Four Hearts [π™Άπš‡π™Ά] [𝙿𝙾𝙻�...

By xvii_xxiv

71.2K 3.1K 410

A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her. More

Prologue
Introduction of Main Characters
Synopsis
Chapter 1: Again
Chapter 2: Marriage Certificate
Chapter 3: First Disaster
Chapter 4: Four Deity
Chapter 5: New Target
Chapter 6: Stress
Chapter 7: Bago yun
Chapter 8: Knowing you
Chapter 9: Fiance
Chapter 10: Date
Chapter 12: Ideal Girl
Chapter 13: Campus Princess
Chapter 14: Campus Sweetheart
Chapter 15: Ice Queen
Chapter 16: The bet

Chapter 11: The Post

2.4K 122 7
By xvii_xxiv

Third person's POV

"Bakit kase hindi nalang tayo tumira sa iisang condo?" Tanong ni Maeve at humiga sa kama ni Kalli.

Nasa bahay sila ngayon ni Kalli dahil wala nanaman ang mga magulang nito.

"I agree, I'm so sick of that place." Pag sang ayon ni Rhya.

"We all know what will happen if we do that." Sabi ni Noelle.

"I can actually go whenever I wanted to as long as kasama ko kayo. If hindi kayo ang kasama ko for sure my dad will kill me." Sabi ni Maeve habang nag iiscroll sa phone niya.

"Same goes for my dad." May pag taas pa ng kamay na sabi ni Rhya.

"Let's mo go there for now. Maybe 5 years from now, we can live together in a condo." Singit ni Noelle.

"No, 5 years from now we should have our own house." Napatingin silang lahat kay Kalli.

"Our dream house!" Sabay na sigaw ni Maeve at Rhya, nag apir pa silang dalawa at natawa.

Biglang nag ring ang phone ni Maeve pero hindi niya ito sinagot.

"Maybe dapat na ulet akong mag palit ng sim." Hindi makapaniwalang tinignan nila si Maeve.

"Kapapalit mo lang nung nakaraan ah." Takang sabi ni Rhya.

"Yeah, pero kase I met this chic and she's really a 10 kaso may boyfriend na pala." Parang nalugi pa siya habang sinasabi 'yon na kinatawa ng dalawa habang si Kalli napapailing lang.

"Ano pa bang bago? That's Maeve after all, chic magnet." Natatawang sabi ni Rhya na kinataas ng kilay ni Maeve.

"Play girl naman." Gatong ni Noelle.

"What's new? Last time I checked, pinatulan mo may asawa na." Napakunot noo ni Maeve sa sinabi ni Kalli.

"Hala, saan mo nalaman 'yon?" Tanong niya.

"Limot mo na?" Natatawang tanong ni Noelle.

"Ang daldal mo kaya pag nalalasing ka."

Natigilan si Maeve at iniisip ang nangyare hanggang sa mag sink in sakaniya lahat kaya napatakbo to sa banyo at nag kulong.

Natawa nalang 'yong tatlo sakaniya. Sanay na sila na ganyan si Maeve kaya hindi na sila nagugulat pag may nalalaman sila. Aware din sila na laging may sabit ang mga pinapatulan niya at minsan naman matanda sakaniya at kahit isa sa mga 'yon wala siyang sineryoso kahit na isa.

"Mag bago ka na." Sigaw ni Kalli.

"Ahhgrrrrr shut up!" Sigaw nito pabalik kaya natawa sila sakaniya.

Nagulat sila nung biglang lumabas si Maeve sa banyo.

"Teka nga, that reminds me. May irereto ako sainyong tatlo." Nakangising sabi nito kalabas na kalabas niya sa banyo.

"Pass."

"Nah, I'm good."

"I don't wanna."

Napangiwi si Maeve sa naging sagot ng tatlo sakaniya.

"You guys are boring. Come on, hindi naman pwedeng mag stay lang kayo sa mga fiance niyo." Napahilot nalang si Noelle sa sentido niya habang 'yong dalawa hindi na siya pinansin.

"I don't have one." Malamig na sabi ni Kalli, kahit minsan sa mga kaibigan niya ay ganon na din siya.

