The Royal Chef

By senoritaxara

22.5K 1.2K 324

Sarina Sandoval is a woman from the modern world, she is an aspiring chef from the Blue House. At a young age... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Training
Chapter 2: Azrael Luna
Chapter 3: The Triplets
Chapter 4: The Recipe
Chapter 5: The Palace
Chapter 6: Elimination
Chapter 7: First Day
Chapter 8: Alas
Chapter 9: Favorite
Chapter 10: Hilaga
Chapter 11: Hilaga (2)
Chapter 12: Hilaga (3)
Chapter 13: Hilaga (4)
Chapter 14: Dethroned Queen
Chapter 15: Sugalan
Chapter 16: Lawa
Chapter 17: Ghosted
Chapter 18: Goodbye
Chapter 19: Trip
Chapter 20: Kabaong
Chapter 21: Stars
Chapter 22: Pagbabalik
Chapter 23: Starvation
Chapter 25: Diary
Chapter 26: Ruiz Clan
Chapter 27: Last Entry
Chapter 28: The Red Book
Chapter 29: King
Chapter 30: Banquet
Chapter 31: Unexpected
Chapter 32: Him
Chapter 33: Awake
Chapter 34: Regained
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Library
Chapter 37: Truth
Chapter 38: Help
Chapter 39: Plan
Chapter 40: Rest

Chapter 24: Royal Kitchen

338 28 8
By senoritaxara

[Chapter 24]

"Teka! Teka!" Pagpupumiglas ni Sarina sa dalawang guwardiyang nakahawak sa kaniyang magkabilang braso.

Kinakaladkad siya nito at halos magkanda-dapa-dapa na siya dahil sa bilis nitong maglakad at sa haba ng mga binti nito at lalo na sa laki ng mga hakbang nito.

Hindi siya pinansin ng dalawang guwardiya. Patuloy lamang ito sa pagkaladkad sa kaniya, habang siya ay patuloy lang rin sa pagpupumiglas.

Paanong hindi siya magpupumiglas kung alam niyang may kasalanan siya tapos ngayon ay pinapatawag na siya kwarto ng mahal na hari.

Fudge lang!

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa pamilyar na malaki at mataas na double sliding door na gawa lang sa kahoy. Ang kwarto ng hari. Kaunti nalang ay mapapasabi na siya ng de ja vu. Pangalawang beses na 'to!

Dinapuan ng kaba si Sarina habang nakatingin sa pamilyar na pinto. Ang puso niya ay hindi maawat sa pagtibok. Dumadagundong ito na para bang anytime ay lalabas na ito sa ribs niya.

"Naririto na ang iyong maharlikang tagapagluto, Mahal na Hari," magalang at puno ng respetong saad ng guwardiyang sumundo rin sa kaniya noong nakaraan.

Napalunok si Sarina. Sapilitan siyang pinaluhod ng dalawang guwardiya kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang lumuhod nalang rin at bumati. Takot nalang niyang maparusahan ano.

"M-Magandang hapon, Mahal na Hari," nanunuyo ang lalamunang saad ni Sarina.

Walang nag-ingay. Walang umimik dahilan upang mas lalong mabahala si Sarina. Noong nakaraan ay maayos ang naging lagay ng pagpunta niya sa kuwartong ito. Pero ngayon, iba na ang sinasabi ng isip niya.

"Tagapagluto..." Panimula ng enuko.

Kaagad namang napakagat-labi si Sarina sabay yuko at idinikit ang kaniyang noo sa sahig upang ipakita na nagsisisi siya sa ginawa niya.

"Patawad... H-Hindi ako nagpaalam. Patawad," kinakabahan niyang saad habang nakayakap parin sa sahig.

"Tagapagluto, hindi namin mawari kung bakit mo iyon ginawa. Nais namin ng iyong paliwanag bago ihatol ng mahal na hari ang iyong magiging parusa."

Dumagundong ang kaniyang puso matapos marinig ang sinabi ng enuko. Kung lalaban siya ay wala rin namang mangyayari. Wala rin naman kasi siyang laban at tanggap niya namang siya ang may kasalanan.

"P-Patawad... Pumunta ako sa kaharian ng Hilaga para ipagamot ang... a-aking karamdaman. P-Pinuntahan ko si Tandang Arus sa bundok ng Mawi. Patawad kung hindi ako nakapagpaalam." Napapikit ng mariin si Sarina matapos sabihin iyon.

