Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicro...

By PsychopathxXx

271K 8.6K 1.1K

Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. Th... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
1. Weakness Detected
2. Wrong One
3. His Eyes Around
4. Wanted Bride
5. Old Married Couple
6. White Dress
7. The Honeymoon Part
8. Newly-Wed Spark
9. That Side of Him No One has Seen
10. Failing... Falling... Sweetheart
11. Possible Danger
12. A Weekend Getaway
13. Message Received
14. Family Tree
15. The Past and the Present
16. Clear Choice
17. Happy Birthday
18. An Eye for an Eye
19. Spoiled Kid
21. Double Trouble
22. Clingy Baby
23. Flames of Desire
24. Bracelets
25. Baby Tarsier and the Guards
26. Pleasure in Confession
27. Mommy!
28. Birthday Boy's Request
29. Pretty... Queen... Fili!
30. Wedding Vows
Epilogue: Perfect Match

20. Triggers and Reminders

6K 260 68
By PsychopathxXx

CHAPTER TWENTY

There are three kids inside the unit.

By the looks of it, they are Voight's friends. Hindi ko alam kung sino ang kasama ng mga bata, mukhang wala silang supervision ng matanda.

Kanina pa sila tingin nang tingin sa gawi ko. I could tell one of the kids wanted to talk to me, but she was holding her tongue. She was still trying to observe me. Bumubulong pa siya kay Voight.

Halata namang ako ang pinag-uusapan ng mga bata. Hindi ko sila pinansin, tumungo ako sa kuwarto upang kuhanin ang phone na iniwan ni Gotham. He was doing something. Sa sunod na linggo, hindi na siya magiging abala pa.

I called a pizza delivery for the kids, I ordered bunch of different flavors.

Muli akong lumabas upang bantayan ang mga ito habang naglalaro. I just stayed at the living room with them without looking at what they were doing, but I was alert. Ramdam ko ang paninitig nila sa akin at bulungan.

Hindi na nakatiis ang isang lumapit sa akin. She eyed me from head to toe.

"Sino ka baga? Ikaw baga ngani ang mama ni Voight?" The little girl asked me. Iyong tono ng pananalita niya parang naghahamon ng away. Napailing ako.

I shook my head. "Ya! Ano na 'yan, hindi ka man nagasalita, paano kita maga-usap nito? Gusto ka naming interbyuhin ay..." Kunot na kunot ang noo ng bata nang humarap ako rito.

Napatingin ako sa gawi niya. Her accent reminded me of the people in Polillo island where Russle and I stayed for awhile before he got taken away from me. She reminded me of that past.

"Ayokong makipag-usap," sinabi ko sa bata.

"Hindi man kita inatanong kung gusto mo ay," Inirapan niya ako. "Gusto ka laang ngani naming makilala, sabi ni Voight asawa mo raw si Burarat."

I was a bit caught off guard. Hindi ko naintindihan ang lahat ng sinabi niya.

Burarat?

Burat lang ang alam ko. "Anong pangalan mo ngani?" she asked me.

Huminga ako nang malalim. "Filantropi Agnes."

"Masagot din naman pala ay," Naupo siya sa harapan ko.

Hindi ko namalayang napapalibutan na ako ng mga bata. Kilala ko na ang lider ng kulto. She was called Badiday. Wala akong ideya kung dapat ba akong matawa sa palayaw ng bata.

She was a bubbly kid with a thick of sarcasm in her personality.

The other kids were Vikray and Bebang. Anak - anakan daw sila ng mga Alphas.

Para siyang matanda kung makipag-usap... hindi siya nadadala sa pagtataray. It would just backfire. Hindi siya madaling masindak, paniguradong kaya niyang magpaiyak.

"Kailan baga kayo nagpakasal?" tanong pa niya.

"Matagal na..." I just simply answered.

Daig pa nila ang mapagmatyag na mata ng agila, nakatutok sila sa bawat galaw ko. Nakapalibot din sila sa akin upang hindi ako makaalis. These kids could become feared journalists in the future.

