His Forbidden Desires

By neeyovv

6.4K 302 14

What would you do if you fell in love with your mom's boyfriend? ... He is Renon Muñoz, eighteen years old gu... More

His Forbidden Desires
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27

11

184 11 0
By neeyovv

SILHOUETTE
--

Renon

"Nandito na tayo, Ser," agad akong napatingin kay mang Henry nang magsalita ito. Napatingin ako sa paligid at doon ko napansin na nasa bahay na nga kami. Nasa loob pa kasi ako ng sasakyan. Madilim na rin nang kami ay makarating rito sa bahay, medyo na-traffic kasi sa kalsada.

Pinatay ko muna ang aking hawak na cellphone bago bumaba ng sasakyan. Nagpasalamat pa ako kay mang Henry sa pagsundo sa 'kin.

Pagkababa ay para akong napatanga habang nakatingin dito sa labas kung nasaan ako nakatayo.

Bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kaninang umaga. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba sa aking kaloob-looban habang bumabalik sa aking mga ala-ala ang mga sinabi niya kanina.

Doon ko nakita ang sasakyang palaging ginagamit ng nobyo ni mama. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nasa loob siya ng bahay. Mas lalo akong kinabahan, pero pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Huminga ako na nang malalim bago tuluyang buksan ang pinto ng bahay at pumasok sa loob.

Kahit anong gawin kong pag-iwas sa kaniya, kung nakatira lang kami sa iisang bahay ay parang wala rin.

Itigil ko na kaya ang pag-iwas sa kaniya?

Mabilis akong napailing dahil sa ideyang pumasok sa isipan ko. No! Hindi ko 'yon pwedeng gawin. Kailangan ko munang makasigurado na wala na talaga akong nararamdaman sa lalaking 'yon kahit konti, bago ko tuluyang itigil ang ginagawa kong pag-iwas sa kaniya.

"Gusto mong iwasan, 'di ba? Sige kung 'yan ang gusto mo, then let's avoid each other. 'Wag kang lalapit sa 'kin at hindi rin ako lalapit sa'yo, that's what you like, right?"

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng nobyo ni mama kaninang umaga. Hindi ko alam pero parang bigla akong natakot. Parang hindi ko kaya na siya mismo ang iiwas sa 'kin.

Masyado na ba akong tanga? Oo.

Ako 'yung may gustong iwasan siya, pero ngayong siya na mismo ang iiwas ay parang ayaw ko.

Ang gulo! Pati isipan ko nagugulo dahil sa lalaking 'yon.

Pumasok na nga ako ng bahay. Pagkapasok ay isang tahimik na bahay ang sumalubong sa 'kin. Sanay naman na ako na ganito katahimik ang bahay na 'to. Ang konti ba naman ng tao.

Dumiretso muna ako sa kusina upang kumain--este tingnan kung nandoon si mama. Pero hindi siya ang naabutan ko ro'n! Paanong hindi si mama ang nandito? Ganitong oras kasi ay naghahanda na siya ng hapunan. Nakapagtataka.

"Oh Ren, hijo, nandiyan kana pala," ang nasambit na lang ng tao sa kusina nang mapansin ako.

Ngumiti ako rito at kinuha ang kaniyang isang kamay upang magmano. Ganito ang utos sa 'kin ni mama, dapat magbigay galang palagi sa mga nakakatanda.

Kahit mahirap man kami, hindi nawawala ang mga pangangaral ni mama sa 'kin. Ngayon lang niya ako hindi nasasabihan dahil masyado siyang abala.

"Good evening po, Manang," pagbati ko rito nang makapag-mano sa kaniya. Ngumiti naman ito sa 'kin at binati rin ako pabalik.

Dahil nagtataka kung bakit siya ang naririto ay nagtanong nga ako, "Nasaan po pala si Mama, Manang?" Pagtatanong ko rito at tinulungan siya sa pag-aayos ng mga kailangan sa pagkain.

Mukhang kakain na kami ah.

"Sa pagkakaalam ko ay nasa isang restaurant siya na pagmamay-ari ni Ser Lucio, hijo. May inaayos pa raw ro'n," sagot nito.

