His Forbidden Desires

By neeyovv

6.5K 302 14

What would you do if you fell in love with your mom's boyfriend? ... He is Renon Muñoz, eighteen years old gu... More

His Forbidden Desires
Prologue
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27

01

637 21 2
By neeyovv


Renon

Narito ako ngayon sa loob ng isang sasakyan, nakaupo sa backseat habang nakasimangot. Nakahalukipkip ang aking mga braso habang nakapatong naman ang isang kulay itim na bag sa aking mga hita. Napatingin ako sa babaeng katabi kong nakaupo rin sa loob ng sasakyan.

Kay Mama.

Katulad ko ay may hawak din itong bag na may design na bulaklak. Halata sa mukha nito ang saya habang nakatingin ito sa harapan ng sasakyan. Mukhang napansin naman nitong tinitingnan ko siya dahil bigla itong lumingon sa direksyon ko. Tinaasan ako nito ng kilay.

"Nako tigil-tigilan mo ako sa tinging 'yan, Renon," sambit nito na mas lalo kong ikinasimangot.

Siya si Rosalie Muñoz, ang nag-iisa at nagmamaganda--este maganda kong ina. Siya ang nag-iisa kong pamilya dahil aking ama ay matagal nang pumanaw dahil sa sakit sa puso bata pa lamang ako, bukod pa roon ay wala na rin kaming kinikilalang kamag-anak dahil ayon sa aking pagkakaalam ay itinakwil si mama ng kaniyang pamilya. Gano'n din daw si papa.

Maaga kasing nabuntis si mama ng aking pumanaw na ama. Nasa edad labing-anim pa lamang siya no'n nang ipagbuntis niya ako, tama maaga siyang nagbuntis. At dahil bata pa siya ay itinakwil siya ng kaniyang tatay na siyang aking lolo noong nalaman nitong nagdadalang-tao siya. Ang aking ama naman ay labing-walo pa lamang no'n, pareho pa silang nag-aaral no'n pero natigil nang mapagpasyahan nilang magsama sa iisang bubong lalo na't nagdadalang-tao si mama sa akin habang ang pumanaw ko namang ama ay nagtrabaho na upang may ipangtustos sa pangangailangan ng aking ina sa kaniyang pagbubuntis noon. Kaya naman pareho silang hindi nakapagtapos. Parehong highschool lang natapos nila dahil nga sa maaga nilang pagpapamilya.

Limang taon gulang ako nang pumanaw ang aking ama dahil sa sakit sa puso. Ang kwento sa akin ni mama intake raw ito sa puso habang nagtatrabaho sa isang construction site. Kaya naman simula no'n ay si mama na ang nagpalaki sa akin.

Siya ang nagsilbi kong ilaw at haligi ng tahanan mula pagkabata hanggang ngayon. Mula nang mamamatay si papa ay hindi na naghanap pa ng lalaking mamahalin si mama. Pwera na lang ngayon...

Hays... ayoko ng pag-usapan.

Ako nga pala si Renon Muñoz, kilala ako sa tawag na Ren, labing-walong taong gulang. Grade 12 pa lang ako ngayon sa strand na General Academic Strand o GAS. Huminto kasi ako ng isang taon sa pag-aaral, dala ng kahirapan sa buhay. Mostly kasi, kapag 18 ka, dapat college kana.

GAS ang kinuha kong strand dahil undecided pa ako sa kursong kukunin ko sa kolehiyo. STEM (Science Technology Engineering and Mathematics) sana ang kukunin kong strand kasi nabasa ko sa social media na para raw 'yon sa mga undecided. Haha joke lang.

