What Are The Chances? (Profes...

By sinner_from_south

16.4K 904 421

Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind an... More

Characters
Quadro
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chaper 17
Chapter 18

Chapter 8

583 40 20
By sinner_from_south

Vaine Fleur

Nakakatamad talaga bumangon lalo na kung malamig ang panahon at wala namang gagawin. Sunday ngayon at birthday na ng kapatid ni Professor Xanther. Alangan namang pumunta pa ako dun pagkatapos ng ginawa ko? Ang kapal na ng mukha ko kung ganon.

Nag-chat na din sina Sunny sa gc namin kung tuloy ba kami mamaya at hanggang ngayon ay hindi pa ako nagse-seen dahil wala akong maisip na dahilan sakanila.

*knock *knock

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang makarinig ako ng katok. Tinatamad akong tumayo para tingnan kung sino iyon.

"Mommy?" sambit ko nang buksan ko ang pinto. Bumungad ito ng nakangiti sa akin habang ako naman ay walang reaksyon lang na nakatingin sakanya.

"Get ready, anak. May pupuntahan tayong birthday party kasama ang Daddy mo." sabi nito sa akin.

"Kayo na lang po, tinatamad ako." dahilan ko kay Mommy.

"You have to come with us, Vaine. Your father will get mad kung hindi ka nanaman sasama." sagot naman niya na ikinasimangot ko.

"Wala naman pong bago. Palagi naman talaga siyang galit sa akin." sagot ko naman at tumalikod na para bumalik sa pagkakahiga sa kama.

"Hindi siya magagalit kung hindi ka gumagawa ng dahilan ng ikakagalit niya, Vaine. He only want what's best for you." sabi naman ni Mommy at umupo na din sa gilid ng kama ko.

"You mean, what's best for himself." pagtatama ko sa sinabi ni Mommy.

Lahat naman kasi ng ginagawa ko siya lang rin naman ang may gusto at nakikinabang eh. All for his pride and image. He wants me to be a shadow of him. I'm not one of his dummies that he can control. I value my independence and I want to make my own choices.

"Don't say that. Your father loves you, anak. It's just that he has his own way pagdating sa pagdidisiplina." pagtanggol pa nito kay Daddy.

"Yeah yeah, whatever. How about you Mom? Don't you have any medical missions?" pag-iiba ko ng usapan at dahil nasanay na din akong palagi siyang wala.

"I'll be going next month in Nigeria. I'll stay there for 3 months." sagot nito.

"Good for you." maikling sagot ko at mapait na ngumiti na mukhang napansin ni Mommy.

"Anak, alam kong nagtatampo ka sa akin dahil wala na akong oras sayo. Pero sana intindihin mo din ako, doktor ang nanay mo at kailangan ng mga tao ang tulong ko." pagpapaliwanag nito.

"Kailangan din naman kita." sambit ko sa mahinang boses saka umiwas ng tingin. Hindi ito sumagot at mataman lang na nakatitig sa akin.

Mapait akong ngumiti sa isip ko. Well, ano pa ba ang i e-expect ko? Ever since naman ganun lang yung routine namin eh. Aalis siya at ilang buwan nanaman bago bumalik. 

"Diane, bakit hindi pa kayo nakaayos? Hindi ba sinabi ko na may pupuntahan tayo?" sabay kaming napatingin ni Mommy sa pinto nang magsalita si Daddy na mukhang kakauwi lang.

"Yes, honey. Nag-uusap lang kami ni Vaine." sagot naman ni Mommy saka tumayo na.

"Why? May ginawa na naman bang katarantaduhan 'yang anak mo?" tanong ni Daddy habang inaalis ang butones ng manggas ng long sleeves nito at tinutupi hanggang sa siko niya.

"Oh well, hindi na nakakagulat. She brings nothing but disgrace in our family." dagdag pa nito habang nakatingin sa akin na parang nadidismaya.

"Roman." saway ni Mommy sakanya. "We were just talking, okay? Sinabihan ko na din siya sa pupuntahan natin ngayon." sambit ni Mommy.

"Then what are you waiting for, Vaine? Move, we don't have all day." sagot naman ni Daddy saka umalis.

Apologetic naman na tumingin sa akin si Mommy at agad na sinundan si Daddy.

Pagkaalis nila ay humiga ulit ako sa kama saka itinapat ang mukha ko sa unan para isigaw lahat ng galit at inis ko.

"Damn you, Dad." nanggagalaiti kong sambit. 

