Chapter Thirty Four
AICEL
Pagkabalik namin ni Sage sa bahay, hindi pa rin tapos sila Kuya Troy at Aries sa ginagawa nilang scrapbook. Naki-usisa tuloy kami ni Sage kung ano bang nilalagay nila don.
“Ate, wag mo ngang ilagay tong picture na to. Muka kong timang dito e.” Inis na sabi ni Sage kay Ate Aries.
Sa isang page kasi ng scrapbook nila, inilagay nila ang picture nila kasama ang kapatid nila. At tama nga si Sage, muka siyang timang sa picture na yun. Nakanguso ba naman. Muka tuloy siyang babae sa picture.
“Patingin nga ako ng picture.” Ate Aries handed me the picture. Tinignan ko iyong mabuti at parang may kakaiba sa picture na yon. Parang nakita ko na somewhere. Eh? Ano ba tong naiisip ko? Imposible ko namang nakita ko na si Sage, diba? He’s still young here.
“What do you think Aicel? Ilalagay ko ba or pampapanget lang yan ng scrapbook namin?”
“Pfft. Sige, Ate Aries! Haha. Ilagay mo na to.”
“WHAT! HUWAG NA YAN.” Inagaw sa akin ni Sage ang picture. “Pag may nakakita nito, baka pagtawanan ako.” (-.-)
“Ang cute mo kaya diyan!” Bigla kong nasabi. Oh my God! (--.)
Sage smirked at me. “Sabi na e. Nacucute-an ka sa akin. Sige, Ate Aries ilagay mo na ito sa scrapbook niyo. Cute naman ako diyan e.”
Hinampas ko siya ng isang photo album. Buti nakaiwas. Sayang! “Yung picture ang cute. Hindi yung Sage sa kasalukuyan. Feeling nito.”
“Ano to?” Sa sobrang curiousity ko nang makita ang color blue na album na may nakasulat na ‘Sage Pogi’ agad ko iyong kinuha. Titignan ko na sana e. Bubuklatin ko na! Kaso may isa na namang malaking umepal.
“WAG MONG TIGNAN YAN!” Sabay hablot ng photo album.
“BAKIT?” I raised my brow. “Siguro may tinatago ka ditong ka-pangitan mo no?” Inagaw ko sa kanya ang album pero hinila din niya. Nag-aagawan at hilahan tuloy kami.
“Wala akong kapangitan. Kahihiyan, meron! Kaya, huwag mo ng galawin tong album na to. Iba na lang.” Hinila niya ng malakas yung photo album sa akin. Nabitawan ko tuloy.
“Sus! Ngayon ka pa nahiya sa’akin! Huwag ka ng mahiya! Walang hiya ka naman e!” Lumapit ako sa kanya para kunin ang photo album na hawak niya. Naghabulan na nga kami sa salas e. Ayaw kasi niyang ibigay. Ang damot naman nito! Tss.
“PADILLA, AKIN NAAA! TITIGNAN KO LANG NAMAN E.”
Bigla niyang itinaas ang kamay niya. At dahil mas matangkad siya, hindi ko tuloy maabot! Ugh. Patalon-talon na nga ako, at nag-tiptoe na kaso ang tangkad talaga ni Sage. Wala akong laban dito. Nakaka-inis naman e. Ano bang dapat niyang itago dun? Tss.
“BERNARDO, WAG KA NA KASI—”
Tumigil na ako sa pangungulit. Kung ayaw niya, edi wag! Sinamaan ko na lang siya ng tingin, at bumalik na kela Ate Aries.
“Uy, Galit ka?” Sinundot ni Sage ang tagiliran ko. Pero hindi ko siya pinapansin. Sige lang, ipakita mong nagtatampo ka, Aicel. “Ay galit ka nga?”
Hindi ko siya kinakausap. Bahala siya sa buhay niya.
He suddenly grabbed my arms and playfully shakes it. “Hey, Aicel. Don’t be mad na! Ayoko mo lang makita mo yun because it’s really embarrassing.”
Hindi ako sumagot. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
Sage sighed in defeat. “Fine. Pero binalaan kita ha.”
