Jersey Number Eleven

By xelebi

2M 80.7K 35.3K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

25

30.7K 1.2K 282
By xelebi

• 🏐 •

"O, 'nak, anong ginagawa mo rito?" Bungad ni mama pagpasok ko ng bahay namin.

Gulat na gulat sila ni Tita Melba pagdating ko. Well, iyon naman talaga ang gusto ko, e. Iyong ma-surprise sila sa pag-uwi ko rito sa Baguio. Mission accomplished! Natawa pa nga ako kasi naabutan ko pa silang sobrang seryoso na nanonood ng Korean drama.

Nag-bless ako sa kanilang dalawa.

"Ma, parang ayaw mo pa yata akong makita?" Pabiro akong sumimangot kay mama.

"Syempre gusto ko! Nagulat lang ako kasi hindi ka man lang nag-text na uuwi ka pala. Hindi man lang ako nakapagluto."

"Busog pa naman po ako. Tuloy n'yo lang iyang panonood n'yo diyan."

"E, bakit ka nga pala umuwi, hijo? Tapos na ba ang klase mo?" Tanong naman ng Tita Melba.

"Sembreak po, 'ta," sagot ko saka na dumiretso sa kwarto ko pagkatapos makipag-usap saglit sa kanila.

Grabe. Madalas naman akong umuuwi rito sa 'min pero ang sakit pa rin talaga sa katawan iyong almost 5 hours na byahe. Sa susunod talaga, e, iyong ia-avail ko na bus ay iyong pwede kang humiga. Medyo mas mahal kaysa regular na bus pero at least komportable ka. Ang alam ko, may libreng unan at kumot na rin iyon, e.

Nakakatakot nga lang kapag naaksidente kayo tapos tuluyan ka nang hindi magising. Knock on wood!

Thank you po, Lord, at nakarating akong safe dito sa 'min. Grabe. Miss ko na pala itong kwarto ko. Syempre iyong lamig din ng Baguio. Ang hindi ko na-miss, e, iyong traffic kanina no'ng malapit na kami. Grabe na rin talaga kasi ang dami ng turista rito. Walang peak season sa kanila, e. Parang all-year round ay may mga umaakyat dito.

"Kai," tawag ni mama nang sumilip siya sa kwarto ko.

"Po?"

"Anong gusto mong ulam? Pupunta kaming palengke ng tita mo ngayon."

"Uh, kahit ano po."

"Gusto mo ng sinigang?"

Hindi agad ako nakasagot. Iyon lang. May tao na akong naaalala sa sinigang. At iyong taong iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit napauwi ako ngayon dito.

"Kakakain ko lang po no'n no'ng isang araw. Pero kayo na po bahala."

"Okay," ngumiti si mama. Akala ko ay aalis na siya pero umupo siya sa dulo ng kama ko. "Ilang araw ka rito? Mabilis lang ang sembreak n'yo, 'di ba?"

"Balik na po ako sa Manila ng Tuesday," sagot ko. "Enrolment na po kasi agad para sa second sem."

Tumango si mama. "Okay ka lang ba, 'nak? May problema ba?"

Nagkatinginan kami. Kumunot ang noo ko at pasimpleng nag-iwas ng tingin. Grabe naman. Totoo pala talaga kapag nararamdaman ng parents mo kapag may problema ka, 'no?

Pero considered bang problema iyong kay number eleven?

E, kasalanan ko naman iyon.

Sa totoo lang, bukod sa makulit na tibok nang tibok sa loob ng dibdib ko kapag kausap at kasama ko si number eleven, e, wala naman talaga akong ibang problema.

Bronze medal kami sa off-seasom tournament. Easton ang nag-gold habang silver naman ang Westmore. Nagkaro'n kami ng celebration kasi nanlibre si team manager pero ako lang itong uwing-uwi na rito sa 'min. Tapos na-survive ko naman iyong finals week kahit ilang beses akong naging lutang habang nag-e-exam. Medyo kabado sa paglabas ng grades pero feeling ko naman ay pasado ako at makakapag-enroll para sa second sem.

Iyong kay number eleven lang talaga.

Medyo... iniiwasan ko kasi siya.

Sumasagot pa rin naman ako sa mga DMs niya sa IG pero nilagyan ko na ng limit ang sarili ko. Paano ba i-explain 'to... alam mo iyon, less assume na ako sa mga ginagawa at sinasabi niya.

Sabi nga nila, number one rule, 'wag na 'wag mahuhulog sa mga straight.

Well, late na nga kasi nahulog na ako, e. Pero feeling ko naman, e, lilipas din 'to. 'Wag lang siguro siyang magbibigay ulit ng bouquet ng chocolates at sinigang kasi... tsk, baka mas maging marupok pa ako sa mga tinitindang peanut brittle sa Wright Park.

"Wala po, ma. Na-miss ko lang kayo pati 'tong kwarto ko," ngumiti ako sa kaniya.

Gusto ko sanang magkwento pero ayoko namang mag-alala sila rito. Isa pa... hindi pa ako ready pag-usapan iyong lately na na-discover ko sa sarili ko... na bisexual ako.

Na hindi ko pa nga... sure? Tama bang term iyon? Ewan. Kasi hindi pa naman talaga ako nagkakagusto sa ibang lalaki. Sa babae, oo, meron.

Pero sa ibang lalaki? Wala pa.

Until no'ng nakilala ko na talaga si number eleven.

Ewan ko nga kung ano ba talagang naging edge niya sa iba. Pero isa sa mga sigurado ay gusto ko talaga siya.

