Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

919K 31.4K 20.8K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Prologue

37.1K 1K 448
By JosevfTheGreat

Prologue: Ditto

#DittoDissonanceWP

Warning: Please be advised that this story may contain words that are not suitable for everyone. Cussing, too liberated words, or it may also contain slurs to emphasize some scenes but doesn't intend to offend anyone and is only used in a fictitious manner. thank you ^v^

Note: This story is a slow burn romance, and a red flag to green flag character. You need your LONG patience as you read this story..

・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Putangina. Shet naman.

Bukas na pala ako lilipat sa dorm. Wala ako sa mood para lumipat! Ang bigat ng mga gamit ko. Walang silbi 'tong biceps ko kung bading naman ako. Dapat sa akin inaalalayan ng lalaking may malaking biceps since I'm a soft and weak girl pa naman.

"Zern, handa na 'yung pagkain. Kain na tayo, 'nak. . . " sabi ni Mama na kabubukas lang ng pinto ko.

Bumuntonghininga ako at nagtaklob ng kumot. Tinatamad ako bumangon! Aayain na naman ako magsimba nina Mama para raw may gabay ako ngayong semester.

Tinanggal ni Mama ang pagkakataklob sa akin ng kumot. Ngumiti siya sa akin nang malambot at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Kain na tayo, Zern. Mamaya maglilipat ka pa ng gamit mo. Ikaw kasi, binalik mo pa lahat ng gamit mo dito last sem mo. Tutulungan ka naman ng kuya mo," aniya at tinapik-tapik ang tiyan ko.

"Ayaw ko pa mag-aral, Ma. Naiiyak na ako agad sa dami ng plates na dapat asikasuhin ngayong sem. Pero sige, mag-aaral pa rin ako nang mabuti kasi gagawan ko kayo ng bahay ni Papa. . ." sabi ko at sumimangot.

Mahinang natawa si Mama. "Ang gwapo-gwapo mo, anak. Ang kinis ng balat! Panigurado may bago kang makikitang pogi ro'n. Ayaw mo ba ng pogi?" Tinaasan niya ako ng kilay.

I hissed and rolled my eyes. "Syempre, gusto! 'Yon na nga lang motivation ko kapag nase-stress ako sa school. At saka gusto mo lang bumangon ako, e!"

Humalakhak siya. "Tara na, 'nak! Nagluto ako ng paborito mong hotdog. Alam kong hindi ka papakabog sa kainan ng hotdog," aniya at pinalo ako sa tiyan.

Tumayo na siya habang tumatawa pa rin. Iniwanan na niya ako ro'ng nakasimangot. Si Mama ang aga mang-asar! Pero parehas sila ni Papa na suportado sa akin sa sexuality ko. Si Kuya naman ang nagbibilin sa akin na mag-ingat sa mga lalaki, kabisado na raw niya ang mga galawan.

Nakikinig na lang ako dahil hindi niya ako bibigyan ng pera kapag hindi. Bilang isang alipin ng pera, syempre go ako diyan. Kahit alam ko naman na rin talaga ang galawan ng mga lalaki. Ako pa ba?

Nag-CR lang ako saglit bago bumaba. Nadatnan ko na silang naghahanda sa hapagkainan. Si Papa pala ang nagtuloy ng niluluto ni Mama habang inaaya niya akong kumain. Si Kuya naman ay inaayos ang kotse niya dahil tutulungan niya ako maglipat mamaya.

"Kain na tayo, 'nak." Si Papa na kalalapag lang ng isang plato ng hotdog sa lamesa.

"Good morning, Papa," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Ano ba 'to, feeling dalaga!" pabirong sabi ni Papa.

I hissed. "Sus! No'ng nalaman mo ngang bading ako no'ng high school ikaw pa nagbili sa akin ng lip tint para mag-sorry kasi nagalit ka no'ng umamin ako. Hindi ko naman nagamit."

Humalakhak si Mama. "Naalala ko 'yon, tawang-tawa ako dahil akala ko para sa akin 'yon kaya ginamit ko tapos nagalit si Papa mo dahil bakit ko raw ginamit, e para raw sa 'yo 'yon."

Niyakap ko ulit si Papa at ngayon ay tinugon niya ang yakap ko. Hindi siya sweet gaano at lalaking-lalaki pa rin magmahal.

"Tara na, kumain na! Puro kabadingan na naman 'tong si Zern. Magsama kayo ng mama mong baliw!" sabi ni Papa at mahinang natawa.

Nagtinginan kami ni Mama at parehas kaming nag-make face at ginaya ang sinabi ni Papa. Umupo na ako sa tabi niya at saktong kapapasok lang din ni Kuya.

