Four Hearts [π™Άπš‡π™Ά] [𝙿𝙾𝙻�...

By xvii_xxiv

71.3K 3.1K 410

A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her. More

Prologue
Introduction of Main Characters
Synopsis
Chapter 1: Again
Chapter 2: Marriage Certificate
Chapter 3: First Disaster
Chapter 4: Four Deity
Chapter 5: New Target
Chapter 6: Stress
Chapter 7: Bago yun
Chapter 8: Knowing you
Chapter 9: Fiance
Chapter 10: Date
Chapter 11: The Post
Chapter 13: Campus Princess
Chapter 14: Campus Sweetheart
Chapter 15: Ice Queen
Chapter 16: The bet
Chapter 17: Positive

Chapter 12: Ideal Girl

2.4K 127 20
By xvii_xxiv

Tala Amara's POV

Palakpakan at sigawan ng mga tao ang bumalot sa loob ng gym. Sobrang ingay at kanya-kanya din ang mga chinicheer nila. Ang lalakas ng mga hiyawan, may mga dala din silang banner.

"Geez, why did we even watch today? Ang daming tao." Tinignan ko si Willa na nag rereklamo nanaman.

"Ikaw nag ayang manuod eh." Sabi ko sakaniya.

"Mag lalaro kase si Ianna." Ianna? 'Yon ba 'yong babaeng lumapit sa akin before? 'Yong nag tanong sa akin kung gusto ko ba dawng sumali sa basketball girls ba o volleyball, ahh basta may ball.

"Siya ba 'yong captain ball?" Halos sumigaw na ako para lang marinig niya ako.

"Hindi, si Maeve 'yong captain ball nila." Nagulat ako sa sinabi niya.

Alam ko ka team din nila si Yelo at ineexpect ko na kung hindi si Ianna, si Yelo 'yong captain ball. Infairness, kahit manyak si Maeve naging captain ball pa.

"Tara dito." Hinila ako ni Willa palapit sa bench nila Yelo. Dun kami umupo sa may likod lang nila.

"You really came." Napairap ako sa sigaw ni Manyak sa akin. Ilang araw niya din kase akong kinukulit na manuod ng laban nila ngayon.

Hindi naman ako pumunta para sakaniya, pinilit lang ako ni Willa kaya ako nandito ngayon.

"Talaaa!" Nabaling ang atensyon ko sa dalawang taong palapit sa amin, may dala silang gatorade at chips.

"Maeve." Binato ni Noelle 'yong isang gatorade sakaniya tapos kay Yelo naman 'yong isa.

"Thank you so much!" Nag flying kiss pa si Manyak kay Noelle na kinangiwi ni Noelle kaya natawa ako sakaniya.

"Thanks." Apaka lamig talaga ng pag katao ng isang 'to eh.

"How are you?" Tanong ni Noelle sa akin. Actually isang linggo na din nakakalipas simula nung may nag post nga sa akin ng ganon.

Isang linggo na din akong nakakatanggap ng death threats. Nung araw na pinalipat ako ni ate Ten doon sa bahay nila, kinagabihan lang nun nabalitaan ko na may sumunog sa bahay namin.

Kaya ngayon bantay sarado kami sa bahay ni ate Ten at may mga bodyguards din kami, nalaman din kase niya na kung ano-anong mga death threats na din natanggap ko at paninira sa akin at sa pamilya ko.

"Okay naman ako." Sagot ko kay Noelle.

"Sorry about what happened to your house." Hindi naman siya 'yong may kasalanan.

"Ano ka ba, wala 'yon." Nginitian ko siya para hindi na niya isipin 'yon.

"But still, I'm sorry. Kung hindi dahil sa amin maybe that won't ha—"

"Shh, ano ba. Sabi na nga na wala 'yon. Hindi niyo naman kasalanan okay?" Tinap ko na din ang balikat niya para naman hindi siya makunsensya at sisihin ang sarili niya.

"Panuorin mo nalang mga kaibigan mo at i-cheer mo sila." Sabi ko at ngumiti.

Pinanuod ko na din silang mag laro at panay din ang tili ng mga tao sa paligid ko. I heard malakas 'tong mga kalaban nila eh.

