Aftertaste of The Night (Pere...

Par chiXnita

22.3K 1.3K 450

[ Pereseo Series #3 ] Akira Menaide Pereseo got pregnant before her graduation. She made a promise to herself... Plus

Aftertaste of The Night
Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 10

844 63 23
Par chiXnita

͙⁺˚* CHAPTER 10 ͙

If you were given a choice, would you rather choose the blue pill to fix one mistake from the past or the red pill to find out what your future holds?

I was simply distracting myself from my own thoughts, but it didn't make a difference. Because no matter what I think, I'm trapped in the present I'm involved in.

Vadik opened the trunk of his car. His driver put the bike there before opening the door for Bran in the backseat. He came in quickly and was clearly excited.

Vadik turned to me. He was waiting for me to get in his car, but my feet seemed to be nailed to the ground.

"What's wrong?" tanong niya nang mapansin na mukha akong napapraning. Sino ba ang hindi kung nakikita ko na ang anino ni Jordan na palapit sa amin?

Nanunuyo na rin ang lalamunan ko at pinagpapawisan nang malapot. "Hindi na lang pala ako sasama..."

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero biglang sumigaw si Bran.

"Papa Jordan!"

I groaned mentally.

How did a voice so gentle and innocent be so...disastrous?

Para akong sinampal sa magkabilaang pisngi. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay para akong hihingalin. Aatakehin yata ako ng vertigo dahil pumipitik ang mga ugat sa ulo ko.

Hindi ako lumingon pero si Vadik ang napatingin sa tinawag ni Bran. He didn't say anything. I couldn't even read what he was thinking because I was mentally disrupted.

I was pinching the side of my leg just to keep myself sane.

Lumabas si Bran ng sasakyan at tumakbo palapit kay Jordan. "Pa! Daddy's here. Nakita na po namin siya ni mommy." Kahit hindi ako lumingon alam kong hinahatak ng anak ko ang boyfriend ko palapit sa tatay niya.

Jordan didn't answer, and Bran continued to speak, oblivious to what was going on around him. "Are you coming with us, Pa?"

We were then silent for a few minutes. It wasn't dead, but an agonizing silence that slowly kills you instead.

Gusto kong takpan ang bunganga niya. Gusto kong umupo sa lapag at umastang mas bata pa sa kanya.

Minsan nga gusto ko na lang ipagpalit ang posisyon naming dalawa. Siya na lang ang tatay, ako ang anak.

Pero hindi ko puwedeng gawin 'yon. Hindi puwedeng palagi na lang akong tumatakas.

Pumihit ako paharap kay Jordan. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti pero hindi sa akin nakatuon ang atensiyon niya.

Matiim siyang nakatitig kay Vadik. Kita ko kung paano namilog ang mga kamao niya.

Binalutan ako ng takot at parang binuhusan ng malamig na tubig.

Agad akong lumapit at hinawakan ang braso niya. Nalipat ang tingin niya sa akin pero ramdam ko pa rin ang bahagya niyang panginginig.

Hindi ko alam ang gagawin. Kaya ipinulupot ko na lang ang mga braso sa baywang niya. "Sorry. Explain ko lahat sa sunod..." bulong ko.

He was silent for a moment, his shoulders a bit defeated, before sighing. "Aalis kayo?"

"Sila na lang..." Wala sa sariling sambit ko.

"Mommy?"

Napalingon ako kay Bran. Nagmamakaawa ang tingin ko sa kanya na 'wag na siyang magsalita at sumama na lang siya nang tahimik sa tatay niya, pero alam ko namang hindi niya ako maiintindihan.

Sasama pa ba ako o hindi na ngayong nakikita ko ang unti-unting pagkawala ng kislap sa mga mata ng anak ko?

Tumikhim si Vadik. "Why don't you come with us?" Nakatingin siya kay Jordan.

Dalawang beses akong napakurap. Siniguro kong maigi kung siya ba talaga ang nakikita ko o baka may dalawang sungay nang tumutubo sa kanyang ulo. But he looked so serious kaya nadagdagan lang ang takot na lumulukob sa akin.

"My son wants you to join us," dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung nabingi lang ako pero pakiramdam ko diniinan niya ang pagkakasambit ng...my son.

Humigpit ang kapit ko sa braso ni Jordan. Kilala ko siya. Hindi siya basta nagpapaapekto sa sinasabi ng iba. And I know he wouldn't agree.

"Sure..."