At kahit wala na ako sa mood ay pinilit ko pa ring mag-ayos dahil ayokong masermunan nanaman. Pagod na ang utak ko kakatanggap ng mga masasakit na salita ni Daddy. Kahit nga saksakin niyo ako ngayon ako pa magso-sorry eh. Ganun ako ka wala sa mood ngayon.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at dahil hindi naman daw ganun ka engrande ang celebration ay nagsuot nalang ako ng usual outfit ko kapag may pupuntahan akong event.

Ganda no? All black. Kasing itim ng budhi ng tatay ko. Walang charot kasi totoo.

Nang ready na kaming lahat ay pumasok na kami sa sasakyan at umalis. Mabuti nalang at wala nang nasabi si Daddy sa suot ko. Tiningnan niya lang ako kanina at nilampasan. Buti nalang nga dahil magwawala na talaga ako kung pati yung pananamit ko ay sisitahin niya pa.

Ilang minuto pa ang nakakaraan ay nakarating na kami sa bahay na pupuntahan namin. Medyo may kalakihan din naman ang bahay at halatang may kaya talaga ang nakatira. Sa labas palang ay rinig na ang malakas na tugtog at mukhang nag-uumpisa na nga ang celebration.

Pagkapasok namin ay agad kaming inassist papunta sa garden at namangha ako dahil sa ganda ng set-up nila.

Agad na pumunta si Daddy sa mga kakilala niya at nakipag-usap. For sure, puro tungkol nanaman sa negosyo yun. He likes to brag about everything that he owns.

Naupo nalang kami ni Mommy sa isang vacant table na medyo nasa likod pero ilang sandali lang ay may lumapit din sakanya na kakilala niya kaya ang ending naiwan akong mag-isa dito. Great. Sinama niyo pa ako kung iiwan niyo naman pala akong mag-isa dito.

Inis na inilabas ko ang cellphone ko para icheck ang messages ng mga magkakapatid.

Power Rangers

7:30 pm

Ulan

Hoy! @Vaine Fleur Alvarez niyaya mo kaming pumunta sa birthday ng kapatid ni Prof. Xanther ikaw din naman pala ang hindi pupunta.

7:32 pm

Storm
Siraulo eh, lakas ng loob magyaya tapos i-indianin tayo.

8:05 pm

Sunny
@Vaine Fleur Alvarez hinahanap ka sa amin dito. Tampo tuloy sayo si Yuna.

8:30 pm

Sorry! @everyone may pinuntahan din kasi kaming birthday party kasama parents ko. Alam niyo naman si Dad, nagiging dragon pag sinuway. Bawi ako!
Sent.

Itinago ko na ulit ang cellphone ko pagkatapos kong magreply sakanila. At dahil nakakaramdam na ako ng gutom ay tumayo na ako para kumuha ng pagkain. Saktong madadaanan ko ang table kung saan nakaupo si Daddy kaya naglakad lang ako ng dire-diretso na parang hindi sila nakikita. Pero malas lang dahil tinawag niya pa talaga ako kaya wala akong choice kung hindi lumapit sakanya.

Nakangiti akong nag-beso sa mga kasama ni Daddy sa table. Kilala ko din naman silang lahat dahil mga doktor din sila sa Hospital namin.

"Vaine, you look great. Malaki na talaga 'tong nag-iisa mong anak, kumpadre. Mukhang may papalit na nga sa pwesto mo." sambit ni Doc. Richard at ngumiti ng malaki kay Daddy.

"Indeed. She's not just my pride, but the future powerhouse who'll take over the reins of our company. They better watch out for her because she's destined for greatness." masayang sabi ni Daddy saka itinaas ang baso ng alak na hawak niya na sinabayan din naman nilang lahat.

Napailing na lamang ako dahil mukhang tinamaan na ng alak si Daddy at kung ano ano na ang sinasabi. He's only proud of me when he's in front of other people, but in reality, he sees me as trash.

"Oh, I forgot. Theo, estudyante ng anak mo to sa Hemsworth." sabi ni Daddy na ikinatingin ko sakanya.

"Talaga? That's great. Yna is a great professor, I'm sure you'll learn a lot from her hija." nakangiting sabi ng medyo may edad na lalaki sa akin.

Yna? Parang wala naman akong ganung pangalan na Professor.

"Wait, I'll call her. Sasabihin ko na nandito ang estudyante niya." sabi nito at tumayo na saka nagpaalam para tawagin ang tinawag niyang Yna.

Habang naghihintay ay tumayo na muna ako at nagpaalam na kukuha ng pagkain. At mas lalo akong natakam nang makita ko ang mga nakahain. Siguradong masaya nanaman ang mga bulate ko sa tiyan nito.