"Ay, matagal mana pala, bakit hindi mo kasama si Burarat?"

My forehead creased.

Kanina ko pa naririnig ang salitang iyon. "Burarat?"

"'Yong isda man ngani 'yon, tawag namin kay ano... hirap man banggitin ng pangalan niya ay!" The second kid answered me.

Tumango ako.

It was still a bit weird to me. Isang maling salita lang, p'wede iyong maging burat sa pandinig ng iba.

"Sagutin mo muna ang tanong man namin!" Badiday demanded.

"Nakulong ako..."

I didn't want to elaborate, but the questions kept coming. Mas lalo yatang umiiksi ang aking pasensya sa dami ng tanong nila, mas mabusisi pa sila kaysa sa mga kapulisan noon.

"Bakit ka nakulong?" Their eyes were curious.

"Masama ako," I sighed.

The girls shook their head. "Hindi ka man masama. Medyo maganda ka naman. Medyo ngani," saad ni Badiday. "Medyo kamukha ka namin. Seym fives tayo."

These kids aren't for the weak. Nakaka-offend iyong medyo maganda.

Ano 'yon? Medyo maganda na medyo pangit?

"Fives? Are you n-numbers?" Kunot - noong tanong ni Voight.

"Nakukulong pala kapag masama? Bakit man si Aling Kiring, hindi man nakulong 'yon siya. Ano kaya 'yon?" Confusion was visible on their face.

I bit my lower lip, they misunderstood what I said. Hindi naman ako nakulong dahil sa pisikal kong anyo. Nakulong ako dahil masama akong tao. Nakulong ako dahil gusto ko... gusto kong tumakas sa aking realidad.

I could've gotten into jail for the murder of Bernabe and his people, but I didn't. I got in my own terms. Hindi ko pagbabayaran ng mahabang panahon ang ginawa ko sa kanila. I had no ounce of guilt.

The doorbell rang.

Tumayo ako upang puntahan ang pinto. I just called for the pizza delivery. Halos katapat lang ng building ang pizza place na in-order-an ko ng meryenda ng mga bata. They didn't want me to leave.

Alam yata ng mga bata na tatakasan ko sila pagkakuha ko ng pizza, iyon naman talaga ang balak kong gawin. I was done with their inquisitive minds.

I paid for the order. Dinala ko ang apat na kahon ng pizza patungo sa dining area. Nakasunod naman sa akin ang mga bata.

"Hindi ko alam kung anong gusto n'yong pizza flavor," saad ko.

Kumuha ako ng plato sa cupboard kung sakaling kailanganin nila ng paglalagyan. Binuksan ko ang box. Mayroong cheese, pepperoni, hawaiian style, all vegetable toppings.

"I don't l-like it!" Voight announced.

He stomped off his little feet toward the living room. Sinundan ko naman siya, samantalang pinauna ko nang kumain ang mga kalaro niya. Nagsisimula na naman ang konsumisyon ko.

"What do you like?" I asked him.

Naupo ako sa couch kaharap niya. Hindi ko naman naitanong kung anong gusto niyang kainin. Hindi ko tinanong ang mga bata, basta na lang ako nagdesisyon. Akala ko gusto nila ang pizza, gusto rin iyon ni Russle.

Hindi siya sumagot.

He kept on playing with his toy car. Ginamit pa niya ang aking paa upang daanan ng kanyang laruan. Pinanood ko lang si Voight sa kanyang paglalaro.

After a few minutes, he climbed his way to me. Nagugutom na raw siya.

Kinarga ko siya patungong dining area.

To my surprise, none of the kids ate a slice of pizza. Hinintay nila si Voight bago kumuha ng pizza na gusto nila. Pinaupo ko si Voight sa upuan at pinapili ko siya ng gusto niyang kainin.

He chose the pepperoni one.

