The Royal Chef

By senoritaxara

22.7K 1.2K 326

Sarina Sandoval is a woman from the modern world, she is an aspiring chef from the Blue House. At a young age... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Training
Chapter 2: Azrael Luna
Chapter 3: The Triplets
Chapter 4: The Recipe
Chapter 5: The Palace
Chapter 6: Elimination
Chapter 7: First Day
Chapter 8: Alas
Chapter 9: Favorite
Chapter 10: Hilaga
Chapter 11: Hilaga (2)
Chapter 12: Hilaga (3)
Chapter 13: Hilaga (4)
Chapter 14: Dethroned Queen
Chapter 15: Sugalan
Chapter 16: Lawa
Chapter 17: Ghosted
Chapter 18: Goodbye
Chapter 19: Trip
Chapter 20: Kabaong
Chapter 21: Stars
Chapter 22: Pagbabalik
Chapter 23: Starvation
Chapter 24: Royal Kitchen
Chapter 25: Diary
Chapter 26: Ruiz Clan
Chapter 27: Last Entry
Chapter 28: The Red Book
Chapter 29: King
Chapter 30: Banquet
Chapter 31: Unexpected
Chapter 33: Awake
Chapter 34: Regained
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Library
Chapter 37: Truth
Chapter 38: Help
Chapter 39: Plan
Chapter 40: Rest

Chapter 32: Him

346 29 6
By senoritaxara

[Chapter 32]

Malakas na tunog galing sa pagkabasag nang itinapong paso ang nagpa-igtad sa mga tagapagsilbi ganoon din sa mga Ruiz. Itinapon ni Celestina Ruiz na siyang dating reyna ang pasong kaniyang nahawakan dahil sa matinding galit.

"Argh! Punyeta! Sino ang may gawa noon kay Alastair?! Magsalita kayo!" Malakas na siyaw nito saka muling kumuha ng paso saka ibinato sa dingding dahilan upang magsilayuan ang mga tagapagsilbi.

Ganoon din ang mga Ruiz na bigla na lamang nagkatinginan.

"Wala kaming kinalaman sa nangyari, dating reyna," saad ng isang naglakas-loob.

"Wala?! Sino ang gagawa noon kung hindi ang sarili ko lamang na kadugo?! Tayong mga Ruiz lamang ang nakakakilala sa kaniya at tanging mga Ruiz lamang ang natatandaan kong may galit sa kaniya!" Sigaw nito at saka sinabunutan ang sarili dahilan upang mapalunok at mapangiwi ang mga tao sa loob ng silid.

"Ate... Wala—"

"Ano?! Wala?! Wala kang kinalaman?! Alam nating may galit ka sa kaniya sapagkat hindi ko ibinigay sa iyong anak ang trono!" Sigaw ng dating reyna saka nito dinuro-duro ang kapatid na wala namang emosyong nakatingin sa kaniya. "SABIHIN MO! IKAW BA ANG MAY PAKANA NG LAHAT NG ITO?!"

"HINDI!" Malakas ding sigaw ni Haring Julio dahilan upang magulat ang mga tao sa loob. Ramdam nila ang nakakatakot na tensyon sa pagitan ng dalawa.

Kung maaari lang silang umalis at tumakas ay kanina pa nila ginawa.

Natawa ng malakas ang dating reyna. Ang tawa ay puno ng pagka-sarkatiko at tono ng hindi naniniwala.

"Paano ako maniniwala saiyo kung sa una pa lamang ay alam na nating nais mo ring makuha ang trono hahahahaha!" Tumawa ito na parang baliw at mabilis na itinapon ang nakuha nitong paso sa tabi dahilan upang maglikha ng malakas na tunog nang pagkabasag ang paso. "Nagalit ka sapagkat hindi ko ibinigay sa iyong anak ang trono, hindi ba? Kaya nais mong mamatay si Alastair upang makuha ang trono?"

Nanatiling tikom ang bibig ng lahat habang nakayuko. Nakikiramdam at nakikinig. Hindi nila magawang sumabat sapagkat alam nilang sa kanila mabubunton ang galit ng dalawa sa oras na bumukas ang kanilang bibig.

