The Royal Chef

By senoritaxara

21.5K 1.2K 317

Sarina Sandoval is a woman from the modern world, she is an aspiring chef from the Blue House. At a young age... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Training
Chapter 2: Azrael Luna
Chapter 3: The Triplets
Chapter 4: The Recipe
Chapter 5: The Palace
Chapter 6: Elimination
Chapter 7: First Day
Chapter 8: Alas
Chapter 9: Favorite
Chapter 10: Hilaga
Chapter 11: Hilaga (2)
Chapter 12: Hilaga (3)
Chapter 13: Hilaga (4)
Chapter 14: Dethroned Queen
Chapter 15: Sugalan
Chapter 16: Lawa
Chapter 17: Ghosted
Chapter 18: Goodbye
Chapter 19: Trip
Chapter 20: Kabaong
Chapter 21: Stars
Chapter 22: Pagbabalik
Chapter 23: Starvation
Chapter 24: Royal Kitchen
Chapter 26: Ruiz Clan
Chapter 27: Last Entry
Chapter 28: The Red Book
Chapter 29: King
Chapter 30: Banquet
Chapter 31: Unexpected
Chapter 32: Him
Chapter 33: Awake
Chapter 34: Regained
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Library
Chapter 37: Truth
Chapter 38: Help
Chapter 39: Plan

Chapter 25: Diary

363 31 6
By senoritaxara

[Chapter 25] 

Kinaumagahan ay mabilis na nagtrabaho muli ang lima pagkatapos nilang maligo sa ilog. Ngunit kahit na nagtatrabaho sila ay sinasalo ni Sarina lahat ng gawain kaya hindi maiwasang mapailing ng apat habang pinapanood siya ngayon na magluto ng pagkain para sa isang opisyal ng palasyo.

"Pogi, ikaw ba ay hindi napapagod? Aking napapansin na halos saluhin mo na lahat ng trabaho rito," saad ni Lando. Nakaupo ito sa tabi ni Santino na ngayon ay nakatitig lang din kay Sarina.

Napangisi nalang si Sarina habang naghihiwa ng karne sabay iling. "Dapat lang sa'kin 'to. Iniwan ko kayo ng tatlong linggo, dapat ko ring maranasan ang pagod na naranasan niyo sa loob ng tatlong linggong 'yon."

Napabuntong-hininga ang apat. Sa halos ilang oras nila rito sa kusina ay tig-iisang putahe palang ata ang naluto nila habang si Pogi ay halos pang-pito na. Palagi nitong inaako ang dumadating na utos mula sa itaas kaya heto sila ngayon, nakaupo sa isang tabi habang nakatingin kay Pogi.

"Ngunit, kailangan din naming gampanan ang aming tungkulin," ani Gomez habang pinapanood siya.

Muling umiling si Sarina. "Ayos lang ako. Kung pwede kayo nalang ang maghatid nito doon para maluto ko agad ang mga darating pang order mula sa taas."

Napailing na lamang ang apat at wala nang nagawa pa kundi ang tumango at panoorin na lamang siyang matapos. Alam nila sa kanilang sarili na walang makakapigil kay Sarina. Sa tinagal-tagal nilang magkakasama ay nalaman na nila ang ugali nito.

Iyon ay gagawin nito ang lahat magawa lang ang gusto nito. Kaya alam nila sa kanilang sarili na magsasayang lang sila ng laway kung susubukan nilang suwayin ang gusto ni Pogi.

**********

Kinagabihan ay nanghihinang napaupo si Sarina sa isang silya dahil sa matinding pagod. Kaagad naman siyang napansin ng apat at kaagad siyang nilapitan. Tinulungan siya nito makaupo ng maayos.

"Iyan ang sinasabi ko saiyo, hindi ba? Sa susunod ay hayaan mo kaming tumulong saiyo. Hindi mo kailangang pahirapan ang iyong sarili," sermon ni Lando habang inaabutan siya ng isang basong tubig.

"Dapat lang sa'kin 'to," natatawang saad ni Sarina habang iniikot-ikot ang kaniyang ulo dahil nanakit ang kaniyang batok. Sa totoo lang ay masakit lahat, pati na ang kaniyang paa at braso dahil sa ilang oras na pagkakatayo at pagbubuhat ng kaldero pati na ang pagpapaypay.