Naiwan akong mag-isa sa bahay no'ng umalis saglit sina mama. Nagbihis lang ako at magpapahinga na sana nang makita ko sa bag ko iyong medal ko sa off-season.

Kinuha ko iyon saka sinabit sa corner ng sala ng bahay namin kung nasaan iyong iba ko pang trophies at medals. Si papa ang gumawa no'n tapos proud na proud siya palagi kapag pinapakita iyon sa mga bisita namin.

Na-miss ko na rin tuloy ang tatay ko. Tawagan ko kaya?

Iyon nga lang, pag-check ko sa phone ko ay message ni number eleven iyong bumungad sa 'kin. Nagdalawang-isip agad ako kung bubuksan ko ba iyon. Tsk. Kaya nga ako umuwi rito sa 'min para makapag-isip-isip, e. Ayoko sana muna siya kausap.

Kasi alam kong isang invite niya lang tapos nando'n ako sa Manila, e, sasama pa rin ako. Kunwari lang na ayaw pero sasama pa rin talaga. Buti na itong nandito ako sa malayo para hindi ako magi-guilty na hindi siya ma-reply-an o kung ano man kasi may excuse ako.

Tama na iyong guilt na naramdaman ko nang nagdahilan ako no'ng niyaya niya ako pagkatapos naming manalo ng bronze.

Pero sino bang niloloko ko?

Nauna nang mag-decide iyong daliri ko, e. Namalayan na lang ng utak ko na nakabukas na iyong message ni number eleven. Tsk!

Ewan ko talaga sa 'yo, Kai.

roenalejo11: Hey. I heard you're in Baguio right now?

Napabuntong hininga na lang ako.

Kanino niya kaya nalaman? Kay Jerome ba? Nagtanong ba siya? Wala namang ibang nakakaalam na nandito ako bukod kina coach at mga teammates ko, e. Ayoko na sana reply-an pero na-read ko na. Ano ba naman 'to.

kaireyes: Nasa dorm lang ako.

Pagkasend no'n ay gusto kong sapakin iyong sarili ko. Anong klaseng reply iyon, Kaizen?! Nakakahiya! Parang nagtatampong nag-iinarteng ewan!

roenalejo11: Can I video call?

Doon na talaga ako nag-panic.

Shit! At bakit siya tatawag?! Tapos video call pa raw! Anong problema ng isang 'to? Ayoko na mag-assume please lang number eleven!

kaireyes: Hindi pwede. Nasa CR ako ngayon. Pooping.

roenalejo11: After you poop then?

kaireyes: Joke lang! Pero yep, umuwi nga muna ako rito sa 'min.

Wala na. Umamin din ako. E, ano pang sense? Mukha namang alam na niya.

roenalejo11: I know. I still want a video call with you, though.

kaireyes: Video call talaga?

roenalejo11: If that's okay. I just want to make sure that you arrived in Baguio safely.

Tignan mo talaga itong si MVP! Kaya minsan, naiisip ko na talagang wala akong kasalanan sa pag-a-assume ko, e. Siya iyong main contributor ng mga imagination ko lately! So, para saan pa itong pagpunta ko sa Baguio para magnilay-nilay? Parang nagsayang lang tuloy ako ng pamasahe!

Kung ipa-reimburse ko kaya iyon sa kaniya? Tsk.

kaireyes: Hindi ako makakapag-reply kung hindi ako safe nakarating dito.

roenalejo11: Alright 🙂

Kumunot iyong noo ko sa reply niya. Parang mas malamig pa sa hangin ng Baguio iyong alright niya, a? Tapos sinamahan pa ng favorite niyang emoji!

Ewan ko sa 'yo number eleven.

Tinapon ko sa kama ko iyong phone ko tapos ay sinubsob ko iyong mukha ko sa unan. Ewan pero parang nag-init bigla iyong ulo ko? Teka nga, naiinis ba ako? At bakit ako naiinis? Dahil ba hindi na pinilit ni number eleven iyong video call?

Tangina?

Tumayo ako tapos ay sh-in-ake ang katawan.

Pinakalma ko ang sarili sa naisip. Maghunus dili ka, Kaizen! Malala ka na! Kaya ka nga umuwi sa inyo, e, para libangin iyang isip mo kahit saglit mula sa lalaking iyon, 'di ba? Iyon ang gawin mo! Hindi iyong para kang boyfriend diyan na nagtatampo!

"Kai, hinay-hinay lang," natatawang sabi ni Tita Melba no'ng kumakain na kami ng late lunch.

Nahiya naman ako at doon ko lang na-realize na nakaka-tatlong rice na pala ako! Shit, nag-i-stress eating ba ako? Wait, at bakit ba ako stressed? Walang dapat ika-stress!

"Ayos ka lang ba talaga, 'nak?" Tanong ni mama.

"Uhm-"

Natigilan nga lang ako nang biglang may lumabas na IG notification sa phone ko. Naramdaman ko na lang ang malakas na kabog ng dibdib ko nang makitang may DM si number eleven! Matapos niya akong i-alright kanina?

And for the second time that day, nauna na naman ang kamay ko kaysa utak ko.

roenalejo11: Hey, Mr. Tour Guide.

kaireyes: Ha?

At napatayo na lang ako sa panic nang mag-send siya ng selfie niya na may background ng mga swan boats sa Burnham Park.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 37.6K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
276 60 11
The sinking ship represent Leiro Dewey Salazar's life, he always see his life as battleship fighting his own unpredictable waves, but when his ship s...
795K 27K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...