Mayroon akong kulay itim na buhok at kulay tsokolateng mga mata na namana ko sa aking ama, sabi ni mama. Hindi sa pagmamayabang pero masasabi kong mayroon akong maipagmamalaking mukha, ang sabi ni mama ay nakuha ko raw ang aking kagwapuhan sa aking ama. Halos lahat daw ng katangian ko ay namana ko sa aking ama at wala raw akong namana sa kaniya kahit isa. Dahil nga bata pa lang ako nang pumanaw si papa ay hindi ako pamilyar sa kaniyang mukha, sa litrato ko lang siya nakikita noon pero masasabi kong mayroon nga siyang kapwapuhang maipagmamalaki.

Mahilig din si mama sa gwapo ah.

Nakasakay nga pala kami ngayon ni Mama sa isang taxi. Patungo kami sa bahay ng boyfriend ng aking ina.

Tama, may kinakasama ngayon aking ina. Kahit ayaw ko ay wala akong magawa kundi ang hayaan siya. Gusto ko rin siyang maging masaya sa kaniyang buhay at ayaw kong maging hadlang sa kasiyahan niya. Kahit tatlumpu't tatlo na si mama ay hindi pa rin maipagkakaila ang kagandahang taglay niya, marami pa ring nagkakainteres sa kaniya kaya todo bakod ako, siyempre nanay ko 'yon. Kaso may isang nakalusot. Noong bata ako ay maraming nanliligaw sa kaniya pero wala siyang sinasagot.

Maliban ngayon.

Ayaw ko sanang mag-asawa ulit siya kaso naaawa na ako sa kaniya kasi matagal na panahon na rin nang makita kong inuna niya ang sarili niya kaysa sa 'kin. Lagi kasi ako ang inuuna niya, mula bata hanggang ngayon. Alam kong masaya siyang kasama ako pero iba pa rin may nag-aalaga sa kaniya, Alam ko namang iyon talaga ang gawain ng isang ina-ang alagaan ang kaniyang anak. Pero kasi naaawa na ako sa kaniya dahil hindi na niya naasikaso ang sarili niya at isa pa, malaki na rin naman ako kaya hinayaan ko na.

Gusto ko rin naman siyang maging masaya eh.

At ngayon, lilipat kami sa bahay ng boyfriend niya. Ayaw ko sana kaso nagdesisyon na si mama eh, kaya ayon wala akong nagawa.

"'Ma naman kasi, bakit kailangan pa nating lumipat ng bahay kung pwede namang hindi--Aray!" Agad naman akong napahawak sa braso kong hinampas at kinurot ni mama. Hinimas-himas ko pa ito dahil bahagyang namumula. Nadouble kill ako ro'n ah. Ang hilig talaga ni mama'ng saktan ako. Huhu sakit kaya.

"Ikaw bata ka tigil-tigilan mo 'yang pag-iinarte mo, hindi ka babae. At isa pa, maganda na rin 'yon dahil malapit ang bahay na lilipatan natin sa paaralan na lilipatan mo." May point siya.

Grabe si mama, babae lang ba ang pwedeng mag-inarte? Mukhang may diskriminasyong nagaganap sa aming mga kalalakihan.

Tama si mama, lilipat nga ako ng bagong school dahil masyado namang mahirap kung mag-aaral ako sa dati kong paaralan tapos nakatira ako sa siyudad. Masyadong hassle 'yon.

Taga probinsya kasi kami dati. Sa probinsya na ako lumaki at nag-aral hanggang senior high. May paaralan naman kasi ro'n hanggang senior high at ayaw ko sanang lumipat kaso wala naman akong magagawa dahil si mama na ang nagdesisyon na ilipat ako sa ibang school. Kesyo, maganda raw mag-aral sa siyudad dahil advance raw ang tinuturo ro'n at lahat ng kinakailangan sa pag-aaral ay naroroon na. Tama naman siya. Hindi naman sa minamaliit ko ang paaralan sa probinsya pero kasi nahihirapan din akong mag-aral do'n dahil minsan walang ang librong kinakailangan kong pag-aralan kasi nga kulang sila mga school materials. Tapos mahina pa ang internet kaya minsan hindi ako nakakapagpokus sa pag-aaral.

