Falling for Miss President

By phantasiaaaaa

4.3K 213 313

❝Hindi naman porket naka-glasses ay matalino na!❞ - Alora Camren. Isa si Alora sa mga taong napagkakamalang... More

Falling for Miss President
1.
2.
3.
4.
5.
6.
NOT AN UPDATE
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
28.
29.

27.

77 2 25
By phantasiaaaaa


"I want to drive you to the university. That's it, you heard them right."

We are here sa isang restaurant malapit lang din sa school. Sinabi ko na she don't have to prepare early just to drive me kasi nakakahiya sa dalawa, plus hapon pa ang klase nila.

Ito mukhang magagalit pa nga siya sa 'kin since I keep on saying na nahihiya ako doon sa dalawa. "Chill, don't be mad." Mahinahon kong saad sa kaniya.

Dumiretso naman ang kanina pa niyang naka-kunot na noo nang tumingin ito sa 'kin. Napa-pout naman ako dahil I really easily get intimidated by her.

"Don't pout..." Aniyang nakatingin sa 'kin. Nabasa naman ata niya ang rumehistro sa mukha ko, "It looks like you are asking for a kiss." Umiwas ito ng tingin sa 'kin kaya kita ko ang tenga niyang namumula.

"H-hindi ah..." Nahihiya kong sagot at tinikom ang bibig.

"Oo nga," she shrugged then continue eating. I do the same since it's getting late na rin.

"Pero, Geo—"

"Don't talk. Finish your food na so that I can drive you home. It's getting late." Aniya at tumingin sa labas. Madilim na nga, pero hindi pa naman lumalampas ng alas otso ang oras.

Ang tigas talaga ng ulo niya eh 'no. Kanina ko pa kasi sinasabi na huwag na niya ako sunduin sa bahay kasi nga hapon pa ang classes niya and I have driver naman. I even said na we can see each other pag lunch break or 'di kaya ay vacant.

Pero as being Geovana, ayaw talaga niyang magpa-awat. Base rin sa observation ko sa kaniya ay ayaw niya ng pina-pakielaman ang ginagawa o gusto niya. Wala naman akong nagawa kundi ang tumahimik na lang at kumain.

"You're an only child, right?"

"Ahm, oo. Bakit?"

Binaba naman niya ang kutsara tapos nagpunas ng bibig gamit ang table napkin bago ako sinagot.

"How does it feel to become an only child?"

Nag tinginan muna kami sandali at dahil hindi ko kayang tagalan ang tingin sa kaniya, binaba ko ang mga paningin sa plato ko. "Lonely? Lonely." Sagot ko at sumubo ng pagkain.

"Before ayon yung nararamdaman ko. But when I met them, hindi ko na na-feel 'yon. Nakuha ko na yung gusto kong love, attention, and care sa mga kaibigan ko eh." I honestly told her.

"Thank you for saying that to me."

Napa-angat naman ang tingin ko sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Her tone was so sweet and soft to the point that it touches my heart.

"Para saan?"

"Wala lang, I thought you're kinda feel awkward with me since it's been a third time we go out together." She then sipping her juice.

Matagal ang tingin ko sa kaniya dahil pati pag sipsip sa straw ng juice ay ang elegante niyang tignan. Gano'n ata siguro kapag lumaki kang mayaman. "Medyo, pero I want you know you more and I want you to know about me more." I wanna clap myself for being this vocal to her.

"Have you date someone before?"

Nakatingin lang siya sa 'kin. Nakakahiya dahil tapos na siyang kumain pero ito ako, may ilang kutsara pa ang natira. Nakapatong ang dalawang siko niya sa lamesa at nasa harapan naman niya yung baso ng juice. Hawak pa niya ang straw nun habang nakatingin sa 'kin.

What else can I say except for she's indeed pretty. Wala na atang masabi ang sarili ko tuwing nakikita ko siya. I'm literally whipped.