"Hindi, Pogi. Pinapahirapan mo lamang ang iyong sarili. Huwag mong isiping may kasalanan ka sa amin dahil ikaw ay walang kasalanan. Kung ano man ang dahilan ng iyong pag-alis ay wala na kaming pakealam pa roon. Ang mahalaga ay nandito ka, naiintidnihan mo ba?" Sermon din ni Santino na ngayon ay kinuha ang kaniyang braso at hinilot-hilot ito.

"Siyang tunay, Pogi. Wala kang kasalanan kaya hindi mo kailangang magbayad," ani rin ni Manuel na ngayon ay napapailing na iniikot-ikot ang kaniyang paa.

Nagmukha siyang Don na ganid sa pera at ngayon ay sinasamba at inaalagaan ng kaniyang mga alipin.

Kunwaring umaktong naiiyak si Sarina habang nakatitig sa apat na ngayon ay minamasahe ang kaniyang mga braso at paa.

"Nakaka-touch naman kayo masyado, mga bro," naiiyak niyang saad at kunwari ay nagpupunas ng luhang hindi naman makita.

Napailing naman ang apat at kunot noong tinignan siya. Hindi nanaman naintindihan ang kaniyang sinabi.

"Hindi nanaman namin maunawaan ang iba saiyong sinabi," saad ni Gomez.

Natawa nalang si Sarina at napangisi saka isinandal ang kaniyang likod sa sandalan ng upuan at hinayaan ang apat na masahein siya. Gumagaan ang kaniyang pakiramdam sa ginagawa ng mga ito kaya hindi niya maiwasang mapabuga ng hangin at mapapikit.

"Huwag niyo nalang intindihin 'yon. Isipin niyo nalang na ang gwapo ko," nakangisi niyang saad sa apat habang nakapikit at sinusulit ang kabaitan ng apat sa kaniya ngayon.

"Ang hangin," komento ni Santino dahilan upang mapatawa si Sarina habang nakapikit parin.

Namuo muli ang katahimikan. Nakapikit si Sarina habang ang apat ay minamasahe siya ng maigi.

"Kami nga ay iyong hindi pinahirapan sa pagluluto kanina. Ngunit pinahirapan mo naman kami sa pagmamasahe sa iyo ngayon," komento ni Gomez na ngayon minamasahe ang kaniyang binti.

Natawa si Sarina at idinilat ang kaniyang mata saka tinignan si Gomez na ngayon ay nakasimangot.

Napangisi si Sarina. "Ayos lang 'yan, dapat nga masaya ka pa kasi nagkaroon ka ng tsansa na mahawakan ang binti ng gwapong katulad ko na pinagpapantasyahan ng lahat ng tagapagsilbi rito." 

Natawa si Manuel samantalang napasimangot ang tatlo habang nakatingin sa kaniya ngayon.

"Ika'y hindi talaga mabubuhay nang hindi nagyayabang, ano?" Nakasimangot na saad ni Lando habang minamasahe ang kaniyang binti na nagiging dahilan naman upang mawala ang sakit no'n.

"May ipagmamayabang naman kasi," pagyayabang pa ni Sarina habang napapailing.

Nagkaroon naman ng violent reaction ang tatlo habang natawa naman si Manuel na ngayon ay lumipat at sinimulang masahein ang palad ni Sarina.

"Siyang tunay naman, mga kaibigan. Kung iyong kilala si Linda, nahuli ko siyang nagbabasa ng libro habang naglalaba sa may ilog— pfft HAHAHHAHAHAHA!" Hindi natapos ni Manuel ang gustong sabihin dahil bigla na lamang ito natawa.

Napakunot naman ang noo ng apat habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay namumula na ang mukha habang tumatawa parin na tila wala ng bukas.

"Sino 'yan?" Nagtatakang tanong ni Sarina.

"Bakit?" Nagtatakang tanong naman ng tatlo.

"N-Nakakatawa lamang... HAHAHAHAHA! S-Sapagkat, ang librong iyon ay naglalaman ng kwentong romansa patungkol sa isang tagapagsilbi na nahulog sa isang makisig at magiting na tagapagluto HAHHAHAHAHAHAHAHA!" Muli itong humagalpak sa tawa habang ang apat naman ay nagtatakang nakatingin sa kaniya ngayon.

"Ano naman kung ganoon nga?" Nagtatakang tanong ni Santino. Tumango rin ang tatlo na tila ganoon din ang gustong itanong.