Kumuha ako ng inumin nila. Bukod sa tubig, mayroon namang juice sa ref. Nagsalin ako sa kanilang baso.

"Why aren't you e-eating?" Voight asked me. Magkasalubong na naman ang kanyang kilay.

"Kaya ngani, hindi man namin 'yan mauubos," Bebang seconded.

I got a slice of pizza, not to make him annoyed with me.

Sinabayan ko sila sa pagkain. After eating, I stayed in the kitchen to wash the dishes and clean the mess. Itinabi ko rin ang natirang pizza sa ref, p'wede ko pa iyong initin kung gusto nilang balikang kainin para mamaya.

Tinanong ko kanina kung hanggang anong oras ang mga bata sa penthouse, they seemed offended by my question. Kararating lang daw nila parang pinapaalis ko na. That wasn't what I meant.

Wala namang nasabi si Gotham bago siya umalis tungkol sa mga bata. I was getting stressed about cooking meals for them. Hindi naman p'wedeng puro takeout sa fastfood ang ipakain ko sa mga bata.

I was eyeing the stock on the fridge when I heard a commotion in the living room. Mabilis naman akong tumungo roon upang silipin ang mga bata. I saw Voight lying on the floor, holding his neck with the expression of having trouble with breathing.

Nanginginig ang aking kamay. My hand was shaking badly, so did my knees. I was trembling. Marahan ko siyang iniayos ng upo, bahagya kong hinaplos ang kanyang likod. Inutusan ko si Badiday na tumawag ng... my words were becoming incoherent.

Natatakot ako.

It was the same feeling I had with Russle. It was like losing my brother all over again.

Itinakbo ko siya palabas ng penthouse. Mabagal bumukas ang elevator kaya tinakbo ko ang hagdan. I was trying to ask for people's attention to help me. Mula sa penthouse, naibaba ko si Voight ilang palapag.

Then, I heard his little giggles.

Napatigil ako.

Tiningnan ko siya, hindi na iyon kagaya nang nakita ko kanina. He was alive and lively, laughing even.

I should've been relieved that he wasn't having difficulties in breathing, but that act was cruel. I almost died the second time. I couldn't even watch another kid suffer the same fate as my brother.

I relived the traumas of what happened to Russle... It was a cruel joke to torture me.

Bumalik kami sa penthouse. This time, I used the elevator. Hindi ko dala ang card, kaya in-enter ko ang code.

Voight was giggling with his little tricks. Narinig kong nagsalita siya pero hindi ko iyon naintindihan. I was disocciating to the world. My mind wasn't on the present time.

Ibinaba ko siya sa sala. The other kids asked me questions, too. I ignored them. Nagkulong ako sa kuwarto.

I was afraid I was going to snap at them, I didn't want that to happen. My head started spinning. I put the pillow on my head to stop my memories flooding my mind. I wanted to cry so bad.

Pinilit ko na lang itulog ang nangyari.

***

Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Gotham. He was looking at me intently. He was probably back from work.

Tumayo ako at tumungo sa banyo upang maghilamos. Hindi ko namalayan kung ilang oras akong nakatulog. Nalimutan ko ang aking trabaho. I agreed that I would look after his son.

Tinuyo ko ang aking mukha ng malinis na towel. Ilang beses akong huminga nang malalim.

As I came out of the bathroom, the kids were standing in a line. Mayroon silang dalang bulaklak. Even Voight stood there with an annoyed expression. Badiday was the one who spoke first.

"Sorry man baya, hindi man namin alam na matatakot ka ay." Napakamot siya sa ulo.

Nanatili akong tuod sa aking tayo. It was awkward. Kailangan ko lang naman na itulog iyon para mawala ang emosyong lumukob sa akin kanina.

Nagsunod - sunod ang mga bata sa paghingi ng tawad hanggang dumating kay Voight. My eyes did a trick on me because I saw Russle in him earlier. Nakasimangot pa rin siya sa akin.