Doon na ako tuluyang nanigas sa kinatatayuan. Ilang malulutong na mura ang gustong kumawala sa isip ko. Hinawakan ni Jordan ang braso ko para alalayan akong pumasok ng sasakyan. Nang sumulyap ako sa kanya, hindi rin nagbibiro ang itsura niya.

Ampotchingina! Ito talaga gusto nila?

Fine.

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at binuksan ang pinto ng sasakyan. Nagulat pa ang driver ni Vadik nang sa passenger's seat ako umupo sa halip na sa backseat. Hindi ako sigurado kung anong pangalan niya. Dante yata.

"Ma'am?" sabi niya pero wala na ulit lumabas na kataga sa bibig niya. Mukha rin yata siyang naguguluhan sa mga nangyayari at napatingin na lang sa amo niya na pumasok na rin sa loob.

Nang sumulyap ako sa rearview mirror, nakakunot ang noo niya kaya iniwas ko agad ang tingin doon.

Kung gusto nilang mamasyal, eh 'di go. Magsama-sama silang tatlo sa likod!

Sana lang panindigan talaga nila 'yang gusto nila. Madali naman akong kausap.

Hindi na ako muling tumingin sa backseat kahit na naramdaman kong pumasok na rin si Jordan. Mabuti na lang maingay na ulit si Bran—na nakapuwesto sa gitna nila—at muling nabuhay ang excitement niya kaya nabawasan kahit papano ang nakasasakal na hangin sa loob ng sasakyan.

"Kuya, pa-soundtrip tayo, ah," sabi ko sa katabi ko at tumango naman siya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan gayundin ang stereo.

Music helps me calm, and I am in need of it now to get through this hellhole.

Lately, I'm getting lost on you
You got me doing things I never thought I'd do
Never spent so long on a losing battle
But lately, giving up don't seem to matter

The song "Lost on You" is currently playing. Mukhang playlist ng mga kanta ni Lewis Capaldi ang huling pinakinggan ng may-ari nitong sasakyan kaya 'yon ang bumungad nang muling buksan.

I fastened my seat belt and shut my mouth again. I also calmed myself down because no one would save me in this situation but myself.

It's all in the mind.

Marami na akong napagdaanang pagsubok sa buhay para lang bumigay sa ganitong sitwasyon. Ayokong ma-stress lalo kasi baka maging kakambal ko na ang salitang 'yon. Kung iisipin ko pang maigi at poproblemahin ang mga tumatakbo sa isip ng mga nakaupo sa likuran ko...baka mabaliw ako.

Nang magsimula nang umusad ang sinasakyan namin, ipinikit ko ang mga mata. Dahil konti lang ang tulog ko kagabi, paidlip muna.

˚☽˚.⋆

Nakatagal naman ako nang mahigit apat oras na siguro. Una sa lahat, salamat sa traffic kahit Sabado. Nakatulog yata ako ng lagpas kalahating oras sa sasakyan. Pangalawa, unconsciously na nakatutulong ang pagiging madaldal at makulit ni Bran.

I wasn't sure, but I have this feeling that Vadik wanted to go to many places with my son today, but he chose for us to stay here at La Mesa Ecopark. He's been teaching Bran how to ride a bike for a while now. O sabihin na nating dini-distract niya ang anak ko para hindi kami kulitin nitong kanina pa walang imik sa tabi ko.

I've been wanting to try various activities to get rid of all the negative elements that surround me: the zip line, wall climbing, fishing, water biking, or simply walking to see what's more in this park. Pero pinili ko ang pumirmi lang sa tabi ni Jordan.

Naghihintay ako na magalit siya pero mukhang hinihintay niya lang din ako na maunang magsalita. When I glanced at him, he was already looking intently at me. He looked like he's waiting for something, so I couldn't help but looked away again.

Nakaupo kami sa bench sa lilim ng isang malaking puno. Hindi ko na nabilang kung nakailang ikot na sina Bran sa pagbibisikleta. Sumisigaw lang siya at kumakaway sa amin kapag napapadaan sa puwesto namin.

Vadik would also glance at us briefly with his stoic face.

"Galit ka?" may alinlangan sa boses ko.

Sinundan niya ng tingin ang dalawa na bahagyang nakalayo na ulit bago siya humingang malalim. "Kamukhang-kamukha ni Bran ang tatay niya," sabi niya kaya hindi ako nagkomento. Kasi mas mapagkakamalan na anak ni Vadik sa ibang babae si Bran kaysa ang anak ko si Bran sa ibang lalaki.

