Refuge

By hannablint

145 29 17

How did it happened? That's the biggest question of Samariya after seeing zombies that is scattered all over... More

REFUGE
Prologue
Chapter 1 // Home
Chapter 2 // Companion
Chapter 3 // Sniper
Chapter 4 // Runaway
Chapter 5 // Crossing Paths
Chapter 6 // The Beginning
Chapter 7 // Hideout
Chapter 8 // Leader
Chapter 9 // The Organization
Chapter 10 // East Barrier
Chapter 11 // Clan of Hunters
Chapter 13 // Face to Face

Chapter 12 // Safe Place

5 1 0
By hannablint

Samariya's PoV

A week had passed since the day we met the Lopez's clan, we're back at the forest but they stayed at the East side. Napag-usapan namin na mananatili sila roon para kahit papaano ay may matutuluyan kami kung sakaling magkaroon ng problema rito sa gubat. Mahirap kung nasa iisang lugar lang kami dahil hindi naman namin alam kung anong pwedeng mangyari.

Sa kasalukuyan, mas umayos na rin ang lugar na tinutuluyan namin. The hall is already finished, the rooms were upgraded, larger kitchen and dining area for food stocks and other resources, and we built stronger barricade around the place. Mas maayos nang tignan kumpara dati.

Ang sasakyan namin? Hindi na namin nakita pa pero nagkaroon naman kami ng bago na galing kina Tiago. Halos kapareho lang ng una naming sasakyan. Bago kami umalis sa kanila ay binigay nila sa amin 'yon para mas mabilis ang pagbalik namin sa gubat.

"How's it going?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Killian na kapapasok lang dito sa hall.

"Better than yesterday," sagot ko bago binalik ang tingin sa ginagawa ko.

I am creating a landscape for our place in this forest. Gusto kong ayusin pa ang lugar na 'to. If there's no life outside this forest or in the city, then I'll make one here. I want to create a safe place in the middle of this chaos. That's what I want to do right now.

"Hmm..."

"What? Don't 'hmm' me," I said and raised my right eyebrow. Tinitignan niya ang ginagawa ko at pakiramdam ko ay hinuhusgahan niya ito.

He took the pencil from me and started sketching. "It should be like this," he said, focused on what he's doing as if he's an expert. "I know what you're thinking, Samariya. Don't look at me like that," he added and smirked. So annoying.

For the past days, he never failed to annoy me. Ewan ko ba sa lalaking 'to, palagi niya akong pinupuntahan dito para tanungin kung kumusta ang ginagawa ko. Ayos lang naman noong una pero habang tumatagal ay naiinis na ako dahil nagiging makulit siya.

Ngayon lang din niya 'to ginawa, ang agawin ang lapis sa akin at mangealam sa ginagawa ko kaya mas lalong nakakainis. Wala ba siya ibang magawa kaya andito na naman siya? Bakit hindi na lang ang mga tao sa labas ang guluhin niya? O kaya naman ay kausapin niya si Wyzel na may gusto sa kaniya.

"There you go," he stated with a proud look on his face. I looked at what he did and... I am impressed. Jeez! How can he be so good at this? "Huwag kang masyadong mabilib, ako lang naman 'to."

"Ang yabang." Inirapan ko siya.

"Of course! I have the rights to because I cried hard to be this good."

"Really, huh?"

"Yes, really. After all, I am studying architecture before this apocalypse," he smirked. Tumaas na naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Bilib ka na naman."

"Ugh! Umalis ka na nga!" Asar na sabi ko dahil sa pagyayabang niya.

"Okay, okay," Natatawang sabi niya at naglakad na palayo. "But if you need help, don't be shy to call me..."

"Architect Navarro," he winked.

Binato ko siya ng lapis na naiwasan niya rin naman at tumatawang lumabas sa hall. Hindi ko alam na may ganito pala siyang ugali. Naaasar ako sa kayabangan at kahanginan niya. Not to the point that I am hating him tho.

Tinigil ko na lang ang ginagawa ko at sinubsob ang mukha sa lamesa. Napapagod na naman ako. Things are getting better but at the same time, it's getting harder to control. Habang gumagaan ay bumibigat din. Pressure is all over me again.

Napaayos ako bigla sa sarili nang may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Pumasok pala si Cyrus, may dalang pagkain. "You forgot the time so I brought you this." Inilapag niya ito sa harap ko kaya ngumiti ako.