Napanguso nalang ako sa sinabi ni mama at tumahimik na lang. Hindi na ako nagreklamo pa dahil wala naman na akong magagawa sa gusto niya. Alam ko namang magbebenefit kami kapag lumipat kami sa siyudad.

Hmp. Malaman ko lang talaga na masama ang ugali ng boyfriend ni mama ay hindi ako magdadalawang-isip na bumalik kami sa probinsya. Ang totoo hindi ko pa talaga nakikita ng personal ang kasintahan ni mama. Pero ang sabi niya mabait daw ang lalaking iyon. Pero siyempre kailangang kilatisin natin ang lalaking 'yon, hindi pwedeng basta-basta na lang tayong magtiwala. Idagdag pa na sa facebook lang ni mama nakilala 'yon at sa video call lang sila nagkikita.

Malay mo isa pala 'yong mafia boss edi lagot na.

Natigil lang ang pag-iisip ko ng kung ano-ano nang maramdaman ko ang paghawak ng katabi ko sa balikat ko at narinig kong nagsalita ito.

"Anak, alam kong nag-aalala ka sa akin at sa boyfriend ko. Pero anak, kilala mo naman ako, hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko--natin, kaya h'wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano r'yan. T'saka mabait naman 'yon si Lucio at sigurado akong magkakasundo agad kayo." Ang litanya nito at binigyan ako ng isang ngiti. Ang ngiti ko kanina ay napalitan ng ngiwi nang marinig ko ang huli nitong sinabi.

Naniniwala naman ako sa sinabi niya, alam kong hindi siya gagawa ng bagay na ikakasakit niya. Maliban do'n sa huli niyang sinabi, hindi ako siguradong magkakasundo kami nung Lucio'ng iyon. Hindi ko pa nga 'yon nakikita sa personal

Lucio pala ang pangalan ng kasintahan ni mama. Pangalan pa lang yayamanin na 'di ba? Magaling din si mama pumili ng lalaki--charot lang.

Sinuklian ko rin siya ng isang ngiti at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa braso ko bago nagsalita, "Alam ko naman 'yon, 'Ma, nag-aalala lang ako kasi tanga ka pa nama--Aray ko!" Agad akong napalayo kay mama nang hampasin ulit ako nito sa braso. Hobby na siguro ni mama ang paghampas sa braso ko. Hilig niya kasi akong hampasin sa braso, akala niya yata manhid ako sa sakit.

Hampasin ko rin kaya siya?

Pero siyempre biro lang. Mahirap na at baka hindi na hampas ang gagawin niya sa akin sa susunod. Kaya dinadaan ko na lang siya sa biro para makabawi. Haha.

"Ikaw bata ka! Tigilan mo nga ako sa pagiging maloko mo," anito at muli akong binigyan ng hampas sa braso at kurot sa aking tagiliran kaya naman hindi ko maiwasang mapadaing.

"A-aray! Ouch! Haha, tama na 'Ma, m-masakit!" Ang natatawa kong sabi rito habang sinasalag ang mga hampas at kurot niya. Nagmumukha tuloy kaming bata sa loob ng sasakyan. Mabuti na nga lang at hindi nagagalit 'yung driver sa amin. Mukha pa nga siyang natutuwa sa kulitan naming mag-ina. Ngayon lang yata siya nakakita ng ganito.

Napahinga naman ako ng malalim nang huminto si mama. Bahagya ulit akong natawa ng irapan ako nito kaya naman lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit. "Biro lang 'yon 'Ma, ikaw naman. Basta sabihin mo kung sinasaktan ka ng lalaking 'yon, nako hindi ako magdadalawang-isip na suntukin siya," sabi ko at ipinakita pa ang nakakuyom kong kamay.

Tinampal lang ni mama ang nakakuyom kong kamay at tumawa, "Oo na, oo na. Mabuti pang matulog ka na muna dahil alam kong pagod ka sa biyahe kanina, mukhang malayo pa naman tayo," sabi niya.

