Denying Affinity (Affinity #1)

By kissmyredlips

3.6M 100K 13.1K

To love is to sacrifice. Iyon ang paniniwala ni Avis Magdalene Sebastian. She believes that love is doing eve... More

Prelude
Sugar and Mint
Virgin
Unsafe
Walang Paki
Forbidden Fruit
Dump Him
Kahapon
Meant To Be
Can We Date
Missed
I Don't Mind
Fun
Montero Sport
Backseat
Hung Up
Maybe I Could
I'll Reply
Prioritize You
Button Up
Make Me Mad
Next Time
It's Positive
Papasok
Come With Me
Binabaliw
Jealous and Insecure
Let Him Go
What's This Feeling
Hindi Tayo Pwede
All You Want
My Boyfriend
Secret Girlfriend
Won't Approve
To Sacrifice
Akala Ko Ako
Fight For You
He Kissed
Dumampi
End
Epilogue

Manliligaw

70.9K 2.3K 220
By kissmyredlips

I didn't thank Luke. Pagkarating sa tapat ng bahay ay inabot ko ang susi ng Volkswagen Beetle ko at walang paalam na lumabas ng kotse niya. Hindi ko matiis na makasama pa silang dalawa sa isang confined space. Kung ko lang alam na physical akong masasaktan ay baka kanina pa ako tumalon palabas ng kotse. 

I didn't like hearing them talk. I didn't like seeing them together. They were too comfortable with each other. It made me feel bitter. 

Bilang ganti kay Les ay kinuha ko ang paboritong damit niya para itago. She deserves it for scheming such thing. Mahilig talaga mag manipula si Les kahit bata pa lang siya. Sanay na ako pero hindi ibig sabihin ay gusto ko na ako ang subject for entertainment niya.

Pagkaakyat sa kwarto ay itinulog ko na lang ang paninikip na nararamdaman sa puso ko. Ayaw kong pagtuunan iyon ng pansin. Kapag pinag-isipan ko kasi ay baka hindi ko lang magustuhan ang dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko.

Sinubukan akong kulitin ni Les buong dinner pero wala ako sa mood na sakyan ang mga kalokohan niya kaya nanahimik lang ako. Tinanong ako ni Mommy kung may problema ba at tipid lang ang naging sagot ko.

Maaga akong umakyat ng kwarto, naglinis, at nagpalit ng komportableng damit pero kahit anong pikit ang gawin ko ay hindi ko magawang makatulog.

Idinilat ko ang mga mata at mabilis na inabot ang phone sa gilid ng kama. I opened my messages and tapped the new message icon.

Me:
Pick me up at our house. Monday. 2PM. -Avis

I sent it to Kellan Aguirre and  it was minutes later when I finally managed to fall asleep.

Naging mabagal ang pagtakbo ng weekends para sa akin. It was like the whole world was flipped and all of the sudden, Luke Dashiel was everywhere. Kung nung first three days ay hindi ko siya nakita, kahit saan naman ako magpunta nung Saturday ay nandoon siya. The only consolation was that the girl he was with when he picked me up was nowhere to be seen.

Pinipilit ko na huwag siyang tingnan sa tuwing magkakasalubong kami. Kapag hindi ko naman mapigilan ang sarili ay nakikita ko na mukhang hindi naman niya alam na nasa paligid lang ako.

Sinabi ko kay Savion ang tungkol sa date namin ni Kellan. She grinned widely and wiggled her eyebrows the moment I said it. "I've heard good things about Kellan. He's a nice guy. Gentleman daw. He'll be a good diversion for you."

"What do you mean?" tinaasan ko siya ng kilay at kumindat lang siya sa akin bago ako iniwan sa table para pumunta sa stall na bibilhan niya ng pagkain.

Wala pa rin ang sasakyan ko hanggang ngayon. Sinabihan ko na si Les na tanungin si Luke Dashiel tungkol doon at um-oo lang siya sa akin pero wala pa rin akong balita. Nakasabay lang ako kay Savion kaya siya rin ang naghatid sa akin sa bahay. Tinukso niya ako ng goodluck bago ipinaharurot ang sasakyan. Kahit na hindi niya na makikita ay umirap pa rin ako.

