Girl From Nowhere - Pablo's S...

By AthenaScarlett17

18.8K 1.3K 1.6K

A Girl From Nowhere Na Bibihag Sa Puso Ng MAHALIMA/SB19. Pero bakit tuwing nakikita nila si Bebe Girl ay hind... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
PART 27
PART 28
PART 29
PART 30
Part 31
PART 32
PART 34
Part 35
PART 36
PART 37
PART 38
PART 39
PART 40
PART 41
PART 42

PART 33

384 28 32
By AthenaScarlett17

PABLO'S POV


Isang malakas na hampas ng malamig na hangin ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog.

Nang idilat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa gitna ng kagubatan. Nakahiga ako sa damuhan habang pinapalibutan ng mga naglalakihang mga puno.

"Asan ako?" Naguguluhang tanong ko sa kawalan.

"Bakit ako nandito dito?"

Nang inpeksyonin ko ang aking sarili ay nasa babaeng anyo pa rin ako. Wala akong saplot na suot at tanging puting tela lang ang nagsisilbing takip ko sa aking katawan, wala rin akong ano mang sapin sa paa.

Pilit kong inalala ang mga nangyari sakin ngunit ang huli ko lang na natatandaan ay natutulog ako sa aking kwarto habang nakaunan sa mga hita ni Stell.

Nasaan si Stell?

Tumayo ako at ibinalot ang puting tela sa aking hubad na katawan at pilit kong inaninag ang paligid., Mabuti na lang talaga at maliwanag ang buwan kaya nagsilbi ko itong tanglaw upang makita ang aking dinaraanan.

Hindi ko alam kung nasan nga ba ako at bakit ako nandito, pero sigurado akong may kinalaman dito ang sumumpa sa akin.

Kahit takot ay patuloy akong naglakad kahit hindi ko alam kung san ako patutungo. Nakakaramdam na rin ako ng pananakit sa paa dahil wala manlang akong suot na sapatos o kahit ano mang tsinelas.

Napayakap na lang ako sa aking sarili nang muli akong hampasin ng malamig na hangin.

Sa puntong ito ay halos maiyak na ko dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung asan ba akong lupalop ng mundo o kung makakauwi pa ba ako.

Nagtindigan ang aking mga balahibo nang makarinig ako ng pagkaluskos kung saan. Mga bulong na hindi ko maunawaan at di ko alam kung san nanggagaling.

Takot man ay pilit kong hinanap ang pinanggalingan ng mga tunog. At sa di kalayuan ay nakakita ako ng isang babae na may hawak na gasera.

Agad akong nagtungo sa kanya upang humingi ng tulong ngunit ng makalapit ako ay bigla rin akong napaatras.

Sya nanaman. Takot na anas ko sa aking isipan.

Ang taong sumumpa sa akin ay nasa aking harapan.

"Anong kaylangan mo sakin?" Lakas loob na tanong ko. Walang syang hawak na manika na noo'y ginamit nya sakin para saktan ako.

Hindi sya sumagot. Nakatitig lang ito sa akin habang nalilisik ang mga mata.

"Bakit mo sakin to ginagawa? Ano bang kasalanan ko sayo?" Muling tanong ko.

"WALANG PWEDENG MAG MAY ARI SAYO PAULO KUNDI AKO." Nanginginig ang buong katawan ko sa takot nang magsalita ito. Napakalalim ng boses nito na animo ay galing pa sa hukay. Pilitin ko mang tumakbo ngunit di ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Sino ba talaga ang taong ito?

"Hi-hindi mo ako pag-aari. Hinding hindi ako magiging sayo." Sunod sunod na pumatak ang luha ko sa takot ngunit pilit kong pinag lalabanan ito. Hindi dapat ako masindak. Siguradong sa mga oras na to ay hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Wala akong planong sumama sa taong ito.

Hindi ako papayag.

Humalakhak ito na parang nababaliw. Napakalakas na halos ikabingi ko. Pagkatapos ay nagpalit palit ang anyo nito. Iba iba., May bata, matanda, babae at ang huli ay bilang lalake. Maslalo tuloy akong nakaramdam ng takot para sa aking sarili?

Sino ba talaga sya?

Ni hindi ko masyadong maaninag ang muka nito dahil sa dilim ng paligid. Idagdag pa ang mga usuk na bumabalot sa amin.

"AKIN KA PAULO. HINDING HINDI AKO PAPAYAG NA MAY IBANG MAG MAY-ARI SAYO."

"Sino ka ba talaga? Ano bang kaylangan mo sakin? Bakit ayaw mo kong palayain?" Umiiyak kong anas. "Tigilan mo na ko. Hindi pa ba sapat ang isang taong pag titiis ko?"

"HINDI KITA TITIGILAN HANGGAT HINDI NAGIGING AKIN ANG PUSO MO."