Tinaasan naman niya ako ng isang kilay. Mukha siyang maldita, pero mas nag mumukha kapag ganitong nantataas siya ng kilay.

"Wala," sagot ko ng may kasamang iling.

"Really? Ano lang?"

"Anong ano lang? Wala akong dinate kasi hindi naman umaabot na nakakausap or umaamin ako sa nagugustuhan ko." I honestly told her.

Well, I really wanted to be honest all the time kasi I want them to also be honest with me. Kumbaga, if nakikita nilang ginagawa ko, siguro gagawin din nila kasi this is how I treat them.

"So..." Tinignan ko siya at sumilay naman ang isang ngisi sa kaniya. "I'm the first one you confessed with and to date?" Kita ang mangha at pang a-asar sa itsura at sa mga ngisi pa lang niya.

Iniwas ko sa kaniya ang tingin 'tsaka inubos ang kinakain ko. "Oo." Mahina kong sagot sa kaniya.

"Hmm." Tumango-tango naman siya at pinanliitan ako ng mga mata.

"Bakit?" I ask her.

"I was just thinking. Where should we go next time for our date?" Nakangisi niyang tanong sa 'kin tapos she was biting her lips pa!

What the hell, Geovana?!

Agad naman akong nabilaukan at napa-ubo. I heard her laugh before iabot sa 'kin yung baso ng tubig. I didn't expect her atake this time ah. Pinatitibok mo nang ka'y bilis ang puso ko na naman.

---

"See you tomorrow!" Aniya sa 'kin nang makarating kami sa tapat ng bahay.

I was about to open my mouth para sana kumbinsihin siya na huwag na akong sunduin bukas kasi nakakahiya kanila Xirano and may driver naman kami pero she point her finger at me.

"Shh. I don't take no for an answer." Nag cross arms ito at tumingin sa harap. "I didn't ask them to wake up early and follow me all the time. They have their own lives naman. I'll talk to them." Umirap pa siya na akala mo kaharap ang pinsan niya.

"Pero 'di ba kasi gusto ng lola niyo na magkakasama kayo lagi?" I ask her. Base sa sinabi sa 'kin ni Xirano kanina, ayon ang dahilan kung bakit lagi rin silang nagkaka-dikit.

"Puwede naman kasi nilang hindi sundin 'yon." Lumingon siya sa 'kin at wala na akong masabi dahil naka-kunot na naman ang noo niya at mukhang maiinis na naman. "You'll study?" Pag babago nito ng usapan.

Tumango ako sa kaniya bago sumagot, "Oo eh, marami kasi kaming pendings. Siguro magbabasa na lang din ako." Ang hirap maging graduating student!

"Okay, don't over work yourself."

"Eh, ikaw?" Tanong ko sa kaniya. "May gagawin ka ba?"

"Nothing. Maybe i'll rest when I got home since you're studying." Sagot nito sa 'kin. She's looking at me as if she wants to do something.

Hoy, anong something? Joke lang! Knowing Geo, this is how she looks at someone lang talaga. Iyong akala mo nababasa niya kung ano ang nasa isip mo. 

"Message me when you're done."

"Eh? Why? Baka tulog ka na nun. But, okay, still i'll message you." Like I always do.

"I'll wait for your message then."

Tinignan ko siya nang naniningkit ang mata. "Don't wait for me baka late na 'yon. Akala ko ba mag papahinga ka?" At ayoko rin na may naghi-hintay sa 'kin.

"Like I said, I have nothing to do. So, i'll wait for you. Isn't that resting already?" Bakas na naman sa mukha nito ang inis dahil mas lalo pa atang kumunot ang noo niya.

"Ahm, we can call while I am studying." Nahihiya kong sabi sa kaniya. I bite my lips and look outside the car window.

"Sure, that's much better."

Kahit hindi ko siya tignan ay alam ko ng nakangiti na siya with smirk na naman. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.

"Okay, i'll go ahead! Take care please." I unbuckle my seatbelt and was about to open the door when she stop me.