"Well, I can't date anyone else. I'm forbidden." Sabi ni Rhya habang pinag lalaruan ang tenga ng teddy bear na hawak niya.

"Noelle?"

"Are you really asking her?" Natawa ng mahina si Noelle sa sinabi ni Kalli.

"She's too kind to be like you." Pinaningkitan ng mata ni Maeve si Rhya kaya nag tago ito sa likod ni Kalli.

"Pasalamat ka at kaibigan kita." Nag titimping sabi nito.

"Thankyou—Kalli ohhh." Sumbong nito kay Kalli nung susugurin na sana siya ni Maeve.

"Tama na 'yan." Napairap si Maeve at padabog na humiga ulet sa kama.

"But seriously, wala kayong natitipuhan?" Tanong nito sa mga kaibigan niya.

"What do you mean?" Tanong ni Noelle.

"Kase naman, I've known you guys for I don't know how many years." Tumayo ito sa harap ng mga kaibigan niya. "And bilang lang sa daliri ko kung ilan na naging ex niyo at naka MU niyo." Napataas kilay ni Kalli.

"Kalli's dating someone." Napatingin sila kay Kalli dahil sa sinabi ni Noelle.

"Nah, I'm done with her." Sagot ni Kalli.

"Wait, 'yong girl from college department?" Tanong ni Maeve.

"Yup."

"I like someone." Biglang nag salita si Rhya na kinatingin nila sakaniya.

"Really? Dalaga ka na." Natutuwang sabi ni Maeve.

"I wish I can say it out loud too" sa isip ni Noelle. "I think I already like someone too."

Kinulit kulit pa ni Maeve si Rhya para lang sabihin nito kung sinong gusto niya pero hindi niya talaga sinabi. Pilit niya ding nireretuhan si Kalli at Noelle pero tumatanggi lang sila.

"Tsk, mamamatay kayong single." Inis nitong sabi at sumuko na sa kakakulit sa mga kaibigan niya.

Hindi nalang nila pinansin ang nag tatampong si Maeve dahil alam nila maya maya lang din mawawala na 'yong pag tatampo niya.

"I'm hungry." Sabi ni Rhya.

"What do you want?" Tanong naman ni Noelle.

"Mcdo." Parang batang sabi nito.

"Na order ko na." Napangiti si Rhya sa sinabi ni Kalli.

"Thankyouuuu!!" Tumakbo pa to papunta kay Kalli at pinag kikiss ito sa pisngi.

"Rhya!!" Natawa lang si Rhya nung mainis si Kalli.

Gustong gusto niyang inaasar si Kalli dahil bihira lang mag pakita ito ng emosyon kaya natutuwa siya pag naaasar niya ito.

Habang nag iiscroll sa social media si Maeve napansin niya ang isang post sa page na gawa ng school nila kung saan dito sila nag coconfess.

"Who's this freak?" Bulong nito habang nakakunot na ang noo.

"What's that?" Tanong ni Noelle.

"Did you approved this Kalli?" Taas kilay na tanong nito na pinag taka naman ni Kalli.

"Approved what?" Malaming nitong tanong.

"This!" Inis niyang pinakita ang post kay Kalli.

Napakunot din ang noo ni Kalli sa nakita pati na din si Noelle.

"What's that? Can I see." Agad na kinuha ni Rhya ang cellphone ni Maeve at nagulat ito sa nakita. "Why are they threatening her? And who the hell made this meme of her?" Halos hindi na mapinta ang mukha ni Rhya.

Agad na lumabas si Kalli dahil may tatawagan ito, hindi napansin ng tatlo iyon dahil kay Maeve na parang keyboard warrior na sa kakatype ng kung ano-ano.

Nag comment ito sa post na yon na pinag bantaan ang taong gumawa non.

"Maeve, calm down. Napaka sadista mo talaga." Pag papakalma ni Noelle kay Maeve.

"No! This is bullying." Nagulat ni Rhya at Noelle sa sinabi niya. "What?" Iritang tanong nito sa dalawa.

"Coming from a bully like you?" Natatawang tanong ni Noelle na kinahalakhak naman ni Rhya pero napairap lang si Maeve at tinuloy ang ginagawa.