Savion is really like my sister. Yun nga lang ay siya mana sa Daddy niya, habang si Les naman ay mana sa kay Mommy. Some genes. I'm so glad I inherited my father's personality.

Naabutan ko si Les na palabas ng kitchen at may hawak na isang pint ng icecream na may kutsara na nakapasok sa loob. Umangat ang dalawang kilay niya nang makita ako. "Oh, you're early."

"I'll be going out. Just gonna change my clothes."

"Hm? Saan punta?" kinuha niya ang kutsara at sumubdo ng ice cream. Sumabay siya sa akin sa pag-akyat ng hagdan.

"With that guy from that night... Kellan Aguirre?" Huminga muna ako ng malalim bago tumango sa kapatid ko. Bahagyang napanguso siya. "Why are you dating all of a sudden?"

"He asked me out." simpleng kumibit balikat ako.

"So... if someone asked you out, papayag ka?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Only if I like him." tumigil si Les sa paglalakad kaya pati ako ay huminto rin. Tiningnan ko siya.

"Wehhhhh?" inilapit ni Les ang mukha niya sa mukha ko. Umirap ako at hinawi siya para makaraan at nauna nang maglakad paakyat.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Kellan at sa tingin ko ay hindi tama na tanungin siya kung saan kami pupunta. Pinili ko na lang ang safe na outfit. Black skinny jeans at white na mesh chiffon halter top. Sa likod ay may zipper at kalati lang ng ibabang parte ang natatakpan ng tela.

I let my hair down, applied make up and finished the look with some lip gloss. Isinusuot ko pa lang ang itim na stilettos ay tumunog na ang phone ko. Hindi ko na kailangang tingnan pa kung sino iyon dahil sigurado ako na si Kellan lang ang tatawag sa akin.

"Hey, nandito na ako sa labas." malalim ang boses nito.

"Alright. Lalabas na ako." pinatay ko ang tawag at nagmamadaling kinuha ang shoulder bag na bagay sa suot para ilagay ang mga dadalhin. Nang makaayos ay dumeretso na ako palabas ng mansion.

Kellan was wearing a plain long sleeves gray t-shirt and skin tight dark jeans. He was hot. Well, what do I expect? I already knew that. Malakas ang appeal dahil sa magaling pumorma pero mas nakadagdag sa appeal niya ang pagiging half-blooded. Hindi na rin masama na matangkad at maganda ang katawan niya.

The whole ride was spent with Kellan asking me questions. Para akong sumasagot ng slam book dahil sa mga tanong niya. Kahit maliliit na bagay ay itinatanong niya pa rin.

Eto pa lang ang pangalawang araw na magkasama kami pero nakikita ko na sa kanya kung gaano niya ako ka-gustong i-please. It was a very familiar personality. My jaw clamped as I quickly dismissed the thought.

"Mall of Asia tayo?" tanong ko kahit na obvious naman dahil patungo na kami sa loob na parking lot. Nakatingin ako sa kanya habang siya ay nasa daan lang ang tingin.

Nahihiyang ngumisi siya. "Too predictable?"

"It's okay." kumibit balikat ako. "Matagal na rin naman akong hindi nakakapunta dito."

Kellan had a plan. Hindi na niya ako tinanong kung saan ko gusto pumunta. Nag-usap lang kami ng tungkol sa pagiging soccer player niya habang naglalakad. Huminto siya nang makarating kami sa tapat ng bilihan ng tickets para sa ice skating.

Lumingon ako sa paligid, naghahanap ng ibang puwedeng katapat ng hinintuan niya pero ang layo ng ibang stalls mula sa bilihan ng ticket. Shit. "Dito tayo?"

"Yup! Do you know how to?" nakangiting tanong niya sa akin.

Umuwang ang labi ko at dahan-dahan na umiling. "I've never tried... Lagi ako inaasar ng kapatid ko, says that it's my habitat because I'm such an Ice Queen, kaya iniiwasan ko ang ganitong lugar."

Napangiti si Kellan sa sinabi ko. I think he's smiling because I've shared something less-slam book material to him. "Come on, tuturuan kita."

"I don't know..." I was hesitant because I'm positive that I would end up falling on my ass just like the others.

