Jersey Number Eleven

By xelebi

2.1M 81.9K 36.6K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

20

34.6K 1.5K 548
By xelebi

• 🏐 •

"Chocolate ice cream for Kai," nakangiting sabi ni number eleven nang bumalik na siya sa table namin dala iyong mga in-order niyang ice cream.

"Thank you," ngumiti rin ako sa kaniya.

Dinala ako ni number eleven dito sa isang ice cream shop hindi kalayuan sa Creston. Akala ko no'ng una, e, dirty ice cream lang sa Luneta Park ang bibilhin namin. Nakalimutan kong rich kid nga pala itong si MVP at wala sa vocabulary at taste buds niya ang dirty ice cream ni manong sorbetero.

At nakakatuwa nga, e. Alam na agad niya kung anong flavor ang pipiliin ko. Naalala niya siguro no'ng nagkita kami sa convenience store dati. Tapos syempre matcha flavor naman ang kaniya.

"Magkano 'to?" Tanong ko pagkaupo niya.

Grabe. Ang fresh talaga ng isang ito. Parang hindi student-athlete, e. Ba't gano'n? Ang unfair. Partida, engineering student pa siya sa lagay na iyan, a. Akala mo, e, manok siya na nakatira sa isang stress-free environment.

Samantalang ako, parang eyebags na tinubuan ng ulo at katawan.

Ang linis niya pa tignan. White na white iyong uniform niya. Tapos clean cut pa ang gupit niya na para bang every week ay nagkikita sila ng barbero niya. At naka-glasses pa siya! Nerd-looking pero bagay sa kaniya. Parang gusto ko tuloy magpa-tutor ng chemistry. May gano'n kasi siyang vibe ngayon.

Tapos ang bango pa niya. Amoy fabric conditioner! Pero hindi ko naman sinasadyang amuyin siya, 'no. Alangan namang takpan ko ang ilong ko kapag medyo malapit siya sa 'kin?

Pero nag-a-adjust pa rin ako.

Pinipilit kong ikalma ang lahat sa 'kin.

Dapat chill lang. Na mukhang kinakaya ko naman. Malapit na nga akong ma-convince na may talent ako sa pagiging hindi halata kapag nasa harap ang crush, e.

Ang epal kasi nitong dibdib ko. Kabog nang kabog. Paano kung marinig iyon ni number eleven? Kung siya iyong tipo na madaling maka-gets ng mga bagay-bagay, e, 'di nabuko na ako?

E, 'di nalaman na niyang gusto ko siya?

I knew that the possibility of him hearing my heartbeat is low... but never zero. Lalo na kapag nadikit iyong tenga niya sa dibdib ko! Hindi ko alam kung mangyayari nga ba iyon pero mabuti nang sigurado, 'no.

Kasi hindi pa ako ready para ro'n.

Actually, hindi ko alam kung kailan ako magiging ready.

Baka nga... hindi na dumating ang araw na iyon kasi sure na akong isa 'to sa mga sikreto kong ibabaon ko hanggang sa hukay.

Tama na iyong ginagawa ko siyang... motivation. Ang corny pero hanggang do'n lang talaga, e. Pero bahala na. Ayoko lang talagang i-overthink kasi mas marami pang bagay ang dapat kong isipin sa ngayon gaya ng pag-aaral, volleyball, at ang future.

Nakita kong umiling si number eleven. "It's my treat."

"Iyan ka na naman, MVP, e. Magkano nga?"

"Don't worry about it, Kai."

"Tss," sabay labas ko ng 500 mula sa wallet ko.

"I won't accept that."

"Babayaran ko nga," pero umiling lang ulit siya. "Akala ko ba manlilibre ka lang kapag nanalo kami? Talo kami, 'di ba?"

"I don't remember saying that," sabay ngisi niya.

Napaawang ang labi ko. "Hoy! May sinabi kang gano'n! Gusto mo ng screenshot?"

"Go ahead," mayabang ang tono niya.

"Ang kulit mo, MVP," kumunot ang noo ko.

Natawa naman siya. Saglit akong natulala sa kaniya at agad na inabala ang sarili sa pagkain ng ice cream. Grabe. Iba pa rin talaga kapag sa personal kong naririnig ang tawa niya. Sarap sa ears.

"You can pay me by winning the semifinals," sabi niya.

Napatingin ulit ako kay number eleven. Nakangiti siya habang nakatingin din sa 'kin kaya medyo nawala ulit ako sa focus. Ano ba iyan, Kai! Umayos ka! Parang first time magkagusto, a?

