Refuge

By hannablint

145 29 17

How did it happened? That's the biggest question of Samariya after seeing zombies that is scattered all over... More

REFUGE
Prologue
Chapter 1 // Home
Chapter 2 // Companion
Chapter 3 // Sniper
Chapter 4 // Runaway
Chapter 5 // Crossing Paths
Chapter 6 // The Beginning
Chapter 7 // Hideout
Chapter 8 // Leader
Chapter 9 // The Organization
Chapter 10 // East Barrier
Chapter 12 // Safe Place
Chapter 13 // Face to Face

Chapter 11 // Clan of Hunters

4 2 0
By hannablint

Samariya's PoV

"You know the Morph Organization?" Hindi makapaniwalang tanong ko pabalik sa lalaki. Does this mean they already encountered them?

Hindi niya ako sinagot at hinila nila kami papasok sa isang malaking bahay. Kung titignan mo ay parang walang kapahamakan sa labas ng bakod na humaharang sa buong bakuran nila. Para lang itong normal na bahay na pagmamay-ari ng isang mayamang pamilya.

Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang pitong tao pa, tatlong nakatatandang babae, dalawang dalaga, at dalawang batang babae at lalaki. Nilingon ko naman sa likod ang mga humila sa amin at nakita ang tatlong nakatatandang lalaki, apat na binata, at isang babae na mukhang medyo mas bata lang kay Alexander. Who are these people?

"Are they survivors?" tanong ng isang babae na may salamin at nakatali ang buhok.

"Yes, they were outside the barrier," sagot ng lalaki na nagtanong sa akin kanina.

"No marks?" tanong naman ng isang babae na nakalugay ang medyo kulot na buhok at tanging pag-iling lang ang sagot sa kaniya ng lalaki. Para silang nakahinga nang maluwag dahil doon. Huh? Ano bang pinag-uusapan nila? What marks? Bite marks from zombies or what?

"Uminom muna kayo ng tubig." Nagulat kami nang bigla kaming abutan ng tubig ng babaeng nakasalamin. "Siguradong marami kayong pinagdaanan sa labas, kung gusto niyo ay pwede kayong magpahinga muna," Nakangiti niyang sabi.

"No." Nagulat siya sa biglaan kong pagsagot kaya tinignan niya ang lalaking kausap niya kanina 'tsaka binalik ulit sa akin ang tingin. "We're from the forest in the South and we came here to look for survivors."

Nang sabihin ko 'yon ay parang natauhan sila. Inutusan ng babaeng nakasalamin ang dalawang dalaga na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay kasama ang dalawang bata. Alam siguro nilang mahalaga ang pag-uusapan namin kaya pinaalis muna sila.

"I think it's better to talk in the meeting room," suhestiyon ng babaeng maikli ang buhok at sinang-ayunan naman siya ng mga kasama niya kaya inakay nila kami papunta roon.

Isang mahabang lamesa at maraming upuan, para talaga kaming nasa isang pormal na pagpupulong. Umupo kaming lahat maliban sa lalaking kanina pa nagsasalita. Siguradong siya ang namumuno rito at siya ang may awtoridad. Kapag nakumbinsi ko siyang sumama sa amin, lahat ng kasama niya rito ay sasama rin. Malaki ang bilang nila kaya malaki rin ang maitutulong nila sa amin.

He cleared his throat, "I am Tiago Lopez and I am the head of this clan." I can feel his authority by the way he speaks. Change of plan, our objective now is to persuade him.

"We are the Lopez's, a clan of hunters," he added which made me stiffened. Clan of hunters...

"You said c-clan of hunters?" Nauutal akong napatanong sa kaniya pero hindi siya sumagot kaya nagtanong ulit ako, "Do you happen to know S-Samson?" This is hard for me to ask because I don't want to assume things, but I want to know if I'm right about what I am thinking.

"Samson?" takang tanong niya na napatingin pa sa babaeng nakasalamin.

"Y-Yes, Samson Torrenueva," Hirap na hirap akong bigkasin ang buong pangalan ni Papa. He told me once about the clan of hunters when I was young and maybe, maybe it's them.

"Who are you?" Naningkit ang mata niya sa akin. "How do you know him?" Nag-init ang mga mata ko at nagbabadya na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. So, he knew... he knew my father. They were those people that my Papa used to told me.

"I am Samariya Torrenueva, his daughter."

***

Kasalukuyan kaming nasa sala ng bahay nila at pinagpaliban muna nila ang dapat na usapan namin kanina. I found out that Tiago and my father were best of friends before until Papa decided to pursue being a Chemist, while Tiago was left pursuing Military.