"Zern, dadaanan ko lang si Katie tapos hatid na kita sa dorm mo," sabi ni Kuya at umupo na rin sa tabi ko.

"Magde-date kayo, 'no?" sabi ko at tinusok siya sa tagiliran.

Mahina siyang natawa. "Oo, anniversary namin, e. Inggit ka na naman dahil wala kang poging boyfriend na malaki 'yung biceps. Parang ganito?" aniya at finlex ang biceps niya.

"Tch. Ayaw ko niyan, ang asim," sabi ko.

"Tumira ka pa sa kilikili ko, uy! Paborito 'to ni Katie, 'no! Hindi ka ba natutuwa na may sobrang gwapo kang kuya? Pinagkakaguluhan no'ng college ng iba't ibang department. Ngayon pati sa office. Pero bilang isang tapat at loyal na lalaki, si Katie lang ang natatangi kong mahal," proud niya pang sabi.

Ngumiwi kami ni Mama dahil parehas sila ni Papa na gano'n lagi ang linyahan. Wala namang nagtatanong. At kahit walang nagtatanong, kusa lang nilang sinasabi bigla as if may pakialam kami ni Mama.

"Kumain na! Nagbabangayan na naman kayong dalawa. Ako lang ang gwapo dito. Si Zern, pogi pero bading. Si Zac, pogi pero mas pogi ako. Kaya walang winner," sabi ni Papa at umupo na rin sa tabi ni Mama.

"Mama, kausapin mo nga 'yang asawa mo. . . ang aga mag-joke," sabi ko at umiling-iling.

Nagtawanan kami sa sinabi ko. Nag-asaran lang kami saglit at nagsimula na ring kumain. Napunta rin tungkol sa semester ko ang usapan. Lalo na sa bayarin.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"Have you contacted Dexter, he'll be helping you with your moving today. Be good this semester. No more girls. You can have sex, but focus on your studies, Caiden," Dad said with full authority.

"Yes, Dad. I'll be good."

'Yon ang sinabi ko, but I'll spend my whole semester partying and having fun with girls. He will not monitor me there. As long as my grades are fine, he's also fine with it. Wala rin namang problema si Mommy sa akin. Si Dad lang naghihigpit sa akin paminsan-minsan.

I'm young. So, I want to enjoy my life! I want to do what makes me happy to survive. Otherwise, what will I do?

"You should listen to your father, Caiden. Hinahayaan lang kita pero bubungangaan kita kapag lumagapak 'yang grades mo! Ipapadala kita sa Australia! Tutulong ka sa pag-manage ng company. Alam mo naman na mahalaga 'yon para sa papa mo," sabi ni Mommy.

Tumango ako at ngumiti. "Syempre naman, Ma. Ako pa ba. Ga-graduate ako habang nage-enjoy sa pagiging bata," sabi ko at kumindat habang naka-thumbs up para ma-gets niya ang ibig kong sabihin. 

Sa current situation ko talaga, ang tanging nasa isip ko lang ay makapagtapos habang nage-enjoy. Ayaw kong lumipas ang panahon na hindi ko nasulit ang bawat phase ng buhay ko. I need to do what makes me alive.

"Tigilan mo ako Victorino! Lahat na nga nasusunod sa 'yo! Kapag ikaw nakabuntis, ipapasok ko 'yang ano mo sa bibig mo! Sige!" sabi ni Mama at pinandilatan ako.

"Don't forget that I can understand Filipino, hon. That's gross," sabi ni Dad.

"Sorry, hon. Ito kasing anak mo, kung ano-ano na namang sinasabi. Baka mamaya sa kaka-enjoy niya, wala na siyang passion para magtrabaho!" singhal ni Mommy sa akin.

"I'll control him if he'll do that. There will always be limitations for everything, son. Don't let your pride ruin your future. Always seize your moment, but don't forget to be wise. This is me speaking as your father."

Tumango lang ako at hindi inintindi ang sinabi niya. Wala akong na-gets. Ang naintindihan ko lang ay 'yung seize your moment at don't forget to be wise. Bahala na. I still have one year until I graduate. Might as well i-enjoy ko na lang, 'di ba? 'Yon naman ang palagi kong naiisip, ano pa nga ba ang gagawin ko kundi mas piliin maging mas masaya kaysa mas-stress nang ma-stress at ma-down nang ma-down.

Excited na akong lumipat sa dorm ko. I'll have some fun with some girls, I guess? That's what I will do. Enjoy this start of the semester, until it ends.


Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
276 60 11
The sinking ship represent Leiro Dewey Salazar's life, he always see his life as battleship fighting his own unpredictable waves, but when his ship s...
250K 13.9K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...