Infairness 'di ako nainip sa panunuod sakanila pero naawa ako sa mga kalaban nila dahil sa tandem ni Yelo at Manyak. Walang nakakapigil sakanila kaya natatambakan nila mga kalaban.

Napabilib ako lalo nung tumalon si Yelo kahit wala pa 'yong bola sakaniya nung malapit na siya sa ring biglang pinasa ni Manyak 'yong bola sakaniya ng pag kalakas lakas. Nasalo naman 'yon ni Yelo at buong lakas na nag dunk.

"Wow." 'yon lang ang nasabi ko.

Nag patuloy ang laban nila hanggang sa umabot ng 4th quarter. Hindi na pumasok si Yelo at Manyak sa last quarter, nag damit na sila kaya napailing ako. Medyo mayabang parin talaga sila.

"That's our duo." Sabi ni Rhya.

Napatingin ako sa score board, halos mapanganga ako nung makita ko 'yong score.

"10 - 60 ampota." Gulat kong sabi.

"Impressive as always." Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pag sulpot ni Paige.

Saan ba galing ang isang 'to. "Ano ba, Paige!" Inis kong sabi sakaniya na kinatawa lang niya ng mahina.

"Hindi ka pa nasanay." Napairap nalang ako sakaniya na kinatawa ni Noelle kaya napatingin ako sakaniya.

Nakatingin pala siya sa amin. "You haven't changed, Paige." Sabi niya.

"Same goes for you, Noe." Bakit pa ako magugulat? Mag pinsan nga pala sila si Yelo kaya matik na mag kakilala sila.

"Waaaaahhhhhhhh! Gooo Iannaaaaa!!" Napatakip ako ng tenga nung biglang tumili si Willa.

"Bunganga talaga nito eh." Sabi ko.

"Well she's really loud since elementary." Sabi ni Rhya.

So kilala pala talaga nila 'tong dalawa. Akala ko kase dati sakanilang apat lang umiikot mundo nila. Parang wala silang pakealam sa mga taong nakapaligid sakanila.

Ang ingay na tapos ang init pa.

"Here." Napatingin ako kay Noelle, inabot niya sa akin ang isang bottled water tapos panyo.

Tinignan ko siya ng nag tataka. "Drink it then use this." Turo niya sa panyo.

Hindi ako kumilos at nanatili lang akong nakatingin sakaniya, ngumiti siya at kinuha 'yong panyo sa akin tapos pinunas niya ang pawis ko sa may noo. Hinayaan ko lang siya na gawin 'yon.

Hindi ko alam pero para akong kinilig ng konti sa ginawa niya. Pwede pala akong kiligin sa babae.

"There." Sabi niya at nginitian ako ng pagkatamis-tamis.

Napangiti na din ako, nakakahawa ba naman kase eh.

"Kalli,  I'm starving!" Biglang sigaw ni Rhya kaya napatingin sakaniya halos mga taong nandito.

"Here we go again." Rinig kong sabi ni Noelle habang napapailing.

Nagkatinginan naman si Yelo at Manyak tapos tumango sa isa't-isa bago tumayo at lumapit sa amin.

Nag taka naman ako kase hindi pa tapos 'yong game nila pero umalis na sila.

"Tara." Ang lamig parin talaga. Kailan ba matutunaw 'tong yelong to.

Hindi ko na sila pansin at tinuon 'yong atensyon ko sa pinapanood ko pero pota may biglang humila sa akin.

"Let's go!" Shuta, si Rhya.

"Teka lang sila—" napatigil ako nung makita kong hinihila din pala nila si Willa at Paige.

"Time out! Nanunuod ako eh!" Pumiglas ni Willa mula kay Manyak.

"Sama ka ha?" Buti pa 'tong si Noelle hindi pwersahan eh.

"Sure." Habang tumatagal nagiging kaugali na niya pinsan niya.

"Teka lang kase!!"

"Shut up! Sumama ka nalang!" Napailing ako sakanilang dalawa.

Nag pupumiglas parin kase talaga si Willa tapos si Manyak naman naiistress na parang konti nalang babatukan na niya si Willa.

