Jersey Number Eleven

Autorstwa xelebi

2M 80K 35.1K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. Więcej

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

31

31.1K 1.3K 658
Autorstwa xelebi

Note: Happy New Year! 🥳🎆🎇

• 🏐 •

"Hi, ma," bati ko kay mama nang pagbuksan niya kami ng gate. Natawa ako nang makitang nagulat siya na nandito ulit ako. Nag-bless ako sa kaniya.

"O, Kai, bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?"

Mula sa 'kin ay nalipat ang tingin niya sa nasa likuran ko. Nilingon ko rin si number eleven at muntik akong matawa kasi mukha siyang tuod doon na diretso lang ang tayo. Kita sa mukha niya na kinakabahan siya habang bitbit iyong mga box ng cream puffs na ibibigay niya kina mama.

Parang kanina lang pag-alis namin ng bakery ay good mood siya, a? Ilang beses ko pa siyang nahuling tumitingin sa 'kin tapos ngumingiti. Namumula pa iyong mga tenga niya tapos ay pailing-iling.

Anong nangyari ngayon, number eleven? Natanggal yata ang angas natin?

Pero hindi ko in-expect na makikita ko ngayon ang kabado face nitong si MVP. Usually kapag nasa court ay seryoso at confident ang isang 'to, e. Kapag normal na araw naman ay chill at pangiti-ngiti lang.

Kinakabahan ba siya kasi makikilala niya si mama?

E, paano na lang kapag pinakilala ko na siya bilang-

Bilang ano, Kai? Kung matapang ka, ituloy mo. Bilang ano? Boyfriend? Boyfriend, 'di ba? Ituloy mo.

Tsk. Epal na naman itong utak ko, e.

Tapos sasabayan pa ng puso kong ang lakas ng loob lumandi sa harap pa talaga ng nanay ko. Walang pinipiling lugar itong mga pasaway kong internal organs. Badtrip.

Dahan-dahang lumapit si number eleven hanggang nasa tabi ko na siya. Pareho namin siyang tiningala ni mama. Grabe. Kung gugustuhin niyang sakalin kami ngayon, tepok talaga kaming mag-ina sa laking tao nitong si MVP.

"Good afternoon po, Mrs. Reyes."

Hindi ko alam kung saan ako matatawa. Kung kay number eleven ba na ang pormal masyado at may accent pa iyong word na po niya o kay mama na nagulat kasi tinawag siyang Mrs. Reyes at nag-bless din sa kaniya itong isa.

Naks, lakas maka-pogi points naman nitong si MVP! Marunong mag-po at mag-bless!

"Magandang hapon din, hijo."

Nagkatinginan kami ni mama at kita ko sa mukha niya na nagtatanong kung bakit kasama ko si number eleven. Oo nga pala. Hindi ko nasabi sa kaniya na sasabay ako kay MVP pabalik ng Manila. Pero to my defense, hindi ko rin naman kasi in-expect na gusto pala magpaalam ni number eleven kay mama nang personal bago kami bumaba ng Baguio.

Magsasalita na sana ako. Iyon nga lang, naunahan na ako ni number eleven.

"I'm Roen Alejo po. Kai's..." natigilan siya saglit saka tumikhim. "... friend."

Nakita kong tumango si mama at napangiti.

Ewan ko pero... para akong nabunutan ng tinik nang makita iyong ngiti na iyon ni mama kay number eleven.

Magsasalita na sana ulit ako pero natigilan na naman nang ilahad ni number eleven kay mama iyong mga dala niyang box ng cream puffs.

"Para po sa inyo," sabi niya.

Napanganga ako. Grabe. Nag-Tagalog si number eleven! May something talagang nakaka-amaze kapag naririnig ko siyang mag-Tagalog. Paano ba i-explain... basta, ang expensive kasi pakinggan? Alam mong hindi niya madalas gamitin sa araw-araw. Conyo sa pandinig pero bagay naman kasi sa kaniya.

Ang cute lang, e. Kainis.

"Nag-abala ka pa, hijo. Salamat dito," sabi ni mama.

"You're welcome po."

"Pero kilala na kita. Nakwento ka na sa 'min ni Kai."