Ayaw niyang magsinungaling pero hindi niya rin naman maaaring sabihin ang totoo dahil siguradong maguguluhan lang ang mga ito. May posibilidad din na hindi maniwala ang mga ito sa kaniya. Baka magpatawag pa ito ng albularyo at makatikim nanaman siya ng mag-asawang sampal kagaya noong una.

"Karamdaman?" Nagtatakang tanong ng enuko.

Napakagat-labi si Sarina. Hindi niya alam ang isasagot. "H-Hindi ko pwedeng sabihin."

"Ngunit kailangan naming malama—"

Napaangat ng tingin si Sarina nang mapatigil sa pagsasalita ang enuko. At doon, nakita niya ang isang kamay na nakalusot sa pulang kurtina na tila inaawat sa pagsasalita ang enuko.

Hindi maiwasang manlaki ng mga mata ni Sarina habang nakatingin sa kamay na iyon. Ito ang pangalawang beses na nakita niya ang kamay ng hari, pero kahit na ganoon ay nagugulat parin siya. Kagaya ngayon, nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kamay na iyon.

"P-Pinapatawad na kita, Tagapagluto. M-Maaari mo ba akong ipagluto?" Bakas sa boses ng hari panghihina kahit na mababa at malamig ang tono nito.

Mas lalong namilog ang mga mata ni Sarina sa narinig. N-Nagsalita ang hari!

Hindi makapaniwalang napatitig si Sarina sa pulang kurtina kung saan nakatago ang hari. Nagsalita ang hari! Kinausap siya nito na talagang hindi niya mapaniwalaan. Kahit na malamig ang boses ng hari ay tinuturing niya parin itong isang karangalan.

Kung sa panahon niya ay para itong sikat na artista na snob ang ugali tapos siya lang ang pinansin. Isang malaking karangalan!

Pati ang enuko at ang mga taong palaging kasama ng hari ay nagulat din. Hindi rin nito inaasahan na magsasalita ang kanilang hari at ibubunyag ang boses nito.

"M-Mahal na hari..." Nababahalang saad ng enuko. Hindi maaaring ibunyag ng kanilang mahal na hari ang boses dahil sa utos ng dating reyna.

Ngunit walang naging tugon mula sa hari. Namuo lamang ang katahimikan at pinoproseso ang nangyari.

Si Sarina naman ay napatitig na lamang sa sahig. Hindi parin makapaniwala na nagsalita ang hari. Bukod pa roon... Pamilyar sa kaniya ang boses ng hari, saan niya nga ba ito narinig? Pamilyar pero kailanman ay wala siyang taong nakasalamuha na malamig ang boses na tila walang emosyon. Ito ang una, pero ang boses nito ay tila napaka-pamilyar sa kaniya.

"Tagapagluto, ikaw ay sumagot sa ating mahal na hari."

Sa sinabing iyon ng enuko ay nabalik sa ulirat si Sarina at kagaad na napatikhim. "M-Masusunod!" Mabilis niyang saad habang nakayakap parin sa sahig.

"M-Maaari ka nang magsimula, Tagapagluto." Saad ng enuko sa kaniya.

Napatikhim muli si Sarina. Nakayakap parin siya sa sahig ngayon. Hindi parin siya tumatayo ng maayos dahil wala pang hudyat galing sa hari.

"P-Pwede na ba akong tumayo?" Kinakabahan niyang tanong. Kinakabahan siya dahil baka sa isang maling salita lang ay magbago ang isip ng hari at parusahan siya.

"Maaari na, Tagapagluto. Maaari ka na ring umalis at magluto."

Sa sinabing iyon ng enuko ay mabilis siyang napatayo ng tuwid at nag-inat-inat habang pinapaputok ang kaniyang batok. Kanina pa siya nakayakap sa sahig para ipakita na hindi siya lalaban at nagsisisi siya. Grabe halos manigas na siya sa sahig na iyon at ma-decompose.

Mabuti nalang ay naalala pa ng mga ito na may gwapo palang halos mabulok na habang nakayakap parin sa sahig.

"Wow, grabe ang tagal ko ring nakadapa ha," saad ni Sarina habang pinapaputok ang kaniyang batok at ini-ikot-ikot ang kaniyang ulo.

