Behind The Scars (Serviano Se...

By scarletberryy

1.6K 191 80

Serviano Series # 1 - Lexie Amanda Serviano Lexie is a woman who knows where to stand, even though it might g... More

Behind The Scars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23

Kabanata 8

28 6 0
By scarletberryy

Kabanata 8

Jealous

"Kaya pala parang nakasimangot ka kagabi pag-uwi niyo," halukipkip ni ate Estelle ng malaman ang nangyari kahapon.

"Sabi ni Carson parang hindi ka niya makausap kagabi dahil baka mas lalong magalit ang lion," asar naman ni Daphne.

"Naku pustahan tayo may gusto yang pinsan mo Daph kay Raya," ani naman ni Hannarah.

"Eww, over my dead body. Si Lexie nga pinopormahan kahapon eh," pagtatanggi naman ni Raya.

"Pero aminin mo gwapo pinsan ko." asar ni Daphne kay Raya.

Hinampas naman siya ni Raya sa kanyang sinabi. Nagtawanan na lamang kami sa reaksyon ni Raya.

"Gwapong asungot kamo, pag nakita ko talaga yun sa campus sira araw ko." sabi ni Raya habang namumula ang kanyang pisngi.

Kasalukuyan kaming nasa isang cafe malapit sa University habang inaantay ang una naming klase ngayong araw. Martes ngayon kaya naman halos lahat kami ay may pang-umagang klase. Kasama ko sila Ate Estelle, Raya, Daphne at si Hannarah. Si Shivani ay may klase kaninang alas otso ng umaga kaya hindi namin siya kasama.

"Asaan na daw sila?" tanong ko sa kanila.

Napag-usapan naming magpipinsan na magkita na lamang dito sa cafe para mapag-usapan ang plano para sa gigs na gagawin nila Kuya Levi at ang nalalapit na kampanya nila Tito Calvin.Unti lamang ang tao sa Bos Cafe na ito malapit sa University kaya naman dito namin naisipan tumambay.

"Malamang nagdala yun ng kanya-kanyang mga sasakyan para flex." sabi ni Hannarah.

"Hindi mo man itatanong pero nasa village daw mga kotse nun." saad ko.

Boys will always be boys, who love to take care of their cars. My cousins and my brothers like to take their cars no matter where they go. I never expected that they would ask the elders to transport their cars from Dumaguete to Cebu and some they got from Manila.

"Kailan pa ba naubusan ng mga kotse mga yun? Biroin mo naman kay kuya Zaxton tatlo kotse niya pero isa lang yung gamit na gamit," kwento naman ni Daphne.

"Pero samantalang ako, ayaw niya ako payagan magmaneho ng kotse." dagdag pa niya.

"Paano ba naman kasi nakakatakot ka magmaneho parang kada minuto need mo gumamit ng brake sa sasakyan." ani naman ni Raya.

"At least, safe kayo pag ako nag drive hindi yung parang may hinahabol na kabayo sa daan, hindi ba?" pagmamalaki ni Daphne sa amin. Nagtawanan na lamang kami sa kanyang sinabi.

It was because when Daphne drove to our girl's date she would always use brakes every 5 minutes that is why we call it, Daphne's bumpy ride. We continued to talk and realized that it was almost time to go to our classes.

"Tara na guys, malapit na ang klase," aya sa main ni ate Estelle.

"Nasa school na sila Levi for sure." dugtong pa niya. Kaya nag sitayuan na kami sa aming pwesto.

I was wearing a plain black shirt and fitted denim pants.

Lumabas kami agad ng cafe at papasok ng campus. Habang naglalakad ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mga nangyari kahapon. Dahil nalaman ko ang aroganteng lalaki sa airport ay walang iba kundi si Rigel.

What a small world, I never thought that he could be Daphne's cousin. Even though I knew Wangs are popular because of their investments, there would always be a gap between Servianos and Wangs. We bond with some of Daphne's cousins but some entirely hate us not because of our family names but because they wanted to compete with us.

"Dito na ang building ko, mauna na ako sa inyo. See you later, bye." paalam ni Hannarah dahil ang building ng CHT ang unang bubungad pagpasok ng gate ng campus.

"Ingat ka, Hannah. See you later." bati sa kanya ni ate Estelle.

Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa building ng CAS. Maraming tao ang nasa field dahil mukhang may mga pasok din ng umaga ang iba.

"Dito na ako guys, see you later." paalam ko sa kanila dahil nasa building na iyon ang aking klase.