In two weeks of having them in my company, one thing that I learned about him is that he cares for those around him. Hindi siya namimili kung sino, kung sa tingin niya kailangan mo, ibibigay o gagawin niya. Gaya na lang ngayon, dinalhan ako ng pagkain dito sa hall dahil nakaligtaan ko ang oras at tanghali na pala.

"Thank you."

"You're welcome. Anyway, Alexander told me that he needs to talk to you about something. Maybe he'll go here later," he said before leaving. Ano naman kaya ang kailangan sabihin sa akin ni Alexander? Is it good or bad? I hope it's not the latter.

Bumuntong hininga ako bago sumubo ng pagkain at iniisip kung ano ang sasabihin ni Alexander. Siguradong magsisimula na naman kaming kumilos sa labas ng gubat na 'to kung tungkol sa labas ang pag-uusapan namin. Hindi pa ako handing lumabas ulit, gusto ko pang magpahinga rito.

Sa isang linggo na lumipas kasi ay hindi kami pumunta sa syudad o saan pang lugar, andito lang kami sa gubat. Puro pag-aayos dito ang ginawa namin dahil wala pa naman kaming kailangang gawin sa labas. Hindi rin naman pwedeng gumawa na lang kami bigla ng aksyon dahil delikado 'yon.

Sa ngayon ay wala kaming balita sa kung ano na bang nangyayari sa syudad o kung anong kalagayan doon at sa ibang lugar. Hindi namin alam kung may natitira pang mga tao o naubos na sila. Kung ganoon ang sitwasyon, ibigsabihin ay lumala ang gulo at mas mahihirapan kami.

Ang kinakatakot ko pa ay kapag naging parte na rin sila ng Morph. Imposibleng hindi naghahanap ang organisyong 'yon ng mga tao para gawin ang balak nila. Kung gusto nilang baguhin at pamunuan ang buong lugar na 'to ay kailangan nila ng maraming bilang ng tao. That also means there will be bloodshed.

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto at nakita ko si Alexander na pumasok. Hawak niya ang ibon ng mga Lopez at isang papel sa isa niyang kamay. He looked tensed. "I received a message from the Lopez's," aniya kaya't nakaramdam ako ng kaba.

Lumapit siya at inilapag sa mesa ang isang papel na kinuha ko rin upang tignan at basahin ang laman. Fear crept all over my body as I read the letter. Holy moly! How the heck did it happened? Their barriers were breached! They were attacked!

Dali-dali akong lumabas ng hall at sumunod sa akin si Alexander. Walang salita ang lumabas sa akin, kinuha ko ang mga armas at dumiretso sa sasakyan. Nakita ko ang pagtataka at bahagya nilang pagkataranta dahil sa ikinilos ko pero madali naman ang naging pagpapaliwanag ni Alexander sa kanila.

Agad namang kumilos sina Cyrus, Gabriella, at Akira para sumama. Mabilis ang naging byahe namin papunta sa kanila, ang isang oras na byahe ay naging labing tatlong minuto lang dahil sa bilis kong magpatakbo. It was risky, I know, but we have to be there as early as possible.

It was a complete chaos. Their place was destructed. Nasira ang harap ng bakod sa bahay nila at nagkalat na ang zombies sa paligid. Naging alerto kami sa pagpasok sa bakuran nila, sobrang gulo ng paligid. Damn. I am so sure that this is Morph's doing. They're sabotaging us.

Pumasok kami sa sirang pintuan ng bahay nila, magulo ang loob at may mga bakas pa ng dugo. Nilibot namin ang buong bahay pero hindi namin sila nakita. Parang wala ng tao. Crap! Please tell me that they're still here and they're in good state.

"Samariya."

Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na 'yon na tumawag sa akin at nakita ko si Samuel. He looks different, he looks in distressed. Marumi ang suot niya at may mga bahid ng dugo na hindi ko alam kung galing ba sa kaniya o sa mga zombies.

"Come with me," aniya kaya sumunod kami. Tahimik ang paglakad namin hanggang sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag pero hindi kami tumuloy. Tumayo si Samuel sa harap ng pader at mahinang kinatok 'yon. A secret room.

Nang bumukas iyon ay si Tiago ang sumalubong sa amin. Pinatuloy nila kami sa loob at doon ko sila nakita lahat. Malaki ang kwarto at may sapat na espasyo para sa kanila. Mukhang nakahanda talaga ang lugar na 'to kung sakaling may mangyaring masama.

