The Royal Chef

By senoritaxara

22.7K 1.2K 326

Sarina Sandoval is a woman from the modern world, she is an aspiring chef from the Blue House. At a young age... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Training
Chapter 2: Azrael Luna
Chapter 3: The Triplets
Chapter 4: The Recipe
Chapter 5: The Palace
Chapter 6: Elimination
Chapter 7: First Day
Chapter 8: Alas
Chapter 9: Favorite
Chapter 10: Hilaga
Chapter 11: Hilaga (2)
Chapter 12: Hilaga (3)
Chapter 13: Hilaga (4)
Chapter 14: Dethroned Queen
Chapter 15: Sugalan
Chapter 16: Lawa
Chapter 17: Ghosted
Chapter 18: Goodbye
Chapter 19: Trip
Chapter 20: Kabaong
Chapter 21: Stars
Chapter 22: Pagbabalik
Chapter 24: Royal Kitchen
Chapter 25: Diary
Chapter 26: Ruiz Clan
Chapter 27: Last Entry
Chapter 28: The Red Book
Chapter 29: King
Chapter 30: Banquet
Chapter 31: Unexpected
Chapter 32: Him
Chapter 33: Awake
Chapter 34: Regained
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Library
Chapter 37: Truth
Chapter 38: Help
Chapter 39: Plan
Chapter 40: Rest

Chapter 23: Starvation

302 24 1
By senoritaxara

[Chapter 23]

"Huwag mo kaming iwasan, pakiusap," naluluhang saad ni Diego habang nakayakap kay Sarina.

Napangiti nalang ng mapait si Sarina saka ito niyakap ng mahigpit upang mapatahan ito. Hindi niya maintindihan kung bakit umiiwas si Azrael. Hindi niya mahulaan kung bakit ito mailap sa mga kasama. Kung bakit ito nagbago. Lalo na kung bakit nito kinitil ang sariling buhay.

"H-Hindi naman ako iiwas, baliw ka ba?" Pilit ang tawang saad ni Sarina sabay mahinang pitik sa noo ni Diego na kaagad namang napapikit ng mariin at napahawak sa sarili nitong noo at sinamaan siya ng tingin. Para itong bata na pinapatahan ng kaniyang ina.

Hindi sumagot ang triplets sa sinabi ni Sarina. Nakatitig lamang ang mga ito sa kaniya. Natahimik din tuloy siya. Hindi pa masyadong nag-sisink-in sa utak niya ang lahat ng narinig.

"Nalaman niyo ba kung bakit ako nagkakaganon?" Tanong ni Sarina.

Napailing si Cielo ganoon rin si Miguel. "Hindi na kita nakausap ng maayos matapos ang insidenteng iyon noong nakaraang taon. Masyado kang malamig. Tango at iling lang ang iyong sagot palagi. Hindi ka rin palalabas ng iyong kwarto. Palagi mo lamang ginugugol ang iyong oras sa pagsusulat sa isang makapal na kuwaderno."

Kaagad na nag-ting sa utak ni Sarina ang narinig. Nagsusulat? Nanlaki ang kaniyang mga mata sa napagtanto. Maaaring makatulong sa kaniya ang notebook na 'yon!

"Anong hitsura?" Agarang tanong niya.

"Malaki at may kandado sa gilid at tanging ikaw lamang ang makakapagbukas," sagot ni Miguel.

Napaisip si Sarina at kaagad na napangisi. Dalawa lang ang hula ni Sarina sa kung ano ang notebook na tinutukoy ni Cielo. It's either a diary or a novel written by Azrael.

"Kailangan kong mahanap ang sinasabi niyo," saad ni Sarina.

Lumayo na sa kaniya si Diego matapos marinig ang kanilang pinag-uusapan at kaagad na pinunasan ang sariling pisngi. Nakasimangot na ito na aakalain mong hindi umiyak sa balikat ni Sarina kanina.

Napangisi nalang si Sarina at malakas itong binatukan dahilan upang malakas din itong mapadaing at muntik pang dumapa sa sahig.

"Para saan iyon?!" Nakangiwing hiyaw ni Diego habang nakahawak sa kaniyang batok.

Samantalang napanganga naman si Miguel sa nasaksihan at napakagat-labi na lamang si Cielo upang pigilan ang pagtawa.