Nilingon ako ni number eleven. Kita kong medyo nagulat siya pero ngumiti lang ako saka nag-iwas ng tingin. Shit. Nilaglag pa ako ng nanay ko. Baka kung anong isipin nitong isa. Baka magka-clue na siyang patay na patay ako sa kaniya. Tsk.

"T-in-our ka raw niya rito sa Baguio. Nag-enjoy ka ba? Hindi ka ba dinala ng anak ko kung saan, saan?"

"Ma..." saway ko pero nginitian lang ako ng nanay ko.

Tignan mo! Iyang mga pangiti-ngiting ganiyan, sa kaniya ko talaga nakuha iyan, e. Tsk.

Natawa si number eleven. "I enjoyed po. Your son is an excellent tour guide."

Excellent tour guide ka raw, Kaizen!

Nagkatinginan ulit kami at si number eleven naman ang gumamit ng pinagbabawal na smile. Para kaming naglolokohan lang na tatlo rito. Iyong dibdib ko pa, malakas na naman ang kabog. Sa harap pa talaga ng nanay ko ako lalandi? Lakas ng loob, a? Tsk.

"Buti kung gano'n," sabi ni mama sabay tingin sa 'kin. "Akala ko babalik ka na ngayon sa Manila, Kai? O nagbago ang schedule mo?"

Ready na ulit akong magsalita pero naunahan na naman ako ni number eleven.

"Mrs. Reyes-"

"Tita na lang, hijo," putol nga lang sa kaniya ni mama na natatawa. "Lola ni Kaizen sa father side si Mrs. Reyes."

Nakita kong namula ang mga tenga at napaawang ang labi ni MVP. At doon ko napatunayan na nahihiya pala siya kapag namumula ang mga tenga niya. E, madalas mamula iyon kapag kausap niya ako, a?

So, nahihiya siya sa 'kin?

Parang others naman itong si number eleven! Ba't siya nahihiya? At ba't kinikilig ako sa thought na nahihiya siya sa 'kin?

Ewan ko sa 'yo, Kaizen. Utak mo talaga, e. Magaling kapag sa mga ganiyang bagay.

Kinagat ko na lang ang dila ko at pasimpleng nilingon ulit si number eleven. Awkward siyang ngumiti kay mama at dahan-dahang tumango. Napakamot pa sa batok niya. Shit, ang gwapo naman nito mahiya! Parang iyong mga sisiw na may kulay na tinitinda sa mga school dati. Siya iyong kulay blue na sisiw. Pero may ganito ba kalaking sisiw? Manok na ang isang 'to, e.

Nagkatinginan kami at iyong mukha naman niya ang namula ngayon. Napakagat labi ako para magpigil ng tawa.

Okay. Hindi na siya iyong sisiw na blue. Siya na iyong sisiw na red.

Tumikhim siya. "Tita..."

"Ano iyon, hijo?"

"I'm actually here po to inform you na isasabay ko po si Kai pabalik sa Manila. I brought my car po," sabay turo niya sa sasakyan niyang naka-park hindi kalayuan sa bahay namin. "And I promise po to drive safely and make sure to bring Kai to their dorm safe and sound po."

Shit.

Hindi ko mapigilan na hindi tignan si number eleven habang sinasabi niya iyon sa mama ko.

Rinig na rinig ko na naman tuloy iyong kabog ng dibdib ko. Na para bang nire-remind ako ng puso ko na nadagdagan na naman ang rason kung bakit gusto ko si number eleven.

Kai, hingang malalim.

Hindi ito iyong tamang oras para kiligin.

Kasi kung kanina ay parang nabunutan ako ng tinik nang ngumiti si mama kay number eleven, ngayon naman ay parang binalik iyong tinik na iyon sa dibdib ko nang hindi agad nag-react ang mama. Wala namang sign ng pagkainis sa mukha niya o ano pero nakatingin lang kasi siya kay number eleven!

Kaya gano'n na lang ang relief na naramdaman ko nang bigla siyang ngumiti ulit at saka tumango.

Kinabahan ako ro'n!

"Basta mag-iingat kayo sa byahe ha? Message n'yo ako kung nasaan na kayo at kung nakarating na ba kayo."

"Rest assured po that you will be updated from time to time."

"Salamat," sabi ni mama. "Ay, teka, kumain ka na ba, hijo? Magluluto ako. Pasok kayo. Kain muna kayo ni Kai bago kayo bumyahe."