Nanatiling kuyom ang kamao ni Haring Julio. Nakayuko at pilit kinokontrol ang kaniyang sarili. Matinding galit ang nararamdaman niya sa kaniyang loob. Sapagkat halos lahat nalang ata ay malas ang nangyayari sa kaniya. Una nawawala ang pulang kuwaderno, pangalawa ay sinusumbatan siya ng kaniyang kapatid at pinagdududahan. Ang nais niya lang naman kanina ay umawat.

"Hindi ako ang may gawa niyon!" Sigaw niya. Nanlilisik na ang kaniyang mga mata at kaunti nalang ay sasabog na siya.

"Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa iyo? Hahahahaha!" Tumawa ng puno ng pagka-sarkatiko ang dating reyna saka ito napailing. "Alam mo ba kung bakit hindi ako pumayag na ang iyong anak ang ilagay sa trono?"

Napatikom ang bibig ni Haring Julio dahil kahit siya ay alam din ang rason at dahilan ng kanilang kapatid. Sa totoo lang ay plano niya sana iyon noon.

"Sapagkat alam kong sa oras na iyong anak ang nakaupo sa trono ay alam kong mas susundin ka niya at hindi malabong traydurin niyo ako!" Sigaw ng dating reyna.

Nanatiling tikom ang bibig ni Haring Julio habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Ganoon rin ang mga Ruiz na lahat ay nakayuko at nakikinig lamang sa usapan.

"Hindi maaaring mamatay si Alastair! Hindi siya maaaring mawala sa trono!" Sigaw nito sabay hampas ng paso sa gilid dahilan upang magsilaglagan ang mga paso at mabasag sa sahig. "Kapag mamatay siya ay mawawalan ako ng kapangyarihan at wala ng taong handang maging sunod-sunuran sa akin! AARRGGHHH!"

Muli nitong pinagtatapon ang lahat ng babasaging bagay sa loob ng silid. Nanatiling nakayuko ang lahat at hindi nagsasalita. Natatakot na sa kanila na ibato ang paso kapag bumukas ang kanilang bibig.

"PUNYETA! HINDI SIYA MAAARING MAMATAY!" Malakas nitong sigaw saka muling binasag ang malaking paso sa tabi.

Napatigil lamang ito sa pagwawala nang biglang pumasok sa loob ang isang tagapagsilbi. Ang tagapagsilbing inutusan nilang sumama sa silid ng hari upang tignan ang lagay nito.

"M-Mahal na dating reyna..." Namumutla at nanginginig na saad ng tagapagsilbi.

Mabilis namang lumapit dito ang dating reyna at marahas na hinawakan ang buhok nito at inilapit sa kaniyang mukha.

"Sabihin mong maayos lang ang hari!" Mariin at nagbabanta nitong saad. "Mananagot ka sa oras na mali ang iyong sasabihin!"

Namuo ang mga luha sa mata ng tagapagsilbi sa takot. Nanginginig ito at namumutla. Hindi niya nais na masaktan.

"M-Maayos na po ang mahal na hari sabi ng maharlikang manggagamot. N-Natanggal na raw ang lason sa katawan ng mahal na hari at nagamot na rin ang malaking sugat n-nito s-sa noo."

Nang marinig ang sinabi ng tagapagsilbi ay nakahinga ng maluwag ang dating reyna. Ligtas ang kaniyang tuta, ligtas din ang kaniyang kapangyarihan na palakarin ang kaharian.

"Ngunit..." Nag-aalangang dugtong ng tagapagsilbi.

Kaagad na nanlisik ang mga mata ng dating reyna at mas lalong hinigpitan ang kaniyang pagkakahawak sa buhok ng tagapagsilbi dahilan upang mapaluha ito sa sakit.

"A-Ang sabi ng maharlikang mangagamot ay m-malaki ang tama ng mahal na hari sa noo. M-Maaari raw itong hindi magising ng ilang linggo, o a-ang mas malala pa raw ay baka abutin ng i—ilang b-buwan..." humahagulgol at umiiyak nitong saad.

Kaagad na binitawan ng dating reyna ang tagapagsilbi at mabilis siyang napasabunot sa sariling buhok. Hindi niya nais ang narinig.

"Tangina!" Nanggagalaiti sa galit nitong saad saka mabilis na nilingon ang mga kamag-anak. "Sa oras na mapatunayan kong kayo ang nasa likod ng nangyayaring ito ay kamatayan ang aking ihahatol sa inyo!"