Napanganga naman ang enuko pati na ang mga kawal na nakatingin sa kaniya ngayon. Ganoon rin ang mga tagapagsilbi na ngayon ay pinagpapantasyahan siya dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Hindi makapaniwala ang mga ito sa naging asta ni Sarina. Paano ito nakakaasta ng ganiyan sa harap ng kanilang mahal na hari?!

Dapat ay nakayuko lamang ito at nakatayo ng tuwid bilang pagrespeto sa hari.

Natigilan si Sarina nang maramdamang tila bumigat ang atmosphere sa paligid. Namuo rin ang katahimikan dahilan upang mapatingin siya sa paligid.

Napakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa mga taong nakanganga ang bibig habang nakatingin sa kaniya ngayon. Napakamot siya sa kaniyang batok nang makita ang mga reaction nito.

Ganoon na ba siya kapogi para pakatitigan nila ng gan'to? Kaagad siyang napangisi at napailing. Grabe na talaga ang kamandag niya.

Nang mapatingin siya sa mga tagapagsilbi ay mas lalong lumawak ang kaniyang ngisi at kaagad na kinindatan ang mga ito. Kaagad namang namula ang mga tagapagsilbi at kaagad na napayuko upang itago ang kanilang nga namumulang mukha.

"Alis na po ako," nakangising saad ni Sarina saka siya sisiga-sigang naglakad paalis ng silid na iyon. Nakaraos na siya! Tapos na!

Nawala na ang kabang nararamdaman niya. Super thankful siya sa hari dahil kahit na malamig ito makitungo, mabait parin ito at nagawa siyang patawarin.

Dahil maayos na ang pakiramdam niya, nagawa niya pang kindatan ang mga kawal na ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin sa kaniya.

**********

Sumapit ang gabi at napakain niya ng maayos ang mahal na hari pati na ang dating reyna na hindi naman namalayang nawawala siya dahil hindi pala hinayaan ng hari na malaman nito ang pagkawala niya dahil madadamay ang mga taong wala namang kasalanan kapag ito ay nagalit.

Napabuga ng hangin si Sarina habang nakahiga sa tabi ni Lando. Hindi gumagalaw, hindi rin nag-iingay. Binibigyan niya ng maayos na space ang kaniyang mga kasama na ngayon ay mahimbing na natutulog. Halata kasi sa mga ito na ngayon lang ito nagkaroon ng maayos na tulog simula noong araw na umalis siya upang magtungo sa bundok ng Mawi.

Napabuga siya ng hangin at napaupo. Sumandal siya sa dingding habang nakatingin sa mga kapuwa niya chef na ngayon ay kaibigan niya na rin.

Napangiti siya habang nakatitig sa apat. Natutuwa siya sa mga ito. Ngunit kaagad ring nabura ang kaniyang ngiti dahil sa isang bagay na bigla na lamang pumasok sa kaniyang isip.

Kung malaman ba nitong babae siya... Tatanggapin kaya siya ng mga ito?

Napabuga siya ng hangin habang nakatingin sa apat. Iyon ang hindi niya sigurado. Tatanggapin nga ba siya ng mga ito?

Sana...

Napailing siya. Hindi niya dapat isipin ang mga ganoon. Ang dapat niyang isipin ay kung paano bubuksan ang mahiwagang notebook ni Azrael na may padlock. Kating kati na siya na basahin ang laman no'n.

Napatingin siya sa kaniyang bayong. Doon nakalagay ang notebook ni Azrael. Iniwas niya ang paningin niya roon saka siya tahimik na tumayo.

Bukas nalang niya sisirain ang padlock no'n. Sa ngayon, magpapahangin muna siya sa lawa upang makalanghap ng sariwang hangin at hayaan ang kaniyang isip na maging payapa.

Nagsimula na siyang maglakad palapit sa lawa. At nang makarating doon ay kaagad siyang napatigil. Kagaya noong una niyang punta rito ay may lalaki ring nakatayo ngayon sa pampang ng lawa. Ang mga kamay nito ay prenteng nakalagay sa likod habang nakatitig ito sa lawa.

Napangiti si Sarina nang makilala ito. Kaagad siyang naglakad palapit rito at dahan-dahang naglakad patungo sa likuran nito.

"Alas!" Pang-gugulat niya rito sabay hawak sa bewang nito dahilan upang magpasigaw ito sa gulat at mapahawak sa sarili nitong dibdib.

Nanlalaki ang matang napalingon ito sa kaniya habang ang mga kamay ay nakahawak parin sa dibdib nito.