Tumikhim ako. "Grabe. Parang sinabi mo na rin na hindi na talaga kita mababayaran. Napanood mo iyong game, 'di ba? Hirap na hirap kami sa school mo."

Nakita ko kung paano lumambot ang facial expression ni number eleven na agad sinundan ng malakas na pagtibok ng puso ko.

"Kai," tawag niya sa 'kin. "You've been training really hard for this. I know you can do it. I've seen you guys play and you're really good. You're actually better than you think. Just always keep in mind to execute the game plan and the reminders from your coaches. Yes, there will be a lot of pressure but don't forget to enjoy while playing."

Grabe...

Posible pa talaga iyon, 'no?

Iyong mas lalo kang mahulog sa isang tao?

Nakaawang ang labi ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata ni number eleven. Nakatingin lang din siya sa 'kin at para na akong aatakehin sa puso nang ngumiti siya.

Shit... iyon na yata ang pinakamagandang ngiti na nakita ko.

"But no matter what happens, win or lose, I'm always here cheering and rooting for you, okay?"

Tangina.

Parang... parang gusto ko nang umamin sa kaniya.

Aamin na ba ako?

Pero paano kung biglang... magalit siya? Paano kung hindi na niya ako kausapin pagkatapos? Paano kung... mandiri siya sa 'kin?

Doon na ako nag-iwas ng tingin. Tsk. Iyon lang pala ang kailangan kong ipasok sa isip ko para lang mabalik ulit ako sa reality. Kita ko na iyong rainbow kanina, e. Kaso kumulimlim tapos biglang umulan.

Sa ice cream ko tinutok ang atensyon ko.

"Lagot ka talaga sa mga teammates mo kapag nalaman nilang kami ang chini-cheer mo."

Ewan ko pero parang nasabi ko na yata iyon sa kaniya dati? Hindi ko lang matandaan.

"I already told you before, right? Mas lagot ako kapag hindi ikaw ang ichi-cheer ko."

Nagkatinginan ulit kami. Ngumiti na naman siya at nahulog na naman ako.

Déjà vu.

"Guys, do-or-die na 'to! Kapag natalo tayo rito, wala nang kasunod. Ilaban na natin para sa game 3 ha? 'Wag nating hahayaang makapuntos sila nang mabilis. Dapat pagtrabahuan nila iyon, maliwanag?"

Sobrang daming tao ngayon dito sa arena para sa game 2 ng semifinals. Halos hindi na namin marinig si coach dahil sa sigawan ng supporters ng dalawang school.

"Yes, coach!"

"Creston!"

"U!"

Kinakabahan na ako. Pagkatapos ng araw na 'to, dalawa lang ang magiging resulta. It's either aabante ang Westmore sa finals at makakalaban nila ang Easton na nanalo kanina against Northville or magkakaro'n ulit ang Creston ng isa pang pagkakataon para kami naman ang mag-finals this year's off-season tournament.

Tinawag na ang mga pangalan ng mga starters ng both schools. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na rin ang game. Sayang nga kasi hindi raw makakanood si number eleven. May class daw kasi siya.

Nag-huddle kami saglit ng team no'ng nasa court na kami. Kaunting reminders lang from Jerome.

"Basta enjoy lang natin 'to, a?"

"Yes, captain!"

Isa sa mga goal talaga namin for today's match bukod syempre sa manalo, e, 'wag magpakarne masyado sa Westmore. Kung kayang idikit ang scores hangga't maaari ay ididikit namin. Pero mas maganda kung makukuha namin iyong set.

Nagsimula ang game sa service ace ni Jerome against sa open spiker ng Westmore. Nagsigawan ang mga tao at tuwang tuwa namin kami kasi good sign iyon na kaya namin 'to.

Nagpatuloy ang game and for some reason, naramdaman agad namin na off-game ang mga spikers ng Westmore. May receive naman sila at okay naman iyong mga sets pero kung hindi attack error ay hindi rin namin pinapayagan na lumapag agad ang mga bola nila.

Iyon ang t-in-ake advantage namin.

At grabe... bilog nga talaga ang bola! Hindi ako makapaniwala na halos hindi naalis sa 'min iyong momentum. Sinong mag-aakala na lamang kami 2 sets to 1 against Westmore University?! Against sa team A nila minus number eleven?!

Hanggang sa mamalayan ko na lang na match point na ang Creston!

Totoo ba 'to?! One point na lang, panalo na kami? Though, hindi pa talaga panalo as in pasok sa finals pero at least nailaban namin na magkaro'n ng game 3!

"Lorenzo serving for the match!"