Nanlaki ang mga mata ng mga Ruiz, samantalang walang emosyon namang nakatingin sa kawalan si Haring Julio habang nakakuyom ang mga kamao. Hindi makapaniwala ang mga ito na magagawa silang patayin ng kanilang kadugo para lang sa isang taong hindi naman nila kaano-ano bukod sa pagiging sunud-sunuran sa kanilang mga nais.

Magsasalita pa sana ang mga Ruiz ngunit hindi na nila naituloy dahil nagmamadaling lumabas ng silid ang dating reyna. Tutungo ito sa silid ng hari upang tignan ang lagay nito at personal na kausapin ang maharlikang manggagamot.

Pagkaalis ng dating reyna ay doon na mabilis na nagsireklamo ang mga Ruiz.

"Putangina! Gagawin sa atin iyon ni Celestina para lamang sa isang tuta?!" Hindi makapaniwalang saad ng isang Ruiz saka mabilis na sinuntok ang katabing dingding.

"Julio! Alam mong wala tayong kinalaman dito! Ano naman kaya ang pumasok sa kokote ng iyong kapatid at pinagbibintangan tayo?!" Galit na saad din ng isa.

"Oo nga! Wala tayong kinalaman ngunit tayo ang nadidiin!" Saad pa ng isa saka ito mabilis na napahilamos.

"May taong gusto tayong idiin at wasakin ang ating samahan," may diin at galit na saad ni Julio. Wala siyang kinalaman. Hindi siya ang may gawa niyon.

Malakas ang kutob niyang may taong gusto silang idiin at pag-away-awayin. Isa siguro sa kaniyang mga kaaway ang salarin. Ngunit sa dami ay hindi niya maisa-isa at hindi niya mahulaan kung sino.

"O-Oo nga! Nais ng taong iyon na tayo ay mag-away-away at magwatak-watak!" Natatarantang saad ng isa.

"Paano kung nasa kaniya pala ang pulang kuwaderno?!" Kinakabahang saad din ng isa saka mabilis na nanlaki ang mga nata. "Maaaring ganoon na nga, hindi ba?! Kaya ganito na lamang ang tapang niya na banggain tayo?!"

Sa narinig ay mas lalong napakuyom ang mga kamao ni Haring Julio at mabilis siyang napakapikit sa matinding galit. Ang taong nasa likod nito ang may hawak ng kuwaderno?

Hindi maaari. Hindi ito magagawa ng anak ni Mikael na walang ibang ginawa kung hindi umiyak.

Ngunit ang nakakainis pa ay hindi niya ito mahanap. Ilang buwan na niya itong hindi nakikita. Sa tuwing tinatanong niya naman ang dating heneral ay sinasabi lamang nito na nasa kanilang tahanan ngunit sa tuwing mag-uulat sa kaniya ang kaniyang pinadalang espiya ay sinasabi nitong wala roon si Azrael.

Hindi niya alam kung nagsasabi ng totoo ang kaniyang espiya. O nagtatago lamang sa kaniya ang anak ng dating heneral. Hindi niya tuloy makumpirma kung ito nga ba talaga ang nasa likod ng mga nangyayaring ito.

Ngunit kung tutuusin ay hindi sana ito mangyayari kung sa una palang ay sinira na nila ang pulang kuwaderno.

"Hindi ba't noon pa lamang ay sinabi ko na sainyong sunugin ang kuwadernong iyon!" Sigaw ni Haring Julio sa sa mga Ruiz na kaniyang inutusan noon na sirain at burahin ang mga laman ng kuwaderno.

Nagkatinginan ang mga Ruiz.

"Hindi! Hindi maaari! Kailangan natin iyon!" Sigaw ng isang Ruiz dahilan upang mapamaang ang mga tao sa loob.

Nanlilisik ang mga matang nilingon ni Haring Julio ang nagsalita. "Kailangan sa ano?! Kailangan upang malaman nila ang ating mga baho?!"

Napalunok naman ang mga tao sa loob. Natatakot ang mga ito. Ngunit hindi nagpatinag ang isang kumontra.

"Kailangan iyon upang masiguradong walang kakalas at magtatraydor sa ating samahan at pinag-usapan!" Sigaw nito kasabay ng pagtitig nito sa lahat ng lalaking nasa loob ng silid na kaagad namang napayuko dahil sa narinig. Napangisi ito sa mga naging reaksyon ng lahat at tinitigan si Haring Julio. "Bakit? Sa tingin mo ba ay magiging tapat sila sa iyo sa oras na wala tayong kontrata o papel na proweba na dawit din sila sa ating mga ginawa?!"