"Sunod ako sayo, Lex. Nasa function hall first subject namin. Chat na lang kita pag papunta na ako sa CAS building." saad ni Daphne kaya naman tumango ako sa kanyang sinabi.

They waved goodbye and continued to walk towards their building while I went inside the building of the College of Arts and Sciences.

Tahimik ako naglakad mag-isa ng maramdaman ko nag vibrate ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at binuksan nakita ko agad ang ilang messages na galing kay Kuya Leon at kay Kuya Levi. Pero may isang mensahe pa ang aking napansin na nagpangiti sa akin.

Kuya Leon:

How are you, Lex? I heard you agreed to date Colton yesterday?

Kuya Levi:

Free ka ba mamaya, Baby Sis? May practice kasi kami need namin ng manonood at opinion no.

Luke:

Good morning, take care. See you at school.

Automatikong tumibok ang aking puso ng makita ang kanyang mensahe. Nagreply ako sa kanya. Dahil alam kong tatawag naman sa akin ang dalawa kong kapatid mamaya.

Ako:

Goodmorning din, have a good day.

Muli kong binulsa ang aking cellphone at naglakad patungo sa elevator. Nasa pangatlong floor ang aking unang klase. Habang nag-aantay ng sa elevator ay may kumalabit sa akin sa aking likuran na aking kinabigla. Paglingon ko ay nakita ko ang isa sa mga pinsan ni Daphne na nakilala namin sa gym.

"Goodmorning, Lex. I never thought na magka building pala tayo."nakangiting sabi sa akin ni Zandrix.

"Goodmorning din, oo eh dito ang building ng masscom." sabi ko sa kanya.

"Ohh I see, masscom student ka pala?" tanong niya sa akin kaya tumango ako.

"Ikaw ano course mo?" tanong ko sa kanya.

"Multimedia Arts yung course ko," sabi niya naman sa akin. Napanganga ako.

Magsasalita sana ako ng bumakas na ang elevator at nagulat ako ng lumabas mula roon si Ross, mula sa elevator kasama ata ang ilan niyang kaklase. Ang course ni Ross ay Political Science kaya kami magka building kaming dalawa.

Tumingin siya sa aking tabi bago sa akin.

"Lex, anong oras klase mo?" kaswal na tanong niya sa akin at mukhang hindi pinansin si Zandrix sa aking tabi.

"10:00 am sa third floor." tipid na sabi ko sa kanya. Tinitignan niya si Zandrix mula ulo hanggang paa bago muling bumaling sa akin.

Kahit na 2nd year na siya ay hindi ko siya tinatawag na kuya dahil months lang ang agwat niya sa akin.

"May practice banda namin sa mansion ni lola mamaya, pwede ka bang manood kasama ni Shivani?" tanong niya sa akin.

"Susubukan ko may need pa akong puntahan pagkatapos," sabi ko sa kanya at tumango siya.

"Si Zandrix nga pala, pinsan din ni Daphne." pakilala ko sa katabi ko.

"Hello, pre. Zandrix nga pala." ani naman ni Zandrix sa kanya pero tumango lamang si Ross.

"See you later, Lex." paalam niya sa akin at naglakad papalayo.

Hindi ko alam pero mukhang hindi pa rin ata nagkakaroon ng closure sila Ross at ang mga lalaking Wangs kaya ganun na lamang ang asta niya kay Zandrix. Dahil hindi talaga nagkasundo ang mga lalaking Serviano at mga pinsan ni Daphne sa Wangs na lalaki. Siguro dahil may history and Serviano at Wangs sa time nila tito. Lalo na pati sa negosyo ay hindi sila magkasundo.

"Normal lang ba talaga yung pinsan mo na yun?" tanong sa akin ni Zandrix ng pumasok kami sa elevator.

Pinindot ko ang third floor at pinindot niya naman ang 5th floor. Dalawa lamang kami sa loob ng elevator.

"Pagpasensyahan mo na lang ang pinsan ko," ipagpaumanhin ko sa kanya. "Minsan may araw talaga na may dalaw yun." dugtong ko at ngumiti.

When will this war between Servianos and Wangs end?

"Uhmm, Lex about what happened at the gym. I don't have any bad intentions that is why I got your number," malumanay na sabi ni Zandrix sa akin. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin.

Bigla akong kinabahan sa paraan ng kanyang pagtitig.