"Voight..." Gotham called his attention.

Itinapon ng bata ang dalang bulaklak. "I don't w-want to say s-sorry!" inis niyang wika bago tumakbo patungo sa labas ng kuwarto.

"Voight!"

"Gotham..." tinawag ko siya. "'Wag mong pilitin iyong bata kung ayaw niyang mag-sorry. He doesn't need to apologize. I'm the grown adult, I should be the one controlling my emotions."

"Kami na ang bahala kay Voight, mag-usap na laang kayong dalawa," sabi ni Badiday bago tumakbo ang tatlo palabas ng kuwarto.

Naiwan kami ng asawa ko sa loob. Mas lalo kong naramdaman ang awkwardness na kaming dalawa lang ang natira sa kuwarto. I had nothing to say to him.

"I'm sorry... I shouldn't have slept."

Lumakad ako patungo sa balkonahe. The sun was already setting. There were bars installed in the whole balcony so Voight couldn't fall accidentaly.

Hindi pa kami nakakapag-usap nang masinsinan, hindi ako handang buksan ang memorya ng nakaraan.

I realized one thing...

It wasn't really him with a guarded heart but rather it was me.

Mataas ang bakod na nakapaligid sa aking puso. It wouldn't be torned apart easily.

"Badiday called me. They couldn't get into the room after they played a prank on you." I heard him say.

"I tried my best, Fili. I tried to be a good father to him. I tried to be strict, but I couldn't. I didn't want to see him crying whenever I wasn't giving into his requests... I couldn't even give him a mother. I wanted to take responsibility, I thought you'd be there to guide me. We both needed guidance by you. Please, don't leave because he's being tough and difficult," seryosong wika ni Gotham.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.

I did. I did promise him... but that was before.

"I'm not fit to be a mother, Gotham."

That's the truth. The scenario earlier is very much telling of how bad of a mother I'll be. Imbes na harapin ko ang problema, tinakbuhan ko ito. I dissociated from the real world. Paano kung napahamak ang mga bata?

"It's not just one's responsibility. It must be a teamwork. Let's work together to be better parents for him." He continued.

"I don't know..." I shrugged. "He clearly doesn't like me."

He shook his head. "Trust me, he does."

Naupo ako sa gilid ng kama. Lumapit naman siya sa akin, bahagya niyang hinawakan ang aking mukha. He caressed my face softly.

I missed his fucking touch so damn much. I wanted to be held by his muscled arms again. Pero pinigilan ko ang aking sarili. "Did the kids stress you that much? I'll make sure to talk with Voight."

"Talk to him gently. Don't scold the kid."

"I won't."

He just nodded before leaving me in the room.

"Gotham..." I heaved a deep sigh. "Won't you ask me anything?"

Tumigil siya, nilingon niya ako.

Umiling siya. "I'm not going to force you to tell me anything. I want you to tell everything when you're ready."

Hindi umalis ang gawi ng tingin ko sa papalayo niyang pigura hanggang tuluyang sumara ang pinto. I knew for a fact that he had a grasp of what happened to me and Russle.

Napailing ako.

Kung hihintayin niya akong maging handa bago ko sabihin ang lahat, baka hindi iyon mangyari. I would never be ready to tell him my heartbreak. I would never be ready to tell him how I failed him and Russle those times.

With the sight of these kids, I missed my brother even harder. Malaki na si bebe Boyt niya, at marami na siyang kalarong bata. Voight would have such a good influence while growing up having my brother around.

Pinahid ko ang namumuong luha sa aking mata bago pa man ito pumatak. Sakto naman ang pagbukas ng pinto ng kuwarto, pumasok nang padabog ang isang bata. His lips were pouting.

Naupo naman siya sa gilid ng kama kagaya ko pero sa pinakadulo, malayo ang agwat namin sa isa't isa. Unti - unti siya umiisod, pahaba nang pahaba rin ang kanyang nguso.