Natahimik ang lahat dahil sa tensyon na mas lalong lumala. Napapalunok ang lahat dahil totoo naman ang sinabi ng isa sa kanilang miyembro. Dahil alam nila sa kanilang mga sarili na kung maaari lang ay matagal na silang kumalas at nagpakalayo-layo kung wala lamang kuwadernong nagpapatunay na naging kasama sila sa mga krimeng pinaggagagawa ni Haring Julio at ng dating reyna.

"Ngunit hindi naman tayo mahuhuli..." Naguguluhan saad ng isa sa mga Ruiz. Natatakot man ngunit ngagawa niyang sumali sa usapan.

Napangisi ang isang Ruiz at napailing. "Hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap, kaibigan."

"Tama na! Tapos na ang usapang ito! Nag-aaway lamang tayo!" Sigaw ng isang Ruiz dahilan upang mapayuko ang lahat.

Napakuyom ang kamao ni Haring Julio saka ito naglakad patungo sa pintuan at walang lingong lumabas at pagbagsak iyong isinara na naging dahilan upang mapaigtad ang mga nagbabantay na kawal sa labas.

Nang makalabas si Haring Julio ay nagkatinginan ang mga Ruiz at sabay-sabay na napabuntong-hininga. Lahat ay dismayado at kinakabahan sa mangyayari sa hinaharap ngayong ilang taon ng nawawala ang kuwaderno at may taong gumawa pa ng hakbang upang mapatay ang hari ng Silangan na matagal na nilang ginagawang sunod-sunuran.

Isa lang ang kanilang nasa isipan. May isang taong nagpaplanong pag-awayin silang lahat. At hindi malabong ang taong iyon ay hawak na ang pulang kuwaderno. Naunahan na sila.

**********

Napabuntong hininga si Sarina. Tulala ito sa kawalan habang nakatitig lamang sa dingding ng kanilang kwarto. Alas-diez na ng gabi at katatapos lamang ng kanilang nakakapagod na trabaho ngayong araw.

At ngayon ay wala siyang balak na lumabas dahil wala naman ang lalaking palagi niyang kasama sa lawa.

"Ikaw ay kanina pa tulala riyan. May kinakaharap ka bang suliranin?" Nagtatakang tanong ni Lando. Nakahiga na ito sa sahig at kunot-noong nakatitig sa kaniya.

"Wala naman. I-Iniisip ko lang kung ano ang nangyari sa hari," nahihiya at may kaunting pag-aalalang saad niya saka napabuntong hininga muli.

Napakunot naman ang noo ni Lando sa narinig. Nagtataka kung bakit mag-aalala ang kaniyang kaibigan sa haring kahit kailan ay hindi pa naman nila nakita o nakausap.

"Nag-aalala?" Naguguluhan nitong tanong.

Kaagad namang nanlaki ang mga mata ni Sarina sa napagtanto. Hindi nga pala alam ng kaniyang mga kaibigan na magkaibigan sila ni Alas na siyang hari ng kahariang ito.

"A-Ano... Syempre kapag nalagay sa alanganin ang hari ay maapektuhan din tayo. 'D-Di ba?" Palusot na lang niya saka napakamot sa kaniyang batok.

Napaisip naman si Lando saka ito marahang tumango. "Sabagay..." Saad nito saka ipinikit ang mga mata para matulog narin kagaya ng iba pa nilang kasama. "Huwag kang mag-alala. Ang narinig ko sa ibang tagapagsilbi kanina ay natanggal na raw ang lason sa katawan ng mahal na hari."

"LASON?!" Gulat na sigaw ni Sarina kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Hindi niya alam na nalason pala ito!

Ang tatlo nilang kaibigan na tulog na sana ay biglang nagising at kunot-noong napatingin sa kanilang gawi dahil sa sigaw na iyon. Napakunot naman ang noo ni Lando at idinilat ang mga mata.

"Napaka lakas ng iyong boses," napapailing nitong saad sabay irap.

"P-Pero... 'di nga... l-lason?" Naguguluhan at kinakabahang saad ni Sarina.