"H-Hulaan niyo kung sino ang tagapagluto na iyon. Pfft!" Natatawang saad nito at napailing pa habang kagat-kagat ang labi upang maawat ang sarili sa pagtawa.

Napangisi naman si Sarina. Nahulaan na niya. Sa gwapo niya ba namang 'to? Imposibleng hindi siya ang laman ng librong iyon.

"Ako ba?" Nakangising saad ni Sarina.

"Siyang tunay HAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni Manuel habang tumatango pa.

Natawa nalang rin ang tatlo habang napangisi naman si Sarina. Hindi makapaniwala na ang kagwapuhan niya ay umabot na pala sa ganoong level. Pati sa kwento ay ginagawa na siyang karakter.

"Gusto kong mabasa," nakangising saad ni Sarina.

"Hayaan mo, hihiramin ko iyon kay Linda kapag natapos na lahat lahat ng tagapagsilbi na basahin ang nobelang iyon!" Suportadong-suportado ito sa kahanginan niya.

"Lahat ng tagapagsilbi?" Naguguluhang tanong ni Gomez.

"Oo, pinagpapasapasahan at iniingatan ang librong iyon sapagkat iisang kopya lamang iyon at bagong gawa lamang. Kapag tapos na basahin ng isa ay ipapasa naman ito sa isa," natatawang saad ni Manuel habang napapailing pa.

"Iba ka, Pogi. Halos lahat ata ng tagapagsilbi rito ay nabihag mo na," natatawang saad ni Santino.

"Hindi na ako magtataka kung bakit pati ang dating reyna ay nabihag mo rin," bulong ni Gomez na silang lima lamang ang makakarinig dahilan upang magtawanan silang lahat maliban kay Sarina na biglang napasimangot.

Sabi na e. May expiration ang kabaitan ng apat na ito sa kaniya. Kagaya nalang ngayon, binubully nanaman siya at shiniship sa dating reyna na halos lola na niya.

"Magtigil nga kayo," napapailing na saad ni Sarina at pumikit ulit dahilan upang magtawanan ang apat at mag-apiran na si Sarina pa ang nagturo sa kanila.

Sa ganitong paraan lamang sila nananalo kay Pogi.

**********

Nang makatulog na ang apat ay maingat namang tumayo si Sarina bitbit ang mahiwagang notebook ni Azrael. Tutal ay hindi mahanap ang susi nito, sisirain niya nalang ang padlock.

Kung hindi madaan sa santong dasalan, idadaan nalang niya sa santong paspasan.

Naghanap siya ng matinong martilyo sa kusina. Ngunit lumipas na lamang ang ilang minuto ay wala siyang nahanap na martilyo kaya nagtungo na lamang siya sa lawa para maghanap ng malaking bato na pwedeng makasira sa padlock ng notebook ni Azrael.

Habang papunta sa lawa ay nakasalubong niya pa ang mga guwardiyang nakasama niya papunta sa kaharian ng Hilaga. Kaunting kamustahan lang ang naganap at nagkawayan na muli sila at nagsibalik sa kanilang kaniya-kaniya trabaho.

Pagdating ni Sarina sa lawa ay wala pa roon ang lalaking katatagpuin niya ngayong gabi para isama papunta sa bahay-aliwan. Kaya pinili na lamang niyang maghanap ng bato upang habang naghihintay kay Alas ay may pagkaka-abalahan siya.

Nakailang ikot pa siya sa gilid ng lawa hanggang sa makakita na siya ng bato malapit sa pampang. Malaki ito at tama lang para mahawakan niya at maiangat. Kaagad niya itong nilapitan at kinuha.

Pumwesto siya sa inuupuan nila ni Alas tuwing gabi saka inilapag ang mahiwagang notebook ni Azrael at malakas na pinukpok ang padlock sa gilid ng kuwaderno na siyang nagiging harang upang hindi ito mabuksan.

Pinukpok niya ulit ito ngunit walang nangyari. Inulit niya pa ang malakas na pagpukpok dito ngunit kahit na anong gawin niya ay wala paring nangyayari.

Inulit niya pa ang kaniyang malakas na pagpukpok rito hanggang sa napahinga siya ng malalim at nanghihinang binitawan ang bato. Pinunasan niya ang pawis na tumulo mula sa kaniyang sintido.