Halos tungkol lang sa mga magulang ko ang naging usapan namin dahil hindi na raw sila nagkitang muli. Nasabi ko na rin ang nangyari sa kanila at syempre nalungkot sila dahil sa balitang 'yon pero hindi ko na sinabi ang tungkol kay Papa nong gabing atakihin niya ako. Wala pa akong balak na ipaalam 'yon sa kanila. Knowing that he's close to my father, it will surely hurt him.

Nalaman ko ring dito lumaki si Papa pero nang mapangasawa niya si Mama ay doon na kami tumira sa bahay namin. Then, years had passed, I grew up but Papa never came back here. Abala rin siya sa trabaho kaya siguro hindi niya na rin naisip pang bumalik dito.

"Hindi ko akalaing makikilala ko sa ganitong sitwasyon ang anak ni Samson," sabi ni Tiago. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon kahit na ang dami na naming napag-usapan kanina.

"Hindi ko nga rin po akalain na makikilala ko kayo, kinukuwento lang po kayo sa akin dati ni Papa," Nakangiti kong sagot.

Of course, I am happy to know them. Of all the people that I could meet here, I met them. Swerte dahil mas mapapadali rin ang pag-kumbinsi ko sa kanila dahil kilala nila ako. This is a lucky day for us.

"By the way, I haven't introduced my family yet. Ang dami na nating napag-kwentuhan pero hindi ko man lang sila naipakilala," Natatawa niyang sabi at tinawag ang lahat ng tao sa bahay nila. Nakatayo sila sa harap namin at nakapila para ipakilala ni Tiago. There are fourteen of them and Tiago is the 15th member of the clan.

Una niyang pinakilala ang babae na nakasalamin bilang asawa niya, si Lynette, at ang tatlong anak nila. "This is Samuel, Adrian, and Nica." Anak niya pala ang isa sa mga dalaga kanina. Sunod niya namang ipinakilala ang mga kapatid niya at mga pamilya nito.

"Mga kapatid ko, si Andres, Ismael, at Lorie." Si Lorie ang babaeng tinutukoy ko kanina na kasama nila sa labas at humila sa amin papasok. Asawa ni Andres ang babaeng medyo kulot ang buhok na si Mila, at may dalawa silang anak na si Ivan at Faith, ang isa sa mga bata kanina. Asawa naman ni Ismael ang babaeng maikli ang buhok na si Vivian at may tatlo silang anak, si Enzo, Hanni, at Ethan. Si Hanni ang kasama ni Nica kanina at ang batang si Ethan.

***** Author's Note: Ilagay ko ang list ng names and ages ng Lopez Clan sa dulo nitong chapter hehe para naman alam niyo. *****

Matapos niya silang ipakilala ay pinakilala ko rin ang mga kasama ko at ang mga naiwan sa gubat. Kinuwento ko rin kung paano ko ba sila nakilala at naging kasama hanggang sa nagtuloy-tuloy ang kwentuhan namin.

Dalawang oras na ang lumipas nang matapos kaming mag-kwentuhan. Tanghalian na rin kaya napag-desisyunan nilang maghanda na ng makakain namin. Habang tinitignan sila ay hindi ko maiwasang mapaisip, aakalain mong normal lang ang lahat dahil masaya rito sa loob pero sa labas ay siya namang kabaliktaran.

***

Nang matapos akong kumain ay naisipan kong magpahangin muna kaya medyo lumayo ako sa kanila. Nasa veranda kami ngayon dito sa ikalawang palapag ng bahay nila, sabi nila ay mas maganda raw dito kami magsalo-salo upang kumain. Tama nga naman sila dahil mahangin dito at tanaw ang kabilang banda ng mataas nilang bakod.

"Hi." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isa sa mga anak ni Tiago, si Samuel. Tumango lang ako rito at muling binaling ang tingin sa lugar nilang wala ng buhay.

"Samariya, right?" pagsasalita niya.

"Yeah," Mahina kong sagot na hindi tumitingin sa kaniya.

"What's your motive?" Tinignan ko siya nang nagtataka dahil sa tanong niya. "Looking for survivors, what's in it for you?" dagdag niya pa.

Hindi agad ako nagsalita at nilibot lang ang tingin sa paligid. "Getting rid of the Morph Organization," sagot ko at tumingin sa kaniya.

"What do you know about them?" tanong niya ulit pero hindi na ako nakasagot pa dahil tinawag na kaming dalawa. Nauna akong lumapit sa mga kasama namin.

"I think we can continue the meeting now," saad ni Lorie kaya tumango ako.

As we arrived at the meeting room, I already felt the tension. We're going to talk about a serious matter now. I can feel the sudden changed of atmosphere as we all sat down on our chairs. It makes me nervous, sitting with this clan and talking about an organization.

"Samariya," tawag sa akin ni Tiago. "Would you mind starting this thing?" aniya kaya napalunok ako.

