Extra Character in a Novel

By rssaje_03

13.2K 640 67

Achlys Manea Bloodthorne is one of the famous Model, business woman, a ruthless Queen and a billionaire at th... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
author's update
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
author's update
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 1

821 34 3
By rssaje_03

Achlys POV

Napamulat ako ng aking mata dahil may naramdaman akong papalapit na patalim, nasalo ako ito at nagtataka kung bakit may patalim.

Ano ito lukuhan? Binalingan ko naman ng matalim na tingin sa taong bumato nito sa akin. Hindi familiar ang mukha niya kasi ngayon ko pa naman siya nakita.

“sayang” abat gusto talaga akong patayin nang isang ito, close ba kami? Teka? Hindi ko ito kwarto at mas lalong hindi pink ang kwarto ko.. sh*t. Inilibot ko ang paningin ko at shocks masyadong girly. Napangiwi naman ako.. wait? Diba nawalan ako ng preno at nagpagulong gulong ang sasakyan ko at paanong napunta ako sa lugar na ito?

“you!!” turo ko sa tukmol na ito.. tapos ang tanga, tinuro rin niya sarili niya.

“ako ba?”  na kinaikot ng mata ko dahil sa sinabi niya, malamang siya, tanga naman nito

“what do you think?” malamig kung sabi sa kanya, nangunot naman ang noo niya dahil sa lamig ng boses ko, pero bakit iba? Bakit nag-iba ang boses ko? Hindi naman ganito boses ko ah. May hindi talaga maganda ngayon eh. Una nong nagpagulong gulong ang kotseng ko, pangalawa ang lalaking ito na nagtapon ng patalim sa akin, pangatlo ang kwartong ito na pink at ang pang-apat naman ay ang boses ko. Meron pa bang kakaibang mangyayari.

“bat kasi ako pa ang pinagbantay ng matandang iyon, eh ayaw na ayaw ko pa namang nakikita ang pagmumukha ng babaeng ito na pangit at saka, na saan ba ang mga maids dito.” may binubulong bulong siya pero rinig ko naman, napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Kung ayaw pala niya akong bantayan eh di sana umalis nalang siya, nakakabagot din naman siyang kasama and what? Pangit ako? Gago ba siya? Ako lang naman ang pinaka-perpektong mukha sa planetang earth tapos sasabihan niyang pangit ako.buwesit.. f*ck, I want to kill him badly..

“who are you?” nabigla naman siya ng tinanong ko siya na para bang iyon ang pinaka-nakakatawang tanong na narinig niya.

“seriously Avery” Avery? Saan ko ba nakita at nabasa ang pangalan na yan, it's very familiar.

“who is Avery?” tanong ko ulit dito at bagot naman niya akong tinignan.

“malamang ikaw, sino pa ang Avery Trix Nightshade rito? Ako?” saan ko ba talaga narinig iyon? Think Achlys. Napatakip ako sa bibig ko nang maalala ko. You mean that extra Character ng kwentong The Mysterious Moon? Lumaki ang mata ko dahil sa nalaman ko sh*t. Is it true that I am reincarnated with this extra Character sa kuwentong ito?

“bat ko ba kinakausap ito?” bulong niyang sabi pero hindi ko na siya pinatapos. Nagmadali akong pumunta sa Comfort room. Tumingin ako sa salamin at..

“wahhhhhhhhhh” napasigaw ako sa nakita ko sa salamin? Puntang*na, ako ba talaga ito? Bakit sobrang pangit ng nakikita ko? Ang kapal pa ng make-up niya. Marunong ba talaga siyang maglagay ng kolorete sa mukha? Agad ko naman itong hinugasan dahil  kumakati na ito. Honestly hindi ako naglalagay ng kung ano-ano sa mukha ko simpleng pulbo at lip balm lang umaangat na ang kagandahan ko.

Ilang minuto rin ang tinagal ko bago ko natanggal ang lahat, I grab the towel beside me and wiped my face thoroughly. When I'm done, tumingin ulit ako sa salamin at ang masasabi ko lang ay f*ck.. sobrang ganda ng nakikita ko. Kung kanina ay mukhang ispasol ang pagmumukha ni Avery I mean ako at ngayon naman ay isang diyosang nakatingin sa akin, ang kaso lang mukhang inosente at hindi makabasag pinggan ang itsura niya.

Lumabas na ako sa banyo at nagderetso ako sa kama ko, wala na si tukmol sa kwarto ko. Napahiga nalang ulit ako at inaalala ang mga nangyari sa akin. Sa dinami dami ba namang mapupuntahan ng kalukuwa ko sa isang ito pa na isang alipores ng main antagonist sa kuwentong ito. Isa rin itong nanghahabol sa walong male leads. Pumunta nalang ako sa study table ko. Yes, table ko dahil inaangkin ko na ang kay Avery, wala na akong pake kung saan mang lupalop ang kanyang kalukuwa.