Hindi niya nasira ang padlock, pero nagkaroon na iyon ng maraming gasgas dahil sa pang-aabuso niya rito.

Naiinis na tinignan niya muli ang notebook. Pinatayo niya ito upang pukpukin muli. Napahinga siya ng malalim at malakas na pinukpok ang hugis parisukat na siyang lock upang mapabitaw ito sa kuwit na hugis baliktad na 'U' upang tuluyan niyang mabuksan ang notebook.

Nagulat siya nang makitang bumaba ng kaunti ang lock. Mabuti nalang talaga ay low quality ang padlock na ginamit dito. Kaagad siyang nabuhayan ng pag-asa at muling pinukpok ang padlock. At sa pang-ilang pagkakataon ay muli itong bumaba. Patuloy lamang siya sa malakas na pagpukpok dito hanggang sa mangalay na ang kaniyang braso.  Ginaganahan si Sarina sa pagpukpok hanggang sa tuluyan na ngang bumitaw ang parisukat na lock sa kuwit nitong hugis baliktad na 'U'.

"Finally!" Masayang hiyaw niya sabay yakap ng mahigpit sa notebook. Nagmumukha na siyang nasiraan ng ulo habang humahagikhik na yakap-yakap ang libro.

Matapos magdiwang ay nakangiti nang malapad na binuksan niya ang notebook. Kagaya nga ng hula niya, diary ito ni Azrael.

Azrael Luna
Ipinanganak noong Ika-7 ng Marso 1795
Anak ng dating Heneral Mikael Luna at Almira Cortes-Luna
Nakatira sa kaharian ng Silangan, ika-unang distrito

Iyan ang unang bumungad kay Sarina nang buksan niya ang cover ng notebook. Muli niyang inilipat ang kasunod na pahina. Kagaya nga ng ibang mga bata, ang laman ng diary ay patungkol lang sa mga masasayang naranasan ni Azrael. Kasama na roon ang pakikipaglaro niya sa triplets noong mga bata pa lamang sila. Kasama rin sa diary kung gaano siya nagpapasalamat sa kaniyang Papa na walang sawa siyang inaalagaan.

Pareho ng ibang bata, nakapaloob din sa diary ni Azrael ang pangarap nitong maging isang mananahi at magkaroon ng sikat na tindahan ng mga damit o boutique.

Ika-7 ng Marso, 1810

Magandang gabi aking tala-arawan,

          Dinala ako ni Ama sa isang sikat na tindahan ng mga damit kanina sapagkat ngayon ang aking ika-15 kaarawan! Napakasaya ko! Dumalo ang aking mga pinsan sa aking kaarawan at nagkaroon kami ng munting salo-salo. Bukod pa roon ay napakasaya ko sapagkat ngayong araw ay nagkaroon na ako ng pangarap na aking tutuparin sa aking paglaki. Nais kong magpatayo ng isnag sikat na tindahan ng mga damit na ako mismo ang gumuhit at nag-disenyo! May pangarap na ako! Paglaki ko, sisiguraduhin kong magiging sikat at tagumpay ang patahian ko.

Azrael

Hindi namalayan ni Sarina na lumuluha na pala siya habang binabasa ang laman ng diary ni Azrael. Nalulungkot siya at naaawa. Kailanman ay hindi na matutupad pa ang pangarap na iyon ni Azrael dahil wala na ito.

Sumiklab sa kaniyang puso ang pagnanais na matupad ang pangarap ni Azrael. "Hayaan mong ako ang magpatuloy at tumupad sa boutique na plano mo, Azrael."

Nang marinig ang mahihinang yabag palapit sa kaniya ay mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at kaagad na isinara ang diary ni Azrael.

Tumayo siya nang makita ang lalaking kanina niya pa hinihintay. Hindi kagaya noong mga nagdaang araw na pormahan nito. Ngayon ay nakasuot nanaman ito ng maruming damit at puno ng tahi. Ang mukha rin nito ay may bahid ng uling na sa tingin ni Sarina ay sinadya nito.

Napaatango si Sarina sa kaniyang isipan. Ah, gets ko na. Ang uling sa mukha ni Alas sa tuwing gumagala ay props lang pala.

Napailing siya. Hindi siya makapaniwala na ilang beses na pala niyang sinira ang props ng lalaking ito dahil sa tuwing nagkikita sila ay pinupunasan niya ang mukha nito at pinapaalala rito na dapat stay gwapo lang silang dalawa.