"I think everyone here knows the Morph Organization," I started while eyeing every one of them. "The only reason why we're looking for survivors is because we don't want the Morph to rule this whole place amidst this chaos."

"What do you mean?" tanong ni Vivian kaya ikinuwento ko sa kanila ang nangyari noong araw na mapunta ako sa teritoryo nila at kung paano ko nakausap ang lalaking tinutukoy nilang pinuno.

"Nakaharap mo na pala siya..." Hindi ko alam pero lalong bumigat ang tensyon sa loob ng silid na kinalalagyan namin nang magsalita muli si Tiago.

Tumango ako, "Gusto nila akong sumama sa kanila pero tinanggihan ko dahil alam kong hindi maganda ang gusto nilang mangyari."

"Mga hayop talaga sila," May diin na sabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Ano bang nangyari at mukhang may galit si Tiago sa Morph? Anong koneksyon nila?

Tumikhim si Alexander kaya nabaling ang atensyon namin sa kaniya. "Nakaharap niyo na rin ba siya?" tanong niya.

Sa isip ko ay nagpasalamat ako dahil sa tanong ni Alexander dahil hindi ko na 'yon kailangan pang gawin. Gusto kong malaman kung paano ba nila nalaman ang tungkol sa Morph at kung ano bang nangyari sa pagitan nila dahilan para maging ganiyan ang reaksyon ni Tiago.

Tumingin muna siya sa asawa niyang si Lynette bago nagsalita at sinabi sa amin kung ano nga bang nangyari. Nang malaman ko ay doon ko naintindihan ang galit ni Tiago sa Morph. There were 16 members in their clan before, unfortunately, someone died in the hands of Morph, Tiago's second born son, Deven.

He was killed by them. They shot him because he tried to save his friend who was taken as a hostage by the Morph. They are cruel. Knowing something like this happened gives me more reason to destroy their organization.

***

After hours of talking with the Lopez's, we decided to stay for the night. Hindi na kami agad makakabalik sa gubat dahil madilim na, mas ligtas kung magpapalipas muna kami rito. Kailangan ko pa ring makausap si Tiago ng personal kung gusto niya bang sumama sa amin dahil hindi naman namin iyon napag-usapan kanina. After all, it is our main objective, to convince them to join us.

"Here," Binuksan ni Vivian ang pinto ng isang kwarto at pinatuloy kami. "Dito na kayo magpahinga, dito naman sa tapat na kwarto ang mga lalaki," aniya kaya nagpasalamat kami at umalis na siya.

Agad na humilata sa kama sina Gabriella at Akira para magpahinga. Samantalang ako ay nanatiling nakaupo lang sa isang tabi at nag-iisip. Kung sakaling makumbinsi ko sina Tiago ay hindi ko na alam ang susunod kong plano. Mas maayos bang manatili sila rito pero kasama na namin sila o isama na rin namin sila sa gubat?

It would be inconvenient for them, right? Marami sila at walang garantiya ang kaligtasan nila sa daan pabalik sa gubat. Parang mas mabuti kung mananatili sila rito dahil mas ligtas sila at andito ang mga kailangan nila. Tingin ko ay magandang ideya rin na mayroon kaming pwersa rito sa Silangan.

Nang mapag-desisyunan ko na, lumabas ako sa kwarto namin at nagbakasakaling makasalubong si Tiago para makausap siya bago kami umalis nina Alexander bukas. Ayaw ko nang patagalin pa dahil masasayang lang ang oras namin kung ganoon. Sa kabutihang palad ay nakasalubong ko nga siya pagbaba ko sa kusina, kasama niya ang anak niyang si Samuel.

"Oh, bakit gising ka pa? May kailangan ka ba?" tanong niya.

"I need to talk to you," sagot ko. Nagtinginan sila ni Samuel kaya nagsalita ako ulit. "It doesn't matter if Samuel will come, I just need to discuss some things." I have no choice. I don't care anymore if Samuel will know.

We went to their meeting room, they sat and I stood in front of them. "Will you accept my offer to join us?" Diretsong sabi ko. "If not, then at least be my ally."

Matagal bago siya sumagot. Para silang nagpapakiramdaman ni Samuel at nag-uusap sila sa isip nila. This is a one in a million chances in these times and I need to make sure that they will not be my enemy. Say yes, Tiago. I thought to myself.

"Who am I to refuse my friend's daughter? We'll join you and I'll make sure to help you take down the Morph."

***

Tiago Lopez – 45

Lynette – 42

Samuel – 22

Deven - 20

Adrian – 18

Nica – 16

Andres Lopez – 43

Mila – 40

Ivan – 20

Faith – 12

Ismael Lopez – 38

Vivian – 35

Enzo – 19

Hanni – 15

Ethan – 9

Lorie Lopez – 32 

Continue Reading

You'll Also Like

130K 28.1K 96
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...