Umupo ako at kumuha ng ballpen at papel sa drawer ko. Bali, modernong kwento ito dahil kakagawa lang ang The Mysterious Moon last year kaya hindi mahirap sa akin na mag-adjust.

Nagsimula akong isulat ang mga bidang character sa kuwentong ito.

Angela Hart. Ang bida sa kuwentong ito. Isa siyang scholar sa Whitlock Academy, syempre matalino, maganda at mabait kaya naman nakuha niya ang atensyon at nahulog ang walong male leads sa kanya.

Hades Casimir Elias Whitlock. Ang nagmamayari ng Whitlock Academy, halata naman siguro sa apelyido.. but anyways, siya ang male lead, seryoso, cold, ruthless, matalino, gwapo at siya ay man of few words.

Orion Casper Barlowe. Ang second male lead sa kwentong ito, of course gwapo, silent type, magsasalita lang kung kailan niya gusto, syempre matalino rin at kaya niyang gawin lahat para sa female lead.

Achilles Adamus Katz. Ang pangatlong male lead. As always gwapo, book worm ng grupo, book is life ika nga, deadly person din ito dahil ayaw na ayaw niyang may nangengealam sa gamit niya especially yung pinakamamahal niyang mga libro at syempre matalino.

Lahat ata ng male leads ay matatalino at gwapo dapat sana may bobo rin at pangit para masaya.. next naman sa male lead ay si...

Poseidon Hiro CaddelAng mahilig sa pagkain, kahit ata natutulog ang isang ito kumakain. Siya lang yung lalaking food is life. Hindi siya mabubuhay kung walang pagkain sa bunganga niya at ang pang-apat na male lead.

Zeus Janus Laurier. Ang babaero sa grupo. Halata naman siguro sa name, Zeus is literally a womanizer. Isa din siyang hindi mabubuhay kung walang babae sa tabi niya but he is ready to change for the female lead. Ang panglimang male lead.

Apollo Winter Frost. Kung gaano kalamig ang pangalan at apelyido niya kabaligtaran naman nilo sa ugali niya. He is childish one na parang linta kung makakapit sa female lead pero wag kayo isa siya sa pinaka may charisma sa lahat at syempre ang pinakabata sa kanila so that no one resist his charm. Ang pang-anim na male lead.

Hermes Knox Stinson. Ang pang-pitong male lead. Siya naman ang jolly sa grupo, manhid kasi hindi nakakaramdam kung may nangyayari na bang mali o wala. Nagiging seryoso lang ang isang ito kung pinaguusapan na ang female lead. Wag ka lang talagang magtangkang ibully ang female lead sa harapan niya kung ayaw mong makita ng maaga ang langit.

Aries Damon Norlander. Ang huling male lead sa kwentong ito. Gagawin niya lahat para lang mapasaya ang female lead. Siya ang clown ng female lead, nagbabago lang ito kung ibang tao ang kaharap niya at masyado rin itong straight forward.

Medusa Stacey Abrams. Ang babaeng kontrabida sa kwentong ito. Ang desperadang nanghahabol sa walong male leads na gagawin lahat para mawala ang female lead sa pandas niya para masolo lang ang walong male leads.

Matapos kong ilista ang mga bida sa kwentong ito, ang masasabi ko lang ay masaydo silang delikado kapag nakasalamuha mo sila. They do everything for the sake for the female lead. Masyado silang nilamon ng pagmamahal. Mabuti nalang at hindi ko pa naranasan ang bagay na iyon dahil nakakasuka promise.

I don't have any experienced  that kind of love because I am contented what I am nung nasa totoo ko pang katawan pero ngayon, nawala iyon dahil sa pesteng preno na hindi gumana. Kaya ang gagawin ko nalang ngayon ay manood kung paano mahulog ang mga male leads sa female lead and I will distance myself to them as much as possible, should I bring a cup of tea and popcorn to watch a show? What a good idea Avery.

Bago pa makita itong sinulat ko ay tinago ko na at saka ako pumunta sa walk in closet ko. Bumungad sa akin ang maraming dress na lahat ay kulay pink at kinulang pa sa tela. Sumakit tuloy ang ulo ko dahil sa nakita ko. Kinuha ko ito lahat at binasura ito sa malapit na basurahan. I hate color pink and I don't want to see of those, nakakawala kasi ng gana. Pupunta nalang ako mamaya sa mall para bumili ng desenteng damit.

*Tok *tok

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito, kaya naman binuksan ko ito ng kaunti lang para makita kung sino ang ponsyopilatong nangahas na isturbuhin ako.

“what” tamad kong sabi rito, base sa pananamit niya isa siyang maid. Nakita ko naman kung paano umirap sa akin ang isang ito. Napataas naman ako ng kilay dahil sa inasta niya.