A few minutes after his attempts, he was finally sitting beside me. Silence befell upon the room.

I was waiting for him to speak his mind.

"S-sorry..." Nakanguso niyang wika. "Sorry because you're g-gullible."

Inaasahan ko na iyon. "Why are you saying sorry if I'm the one who's guilty?" marahan kong tanong sa kanya.

Mas lalo lang siyang ngumuso. "Voight, say sorry if you mean it. After you evaluate your action and you think you're wrong, then say sorry. Sorry should be sincere. Sorry should be asking for forgiveness and one way to hold yourself accountable," sinabi ko naman.

His eyes were teary. "S-sorry na..." Yumakap siya ng bahagya sa braso ko. "You're not giving me a-attention!"

May pinuputok naman pala ang butsi ng munti kong alaga. Napailing ako.

"You should ask what you want. Sinabi ko namang hindi ako manghuhula. Are you going to behave?" I asked and I was answered with a shake of head. Huminga ako nang malalim. "Just don't do that to me again. Don't scare me like that. Promise me,"

"W-why?" He looked up at me.

"Because I will be sad..."

"But I'm not d-dying..."

"I know. It still scares me."

I will forever be scarred of what happened to my brother, and the thought of a little child suffers the same fate as him scares me a lot.

"You have f-fears?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Not c-cool. I don't have f-fears!" pagmamalaki niya.

"I'm sure you don't have any. You're brave."

He grinned.

Kamukha talaga siya ni Gotham. Voight is such a mini version of my husband. Lalo na kapag maganda ang mood niya't hindi nakasimangot. He's just like his father, I couldn't even trace a bit of features from the woman who carried him for months.

"Dahil brave ka, can you pick up the cockroach and throw it?"

Nabigla ako nang tumalon siya patungo sa likod ko. His arms enveloped my neck.

"What c-cockroach?! It's a vile c-creature! I don't l-like it!" He screamed.

Mahigpit ang yakap niya sa leeg ko. Itinaas pa niya ang mga paa niya upang hindi lumapat sa kama. Nawala na agad ang kanyang tapang sa pagbanggit ko pa lang ng ipis.

Bahagya akong tumumba sa kama, isinama ko siya sa pagtumba. Kumalas siya sa pagkakahawk sa akin sa leeg.

"Where's the c-cockroach?! Daddy should buy a new home!" Kiniliti ko ang kanyang tagiliran.

"Mali pala iyong nakita ko... hindi naman ipis." Inayos ko siya ng tayo. "Behave, Voight, ha."

Hindi siya sumagot. He kept sniffing my arm. Muli siyang kumapit sa aking braso. Hinayaan ko siya, nanatili kaming nakahiga sa kama. My eyes went around the room, and looked for a clock.

"Are you still s-sad?" he asked me. "You should se-sex my daddy!"

Kumunot ang aking noo sa narinig.

Did I hear it right? He's too young to even know that.

"Do you know what sex mean?" Agad naman siyang umiling.

"I just h-heard it from daddy on the phone, it makes a woman h-happy! I think it's c-chocolate!" Ginulo ko naman ang kanyang buhok.

When it comes to things like that, Gotham should be the one talking to him.

"Nagugutom na ba kayo?" I asked them.

He shook his head. "Daddy would t-treat us to a restaurant. Babiday fed me e-earlier."

I felt bad.

Badiday took over my responsibility. Dapat ako ang gumawa at nagpakain sa kanila. Instead, I took a nap to block every memory from coming to life. That prank really triggered me... but I don't blame the kids.

"Do you want to go outside and play?"

He nodded his head. Naupo ako sa kama, inalalayan ko naman siya. Muli siyang kumapit sa aking leeg, mukhang nagpapabuhat na naman siya hanggang makalabas kami.

Gotham was playing with the girls with their make up set. He was smiling when he saw us emerged. Nakabitin pa sa akin si Voight. Mabuti na lang, mayroon akong lakas upang hayaan siya sa napili niyang posisyon.