Tumango ako at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Ang totoo inaantok na talaga ako, hindi kasi ako nakatulog sa bus kanina. At ngayon tila bumabalik 'yung antok ko.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan ang sariling kainin ng kadiliman.

-

Nagising ako nang may tumapik sa braso ko. Agad akong napatingin kay mama.

"Nandito na tayo, anak. Bumaba kana," sabi niya bago bumaba.

Kagaya niya ay bumaba na rin ako sa taxi. Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ko ang paligid. May mga puno at iilang bahay. Pero isang malaking gate ang kumuha ng atensyon ko, sa loob no'n ay isang malaking bahay ang nakatayo. Iyon siguro ang bahay nung Lucio.

"Hoy, Renon! Tulungan mo nga ako rito!" Dali-dali akong lumapit kay mama at kinuha ang ilang bag na hawak niya. Nakalagay ito sa likod ng taxi kanina na ngayon ay naka-alis na pala. Hindi ko nalamayang nakaalis na pala 'yon, masyado akong namangha sa paligid eh.

Sumunod ako kay mama nang maglakad ito papalapit sa malaking gate na nakita ko. Kulay itim ito at gawa sa metal na materyales. May patusok-tusok pa ito sa itaas.

"Ito na ba 'yung bahay ng boyfriend mo 'Ma?" Tanong ko rito nang makalapit ako.

Tumango lang ito habang pinagmamasdan ang gate, "Siguro, dito tayo binaba nung driver na binigyan ko ng address ng bahay ni Lucio eh."

Inilibot ko ang tingin sa malaking gate. Agad akong lumapit nang makita ko ang isang pindutan at pinindot iyon. Mukhang napansin naman iyon ni mama at agad akong hinila palayo roon.

"Ikaw talagang bata ka, bakit mo pinindot 'yon!" Hinampas pa nga ako sa braso.

Napasimangot naman akong tumingin sa kaniya, "'Ma, hindi natin malalaman kung bahay nga 'to ng boyfriend mo kung hindi ko pipindutin 'yung doorbell."

Siyempre alam ko 'yung doorbell 'no. Kahit taga-probinsya ako ay hindi naman ako ignorante sa mga bagay sa siyudad hindi kagaya ng katabi ko--joke haha. May mga doorbell din kasi sa probinsya, lalo na 'yung mga yayamanin do'n sa probinsya namin. Naalala ko pa nga noong bata ako. Pinipindot ko iyon tapos siyempre tatakbo ako dahil baka mahuli. Ayos din ng trip ko no'n eh, haha.

Hindi naman nagsalita si mama at muling sumilip sa gate hanggang sa isang babae ang papalapit sa amin, siguro ay mas matanda lang sa akin ng ilang taon. Bahagya pa itong tumatakbo. Nakasuot ito ng maid uniform na nagsasabi na isa siyang kasambahay. Agad nitong binuksan ang malaking gate at pinapasok kami.

"Tuloy po kayo, Ma'am, Sir," sabi nito pagkabukas ng gate. Tinulungan din nito si mama na dalhin ang dala-dala niyang bag.

"I-ito ba ang bahay ni Lucio, hija?" Ang tanong ni Mama sa kasambahay na naglalakad sa unahan namin.

Ngumiti ito sa amin at tumango, "Opo, Ma'am."

"Nasaan nga pala siya?" Tanong muli ni Mama.

"Nasa loob po siya, naghahanda sa pagdating ninyo."

Hindi ko na pinakinggan ang pinag-usapan ng dalawa at inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa paligid. Malawak ang paligid at may mga halaman. May nakita pa akong isang fountain na nagbubuga ng tubig--siyempre. Sa aking pagmamasid ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa malaking bahay. Mayroon pa akong nakitang sasakyan sa paligid.

Sa labas pa lang masasabi mo nang maganda ang disensyo ng bahay. Kulay puti at may kombinasyon ng itim ang pintura. May dalawang palapag ito at halatang pangmayaman.