"So, hindi siya makakauwi ngayon?" Ngayon lang nangyari ito ah.

Dati kasi kahit abala si mama ay nakakauwi pa rin siya nang maaga upang siya ang maghanda ng kakainin namin ng nobyo niya. Inaagawan niya na nga ng role si manang dito sa bahay. Si manang kasi talaga ang taga-luto rito, dumating lang si mama. Pero siyempre, kahit gano'n nagagampanan pa rin ni manang ang kailangan niyang gawin sa bahay na ito, kagaya ngayon.

"Hindi ko alam Ren, anak. Pero narinig ko kay Ser na susunduin niya 'yung Mama mo mamaya," So, nandito nga talaga siya? Lagot na!

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Mukhang napansin naman ito ni manang kaya muli itong nagsalita.

"Oh siya, magbihis kana ro'n at para makakain kana. Alam kong gutom kana," pangtataboy nito sa akin. Tumango akong muli sa kaniya at sinunod na 'yung sinabi niya.

Pagka-akyat na pagka-akyat ko ng hagdan ay siya ring pagbukas ng isang pinto sa kwarto. Teka! Kwarto 'yon nina mama!

Hindi ko maiwasang magpanic nang lumabas ang lalaking iniiwasan ko. Hindi nakawala sa tingin ko ang suot nitong manipis na sando at kulay itim na cotton shorts. Yummy talaga ng katawan. Mabilis akong umiwas ng tingin at bahagyang yumuko.

"G-good evenin--"

Pero bigla akong nanigas ginawa niya. Hindi ko na naituloy ang gagawin kong pagbati sana sa kaniya. Para akong nagmistulang hangin dahil sa ginawa niya. Hindi nakikita, pero alam kong nararamdaman niya.

Parang isang-daang karayom ang nagmistulang tumusok sa puso ko nang bigla niya akong lampasan na para bang wala ako sa harapan niya. Nakaramdam ako nang pagkahiya sa ginawa niya.

Ganito pala 'yung pakiramdam 'no? Masakit pala kapag alam mong may umiiwas sa'yong isang tao. Idagdag mo pa na may nararamdaman ka sa taong umiiwas sa'yo.

Gan'to rin kaya ang naramdaman niya nu'ng mga panahong iniiwasan ko siya. Siguro oo, hindi naman siya aakto ng gano'n kaninang umaga kung hindi eh.

Hindi ko na kinaya 'yung nararamdaman ko. Mabilis akong naglakad papunta sa aking kwarto. Pagkasara ko nang pinto ay tila nanlambot ang mga tuhod ko. Napaupo ako at napasandal sa likod ng pinto.

Tangina, Renon! Ba't ka naiiyak?! 'Di ba ito ang gusto mo? 'Di ba gusto mong mag-iwasan kayong dalawa? Bakit ka nasasaktan? Ha? Bakit?!

Hindi ko kinaya 'yung ginawa niyang pag-ignora sa 'kin. Ganito pala kasakit. Pa'no ko pa mapipigilan ang sarili ko kung ganito ang mangyayari sa araw-araw sa tuwing magkakasalubong kami. Baka mamatay na ako no'n sa sakit.

Cause of Death: Hindi kinaya 'yung sakit sa ginagawang pag-iwas sa kaniya ng crush niya.

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa mga naiisip ko. Nagmumukha akong baliw sa ginagawa ko pero wala akong pakialam.

Ganito talaga ako kapag nasasaktan. Naalala ko pa nga noong bata ako, kapag nasugatan ako sa tuhod ay iyak ako nang iyak na para bang wala nang bukas.

Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo sa sahig ng aking kwarto. Nakayuko at hindi alam ang gagawin. Parang bigla akong tinamad sa buhay ko ngayon. Kung hindi ko lang narinig ang boses ni manang sa labas ng aking pinto ay hindi ako kikilos.

"Ren, hijo? Bilisan mo na r'yan at hinihintay ka na ni Ser Lucio sa baba," at talagang may gana pa siyang hintayin ako ah. Matapos niya akong hindi pansinin kanina.