"Masyado ka kasing OA!" Natatawang saad ni Sarina sabay tayo.

Bago paman makapagtanong ang tatlo kung ano ang ibig-sabihin ng salitang OA ay mabilis nang tumakbo palabas ng kwarto si Sarina at nagtungo sa hapagkainan kung saan naroon ang Papa ni Azrael at ang mga trabahador na naghahanda ng mga pagkain sa hapag.

Kaagad namang napatayo ang triplets at hinabol ang pinsan. Nakangiti sila habang tumatakbo. Ito ang unang beses na nakalaro nila ng habulan si Azrael. Iba sa pakiramdam. Parang ayaw na nila itong matapos.

Bago paman makarating si Sarina sa hapag ay kaagad siyang napatigil noong bumangga siya sa matigas na bagay. Muntik pa siyang matumba ngunit mabuti nalang ay maagap siyang nasalo ng lalaking nakabanggaan niya.

Napahawak siya sa matigas nitong braso. Samantalang ang lalaki naman ay nakapulupot ang mga braso sa kaniyang bewang.

"Salamat, pare," nakakahingang maluwag na saad ni Sarina ngunit kaagad siyang natigilan nang mapatitig siya sa mukha nito.

Nanlalaki rin ang mga mata nito habang nakahawak sa kaniya. Mababasa sa mga mata nito ang matinding takot at pagkataranta.

Hindi maalis ni Sarina ang mga mata habang nakatitig sa lalaki. Hindi niya ito kilala ngunit ang presensya nito ay nagsasabing may koneksyon kay Azrael ang lalaki. Bata pa ito. Sa tingin niya ay mas matanda sa kaniya ng limang taon.

Ngunit hindi ang gwapo nitong mukha ang napansin niya. Kundi ang kakaibang nangyayari sa katawan ni Azrael. Kahit na hindi natatakot si Sarina sa lalaki ay nararamdaman niyang nanginginig ang katawan ni Azrael dahilan upang mapakunot ang noo niya at muling mapatitig sa lalaki na ngayon ay nabahiran ng takot ang mga mata at namutla.

Ano 'to? Muscle memory?

Hindi niya maintindihan kung bakit nanginginig ang kamay ni Azrael na nakahawak ngayon sa lalake.

"Bitawan mo ang aking anak, Lino."

Dahil sa boses na iyon ay mabilis na binitawan ng binata si Sarina. Kaagad itong yumuko kay Mikael. Mapapansin ang panginginig ng kamay nito habang nakayuko. Halatang natatakot at kabado.

"P-Paumanhin, Señor Mikael. S-Sinalo ko lamang ang binibini noong muntik na itong matumba," saad nito habang nakayuko parin. Hindi ito tumatayo ng maayos hangga't hindi naririnig ang pahintulot ni Mikael.

Natuod rin ang tatlong Sandoval habang nakatingin sa pangyayari. Nakita nila ang nangyari. Nakita nila kung paano hawakan ng binata ang kanilang pinsan. Nais nilang umawat ngunit nauna na sa kanila ang kanilang Tiyo Mikael.

Napailing nalang si Sarina at mahinang natawa. Kahit na kakaiba ang kaniyang naramdaman kanina ay natatawa parin siya sa nangyayari. Masyadong masungit ang Papa ni Azrael na akala mo ay susunugin na nito ang lalaki gamit ang mga mata nito.

Tinapik niya ang likod ng lalaki. Ramdam niya kung paano ito nanginig sa gulat at mas lalong yumuko.

"Kalma. Pinapatayo lang kita, salamat sa pagsalo, bro," saad ni Sarina sabay hila sa braso nito patayo. At doon, nakita nila ang mukha nito na halos kasing putla na ng papel.

Napakunot ang noo ni Sarina ganoon din si Mikael. Akmang magtatanong si Sarina sa lalaki ngunit hindi na niya nagawa dahil sa biglaang pagsasalita ni Mikael.

"Tawagin mo na ang iba pang trabahador, Lino. Magsisimula na ang salo-salo," saad ni Mikael. Madilim parin ang aura nito. Hindi nito nagustuhan ang nakita. Kahit sino namang lumapit sa anak niya ay hindi niya nagugustuhan. Kahit pa ang tatlong Sandoval.

Hinawakan nito ang braso ng anak at hinila patungong hapagkaininan. Sumunod rin naman ang tatlong Sandoval na ngayon ay napapalunok nalang dahil sa madilim na aura ng kanilang Tiyo Mikael.