Agad akong lumapit kay Tiago upang kumustahin ang kalagaynan ng bawat isa at kung paano nga ba nangyari ang lahat. Ayon sa kaniya, pasado alas diyes ng umaga nang biglang may sumabog sa labas ng bahay nila at doon nila nakitang nasira na ang harang. Dahil sa ingay na ginawa nang pagsabog ay nakuha nito ang atensyon ng mga zombies sa paligid kaya naging magulo ang sitwasyon nila.

Alam nilang Morph ang may kagagawan ng pagsabog na iyon pero nagpapasalamat na rin sila dahil iyon lang ang ginawa at hindi na sila pinasok pa sa bahay. Kung nangyari 'yon, baka hindi na namin sila kaharap ngayon.

"Mabuti na lang at handa kami kung mangyari ang ganoong sitwasyon," aniya. Sa katunayan ay bilib nga ako dahil mabilis silang nakapunta rito para hindi sila mapahamak at ang naiwan lang sa labas ay ang mga lalaki at si Lorie.

"Ano na ang plano niyo ngayon? Hindi na ligtas dito," saad ni Alexander.

Nagtinginan muna si Tiago at ang kanyang asawa bago siya sumagot. "Napag-usapan na namin 'to, sasama na kami sa inyo."

I gave them a soft smile. "Good thing we're already prepared to welcome you in our safe place."

***

Nakarating kami nang ligtas sa gubat kasama ang buong pamilya ng Lopez dala ang mga mahahalagang gamit mula sa bahay nila. Tatlong sasakyan ang dala nila kaya naman naging mabilis ang transportasyon namin.

Pagkarating pa lang namin ay sinalubong na kami nina Killian, Kean, Wyzel, Prime, at Franco. Magkahalong pagtataka at saya ang mga reaksyon nila dahil sa mga kasama namin.

"They are the clan of hunters." Pagpapakilala ko sa kanila. "Tiago, sila ang mga kasama pa namin dito." They greet each other with their warm smiles.

"Prime, and Franco, help them with their things. Wyzel, show them their rooms." I commanded.

Agad naman nilang sumunod sa sinabi ko at nagulat na lang ako nang may tumapik sa akin sa balikat kaya napatingin ako. Nakangiti sa akin si Tiago. "You're doing great," aniya bago sumunod kina Wyzel.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. A part of me is grateful and at the same I wanted to burst in tears because someone appreciates me. Someone is proud of what I'm doing not even knowing how hard it is for me to compose myself every day to look okay.

"Are you okay?" Killian asked with a concerned look. "Para kang iiyak." This guy again. Lagi niya na lang akong napapansin.

I took a deep breath before smiling. "I'm okay, thanks for asking." Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita ulit at naglakad ako paalis sa kinatatayuan ko para punasan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko kanina. This is not the right time to cry. Fix yourself, Samariya.

I went to the kitchen and started to prepare for dinner. Kailangan kong gumawa ng kung ano para hindi ako mag-isip nang malalim. Isa pa marami kami ngayon kaya kailangan ay marami rin ang ihanda para sa hapunan. Siguradong pagod ang lahat ngayong araw lalo na sina Tiago. Sapat naman ang mga sangkap na meron kami rito, hindi ko lang alam kung hanggang kailan tatagal dahil nga nadagdagan na kami.

"Oh, you're here." Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Wyzel kasama si Lynette. "She asked me to accompany her in here so she can prepare for dinner. I guess she doesn't need me anymore," she shrugged and then went out. I really don't get her. Minsan matino siya, minsan hindi.

Bahagyang natawa si Lynette dahil sa ginawa ni Wyzel. "Mabuti at may pasensya ka sa kaniya," aniya kaya napangiti na lang ako.

"Wala naman po akong magagawa, gano'n talaga siya." Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at tinulungan niya ako. "Kumusta po pala 'yong mga bata?" tanong ko.

"Mga nagpapahinga na, 'yong iba nakikipagkilala na sa mga kasama niyong andito."

"Mabuti naman po kung gano'n, sana lang ay maging komportable agad sila sa isa't isa."

"Huwag mo na isipin 'yan dahil tignan mo naman ang anak ko at ang binatang 'yon," May tinuro siya sa labas at nakita ko si Samuel at Killian na nagtatawanan. "Mukhang magkasundo na sila."

"Sa tingin ko nga walang magiging problema," Nakangiti kong sabi.