"Ano ba Maeveeee!" Nag sisigaw na si Willa kaya pinagtitinginan na kami ngayon.

"Oh my god! Can you please shut up!? Ang ingay mo, naririndi na ako sayo!" Natawa ako kase literal na stress na si Manyak.

Wala ng nagawa si Willa kundi ang mag pahila pero masama parin tingin niya dito tapos minsan sinusubukan niyang kumawala pero hindi niya magawa.

"Dito nalang tayo." Nasa food court kami ngayon ng school. Medyo marami ding tao pero may isang pwesto dito na hindi talaga nila inuupuan. Ano pa nga ba? Pwesto lang nan ng four Deities 'yon kaya takot silang umupo don.

Don na nila kami pinaupo, nag aalangan pa nga si Willa kase alam niyang mainit na mata saamin ng mga tao lalo na sa akin. Ayaw na niya talaga na sumasama pa ako sa apat na 'to.

"We shouldn't sit here." Sabi ni Willa.

"We were the one who let you sit here, so stay." Parang aso lang ah.

Simula nung gabing nakasama ko silang apat, lagi nalang silang sumusulpot kung nasaan ako, akala ko nga sa bahay hindi sila bigla nalang lilitaw kasi alam kong hindi nila alam bahay ko pero mali ako. Hindi ko parin alam kung paano nilang nalaman kung saan ako nakatira, si Amaro naman tinatanong ko pero hindi ako sinasagot kung paano niyang nakilala si Yelo. Hindi ko na din talaga alam paano ko pang maiiwasan 'tong apat, paag nakikita pa nila ako lagi din nila akong sinasama kung saan sila pupunta.

Expect ko na 'to eh pero parang ayaw ko parin 'yong idea na nagiging close ako sakanila kase nga umiinit 'yong mata sa akin ng mga tao. Baka abangan nila ako sa kanto tapos ipabugbog nila ako then itatapon sa sapa jusko 'wag naman sana. Nagawa na nga nilang ipasunog bahay namin eh. Lagot na talaga gumawa non kase galit na galit si ate Ten.

"Kami nalang mag o—"

"Ako nalang." Nakangiting sabi ni Noelle.

"Samahan na kita." Pipigilan pa sana niya ako pero hinila ko na siya papunta sa mga stall dito.

Sakanilang apat, siya 'yong pinakatahimik pero hindi boring kausap. Si Yelo kase malamig na nga tapos ang tipid pa kung mag salita. 'Yong si Manyak naman parang nakalunok ng microphone eh tapos si Rhya ang kulit.

"What do you want?" Tanong niya habang nakangiti.

Ang ganda talaga ng mga ngiti niya. Nakakalaglag panty mga bading, nababading na ata ako sakaniya.

"Ikaw—este kahit ano nalang, gusto kong mag rice." Shutacca Tala, kumalma ka.

"You can't eat me silly." Napatitig ako sakaniya nung bigla siyang tumawa.

Shocks, mas maganda parin talaga siya pag tumatawa. Pag ako 'yong tumawa mukha akong mangkukulam pero pag siya parang anghel na binaba sa langit so nasaan ang hustisya.

"Baka may langaw na pumasok." Nahiya ako bigla nung itaas niya ang baba ko. Naka buka na pala ang bibig ko hindi ko na napansin.

Umiwas ako ng tingin sakaniya, narinig ko nanaman ang mumunti siyang tawa.

"Happy pill mo talaga ako no?" Sabi ko sakaniya.

Tinignan niya ako at ngumiti. "Yes you are." Napapikit ako ng ilang beses sa sinabi niya.

"Ahh.." Shemay walang words na gustong lumabas sa bibig ko.

"Are you okay? Ang pula mo, are you sick?" Napaurong ako pero mukhang wrong move kase na mali ako ng hakbang patalikod.

Nagulat ako nung bigla akong hinila ni Noelle palapit sakaniya at naramdaman ko ang isang kamay niya sa may bewang ko. Napatitig ako sakankya, sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Kung hindi niya ginawa 'yon baka natumbana ako pero bakit parang mas okay na kung matumba nalang ako?

Napalunok ako nung biglang bumaba 'yong tingin niya sa mga labi ko.