"Don't wait for me to get home before you start studying ah? I'll message you or ring you na lang if ever. Tell me if I'm disturbing you."

"No! It's okay with me. Just call me na lang. Don't think that you're disturbing me. I like it studying when your presence is there." Saad ko sa kaniya. Dahil sa hiya ko ay binuksan ko na ang pintuan at lumabas doon.

I waved my hands at her. "Take care please, and thank you for today!" Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob.

Binati ko lang ang mga kasambahay namin na nakita ko pa bago ako umakyat sa taas. As I entered my room agad na rin naman ako nag palit ng damit at umupo sa study table ko.

Geo, I'll start studying na. Call me na lang if you're already home. Thank you, again!

I just give her heads up na mag aaral na ako at puwede naman niya akong tawagan anytime. I can't believe that liking someone will made me be vocal to what I want to tell them.

It makes me kilig din everytime that I am with her and just to think about future errands with her.

Ang babaw ko pero this is how it feels like pala talaga. Now I get what my friends feels like before. Iyong panahong even a small interaction nila with their crush ay kinikilig na sila.

Halos isang oras na rin ako nag aaral ng mag ring ang phone ko. Agad ko namang sinagot nang makitang siya ang tumatawag sa messenger.

"Hi, sorry for disturbing you."

Tangina naman. Why she was wearing sleeveless? Iniwas ko na lang ang tingin sa bare niyang shoulder at inayos ang pagkaka-tayo ng cellphone ko sa phone holder.

"Hello! Hindi ka naman nakaka-istorbo." Lord, ang ganda niya po! "Okay lang ba sa 'yo na nag aaral ako tapos ikaw nandiyan lang?" Nakahinga naman kasi siya.

"Yup! That's definitely okay with me. I am resting naman while watching you."

Kinagat ko ang laman mg pisngi ko dahil sa kilig. Nakakainis, simpleng ganito lang niya halos lumabas na lahat ng kilig ko.

I tried my best not to show her how much kilig I'm feeling kaya sinagot ko siya without looking at her. "Okay, mag simula na ako ah?" Para akong tanga na sa book ako nakatingin.

"Sure, lovie."

Napapikit ako at kinagat ang ibabang labi. She said that with her sleepy tone. It's so soft!

Huminga ako ng malalim to condition myself to focus on my pendings. I'm reading a book that will help us with our defense, siguro after nito ay mag sasagot ako ng iilan sa mga activities namin.

All throughout ng pag aaral ko ay tahimik lang naman si Geovana, I didn't even heard her speak. Iyong tunog lang ng aircon sa kuwarto niya. Pa-minsan minsan din naman ay tinitignan ko siya, I think nag s-scroll siya sa phone niya since 'di siya nakatingin sa 'kin. But once na lingunin ko siya, titingin din siya sa 'kin.

"Geo, 'di ka pa ba antok?" Tanong ko. Tinignan ko ang orasan sa lamesa ko at nakitang it's almost 10 in the evening.

"Not yet."

"Weh? Baka antok ka na, you can sleep na." Tinapos ko lang ang last word na sinusulat ko at tumingin na sa screen ng phone ko kung nasaan siya.

"I'm not yet sleepy. How about you?"

Naka-sandal na pala siya sa headboard ng kama niya. Kita ko ang half body niya. She's wearing her nighties tapos naka-headband pa siya. Ang cute!

"Medyo antok lang."

"Aren't you done?"

Umiling ako sa kaniya, "Onti na lang naman. Matutulog na ako pagtapos para makatulog ka na rin." Tinignan ko ang mata niya to know if she's sleepy pero hindi pa rin talaga.

"Palagi ka ba nagpupuyat?" I ask her.

"Yes, nasanay na due to paper works. You know, president things." Nag kibit-balikat siya at inayos ang headband niya.

Ilang sandali lang din naman ay natapos na ako. "I'm done!" Inform ko sa kaniya at nag simulang ayusin ang mga gamit.