"I just want to get to know you more and to build a friendship. Is it okay with you?" dugtong pa niya na ikinabigla ko. Narinig ko tumunog ang elevator at bumukas ang pintuan.

I saw sincerity in his eyes and he was waiting for my answer.

"Sure, it's okay. Zandrix." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Thank you, Lex," he smiled. "Just call me Drix, see you later." sabi niya sa akin. Nagpaalam kami sa isa't-isa at nagsara ang elevator.

Dumeretso na ako sa room ko at saktong pagdating ko ay nandoon na ang aking mga kaklase. Lahat sila ay nagkwekwentuhan at may kanya-kanyang groupo. Umupo ako sa bakanteng upuan malayo sa may bintana. Saktong dumating na ang prof kaya tumahimik ang aking mga kaklase. Kaya naman nakinig na lamang ako sa buong klase at hinintay na lamang lunch break.

"Kuya Leon wants to talk to you," bungad sa akin ni Kuya Levi ng makarating ako sa restaurant na sinabi nila sa akin kung saan kami kakain.

Napansin kong Wala pa ang kambal na sila Ross at Casmir dahil mukhang may klase pa sila.

"Tawagan mo daw siya ngayon sa phone mo." dagdag pa niya.

Kumunot ang aking noo ng maraming pagkain sa lamesa. Mukhang libre ni Carson ang lunch namin dahil balita ko ay tanggap na sila sa team ng basketball. Samgyupsal ang aming naisipan na restaurant.

I put my things down next to the seat of Raya and went straight outside with my phone to call my brother. As I dialed his number, I couldn't help but feel nervous not knowing what my brother would tell me.

Ilang saglit pa, ay sumagot na is Kuya Leon.

("How's my sweety pie?") bungad sa akin ni Kuya Leon. Agad kumunot ang aking noo at tinignan ang screen bago muling tinapat ang aking phone sa aking tenga.

"Anong sweety pie kuya?" takang tanong ko sa kanya. Narinig kong tumawa lamang si Kuya. Inaasar na naman ako nito.

"I'm good kuya." tipid na sabi ko

("So I heard you went on a date with Colton?") tanong niya sa akin mula sa cellphone.

"I did yesterday. I realized Colton is a great guy." mahinang saad ko dahil napansin kong may pumaradang isang itim na SUV at alam ko sa kambal na Cuevas iyon.

("Do you plan on going out for your second date?") napakagat ako ng ibabang labi at naalala ang plano namin ni Colton.

I slowly turned around and saw Luke walking with his brother Colton towards the entrance of the restaurant. He was wearing a plain white shirt and denim pants which emphasized his body shape. Our eyes met but I quickly looked away.

("If you're planning to do another date. I want you to let me know and bring Levi with you.") Kumunot ang noo ko.

He is the same overprotective brother I have since we were kids.

"Kuya, hindi na ako bata. Tsaka kilala ni Kuya Levi si Colton." malumanay na sabi ko kay Kuya.

This is his side that I don't like the most, his overprotectiveness as an older brother.

("I know Lex, but I want to protect my little sister,") malumanay na sabi niya sa akin.

("I am still your older brother and I don't want you to take this lightly. Gusto kong bumawi sayo sa mga panahon na hindi ako magiging mabuting kuya sayo, Lex.") I was loss in words for what my brother had said.

Ang totoo na mimiss ko ang magkakasama naming tatlo nila Kuya Levi at Kuya Leon.

"Okay Kuya, you win. May magagawa pa ba ako. At the end of the day, you're still my brother and I am grateful for that, always." seryosong sabi ko.

I want to completely forgive my brothers and start anew but I know it will take time.

("I love you my sweety pie, you will always be my baby.") muling kumunot ang noon ko sa kanyang sinabi.

Ano bang meron bakit ako tinawag na ganun?

"Kuya, ano ba nakakadiri ka bakit mo ako tinatawag na ganyan?" bulaslas ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa muli.

("I'm just kidding. Take care, I'll come back on Saturday. We will be moving to our village. I love you.") muli niyang sabi sa akin.

"I love you too, Kuya Leon. Take Care." sabi ko at pinatay ang tawag.

I sighed before heading back. I was about to open the door of the restaurant when someone called me.

"Lexie!"

Tumingin ako at nakita sila Ate Chelsea at ang kanyang mga kapatid maging ang kanyang mga pinsan. Lima silang babae at mukhang dito rin sila kakain ng lunch. Sa kanilang Id lace ay mukhang galing sila sa ibang school.