"P-Pogi, kanina ka pa?" Tanong ni Alas nang makalapit na ito sa kaniya.

Ngumiti si Sarina at tumango. Pansin niya ang biglaang pamumula ng mukha ni Alas nang magtama ang kanilang mga mata. Bigla na lamang itong napayuko at napakamot sa batok dahilan upang mapakunot ang noo ni Sarina.

"P-Paumanhin, a-ako'y nagpalit pa ng damit," nahihiya nitong saad.

Natawa nalang si Sarina at umiling. Yakap-yakap niya parin ang diary ni Azrael. Inakbayan niya si Alas kahit na mas matangkad ito sa kaniya.

"Ayos lang." Ngumisi siya rito at kinindatan ito nang makitang nakatingin ito sa kaniya. "Baliktad ka 'no? Kapag nasa palasyo sobrang ganda ng suot mo, kapag nasa labas ka naman halos magmukha kang taong palaboy-laboy lang sa kalsada."

Mas lalong namula si Alas at napaiwas ng tingin. "K-Kailangan upang ako'y hindi kausapin ng mga tao."

Natawa nalang si Sarina at ginulo ang buhok nitong dati ng magulo dahil parte ng props nito.

"Mauna ka na sa labas, may kukunin lang ako," saad ni Sarina saka mahinang tinapik ang ulo nito.

Kita niya ang saglit na pagnguso ni Alas na tila hindi sangayon ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ay nakangiti na ito at mahinang tumango.

"S-Sige..." Nahihiya nitong saad. Ang mukha nito ay namumula parin habang naglalakad ito palayo.

Napailing nalang si Sarina habang pinagmamasdan ang lalaki. Ang akala niya ay tutungo ito sa gate ng palasyo ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata nang bigla na lamang itong bumwelo at mabilis pa sa alas-quatro na tumakbo sabay tumalon sa isang malaki at mataas na bato at nang lumanding doona ay tumalon ulit hanggang sa malagpasan nito ang napakataas na bakod ng palasyo.

Naiwang nakanganga ang bibig ni Sarina sa nakita. Hindi makapaniwala. Sa taas ng bakod na 'yon ay hindi siya makapaniwala na magagawa itong lagpasan ni Alas nang hindi lamang humahawak o dumidikit ang puwet sa tuktok ng bakod.

Hindi siya makapaniwala na ang iyaking 'yon ay may tinatago palang talento. Ang iyaking iyon ay napakarami pa palang tinatagong talento.

Isinara na niya ang kaniyang bibig saka siya napalunok habang nakatulala parin sa bakod na tinalunan ni Alas. Ngayon niya lang napagtanto na napaka-misteryoso pala ni Alas. Wala siyang ibang alam na impormasyon dito bukod sa pagiging iyakin at sa pangalan nito. Kahit nga apilyido at pinagmulan nito ay hindi niya alam. Masyado itong misteryoso at mapaglihim.

"Seriously, ano pang tinatago mo?" Mahina niyang bulong sa hangin at nagsimula nang maglakad papunta sa kwarto nila upang itago ang diary ni Azrael.

**********

Hindi kagaya ni Alas. Si Sarina ay dumaan sa gate ng palasyo at pinakita ang kaniyang ID dahil kung gagawin niya ang ginawa ni Alas ay siguradong bali-baling buto ang makukuha niya. Sigurado siyang kapag tumalon siya roon ay hindi niya maabot ang kalahati ng bakod kaya huwag na lang.

Nang makarating sila sa bahay-aliwan ay kaagad niyang naramdaman ang pagbigat ng kaniyang damit kaya napatingin siya roon. Doon niya nakita ang kamay ni Alas na mariing nakahawak sa laylayan ng kaniyang damit na tila isang batang ayaw mapag-iwanan.

"Ayos ka lang?" Nagtatakang tanong niya saka hinawakan ang kamay nito upang siguradong hindi ito mahihiwalay sa kaniya.

Pilit ang ngiting tumingin ito sa kaniya sabay tango. Nagpatuloy na muli sila sa paglalakad hanggang sa makapasok sila sa opisina ni Orman, ang may-ari ng bahay-aliwan.

Kagaya noong nakaraan. Napapaligiran muli ito ng mga babae.