"Great!"

Nang matapos akong mag ayos sa lamesa ko ay nahiga na rin naman ako. She's also laying down sa malaki niyang kama na kasya pa ata ang limang tao.

"Thank you for the time, Geo!" Saad ko.

"You can take a rest na. You did well!"

Nahihiya na naman ako sa kaniya. "Thank you for accompanying me tonight! Matulog ka na, sorry kung nakapag-puyat ka pa," tinanggal ko ang salamin ko at nilagay sa bedside table.

"No worries. I enjoyed watching you study, like before."

"Eh?!" Reaction ko. "You're watching me?"

"Yeah? Like before."

Magsasabi pa sana ako kaso narinig ko na ang pag hikab niya. Anong oras na nga rin pala. "Geo, you can drop the call na para makatulog ka na. Thank you for today, I appreciate it a lot!"

"You're going to sleep na ba?" She asked.

"Oo, ikaw din. Pareho na tayong antok oh!" Natatawa kong saad sa kaniya.

"I enjoyed puyat with you naman." Ayan na naman ang tingin niyang akala mo nakikita niya kaloob-looban ko. "Anyway, I'll end the call na since you really look tired and sleepy. Have a sweet dreams, Alora! Goodnight."

I smile genuinely to her. "Thank you, Geovana! Sweet dreams and goodnight, pretty!" I even wave my hands at her before the call ended.

I feel so complete today, parang hindi ako pagod at nagawa ko pang ngumiti ngayon. I hug my pillow tightly at doon nilabas ang kilig na nararamdaman.

---

"Geo..." Tawag ko sa kaniya na medyo nabo-bother.

Ito na naman ulit siya, sinundo na naman ako. Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan niya, she's already wearing their uniform.

"Don't worry, I already talked to them." Aniya habang diretsong nakatingin sa daan dahil nag di-drive siya.

"Eh, kahit na! Baka mapagalitan kayo?"

"Hindi 'yan. Don't worry about it too much." Nilingon niya ako at kinindatan.

Alam ko naman sa sarili kong simple gesture lang niya ay magiging kamatis na ang mukha ko. Iniwas ko na lang sa kaniya at tingin at bumaling sa bintana.

Maaga pa at tirik na ang araw, madami na rin ang sasakyan dahil mag ru-rush hour na madami na rin ang mga commuters na tumatakbo sa mga jeep o iba pang pampasaherong sasakyan. (Hello!  #NoToJeepneyPhaseOut)

Kitang kita na mga maaga pa sila gumising para lang makasakay at hindi masabay sa siksikan. Bukod pa roon, ang traffic pa sa siyudad.

"Saan ka niyan maghihintay bago ang klase mo?" Tanong ko sa kaniya. Ang aga naman niya kasi para sa pasok niya ngayon.

"Office. I told you don't worry about me."

"Eh, nakakakonsensya?" Alanganin kong sambit.

"What do you want ba? Ayaw mo na sunduin kita?" Tanong nito sa 'kin tapos ay nilingon ako saglit.

Umiling ako agad, "Hindi naman sa gano'n pero iniisip ko na ang tagal mo pa maghihintay bago ang klase mo." Baka isipin ko pa ang puwede niyang gawin sa oras ng klase ko kesa sa klase ko mismo.

"We have office and lots of work there. It's also an advantage for me to get ready early for me to drive you and to get my works done."

Napatahimik na lang ako sa sinabi niya. Nakokonsensya tuloy akong pumalag pa. Oo nga naman, baka marami rin silang gawain doon sa council.

"Sorry, I'm sorry." Ito na lamang ang nasabi ko dahil ayoko na siyang inisin pa. Ang aga pa para mawala siya sa mood and the very least thing I wanna do to her is ang inisin siya.

I heard her heavy a sigh. "No, it's okay."