"O-Order na tayo." Mukhang natauhan siya nung mag salita ako.

"S-Sorry.." Pag hingi niya ng tawad at inalalayan akong tumayo ng maayos.

Umiwas ako ng tingin sakaniya, napapaypay pa ako sa mukha ko gamit kamay ko. Uminit ata bigla dito.

"Be careful next time." Sabi niya kaya napatingin ako sakaniya.

"T-Thank you." Bakit ba nauutal ako. Parang biglang naging awkward sa pagitan namin.

Nag order na kami at habang hinihintay namin 'yong order may biglang sumiksik sa tabi ko kaya napatingin ako don. Lalaki siya at mukhang mahangin pag katao niya. Umurong ako kase masyado niyang ginigitgit sarili niya sa akin.

"Hi." Nakangiting bati niya, gwapo siya. "Bakit ka nakatingin sa akin? Crush mo ako no?" 'Yon lang, mahangin siya.

"May kakapalan din mukha mo ano?" Napangisi siya sa sinabi ko.

"Oh? Hindi ka na love at first sight sa akin?" Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Hindi, hindi nga kita type." Natawa siya sa sinabi ko. Hindi ako komportable sa prisensya niya, para siyang nag a-adik na manyak.

"Oh come on, I'm a good looking guy." Lalapit na sana siya sa'kin ng biglang gumitna si Noelle sa amin.

"Will you please stop bothering her? Can't you see that she's uncomfortable?" Mahinahon ang pag kakasabi non.

"Ahh.. Sorry." Parang na star struck pa siya kay Noelle ah.

Sinilip ko ang expression ni Noelle at ganon parin. Ang amo ng mukha niya habang nakangiti lang.

"That's fine just don't do it again."  Nakangiti nitong sabi at napatango lang 'yong lalaki habang dahan dahan itong umuurong palayo.

Humarap siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.

"O-Oo naman." Sagot ko.

"You sure?" Tumango ako bilang sagot na oo at nag thumbs up pa sakaniya.

"Okay." Nakangiting sabi niya. "Mag-order na tayo."

Nung nakapag order na kami pinadala na din namin don sa table namin 'yong inorder.

Habang pabalik na kami sa table namin may nadaanan kaming isang table. Nag taka ako nung bigla akong hinila ni Noelle palayo sa table na 'yon.

Takang tinignan ko siya. "Bakit?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin at nanatili lang ang tingin niya sa isang babae.

Ngayon ko lang nakita si Noelle na gan'to, ang seryoso ng mukha niya.

"What are you doing?" Seryosong tanong niya.

"What? I'm not doing anything honey." Malanding sabi niya at kinindatan pa si Noelle.

Tumayo 'yong babae at hahawakan sana sa mukha si Noelle pero lumayo ito.

"Come on, Noelle. Don't tell me this cheap is yo—" napatakip ako ng bibig nung biglang may sumampal sakaniya.

Uulit pa sana siya pero pinalayo na siya ni Noelle.

"How dare you flirt with our Noelle ha?!" Sigaw nung babaeng inaawat ni Noelle ngayon.

"How dare me?! How dare her?!" Nagulat ako nung tinuro niya ako. "Siya itong parang linta na dikit nang dikit kay Noelle!"

Ayy mali ata na nakatayo pa ako dito.

Napunta ang tingin sa akin ng mga tao, may ilan pa sakanila nag vivideo.

Biglang uminit ang tingin nila sa akin. Anong gagawin ko..

"Let's go." Napatingin ako kay Noelle nung bigla niyang hawakan kamay ko at ilayo sa mga babaeng 'yon.

Pag dating namin sa table namin nakatingin silang lahat sa amin pero hindi talaga sa amin, kundi sa kamay namin ni Noelle na mag kahawak kaya ako na mismo ang nag alis.

Napatingin si Noelle sa akin dahil sa ginawa ko pero nginitian ko siya at sinenyasan siya na nandito na kami.

"Sorry." Sabi niya.

Umupo na ako at inalalayan naman niya akong umupo, grabe naman. Ito ba 'yong princess treatment? Myghad, eme.

"What happened?" Tanong ni Yelo.