"Ay, ma, hindi na. Baka gabihin po kami sa daan," sabi ko.

"Mabilis lang akong magluto-"

"Si pogi!" Biglang sulpot ni Tita Melba sa tabi ni mama. "Ikaw iyong kaibigan ng Kai namin, 'di ba? Ako iyong tita niya. Tita Melba. Ano nga ulit pangalan mo, hijo?"

Ngumiti si number eleven at nag-bless kay Tita Melba na mukhang na-offend pa yata. "Roen Alejo po. Nice meeting you po."

"Kahit wala nang mano, mano sa 'kin!" Tumawa si tita na sinaway naman agad ni mama. Iyon nga lang, hindi siya pinansin. "Ang tangkad mong bata! Anong height mo? Ilang taon ka na? May girlfriend ka na? May mga pinsan itong si Kai na single-"

"Melba, pumasok na tayo sa loob. Tinatakot mo iyong bata."

Buti na lang ay nando'n si mama para awatin ang tita. Ire-reto pa talaga itong si number eleven sa mga pinsan ko? Tsk. Medyo nag-init ulo ko ro'n, a.

Ilang tanong pa ang tinadtad ni Tita Melba kay number eleven bago kami tuluyang nakapagpaalam para makaalis na. Nagulat pa nga ako nang hingin ni number eleven iyong number ni mama para raw sa updates. Sinabi kong pwede namang ako na lang ang mag-message kay mama pero baka raw kasi makalimutan ko. Hinayaan ko na lang.

Iyon nga lang, hindi lang number niya ang pinabaon ni mama kay number eleven. Nagbigay pa nga ng longganisa at maraming gulay!

Akala mo ay walang gano'n sa Manila, e.

Napailing na lang ako no'n.

"Pasensya na kina mama at tita," sabi ko pagbalik namin sa sasakyan niya.

"It's okay. They're actually really nice."

"Thank you rin pala sa cream puff para kina mama."

Ngumiti siya. "You're always welcome, ba-" natigilan nga lang siya tapos ay tumikhim. "You're always welcome, Kai."

Tapos ay tumingin na siya sa kalsada. Pero iyon na naman siya. Umiiling na naman si number eleven sabay kamot sa batok niya saka ngingiti na para bang may bigla siyang naisip. Gaya no'ng bago kami pumunta rito sa bahay. Kumunot ang noo ko pero hindi na ako nagtanong. Feeling ko kasi ay hindi rin naman niya sasabihin.

Pero curious talaga ako sa iniisip niya ngayon.

Pero mas excited ako kasi first time ko siyang makakasama sa isang mahabang byahe. Mas mahaba pa no'ng pumunta kami sa Tanay.

"Ready to go?" Tanong niya pagkatapos niyang i-start ang kotse niya.

Tumango ako. "Yep. Mahaba-habang byahe 'to."

"Yeah..." sagot niya at naramdaman kong nakatingin siya sa 'kin kaya nilingon ko rin siya.

Nagkatinginan kami.

Ilang segundo rin iyon kaya nagtaka na ako.

"Bakit?" Tanong ko.

Pero imbes na sumagot ay... shit! Nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla siyang lumapit sa 'kin! Nanigas ako sa kinauupuan ko lalo na no'ng maramdaman ko iyong hininga niya sa pisngi ko! Nakalimutan ko na rin yatang huminga kasi bakit parang sumikip bigla rito sa loob ng sasakyan niya?!

Tangina...

Iyong puso ko, sasabog na yata.

"Kai," tawag niya sa 'kin gamit ang malalim na boses.

Shit, bakit gano'n ang boses niya? Bakit bigla siyang napaos? Anong meron?!

Hindi ako makatingin o makalingon man lang sa kaniya. Isang galaw ko lang kasi ay mahahalikan ko na si number eleven! Gano'n siya kalapit sa 'kin ngayon!

"Seatbelt."

"H-Ha?"

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Nakarinig ako ng click at nakita ko na lang na maayos na ulit na nakaupo sa driver's seat si number eleven habang malaki ang ngiti.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

793K 27K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.9M 37.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
276 60 11
The sinking ship represent Leiro Dewey Salazar's life, he always see his life as battleship fighting his own unpredictable waves, but when his ship s...