Tumikhim si Sarina habang hawak parin ang kamay ni Alas. Nakuha nila ang atensyon ng mga tao sa loob. Napatitig ang mga ito sa kaniya.

Si Orman ay biglang napangisi nang malapad habang nakatingin sa kaniya. Ang mga babae naman ay mabilis na napangiti at akmang tatakbo na palapit sakaniya ngunit kaagad na napatigil ang mga ito nang pandilatan ni Orman.

Napangisi nalang si Sarina sabay kindat sa mga babae na kaagad namang napakagat-labi sa kilig dahil naririto na ang pinaka-paborito nilang suki.

"Ahahay! Ang aking paboritong suki!" Masayang saad ni Orman. Nasa isipan nito na makakatanggap muli siya ng malaking salapi sa ginoo kaya kailangan niyang maging mabait dito.

Ngumisi lang rin si Sarina sabay tango at hinintay itong makalapit. Nang makalapit na ang lalaki ay kaagad itong yumukod ng kaunti upang magbigay galang.

"Masaya akong nakita ka muli!" Saad nito at itinaas ang isang kamay upang siya ay yakapin gamit lamang ang isang kamay dahil ang isa ay may hawak na tobacco. "Mabuti naman at muli kang buma—Arghkkk!"

Napakunot ang noo ni Sarina dahil sa biglaang pamimilipit sa sakit ni Orman. Mabilis siyang napatingin sa kaniyang tabi.

At doon, nakita niya ang malamig at walang emosyong mukha ni Alas na ngayon ay madilim ang mga matang nakatitig kay Orman.

Kaagad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang kaliwang kamay ni Alas. Hawak nito nang mahigpit ang kamay ni Orman na halos mabali na ang kamay.

"Alas! Anong ginagawa mo?!" Gulat na tanong niya sa lalaki saka niya mabilis na inagaw ang kamay ni Orman mula sa pagkakahawak ni Alas.

Nang mapatingin sa kaniya si Alas ay bigla na lamang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito saka ito napayuko.

"P-Pasensya na..." Mahina nitong bulong sa hangin na si Sarina lamang ang nakarinig.

Napabuga na lamang ng hangin si Sarina at marahang ginulo ang buhok nito. "Mag-uusap tayo mamaya. Magpapaliwanag ka sa akin," bulong niya rito saka nilingon si Orman na ngayon ay namimilipit parin sa sakit.

Hindi niya maintindihan kung bakit nito ginawa 'yon. Bigla-bigla nalang mandudurog ng kamay!

"Punyeta! Walang hiya kang pulubi ka!" Sigaw ni Orman at akmang hahampasin si Alas ngunit kaagad na naiwan sa ere ang kamay nito dahil maagap na nahawakan ni Alas ang pulso ng lalaki bago pa siya masampal. "Bitaw! Pulubi! Wala kang karapatang hawakan ako! Isa kang hamak na pulubi!"

Kaagad namang nilapitan ni Sarina ang dalawa at hinila si Alas saka itinago sa kaniyang likuran nang akmang susugod muli si Orman.

"Pasensya na. Kakausapin ko nalang siya mamaya." Mahinahong saad ni Sarina saka ibinigay kay Orman ang limang pouch ng pera na nakapaloob sa kaniyang malalim na bulsa. "Pasensya na talaga."

Kaagad namang kumalma si Orman at kaagad na napangiti nang mapatingin kay Sarina.

"Maraming salamat." Nang tignan nito si Alas ay nagbigay ito ng matalim na tingin. "Palalampasin ko ito sa ngayon, pulubi."

Napangiwi nalang si Sarina. "Akin na lahat ng babae rito. Pero mamaya mo na sila papuntahin sa kwarto namin dahil kakausapin ko pa ang isang 'to."

Ngumiti lang si Orman kay Sarina. Parang nakalimutan na kaagad nito ang ginawa ni Alas kanina dahil malawak na ang ngiti nito habang yakap-yakap ang pera. "Maaari kayong magtungo sa ika-limang silid."

Ngiti lang ang tugon ni Sarina at mabilis na hinila si Alas palabas ng silid na iyon.

Nang makarating sila sa silid na rinentahan ay mabilis na nilingon ni Sarina si Alas na ngayon ay nakayuko.

"Alas, magpaliwanag ka."

"P-Paumanhin... G-Ginawa ko lamang iyon sapagkat ika'y kaniyang yayakapin ng walang pahintulot."