"Anong pangalan niya?" I didn't introduce them to each other. It was just so awkward to do that. And I don't think it's appropriate. Even if I am okay with it, I am certain that it is not okay for all parties involved.

"Hindi pure Pinoy? Guwapo, e. Matangkad. Halata ring mayaman. Magmumukha akong basahan kapag tumabi ako."

Napapihit agad ako paharap sa kanya para hawakan ang kamay niya. Ito talaga ang iniiwasan ko, ang makaramdam siya ng kahit anong insecurities sa relasyon na 'to.

"I'm sorry..." Yumuko ako. "Wala akong balak na itago sa'yo nang matagal. Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo para sabihin sa'yo lahat." Tiningnan ko na siya. At nakikita ko pa rin ang hindi nawawalang uneasiness sa mga mata niya.

Bahagya siyang tumango pero alam kong marami siyang gustong itanong at malaman. "Anong balak n'yo kay Bran?" Hindi ako umimik agad. Gusto kong pag-isipang maigi ang bawat katagang lalabas sa bibig ko. "Hindi ko hawak ang desisyon mo, Ki. Pero kung gusto mong makipaghiwalay sa akin, 'wag mo sana akong biglain. Para mapaghandaan ko."

"Ampotchi! Hindi. Bakit ganyan ang iniisip mo?" Huminga lang siyang malalim at umiwas ng tingin. Kaya ikinulong ko sa mga palad ko ang mukha niya. "Hindi kita iiwan. Okay?"

Niyakap niya ako. "Mahal na mahal kita, Ki." Ibinaon niya ang mukha sa pigitan ng leeg at balikat ko. "Hindi ko alam kung hanggang kailan mo panghahawakan 'yang sinabi mo. Pero tandaan mo na kahit anong mangyari, mahal kita."

Kinagat ko nang mariin ang labi dahil pinipigilan kong mapahikbi.

Sa dinami-rami ng nakarelasyon ko noon, lahat ng 'yon ay walang tumatagal. At aminado ako na mostly sa akin talaga ang problema. Si Jordan lang ang boyfriend kong umabot ng dalawang taon. Kasi kahit ako ang mali, iniintindi niya ako. Never niya akong sinukuan kahit saksakan ako ng kaartehan.

Siguradong hindi ko alam ang gagawin kapag bigla 'yong inalis palayo sa akin.

"Mahal din kita. Kaya 'wag kang mag-overthink diyan."

Binitiwan niya ako't kumulubot ang tungki ng ilong niya. "Talaga? Hindi mo naman ako mahal nung sinagot mo ako, ah. Napipilitan ka lang yata, e."

Umirap ako. "Eh, 'di sana matagal na kita iniwan. Umamin ka nga, anong gayuma ginagamit mo sa akin, ha?" pabiro ko siyang hinampas sa braso dahilan para mapangiti siya. Sumilay ang dimple niya sa kaliwang pisngi.

Cute ng dimple niya, e. Isa nga lang. Dimdim couple nga tawag ng mga nang-aasar sa amin sa trabaho.

"Mabuti naman effective ang gayuma," sakay niya sa hirit ko. "Pero paubos na yata. Anong gagawin ko kapag wala na?" tanong niya at alam ko may laman 'yon.

Nagseryoso ako. "Wala kang tiwala sa akin?"

"Iniisip ko lang mga posibleng mangyari. Pogi 'yong tatay ni Bran, e."

"Mas pogi ka sa paningin ko."

Mukha siyang kinilabutan sa sinabi ko. "Sus! 'Wag na tayo maglokohan. Sinasabi mo lang 'yan para pagaanin loob ko. Kita mo naman kahit saang anggulo, mas lamang sa akin ng kalahating paligo. Tapos iniwan mo pa ako sa may backseat. Nagmukha akong bodyguard."

Bigla akong natawa. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit minahal ko ang taong 'to. 'Yong sense of humor niya. "Lakas naman! Kalahating paligo lang pala lamang sa'yo, e."

"Sabi mo mas pogi ako? Mas mamahalin lang ang sabon nun. At branded 'yong pabango kaya hirap na hirap akong huminga sa kotse kanina."

Natatawa pa rin ako. "Tanga! Car air freshener 'yon."

"Natanga pa nga...pasensiya naman kung hanggang motor lang kaya ng budget ko. Wala bang girlfriend 'yon?"

"Uy, fishing! Kinakabahan ka 'no?"

"Hindi ako kinakabahan. Hindi pa. Mas pogi pa ako sa paningin mo, e."