Si Noelle naman pasimpleng may tinawagan para ipatrace ang gumawa non. Habang si Rhya naman, nag tingin sa mga comment para alamin kung sino ang gumawa non.

Si Kalli naman may tinawag siya at ito ay isa sa mga kasama niya sa student council.

"Who gave you the authority to approve that kind of bullshit?!" Galit nitong sigaw sa kabilang linya.

"Miss President, we don't know too. Nagulat—"

"Do something and take that down kung ayaw niyong kayo ang ganunin ko!" Sigaw nito at binabaan na niya ng tawag.

___________________

Tala Amara's POV

"Ate gising, may nag hahanap sayo." Napamulat ako ng mata nung gisingin ako ni Amaro.

Napatingin naman ako sa oras, 8 am na. Wala din naman kase akong trabaho ngayon at walang pasok.

"Sino?" Inaantok kong tanong habang kinukusot isa kong mata.

"Hindi ko po kilala eh." Sino bang posibleng pumunta dito sa bahay?

Wala namang ni isang nakakaalam kung taga saan ako eh.

"Sis! Bangon na, mag tatanghali na oh." Napatingin ako dun sa taong nag salita sa may pinto.

Pinag masdan ko siyang mabuti at nanlaki talaga mata ko nung makilala ko siya. Anong ginagawa niya dito?!

"Willa?" Ngumiti siya ng pag kalaki laki parang nanalo ng lotto si gaga.

"Oh yes dear and I'm with Paige and Nolla." Napakunot noo ko sa huling pangalan na binanggit niya.

Sinong Nolla? "Siya." Bigla niyang hila ang isang babaeng parang 'di makabasag plato.

Ang ganda niya tapos mukha siyang mahinhin at parang mga taong pinalaki sa library.

"Nakilala namin siya ni Paige nung isang araw. New student din siya." Kakasimula lang pala ng second sem namin.

May ilang buwan na din pala ako sa University na 'yon. Ilang buwan nalang din mag gagraduate na ako ng senior high.

"Ahhhhh.." Parang nakita ko na siya sa library, parang part time librarian siya.

"Part time librarian siya sa school." Napakunot noo nung may mag salita sa tabi ko kaya napatingin ako dun.

"Ay gago!" Napatalon ako sa gulat dahil kay Paige na 'di ko alam kung saang lupalop nanggaling eh. "Ano ba!?"

Natawa sila Willa, ganyan naman sila palagi pag nagugulat ako sa biglaang pag sulpot ni Paige sa kung saan.

"It never gets old." Napairap ako sa sinabi ni Paige.

"Sandali nga, paano niyong nalaman kung saan ako nakatira?" Tanong ko.

"Hello, nalimot mo na? Hindi ba nag pahatid ka sa akin nung gabing nakita kita kasama 'yong apat?" Napakunot noo ko sa sinabi ni Willa.

Nag pahatid ba ako sakaniya hanggang dito sa bahay? Ayy teka, oo nga.

"Edi k." Sabi ko at tumayo na para mag hilamos, nakakahiya naman sa mga to eh.

"Anteh, sikat ka na." Hindi ko pinansin 'yong sinabi ni Willa.

Daladala ko 'yong phone ko papasok ng cr habang silang tatlo nakasunod lang sa akin pero hindi na nila ako sinundan hanggang sa loob. Pero hindi ko ba alam kay Willa, kinakausap ako.

"I think you need to wear an armor sa monday." Napakunot noo ko sa sinabi ni Willa.

Nag totoothbrush ako eh jusko naman. Kagigising ko lang hindi ma proseso ng maayos mga sinasabi niya sa akin.

"Mukhang need mo din ng sheild." Napakunot noo ko, shuta. 'Di ba pwedeng mamaya na nila ako kausapin?

"Theka nhga lhahng!"

"What?" Napairap ako at niluwa 'yong nasa bibig ko.

"Sandali lang! Tumatae 'yong tao oh!" Inis kong sabi.

"Iww!" Napairap ako at tinotoo nalang 'yong pag tae ko. Nakakaasar naman mga 'to.

Nung matapos ako agad din akong lumabas ng banyo at nakita ko silang nag hihintay talaga sa labas ng CR.