"I promise I'm gonna hold your hand tight. I won't let you fall, don't worry."

Nangungumbinsi ang mga mata ni Kellan. Sa huli ay pumayag din ako. Just to experience it. Tutal ay wala naman ang alaskador kong kapatid para asarin ako.

Hawak-hawak ni Kellan ang dalawang kamay ko habang tinituruan. Minsan ay bibitawan niya ako para subukan kong mag-isa. Kellan chuckled when I fell twice. I smiled both times to hide my embarrassment.

Nang bumilis na ako ay sinubukan kong libutin ang ice skating rink mag-isa. First instinct ko na bilisan ang pag-ice skate nang makita si Kellan na may ilang layo sa likuran ko at mukhang plano akong habulin.

Kahit na sanay na ako ay naabutan pa rin ako ni Kellan. Hinawakan niya ang dalawang kamay at hinila patungo sa kanya. Napahalakhak siya nang makita akong sumimangot sa pagkakahuli sa akin.

"Your hands are cold." sumimangot siya at binawi ko naman agad ang mga kamay ko. "I'm sorry. Hindi ko agad naisip na nilalamig ka na."

"It's okay. I'm not that—" Hinawakan ni Kellan ang laylayan ng suot niya para hubarin iyon. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya sabay napatingin sa paligid. May ilan na nakatingin pero marami naman ang walang paki.

Nang ibalik ko ang tingin kay Kellan ay nakita na may suot naman pala siyang puting shirt sa loob. I was able to breathe out in relief for that. Inabot niya ang damit sa akin pero umiling ako. "I'm not that cold."

"You're wearing a halter top that's barely covering your back. All because I didn't give you a hint kung ano ang pwedeng isuot. I'll feel guilty if you'll not wear it."

"Kellan..." I weakly protested.

Maayos na hinawakan niya ang damit at inangat iyon sa ibabaw ng ulo ko. Tiningnan niya ako, hinihintay ang pagpayag ko. I sighed an 'okay' and he grinned. Siya na ang nagsuot sa akin ng damit. Tinulungan niya ako sa magkabilang sleeves.

Malaki sa akin ang damit niya. It falls a few inches of my inner thighs. Yung sleeves naman ay halos lampas na sa kamay ko kaya kinailangan ko iyong i-fold ng kaonti. It was warm and comfortable. Tsaka ko lang napansin na nilalamig nga ako.

Ilang minuto ay tinanong na niya kung nagugutom na ako. Sinagot ko na hindi pa ako ganoon ka-gutom pero pagod na ako sa pag-ice skating. Si Kellan ang nagkabit ng skates ko kanina at ngayon ay siya rin ang nagtanggal para sa akin. Pagkatapos i-claim ang shoulder bag ko ay naghanap na kami ng makakainan.

It was almost seven when I proclaimed that my legs hurt. Nagkasundo na kami na umuwi. Inihatid ako ni Kellan sa bahay. Binalot kami ng katahimikan sa sasakyan nang ihinto niya iyon sa driveway. It didn't feel right to dismiss him immediately.

"Do you wanna come in for a bit?" tanong ko kay Kellan. Lumiwanag ang mukha niya at masayang tumango sa akin. His eagerness felt familiar too. I mentally frowned.

"That'd be great." masayang sagot niya.

"Wait here. I'll tell the guard to open up the gates." hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na agad para pindutin ang door bell at ipinabukas ang dalawang malaking gate para sa loob i-park ang sasakyan niya.

Nang makapasok ang kotse sa loob ay napahinto ako sa kinauupuan ko nang makita ang pamilyar na sasakyan. I whispered a curse to myself. Of course he's here.

"You okay, Avis? I can go home if you're tired." mabilis ang paglingon ko sa kanya. Umiling-iling ako. Ibinalik ko ang tingin sa sasakyan na nasa harapan.

"May bisita ang kapatid ko."

Tumingin din si Kellan sa sasaskyan na nakaparada sa harapan niya. "Oh, that's the Montero Sport that night, right? Your sister's boyfriend?"

For some reason, that idea made me wanna hurl.