Nakarating kami sa school ng maaga pa. Sabay kaming naglalakad at onti pa lang ang mga tao. May ilan lang ang napapatingin sa gawi namin, alam ko namang iisipin nila bakit kasama ko itong head president at sino ba ako para makasama ito. Pero dahil sa mayayaman ang mga nandito, wala naman nagtatangkang magtanong ng gano'n. Siguro iniisip na lang nila na my parents and their parents are good friends kaya magkasama kami.

"Thank you, Geo!" Nakangiti kong paalam sa kaniya. Hinatid na naman niya kasi ako sa room. "And sorry kanina."

Nakita ko siyang umirap pero ngumiti rin naman sa 'kin pagtapos. "You're welcome."

"Pasok na ako ah?" Ani ko at sumilip sa may bintana kung nandoon na ang mga kaibigan ko. Himala at wala pa sila.

"Sure. See you later."

"Ba-bye! Thank you!" Nginitian ko ulit siya at pumasok na sa room namin.

Tahimik ang paligid. Hindi ako sanay na wala pa ang isa sa mga kaibigan ko. Usually laging nauuna rito si Anjali pero wala pa rin siya. Tahimik na lang din akong umupo at nilabas ang notes ko para magbasa. Baka mamaya kasi may surprise quiz pala at much better na rin 'to para malibang ang sarili habang wala pa sila.

---

"Huy!"

Napatalon naman ako sa gulat dahil may biglang sumulpot sa gilid ko.

"Bakit ka ba nang gugulat?" Pinanlakihan ko siya ng mata dahil tawa na naman siya ng tawa.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago." Iiling iling niyang sabi. "Halika na."

Nangunot ang noo ko sa yaya niya sa 'kin. "Saan? At bakit?" Tanong ko.

"Canteen? Break time na." Sagot nito at naka-cross arms pa na sumandal sa wall.

"Alam ko. Pero bakit nandito ka?"

Ngumisi naman siya sa 'kin, "Hindi mo ba ako miss?" Pang a-asar pa niya.

"Hindi 'no!" Inirapan ko siya at namewang. "Bakit ka nga nandito?"

Umirap din siya sa 'kin tapos umayos ng tayo. "Pinapa-bantayan ka sa 'kin nung mga kaibigan mo. Nag aalala lang baka wala ka raw kasama?" Ngumiwi pa siya sa huling sinabi niya. Parang hindi sure sa sinasabi.

"Si Anj? Eh, nandito naman si Sofie ah?" Nilingon ko si Sofie na nasa loob pa rin ng classroom.

Ayaw kasi magpatalo ng baliw, madami kasi syang error sa quiz namin noong nakaraan na ngayon lang binigay at hindi siya naniniwala na madami siyang mali kaya ayon siya, nagpapa-recheck sa president namin.

"Sino pa ba? Malamang si Anj. Busy ang mga lola mo eh. At malay ko bang nandiyan si Sofie." Tinignan din niya si Sofie na ngayon ay seryosong tinitignan ang papel niya.

Kaninang umaga kaya pala wala pa yung dalawang early bird ay may meeting sila sa council. Ang teacher lang namin nung first subject ang nagsabi na excuse muna raw sila dahil sa may ginagawa. Si Diya naman ay first subject lang pumasok tapos umalis din dahil sa dance practice nila. May competition ata sila this coming week. At si Sofie, ayon nga, nakikipag-away sa recheck niya.

"Ano, tara na? Gutom na ako." Reklamo niya.

"Teka lang, Daphne. Baka dumating— este baka kasi mamaya pa matapos 'to si Sofie." Nginuso ko pa yung taong nasa loob.

"Tanong mo nga kung matagal pa ba siya."

Wala naman na gaanong tao ngayon sa floor namin. Kanina pa kasi ang break time, pero dahil si Sofie ay ayaw magpatalo, ito natagalan pa kami kumain.