Napasulyap pa si Sarina sa lalaking nagngangalang Lino. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kaagad itong nataranta at napatakbo palayo.

**********

Ang naganap na salo-salo ay masaya naman. Lalo pa dahil nakilala ni Sarina lahat ng trabahador ni Mikael. Tuwang tuwa rin ang mga ito nang kausapin niya. Nakikipagtawanan pa nga siya at nakikipagbiruan ngunit palagi itong nauudlot dahil palagi siyang inilalayo ni Mikael sa mga ito.

Tuwing nangyayari iyon ay natatawa nalang siya. Napaka-possessive ng Papa ni Azrael. Hindi pa ata ito handa na ipasa ang anak sa ibang lalaki.

Ngayon ay narito siya sa loob ng kwarto ni Azrael. Nangangalikot at hinahanap ang notebook na sinasabi ng triplets. Nakailang cabinet na siya at hanggang ngayon ay hindi niya parin ito makita.

Naiinis na napabuga siya ng hangin. Naubos na niya lahat ng drawer at hanggang ngayon ay hindi niya parin mahagilap ang notebook na sinasabi ng triplets.

Napahiga na lamang siya sa kaniyang kutson. Nasaan ba iyon? Saan iyon maaaring itago ni Azrael?

Tumagilid siya ng higa habang nakatukod ang siko sa kutson at nakatukod ang nakakuyom niyang kamao sa kaniyang sintido.

Nasa ganoon siyang posisyon hanggang sa manlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang bagay na kanina niya pa hinahanap.

Ang notebook ni Azrael!

Mabilis pa sa ahas na gumapang siya papunta sa ilalim ng mataas at malaking aparador ni Azrael. Nasa ilalim nito ang notebook na may kandado sa gilid.

Masikip ang ilalim ng aparador at hindi roon magkakasya ang braso niya. Kaya kaagad siyang kumuha ng stick na nakita niya sa isang tabi at iyon ang ginamit upang makuha ang notebook.

Matapos ang ilang minutong pagsungkit sa notebook ay tagumpay niya itong nailabas mula sa ilalim. Kaagad siyang umayos ng upo at tinitigan ang notebook.

Leather ang cover ng notebook. Malaki rin ito na kung tawagin sa panahon niya ay B5. Makapal rin ito at mayroon itong maliit na kandado sa gilid na kulay ginto.

Sinuri niya ang notebook. Umaasang makikita ang susi nito. Ngunit bigo niya itong ibinaba nang wala siyang makitang susi.

Sa halip na buksan ay inilagay na lamang niya ito sa kaniyang bayong saka siya tumayo at pinagpagan ang sarili. Sa palasyo niya nalang ito bubuksan at babasahin.

Lumabas na siya ng kwarto. Bitbit ang kaniyang bayong. Nakasuot narin siya ng panlalaking kasuotan. Nakasombrero at nakatago ang buhok. At sa pisngi ay may maliit na pekeng nunal.

Nakita niya ang apat sa sala. Nang makita siya ay kaagad na napatayo ang apat. Nabalot ng malungkot na atmosphere ang buong kwarto nang makita ang ayos at bitbit niya.

Napabuga ng hangin si Sarina. Nalulungkot rin siya. Pero kailangan niya paring bumalik sa palasyo at gawin ang tungkulin niya. Bukod pa roon ay dapat niyang malaman ang kalagayan ng apat roon. Baka napano na iyon.

Lumapit siya kay Mikael at yumakap rito at humalik sa pisngi nito.

"Kailangan mo na ba talagang umalis ngayon din?" Malungkot na tanong nito.

Napabuga naman ng hangin si Sarina at malungkot na tumango. "Hinahanap ako ng hari, baka madamay ang mga kaibigan ko kapag hindi pa ako magparamdam doon."

Malungkot namang napabuntong hininga si Mikael at hinalikan na lamang ang kaniyang noo saka siya nginitian. "Mag-iingat ka na lamang, aking anak."

Ngumiti si Sarina at tumango. Nilingon niya naman ang triplets na kaagad nag-iwas ng tingin. Nagtatampo nanaman.

Napangisi nalang tuloy siya at napailing saka ito niyakap isa-isa. Kahit na nakatingin sa malayo ang mga ito ay naramdaman niya parin ang pagyakap nito pabalik.