"Hinding hindi mapapasayo ang puso ko dahil may nagmamay-ari na nito." Matapang kong sagot sa kanya. Pinahid ko ang mga luha ko at pinakatitigan ko ito. "Ni wala ka nga sa kalingkingan nya."

Ngumisi ito ng nakakaluko at saka ito bumulong. Bulong na hindi ko maintindihan.

Sa isang kumpas ng kamay nito ay niyakap ako ng hangin at lumutang ako sa ere.

Hindi ako makakilos. Para akong nakagapos. Nahulog rin kung saan ang telang nagsisilbing saplot ko sa aking sarili kaya tumabad sa kanyang harapan ang hubad kong katawan.

"Napakaganda mo talaga Paulo. Walang katulad ang iyong kagandahan mahal ko. Kunting panahon na lang at mapapasakin ka na." Ani nito habang pinagmamasdan ang kabuohan ko. Lumapit pa ito sa akin at saka sinalat ang aking balat.

Wala akong magawa kundi ang umiyak. Wala akong laban sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nya sakin ginagawa ito. Ni hindi ko sya kilala at wala akong ginawang masama sa kanya.

"Pakiusap, pakawalan mo na ko." Umiiyak kong sabi dito pero ngumisi lang ito sa akin.

" El qúe és só pås ro tu mèy aárdī flú wé ßhu qúí fíé múr" Sambit nito sa salitang hindi ko maunawaan.

Unti unting uminit ang aking pakiramdam.

Para kong sinusunog.

Napasigaw ako sa sakit ngunit di pa rin ako makagalaw. Nanatili akong nakalutang habang tila pinapaso ang buo kong katawa.

"O magna Dea, quae liberos tuos protegit, familiam tuam sub tua cura suscipe, ac ne quid n o b i s o b i s i t Estoy espiritualmente protegid@ de cualquier mala intensiôn, deseo o acción que busque dañarmè físiça mental o emocionalmente. Soy Uno con la divinidad."

Sa bawat pagbigkas ng labi nito ay sya namang pagbago bago ng anyo ko.

Bumabalik ako sa pagiging lalake ngunit sa isang iglap ay nagiging babae ulit ako.

Paulit ulit akong sumigaw sa sakit na aking nararamdaman na halos ikawala na ng boses ko. Hanggang sa di na kayanin ng katawan ko at tuluyan na kong nanghina.

"ESCUCHA LAS PALABRAS DE LAS BRUJAS, BES LUAS, LOS  ESCONDIDOS ENbLA  NOCHE, BESO LUARS, LOS  ANTIGUOS DIOSES INVOCAMOS AHORA, BESO LUARS, EN LA OBRA DE LA MAGIA OCULTA."

Nang matapos itong magsalita ay bumagsak ako sa lupa sa lalake kong anyo.

Hindi ko na magawang igalaw ang aking katawan sa labis na panghihina nang lapitan ako nito. Idagdag pa ang sakit na nararamdaman ko sa bawat parte aking katawan.

Nang makalapit ito sa akin ay walang hirap na binuhat ako nito at saka ako dinala sa ilalim nang malaking puno at doon ibinaba.

Sinandal ako nito sa puno bago nito pagmasdan ang buo kong kahubaran.

Gusto ko mang takpan ang aking sarili ngunit wala na akong lakas para kumilos pa.

"Walang sino man ang pwedeng mag may-ari sayo Pablo. Tanging ako lang dahil sa akin ka lang." Banta nito at pagkatapos ay nagsambit muli ito ng orasyon para sakin.

"Estoy espiritualmente protegid@ de cualquier mala intensiôn, deseo o acción que busque dañarmè físiça mental o emocionalmente."

Hindi ko mawawaan ang sinasabi nito dahil ibang salita kasi ang ginagamit nya. 

Hinaplos pa nito ang aking braso pataas sa aking pisngi. "Sa tuwing hahayan mo silang hawakan ka sa babae mong anyo ay mararamdaman mo ang aking galit.
Magsisilbing apoy ang kanilang mga palad na papaso sayo sa tuwing dadampi ito sayong balat.
Parang tinik na tutusok sayong kalamnan ang kanilang mga bisig  sa tuwing yayakapin ka nila.
Makakaramdam ka nang labis labis na sakit sa buo mong katawan sa oras na ikaw ay kanilang hagkan.
Pananatilihin mong berhen ang babae mong anyo hanggang sa dumating ang oras na kukunin na kita."

"Bakit mo ito ginagawa? Sino ka ba?" Lakas loob na tanong ko dito.

"Malapit mo na kong makilala Pablo. Dadating ako sa oras na hindi mo inaasahan." Nangilabot ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung bakit kahit napakalapit na nito sa akin ay hindi ko pa rin sya makilala. Nakikita ko ang kanyang muka pero hindi ito rumirihistro sa aking isip.