***

Natapos ang buong araw na nasa maayos kaming kalagayan. Masaya ang naging hapunan namin dahil marami kaming nakaharap sa hapag-kainan habang nagkwewentuhan. Pagkatapos ay nagpahinga na rin ang bawat isa dala ng pagod. Habang ako ay nanatili sa labas para magpahangin.

Nakakasanayan ko na yata ang ganito, ang mapag-isa sa gabi para mag-isip. It's nice being alone and to reflect, it helps me to process my thoughts. Nakakatulong din para malaman ko kung ano bang mga dapat kong gawin lalo na ngayong andito na ang mga Lopez.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo."

Hindi ko na nilingon pa kung sino ang nagsalita dahil alam kong si Killian 'yon. Lagi naman siyang ganiyan, biglang sumusulpot kapag nagmumunimuni ako. Konti na nga lang ay iisipin kong lagi niya akong tinitignan o sinusundan, e.

"Andito ka na naman, para kang kabute 'no?" saad ko nang nakatingin sa kaniya.

"Why? Because I'm a fun guy?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "You know fungi, fun guy," he explained and smiled playfully.

Hindi ko naiwasang mapapikit dahil doon. "Alam mo minsan mas maganda kung mananahimik ka—"

"Mas maganda ka rin kapag masaya ka lang."

Para akong pinako sa kinatatayuan ko dahil sa naging biglaang sagot niya. It was out of the blue, I don't even know how will I react. Ni hindi ako makagalaw at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? Baliw ba siya? Hindi dapat siya nagbibitaw bigla nang gano'ng mga salita!

"Natutunaw ako sa tingin mo," sabi niya pa at bigla ko na lang siyang napalo sa braso pero tumawa lang siya. What the heck is wrong with this guy?!

Hindi ko siya tinigilang paluin dahil tawa siya nang tawa. Nakakainis! Inaasar niya na naman ako at naaasar ako. Imbis na tahimik akong nag-iisip ngayon ay ginugulo niya ako. Natigil lang ako nang hawakan niya bigla ang mga kamay ko para pigilan at seryoso siyang tumingin sa akin.

"You know what, Samariya," Napalunok ako dahil sa pagiging seryoso niya. Baliw na siya talaga! "I would rather see you mad because I can laugh at your glares, but I wouldn't be able to stand seeing your eyes with sadness."

Muli na naman akong naestatwa dahil sa sinabi niya. Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit siya ganito? Ginugulo niya ang isip ko! Oh please, stop messing with my mind, Killian. I have no time for this thing and I am not stupid to not read between the lines.

He pulled me to a hug and I wasn't able to resist, I was enwrapped by his warm embrace. This scares me but I don't want him to let me go because even if I deny it, this gives me comfort. He's starting to feel like home and wherever I go, when he's there, I know it's a safe place.

Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 951 24
*π’˜π’‰π’Šπ’”π’•π’π’†* "𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 π’˜π’‰π’†π’“π’† 𝒂𝒓𝒆 π’šπ’π’– ~" "𝑫𝒐𝒏𝒕 π’Œπ’†π’†π’‘ π’Žπ’† π’˜π’‚π’Šπ’•π’Šπ’π’ˆ. π’šπ’π’– π’Œπ’π’π’˜ 𝑰 𝒅𝒐𝒏'𝒕 π’π’Šπ’Œπ’† π’Šπ’• " "𝑾𝑢𝑹...
636 221 60
(Fantasyβ€’Romance) COMPLETED Zach made a decision that will again put his own life on the verge of death, but his love for his only maiden is very str...
62.4K 1.6K 10
Ω…Ψ§ΩΩŠΨ§ - Ψ­Ψ¨ - Ω‚Ψ³ΩˆΩ‡ - ΨΊΩŠΨ±Ω‡ renad231_5 Ω…Ψ±Ψͺ Ψ³Ω†Ω‡ ΩˆΨ§Ω„Ω‚Ω„Ψ¨ Ψ°Ψ§Ψ¨Ψ­Ω‡Ω‡ Ψ§Ω„Ω‡Ψ¬Ψ± ΩˆΩ…Ψ±Ψͺ Ψ³Ω†Ω‡ ΩˆΨ§Ω„Ω‡Ψ¬Ψ± عيا يسΨͺحي Ψ§Ω„Ψ±ΩˆΨ§ΩŠΩ‡ Ω…ΩˆΨ¬ΩˆΨ―Ω‡ في Ψ§Ω†Ψ³ΨͺΨ§ : renad2315
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...