"Papatirin sana siya so I moved her away and I didn't know that it will end like that." Sagot niya.

"Those bitches." Sabi ni Maeve habang nakatingin sa mga babaeng nakatingin parin sa'min.

"Hayaan niyo na nga." Sabi ko nalang.

"Did they hurt you?" Tanong ni Rhya sa'kin.

"Hindi naman." Sagot ko.

"Are you sure?" Gaya ng ginawa niya nung nasa bahay sila ganon din ang ginawa niya.

Chineck niya buong katawan ko mung may galos ba o ano.

"Rhya, ano ka ba. Okay lang ako." Inalis ko na kamay niya sa braso ko. Paano ba naman kase lalong kumukulo dugo ng mga tao sa'kin.

Hindi na din sila nag tanong pa nung dumating na ang order namin. Tahimik lang kaming kumakain na talagang pinagtaka ko lalo na kay Willa, Rhya at Manyak.

Madalas kase silang tatlo 'yong maingay eh pero ngayon tahimik lang sila.

Hanggang sa matapos kaming kumain tahimik lang talaga sila. Ang awkward tuloy.

Nung matapos kami agad na umalis si Yelo, anong problema non? Sumunod na si Manyak sakaniya pero inirapan niya muna ako. Parang gago naman eh.

"Shoots, Ate Noe. I have to go." Agad namang tumango si Noelle kay Rhya at nag madali siyang umalis.

Si Willa naman umalis din kase kailangan daw niyang bumawi kay Ianna, paano banaman umalis nalang bigla kase pinag hihila ni Manyak eh.

"Nasa'n na si Paige?" Biglang nawala amp.

Kaming dalawa nalang tuloy ni Noelle ang naiwan dito.

"Amara." Napatingin ako sakaniya. "Sorry about earlier."

"Okay na 'yon. Hindi mo kasalanan okay?" Lagi nalang siya 'yong nag so-sorry sa mga bagay na hindi naman siya ang gumawa.

"Don't worry, starting today I will protect you and I can assure you that no one can hurt you." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi mo naman kail—" hindi ko natuloy sasabihin ko kase bigla siyang nag salita.

"Just let me." Nakangiti niyang sabi at hinawakan pa ang kamay ko na nasa lamesa.

Napatingin ako don at tinignan ko siya.

"I wanna make it up to you, let me drive you home." Sabi niya.

"May work pa ako mamayang 5pm." Kailangan ko pang kumayod.

"Then I'll take you there and wait." Napakamot ako sa may gilid ng kilay ko.

"Maiinip ka lang don eh." Sabi ko sakaniya.

"Then let me help you para hindi ka na masyadong mapagod." Napaisip ako ng konti.

Kailangan nga pala man power mamaya kase friday ngayon panigurado maraming tao.

Hindi na din ako nakipag talo sakaniya kase panigurado matatalo lang ako kung makikipag talo ako sakaniya. Hinatid niya ako sa barbequehan ni Tito, dapat talaga sa coffee shop ako ngayon pero nakasara sila ngayon.

Pag dating namin sa parking lot, pinagbuksan niya ako ng pinto. Siya na din nag lagay ng seat belt ko at pag katapos lumipat na siya sa driver's seat.

"Let's go?" Tumango ako sakaniya at pinaandar na niya ang kotse niya.

Nung unang kita namin ni Noelle, ferrari 'yong kotse niya pero ngayon 'yong lamborghini ang gamit niya.

"Marami ka bang kotse?" Tanong ko sakaniya.

"Yeah, gift ni dad before." Napatango naman ako.

"Ay teka, may naalala lang ako. 'Di ba all girls school ang OU?" Sinulyapan niya ako saglet at balik tingin sa daan.

"No, nakahiwalay lang ang boys. Kaya pag may event gaya nito, lahat ng students ng OU nasa main camp which is kung saan tayo pumapasok." Napatango naman ako.

Nag kwentuhan pa kami ng kung ano-ano at paminsan minsan nag tatawanan din kami. Ang saya niyang kakwentuhan, hindi ka talaga mabobored pa siya kausap mo. Palangiti pa siya at sobrang gaan ng atmosphere pag siya kasama mo.