Napalingon ako sa hallway sa likod banda ni Daphne. Napaayos agad ako ng tayo nang makita sa corridor si Geovana kasama iyong dalawa. Nilingon ko naman si Sofie na nakatayo na rin bitbit ang papel at naka-sabit ang isang strap ng bag sa balikat.

Napatingin ako ulit kila Geo. Malayo pa naman sila. Tinignan ko si Daphne na nakatingin naman kay Sofie.

"Sasampalin ko talaga nag check nito! Mali mali amp!" Bungad niya nang makalapit sa 'min. "I got 35 'no! 5 lang ang error ko."

"Oh, anong gagawin natin?" Wala sa sariling sagot ko sa kaniya.

Umirap ito sa kawalan. "So ahead and eat first, i'll go sa office ni ma'am at irereklamo 'to." Aniya at tumalikod na sa 'min.

"Tara na." Aya naman sa 'kin ni Daphne. "Gutom na ako."

Nilingon ko sa Geovana. Kunot na naman ang loob habang nakatingin sa puwesto namin. Medyo malapit pa naman sila.

"T-teka, samahan mo muna yun siya!" Hinila ko ang braso ni Daphne at tinulak-tulak pa-sunod kay Sofie.

"Anong samahan? Hindi ko naman yun close." Reklamo nito sa 'kin.

I stamp ng feet and push her again. "Sige na, hindi nun kaya mag isa baka mamaya makipag-away." Ilang tulak pa sa kaniya at naka-sabay na rin niya maglakad si Sofie.

"Uy, Sofie! Samahan ka raw niya." Paalam ko kay Sofie. Nilingon naman ako ni Daphne na nanlalaki ang mata, "Girl?!" Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Ba-bye!" Sigaw ko sa kanila at tumakbo na pabalik sa room.

---

Nandito kami sa canteen ng college. Binitbit na naman ako ni Geo rito sa lungga nila. Tahimik lang naman kaming kumakain.

Oo, kami kasi kasama yung dalawa. Kaya kanina pa panay irap itong katabi ko sa pinsan niya.

"Dukutin ko mata mo eh." Rinig kong bulong ni Xi.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya dahil siya ang katapat ko. Ramdam ko rin ang lingon sa kaniya nung dalawa.

"What did you say?" Bakas sa tono ni Geovana na naiinis siya.

"Wala! I said you are pretty as hell!" Sagot naman ng isa.

When Geovana was about to speak again, pinigilan na ito ni Arcane. "Let's just eat peacefully, shall we?" Bakas din sa tono ng mananalita nito na naiinis na rin siya.

Bakit kaya ang iinit ng ulo ng mga tao ngayon? Hay nako.

"Nga pala, Alora." Tawag pansin sa 'kin ni Xirano.

"Ano 'yon?" Tanong ko nang matapos malunok ang kinakain.

"Where's your friends? It's unusual na walang hindrance diyan sa babaeng 'yan." Umirap pa siya at ngumuso sa puwesto ni Geovana.

Ako naman ngayon ang naka-kunot ang noo. "Huh, 'di ba busy sa council?" Takang tanong ko sa kanila. Sabay naman ang dalawang nakatingin sa gawi ni Arcane.

"They are." Sagot ni yelo tapos ngumisi.

"Baliw ka?"

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulong ni Xirano na iyon kay Arcane. Nag kibit-balikat na lang ako at tinapos ang pagkain.

"Sabay ba kayo uuwi?" Tanong ni Geovana nang matapos kami kumain.

"Hindi ata. Busy kasi sila eh. Ang alam ko kasi election for SK 'di ba? Uuwi 'yon agad si Chan after sa council, si Diya rin after sa dance practice nila. Si Anj, may contest na sasalihan."

Normal naman sa 'min ang ganitong schedule. Kahit na magkaka-klase kami, hindi pa rin pare-pareho ang ganap ng bawat isa. Ang mama kasi ni Chan at Diya ay same partido sa kagawad, since botohan syempre kailangan ng support nila. Si Anj, kanina excuse dahil sasali sa contest, science quiz bee.