"At may fiancée 'yon."

"Ah, so kung walang fiancée dapat akong kabahan? Mukhang type mo, e."

"Alam mo, judgmental ka talaga!" Binatukan ko siya. Mabilis lang nakaiwas dahil alam niyang gagawin ko.

"Sus! Ako pa talaga? Hindi ba puwedeng kilala lang kita? Alam kong hindi ka papatol sa hindi mo type."

Sumimangot ako't sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh, sige. Hindi na. Okay na. Sinabi mo namang hindi mo ako iiwan." Napangiti na lang siya't bahagyang ginulo ang buhok ko.

Tinabig ko ang kamay niya. Alam niya namang ayokong nagugulo buhok ko, e.

"Magpaturo ka na rin mag-bike doon. Samahan mo 'yong mag-ama mo," turo niya nang makitang paparating na ulit 'yong dalawang hindi pa yata napapagod.

"Huy, gago! Marunong ako mag-bike."

Natawa na lang siya't napailing. Tiningnan ko ang cellphone para tingnan kung anong oras na. Pero naagaw ang atensiyon ko ng mga messages na galing kay Vadik. Nagsalubong ang mga kilay ko. Alas nuwebe pa ng umaga ang mga 'to. Ngayon ko lang nakita dahil naka-silent cellphone ko. Mag-alas onse na ng tanghali.

Vadik: Do you want to go home?

Vadik: You're clearly uncomfortable. It's okay if we don't finish the day so you and your boyfriend can talk.

Vadik: There are still many days to spend my free day with Bran

I just stared at my phone screen for a moment. I took a deep breath. I guess I wasn't the only one overthinking our current situation.

Mabilis akong nag-type para mag-reply. Mukhang kanina pa kasi siya nag-iisip ng kung ano-ano. Kaya pala panay ang sulyap sa puwesto namin.

Me: Gutom na ako. May pagkain ka ba diyan?

Dahil natatanaw ko pa sila ni Bran dito sa kinauupoan namin, nakita kong natigilan siya at kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants niya. Hindi naman pala siya literal na nag-i-ignore ng message. Mukhang busy lang sa hospital kaya matagal mag-reply.

He turned to us. I couldn't discern his face, but he tilted his head.

Tumayo ako't hinatak si Jordan palapit sa kanila. Siya pa ang mukhang nataranta sa ginawa ko.

Ampotchi! Bakit ba natatakot siya kay Vadik? Malaking tao lang 'yan pero mukha namang hindi makabasag pinggan. Para lang higanteng stuffed toy. Malaki pero malambot nasa loob.

"You're hungry?" tanong sa akin ni Vadik.

Tumango ako't itinuro ang natahimik na ulit sa tabi ko. "Siya rin."

"Anong ako rin?" Mabilis na hinawakan ni Jordan ang kamay ko't ipinirmi lang sa tagiliran namin. Hindi na niya binitiwan.

Vadik's eyes followed that before he turned to face Bran. "Where do you want to eat? Do you want something to eat?" Tumango rin si Bran at mukhang napagod na rin.

Tiningnan ni Vadik ang relo sa pulsohan niya. Naningkit ang mga mata ko para matingnan iyong maigi. Is that a Montblanc smartwatch?

"Hindi na ako sasama, ah..." sabi ni Jordan kaya napabaling agad ako sa kanya.

"Ha? Bakit?" kunot na kunot ang noo ko.

Inilapit niya ang mukha sa akin para bumulong sa tainga ko. "Tumakas lang ako sa amin kanina, e. Kailangan ko nang umuwi kasi maraming labahin. Alam mo namang strict ang parents ko."

Siniko ko siya. "Siraulo ka talaga." Bahagya lang siyang natawa. "Pero seryoso nga uuwi ka na?" Tumango lang siya. "Saan ka sasakay?"

"Mag-commute. Parang hindi naman ako sanay diyan."

Tumango ako pero hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang nandito lang o hahayaan ko na umalis. Masyado ba talagang malaki tiwala niya sa akin? O marami talaga siyang labahin? Bakit ba ayaw niyang magpa-laundry?

Nag-isang sulyap siya kay Vadik bago ulit bumulong. "Behave..."

Napanguso ako't matalas ang tinging ipinukol ko sa kanya. Pinisil niya lang ang pisngi ko bago nagpaalam na aalis na. Nasa kabilang pathway kasi ang patungo sa exit.

After only three steps, he turned back to face me again. My eyes widened and I froze when he suddenly approached me and placed his lips on mine.