Dumagundong ang buong arena lalo na sa side ng mga supporters ng Creston. Nilingon ko si Jerome na sobrang seryoso ng mukha at ready na para mag-serve. Nang pumito ang referee ay mabilis na siyang nag-jump serve.

And boom! Service ace!

"Creston University wins game number 2!"

Hindi ko na napigilan na mapasigaw nang i-announce iyon. Naramdaman ko na lang din ang iba naming teammates na pinuntahan kami sa court para mag-celebrate. May game 3 pa! Buhay pa ang Creston!

Tuwang tuwa ang buong team kahit no'ng nasa dugout na kami. Usually, magsha-shower agad ako kasi ang kukupad ng mga teammates kong maligo pero pinuntahan ko muna iyong phone ko.

Ipagyayabang ko lang muna kay number eleven na nanalo kami!

Iyon nga lang, pagbukas ko ng IG ay may message na siya agad do'n. Wow, naunahan niya ako!

roenalejo11: Congratulations, Kai! I knew you'd win.

kaireyes: Ime-message pa lang sana kita. Salamat! Hehe. Wait, paano mo nalaman? Nanood ka ulit sa illegal livestream, 'no?

roenalejo11: 🤫

kaireyes: Lagot ka, MVP! Hahahahaha! Tapos na ba klase mo no'ng nanood ka? Baka mamaya hindi ka nakinig sa prof mo, a?

roenalejo11: Haha of course not. Though, I was only able to watch the latter part of set 4.

kaireyes: Pero tapos na class mo ngayong araw?

roenalejo11: Yeah. Actually, I'm here in the arena's parking lot right now.

Nanlaki iyong mga mata ko. Biglang pumasok sa utak ko no'ng nakita ko rin siya sa parking lot ng Creston.

kaireyes: Hindi nga? Bakit nasa arena ka?

roenalejo11: I am hoping to see you.

Shit... iyon na naman iyong puso ko! Naramdaman ko rin agad na nag-init iyong buong mukha ko. 'Wag mo sabihing namumula ako? Tumalikod agad ako para hindi makita ng iba kong teammates. Malisyoso pa naman ang mga iyan!

Pero bakit gusto niya raw akong makita?

May usapan ba kami na nakalimutan ko?

Pero imposibleng makalimutan ko iyon kung meron man.

roenalejo11: Are you, by any chance, still here?

Napatingin ako sa mga teammates kong busy rin sa mga cellphone nila. Iyong iba ay naliligo na. Hinanap ko si Jerome pero mukhang nasa banyo na yata kaya kinuha kong pagkakataon iyon para pasimpleng lumabas ng dugout.

Mabilis lang din naman akong nakarating sa parking lot ng arena. Malaki rin 'to pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, e, nakita agad ng mga mata ko si number eleven.

Nakasandal siya ro'n sa sasakyan niya habang seryosong nakatingin sa phone niya. Hindi siya naka-uniform ngayon. Naka-white shirt at maong pants lang siya pero ang lakas pa rin ng dating.

Lumingon muna ako sa paligid at nang makitang walang tao ay dahan-dahan akong lumapit kay number eleven.

"Uy," sabi ko.

Natawa ako nang mukhang nagulat pa siya sa biglaan kong pagsulpot. Pero maya-maya lang din ay ngumiti siya at lalapit sana sa 'kin nang bahagya akong umatras palayo.

"Amoy pawis pa ako," sabi ko.

"Oh," aniya. "It's okay," sabay lapit ulit sa 'kin.

Shit, puso, kumalma ka!

"Hi," sabi niya. "Congratulations again on your win."

"T-Thank you. Bakit ka nga pala nandito? Tapos na iyong game. Late na late ka na."

"I told you. I was hoping to see you," diretso ang tingin niyang sagot.

Napakurap ako. Shit... iba talaga kapag sa personal mo narinig iyon at hindi mo lang nabasa sa DM! Nanghihina na naman ako!

"And since you're still here, I want to give you something," dagdag niya sabay bukas ng pinto ng passenger seat ng sasakyan niya. Kumunot ang noo ko habang hinihintay siya na may kunin doon.

At nang makita kung ano iyon ay nagwala na naman ang nasa center ng circulatory system ko.

"Your reward for your hardwork," sabi niya at nilahad sa 'kin iyong bouquet na akala ko no'ng una ay bulaklak.

Bouquet pala ng chocolates.

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.4K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
770K 15.1K 43
"Happy first day of your death, Misis Montelibano. Your outfit suits for this occasion," sarkastikong bulong ni Alexander bago tuluyang lumayo sa kan...
2.7M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...