Matapos ay ngumiti na siya at tumalikod na. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng apat dahilan upang mapabuntong-hininga rin siya habang papalabas ng bahay.

**********

Pagdating sa palasyo ay kaagad siyang lumapit sa isang guwardiya at pinakita ang kaniyang ID. Nang mabasa ang nakapaloob roon ay kaagad na nanlaki ang mga mata ng guwardiya at mabilis na sinulyapan ang kasama.

"T-Tuloy," saad nito habang nakatingin sa kaniya ang nanlalaki nitong mga mata.

Napakunot nalang ang noo ni Sarina saka pumasok sa loob. Kalaunan ay napangisi rin nang maisip na kaya nagkakaganon ang guwardiya ay dahil napopogian iyon sa kaniya.

Ang gwapo ko talaga.

Sa kabilang banda naman ay mabilis na hinila ng guwardiya ang kapuwa niya guwardiya matapos makapasok ng ginoong ilang linggo na nilang hinahanap.

Si Olaf Pogi! Ang maharlikang tagapagluto ng mahal na hari!

"Nahanap ko na siya! Kailangan itong malaman ng enuko ng ating mahal na hari!" Mabilis na saad nito sa kasama.

Nanlaki naman ang mga mata ng kapuwa niya guwardiya. Kaagad itong tumango. Pareho sila ng iniisip. Kailangan itong malaman ng enuko ngayon din dahil ilang araw ng hindi kumakain ng maayos ang kanilang mahal na hari. Naaapektuhan na ang kalusugan ng kanilang mahal na hari. 

"Ikaw na muna ang magbantay diyan. Tutungo ako sa silid ng mahal na hari upang iulat ang balitang ito," nagmamadaling saad ng isang guwardiya at mabilis nitong tinahak ang daan papasok sa palasyo habang tumatakbo ito.

Nang makarating naman si Sarina sa pinto ng Royal Kitchen ay kaagad siyang napadasal. Sana ay maayos lang ang apat. Hinding hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag naparusahan ang apat dahil lang sa paglalayas niya.

Napabuga siya ng hangin at kaagad na binuksan ang pinto dahilan upang maagaw niya ang pansin ng apat na tao sa loob.

Lahat sila ay nanlaki ang mga mata. Ganoon rin si Sarina, lalo pa nang makita ang hitsura ng kusina at hitsura ng apat.

"A-Anong nangyari dito?" Nagtataka niyang tanong habang sinusuri ang buong doyal kitchen na parang dinaanan ng bagyo. Nakahinga rin siya ng maluwag nang makitang wala namang galos ang apat. Pero ang kusina... parang binagyo.

"Pogi!" Hiyaw ng apat at kaagad na lumapit sa kaniya at sinunggaban siya ng yakap.

"Bakit ika'y ngayon lang?" Tanong ni Lando. Mababakas sa boses nito ang matinding pagod at pangungulila sa kaniya.

Napatitig si Sarina sa apat na lalaking nakayakap sa kaniya ngayon. Walang galos ang mga ito o bahid ng proweba na ito'y sinaktan. Pero makikita sa mga mukha nito ang matinding pagod. Ang ilalim rin ng mga mata nito ay nangingitim, patunay na wala itong maayos na tulog.

"Paumanhin," hingi niya ng tawad habang hinahaplos ang mga likod nito.

Hindi sumagot ang apat. Nanatili itong nakayakap sa kaniya. Tila ba ginawa siyang pahingahan. Maya-maya pa ay bumitaw na ang mga ito sa kaniya. Kaagad namang napabuga ng hangin si Sarina. Tinmaan siya ng konsensya habang nakatingin sa mukha ng apat.

Puno ng pagod at pagkapuyat. Ang kusina rin ay napakakalat.

Sinenyasan niya ang apat na maupo sa mahabang silya na kaagad naman nitong sinunod. Siya naman ay kumuha ng pang-isahang upuan at naupo sa harap ng mga ito.

"Anong nangyari? Balita ko, hindi daw kumakain ang hari?" Agad niyang tanong.