Ampotchingina! Bakit may paghalik sa public? Hindi niya naman talaga 'yan ginagawa kapag maraming tao.

I didn't know how many seconds the kiss lasted. I couldn't react instantly because I wasn't sure how many people were looking at us. After releasing me, he gave me a satisfied smile and headed towards the exit. While I was almost frozen where I was standing.

I immediately faced Bran to check if he was looking... but he and Vadik had already turned their backs and were quickly walking away from me.

Iniwan niya pa ang bike na ibinigay ni Vitto.

Naningkit ang mga mata ko't ipinatayo ang bike na parang itinapon lang sa gitna ng kalsada.

Napamura ako habang kinakaladkad ang bike. Hindi ko naman puwedeng sakyan dahil masyadong maliit para sa akin. Halos lakad-takbo ang ginawa ko para lang mahabol ko ang mabibilis na hakbang ni Vadik. Karga-karga niya si Bran kaya ang isang hakbang niya'y katumbas yata ng dalawang hakbang ko.

"Sandali..." Pero tila wala siyang narinig. Ako ba 'yong nagugutom o siya? Bakit siya nagmamadali? Saan ko ilalagay 'tong bike? "Wait nga lang sabi! Pinagpawisan 'yan si Bran. Kailangan munang magpalit ng damit bago kumain."

Saka lang siya huminto at pumihit paharap sa akin. Wala pa naman yatang benteng metro ang binagtas ko pero hingal na hingal ako.

Ampotchi! Kailangan ko na yata ulit mag-workout.

Akala ko hindi siya hihinto.

Mukhang may balak pa talaga siyang paghabulin ako sa kanya.

"That's what we're gonna do," he said and took five steps back to me so that I could catch up immediately.

Nang makarating sa tapat niya, napatukod ako sa tuhod ko't naghabol ng hininga. Tumingala ako sa kanya. "Ano?"

"We will change clothes first." I looked at his polo shirt and realized that he was also sweating. He had been teaching Bran to bike back and forth.

I nod my head unknowingly. I think I was the only one out of the three of us who didn't have any extra clothes.

He took the bike I was holding but still didn't put Bran down.

"Ibaba mo 'yan. Binigyan 'yan ng dalawang paa para maglakad." Pero hindi siya sumunod at lalo lang sumiksik si Bran sa leeg niya.

"Are you still a baby? Baby lang ang nagpapakarga. Akala ko ba big man ka na, ha? Ang baby hindi marunong mag-bike," pang-aasar ko sa anak ko. Nakataas pa isang kilay ko.

Mabilis naman siyang bumitaw sa leeg ni Vadik. "Put me down, daddy. I am not a baby. I know how to ride a bike because you taught me how to do it."

Ibinaba naman siya ni Vadik na hindi napigilan ang mapangiti.

Hinawakan ko ang kamay ni Bran at nauna nang maglakad. "Let's go..."

Pagkatapos naming kumain sa lahat ng kainan na gustong tikman ni Bran ang pagkain, nagtanong si Vadik kung gusto ko na bang umuwi.

Kanina, uwing-uwi na talaga ako. Pero nang mabunutan ako ng tinik sa pag-uusap namin ni Jordan at ma-realize na ito lang talaga ang free day ni Vadik at hindi ko alam kung kailan ang sunod ulit...hinayaan ko na lang si Bran ang magdesisyon.

Ang ending, walang kapaguran ang anak ko at gusto pa ring mamasyal. Kaya galing QC, bumalik kami ng Makati. Natulog na lang ulit ako sa biyahe, sa backseat na ngayon, para mag-recharge. Pakiramdam ko wala na akong energy kahit bumubuntot lang naman talaga sa kanila ang ginawa ko.

Naubos ang maghapon namin kalilibot sa Glorietta. Ang daming pinamili ni Vadik. Kahit si Bran nagsawa na sa katuturo ng gustong ipabili. Magmula sa damit, shoes, toys, at mayroon pang educational books.

Inawat ko lang siya nang gusto niya ring bilhan ng cellphone at iPad 'yong anak niya.

"May balak ka bang i-spoil si Bran?"

"What's wrong with that?"

Napaawang na lang ang bibig ko.

Pero ako ang nanalo. Hindi talaga ako pumayag. Bukod sa sobrang mahal na ang mga binibili niya, masyadong bata pa si Bran para malulong sa gadgets.