"Oo nga. Natanggal na nila ang maliit na karayom na bumaon sa batok ng Mahal na Hari kanina. Iyon daw ay naglalaman ng lason. Mabuti na lamang ay hindi ganoon kabilis kumalat ang lason na ginamit ng salarin. Ngunit nagawa parin niyon na iparalisa ang katawan ng ating mahal na hari kaya ito nawalan ng malay at nahulog sa hagdan." Paliwanag ni Lando saka pumikit ulit. Ganoon rin ang tatlo na muling napailing at natulog muli.

Natulala naman si Sarina sa hangin. Kaya pala bigla na lang napahawak si Alas sa batok nito kanina dahil tinamaan ito ng karayom.

Ibig sabihin lang ay may taong gustong pumatay kay Alas.

Dahil sa naisip niyang iyon ay kaagad siyang napalunok at napahawak sa kaniyang sintido dahil sa matinding pag-aalala. Mabuti na lamang ay natanggal na pala ang lason. Kung hindi ay siguradong nagpumilit pa siyang pumunta sa kwarto nito para tignan ang lagay nito.

Kaagad siyang natigilan at nanlaki ang mga mata dahil sa naisip.

Oo nga ano!

Bakit hindi siya magtungo sa kwarto ni Alas para makita kung totoong maayos na nga ito?

Kaagad siyang napangisi. Kailangan niyang makita si Alas ngayon din. Nag-aalala siya at kinakabahan sa naging lagay nito. Kahit pa sinabi na ni Lando na maayos na ito ay hindi parin siya mapagalagay dahil hindi niya pa ito nakikita sa personal.

Tiningnan niya ang mga kasama. At nang makitang mahimbing na itong natutulog ay dahan-dahan siyang tumayo at dahan-dahang naglakad palabas ng kusina.

Nang makalabas ay mabilis siyang tumakbo papunta sa palasyo habang palinga-linga sa paligid. Kakaunti lang ang mga guwardiyang rumoronda dahil ang karamihan ay nakabantay sa labas ng kwarto ng hari. Na siya namang pinakahuling option ni Sarina na dadaanan niya para makapasok sa kwarto ni Alas.

Nang may mamataang guwardiya sa 'di kalayuan ay mabilis siyang nagtago sa dingding. Nang makalagpas sa kaniya ang mga guwardiya ay mabilis siyang tumakbo ulit papunta sa hardin ng palayso kung saan sa tapat nito ay ang kwarto na ni Alas na nakapuwesto sa second floor ng palasyo.

Nalaman niya ang lugar na ito noong ituro ito ni Lando sa kaniya na siyang minsan tinatambayan daw ng dating reyna.

Nang mamataan ang mataaas na puno ay mabilis siyang tumakbo patungo roon. Tinignan niya ang mga sanga. Mas lalo siyang napangisi nang makita ang sangang patungo sa balkonahe ng kwarto ni Alas.

Nagpalinga-linga siya sa paligid at nang makitang walang taong umaaligid ay mabilis pa niyang inakyat ang puno. Hindi na siya nahirapan pa dito dahil noong high school siya ay hobby na niya ang pagnanakaw ng mangga sa likod ng kanilang campus.

Nang makaakyat sa puno ay maingat niyang tinulay ang malaking sanga na patungo sa balkonahe ni Alas.

"Masyado ka ng special, Alas. Tignan mo 'tong risk na ginagawa ko para lang makita ka." Nainis na bulong ni Sarina sa kaniyang sarili kasabay ng kaniyang pagtalon patungo sa balkonahe ni Alas.

Maayos naman siyang bumagsak doon. Kaagad siyang yumuko at gumapang palapit sa pinto upang hindi siya mamataan ng mga tao sa ibaba, in case na may dumaan.

Idinikit niya muna ang kaniyang tainga sa pinto ng kwarto ni Alas upang pakinggan kung may iba pa bang tao sa labas. At nang masiguradong walang ingay ng ibang tao ay dahan-dahan siyang pumasok.

Nang makapasok sa loob ay kaagad siyang binalot ng lungkot at pag-aalala. Bumagsak ang kaniyang kaninang nakangising mukha habang nakatingin sa kama ni Alas na ngayon ay natatakpan ng kulay pulang kurtina.