He told us the plan of having a dinner in a nice restaurant, but we played with the kids first.

***

The girls stayed with us for a week, it kept Voight busy.

Mayroon siyang kalaro kaya tuwang - tuwa siya. I was able to hold meaningful conversations with the girls. They are so young with mature minds.

Nakilala nila ang Alphas kay Trigger at Aramis. Simula noon, hindi na sila nawala sa buhay nila. They become a part of their lives. I finally had an answer who Aramis was.

Voight always played with them. May mga pagkakataong iniiwan ni Gotham si Voight sa kanila kapag may operasyon o naghahanap ng mga kalaro ang bata. They would take care of him.

Huminga ako nang malalim.

It was my day to visit my brother.

Nanghingi ako ng isang araw sa isang linggo kay Gotham na para sa sarili ko. He agreed to that. Wala akong balak magtagal sa puntod ni Russle. I just wanted to visit him for a short anount of time. Baka muli akong sakupin ng kalungkutan.

Tumungo ako sa isang flower shop. Bumili ako ng isang bouquet ng puting rosas para sa kapatid ko.

I stopped walking. Lumingon ako sa paligid. I was sensing someone was following me. Naalerto ang buo kong pagkatao. Wala akong nahanap na kakaiba.

Sumakay naman ako ng tricycle upang magpahatid sa lote kung nasaan ang kanyang puntod. I paid for the tricycle.

Binuksan ko ang kandado ng gate. Nilinis kong muli ang kanyang puntod bago ko inilagay ang puting rosas at nagsindi ako ng kandila. I tried to mask the pain with a smile.

His death anniversary was on my birthday.

My eyes looked around as I heard stifled cries. Was my brother trying to communicate with me?

Tumayo ako nang mapansin ko ang kakaibang bagay sa dulo ng bakod. Inusisa ko iyon. I had no weapon with me. Nanlaki ang aking mata nang napagtanto ko ang pinanggalingan nang umiiyak na boses.

"Voight!"

Sinubukan naman niyang tumayo upang takbuhan ako, pero mayroon siyang mga sugat. Nahulog yata ang bata sa pag-akyat sa bakod. Agad kong dinaluhan siya. What was he doing here?

"Anong ginagawa mo rito?" Iniupo ko siya.

Tiningnan ko ang kanyang dalawang kamay na nasugat ng matalas na parte ng ginawa bakuran. Mayroon siyang dalang backpack. I looked for the things he brought. Good thing, there's a bottled water... most of the packed goods were his toys.

"What are you doing here?" I asked again.

"I saw you l-leaving!"

Binuhos ko ang tubig upang linisin ang kanyang sugat sa kamay. Napailing ako.

"You followed me here?" Tumango siya.

He was pouting. Pang-guilttrip niya iyon para hindi ko siya pagalitan sa kanyang kalokohan.

"Masakit pa?" Muli siyang tumango.

Binuhat ko siya papasok sa puntod ni Russle. Pinagpagan ko ang kanyang damit. He was still wearing his pajamas. Tulog pa silang mag-ama nang umalis ako sa penthouse, wala naman akong balak magtagal.

Hindi ko man lang namalayang may batang nakasunod sa akin. How did he even get here? For a kid below age five, he's smart... he knows his ways. Paano kung napahamak si Voight?

I tried asking him questions, but he isn't interested answering them. Hinayaan ko na lang siya. Gusto niyang maglaro sa swing na ginawa ko, iniupo ko siya at bahagyang itinulak ang swing.

He was so happy playing with the swing. Nang nagsawa siya, tumakbo naman siya sa palibot. Pinanood ko lang siya at binantayan ang bawat galaw. Napangiti ako habang hinahaplos ang puntod ng kapatid ko.

"Russle, this is Voight now... he's grown so much."

He visited my brother without him knowing. I'm sure, my brother is delighted wherever he is.