"Dito din kayo kakain ate?" tanong ko sa kanya at ngumiti.

"Yes, nagsabi si Daphne sa akin nandito daw kayo," nakangiti niyang sabi sa akin.

"Hindi ko pinasama yung mga lalaki naming pinsan dahil baka alam mo na. Si Zandrix ay susunod lang kasi pinark ang kotse siya ang driver namin." dugtong pa ni ate Chelsea.

They were Daphne's cousins. There is no conflict with our relationships as friends as ladies of Serviano and Wang, but the boys are the ones who had a problem. That explains why the boys of the Wangs are currently studying in a different school together with ate Chelsea and her girl cousins.

I wonder why Zandrix chose to study at the University we are in knowing the conflict between Serviano and Wangs.

"Tara are pasok na tayo."aya ko sa kanila.

Nang makapasok ay hindi ko mapigilan na mailang dahil alam kong may matang kanina pa nakatitig sa akin. Habang naglalakad patungo sa aming lamesa. Mabuti na lamang at wala pa ang kambal na sina Ross at Casmir kundi susubukan na naman lalandiin ang mga pinsan ni ate Chelsea.

"The Wang cousins are finally here," sabi ni Daphne para makilala silane dalawang kambal na Cuevas.

"Hello, ate Chelsea and ate Zecha." masayang bati ni Shivani. Bumati din si Hannarah at Raya.

Ngunit nanatili ang mata ni Adam sa kanyang phone screen na mukhang nanonood lamang ng food vlog. Dahil ang kurso niya ay Hotel management.

"Dito na kayo sa table namin Chelsea," yaya naman ni Ate Estelle.

"No, it's okay. Nandito lang kami para bumati sa inyo ng congratulations I heard makakalaban niyo daw ang school namin sa basketball." ani naman nung Zeraphine ata sa kanila.

I slowly glanced at Kuya Levi and was shocked that it was written all over his eyes when he saw Zecha. I saw Zecha glare at him and he coughed like he was choked with the water he was holding. It was weird.

"Thank you. Mukhang magkakaharap muli ang Wangs at Serviano." ani naman ni Carson. Nakangisi siya sa isang babaeng Wang na mukhang nayabangan sa kanya.

"Mauna na kami doon lang kami sa dulong table." paalam ni ate Chelsea at naglakad sila papalayo.

Nagkaroon ng katahimikan. Ngunit sinira yun ng dahil sa tanong si Carson.

"Hindi ako napansin ng mga yun ah." napahalagapak ng tawa si Raya at sumunod sila Hanarrah.

Naguguluhan ang mga Cuevas dahil hindi nila maintindihan. Si Adam naman ay napailing na lang pero natatawa.

Napafacepalm naman si Kuya Levii dahil alam niya kahihiyan na naman. Kahit unti lang ang tao sa restaurant na ito ay alam ko nakatingin sa table namin ang mga tao. Akoy napangiwi na lamang sa kanila habang pinapanood silang matawa.

"Malamang hindi sila interesado sayo," sarkastikong sabi ni Estelle.

"Hindi ka daw kasi gwapo," si Hannarah.

"Masyado ka kasi mayabang, ayan turn off sayo," si Shivani.

"Kuya Carson, mukhang quits na tayo," asar naman ni Adam.

"I'm proud, kaya nga friends kami ng mga pinsan nila ate Chelsea," binilatan ni Raya ang kanyang kapatid at natatawa pa rin.

"Thank you sa supporta maalala ko talaga ito." sarkastikong sabi ni Carson. Humupa ang tawanan namin ng dumating ang mga lulutoin na pagkain.

Uupo na sana ako sa tabi ni Raya at ate Estelle ng magsalita si Raya.

"Dito ka Lex para may bakante pa sa tabi mo mamaya." ani sa akin ni Raya at tinuto ang espasyo katabi si Colton. Lumipat siya sa tabi ni ate Estelle.

I saw Luke's eyes looking at me like he did not want me to choose to sit between Colton. But I had to choose because Kuya Levi was also observing me. I have no choice but to sit next to Colton.

Magsasalita na sana ako ng magsabi si kuya Levi na manalangin muna sa pagkain bago magsimulang kumain at magluto ng karne. Nakita kong tinanggal ni kuya Carson ang patatas na nasa kanyang bibig. Si kuya Levi at nanalangin at lahat kami ay sumang-ayon. Matapos magdasal ay nagsimula na silang kumain.