"We're here." Natatandaan pa niya kung saan niya ako unang beses na hinatid.

Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ulit ako ng pinto sa kotse niya. Napangiti naman ako lalo na nung alalayan niya akong bumaba. Napaka gentlewoman naman nga talaga.

Buti nalang napaaga kami kase mag bubukas palang si Tito.

"Oh Tala, akala ko hindi ka na makakapunta eh." Napatawa ako ng mahina sa sinabi ni tito. Nag mano na muna ako sakaniya at ganon din ang ginawa ni Noelle bago nag pakilala.

"Ida Noelle po, I'm Amara's Friend." Magalang niyang sabi.

Ipapaalam ko palang sana na tutulong si Noelle pero siya mismo nag paalam sa sarili niya.

"I will help her if that's okay with you po." Tinignan ako ni Tito, nag kibit balikat lang ako.

"Kaya mo ba?" Tanong niya.

"Yes po."

"Osige, ano bang kaya mong gawin?" Tanong ni Tito.

"I can cook po." Napapabilib ako ng isang 'to.

"Osige, ikaw mag ihaw tapos ako kukuha ng order. Tala, Ikaw na mag serve." Tumingin si
tito kay Noelle. "Kaya mo ba?" Tinignan ako saglet ni Noelle at nakangiting tumango kay Tito.

"Yes." Bago dumating ang ilang mga customer ni Tito, tinuruan niya muna ng konti si Noelle.

Hindi na nahirapan si Tito na turuan si Noelle kase fast learner siya. Hindi ko alam bakit niya ginagawa to, wala naman siyang atraso saakin eh pero hahayaan ko na nga. Mukha namang masaya siya sa ginagawa niya eh.

Makalipas ang ilang minuto, dumami na ang mga customers. Nandito na din ang ibang nag tatrabaho kay tito pero kahit sampo na kami hindi parin kaya kase marami masyado.

Mas lalong dumami dahil kay Noelle, agaw pansin ang ganda niya kahit nauusukan na siya doon. May konting uling na nga din siya sa mukha pero ang ganda parin niya.

Napapangiti ako pag napapasulyap ako sakaniya kase napapangiwi siya at minsan napapasimangot pa pag hindi niya alam ang sinasabi ni Tito. Hindi niya masyadong alam 'yong parts ng manok sa tagalog kaya ganon.

Lumapit ako sakaniya. "Kaya mo pa?" Tanong ko.

Nginitian niya ako habang nag papaypay ng iniihaw niya. "Of course." Ang tibay din talaga eh. Ayaw paawat.

"Pwede naman kitang palitan diyan kung hindi mo na kaya eh." Sabi ko sakaniya.

"Nah, kaya ko. Just go back there. Don't mind me, I can do this." Sobrang bait na niya, ang ganda pa niya, ang perfect niya masyado.

Kaya siguro pati mga babae nag kakagusto sakanila. Girlfriend and Boyfriend material din kase 'tong si Noelle eh.

"Stop staring, Miss Madrid. Go back to work." Napailing ako at umiwas ako ng tingin.

Sinampal ko ang sarili ko para mahimasmasan.

"Babae ka Tala, babae ka." Sabi ko sa sarili ko habang tinatapik ang pisngi ko.

Lumipas ang dalawang oras at naubos na lahat ng paninda ni Tito. Tuwang tuwa naman si Tito kase sold out agad ang paninda niya sa loob ng dalawang oras.

Maaga kaming natapos hindi gaya ng dati na inaabot pa kami ng alas dose ng madaling araw.

"Ang lakas mo pala sa tinda eh." Sabi ni Tito kay Noelle. "Maraming salamat."

"It's nothing po, I'm just helping Amara." Nakangiting sabi nito habang napapakamot pa sa likod ng ulo niya.

Ang dungis na niya, may uling na siya sa pisngi niya at ilong.

Lumapit ako sakaniya at pinunasan 'yon, para naman siyang batang napabayaan ng ina.

Nung matapos kong punasan ang mukha niya dun ko lang napansin na nakatitig pala siya saakin. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Ano bang nangyayare saakin.

Katapos ibigay ni tito ang sahod ko, binibigyan niya din si Noelle.