Napahinga ako nang malalim habang nakatingin pa rin sa malaking bahay na nasa harap ko.

Ito na ang magsisilbi naming bagong tirahan. Sana naman maging maayos ang aming panunuluyan dito.

Pinapasok naman agad kami ng kasambahay na umalalay sa amin sa bahay. Bumungad agad sa amin ang makintab at malinis na tiles. Nagdalawang-isip tuloy akong itapak 'yong sapatos kong gutom na, kung hindi lang ako hinila ni mama ay hindi na ako tutuloy papasok. Nakakahiyang madumihan ang tiles eh. Masyadong malinis, mas malinis pa yata sa akin.

Pero imbis na mag-inarte ay pumasok na lang ako. Sumusunod lang kami ni mama sa kasambahay na 'yon hanggang sa huminto kami sa isang sala. May malaking tv at mahabang sopa at may isang glass table sa gitna nito.

"Umupo po muna kayo rito, Ma'am, tatawagin ko lang si Sir. Lucio," pagpapaalam nito at tuluyan na kaming iniwan.

Katulad ng sinabi niya ay umupo nga kami lalong lalo na ako dahil kanina pa ako napapagod sa kakabitbit ng mga gamit namin. Dalawang bag lang ito pero pakiramdam ko napakarami kong binitbit dahil sa bigat ng dala ko. Jusko.

Nilagay yata ni mama sa bag 'yung bahay namin.

Inilapag ko nga muna sa makintab na tiles ang dala kong bag, medyo nagdalawang-isip pa nga ako eh. Baka kasi malagyan ng dumi.

Parang gusto kong mahiga sa sopang inuupan ko. Ang lambooot! Parang mas komportable pang matulog dito kaysa sa kama ko ro'n sa dati naming bahay na ang sapin pa ay banig, tapos may isang unan na kasing tigas ng semento.

"Ang galing mong pumili ng boyfriend 'Ma, yayamanin hehe--Aray!" Napanguso ako nang muli na naman akong hampasin ni mama, na ngayon ay nakaupo rin katabi ko habang pinagmamasdan ang malaking bahay. Pinanlakihan pa ako nito ng mata na para bang sinasabing tumigil ako sa kalokohan ko.

Mukhang mayaman--hindi mayaman talaga ang naging boyfriend ni mama dahil halos lahat ng mga nakikita kong gamit sa loob ng bahay ay mukhang mamahalin.

Mas mahal pa yata sa buhay kong puno ng kalungkutan--charot lang haha.

Maganda kasi talaga ang bahay. Mukhang napakatibay pa ng materyales na ginamit at isa pa hindi mainit sa loob, hindi kagaya ng bahay namin sa probinsya na parang naninirahan ako impiyerno sa init.

Oo, pinagkukumpara ko talaga 'yung bahay namin sa bahay nitong boyfriend ni mama.

Napansin kong biglang tumayo si mama at parang may pinuntahan pero hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong nakaupo sa malambot na sopa habang nakasandal pa. Kulang na lang ipatong ko ang paa ko sa glass table na nasa harap ko eh, kaso 'wag na lang baka mabasag pa. Edi magbabayad pa ako 'no! Ayoko pang tumayo dahil napagod ako sa pagdala ng napakabigat na bag na 'tong nasa tabi ko.

Kaso bigla akong napa-aray na naman nang hampasin na naman ako ni mama sa balikat na, hindi na sa braso.

"Ikaw na bata ka! Tumayo ka nga d'yan at magpakilala rito kay Lucio," narinig ko na naman akong boses ni mama at bahagya pa nitong hinila ang damit kong may sulat sa unahan na just do it. Agad ko naman 'yong hinila pabalik. Aba, hindi pwedeng masira ang damit na 'to, nakipag-agawan pa ako sa mga bumibili ro'n sa ukay-ukay sa probinsya namin, tapos masisira lang.

