HAPPY 15K READS!
FIFTY CHAPTERS NA TAYO! :)))
CONGRATS! :D =))))))
--
RACHELLE'SPOV
"Hiyang hiya na ko. Sorry mahal ko." -Viniel
Tinago niya yung ulo niya sa may leeg ko habang nakayakap pa rin. Biglang may naramdaman akong pumapatak na basa sa leeg ko. UMIIYAK BA ITO!?
Dahan dahan ko muna siyang tinanggal sa pagkayakap at hinawakan ang balikat niya.
"Viniel, ok ka lang?" -Ako
Pinunsan niya yung mga luha niya.
"Hindi. Napakagago ko eh. Malaki ang pagkukulang ko sayo. Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Promise ko sayo, hindi na ako magiging gago. Hindi na kita huhusgahan, mamahalin at proprotek--" -Viniel
"Teka teka. So nagbreak tayo non?" -Ako
"H-Ha? Hindi ba tayo nagbreak?" -Viniel
"Kaya ko nga tinatanong sayo eh." -Ako
"Hindi ako nakipagbreak. Parang lang. Patawarin mo ko Shay ha. Ang sakit kong magsalita. Napakagago ko." -Viniel
Nag angry smile ako. Parang kunwari naiinis pero nakasmile.
"Drama mo. Kalalaki mong tao, iyak iyak ka diyan. Pasok ka nga!" -Ako
Tapos pinunasan ko yung mga luha niya.
"Eh syempre, ganto ako magmahal eh." -Viniel
Pinapasok ko siya.
"Kanina lang, sabi mo kahit wag na ko bumalik ngayon, ikaw pa pumunta dito ah." -Ako
"Sorry. Alam mo bang, konsensyang konsensya ako kanina kung ba't ko ba nasabi yon. Di ako makatulog kaya pinuntahan kita dito." -Viniel
"Paano mo nalaman dito ako nakacheck in?" -Ako
"Pinuntahan ko si Colette." -Viniel
Napadura ako sa iniinom ko.
"Gago ka nga talaga. Ginising mo yon ng gantong oras!? Buti naman di ka pumunta dito ng may mga pasa. Nakow!" -Ako
"Hahahaha. Eh syempre para sayo eh. Oo nga pala, di ka pa ba matutulog? May pasok bukas ah." -Viniel
"Yon na nga eh. Hindi muna ko papasok kasi maghahanap ako ng part time job." -Ako
"ANO!? PART TIME JOB? Para saan?" -Viniel
"Para.....may pera naman ako. Yung mismong ako ang nagraraos. Hindi yung asa na lang ako ng asa kina Tito, nakakahiya." -Ako
Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
"Umuwi ka na." -Viniel
Nagbuntong hininga ako tapos tinanggal yung kamay ko sa hawak niya.
"Sorry Viniel pero.....di pa ngayon." -Ako
"Bakit? Yon pa rin ba ang rason?" -Viniel
"Hindi yon pero--" -Ako
"Pero ano? Di mo na ba talaga ako mahal? Alam mo Shay, ito na yung pagkakataon mo na magtapat. Hindi mo na yata ako mahal. Masakit man pero mas ok ng umamin. Ayoko na kasing pinaglalaruan ako. Pls Shay gusto kong maging honest ka." -Viniel
Hinawakan niya yung pisngi ko. Yung isang luha tumulo sa kaliwang pisngi ko.
"Viniel ganyan ba tingin mo saakin? Na hindi kita minahal? Na pinaglaruan lang kita?" -Ako
"Parang ganon ang pinapahiwatig mo saakin Shay eh. Ayaw mong umuwi, wala namang ibang rason diba? Hindi ka naman maglalayas kung di tayo nagaway." -Viniel
Here we go again....
"Viniel, may rason ako pero ang hirap iexplain." -Ako
Nagbuntong hininga siya. Feel ko, ayaw nyang magalit pero nagbubuo siya ng sama ng loob.
"Shay, papapiliin kita. Kung mahal mo ko, uuwi ka na pero kung hindi mo na ako mahal.....mags-stay ka dito....." -Viniel
Napatingin ako bigla sa kanya. Bakit niya ba ako pinapapili? At ba't niya ba ako pinapamadali?
"Viniel, wag mo naman akong pamadaliin. Di rin madali para saakin 'to. Sana maintindihan mo." -Ako
"Pipili ka lang naman Shay." -Viniel
"Mahal kita, alam mo yan pero.......di ako uuwi." -Ako
"Mahal mo ko pero di ka uuwi? Wala yang sa pilian Shay. Kung mahal mo talaga ako, sasama ka na saakin pauwi." -Viniel
"Viniel, di mo naman macocontrol ang nararamdaman ko eh." -Ako
"So....pinipili mong magstay?" -Viniel
Yumuko lang ako. Mahal ko naman si Viniel eh pero di ba niya kayang respetuhin na lang ang desisyon ko? Supportahan ako? Instead, pinahihirapan niya pa ko.