Napaawang ang labi ni Sarina sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan ang ganoong rason ni Alas. "Pero hindi mo dapat siya sinaktan ng ganoon. Muntik mo nang madurog ang kamay niya."

Hanggang ngayon ay nagugulat parin siya sa ginawa ni Alas kanina. Sa lakas ng kamay nito at higpit ng kapit nito sa kamay ni Orman ay halos madurog na nito ang kamay ng lalaki kanina.

"P-Paumanhin... H-Hindi ko napigilan ang aking sarili."

Napabuga nalang ng hangin si Sarina. Muli niyang ginulo ang buhok nito. "Huwag mo nang uulitin 'yon."

Tahimik namang tango ang tugon ni Alas.

Maya-maya pa ay pumasok na nga ang mga babaeng nirentahan ni Sarina. Ang kaninang kakaibang atmosphere ay naglaho at napalitan ng kilig.

Kaagad namang ngumisi si Sarina sabay dipa ng kaniyang mga braso upang salubungin ang mga babae.

"Come to mommy, my babies!" Hiyaw niya.

"Kyaaaaahhhhhhhh!" Nag-unahan naman sa paglapit ang mga babae habang tumitili. Hindi nila maiwasang kiligin at masabik sa ginoong ilang linggo nilang hinintay.

**********

Lumipas ang isang oras at tanging hagikhik lamang ni Sarina at boses ng mga babae ang maririnig sa loob ng silid. Halos mapuno na ang mukha ni Sarina ng lipstick dahil sa walang sawang paghalik sa kaniya ng mga babae.

"Ginoo, tikman mo ito." Saad ng isang babae at itinapat sa kaniyang bibig ang isang piraso ng ubas.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Sarina at malugod na nginanga ang kaniyang bibig upang masubuan siya ng pagkain.

"So cute mo talaga," kinikilig na saad ni Sarina sabay mahinang pindot sa ilong ng babae na kaagad namang namula at kinilig kahit na hindi naintindihan ang kaniyang sinabi.

Napatingin si Sarina sa kabilang dulo ng mesa. Doon nakita niya si Alas, kunot ang noo. Malamig ang ekspresyon sa mukha at marahas na inaagaw ang braso sa mga baba na sinusubukang yumapos at lumingkis dito.

Napangiwi si Sarina habang pinagmamasdan ang senaryo sa kabilang dulo. Ibang iba sa nangyayari sa kanila ngayon. Naghati sila ng mga nirentahan nilang babae para magsaya pero mukhang hindi ganoon ang nararamdaman ni Alas ngayon. Bukod pa roon ay nakakapagtaka ang ekspresyon ng mukha ni Alas.

Where's my cutie patotie Alas?

Sapagkat ang nakikita niya ngayon ay tila isang taong masungit at mainitin ang ulo. Sobrang lamig rin ng ekspresyon ng mukha nito. Ngunit ipinagsawalang bahala na lang niya ito dahil baka may problema lang ito o 'di kaya naman sadiyang naiinis lang dahil sa mga katabi nitong babae.

Patuloy niyang pinagmasdan si Alas. Marahas nitong pinagtatabuyan ang mga babae. Pilit inilalayo ang mga braso na pilit niyayapos at nililingkis ng mga babae. Hindi nagsasalita si Als ngunit mahahalata naman sa mukha nito ang matinding inis at pagkadisgusto kahit na walang emosyon ang mukha nito.

Nang magtama ang mga mata nila ni Alas ay nakita niya kung paano sumigla ang mukha nito at kaagad na nagbigay ng maliwanag na ngiti sa kaniya.

W-What? K-Kanina lang sobrang lamig niya ah.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sapagkat kanina lang ay blangko ang ekspresyon ng mukha nito tapos ngayon ay tila biglang nagkakulay.

Umiling naman si Alas bilang sagot. Ang mga mata nitong nandidilim kanina ay biglang umamo habang nakatingin sa kaniya na tila nagmamakaawa na ilayo na ang mga babaeng pilit yumayapos sa kaniya ngayon.

Napangiwi nalang si Sarina at pilit na ngumiti. Naaawa siya rito pero may mission pa siyang dapat gawin. Kailangan niyang patunayan na babae parin ang gusto niya at hindi siya nahuhulog kay Alas!