Humagalpak naman sa tawa si Sarina. "HAHAHAHHAHAHA! Lt ka, p're!" Tawa ni Sarina habang nakaturo kay Alas na ngayon ay nanlalaki ang matang nakatitig sa kaniya.

"P-Pogi?" Naguguluhan nitong saad.

"HAHAHAHAHAHHA—!" Tawa ni Sarina habang nakaturo parin kay Alas. Ngunit kaagad siyang napatigil nang maramdaman ang malalaki at matitigas na braso ni Alas na bumalot sa kaniyang likuran. Niyakap siya ni Alas at ibinaon nito ang mukha sa kaniyang balikat.

"I-Ikaw nga, P-Pogi." Nauutal pa sa pagsasalita si Alas. Hindi nito alam ang gagawin. Hindi siya makapaniwala na nakatayo ngayon sa kaniyang harapan si Pogi, ang kaniyang kaibigan na hindi niya nakita ng ilan linggo.

"Luh, bakit? May problema ba?" Natatawang saad ni Sarina at hinaplos ang likod nito. Hindi niya inaasahan ang biglaang pangyayakap ni Alas ngunit hindi niya ito pinigilan.

Hindi siya nakarinig ng sagot kay Alas. Ngunit kaagad na napakunot ang kaniyang noo nang maramdaman ang panginginig ng balikat nito. Unti-unti ring nababasa ang kaniyang balikat dahilan upang matigilan siya.

"Umiiyak ka ba?" Nagtataka niyang tanong habang hinahaplos ang likod nito upang mapatahan ito.

Nag-angat ng tingin si Alas. Sa ginawa nito ay tuluyan nang napagmasdan ni Sarina ang mukha nito. Namamasa ang mata at pilik-mata. Namumula ang ilong ganoon rin ang pisngi nito.

Napakagat-labi si Sarina habang nakatitig sa kabuoan nito. Masyado itong pinagpala. Dapat ay maawa siya 'di ba?

But... Damn. Why is he cute?!

Kahit na umiiyak ito, napaka-cute parin dahilan upang pakatitigan niya ng matagal ang mukha nito. Masyado itong cute para balewalain niya.

Ramdam ni Alas ang pag-iinit ng kaniyang pisngi habang nakatingin sa ginoong natulala na lamang sa kaniyang harapan. Nakagat niya ang kaniyang labi habang marahang inaalog ang balikat ng kaniyang kaibigan.

"P-Pogi..." Mahinang usal niya upang mabalik ito sa ulirat.

Nahihiya siya sa klase ng titig nito. Pakiramdam niya ay para siyang tinutunaw. Wala siyang ibang magawa kundi ang mapaiwas na lamang ng tingin. Hindi niya kaya ang mga titig nito. Iba ang epekto sa kaniya ng mga titig ng kaibigan niyang ito.

Nabalik naman sa ulirat si Sarina at kaagad na sinampal ang sarili upang gisingin ito sa katotohanan. Hindi siya makapaniwala na natulala pala siya habang nakatitig sa cute na mukha ni Alas.

"Gumising ka nga, traydor!" Bulong niya sa kaniyang sarili habang sinasampal ang kaniyang pisngi.

Naalarma naman si Alas nang makita ang ginagawa ng kaniyang kaibigan. Kaagad niyang hinawakan ang kamay nito at nag-aalala niya itong tinitigan.

"G-Ginoo, a-ano ang iyong ginagawa..." Kinakabahan niyang saad habang nakahawak sa pulsuhan nito.

Natigilan si Sarina nang marinig ang boses ni Alas. Napatitig muli siya rito. Ang inosente nitong mga mata ay nag-aalalang nakatitig sa kaniya. Ang namumula nitong ilong dahil sa panandaliang pag-iyak ay napaka-cute para sa kaniya.

Fudge. What the hell is happening to me?!

"Cute..."

Kaagad na natakpan ni Sarina ang kaniyang bibig dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na mabibigkas niya iyon ng malakas.

Napanguso naman si Alas. Namumula parin ang kaniyang pisngi at tainga dahil sa matinding pagka-ilang dahil sa uri ng titig ng kaniyang kaibigang si Pogi sa kaniya.

"P-Palagi mong sinasabi iyan sa akin, Pogi. Naalala ko ang iyong sinabi na ang ibig-sabihin ng kyut a-ay... g-gwapo..." Nahihiya niyang saad. Napayuko na lamang siya at napabitaw sa kaniyang kaibigan dahil sa matinding hiya.