Napabuga ng hangin si Lando. Gulo-gulo na ang uniporme nito, halatang wala ng oras para makapag-ayos. "Hindi namin alam kung ano ang nangyayari. Ginawa naman namin ang lahat upang magaya ang iyong istilo. Maayos naman ang aming gawa at naniniwala kaming nagagaya namin ang iyong mga gawa. Ganoon din ang paniniwala ng iba, lalo na ang enuko dahil ito ang taga-tikim ng pagkain bago ipakain sa mahal na hari. Ngunit... pagdating sa mahal na hari ay hindi namin matindihan kung bakit ayaw niya itong kainin. Unang kagat niya pa lamang ay aayawan niya na at sasabihing hindi ikaw ang nagluto ng putaheng iyon."

"A-Alam niya?" Gulat na tanong ni Sarina. Hindi makapaniwala na kahit gayang gaya na ng apat ang istilo niya sa pagluluto ay nagagawa parin nitong malaman na hindi siya ang nagluto no'n.

"Hindi namin mawari kung paano iyon nalalaman ng mahal na hari," saad rin ni Manuel. Kagaya ng mga kasama, sabog rin ito at halagang pagod at puyat.

"Sa loob ng tatlong linggo ay wala kaming pahinga. Nagluluto lamang kami, hindi kami maaring tumigil hangga't hindi kumakain ng maayos ang mahal na hari. Kahit na sumapit ang alas-diez ng gabi at alas-dose ng umaga ay hindi kami tumitigil sa pagluluto. Ganoon rin ang mahal na hari dahil gutom na gutom na ito ngunit kahit na ganoon ay hindi nito maubos ang pagkain na aming hinahain," sagot ni Gomez. Bakas rin sa mukha nito ang matinding pagod at puyat dahil sa nangyayari.

"P-Paano niya nalalaman?" Naguguluhang tanong ni Sarina. Posible ba 'yon? Posible bang malaman ng isang tao kung sino ang nagluluto ng pagkaing kakainin niya? Para kay Sarina ay napaka-imposible.

Bukod pa roon ay pagod ang kaniyang mga kasama at gutom ang mahal na hari. Ang nangyayaring ito ay kasalanan niya. At alam niya sa kaniyang sarili na kung may parusa man ay siya dapat ang managot.

Napalunok nalang siya at napatitig sa apat na ngayon ay sabay-sabay na napabuntong-hininga.

"Kilala ba ako ng mahal na hari?" Tanong ni Sarina. Nananalangin na sana ay hindi.

Kaagad na umiling si Santino. "Hindi. Kagaya natin, hindi rin tayo kilala ng mahal na hari. Kagaya natin, hindi rin nakikita ng mahal na hari ang ating mga mukha. Hindi rin alam ng mahal na hari ang ating mga pangalan. Kagaya na lamang natin, hindi rin natin alam ang pangalan ng ating mahal na hari. Ang alam lamang ng mahal na hari ay mayroon siyang mga tauhang naninilbihan sa kaniya. Kagaya na lamang natin, ang alam lang natin ay mayroong haring namamalakad sa ating kaharian ngunit hindi natin ito kilala at hindi nakikita." Paliwanag ni Santino kahit na ang talukap ng mga mata nito ay unti-unti nang sumasara dahil sa pagod. Kaunti nalang ay babagsak na ito.

Napabuga ng hangin si Sarina sa nalaman. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa nalaman. Mabuti na lang ay hindi siya kilala ng hari, hindi rin nito alam ang kaniyang mukha. Madali lang siyang makakatakas sa oras na bigyan siya ng parusang kamatayan. Ayaw niya pang mamatay ano! Sayang ang pinaghirapan niya.

Overthinker na kung overthinker. Hindi niya lang talaga maiwasang mag-isip dahil mahal na hari itong nadawit niya sa mga problema niya. Kung magkasakit ito ay siguradong damay siya.

Napatigil sila nang may pumasok na dalawang guwardiya. Bitbit nito ang malaking tray na may takip na malaking tela. Rinig ni Sarina ang malakas na pagbuntong-hininga ng apat habang nakatingin sa malaking tray na dala nang papalapit na mga guwardiya.

Dahil sa kyuryusidad ay tumayo si Sarina at lumapit sa dalawang guwardiya na ngayon ay inilapag ang malaking tray sa mesa. Yumuko ito ng kaunti saka walang sabing lumabas ng kusina.