"May upuan naman sa sala 'di ba?" Tinignan lang nila ako amp.

Hinayaan ko na sila at nag lakad na papunta sa sala, buti nalang nag linis si Maro kanina kaya malinis naman 'yong bahay namin kahit maliit.

"Bakit ba kase kayo nandito?" Tanong ko.

"We're worried about you." Napataas kilay ko sa sinabi ni Willa.

"Wala namang nangyare sa akin ah?" Nagtatakang tinignan ko siya.

"You sure? You're not depressed or something?" Napakunot naman noo ko sa tinanong ni Paige.

Saang lupalop ba galing itong mga 'to? Naka high ba sila? Mukha naman silang okay eh. 

"Okay lang ako, bakit ba?" Tanong ko.

"Hindi mo ba nakita 'yong post nila sa page for confession ng school?" Napataas kilay ko sa sinabi ni Willa.

"That Oxford Secret Files." Naguluhan naman ako sa sinabi ni Paige.

"Ha?" Anong post ba sinasabi nila? Hindi naman ako nag o-open ng socmed ko ng ilang taon na, ayy joke nung kinontact ko pala 'yong school hinanap ko 'yong number sa page nila hehe.

Pero hindi ko talaga alam 'yong sinasabi nila. Hindi nga ako palatambay sa socmed kung sakaling mag open ako.

Nakakatamad naman kase, wala naman akong gagawin sa ganon. May number naman ako kaya pupwede naman akong tawagan o itext nalang.

Maya-maya may kung anong pinagtitipa si Willa sa phone niya at pinakita sa akin. Napakunot naman noo ko nung makita ko kung anong klaseng post 'yon.

Anak ng teteng, ginawa pa akong clown. Hindi ko alam kung saan ako nito pero picture siya ng natutulog ako ng nakaupo tapos medyo naka nganga din ng onto bibig ko tapos may kung anong nakalagay sa mukha ko, mukha talaga akong clown.

"The post was already deleted and we thought you saw it." Sabi ni Paige.

"Naiinis ako doon sa mga taong ginawa ka pang katatawanan eh." Halata nang naiinis si Willa ngayon eh. 

Kanina pa siya pinapakalma nitong si Nolla pero hindi kumakalma amp. Napansin ko lang itong si Nolla may kahawig hindi ko lang alam kung sino.

"So bakit ko kailangan ng sheild?" Tanong ko. Wala naman talaga sa akin 'yong ginawa nila, sanay na talaga ako nung junior high ako.

Isa pa, mas malala pa mga pangbubully nung dalawa kaya sa simpleng ganyan hindi na ako maapektuhan eh.

"Kase bading, pinagtanggol ka ni Maeve at Rhya sa comment section. Maraming maiingit sayo niyan." Hindi na talaga magiging normal ang pag-aaral ko sa eskwelahan na 'yon dahil sa apat.

Habang inis na inis pa 'tong si Willa bigla namang sumulpot na parang kabute itong kapatid ko.

"Ate, someone's looking for you." Napataas kilay ko sa pa English ng batang to.

"Wow English, bago yan ha." Asar ko sakaniya. "Sino pala?" Tanong ko.

"Hindi ko po kilala ate, pero maganda mga chikot sila." Ha?

Tumayo na ako at lumabas para tignan kung sino mga 'yon.

"Talaaaaa!!"

"Opss, speaking of the devil." Bulong ni Willa sa likod ko.

'Wag mong sabihing nandito sila, jusko. Anong ginagawa nila dito at paano nilang nalaman na dito ako nakatira.

Akala ko si Noelle at Rhya lang ang nandito pero hindi, kasama nila 'yong dalawa.

Agad na lumapit sa akin si Rhya at hinawakan niya ang mag kabilang pisngi ko tapos tinignan at sumunod naman sa kamay.

"Rhya, ano ba? Bakit?" Inalis ko kamay niyang nakahawak sa akin.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tinignan ko si Willa pero nag kibit balikat lang ito at ganon din si Paige.

"Tala, apo. Anong maingay diyan?" Patay, nagising si Lolo.