Walang ibang tao sa paligid. Wala ring ibang maririnig bukod sa mga yapak ng mga tagapagsilbing dumaraan sa labas ng kwarto ni Alas.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kama ni Alas at binuksan ang kurtinang nakatakip sa kama. Bumungad sa kaniya ang payapang natutulog na Alas na ngayon ay may benda sa ulo dahil sa sugat na natamo nito dahil sa pagkahulog nito sa hagdan. May maliit na tela ring nakadikit sa leeg nito na sa hula ni Sarina ay parte kung saan bumaon ang karayom.

Tinignan muna ni Sarina ang pinto ng kwarto bago siya umakyat sa malaking kama ni Alas at isinara ang kurtina upang kung may sumilip man mula sa labas ay hindi siya makikita.

Napabuntong hininga siya tininignan ang walang malay na si Alas. Hinawakan niya ang kamay nito na ngayon ay nanlalamig at namumutla. Maingat niyang hinawakan ang benda nito sa ulo na may mga bakas pa ng dugo.

Hindi siya nagsasalita pero ramdam niya ang mabigat na pakiramdam sa kaniyang dibdib na tila dinadaganan habang nakatitig siya sa payapang mukha ni Alas. Namumutla rin kasi ito dahil sa mga dugong nabawas dito at sa lason na kumalat sa katawan nito kanina lamang.

Muling napabuntong-hininga si Sarina at marahang hinaplos ang pisngi ni Alas. Ramdam niya ang malamig nitong balat na aakalain mong patay na kung hindi lamang ito humihinga.

"Anong ginawa mo sa akin, Alas?" Mahina niyang bulong sa lalake. "Nilalayo mo ata ako sa sarli kong paniniwala na sa babae lang ako makakaramdam ng ganito. Gimayuma mo siguro ako 'no?"

Marahan niyang hinaplos ang kamay nitong kanina niya pa hawak upang kahit papaano ay mabigyan ito ng init.

"Magpagaling ka ha. Hindi nakakaguwapo ang paghiga lang sa kama," mahina niyang biro kahit na siya lang naman ang nakakarinig.

Muli siyang napabuntong-hininga at tinitigan na lamang ang kabuoan ng mukha ni Alas na ngayon ay payapang natutulog
Aakalain mong walang dinadalang problema. Mahina at mabagal rin ang paghinga nito. Namumutla ang balat pati na ang labi nito.

Napatigil lamang sa pagtitig si Sarina nang marinig ang mga yabag sa labas at mahinang pag-uusap na pakiramdam niya ay dito sa kwarto ni Alas patungo.

"Fudge!"

Mabilis niyang dinampian ng halik ang noo ni Alas saka siya nagmamadaling nagtungo sa balkonahe ng kwarto nito at walang pag-iisip na tumalon pabalik sa sanga.

Napamali pa ang kaniyang hawak at muntik pa siyang mahulog. Mabuti na lamang ay mahigpit ang pagkakahawak ng isa niyang kamay sa sanga. Inangat niya ang kaniyang sarili at inabot ng isa niyang paa ang sanga saka siya naupod doon ng maayos.

Napatitig siya sa kwarto ni Alas. Maririnig doon ang mahihinang boses na sa palagay ni Sarina ay boses ng mga tagapagsilbi at boses ng dating reyna.

Napailing siya at tahimik na lamang na bumaba. Babalik na lamang siya bukas ng gabi. Hindi siya mapapanatag sa tuwing naiisip niyang kasama ni Alas ang mga taong dahilan din naman kung bakit nawala ang totoong pamilya ni Alas.

**********

Sorry sa late update! Naging busy sa school e. 🤧

Continue Reading

You'll Also Like

24.5K 804 24
I don't know who to love... ~ Y/N Samuel, please don't leave me, you're all I have ~ Rosé No one can take you from me. You're mine ~ Jennie Someone e...
914 306 22
Halina't maglakbay at sumama Patungo sa paaralan ng pantasya Kung saan pusod gubat ay iyong matatagpuan Mga kapangyarihan ay iyong masasaksihan At gu...
19.2K 315 38
Kai is something what You can say is a prodigy he always loved playing Soccer he found it fun that he was so much better than everyone one day he get...
68.9K 1.4K 54
Ask the seven a question and see their answers!! :)))) Started: April 25 2016 Ended: Sept. 13 2016 (updates will come if I find some more funny Qan...