"Kami lang ni Sofie ang sabay."  Dagdag ko.

Sa 'ming lima, kaming dalawa lang ni Sofie ang free lagi. Mga competitive kasi yung tatlo kaya saling sali talaga sa mga ganap. I asked them once na bakit sila sumasali sa gano'n, they just said na need daw nila since half scholar sila.

"Sunduin kita sa room mo later."

"Huh? Huwag na. Nakakahiya na 'no."

"Let's eat outside ulit."

Hindi ako nakasagot sa kaniya dahil tinignan ko yung dalawa sa harap namin. Parang wala naman silang narinig dahil si Xirano ay mukhang bored na sa kinakain niyang mais con yelo dahil umiirap na, si Arcane naman ay nag po-phone lang.

"Sige, my treat." Sagot ko na lang sa kaniya.

---

Oras ng uwian ay gaya ng sabi ni Geovana ay susunduin niya ako. Sabay namin ang tatlo, yung pinsan niya at si Sofie papuntang parking.

Wala naman akong nafi-feel na awkwardness dahil nauuna ang tatlo sa 'min habang kaming dalawa ay nasa likuran nila.

Bigla ko pa ngang naalala yung pinagusapan ni Chan, Sofie, at Geo ngayon pero wala naman akong lakas ng loob na i-bring up ulit 'yon. Hindi nga lang nagpapansinan itong si Geo at Sofie.

Nang makarating sa parking, as usual Sofie kissed my cheeks as goodbye, gano'n din ang ginawa niya sa dalawa except for Geovana. Sinagot naman 'yon ng bebe ko ng isang irap.

"Let's go."

Tahimik lang naman kami sa sasakyan niya. Medyo malayo ata ito compare sa kinainan namin kagabi. Maganda naman ang restaurant, onti lang din ang mga tao.

Nag usap lang kami saglit habang hinihintay dumating ang food namin, at nang ma-serve, wala na kaming imikan. Not because we both feel awkward to each other but because sobrang sarap ng food na sinerve nila.

"Damn."

"Sarap!"

Sabay pa kaming nagkatingin at sinambit ang salitang 'yon dahil sa sarap ng pagkain. We just randomly picked a restaurant to eat kanina sa sasakyan tapos ito ang napili namin and it's a good choice.

Nang matapos kaming kumain ay nag pahinga lang kami ng kaunti at naglakad na rin papunta sa parking. Medyo malayo ang parkingan dito dahil highway.

"Thank you for today, again." Out of nowhere niyang saad habang naglalakad kami.

"Thank you too."

Tinignan ko si Geovana at nasa daan lang ang tingin. It's getting cold na rin, hinahangin pa ang buhok niya at nakapasok sa bulsa ng uniform coat ang dalawang kamay.

This is again a normal day for anyone na lagi siyang nakikita, iyong maganda, kahit naglalakad siya. Pero para sa akin, this is one of the most memorable day since I was able to see how pretty she is in person, even if this way na naglalakad sa gilid ng daan habang hinahangin ang buhok. Sobrang ganda.

"Geovana, alam mo ba..." Nakatingin pa rin ako sa kaniya.

"Hmm? What is it?" Nilingon niya ako nang naniningkit ang mata dahil sa hangin.

Ang lamig pa nga ngayong panahon. Pinasok ko naman sa loob ng bulsa nitong vest namin ang mga kamay ko habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"Yung presence mo."

"Hmm?"

"Your presence is enough to complete my day. Like, nasasanay na ako sa ganito. Thank you for completing my day."

---

Hellooooo!!! It's been a month and a half since last update. Ngayon lang naging free dahil sobrang busy ng lola niyo sa school + ganap sa org kaya panay ang gala kaya puno ang november and december dump. Hope you have a wonderful holiday ahead! Take care always guys!

MERRY CHRISTMAS EVERYONE! HAPPY HOLIDAYS! 💗




Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
16.7M 722K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
104K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...