Hindi ko alam kung magkano lahat ng ginastos niya sa araw lang na 'to. Ayaw ko nang tanungin dahil baka mahilo ulit ako. Dumaan pa kasi kami sa supermarket dahil bibilhan niya rin daw ng gatas at mga pagkain si Bran. At nadamay mga kailangan kong grocery sa condo dahil ang kulit niya. Pakiramdam ko mapupuno ang loob ng ref ko kapag umuwi kami.

Sobrang mahal na talaga ng mga bilihin ngayon. Tapos lahat pa ng binili niyang damit para kay Brandon, ay may mga tatak. Naloloka ako! Nang tingnan ko ang isang price tag, pinakamura na siguro 'yong dalawang libo para lang sa isang t-shirt.

I don't understand either, but why are children's clothes so expensive?

Kaya nang makalabas kami ng supermarket, ako na ang nagyayang umuwi na kami. Baka kung saan na naman kami mapadpad.

As soon as we got back into the car, Bran quickly fell asleep because he was exhausted. His head was on my lap while his legs rested on Vadik's lap.

Ipinikit ko rin ang mga mata. Hindi na ako inaantok pero kung makatulog ako ulit ay mas maganda.

Iniiwasan kong mag-usap kami kahit na hindi naman siya nagsasalita masyado. At hindi rin siya iimik maliban kung may sasabihin ako.

Pero mas gusto kong pumikit lang buong biyahe dahil ayoko lang talagang nahahagip ng mata ko ang mukha niya.

I must have taken a nap because Vadik's car was already parked when I opened my eyes. And it's dark outside. I looked at my phone screen and it was 7:08PM.

Ipinagbukas kami ng pinto ni Manong Dante at maingat na binuhat ni Vadik si Bran dahil natutulog pa rin ito. Sumilip ako sa labas at wala kami sa tapat ng condo ni Maddie.

"Where are we?"

"Sa bahay," simpleng sagot niya.

Oo nga pala. Sabado ngayon at dapat nasa poder niya si Bran.

Pero hindi pa rin nawawala ang kulubot sa noo ko dahil hindi naman ito ang mansion ni Senior Rion. Hindi pa tuluyang nagigising ang diwa ko para matitigang mabuti ang kabuoan nito. It's not that big compared to Senior Rion's house, but it's definitely not small either.

"Your house?" paniniguro ko.

He nodded. "Let's dine inside before Manong takes you home. Or if you don't mind, you can stay here tonight."

"W-what?"

Napatitig siya sa akin dahil hindi pa rin ako bumababa ng kotse niya. "Ahh..." When he realized what he had said, he added more instead of taking it back. "I will not sleep here. I'll be back at the hospital at 11PM later."

May pasok na agad siya mamaya? So, hindi talaga entirely free ang araw niya? Sandali! Hindi siya matutulog bago muling sasabak sa trabaho? Hindi ba siya napagod ipasyal si Bran?

Kasi ako...kanina ko pa gustong humilata sa kama.

'Yong traffic pa lang kanina, nakapanlulumo na.

Bumaba ako ng sasakyan. "Kakain lang ako."

"Okay."

Pero muli rin akong natigilan at napaharap sa kanya. "Hindi ka matutulog dito? Uuwi ako. So, sinong kasama ni Bran—"

What I was about to say was interrupted when someone suddenly pounced on me, grabbed me by my hair, and hauled me so powerfully that I almost stumbled to the ground.

Nawalan na ako ng panimbang kaya napaluhod ako sa kalsada. Ramdam ko ang pagkaputol ng ilang hibla ng buhok ko. Nakagat ko rin ang labi ko nang malakas akong sampalin sa magkabilaang pisngi. "You slut!"

Ampotchingina! Sino ba 'tong punyeta na 'to?

"Katarina!" Mukha ring nag-panic si Vadik pero hindi siya makatulong sa pag-awat sa fiancée niyang balak yatang tuklapin ang anit ko, dahil buhat niya pa rin ang anak ko.

𓆩♡𓆪

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

220K 13.2K 9
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
1.4K 136 13
Si Shakira Joyce Gomez, siya iyong kapag tinignan mo akala mo masungit pero kapag mas nakilala mo siya, sobrang kalog niya, sobrang lakas niyang tuma...
The Art of Letting Go Par Pat

Roman pour Adolescents

480K 3K 12
Serendipity Series II (TAoLG book one): Apat na taon nang gusto ni Aly si Kiel. At sa loob ng apat na taon, wala siyang ibang hinangad kung hindi ang...
47.4K 717 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...