Pero siyempre dahil nga tinatamad ako hindi ako nakinig. Mukhang nawala sa isip ko na nasa ibang bahay ako. "Ayokoooo..." aniko habang nakapikit pa.

Inaasar ko lang talaga si mama. Ang sarap niya kasing asarin at alam ko na ang susunod niyang gagawin sa akin.

*PAK*

At muli na naman nga akong nakatikim ng isang hampas na mas malakas kumpara kanina. Pakiramdam ko nabali ang buto ko sa braso dahil sa bigat ng kamay niya.

"Ikaw talagang bata ka! Tumayo ka d'yan!"

Dahil gusto ko pang asarin si mama, nagkunwari naman akong umiiyak, "Waaaaa! Huhu, ang hilig mo talaga akong saktan mama! Hindi na kita bati!" Ang pag-iinarte ko habang nakapikit pa rin. Hinihimas ko pa 'yung parteng hinampas ni mama.

Pero agad akong napamulat ng tingin nang may marinig akong tumawa. Hindi 'yon si mama dahil boses lalaki ang narinig ko. Nako sana hindi 'yon 'yung boyfriend ni mama, nakakahiya--

"Hayaan mo na, Hon. Pagod 'yang anak mo sa biyahe kaya pagpahingahin mo muna."

Agad naman akong napatayo nang marinig ko ang baritonong boses na iyon na alam ko kung kanino galing.

Nasa likod ko 'yung boyfriend ni mama! At nakita niya 'yung ginawa ko. Nakakahiya!

Lupa bumuka ka... at kainin mo ang boyfriend ni mama!

Napalunok ako at dahan-dahang lumingon. Pinilit kong ngumiti upang itago ang kahihiyang nararamdaman ko. Pero agad din 'yong nabura nang tuluyan ko nang makita ang mukha ng kasintahan ni mama. Napakaguwapo ng mukha nito, may makapal na kilay, medyo singkit ang mata, may matangos na ilong at mapupulang labi. Idagdag pa ang maskulado nitong pangangatawan na pumuputok sa hapit nitong suot na kulay grey na damit. Tapos nakangiti pa ito sa akin--

Teka! Bakit ko ba siya pinagmamasdan!

Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya nang hilahin ako ni mama papalapit.

"Eto nga pala ang anak kong si Renon, Hon. Siya 'yung kinukwento ko sa'yo, maloko itong anak ko pero mabait naman," ang pagpapakilala ni mama sa akin.

Siniraan pa nga ako. Grabe ang bait talaga sa 'kin ni mama. Mahal na mahal talaga niya ako 'no. Sarcasm.

Rinig ko namang natawa ang nobyo ni Mama na si Lucio. Pero nagulat ako nang bigla itong lumapit sa akin at niyakap ako. Para akong isang yelo sa paninigas ko. Dala siguro ng gulat dahil sa biglaan niyang pagyakap sa akin. Naamoy ko pa ang panlalaki nitong pabango na masarap amoy-amuyin. Hmm...

"Nice to meet you, Renon. Son," bulong nito sa tainga ko pagkatapos ay kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko na tila nakikipagkarerahan sa kabayo. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Basta ang alam ko lang sa mga oras na 'yon ay may nagbago. Sa buhay namin, at sa sarili ko. Hindi ko alam ang nararamdaman kong ito pero isa lang ang ibig sabihin nito.

Kailangan kong iwasan ang boyfriend ni Mama.

--
Please do click the vote button. Your votes are highly appreciated! Enjoy reading! <3

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 53 8
What would happen if one day Henry started to fall in love with William? Would William return his feelings if he found out, would he reject him, or m...
52.4K 349 15
A collection of intense, sexy, hot, and daring M2M stories that will surely bring out everyone's Hidden Desires 💕
1.5M 112K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
8.1K 386 17
"Again with man spreading? You're so boyish." "Unlike your clingy fangirls" "Jealous?" "I'm not" "Yes, you are" "Shut up" ____ A loud extrovert...