"No na po, Just keep it po." Pag tanggi niya sa ika-limang beses.

"Ayy hindi, sige na. Kunin mo na." Makulit si Tito kaya hindi niya matatanggihan 'yan.

"Give it to Amara nalang po. She needs it more than I do but I really appreciate it and thank you for giving me a chance to experience something like that." Magalang nitong sabi at nginitian pa si Tito.

"Osige na nga. Mukhang hindi na kita makukulit na tanggapin ito. Pero maraming salamat, pag gusto mong umulit pupwede naman kaso sa susunod tatangapin mo na ang ibibigay ko sa 'yo." Ayaw parin talagang paawat eh.

Nag pasalamat na ulit si Noelle at ako tyaka na kami nag paalam kay Tito na uuwi na kami. Kailangan ko pang mag luto ng hapunan namin, lagi nalang si Amaro ang nag hahanda ng pagkain namin. Dapat nag aaral siya ng mabuti eh.

Habang nag lalakad kami ni Noelle papunta sa kotse niya, may nadaanan kaming nag titinda ng ice cream kaya bumili ako ng dalawa at binigay sakaniya ang isa.

"Huwag mo akong tatanggihan, mag tatampo talaga ako." Natawa siya ng mahina sa sinabi ko at tinanggap ang binigay ko kaya tuwang tuwa ako.

Natuwa naman ako nung kinain niya 'yong binigay ko. Akala ko talaga tatanggi pa siya eh.

"Thank you pala." Pag papasalamat ko.

"Nah, It's nothing actually. Willing naman akong gawin 'yon." Ang sweet niya sa totoo lang.

"Ang laki ng naitulong mo." Sabi ko.

"Gusto ko lang din matapos agad 'yong work mo so you can rest early" napangiti ako sa sinabi niya.

"Ang laki din ng pinagka-iba mo sa sa dalawa." Natawa siya ng mahina dahil sa sinabi ko.

"Yeah. Masanay ka na, ganon talaga sila but trust me. Okay sila." Kahit napakagago na ng mga kaibigan niya pilit niya paring pinapaganda image ng mga 'yon sa ibang tao.

"Unti-unti ko na din naman silang nakikilala eh." Tama naman siya, minsan lang talaga nakakainis sila.

Nung makarating kami sa kotse niya ganon ulit ang ginawa niya. Pinagbuksan niya ako, ang swerte siguro ng magiging jowa nito. Ayy teka, bading ba siya?

Dahil sa hindi naman gaanong kalayuan ang bahay ni Ate Ten dito, ilang minuto lang ang binyahe namin.

Nung makarating kami sa tapat ng bahay ni ate Ten, bumaba na din kami agad at hinatid niya ako sa harap ng gate.

"Gusto mong pumasok muna?" Tanong ko sakaniya.

"I want to pero I need to go home na but maybe next time." Naka-ngiti niyang sabi.

"Osige ikaw bahala. May tanong pala ako bago ka umuwi." Parang nag taka pa siya sa sinabi ko pero ngumiti din agad at tinanong kung ano 'yong itatanong ko.

"Bading ka ba?" Napaubo siya dahil sa tanong ko. Para pa siyng nabilaukan kahit wala naman siyang kinakain.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Y-Yeah. Nagulat lang sa tanong mo."  Anong nakakagulat don?

"So ano nga?" Tanong ko.

"Bisexual." Napatango-tango ako sa sagot niya.

Hindi na ako nag tanong pa ulet baka kase mailang siya. Pinauwi ko na din siya at baka malate pa siya ng uwi.

So, bading pala silang apat. Dapat na ba akong kabahan dahil napapaligiran ako ng apat na bading?

Continue Reading

You'll Also Like

99.7K 4.8K 31
"I am a vampire." Mula sa papel na hawak ko ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng naka puti at nakaposas ang isang kamay sa kama nya. Sa sobrang put...
139K 3.7K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...
2.4K 172 9
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
349K 6.5K 28
Sa loob ng Barangay Santolan magsisimula ang kakaibang karanasan ng labinlimang taong gulang na si Jinuel. Sundan ang kanyang istorya at kung hanggan...