Si Sarina naman ay inalis ang telang nakapatong sa tray. At doon, bumungad sa kaniya ang samu't saring putahe sa tray. Ang iba ay dalawang kutsara lamang ang nabawas, ang iba naman ay wala pang bawas.

Napanganga siya sa nakita. Ang iba sa putahe ay ang enuko pa ang nagbawas dahil nasa batas na ito muna ang unang titikim bago ang mahal na hari upang malaman kung may lason o wala. Kapag natigok ang enuko ay ibig-sabihin may lason ang putahe at hindi na ito ipapakain sa hari at hahatulan ng kamatayan ang may sala.

Dismayadong napabuga ng hangin si Sarina. Ibig sabihin lang ay isang kutsara lang ang isinubo ng mahal na hari. Kunot ang kaniyang noo saka niya binalingan ang apat na ngayon ay napapahikab na nakatingin din sa kaniya.

"Matulog na kayo, ako na ang bahala rito," saad niya habang inaangat ang manggas ng suot niyang polo. Halos wala na siyang oras pa para makapagbihis sa uniporme nila.

Kaagad namang umiling ang apat at akmang magrereklamo pa ngunit kaagad silang napatigil nang i-angat ni Sarina palad nito at itinapat sa kanila. "Stop, sumunod nalang kayo."

"B-Baka kami ay maparusahan—"

"Ako ang bahala, magpahinga na kayo d'yan. Ilang araw na kayong puyat," putol ni Sarina sa sasabihin ni Manuel.

Napatitig sa kaniya ang apat. May bahid pa ng pagtutol ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Ayaw sumunod ng mga ito. Gusto pa nitong tumulong.

Dahil doon ay sinamaan ito ng tingin ni Sarina. "Matulog na kayo!" Nakapamewang niyang saad sa apat dahilan upang mapatalon ito sa gulat.

Kaagad namang nagsitayo ang apat. Mababasa parin sa mga mukha nito ang pagtutol ngunit sumunod parin ito sa gusto ng kanilang kaibigan. Bago sila pumasok sa kanilang kwarto ay sinulyapan pa muna nila si Pogi. Naninigurado kung ayos lang ba talaga na mag-isa itong magluluto roon.

Ngunit kaagad silang napatakbo papasok sa kanilang silid nang makita nila ang masama nitong tingin na tila nagsasabing 'matutulog kayo o mananagot kayo sa akin.' Kaya kahit na labag sa kanilang loob ay pinili na lamang nilang pagbigyan si Sarina at pahingahin ang kanilang mga sarili.

Napabuga na lamang ng hangin si Sarina nang makapasok sa kwarto ang apat. Masyado siyang tinatamaan ng konsensiya. Deserve niyang magtrabaho mag-isa at mahirapan. Kaya nagpumilit siyang patulugin ang apat na 'yon dahil 'yon naman talaga ang kailangan nila.

Napatigil lamang siya sa pagsusuri ng mga sangkap nang may pumasok na dalawang guwardiya at kaagad siyang hinawakan sa kaniyang magkabilang braso.

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa ginawa ng mga ito. Napatitig siya sa dalawang guwardiya. Hindi niya magawang magpumiglas dahil sa matinding gulat. 


Habang nakatitig sa dalawang guwardiya na ngayon ay kinakaladkad siya ay ganoon na lamang ang pagbagsak ng kaniyang panga nang makilala ang isang guwardiya, ito ang guwardiyang sumundo sa kaniya noong pinatawag din siya ng hari noon.

Isa lang ang ibig sabihin nito para kay Sarina...

LAGOT SIYA!

**********

Continue Reading

You'll Also Like

701K 12.1K 41
"I'm ur husband and i bet u know how to please me" -The Pervert Husband ever Jeon Jungkook "Crazy! This guy is outta control" - Jung EunHa
24.5K 804 24
I don't know who to love... ~ Y/N Samuel, please don't leave me, you're all I have ~ Rosé No one can take you from me. You're mine ~ Jennie Someone e...
162K 2.6K 19
မြို့အုပ်မင်းရဲ့ဇနီးလောင်းက သူမကြောင့် သေသွားတာကြောင့် သူမကိုလက်ထပ်ပြီး ပြန်ပေးဆပ်ခိုင်းမဲ့ ဇေယျမင်းမောင်
10.3M 768K 88
Marriage had always been my dream but not to a man about whom I know nothing. The moment my father fixed an alliance of me to a Prince without even t...