Ramdam niya ang lalong pagpula ng kaniyang pisngi. Sa hula niya ay namumula na ito ngayon.

B-Bakit ko ito nararamdaman sa tuwing nakatitig sa kaniya? Naitanong na lamang niya sa kaniyang isipan. Hindi ito pangkaraniwan. Hindi rin naman niya ito nararamdaman sa tuwing nakatitig sa kaniya ang kaniyang pinsan na kaibigan niya rin.

Napakagat-labi si Sarina habang nakatitig sa nahihiyang pigura ni Alas sa kaniyang harapan. Napamura na lamang siya sa kaniyang isipan habang nakatitig dito na tila maamong tuta na naghihintay sa kaniyang amo.

Napakuyom ang kaniyang kamao at napahawak siya sa kaniyang dibdib. Hindi ito maawat sa pagtibok habang nakatitig siya kay Alas.

Hindi na bago ang ganitong pakiramdam kay Sarina. Ilang beses na siyang nahulog at niloko sa tunay niyang katawan ang panahon. N-Ngunit ang nararamdaman niya ngayon ay parang mas malala at mas malalim kaysa sa mga nararamdaman niya noon.

Ibig sabihin, mas delikado at mas masakit

Iba na 'to! Kailangan ko nang makita ang mga baby girls ko bago pa ito lumala!

Napaiwas na lamang ng tingin si Sarina at napabuga ng hangin upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Napatikhim siya upang baguhin ang usapan at iwaglit ang kakaibang atmosphere sa kanilang pagitan.

"K-Kamusta?" Naiilang niyang tanong habang nakatingin sa malayo. Pilit iniiwas ang tingin kay Alas.

Hindi niya dapat nararamdaman ang ganito kay Alas. Parang kapatid lang dapat ang turing niya rito kagaya sa triplets. Pero bakit ganito?! Masyado siyang nalulunod sa cute nitong mukha! Marahas na tumitibok ang kaniyang puso sa tuwing ngumunguso ito.

Hindi pwede! Lalaki siya, Sarina! Lolokohin ka lang din niya. Paalala niya sa kaniyang sarili habang nakakuyom ang kamao at nakatingin sa malayo.

Ngunit kaagad siyang natigilan nang marinig ang mahinang pagsinghot sa kaniyang tabi. Pati na ang mahinang paghikbi nito.

Napalingon siya kaagad kay Alas. At doon, nakita niya itong nakayuko. Umiiyak ito habang nakatingin sa lupa.

Nanlaki ang mga mata ni Sarina sa nakita. Kaagad niyang itinapon ang ilang na nararamdaman at walang pasabing hinawakan ang magkabilang pisngi ni Alas at inangat ito ng kaunti dahilan upang matitigan niya ito ng mabuti. Umiiyak nga talaga ito. Nakakagat-labi pa na tila pinipigilan ang sarili.

You're such a crybaby, Alas.

Samantalang napasinghap naman si Alas sa biglang paghawak ng kaibigan niyang si Pogi sa kaniyang mukha. Ang kaniyang puso ay biglang nagkarerahan habang nakatitig sa mapupungay na mga mata ni Pogi na ngayon ay nakatitig sa kaniyang mukha.

Napalunok siya ng mariin habang nakatitig dito. Hindi niya maiwasang mailang sa mga titig nito kahit na hindi naman dapat dahil kaibigan niya ito. At pareho naman silang... ginoo.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Sarina. Pinunasan niya ang pisngi nitong namumula at namamasa dahil sa mga luha nito gamit ang kaniyang kamay.

Napanguso si Alas at iniwas ang tingin sa kaniya. "A-Ako'y iyong iniwan..."

Napaawang naman ang labi ni Sarina. "Iniwan?" Naguguluhan niyang tanong at muling hinarap ang mukha ni Alas sa kaniya gamit ang kaniyang dalawang palad na ngayon ay nakahawak sa magkabilang pisngi ni Alas.

"I-Ilang linggo kang hindi nagpakita sa akin. I-Iniwan mo ako..." Nanginginig muli ang labi nito habang nakatitig sa kaniya. Ang mata nito ay muling nanubig dahil sa mga luhang nagbabadya muling bumuhos.