“pinapatawag na po kayo ng inyong ama para kumain young lady” tumango ako rito at sinarado ko na ang pinto kahit alam kong may sasabihin pa siya. Hindi siya worth it para pakinggan ang sasabihin niyang wala namang kwenta.

Kumuha ako ng damit ko, mabuti nalang at may oversized shirt siya rito kaso pink, kinuha ko nalang ito just like I have a choice. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong naligo bumaba na ako.

Napahinto ako dahil hindi ko alam kung saan banda ang dinning room nila rito. Nakita ko naman may babaeng kakalabas lang sa isang kwarto, siguro naglinis lang ito.

Yumuko siya sa akin tanda ng pag-respeto niya sa akin kaso hindi nila maitatago kung gaano ka-plastic ang pinapakita nila, what do you expect from me, I am used to it dahil marami ring plastic sa mundo ko.

“ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo young lady” turan niya sa akin habang nakayuko ito.

“where is the dinning room?” malamig kong sabi rito, umangat naman ang tingin niya at nagtataka kung bakit naitanong ko iyon sa kanya.

“hindi niyo po ba alam?” ay p*ta magtatanong ba ako kung alam ko.

“yes” yan lang ang sinabi ko, mukha namang alam niya ang sinabi ko kaya naman nanguna siya at sumunod ako sa kanya.

Maraming napapatigil sa kanilang ginagawa habang nakatingin sa akin at bubulong ng kung ano-ano, well sino naman hindi, ang kilala nilang Avery na akala mo clown sa kapal ng make-up eh ngayon parang anghel na bumaba sa lupa.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil hindi sila ganoong kaimportante para tignan sila ng maganda kong mga mata.

Kanina pa kami lakad ng lakad kaso hindi pa namin nahahanap ang dinning area. Nababagot na ako kakalakad. Huminto ako ng huminto siya. Itinuro niya sa akin ang pinto.

Yumuko siya at hindi na nagpaalam sa akin bago siya umalis at wala akong pakialam. Agad kong binuksan ang pinto. Napatingin naman sa akin ang tatlong taong kumakain. Siguro siya ang pamilya ko? Malamang Avery alangan namang iba.

“are you not going to sit?” tumingin ako sa taong nagsalita , infairness gwapo ang isang ito, ano na nga pala pangalan niya? Nag-isip muna ako bago ko siya makilala.. tama siya ang first born male ni King Tristan Nightshade, isa rin siyang side character sa kwentong ito na may gusto rin sa female lead. He has this ocean blue eyes, natural black hair, perfect jaw line, matangos ang ilong at maputi.

“staring is rude young lady” bumalik naman ako sa tamang wisyo ng magsalita rin ang pangalawang anak ni King at Queen Tiara Nightshade, mayroon din siyang ocean blue eyes kaso mapupungay ang mga ito, brown hair, maputi rin, perfect jaw line at matangos din ang ilong. Teka? diba siya yung nagbantay sa akin kanina.

I rolled my eyes and agad naman akong umupo dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Sino ba naman kasi ang hindi matutulala kung ang gwapo ng mga kapatid ko except pala sa isa diyan. Kung hindi ko lang ito mga kapatid baka pinatulan ko na, Charr. Mabait naman ako kaso hindi masyado..

Hindi ko alam ah pero kanina ko pa nararamdaman ang tatlong pares ng mata na nakatingin sa akin.

“may dumi ba sa mukha ko?” i asked them with sarcastic tone. Nag fake cough naman sila bago pinagpatuloy ang kinakain.

“where is your thick make up sis?” ngumisi naman si tukmol, oo siya ang nagtanong, ano ba kasi pangalan nito, a si Aaron Troye Nightshade.
Tinignan ko naman siya ng bored para malaman niyang hindi ako interesado sa tanong niya.

“nagtago siguro kasi nahiya siya sa kagandahan ko?” iyan ang sinabi ko na nagpawala sa ngisi niya, akala mo ha.. para naman siyang batang bumalik sa kanyang kinakain. Ganyan nga, know your position kung ako kaharap mo.

Nag-fake cough ang aming ama para sa kanya kami mapatinging tatlo.

“get ready Avery because you will go back to school tomorrow ” malamig na saad nito sa akin habang nakatingin siya sa akin. Narinig ko naman kung paano mag-mura ang dalawang tukmol sa harapan ko.

“are you serious dad?” gulat na tanong ni kuya Ashton Tobias Nightshade kay ama. Tumaas lalo ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

“you know naman dad kung ano ginawa niya at ng mga kaibigan niya kay Angela” inis na sabi ni tukmol kay dad habang nakatingin siya sa akin. Malay ko ba kung ano ginawa ko sa babaeng iyon eh, hindi naman ako si Avery, ay ako na nga pala si Avery ngayon. Peste ka Avery binigyan mo ako ng sakit ng ulo.