(.--) (^^.)
“Yay! Thank You!” Excited kong kinuha sa kanya ang photo album na iyon. Hahaha. Napapailing na lang si Sage habang nakakunot ang noo.
“Bwisit. Pasalamat ka hindi kita matiis.” Ginulo niya ang buhok ko.
Ahhhh. Ang sweet naman!
(o.o) HA?
Sweet? Ano daw? Baka Sour! Pinagsasasabi mo diyan, Aicel? -.-
Ano kayang laman nito? Baka pwede kong ipang-blackmail kay Sage, diba? O kaya baka pwede kong ibenta sa mga fans niya sa school. Tiba tiba ako nito! Yayaman ako! Wooooo! Hahaha.
Dahan dahan kong binuklat iyon and—oh shit.
(o_____o)
I immediately closed the album. (-___-’)
First page pa lang ang nakita ko, kinilabutan na agad ako. Oh My Gahd! Kaya pala ayaw niya sa aking ipakita. Sana sinabi na lang niya agad, diba? Ugh.
“Hah. I told you!” He said. (--.)
“Bakit hindi mo agad sinabing boldstar ka pala nung bata?” Inis kong tanong sa kanya. Feeling ko nag-iinit na yung muka ko. Nagkakasala ang mga mata ko dahil sa kanya e. Tss!
Picture ba naman niya nung bata siya na walang damit ang tumambad sa mata ko pagka-bukas ko ng photo album. Yaiks!
“Pinigilan kaya kita. Makulit ka lang e.” Tumayo siya at nagpaalam na magc-cr lang saglit.
Tss. Fine. Pinigilan niya nga ako na buklatin yon. Kumalma ka, Aicel. Burahin mo na lang sa utak mo yun. I grabbed another photo album. Iba na nga lang ang titignan ko. Tss.
Ewan ko ba, parang feeling ko kasi ang cute cute ni Sage nung bata kaya ko gustong tignan ang mga litrato niya and He looks very familiar. Parang nakita ko na siya before.
May nakita akong color yellow na photo album. May nakasulat doon na ‘Baba Love Pottie.’
EHHH? Kanino to? Kay Sage ba to or kay Ate Aries? Matignan na nga lang.
“Ate Aries, ano yung Baba at Pottie?” I asked her.
“Ah! Baba as in Baboy. Pottie kasi Payatot. Terms of Endearment ni Sage tsaka ika—” Hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi biglang tinakapan ni Kuya Troy ang bibig ni Ate Aries.
“Shshh! Ang ingay mo, Aries.” Bulong nito dito.
“Oops! Sorry, I forgot.” She murmured. Hindi ko naman sila narinig.
Anyway, mabuklat na nga itong album na ito at matignan isa-isa. If Sage is Pottie, sino naman kaya si Baba? Hmmm.
Oh? What’s this? I saw the first four pictures.
“AICEEEEEELLLLLL!” Sage was fast. Literal ata na lumipad ito sa harap ko at inagaw ang photo album. Mabilis niya iyong sinara.
Nagulat kaming tatlo sa ginawa niya. Bakit ganon? Ang bilis ng tibok ng puso ko? I can sense something weird about that album.
Kasi yung nasa pictures..
Parang..
Ako.
AKO BA YUNG KASAMA NI SAGE SA PICTURE?
Hindi ko siya masyadong natitigan.
Pero I’m 101% sure na ako yung bata na kasama ni Sage sa picture.
Paano yung nangyari? That’s impossible!
I looked at him, puzzled. Hindi siya makatingin sa akin ng derecho. Tinignan ko rin sila Kuya Troy at Ate Aries ng may pagtataka, pero wala lang. Bumalik ang atensyon nila sa kanilang ginagawa. Can somebody please explain this to me?
Hindi naman ako tanga para makalimutan ang itsura ko nung bata ako.
May tinatago ba sila sa akin? Kung Oo, I have to figure it out!
“Uuwi na kami ni Ate. It’s getting late.” Kinuha ni Sage isa-isa ang mga photo albums at lumabas ng bahay upang ilagay iyon sa loob ng kotse. Seryoso pa rin ang muka niya at halata mong malalim ang iniisip.