Ano hindi niya ba kayang kumain nang mag-isa? Gusto ba niyang subuan ko siya? Gano'n ba 'yon kaya niya ako hinihintay? Bwisit na 'yan.

"O-opo! Bababa na lang po ako!" Sigaw ko naman mula sa loob ng aking kwarto.

Pumunta na ako sa walk-in closet upang kumuha ng pambahay na damit na pamapit. Pinili ko ang kulay asul na t-shirt na pambahay at isang kulay grey na pajama.

Pagkatapos pumili ay tumungo na ako sa banyo upang magpalit. Isa-isa kong hinubad ang aking saplot na nakatakip sa aking katawan at tiningnan ang repleksyon sa salamin.

Napatingin ako sa mga mata ko at nakita itong bahagyang namumula dahil sa pag-iyak kanina. Tangina ano 'yon, Renon? Ang bakla mo kanina ah.

Dapat strong ka! 'Wag kang magpapa-apekto ro'n. Siguro ay dapat kong ibaling ang atensyon ko sa iba. Biglang pumasok sa isip ko 'yung calling card na binigay sa 'kin ni Antoinette dati sa mall.

Tama! Siguro ay tatawagan ko siya, baka naghihintay na rin 'yon ng tawag ko. Hindi ko naman 'yon jojowain 'no. May fiance na 'yon eh. Gusto ko lang talaga ng kausap ngayon--este mamaya pala kasi kailangan ko nang bumaba upang kumain.

Mabilis kong isinuot ang aking kinuhang mga damit na pambahay at lumabas ng kwarto pagkatapos.

Bumaba na ako ng hagdan at ilang sandali pa ay nakarating na nga ako sa kusina. Doon ko nakita ang nobyo ni mama na nakaupo na sa paborito niyang pwesto at mukhang may hinihintay. Si manang naman ay nilalagyan ng malamig na juice 'yung mga basong nasa lamesa.

"Oh, hijo, nandiyan kana. Halika ka na rito at umupo," pagyaya sa 'kin ni manang. Ipinag-sandok pa ako nito ng makakain. Tipid naman ako sa kaniyang ngumiti at umupo.

Bahagya ko pang tiningnan 'yung nobyo ni mama na nagsisimula ng kumain. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nagsimula na ring kumain.

Sinigang na baboy ang ulam namin, 'yon ang niluto ni manang. At dahil paborito ko 'to, masagana ang naging pagkain ko. Hindi ko na pinapansin 'yung mga taong kasama ko.

"You should eat too, Manang. Baka maubusan ka pa," bahagya akong napahinto sa pagsubo ng kanin dahil sa sinabi ng nobyo ni mama. Hindi ko alam pero parang may pinapatamaan siya ro'n sa sinabi niyang baka maubusan ka pa.

"Naku, hindi na Ser, sasabayan ko kasi 'yung dalawa kong apo na kumain mamaya," saad naman ni manang.

Oo nga pala. Hindi ko nakita sa loob ng bahay 'yung dalawang babaita. Natakot siguro sa 'kin. Chinat ko kasi 'yung dalawa sa facebook at pinagbantaan--joke! Tinanong ko lang sila kung bakit hindi nila sinabi sa 'kin na magpinsan pala silang dalawa. Siyempre, may konting pagbabanta rin, haha.

Sa buong hapunan ay nakayuko lang ako habang kumakain. Ayaw kong iangat ang ulo ko dahil alam ko kung saan na naman pupunta ang mga mata ko. Kay Tito Lucio. Hindi ko alam pero parang laging may sariling buhay ang aking katawan kapag nasa paligid lang siya.

Ako 'yung umiiwas pero ako rin 'yung gumagawa ng dahilan para mas lalong mahulog ang loob ko sa kaniya. Ang tanga-tanga ko, 'no?

Naunang matapos 'yung nobyo ni mama kumain at agad na tumungo sa kwarto nila. Kaya ako 'yung naiwan dito sa lamesa. Hindi ko alam kung ano 'yung gagawin niya pero hindi ko na dapat pang alamin 'yon.

Sinabihan ko si manang nang matapos akong kumain. Tinulungan ko na rin siya sa pagliligpit ng mga pinagkainan, ayaw niya pa nga sana pero mapilit ako. Pero siyempre, hindi niya na ako pinatulong pang maghugas ng mga pinagkainan.