"Tigilan mo na ko, wala kang mapapala sa akin." Napahikbi na lang ako dahit sa takot sa taong ito, o kung tao pa nga ba talaga sya. Ni wala akong magawa sa kalagayan ko.

"Sa muling pag bilog ng pulang buwan ay tuluyan ka nang magiging babae. Sa takdang sandali ay magiging akin ka na. Wala nang makakapag layo sa ating dalawa. Wala nang sino man ang makakaagaw sakin sayo. Kahit pa ang lalaking tinatangi mo ay walang magagawa laban sa akin." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok ko na tumabon sa aking muka. "Akin ka Pablo. Ikaw at ang yung katawan ay akin."

"Mapasayo man ang katawan ko pero hindi ang puso ko. Mananatiling si Stell lang ang laman nito at kahit ano pang pagpapahirap sakin ang gawin mo, hinding hindi mo mababago ang laman ng puso ko." Takot man at nanghihina ay pilit kong nilabanan ang kanyang tingin. Bakas na sa muka nito ang galit dahil sa aking sinabi.

Muli ulit itong nagbigkas ng mga salitang muli ay nagpapahirap sa akin. Pakiramdam ko ay binubogbog ako nito kahit di nya ko nahahawakan.

"AAAAAAAHHHHHHHH..." Daing ko sa sakit. Hindi ko na alam kung saan ko pa ba ibabaling ang aking ulo. Para maibsan kahit papano ang paghihirap ko.

Sa mga sandaling ito ay si Stell lang ang nasa isip ko. Umaasa ako na hahanapin nya ko.

'Alam ko na hahanapin nya ko. Mahahanap nya ko at ililigtas nya ko.'

Sa ilang sandali pa na pagpapahirap nito ay unti unti na akong binabawian ng ulirat. Hanggang sa di na kayanin ng katawan ko.

"MAGIGING AKIN KA PAULO, GAGAWIN KO LAHAT PARA MAGING AKIN KA LANG." Sabi pa nito bago ako tuluyang nawalan ng malay.

*****

STELL'S POV

Isang oras na rin ang nakakalipas simula nang makatulog si Pablo habang nakaunan ito sa aking mga hita.

Ayaw nya talaga kasi akong paalisin kanina kaya minabuti nitong gawin akong unan.

Ayaw nya kasi talagang mapag isa qt naiintindihan ko naman yun dahil nga sa nangyari sa kanya.

Nang masiguro kong mahimbing na ito sa kanyang pagkakatulog ay minabuti ko munang lumabas ng kwarto nya upang ipagluto ito ng makakain, upang sa ganong ay kahit papano ay maibalik nito ang nawalang lakas.

Sakto namang paglabas ko ng kwarto nito ay kababalik lang rin nila Ken at Jah. May bitbit silang mga  bags ng grocery.

"Kamusta si Pau?" Bungad na tanong sakin ni Ken nang makita ako.

"Ayos naman. Andon, natutulog." Sagot ko dito at saka ako lumapit sa kanila para tulungan sila sa kanilang mga dala.

Dumeretso kami sa kusina at saka ko isinalansan  ang mga pinamili nila.

Napansin kong pangsinigang ang binili nila Jah kaya yun na lang siguro ang lulutuin ko.

Habang nagpe-prepared ako ng lulutuin ko ay biglang humahangos na pumasuk sila Ken at Jah sa kusina.

"Nawawala si Pablo." Bulalas ni Jah.

"Anong sabi mo?" Pinaulit ko kay Jah ang sinabi nito dahil baka nabingi lang ako.

Imposible kasing umalis si Pablo dahil tulog na tulog ito bago ako lumabas ng kwarto. Bukod pa don ay nasa sala sila Jah at Ken kanina kaya kung lumabas man si Pablo ay makikita nila ito.

"Nawawala si Pablo. Wala sya sa room nya nang icheck ko sya." -Jah

"Baka naman nag-CR lang. Hindi nyo ba chineck yung CR?" Medyo nakakaramdam na po ng pag aalala para kay Pablo pero nanatili akong kalmado.

"Oo. Pero andyan yung phone nya kahit yung susi ng motor nya. Pati nga wallet nya andyan din." Paliwanag ni Ken.

Agad akong nagtungo sa kwarto ni Pablo para icheck ito at wala nga ito doon. Tiningnan ko rin ang CR pati na ang extra room sa unit nito pero wala pa rin si Pablo.

'Asan ka?' Tanong ko sa aking isip. Nakakaramdam na rin ako ng kaba at takot dahil hindi manlang namin nakitang lumabas si Pablo.