"Sulitin mo na, Alas. Ngayon lang 'to," ngisi niya rito saka muling ibinaling ang atensyon sa babaeng nakangiti sa kaniya ngayon.

Napatitig siya sa namumulang labi ng babaeng nakangiti sa kaniya ngayon. Napalunok siya at napatitig sa mga mata ng babae. Bakas roon ang tuwa at pagnanasa lalo pa noong pakatitigan niya ang labi nito.

Maganda ang babae. Kung tutuusin ay ito ang pinakapaborito niya sa lahat. 

Kahit na hindi niya kasintahan ang babae ay wala na siyang pakealam. Isa lang ang paraan na pumapasok sa isipan niya upang mapatunayan na babae parin ang gusto niya. At iyon ay ang... halikan ang babaeng ito.

Rinig ni Sarina ang pagtawag sa kaniya ng iba pang babae ngunit napako na ang kaniyang mga mata sa nakakaakit na labi ng babae sa kaniyang harapan. Marahan niyang hinawakan ang pisngi nito at unti-unting inilapit ang kaniyang mukha rito.

Nakita niya ang pagpikit nito na tila hinihintay na lamang na magdikit ang kanilang mga labi. Patuloy lamang sa paglapit ang mukha ni Sarina. At nang maglalapat na ang kanilang mga labi ay isang malakas na tunog ng basong itinapon ang kanilang narinig dahilan upang maudlot ang kanilang moment at sabay na napalingon sa kabilang dulo.

"Paumanhin, dumulas sa aking kamay," walang emosyong saad ni Alas habang nakatitig ang nandidilim nitong mata sa babaeng akmang hahalikan ni Sarina.

Napabitaw si Sarina sa babae saka niya nilingon ang basong tumilapon sa kabilang dingding dahil dumulas daw sa kamay ni Alas.

Nagtatakang napatingin na lamang si Sarina sa basong dumulas daw sa kamay ni Alas saka niya tinignan ang may sala. "May problema ba?"

Nang mabaling sa kaniya ang paningin ni Alas ay kaagad na naglaho ang walang emosyon nitong ekspresyon at napalitan ng hiya at nakangusong labi. Kaagad itong umiwas ng tingin saka mabilis na tumayo palapit sa kaniya.

Nais sanang magtanong ni Sarina ngunit hindi na siya nakapagsalita pa dahil bigla na lamang siyang hinawakan ni Alas sa braso at kinaladkad palabas ng silid na iyon. Rinig pa nila ang pagtawag sa kanila ng mga babae sa loob ngunit tila walang naririnig si Alas dahil patuloy lamang ito sa paglalakad.

"H-Hoy! A-Ano ba, Alas!" Pagpupumiglas niya rito ngunit tila wala itong naririnig at patuloy lamang sa paghila sa kaniya. Wala rin namang naging epekto ang pagpupumiglas niya dahil mas malaki sa kaniya si Alas at malakas ito sa kabila ng mahiyain at cute nitong pagkatao.

Nang makalabas na sila sa bahay-aliwan ay kaagad na siyang binitawan ni Alas. Nakayuko na ito at nakatalikod sa kaniya.

"Alas—"

"Dumulas ang baso sa aking kamay," putol nito sa kaniya. Malamig ang boses nito at hindi parin siya nililingon. "Ikaw ay aking hinila paalis sa lugar na iyon sapagkat mag-aalas-dose na. Baka ikaw ay masaraduhan pa ng tarangkahan," dugtong nito. Hinawakan nito ang kaniyang braso at walang pasabing hinila siya nito habang tumatakbo ito ng mabilis.

"TEKA! HOY GUSTO MO BA AKONG MADAPA?!" Hiyaw niya dahil halos masubsob na siya sa kalsada kung hindi lang siya hawak ni Alas sa kaniyang braso.

**********

Continue Reading

You'll Also Like

49.1K 1.1K 20
After a girl born in the country moves to UK she notices her next door neighbor is the one and only Tommyinnit. She falls in love with him and she th...
1.3K 65 22
Thousands of another life, Queen of the Forgotten tribe
30.6K 355 6
Im cold Im ruthless I have no weakness or blind spots And im a badass princess Hi im min yeolgi with my twin bro min yoongi are called Suicide twins...
15.7K 286 8
Its december 13, 1999 in trinidad when the beautiful princess , perrie jane was born an stolen shortly after by a lady named Lily .14 years after the...