"Ahh lo, wala po." Tinignan ko si Amaro. "Pag handa mo na ng almusal si Lolo, kakausapin ko lang sila. Pakainin mo na din si ate ha?" Tumango naman siya.

"Opo ate." Tinulak ko 'yong apat palabas ng bahay at alam ko naman na nakasunod 'yong tatlo.

Kasya naman kami sa bakuran hindi gaya sa loob na nag sisiksikan kami. Buti nalang may lamesa at upuan sa bakuran, dati kase dito kami nag se-celebrate pag noche buena.

"Paano niyong nalaman na dito ako nakatira? At akong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sakanila.

Tinignan ko si Yelp pero nakatingin lang siya sa akin tapos inirapan ako amp. Si Manyak naman ganon din pero tinignan niya muna ako ng masama.

"Sinamahan niya ko lang si Rhya and I wanna check on you too if you're okay." Nag taka naman ako sa sinabi ni Noelle.

Bakit ba tinatanong nila ako kung okay lang ako? Okay naman ako eh.

"I was worried, akala ko umiiyak ka na." Sabi ni Rhya.

Ahh baka about dun sa post na pinakita sa akin ni Willa.

"Wala lang 'yon kumpara sa ginawa ng dalawa 'to sa akin." Turo ko sa dalawa na masama na pala tingin sa akin.

"Paano niyo bang nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko nung nanahimik sila bigla dahil dun sa sinabi ko.

"Ask Kalli." Napatingin ako kay Yelo na nag iwas ng tingin bigla. Paano niyang nalaman?

"Ate, ayaw kumain ni—ate?" Nagulat ako nung biglang tumakbo si Maro papunta kay Yelo at ang mas nakapagtataka pa dito niyakap niya.

Mag kakilala sila? Pero paano? Sa mga kapatid ko ang pinaka mahirap kunin ang loob, si Amaro kaya nag tataka ako kung paano niyang nakaclose si Amaro ng ganon?

Hindi din basta-bastang yumayakap ng ibang tao si Amaro bukod sa amin na pamilya niya.

"Hey kiddo." Mas lalo akong nagulat nung makita kong ngumiti si Yelo.

Ngayon ko lang nakita ng ganyan 'yong ngiti niya kaya nakakagulat talaga. Hindi ko talaga alam kung paano at kung anong mahika ba ang meron sila bakit ganyan?

"Ate." Tawag sa akin ni Amaro.

Akala ko bang hindi niya kilala mga nag hahanap sa akin? Ayy sabagay busy siyang gumagawa ng assignment niya kanina. Tinawag niya nga ako kanina pero nakaharap siya kay Nolla eh.

Ganyan kase si Amaro pag may ginagawa, kikilos naman siya pero 'yong atensyon niya ay nandoon sa ginagawa niya.

"Bakit mag kakilala kayo?" Takang tanong ko.

"Ahhh gal—"

"He's my brother in law the past." Napakunot naman noo ko sa sinagot ni Yelo.

Tinakpan niya bibig ng kapatid ko kaya hindi ko na narinig 'yong sasabihin niya e.

"Okay?" Tatanungin ko nalang mamaya si Amaro.

"Ayaw kumain ni ate." Sabi ni Amaro kaalis ng kamay ni Yelo sakaniya.

"Ehh?" Tinignan ko mga kasama ko bago naisipan pumasok kaso may biglang tumawag sa akin kaya napalingon ako don.

"Tala!" Si Ate Ten pala at kasama ang asawa niya.

"Tamaraw!" Tamaraw na talaga naging pangalan ko sakaniya.

"It's Tala, you idiot." Natawa ako nung irapan ni ate Ten ang asawa niya.

"Oh ate, ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"I wanna visit Amira and give her a nice home." Nginisian pa niya pa ako. "We're going back home to my wife's province next week. Kaya gusto ko lumipat na muna kayo sa bahay namin dito. I'm not asking you if you like to live there or not. I'm ordering you to live there and treat it as your home." Napakadesisyon naman talaga nito. "Mag papadala ako ng mga mag hahakot ng gamit niyo at mag susundo sainyo bukas."

"She won't take no for an answer." Napasimangot ako kase sinabihan niya ako before na isang beses lang niya tatanggapin ang pag tanggi ko at yun ay ang pag kupkop nga sa amin.