"No. Best friend. Let's go." inabot ko ang handle at binuksan iyon. Pagkasara ko ng pinto ay napatay na ni Kellan ang makina. Hinintay ko na makalabas si Kellan bago maglakad. Pinatunog niya ang sasakyan bago lumapit sa akin.

Naisipan ko na sa living room na lang siya dalhin. It wouldn't be right to bring him in my room. Papasok pa lang kami ay natanawan ko na agad ang kapatid ko na nakasuot ng bikini top at swim shorts na nasa ibabang bahagi na ng hadgan.

"Oh," napahinto siya sa pagbaba nang makita ako. Lumipat ang tingin niya kay Kellan at napangisi. "Tapos na ang date?"

"Hey, Les, right?" bati ni Kellan at napangiti si Les. I think Les likes Kellan which was a surprise. She never liked Logan for me.

"Yup. Hi, Kellan! Wanna hang out sa pool side? We got yummy foods."

Blangko lang ang mukha ko nang tumingin si Kellan sa akin. "If that's what Avis wants?"

"Avis, may favorite pizza mo 'dun. Luke Dashiel brought it." pang-uuto ni Les. I know my sister wouldn't stop. She's a menace.

"Alright. Tara." tumango ako. Tumalon si Les at pinalakpak ang kamay. Nauna siya sa amin maglakad. Tiningnan ako ni Kellan na may ngiti sa mukha. He looked amused. Probably at my sister's antics. Umiling-iling na lang ako sa kabaliwan ng kapatid ko.

"Guuuuuuys. May surprise ako!" malakas na sigaw ni Les bago pa makalabas sa likod ng malaking bahay.

Napatigil ako sa pagsunod kay Les nang makita ko kung sino ang nasa pool side. Inaasahan ko na si Luke Dashiel, dahil dala niya ang sasakyan niya. Ang hindi ko inaasahan ay ang babaeng nasa gilid ng pool at mukhang kausap siya bago kami dumating. It was the same girl that was with Luke Dashiel that day.

Halos hindi ako magalaw sa kinatatayuan ko habang tinitingnan sila. Napansin ni Kellan ang paghinto ko kaya hindi rin siya sumunod kay Les na nangunguna na sa pool resting chair.

Lumingon silang dalawa sa direksyon namin. Agad na nagtama ang mga mata namin ni Luke Dashiel. May gulat na dumaan sa mukha niya nang makita ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago inilipat ang mga mata sa katabi ko. A small wrinkle etched his forehead before he looked away.

"Avis?" rinig kong tawag ni Kellan. May pag-aalala sa boses niya. He thinks I'm tired. Pagod naman na talaga ako. Pero ngayon ay mas nangingibabaw ang hindi maintindihan na nararamdaman ko kaysa sa pagod.

"Let's go." sabi ko sa kanya at tumuloy na sa paglakad. Tinapunan ko ng tingin ang babae na tandang-tanda ko ang pangalan. Nadine. Napatayo siya ng maayos sa pool at mukhang namumutla nang makita ako. May parte sa akin na gustong mangisi sa takot na ipinapakita niya pero kahit na ganoon ay alam ko kung sino ang panalo sa aming dalawa.

Nang makalapit kami ay si Les ang naunang nagsalita. "Kellan, this is my best friend, Luke Dashiel and his uh... friend, Natasha."

"It's Nadine, Les." mahinhin na sabat ng babae.

"Ay," hinawakan ni Les ang bibig niya at nahihiyang ngumisi. "Sorry. Nadine pala. Anyway, guys, si Kellan Aguirre, manliligaw ni Avis."

Nanlaki ang mga mata ko. "Les!"

"Joke. Si Avis pala ang nanliligaw." nalaglag ang panga ko.

"Maria Celestine!" singhal ko at tinawanan lang ako ng baliw kong kapatid.

Nilingon ko si Kellan at mukhang hindi naman siya naiilang. May bakas ng pagkatuwa sa mukha niya. Naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya kaya nilingon niya ako at binigyan ng assuring na ngiti.

I sighed. This is going to be a long night.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 130K 53
[ARDENT SERIES #3} I loved him but being with him was very lethal. It may not kill me physically, but it was killing me emotionally. Our relationship...
867K 23.8K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
100K 1.5K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...