Tinaboy niya na ako palabas ng kusina. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Papunta ako sa sala nang mapansing papalabas ng bahay ang nobyo ni mama.

Susunduin niya na siguro si mama ro'n sa restaurant.

Binuksan ko ang malaking tv at nanood muna ng palabas ng ilang sandali. Nang mabagot ay tumungo na ako sa kwarto ko.

Nagsipilyo muna ako. Ginawa 'yung mga kinakailangang gawin tuwing gabi.

Muling pumasok sa isipan ko ang isang bagay na kailangan kong gawin. Oo nga pala. Tatawagan ko pala si Antoinette, hehe. Muntik ko na namang makalimutan.

Mabilis kong kinuha 'yung bag ko at hinalungkat 'yon. Ang alam ko kasi rito 'yon nakalagay. Halos tanggalin ko ang mga gamit sa bag pero hindi ko pa rin nakikita. Ibang bagay ang nakita ko. Card din siya pero hindi 'yung binigay sa 'kin nu'ng babae. Kulay itim ito.

Isang itim na... credit card?

Ha?!

Paano naman nagkaroon ng gan'tong card sa bag ko? Ang alam ko kasi nilalagyan ito ng pera sa bangko. Wala naman akong maalalang may gan'to ako o si mama.

Hindi kaya?

Mabilis akong umiling sa konklusyong naiisip ko. Imposible namang siya ang maglagay nito sa bag ko dahil hindi ko naman nakitang pumasok siya sa rito sa kwarto ko.

Maliban na lang kung nakalusot siya.

Aish! Siguro itatanong ko nalang kay mama bukas. Binalik ko nalang 'yung card sa bag pati na rin 'yung mga gamit ko sa pang-aral.

'Yung kaninang balak kong tawagan si Antoinette ay hindi na natuloy dahil imbis na calling card niya 'yung makita ko, ibang card 'yung nasa bag ko.

Ewan.

Tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo sa kama at tumungo sa nakasaradong bintana.

Pagbukas ko ay nakita ko ang isang bintana na katapat ng bintana ko. Kung napanood niyo 'yung music video ng kanta ni Taylor Swift na You belong with me. Gano'n 'yung senaryo ko ngayon. Ang pinagkaiba nga lang ay may bakod dito at hindi ko makita 'yung tao.

Napansin kong nakabukas 'yon pati 'yung ilaw roon. May nakaharang nga lang na puting kurtina pero hindi 'yon naging hadlang para hindi ko makita ang isang pigura ng lalaki. Anino lang ang nakikita ko. Lalaki kasi malaki ang katawan nito, pansin kong malapad ang balikat nito.

Teka, parang ang bahay na 'yon ay 'yung kinukwento sa 'kin nina Sabel at Amely noong mga nagdaang araw.

May gwapo raw na nakatira roon. Ewan, hindi ko pa kasi nakikita. Saka lang ako maniniwala kapag nakita ko na ang mukha niya. Mwehehe.

Pinagmamasdan ko pa 'yung anino ng ilang sandali. Pansin kong may ginagawa ito. Hindi ko nga lang alam kung nakaharap ba ito sa bintana o nakatalikod dahil nga may nakaharang na isang kurtina.

Balak ko na sanang isara ang aking bintana nang biglang gumalaw ang anino patagilid. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang hindi kapani-paniwala.

May nakita akong isang mahabang bagay na nasa pagitan ng mga hita niya! Kahit anino lang ay alam ko kung ang 'yon dahil may gano'n din ako. Hindi nga lang gano'n kalaki. Pero tangina! Mas lalo akong nagulat sa sunod na ginawa ng taong nasa likod ng aninong 'yon!

Hinawakan niya 'yung mahaba na 'yon at marahang ginalaw ang kamay nitong nakahawak doon! Pati ang isa pa nitong kamay ay napansin kong pumapasada pataas sa kaniyang katawan.

Inang 'yan, makakanood ba ako ng live porn ngayon?!

