Forty Nine ♥ - Explain

4.4K 70 10
                                    

HAPPY 14K READS! BILIS! :D

SALAMAT SA MGA COMMENTS AT LIKES NYO! COMMENT LANG SA DEDICATION! ;)

ILOVEYEW MGNKMB READERS! :*

--

RACHELLE'SPOV

Halos araw araw iyak ako ng iyak dahil doon sa sinabi ni Viniel. Di ko akalain, sa kabila ng mga sweet words niya, may bitter din pala na ikakamatay mo. Namamaga na nga daw yung mata ko sabi ng mga friends ko. Tigil na daw kaso hindi, sobrang sakit pa din. :'( Sarili mong boyfriend.....tss...

"Break na ba kayo ni Viniel?" -Perrie

"Hindi ko alam..." -Ako

"Gurl, you have 2 choices. Makipagayos sa kanya at iexplain lahat sa kanya ng nangyari or makipagbreak ka na lang kung pagod ka na." -Colette

Hindi ko na alam kung alin doon sa dalawa ang gagawin ko. Magmumukha naman kaming tanga kung ganito lang. Hindi nga break, di naman bati. :|

"May alam ba kayong motel na mura lang. Kahit isang buwan lang magcheck in doon tapos maghahanap ako ng part time job. Kami ni Rose, doon lang muna. Ayoko na muna doon tumira kina Viniel, baka mabaliw pa ako ng di oras." -Ako

Nagtinginan sila Perrie at Colette.

"Meron pero P100 per day. Free na yon service doon kaso nga lang sobrang liit ng unit at di masyado maganda. Kama, lamesa, tv, aircon lang. Magtabi na lang kayo ni Rosh. May CR kaso maliit lang din. Yung pagkain, mag order na lang kayo sa room service, mura lang naman din yung pagkain doon." -Perrie

"Ok lang basta may matirhan kahit saglit lang..." Ako

Gagawin ko ba talaga 'to, lalayo muna ako? Tatakasan ang problema ko?

*

Pagkatapos ko tulungan iimpake yung gamit ni Rosh, binaba na namin yung luggage namin. 12:30 am na tulog na sila. Sana mabasa na lang nila yung sulat. Ayoko na magsalita eh.

"Wag ka maingay Rosh baka magising sila eh. Tara na." -Ako

Bulong ko sakanya.

"Ay may naiwan pala ko sa kuwarto ko saglit lang ah." -Rosh

Umakyat siya sa kuwarto niya dahan dahan. Nilabas ko na yung mga luggage namin. Nagulat ako nung biglang bumukas yung ilaw. At ayan si Viniel, gising pa, may hawak na tubig sa kamay.

"O san ka pupunta?" -Viniel

"Aalis na kami. Pakisabi sa kanila, salamat sa lahat. Babalik naman kami eh, lalayo muna." -Ako

"Sus kahit wag ka na bumalik eh." -Viniel

Ok wag ka iiyak Shay.

"Kung yan ang gusto mo, gagawin ko. Wag ka magalala, madali naman akong kausap eh." -Ako

Nagbikit-balikat at pumasok na sa kuwarto niya pero bago siya makapasok, tumingin ulit siya saakin...

"Ingat na lang." -Viniel

Tapos sinarado na niya yung pinto niya. Yung mga luha ko, tumutulo na. Ayan ka nanaman Shay eh, sabi mo tama na, sabi mo tapos na, bakit umuulit ka nanaman? Bumaba na si Rosh na suot yung bracelet niya.

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon