My Everyday Life With You (On...

By Labidabyu

62.4K 1.6K 458

Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you'r... More

Characters / Author's Note
Prologue
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24 : My Girlfriend
Pahina 25
Pahina 26
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30
Pahina 31
Pahina 32

Pahina 3

1.8K 53 9
By Labidabyu

Raven pov.

Nasa library ako ngayon at nagsasaliksik about sa essay namin sa literature. Si Bernice naman ay may klase pa habang ako ay vacant time ko.

Tahimik ang buong library dahil na rin sa terror na librarian kaya walang nag-ambang mag-salita. Habang busy sa pag-aaral ay ramdam ko na parang may nakatingin saakin.

Kaya naman nilibot ko ang tingin sa paligid pero wala naman akong nakita. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pag-babasa.

Ilang minuto pa ako sa ganoong sitwasyon when someone murmuring in my side table. Nakatakip ang libro na hawak nito sa mukha kaya hindi ko makita.

Basta mahaba ang buhok nito at naka pencil skirt.

Napakunot nalang ako ng noo dahil sa wierdo na parang may binubulong.

Hindi ko nalang ulit pinansin at inayos na ang mga gamit ko para sana umalis na roon.

"Fuckk..."rinig ko ang mura ng babae.

Kausap  niya?

Tumayo na ako at sinabit ang bag sa balikat ko tsyaka sinauli ang libro sa bookshelf na kinalalagyan nito.

Paglabas ko ay dumiretso na ako sa building kung saan ang block ko.

But suddenly, feels like someone's behind me so i turned my gaze at my back.

"Anak ng tyanak-- ma'am naman nakakagulat ka."bakas din sa mukha niya ang gulat. Nakakunot ang noo at may mga hawak na papel kasama ang laptop niya.

"fuck , what's tyanak rei huh?"maarteng tanong niya saakin.

"it means you're pretty miss." I answered.

"so I am anak of maganda?" she asked proudly.

"uhmm yes miss you are."

"I know , it's good that you notice." she flipped her hair bago tumalikod saakin.

"Mukhang tyanak nga." bulong ko sa sarili ko.

Pero nagtataka pa rin ako kung bakit siya nakasunod saakin.

Ipapa salvage na ba ako ni miss?

Nag sign of the cross nalang ako habang nakatingin kay miss na parang nagmamadali sa paglalakad.

Konti nalang talaga ,iisipin kong may lahing Dora si miss. Gala ng gala sa paligid, parang hindi professor na maraming ginagawa.

Habang tinatahak ang block ko ay bumungad saakin ang mga kaklase kong nagbabatuhan ng papel. 

Nakita ko si Bernice na nasa likuran at kumakaway saakin at sakto naman na may bumato nang papel sa ulo niya and speaking of crush ko ng konti.. si jiro.

Lumapit ako kay Bernice at umupo sa tabi niya.

"Ang galing , tumitigil talaga si Jiro kapag nandiyan ka Raven."bulong saakin ni Bernice.

"Huwag mo nalang siyang pansinin."bulong ko pabalik and she just nodded.

Habang nagtatawanan ang grupo ni Jiro ay ramdam ko ang tensyon ng mga tingin niya saakin.

"Gago andiyan na yung pugita!" biglang sigaw nung baklang kaklase namin.

Inabangan ko naman sa pinto ang pugita na sinasabi nila.

And there she is.

Si tyanak na ngayon ay nililibot ang tingin sa buong klase.

"Looks like you saw an Angel guys." Pabirong sabi ni miss Stella pero ni isa walang tumawa o sumubok na magsalita.

Habang nagsasalita siya sa labas ay nakatingin lang ako sakaniya at nakikinig. Mahirap na ,baka ipahiya ako nito eh kawawa naman ako.

"Mr Jiro , baka gusto mong tumitig nalang kay miss rei buong buhay mo?" nagulat ako nang banggitin ni miss ang pangalan ko ay nakatingin kay Jiro na ngayon ay nakangiti saakin.

"Pwede naman ma'am , ang ganda kasi niya eh kahit apat yung mata." nagsitawanan naman ang iba at ang iba ay nanunukso.

"Shut up everyone , or else bagsak kayong lahat sakin!!"sigaw ni miss kaya nagsitahimik ang lahat.

"I'm sorry ma'am." Jiro apologized.

"Wow, you apologized. That's the first time mr Jiro." Saad ni miss Stella habang nakahalukipkip.

"May inspiration lang ma'am." Jiro said while looking at me.

Medyo kinikilig ako.

"Inspiration to expiration Mr. Jiro." miss Stella rolled her eyes and tumingin saakin.

Tumingin siya saakin ng masama na parang pinapatay na ako.

Omg siguro crush din niya si Jiro.

Hays sa ganda ba naman ni miss siguro siya ang pipiliin ni jiro (⁠╥⁠﹏⁠╥⁠).

Hanggang matapos ang klase ni miss ay lutang lang ako.

Kailangan ko talagang layuan si Jiro , Lalo na kasi gusto rin siya ni miss. Ayokong maging third party no , ayoko kaya.

Habang inaayos ang mga gamit ko ay nakita ko ang ginawa kong paper ring last time. Kaya nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at gusto ko ibigay 'to kay miss.

"Angel!" Rinig kong tawag saakin ni Jiro.

"Una na ako raven ha , antayin kita sa canteen."tumango nalang ako sa sinabi ni Bernice.

"Ha?" tanong ko sakanya.

Tumingin siya sa kamay ko na may hawak na paper ring at ngumiti saakin.

"Para saakin ba yan?" tanong niya saakin.

"Hindi 'no , ibibigay ko kay miss. Babyee." aalis na sana ako but suddenly he grabbed my wrist.

"I will let you out here in our classroom when you allow me to date you." nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong umiling.

"Ayoko nga." sagot ko.

"one week na date lang raven, promise kapag di ka na in love saakin sa loob ng one week then hindi na kita guguluhin. Promise ko yan." he said while his eyes are begging.

"Hindi talaga ako mahuhulog sayo Jiro kaya bitawan mo na ako." tugon ko pero umiling lang siya.

"Give me a chance raven , please?" napasinghap nalang ako at tumango.

"Pero hindi mo na ako guguluhin pagtapos non ha?" tumango naman siya at niyakap ako.

"Thank you raven." tinulak ko siya konti para kumalas sa yakap niya.

"Welcome , una na ako." kinuha ko na ang bag ko at patakbong lumabas sa room.

Pero wala na si miss.

Pumunta rin ako sa office niya pero wala talaga siya ron.

Saan na ba yon?

Biglang may tumawag sa cellphone ko at si Bernice yon ,kanina pa ata siya naghihintay sa canteen.

"Hello?"

"saan ka na? gutom na ako ihh." tumawa ako sa sinabi niya at agad siyang sinagot.

"Papunta na po. " bago na end ang tawag ay parang may tao sa likuran ko.

"Looking for me?" that voice.

Tumingin ako sa likuran ko and there she is.

"A-ah miss." panimula ko pero nauutal ako.

"What?" she raised her eye brow and she looked to my right hand.

"Ah kasi po.."

"Kasi what?  akin na." she handle her hand in front of me at agad naman akong nagtaka.

"Po?" i asked.

"Is that for me?" alam kong tinutukoy niya yung paper ring sa kamay ko.

"O-opo." gagi nauutal talaga ako.

"ibibigay mo ba sakin o ibibigay mo lang?" dahan dahan siyang lumapit saakin kaya napapaatras ako.

Ano ba raven bakit kasi ayaw mo pa ibigay?
Matapang ka raven diba? tarayan mo rin siya kapag tinarayan ka.

"Common raven give it to me or else..." napalunok nalang ako sa mga sinasabi niya but suddenly she's getting closer in my face.

"M-miss."

And in the end ,nakuha rin niya yung paper ring sa kamay ko.

"Ibibigay mo rin pala ,pinahirapan mo pa ako." umirap pa siya saakin at tyaka tinignan ang paper ring na ginawa ko.

"A-alis na ako miss , hinihintay kasi ako ni Bernice sa c-canteen eh." aalis na sana ako pero bigla siyang nagsalita ulit.

"Pumayag ba ako na umalis ka na?" huminto ako saglit sa harapan niya at nakipag eye to eye sakanya.

Nakakatakot ang mukha niya.

Tumakbo nalang ako at hindi na nakinig sakanya. Nang makalayo sakanya ay tumingin ulit ako sakaniya and she throw away the ring.

"Bakit pa niya kinuha yon kung itatapon rin niya? Siguro tabingi yung pagkakagawa nung ring. Gagawan ko nalang siya ng mas maganda sa susunod." tumakbo ako papuntang canteen at naabutang nakalamon ng burger si Bernice at kaharap si kuya.

"Kapatid mo ba 'to raven , ang pangit ng ugali eh." natawa nalang ako sa sinabi ni Bernice kay kuya.

"Kaibigan mo ba 'to anghel , ang pangit nang mukha eh."sinamaan ko ng tingin si kuya at agad na binatukan.

"Isusumbong kita kay papa , wala kang respeto sa babae." pananakot ko sakanya.

"Bakit ba kasi ang tagal mo raven , ang sungit pa naman ng kuya mong feeling  pogi mukha namang polka dots sa dami ng nunal sa leeg." panlalait ni Bernice.

"Payag ka non kuya ,polka dots ka raw?" tanong ko , nagbabayangan na sila nang tingin eh.

"Hoy babaeng apat ang mata na pareho sa kapatid kong mukhang kalabasa sa sobrang kalinawan ng mata , mukha kayong pinagbiyak na bunga ng upo at papaya." laglag panga akong nakatingin kay kuya ganon din si Bernice.

"Bastos mo kuya, you're grounded!" sigaw ko sakanya.

"Grounded saan?" tanong niya.

"Tanda mo yung gasgas ng kotse mo dahil nakabangga ka ng pusa? isusumbong ko iyon kay papa dahil hindi ka nagiingat sa daan." he raised his eye brows at ngumisi saakin.

"Edi isumbong mo." tumayo na siya at umalis na.

"Gunggong pala nung kapatid mo 'no?" tanong ni Bernice.

"Kapatid ko eh." proud na sabi ko.

"Kaya pala same kayo na maputi , ang pinagka-iba lang maitim yung budhi niya ,yung sayo maputi pa rin."

Natawa nalang ako sa sinabi niya kaya kumain na rin ako dahil sa gutom na rin ako eh.

Continue Reading

You'll Also Like

257K 5.8K 51
COMPLETED‼️ Eliana Chavez or Ellie is an actress and a hotel owner who still believe in the sacrament of marriage despite of fame and wealth. Zachary...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
39.1K 695 43
PROLOGO: "Maawa na po kayo samin ,wala naman po kaming kasalanan sa inyo" pagmamaka awa ko sa dalawang taong may daling baril.... . . . . Isa kami sa...
52.1M 1.6M 63
[#1 Teen Fiction | #1 in Romance] Bad boy Luke Dawson is stuck living with clumsy nobody Millie Ripley for the summer. When she ran over his most p...