“I know, I know my son but your headmaster told me everything na hindi kasali ang kapatid mo sa nangyari kay whoever that girl is" sabi ni dad sa kanya pero si tukmol hindi pa rin nawawala ang inis sa mukha niya na nakatingin sa akin. As if naman na matatakot ako sa tingin niyang yan. Tusukin ko kaya mata niya ng tinidor ng isang ito, bwesit siya, nakaka high blood.

“aisshhh” asik nito bago umalis. Hindi ko na siya inabalang tignan because he wasting my precious time.

“dad?” sabi ko rito at pareho silang napatingin sa akin.

“yes” hindi pa rin nawawala ang lamig at kalmadong tunog niya sa bawat salita niya.

“i would like to go to the mall dad, if it is okay?” tumango lang siya sinabi ko. Wala man lang bang, okay anak, sure daughter, if that what you want my pretty gorgeous daughter. Charrr, baka palayasin pa ako ng wala sa oras.

“thanks” yan lang ang sinabi ko bago ako umalis sa dining area na iyon. Hindi ako nakakain ng maigi dahil sa nangyari, masasarap pa naman yung mga pagkain na andoon.

Bagot akong naglakad patungo sa kwarto ko. Kinuha ko nalang yung cellphone at pera ko, tsaka ako umalis.

Bumaba na ako sa hagdan at nagmadaling lumabas. Nakita ko naman ang isang mamahaling sasakyan na nasa harapan ko

“let's go young lady” sabi sa akin ng butler bago niya ako pinagbuksan ng pinto at pumasok ako. Pumasok naman na siya ng nakapasok na ako. Umandar na ito at tinahak ang daan papuntang mall.

FAST FORWARD

pagkatapos ang mahabang byahe, nakarating na rin kami sa wakas dito sa mall. Agad naman akong bumaba ng pagkatapos i-park ni Butler Ken ang sasakyan at paano ko nalaman ang name niya syempre tinanong ko siya.

Pagpasok ko palang sa loob ng mall, lahat ng taong andon ay sa akin nakatingin. Taas noo akong naglalakad at hindi pinansin ang mga matang nakatitig sa kagandahang tinataglay ko.

Ang ganda naman niya

Ngayon palang ako nakakita ng ganyang kagandang babae

True, isa siyang diyosa na bumaba mula sa kalangitan

F*ck bro liligawan ko yan

Bakit ikaw lang? Isali mo naman kami tol

Manahimik nga kayo, wag kayong assuming dahil wala naman pake sainyo yan

Agree ako diyan sa iyo boy, assuming kasi sila masyado para pansinin ko. Hindi ko nalang pinansin mga sinasabi nila bagkus pumasok ako sa isang boutique na umagaw ng pansin ko. Paano ba naman kasi lahat ng makikita ko ay mga oversized shirt at wide pants. Grabe kumikinang na naman ang mga mata ko.

Kinuha ko lahat ng mga oversized shirt, wide pants and different trousers na andun. Gulat nga ang may ari dahil pinakyaw ko na lahat ng tinda niya. Ayaw ba niya yun para maaga siyang magsara.

Agad naman akong umalis doon dahil mag-gagabi na pala. Kumain muna ako sa isang restaurant bago ako umuwi sa bahay.

Pag-kauwi ko agad na akong nag-tungo sa aking kwarto. Hindi na ako pumunta sa dining room kahit pinapatawag pa nila ako. Pagod kasi ang Lola niyo kaya hindi na niya kering makipag-plastikan sa kanila.

Agad naman akong naligo at nagbihis ng pajama bago ako humiga sa aking kama. Npabuntong hininga ako dahil sa nangyari sa araw na ito. I accept the fact na andito na ako at wala na akong magagawa pa. Tomorrow will be exciting and scary somehow. For now, my goal is to avoid them no matter what happen. Nanawagan ako sa mga santo at santa na wag akong ilagay sa kapahamakan bukas.

Ready na ba talaga ako bukas? Maybe? Ay puta basta matulog nalang ako. Goodbye for now, see you sa mga next na chapter kung buhay pa ako.






Continue Reading

You'll Also Like

704 69 8
cassidy klein Fernandez mayaman, maganda , sexy nasakanya na ang lahat maliban sa ugali, dahil sobrang arte nya at kapag naka-away mo sya ay mawawala...
6.8M 345K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
32K 1K 46
When Ms. Naughty who loves teasing and seducing girl or boy reincarnated in a different world with a full of non existing thingy. What would she'll...
7.6K 339 17
"Paano kong ang Innocent Childish na reincarnation sa isang Villainess in the novel (I Choke You To Death) isang haram story. 'Na ang famele lead...