Akmang kukuha na ako ng unang pagkain na gusto kong tikman nang may naunang makakuha ng serving spoon na hahawakan ko kaya napa-angat ako ng tingin.

At parehong nanlaki ang mga mata namin dahil sa gulat ng makilala ang isa't isa.

"Vaine?!/Ulan?!" sabay na tanong namin sa isa't isa.

"Anong ginagawa mo dito?/Anong ginagawa mo dito?" sabay nanaman naming tanong sa isa't isa.

"Gago, eh syempre birthday 'to ni Yuna. Ikaw? Bakit ka nandito? Akala ko ba hindi ka makakapunta?" sunod sunod na tanong niya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng marealize ang lahat.

Dahan-dahan akong tumingin sa likod at doon ay nakita ko sina Sunny, Storm at Snow na nakikipag-usap kay Yuna.

What the hell?!

Putek bakit kasi walang nakalagay na pangalan sa decorations nila sa harap eh. Kung alam ko lang sana edi kanina pa ako umalis dito. Ayos na mapagalitan kesa naman itakwil ako ng mga magulang ko kapag nalaman nila ang ginawa ko sa Professor ko.

Bakit ngayon ko lang to nalaman?! Ang pinaka-iniiwasan ko pa naman na mangyari ay magtagpo ulit ang landas namin ni Professor Xanther.

Ang babaeng hinalikan ko ng walang paalam!

"Hindi ko naman kasi alam na dito din kami pupunta." sagot ko kay Rain habang palinga-linga sa paligid dahil baka makita ako ng babaeng dragon dito.

"Edi tara, punta tayo dun sa pwesto nila Yuna. Siguradong matutuwa yun kapag nakita ka." yaya nito sa akin.

"M-mamaya na, Ulan. Baka pagalitan ako ni Daddy eh." dahilan ko sakanya saka itinuro si Daddy na masaya pa ring nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

"Hindi yan, busy naman Daddy mo sa mga kausap niya eh. Hindi niya mahahalata na wala ka." sagot naman ni Rain saka ako hinawakan at hinila.

"T-teka lang kasi." pigil ko sakanya.

"Bakit nanaman ba? Ayos ka lang ba?" tanong ni Rain na parang nawe-weirduhan sa kilos ko.

Alangan naman sabihin kong may tinataguan ako edi mas lalong magtatanong to. May pagka-chismoso pa naman ang taong to.

"Vaine!" sabay kaming napatingin ni Rain sa taong tumawag sa akin.

Nanggagaling iyon sa table nila Daddy pero ang mata ko ay nakatutok lang sa isang babae na nasa likod ni Tito Theo. Ramdam kong nawalan ng kulay ang buong mukha ko at para akong hihimatayin sa kaba ngayon.

"Katapusan mo na talaga, Vaine." mahina at wala sa sariling sambit ko.

"Huy, tawag ka. Doon muna ako kila Sunny, punta ka nalang dun pagkatapos mo sakanila ha." tapik ni Rain saakin saka siya umalis.

Lumunok muna ako ng ilang beses at pinakalma ang sarili bago dahan dahang naglakad papunta sa pwesto nila Daddy. Kahit nakayuko ako ay ramdam ko pa rin ang mga matatalim na tingin na ipinupukol sa akin ng babaeng dragon.

"Yna, I heard Vaine is your student. So how's Vaine in your class?" nakangiting tanong ni Daddy kay Professor Xanther na mas lalong nagpadagdag sa kaba na nararamdaman ko.

"Your daughter is truly exceptional in class, Doc. Her dedication and intelligence shine through and it's really a pleasure to have such a talented student. You must be very proud." sagot naman ni Professor Xanther kay Daddy.

Hindi ko alam kung ako lang pero nahihimigan ko ang pagiging sarcastic niya habang sinasabi iyon.

"Really? That's good to hear. Wala naman siguro siyang ginagawang kalokohan diba?" tanong pa ni Daddy.

Diyos ko, iligtas niyo po ako sa kapahamakan. Sana magbago ang isip ng babaeng dragon at hindi niya na ako isumbong. Hindi ko kayang marinig ang sasabihin niya kay Daddy.

"Why don't we ask, Vaine? I have a feeling she'd be more than willing to talk about it." nakangising sagot ni Professor Xanther habang nakatingin sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

23.9K 167 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
34.2K 1.3K 43
Sadly, Sometimes, It's too late.
6.4K 527 25
Iilan lang Sa atin ang naniniwala sa Mangkukulam/Barang/manananggal/Gayuma/at Multo pero kailan ka ba maniniwala pag Nangyari na sayo . sa iba pag n...