"Ano pa nga ba." Napabuntong hininga pa ako.

"Who are they?" Tanong ni ate Ten.

"Ahh schoolmate and classmate po." Sagot ko naman.

"Uyy Kalsada, ginagawa mo dito?" Napakunot noo ko sa sinabi ni ate Gael.

Sinong kalsada?

"Ate G! It's Kallista not Kalsada!" Woah. Ngayon ko lang narinig 'yang inis niyang tono.

"Oo nga, Kalsada." Ngiting ngiti nanaman si ate Gael.

Natatawa na 'yong tatlo niyang kaibigan habang siya naiinis na kay ate Gael.

"Oh, the cold hearted third cousin." Ahh pinsan ni ate Gael?

"It never gets old talaga." Natatawang sabi ni Manyak.

"Kaibigan mo parin pala si Mark." Napangiwi ako sa pangalan na binigkas niya. Sino nanamang Mark?

"Ih, Ate Gael! It's Maeve po kase." Natawa lang si Ate Gael kaya napailing ako. Inis na inis pa 'tong si Manyak e.

"Hi Novel." Ayy jusko, ganon ba talaga siya kahina sa mga pangalan?

"Ate, It's Noelle po not Novel." Mahinahon at naka ngiting sabi ni Noelle.

"Palangiti ka parin talaga. Rhino, musta?" Napasimangot si Rhya kaya natawa ako. Ang cute niya takte.

"Ate naman eh, Rhya nga po kase." Parang batang nag tatampo pa siya kay ate Gael.

"Perfect niyo ah. 'Yon lang din naman sinabi ko." Inirapan pa sila ni Ate Gael kaya natawa ako.

"Ahh ate Ten. Kilala niyo na po pala 'yong apat. Sila naman po. Si Willa." Tukoy ko kay Willa. "si Paige at si Nolla po." Gusto ko lang talaga na bigyan sila ni ate Gael ng nickname.

Tawa-tawa pa sila diyan.

"Kilala nanamin 'yan eh." Sabi ni ate Gael. "Kaibigan ni Pumpkin si Wilkins tapos si Nova naman pinsan ni Novel." Pigil tawa ako habang nag sasalita si Ate Gael.

Ang saya sigurong kasama si Ate Gael, parang gusto ko silang maka bonding minsan.

"Arayyy!" Biglang piningot ni ate Ten si Ate Gael kaya natawa kami. "Bakit ba?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Ate Gael habang hinahawakan 'yong piningoy ni ate Ten.

"Stop with the freaking nicknames!" Inis na sabi ni ate Ten, nakakatakot din talaga na galitin si Ate Ten pero etong si Ate Gael mukhang sanay na.

"Ehh tama naman sinabi ko e." Nakanguso pa nitong sabi na parang nag tatampo din eh.

Nakikita ko si Rhya sakaniya pero 'yong kamag anak niya 'yong taong hindi pa pala ngiti.

Hinila na ni Ate Ten si Ate Gael papasok ng bahay, sumunod na din si Amaro at sasabihan nalang si Ate Ten na ayaw kumain ni ate.

Makikinig si ate kay Ate Ten, pag sa amin kase hindi gaano tapos matigas din ang ulo.

Tumingin ako sa mga kasama ko at nakikita silang nakatingin din pala sa mag asawa.

Ngayon ko lang narealize 'yong sinabi ni ate Gael. Kaibigan nila si Willa? Pero paano? Si Willa pa nga mismo ang ayaw na mapalapit ako sa apat eh.

Hindi naman kase sila mukhang close pero halatang kilala nila isa't isa.

"Tala." Tawag sa akin ni ate Ten kaya napaharap ako sakaniya.

"About that post.. " napatigil siya sa pag sasalita at napatingin sa apat kaya tinignan ko din sila. Si Yelo lang ang nakatingin ng seryoso at deretso kay ate Ten. "Nevermind."

Anong problema ni ate Ten? Nakita din niya 'yong post? Hayss, wala na din naman 'yon hindi ba? Deleted na eh.

"Why do you know them?" Nagulat ako sa biglang pag tanong ni Yelo.