Nagpa-alam na rin sa akin si Ate Aries at saka lumabas ng bahay. Hinatid sila ni Kuya, pero hindi na nagpa-alam sa akin si Sage. Alam ko to, nararamdaman kong may mali.
Bakit ganon? May hindi ba ako alam?
xxx
SAGE
Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako ngayon dahil siguradong sigurado ako na nagdududa na si Aicel. She saw it. I know. Kasi nag-iba ang expression niya. Naging doubtful siya. Naging curious siya. Damn!
“Muntikan na yun ah.” Sabi sa akin ni Ate Aries. Pauwi na kami galing kela Kuya Troy.
“Muntikan daw. Eh nakita na nga ni Aicel.” Tinignan ko ang photo album namin ni Baba. “Bakit mo pa kasi dinala to?”
“Excuse me? Diba’t ikaw ang nagdala niyan sa kotse?”
“Shit. Oo nga pala! Dapat tinignan ko muna bago ko nilagay sa kotse.” I let out a deep sigh. “Ate, kinakabahan ako.”
Ate Aries held my hand habang ang isang kamay niya ay nasa manibela. “Don’t be. Kumalma ka lang kasi, Sage. Walang mangyayari. Walang magbabago. Trust me.”
“Ate, I saw her face. She’s doubtful, she’s curious. What iF she findS out na siya pala si Baba. Ang childhood friend ko na nilayo sa akin. What if malaman niyang ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente. Wala nga ba talagang magbabago?” Tae. Naiiyak na ako dito.
“Malalaman at malalaman din naman niya ang totoo e. We just have to wait. Wala kang kasalanan, Sage. Don’t feel guilty.”
“Oo nga. Pero diba sabi ni Kuya Troy, hindi muna ngayon. Wag na muna ngayon kasi baka maging komplikado ang lahat. Baka malito si Aicel.”
“Walang sikretong hindi nabubunyag, Sage. Kung para talaga kayo sa isa’t-isa, love will find a way.”
“Ate.. miss ko na siya.. Miss ko na si Baba.”
Nalulungkot na naman ako. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pwede niyang makalimutan, AKO pa talaga? Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko.
Pero hindi ko magawang sabihin dahil nakalimutan na niya ako.
“Utak lang nakakalimot. Hindi puso. Tiwala lang!” Page-encourage sa akin ni Ate Aries.
“Pero may tanong ako.” Seryoso kong sabi sa kanya.
“Sige, pagpatuloy mo lang yan.”
“Pag ba ang bakla nagka-amnesia, bakla pa rin?”
*POK*
“Akala ko teleserye na naman tayo dito tapos bigla kang babanat ng kalokohan! Kailan ka ba matututong magseryoso ha?!” Batok ulit (-____-’)
“Ang drama kasi e! You know me, hindi ako sanay sa ganyan. Hahaha!”
“Ewan ko sayo. Anong gusto mo? Mcdo muna tayo?”
Nag-agree naman kaming pareho na mag meryenda muna sa Mcdo since mamaya pa kami magdi-dinner nila mama sa bahay. Minsan lang rin kami mag bonding ng ate ko e. Sagad sagarin na. Tsaka libre niya to eh.
“Pero may sagot ako diyan sa tanong mo.” Seryoso siyang kumagat sa burger niya.
“Huh?” Ano daw?
“Oo naman. Bakla pa rin. Utak lang ang nakakalimot, hindi puso. HAHAHAHA!”
“Hahaha! Putek! Ang corny mo ate!”
“Hoy! Sabi yan ng crush ko no. May nag-tanong kasi sa kanya sa Ask.fm. Eh kilala mo akong mag-investigate.”
“Investigate daw. Baka stalking!”
xxx
A/N: Abangan ang storya ni Baba at Pottie.
Sorry I'm not good in cracking jokes. Hahaha. Ang seryoso kasi ni Sage. Hindi bagay, so pagpasensyahan niyo na ang mga walang kwentang hirit ko. Haha.