Napangiti nalang sa kaloob-looban niya si Sarina. Kahit na umiiyak ay sobrang cute parin ni Alas habang nakatingin sa kaniya. Para itong batang nawawala sa mall.

"Patawad." Iyan na lamang ang nasabi niya habang marahang pinupunasan ang isang patak ng luhang bumagsak mula sa mata ni Alas.

Napanguso si Alas at napayuko. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Kakaiba. Kakaiba ito at bago lamang sa kaniya.

Napailing na lamang si Sarina habang nakatitig rito. Binitawan na niya ang pisngi nito saka niya marahang ginulo ang buhok nitong maayos na nakasuklay at nakaayos.

"Hindi ko naman alam na sobrang halaga ko pala sa'yo para iyakan mo ng gan'to," nakangising saad ni Sarina habang nakatitig kay Alas.

Komportable na muli si Sarina. Ngunit ang tibok ng kaniyang puso ay marahas parin ang pagtibok na tila nasisiyahan pa na umiiyak ngayon si Alas dahil nangungulila ito sa kaniya.

Mas lalong tinamaan ng hiya si Alas. Ramdam niya ang matinding pag-init ng kaniyang pisngi at tainga.

"I-Ikaw ay aking kaibigan rin bukod pa sa aking pinsan. H-Hindi ko nais na ako'y iyong iwan. I-Ikaw at ang aking pinsan lamang ang aking kaibigan. A-Ayaw kong mabawasan pa iyon," nahihiya nitong saad.

Napangisi nalang si Sarina at napaiwas ng tingin. Mas lalong tumibok ang kaniyang puso sa narinig. Pinapahalagahan nga siya ng kaniyang cutie patotie.

"Huwag kang mag-alala, 'di na ako aalis ulit." Saad niya at marahang pinisil ang namumulang pisngi ni Alas. Kanina niya pa gustong gawin iyon, pero matinding pagpipigil ang kaniyang ginawa dahil umiiyak pa ito.

"P-Pogi," daing ni Alas at marahang hinawakan ang kamay ni Pogi sa kaniyang pisngi.

Napangisi nalang si Sarina at ginulo ang buhok ni Alas. Ang cute niya talaga. Damn. Iba na ata ang tama ko. Kailangan ko na talagang makita ang mga baby girls ko.

Napatikhim si Sarina. Napatitig siya kay Alas doon niya lang napansin ang pinagbago ng hitsura ni Alas na hindi niya kanina napansin dahil sa ka-cute-tan nito. Kagaya ng apat niya pang kaibigan, parang pagod na pagod din ito at ang ilalim ng mata nito ay nangingitim patunay na kulang ito sa tulog.

Kaagad na napakunot ang kaniyang noo nang mapansin ang katawan nito. Nangayayat din pala ito na parang ilang linggo hindi kumain ng maayos.

"Ano bang nangyari sa'yo. Puyat ka tapos pumayat ka pa. Hindi ka ba kumakain ng maayos, p're?" Kunot-noo niyang tanong habang sinusuri ang kabuohan nito.

Napanguso si Alas at umiling. "H-Hindi ako makatulog. I-Iniisip kita sapagkat bigla ka na lamang nawala. B-Bukod pa roon ay nagkakagulo rin ang palasyo dahil sa pagkawala ng tagapagluto ng hari kaya hindi rin ako makatulog ng maayos. B-Bukod pa roon... H-Hindi ako kumakain. Hindi ko gusto ang kanilang luto."

Nagulat pa si Sarina nang marinig na nagkagulo ang palasyo dahil sa kaniya. Ngunit nakahinga rin siya nang maluwag, mabuti nalang ay hindi alam ni Alas na siya ang tagapagluto ng hari. Hindi niya alam ang mangyayari kung sakaling alam nito na siya ang tagapagluto ng hari. Sa hitsura pa naman ni Alas ay parang noble ito, pakiramdam niya ay may pwesto ito sa palasyo at close sa hari. Ang hula ni Sarina ay anak ito ng dating reyna, malakas ang kutob niya na isa itong prinsipe.

Ngunit kaagad na napailing si Sarina nang maalala ang sinabi ni Alas sa kaniya. "Ano?" Hindi makapaniwalang saad niya. Umalis lang siya ng tatlong linggo pinabayaan na kaagad nito ang sarili. "Bakit mo naman ginawa 'yon? Magpapakamatay ka ba?"