"Pinsan ko si Ate Ten." Sagot ko sakaniya.

"K." Tignan mo talaga 'tong bruhang 'to.

Masasampal ko talaga siya. "Paano mong naging pinsan si Ate G? Ang layo ng ugali mo sakaniya eh." Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nag pasindak agad.

"Mother side. Not father." Huh? Anong connect non?

Natawa lang ng mahina sila Manyak, okay ako lang walang alam dito.

Ilang minuto lang din ang tinagal nung apat tapos umalis na din sila. Naiwan lang dito si Willa kase si Paige sumabay na kay Yelo tapos si Nolla naman sinabay na nila Noelle.

Pumasok na kami sa loob at nadatnan sila ate na tinutulungan si Tarah at Amaro sa homework nila. Teacher nga pala si Ate Ten kaya ganyan aura niya sa harap ni Amaro.

Goodluck nalang talaga sakaniya. Nakakaintimidate pamandin itsura ni ate Ten ngayon.

Tinignan ko si Willa.

"Willa."

"Dati 'yon. Nag away-away kami kaya ngayon hindi ko na sila nakakasama. Nakaka-trauma din kase silang kasama kaya cinut off ko sila. Araw-araw akong nakaka-recieve ng death threat tapos 'yong mga bullies continuous silang dumarating. Nadadamay na din ang pamilya ko at unti-unti nilang sinisira ang buhay na meron ako,  and that the reason kaya ayaw kong mapalapit ka sakanila. Ayaw kong maranasan mo 'yon." Wala pa nga akong tinatanong.

"Sila gumawa nun sayo?" Tanong ko.

"No, 'yong mga die hard fans nila at mga obsessed sakanila." Napatango ako sa sinabi niya. "I know itatanong mo na kaya inunahan na kita." Napasimangot ako sa sinabi niya kaya natawa ako.

Actually 'yong about sa death threat na sinabi niya, hindi na ako nagulat kase nakatanggap ako nun nung isang araw. Hindi ko lang sinabi sakaniya kase nga baka mag alala siya tyaka kaya ko naman 'yon.

"Baby G!" Akala ko tapos na 'yong pabisita, may dumadating pa. 

Pinag-titinginan na din kami ng mga kapit-bahay. Ang panget lang kase ng bahay namin tapos 'yong mga bumibisita mga bigatin.

Walang sabi-sabing pumasok siya at nilagpasan kami. Bakit ba ang gaganda nila?

"Ginagawa mo dito?" Takang tanong ni ate G.

"I'm here because your asawa make tawag to me kase kanina." Napangiwi ako sa english niya na parang nalito.

"Wovey, bakit mo tinawag si ate?" Imbis na sagutin ni ate ang tanong niya. Tinignan ako nito at talagang nagulat ako sa sinabi niya.

"Ngayon kayo lilipat." Sabi niya at ngumiti.

Ha? Ngayon talaga? Akala ko sa susunod na araw pa?

Wala na din naman akong nagawa kase iniisip ko din ang kalagayan ni lolo ata ate Amira pag nag stay pa kami sa pipitchuging bahay na 'to.

Basta ang usapan namin hindi nila kami kumupkupin. Ako parin ang bubuhay sa pamilya ko.

Ayaw kong sumama ang loob sa akin ng magulang ko kaya gagawin ko ang lahat para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko ng walang tulong ng kahit sino man.




__________________

A/N: Sorry na HAHAHHAHAHAHAHAHA tuloy tuloy kase mga anik anik ko sa buhay last December kaya ngayon lang ulet nakapag UD hehehehhe.

Di ko pa pala alam kung kailan yung next HAHAHAAHAHAHA wait niyo nalang ah? Thankyouuuuu for patiently waiting huhu HAHAHAHHAHAHAHA Good Evening btw.

Continue Reading

You'll Also Like

24.3K 673 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
1.7M 55.4K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender πŸ¦‹ Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
122K 4.1K 20
"All I want is to live a normal life Lauren, ayoko ng ganito" I'm crying so hard in front of her. "then let's live a normal life together hmm, just t...
1.6M 44.5K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender πŸ¦‹ Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****