Voight has a lot of energy to play. Tumigil lang siya nang nakaramdam ng gutom. I offered him the chocolate that I got from his backpack, but he didn't like to eat it. Wala akong dalang pagkain na para sa kapatid ko.

"Let's go to the nearest convenience store, then. Ikaw kasi, you shouldn't have followed me. Uuwi naman ako." Pinasuot kong muli sa kanya ang backpack niyang dala.

Muli niyang kinuha ang chocolate bar sa akin. "Do you want me to open it for you?"

Voight shook his head. "Isn't he going to come with us?" Itinuro niya ang puntod ng kapatid ko. He had little picture there.

Sadness surged into my system. Marahan akong umiling.

"He can't." Ngumiti ako. "Do you know him?"

I didn't hear an answer.

Lumakad siya patungo kay Russle, inilapag niya ang tsokolate. I was stunned. Bumalik si Voight sa akin at kinuha ang aking kamay upang hawakan. Pinahid ko naman ang aking luha sa pisngi.

We headed to the gate. "He p-plays with me b-before, I miss him..." Napatigil ako sa paglalakad. "I r-remember him. He s-sings. I l-laugh. I r-remember your v-voice, too."

Right at that moment, gusto kong pumalahaw nang malakas. Hindi ako makapaniwalang narinig ko iyon mula kay Voight. He knew. He was aware. And he remembered my brother.

Pumantay ako sa kanya. "What do you remember about him?"

"I don't k-know... he makes me s-stop crying..." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Are you crying?"

Umiling ako. "Napuwing lang ako..."

Ginulo ko ang kanyang buhok. I stood and we walked again.

"Why can't he c-come with u-us? He got his own h-house, too! That's cool!" He was grinning. "I want a house like that!"

"No. You can have that when you're old and gray. Not now, Voight." I said firmly.

Binuhat ko siya.

"But w-why?!"

"Because people who have that kind of thing are dead..." I told him.

Tumingin siya sa aking nag-iisip. "He's d-dead?"

I nodded my head.

His eyes started to water. In his age, he was able to understand the word and pain. Niyakap ko si Voight para patahanin siya. I caressed his back.

"It's okay... I'm sure he's happy. He'll be sad seeing you cry. Don't cry, okay?" I tried to be comforting even if I was feeling the same.

Pinahid ko ang kanyang luha sa pisngi. Nakakapanghinayang na hindi man lang sila nagpang-abot na dalawa. Russle loved him so much. It was soothing me a bit knowing Voight remembered my brother.

Ilang minuto siyang umiyak bago ko siya napatahan. Nakarating kami sa isang convenience store. It was a nice diversion for him. I asked him what he wanted for breakfast.

Itinuro niya ang hotdog. I got one... and a cup noodles for myself. Ibinili ko rin siya ng ice cream. He wanted to pay, but I didn't let him. Wala naman siyang dalang pera. Wala akong nakitang wallet sa backpack niya.

He almost had tantrums not allowing him to pay. I just told him, we would eat again later, and he's going to pay. When I asked him where his money were, his answer made my jaw drop to the floor.

"I put it on my b-briefs..." Nasapo ko ang aking noo.

Anak ngang tunay ni Gotham.

***

Merry Christmas!

Continue Reading

You'll Also Like

15.5K 3K 34
In order to be safe, he's forced to used his twin's identity. Silently fighting to have justice for his twin's death but how could he continue it, fi...
15.8K 1.1K 35
Series Of Wheres #1 - After breaking up with his girlfriend, Victorious Khein Anderson planned to go home to his mother in search of her comfort. Mea...
101K 3.4K 38
She's a gold-digger... In this economy, respect the hustle. The Gold-digging Mastermind | PsychopathxXx __________ Warning: R-18 | Story not suitable...
6K 265 11
ROMANCE/MELODRAMA/R18 They are sworn enemies. No victim, no hero, just villains in each other's lives. Yet, an unexpected situation will put their en...