Napayuko na lamang si Alas. Natatakot siya kay Pogi dahil bigla na lamang tumaas ang boses nito. Hindi niya naman alam na magagalit ito kapag nalaman nitong hindi siya kumakain ng maayos at hindi natutulog ng maayos. Akala nga niya ay hindi na ito babalik. Mabuti na lamang ay nasa harapan na niya ito ngayon.

Napabuga ng hangin si Sarina at hinawakan ang pulsuhan ni Alas saka siya nagsimulang maglakad paalis sa lawa habang hila-hila ito.

"P-Pogi, saan tayo patutungo?" Kinakabahang saad ni Alas habang nagpapalinga-linga sa paligid. Natatakot na may makakita sa kanila na palakad-lakad parin kahit na alas-diez na ng gabi.

"Sa kusina, ipagluluto kita." Simpleng sagot ni Sarina.

Kaagad namang namilog ang mga mata ni Alas sa gulat. "H-Hindi tayo maaaring pumasok doon. Tanging mga tagapagluto lamang at ang—"

"Hush," pagpapatahimik niya rito saka niya ito nginisian at kinindatan. "Magtiwala ka sa'kin."

Naitikom na lamang ni Alas ang kaniyang bibig saka napalunok nang mariin habang nakatitig sa maliit na ginoong hila-hila siya ngayon. Kinakabahan talaga siya na baka mahuli silang dalawa ng mga guwardiya ng palasyo. Sana lamang ay walang makapansin sa kanilang dalawa.

Nang makarating sa kusina ay dahan-dahan silang pumasok sa loob. Hinarap ni Sarina si Alas at sinenyasan itong tumahimik. "Natutulog na ang mga tagapagluto kaya huwag tayong mag-iingay."

Mabilis namang tumango si Alas. Ayaw niya rin namang mahuli ng mga guwardiya.

Nang makapasok ng maayos sa loob ay mabilis na pinaupo ni Sarina si Alas sa isang silya habang siya naman ay mabilis na kumuha ng apron at kinabit sa kaniyang sarili.

Nagsimula na siyang kumuha ng mga sangkap at inihanda ang kaniyang mga gagamitin para sa pagluluto.

Napahalumbaba na lamang sa mesa si Alas habang pinapanood ang kaniyang kaibigan na magluto. Sa galawan nito ay tila isa itong propesyonal na tagapagluto.

Habang nakatitig rito ay muntik na siyang masamid sa sariling laway nang bigla siyang kindatan ni Pogi. Ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi dahilan upang mapaiwas siya ng tingin. Namumula nanaman siya pati na ang kaniyang tainga.

Napangisi nalang si Sarina matapos kindatan si Alas. Hindi niya maiwasang mapangisi sa tuwing nahihiya ito sa kaniya. Mas nagiging cute ito sa paningin niya. Lalo pa't namumula ito ngayon, kitang kita niya kahit na ang nagsisilbing ilaw sa kanila ngayon ay iilang lampara lang.

Nang maramdamang abala na sa pagluluto si Pogi ay dahan-dahang ibinalik ni Alas ang paningin dito at tinitigan ang seryoso nitong mukha. Muling nag-init ang kaniyang pisngi habang nakatitig dito. Kakaiba talaga itong nararamdaman niya. Kailangan niya itong ipakonsulta sa kaniyang pinsan. Baka alam nito ang nangyayari sa kaniya.

**********

Matapos ang ilang minutong pagluluto ay nakangising inihain ni Sarina ang kaniyang luto sa harap ni Alas na ngayon ay nakahalumbaba sa mesa habang nakatitig sa kaniya.

Alam niyang kanina pa siya nito tinitigan. Hindi niya lang magawang pansinin dahil abala siya sa pagluluto.

"Kain na. Actually pang-agahan 'yan, kaso ngayon ka gutom at tuwing gabi ka lang naman lumalabas kaya ngayon nalang kita pinagluto n'yan," saad niya habang tinatanggal ang suot na apron.

"A-Ano ang tawag mo rito?" Tanong ni Alas habang nakaturo sa luto ni Pogi.

Napangisi si Sarina at kinindatan ito. "Ang pangalan niyan ay Omelet. Itlog 'yan, pero nilagyan ko ng sinangag sa loob. Sayang nga e, kung may ketchup lang siguro kayo rito." Nanghihinayang siyang napailing. Kung may ketchup lang sana ay mas sasarap pa ang omelet na gawa niya.