I was about to get some food when I felt my phone vibrate. I glanced at my cousins and saw that they were all busy with the food. I quickly opened my phone and saw Luke's text message.

Luke:

Eat a lot and don't make me jealous.

Tinabi ko ang cellphone ko sa aking bag ng mapansin ko ang titig ni Kuya Levi dahil kaharap ko siya.

"Drix, ikaw pala yan." napatingin ako ng nagsalita si Daphne.

Kadarating lang ni Zandrix pero napansin ko na hawig na hawig sila ni Daphne dahil sa kanyang singkit na mata at maputing kutis.

"Guys, this is Zandrix Gideon Wang, pinsan ko nga pala."pakilala ni Daphne sa amin. Napatingin ako kay Hannarah na namumula ang pisngi.

Crush na crush niya dati si Zandrix nung mga bata pa lamang kami. Maraming kahihiyan ang nangyari. Hindi siya namumula dahil kinikilig pero namumula siya sa kahihiyan.

Nagpakilala din ang kambal na Cuevas.

"Dito ka na sa table namin kumain, Drix," ani naman ni Shivani.

"Oo nga mukhang girls talk mga ate mo, sabi naman ni Raya.

"Sige dito na lang ako, mag-aambag ako ng para sa dagdag na pagkain." sabi niya at umupo sa bakanteng upuan sa aking tabi.

Pansin kong natahimik ang mga lalaki kong pinsan at maging si kuya Levi. Naging abala naman ang magpinsan na Cuevas sa pagluluto. Pero randam ko hindi pa rin natanggal ang titig sa akin ni Luke.

"Hello Lex, kamusta first subject mo?" nakangiting sabi niya sa akin.

"Okay naman, ikaw?" kaswal na tanong ko.

"Okay lang din naman. Film na agad kami sa isa sa event ng Philosophy next week," sabi niya sa akin.

"Mabuti kung ganun, kami naman gagawa ng news report." nakangiwing sabi ko. Magsasalita na sana siya ng magtanong si Daphne.

"Nga pala, Drix may alam ka bang gig para sa banda nila kuya Levi?" tanong ni Daphne kay Drix.

"Meron naman, sa ibang cafe shop na negosyo nila Tyra," sabi niya.

"Or pwede din sa Chinese Restaurant na malapit sa dagat." ani naman ni Drix.

Nanlaki ang mata ko dahil yun ang favourite restaurant namin na magpipinsan.

"Yun ba yung Chinese restaurant na favourite natin?" tanong ni Raya. Tumango si Daphne.

"Yes, and balita ko nagpalit na sila ng menu,"paliwanag ni Daphne at bumaling sa akin.

"Lex, nandoon na mga favourite dishes mo." my eyes brightened. But I was stunned to see them all looking intently at me.

"You're fond of eating Chinese food?" tanong ni Drix sa akin. Tumango ako.

"I'm not a picky eater but I'm allergic to seafood." matabang sabi ko.

"Great, we can go there some other time." sabi niya sa akin. Ngumiti na lang ako at tumango.

Kakain na sana ako ng kimchi ng magsalita si Hannarah.

"Kuya Luke, your hand is getting toast, it's bright red."

Lahat kami ay napatingin sa pwesto ni Luke at nakita kong namumula nga ang kanang kamay niya dahil mukhang napaso siya ngunit malalim ata iniisip niya bago niya napagtanto.

When he saw his hand, he immediately reacted in pain and stood up to go to the bathroom. We were all shocked.

Papaanong hindi niya nabantayan na malapit pala ang kamay niya sa gilid ng pan na pinaglulutoan ng karne?

Tumingin sa akin si Colton at nilapit ang kanyang bibig sa aking tenga upang bumulong. Hinayaan ko lamang siya gawin yun kasi bumalik na sa pagkain ang aking mga pinsan ko pagkatapos mag walk out ni Luke.

"He gets clumsy and numb when he feels jealous."

Continue Reading

You'll Also Like

65.5K 1.2K 91
12/25/21 - 10/03/22 (3:43am) #YoonMinAU #YMSv2FIWTPs2 #TLoTS Jeremiah hates the idea of having a baby. but what if, one day Jace will ask for it and...
1.4M 46K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
4.4K 618 44
Gaano nga ba kalakas ang alon ng pagmamahal, kailan kaya nito matatamo ang nagpapakalmang dalampasigan? Ang babaeng nag ngangalang Kai Geneva Varea...
358K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...