"Hindi kaya kinuha ng engkanto si Pablo tapos dinala na nila sya sa Engcantadia?" Gusto kong batukan si Ken sa sinabi nito.

Hindi ito ang oras para magbiro. Nawawala si Pablo at labis na kong nag aalala dito.

Nagpasya kaming tatlo na maghiwa-hiwalay upang hanapin si Pablo sa buong building. Halos katukin na din namin isa isa ang bawat unit para itanong lang kung nakita ba nila si Pablo. Maging ang security sa building ng condo nya ay pinuntahan na namin upang icheck kung lumabas ba si Pablo sa mga CCTV nila. Ngunit wala rin kaming napala.

Tinawagan ko pa si Josh at nag baka sakaling baka pinuntahan sya ni Pablo kahit alam ko sa sarili ko na imposibleng mangyari yun pero wala rin itong alam kung nasan si Pablo.

Ngayon ay magkakasama kaming apat sa sala ng condo di Pablo at pare pareho kaming tulala dahil hindi namin alam kung san ba namin hahanapin si Pablo.

"Sabi ko naman sa inyo na wag nyong iiwan si Pablo. Bakit di kayo nakinig?" Inis na turan samin ni Josh.

Damn. Kasalanan ko to. Dapat di ko iniwan si Pablo. Kung nakinig sana ako sa pakiusap nito na wag ko syang iiwan, eh di sana ay hindi ito nawala.

"Si Stell ang kasama ni Pablo kanina. Si Stell yung nagpabaya." Sisi sakin ni Ken at na payuko na lang ako sa subrang pagka guilty ko.

"Ano ba Ken, wag mo ngang isisi kay Stell ang nangyari. Hindi rin naman nya ginusto to. Saka sino bang mag aakalang mawawala si Pablo nang hindi lumalabas sa kwarto nya." Dipensa ni Jah sa akin.

"Kung binantayan na lang nya sana si Pablo, di sana sya mawawala." Muling sisi sakin ni Ken.

Gustohin ko mang mainis sa kanya pero hindi ko magawa. Totoo naman kasi ang sinabi nito.

"Tumigil ka na Ken, di ka nakakatulong." Singhal ni Jan dito.

"Tama na yan. Wag na tayong mag sisihan. Siguradong kahit nasa harap pa natin si Pablo ay wala rin tayong magagawa kung sakali mang kinuha sya nong sumumpa sa kanya. Kahit nga ako na kasama sya kanina ay di ko manlang sya naprotektahan. Kayo pa kaya." Ani ni Josh sa amin.

Damn., Bakit ba wala akong silbi?

Tumayo ako sa aking kinauupuan at saka ako naglakad patungong pinto.

"Stell, san ka pupunta?" Tanong sakin ni Jah.

"Hahanapin ko si Pablo. Di ko sya makikita kung uupo lamang ako at wala akong gagawin." Sagot ko ng di sila nililingon.

"At pano mo sya hahanapin? Ni hindi nga natin alam kung pano sya nawala."  Inis na sabi pa ni Ken.

"Bahala na. Kung san na lang siguro ako dalhin ng mga paa ko. Basta hahanapin ko sya." Pagkasabi ko ay agad na kong lumabas ng unit ni Pablo.

Hindi ko alam kung san nga ba ako mag-uumpisang hanapin si Pablo pero naisipan kong pumunta sa rooftop ng building nila.

Ewan ba pero habang papalapit ako ng papalapit sa rooftop ay sya namang paglakas ng kabog ng dibdib ko.

'Nandito ka ba Paulo? Tama ba ang kutob ko na nandito ka?'

Sa pagbukas ng pinto ng elevator na kinalalagyan ko ay para akong nabato. Halos di ko maihakbang ang mga paa ko when I saw a naked man lying on the floor.

Ayoko mang isipin pero alam kong siya yun. Malinaw ko syang nakikita.

Walang ano mang suot na damit ito at tanging puting tela na puro putik lang ang nagsisilbing takip nito sa katawan.


"PA--PABLO."

Continue Reading

You'll Also Like

156K 2K 23
Based from a Chinese Drama. Where Jiangchen, who is a cold-hearted boy, met this girl named, Xiao Xi. Xiao Xi has a crush on Jiang Chen that was not...
1.3K 82 21
A soul enters the body of the person who causes his death. How will he accepts the transition to his new life? Will it be his new home . . . forever...
21.7K 846 22
BOOK TWO OF THE GOD OF SERIES BOOK ONE IS THE GOD OF FAKE BOYFRIENDS BOOK THREE IS IN PROGRESS : THE GOD OF FALLING BOOK FOUR IS IN PROGRESS: THE GOD...
Blocked (SB19) By Den

Mystery / Thriller

1.8K 156 10
Five men locked themselves in an old, creepy and hunted university to create a 24 hours challenge content for their youtube channel. Until they disco...