"Omelet," bigkas ni Alas habang nakatitig sa putahe. "A-Ano nga pala ang k-ketsap, Pogi?"

"Kulay pulang sawsawan 'yon, masarap 'yon. Mas babagay d'yan," saad ni Sarina sabay turo sa Omelet. Kumuha rin siya ng isa pang silya at naghalumbaba rin sa mesa upang panoorin si Alas na kumain. "Kain na."

Nahihiya namang tumango si Alas at kinuha ang kutsara. Mahinhin itong sumubo at sa unang kagat ay kaagad itong natigilan. Napakunot ang kaniyang noo habang nginunguya ang pagkain.

Napakunot ang noo ni Sarina sa nakitang reaksyon ni Alas. "Hindi ba masarap?"

Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Alas sa narinig. "N-Napakasarap, Pogi!" Natatarantang saad nito. Ayaw niyang masaktan ang damdamin ni Pogi at totoo namang masarap ang luto nito.

Napataas ang kilay ni Sarina. "Natigilan ka kasi, e. May problema ba?"

Napanguso si Alas at napatitig sa niluto niya. "K-Kasi... Pamilyar ang istilo ng iyong pagluluto."

Napakunot naman ang noo ni Sarina. Paanong magiging pamilyar? May Omelet na ba sa panahong 'to?

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka niyang tanong dito.

Mabilis namang umiling si Alas at kumain ulit. Ngumiti ito ng malapad sa kaniya. "W-Wala, kalimutan mo na lamang iyon. Maraming salamat nga pala rito. Napakasarap nito, Pogi."

Kahit na naguguluhan parin sa sinabi nito ay napangiti nalang si Sarina habang nakatitig kay Alas. Kinindatan niya na lamang ito bilang tugon. Masaya siyang napasaya niya rin rito. Lalo pa't makikita sa mukha nit Alas na nasasarapan nga ito sa luto niya.

Ngunit kaagad siyang napangisi nang may maisip. "May kapalit pala 'yan."

Natigilan sa akmang pagsubo si Alas at napatitig sa kaniya. Nagsimulang gumapang ang kaba sa kaniyang katawan. "A-Ano iyon?" Kinakabahan ito sa hindi malamang dahilan.

Mas lalong lumapad ang ngisi ni Sarina habang nakatitig sa kaniyang cutie patotie. "Bukas ng gabi pupunta tayo sa bahay-aliwan. Bawal tumanggi."

Natawa nalang si Sarina habang nakatitig sa gulat at hindi makapaniwalang reaksyon ni Alas. Sorry nalang. Kailangan niya itong gawin upang patunayan sa kaniyang sarili na nacucute-tan lang siya kay Alas at talagang babae parin ang gusto niya.

**********

A/N: WAHHHHH! So, hi mga beh! Humahaba na ang progress natin na hindi ko talaga expected. I remember writing this story kasi trip ko lang tapos hindi ko inaasahan na mayroong taong tatangkilik at magbabasa ng story na 'to. Hindi ko inaasahan na aabot ako sa Chapter na 'to!

This chapter is dedicated to:
Cahnno
Lamia_Vamp
camerola
Junarnagor
ManilynLumanog
ReynTom
RoxanMarieMariano
LeanidaBNava

I know masyado pang maaga para magpasalamat sainyo, but thank you very much kasi kung hindi dahil sa mga comments and votes niyo, for sure hindi ko magagawang ipagpatuloy ang story na 'to.

Kaya naman super thankful and happy ako sainyo! Kayo talaga ang dahilan kung bakit nagawa kong ipagpatuloy ang storya na 'to. Hindi niyo alam kung gaano ako kinikilig at natutuwa sa tuwing binabasa ko ang mga comments niyo!

Once again, thank you very much and I love you all!

Continue Reading

You'll Also Like

46.7K 6.7K 64
စာရေးသူ - ယွီရှောက်လန်ရှန်း ဇာတ်ဆောင် - ရှန်ချန်းလင် x ချင်ရှောက်ယွီ - ယဲ့ကျင် x ရှန်ချန်းဖုန်း
68.9K 1.4K 54
Ask the seven a question and see their answers!! :)))) Started: April 25 2016 Ended: Sept. 13 2016 (updates will come if I find some more funny Qan...
2.7K 313 23
Grace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, a...
6.1M 394K 74
Losing this war means captured by the enemy empire and considered as their prostitutes and servants. Dreaming that situation made my heart race even...