Ngunit bago pa ako masiraan ng bait sa aking nakita ay mabilis kong sinarhan ang aking bintana. Napaka-reckless naman nu'ng lalaking nasa kabilang bahay na 'yon. Talagang doon niya pa naisipang gumawa ng milagro. Pwede naman niyang isara 'yung bintana o 'yung ilaw, 'di ba?

Bahagya akong nakaramdam ng pangingilabot sa aking katawan. Napahawak pa ako sa aking mga braso nang maramdamang nagsitayuan 'yung mga balahibo ko roon. Para akong nakakita ng isang multo.

Isang manyak na multo!

Naku, kung sina Sabel ang nakasaksi ng bagay na 'yon siguradong hihimatayin sila. Ang laki kasi!

Gano'n din kaya kalaki 'yung kay Tit--no! Erase! Erase!

Mabilis kong iwinaksi ang aking mga nasa isipan. Kung ano-ano naman 'yung mga naiisip ko.

Napatingin ako sa cellphone kong nasa kama nang tumunog ito. Oo nga pala, nakalimutan kong naka-connect 'yon sa wifi rito sa bahay.

Kinuha ko 'yon at tiningnan kung bakit tumunog. Doon ko nakita ang isang notification sa facebook.

Akiro Rein Fujimoto added you to the groupchat.

Binuksan ko 'yon at mabilis na napangiwi dahil sa pangalan ng groupchat na ginawa ng baklita.

Powerpuff Gaes

Anong klaseng pangalan ng group chat na ’to. Mapagtripan nga. Sinimulan kong magtype ng message sa aking cellphone.

Buttercup (Renon):

Ano na namang kabaliwan 'to, Akiro?

Blossom (Akiro):

Subukan niyong palitan 'yung name ng group, makakatikim kayo ng kutos sa 'kin.
Renon!
I told you stop calling me with that name!
Argh! Bahala ka r'yan!

Halos matawa ako sa sunod-sunod nitong pag-chat. Ang bilis magtype ng kamay ah. Mukhang naasar nga dahil hindi na ito muli pang nag-chat.

Bubbles (Echo):

He logged out already, haha.
I'm sure he's really mad right now to you, Ren. I can imagine his angry face. Geez!
He don't really want called by his full name.

Si Echo naman 'yung nag-chat. Isa rin 'to, kanina lang ang tahi-tahimik pero ngayon halos marinig ko na ang boses nito sa chats.

Muli akong nagtype.

Buttercup:

Hayaan mo siya. HAHA
Kailangan ko nang mag-out! Malalim na pala ang gabi. Baka malate pa ako bukas. Bye!

'Yan ang huli kong chat do'n sa groupchat bago tuluyang naglog-out. Hindi ko na hinintay pa 'yung reply ni Echo. Inilagay ko na ang aking cellphone sa lamp table matapos tingnan ang oras. Ang bilis talaga ng oras. Kauuwi ko pa lang kanina, pero ngayon masyado nang malalim ang gabi.

Tuluyan na akong nahiga sa kama at tumingin sa ceiling. Kung nakakatunaw lang ang titig ko ay matagal na 'tong tunaw. Muling pumasok sa isip ko 'yung nakita kanina sa kwarto ng kapitbahay. Marahan akong napailing at sinampal-sampal ang sarili.

Habang nakahiga ay naramdaman ko na ang pagod ng aking katawan. Ngayon ko lang naramdaman sa hindi malamang dahilan.

Ang dami kasi naming ginawa nu'ng dalawa ro'n sa school. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa binti ko dahil sa paglilibot namin kanina sa school.

Siguro itutulog ko nalang 'to para mawala.

--

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 131 28
Y/n Lacriox is just as famous as Harry Potter, as the name Lacriox goes by a very, very famous rich wizard called William (your grandfathers name in...
7.7M 308K 34
BxB --------- Torin Frey has a crush. With his eighteenth birthday right around the corner, he'll soon be able to identify his Mate. Hopefully it's...
13.9K 661 51
Mula 3 years na pag sasama nila puro sakit na ang naramdaman ng binata sa kanyang asawa. Sinisisi sya ng asawa nya kung bat nag hiwalay sila ng kanya...
1.4M 123K 44
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...