"Viniel......sorry." -Ako
Huminga siya ng malalim tapos pinipigilan magalit.
"O sige, ingat na." -Viniel
Hinalikan niya yung noo ko tapos umalis na ng unit ko. Bakit ba kasi ang complicated ng life?
***NEXT DAY***
"What!? Gurl ok ka lang?" -Perrie
"Oo naman. Eh desisyon ko naman 'to eh bakit di na lang niya ako respetuhin at supportahan. Parang siya pa nga jan ang hindi nagmamahal saakin." -Ako
"Gurl naman kasi, ba't di ka nalang umuwi, sila naman nagsusupport sayo doon, pinapahirapan mo pa sarili mo diyan sa ginagawa mo. Buti kung ikaw lang eh may kapatid ka pa na aasikasuhin. Ikaw talaga di nagiisip!" -Perrie
"Perrie, hayaan na lang natin si best sa desisiyon niya. Si Viniel din naman eh, pinagsabihan ko na siya kahapon eh, matigas lang din talaga ulo niyan. Taas ng pride eh." -Colette
"O hayaan niyo na. Mabuti pa, tulungan niyo na lang akong maghanap ng trabaho." -Ako
VINIEL'SPOV
"Kylen, baba na at kakain na. Ilang days ka na ba di kumakain at nagmumukmok diyan sa kuwarto mo?" -Mom
"Sorry ma pero mamayang dinner na lang po." -Ako
Tinakpan ko yung mukha ko ng unan. Absent ako ngayon eh pero ngayon lang naman. 1 week na rin simula nung huling usap namin ni Shay. Mahal ko pa naman siya actually, di na magbabago yon kaso, nakakasama lang ng loob, pipiliin niya pang mabuhay magisa kesa makasama ako. :(
Bigla akong tinabihan ng mama ko.
"Kylen, wag matigas ang ulo. Alam mo, di yan para sa ikabubuti mo eh. Kumain ka naman pls. Alam kong masakit na, nagmove out muna si Shay pero sana sinoportahan mo na lang siya sa desisyon niya. Kami nga, we understand her, ikaw pa kaya." -Mom
"Mom, labas lang ako, sa mcdo na lang ako maglalunch. Feel ko magfries." -Ako
"Ok sige pero ingat." -Mom
Bumaba na ako tapos sinuot ko na yung vans ko at umalis.
*
On my way na ko sa McDo pagpasok ko ang dami namang tao! Punong puno! Mga 1-2 hours pa ako makakapagorder. Ginugutom na ko. >.< Sa everything at steak na nga lang.
*Say something if you're feeling the vice--*
*Lance calling*
"Yo sup?" -Ako
"Bro, sabi saakin ni Kulit, nagtatrabaho na daw si Shay bilang waitress pero part time job niya lang yon." -Lance
"Oh? Saan naman daw?" -Ako
"Hindi ko alam kung saan eh ayaw sakin sabihin ni my loves." -Lance
"O sige ako na lang aaalam. Salamat bro." -Ako
End call. Pumasok na ko sa everything at steak tapos may lumapit saakin isang babae.
"Welcome at everything at steak sir. For 2 sir?"
"Ako lang." -Ako
"Right this way sir."
Tapos tinuro niya yung single table with single chair sa may window. Ngumiti ako sa kanya tapos umupo doon. Lumapit nanaman siya saakin, nilapagan ako ng menu, papel at ballpen? SO AKO MAGSUSULAT NG ORDER KO?
"Yung order niyo po tapos autograph niyo na lang po diyan para po sa anak ko."
Ah. =))
"Isang asxcvgtuyiobm tapos aecbyuwopanwt tapos isang sprite." -Ako
Tapos sinign ko yung papel niya at inabot sa kanya. Nagsmile siya saakin.
"Nako siguradong matutuwa yung anak ko. Salamat iho ah."
Tapos umalis na siya. Nakakatawa whenever I'm making someone happy. But unlike now with Shay...hayyss.
RACHELLE'SPOV
"Shay shay!"
Tawag saakin nung friend ko dito na dito na si Alvin.
"Oy sup?" -Ako
Habang nagpupunas ng pawis. Kapagod. Daming customers.
"Oh itong order sa table 5 yung nagiisang pogi doon." -Alvin
Becky si Alvs eh. Haha XD
"Oki doki." -Ako
Kinuha ko yung order na nasa tray tapos pumunta sa table 5. Narinig ko may kausap siya.
"...Oo alam ko na, sabi na saakin ni Lance........Ha? Di ko alam pero aalamin ko......sige bye."
Lance? As in Lance Concepcion? No ka ba naman Shay!
"Hi sir ito na po--" -Ako
O__________________________O
No way! Viniel?!