's about to hunt monkeys. Umalingawngaw sa loob ang pagbigay ng nakasaradong pinto sa ilalim ng lababo, iniluwa niyon ang mga gamit ni Miles.

"Get out!" Bahagya pa silang napapitlag sa sigaw nito.

Kailan ba ito mag-aasawa at nang hindi na sila mapupuwerhuwisyo?

An idea popped in Miles's head. He wickedly smiled. Nang mamalayan niyang pumasok ulit sa Mechevel Hall ang bruha ay binaba niya ang mga kamay niya at siniko si Theo.

"I have a plan."

"What is it?" Sinenyasan niya itong lumapit ng kaunti sa kanya. Aktong bubulong siya rito nang bigla itong parang kiniliti.

"Teka, 'wag mo namang bugahan ng hangin tainga ko. Sensitive ako diyan." Pabirong binatukan lang niya ito. Mukha silang sira.

Ibinulong niya rito ang plano niya. Natawa lamang ito at nagfist-bump silang dalawa. Ngingisi-ngisi.

"Call." anito.

///

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
374K 18.8K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1.6M 53.4K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...