Jersey Number Eleven

By xelebi

2.1M 81.2K 35.9K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

16

32.5K 1.1K 397
By xelebi

• 🏐 •

"Shit," bulong ko nang mag-misreceive na naman ako.

Pang-ilan na ba 'to ngayon? Hindi ko na alam. May mga times naman na nare-receive ko iyong bola pero bitin sa setter. Ang layo sa net. Tsk. Badtrip.

"Kai, okay ka lang?" Tanong ni coach.

Nag-thumbs up lang ako kay coach kahit nafu-frustrate na ako sa totoo lang.

Tumayo ako mula sa pagkakadapa at tinaas ang dalawang manggas ng t-shirt ko. Practice game namin ngayon. Team A versus Team B. Nakuha ng team B namin iyong first set tapos lamang pa sila ngayong second set. At anong dahilan no'n? Wala kaming first ball. At sino ang in-charge sa reception? Maliban sa outside spiker ay iyong libero.

At sino iyong libero na walang receive ngayon? Si Kai.

Nakakahiya nga kay Drew, e. May mga times na siya na ang nagko-cover sa 'kin sa reception. Which is dapat hindi. Part iyon ng trabaho ko. Nakakainis na hindi ko magawa ngayon kasi nadi-distract ako.

Baka mamaya madala ko pa sa mismong game 'tong mga misreceives ko. Ayokong ako pa magpatalo sa team lalo na ngayong malapit na ang semifinals. Every game is crucial pa naman lalo na sa top 4 teams ng off-season tournament.

At matatalino ang mga kalaban namin. Kapag nalaman nila na off-game ka lalo na sa reception, ikaw na ang ta-target-in sa serve.

Kailangan kong umayos.

Hindi pwedeng ganito, Kai.

'Wag mo muna kasing isipin si... tsk.

"Sorry," sabi ko kay Jerome kasi kanina pa siya nagma-marathon kakahabol ng bola para lang mai-set iyon. Buti na lang din talaga at magaling siya na setter. Nagagawan niya ng paraan pero hindi naman pwedeng gano'n palagi. Hindi pwedeng pagod agad siya sa umpisa pa lang ng game.

Ang trabaho ko bilang libero ay pagaanin ang buhay ng setter.

Hangga't maaari ay hindi na dapat siya gumalaw sa pwesto niya kapag magse-set na siya. Para makagawa rin siya ng mga combination plays at hindi puro dulo-dulo lang ang sets niya.

Kasi kapag predictable masyado kung saan niya dadalhin ang bola, madaling mababasa iyon ng kalaban at pwede pang mag-result ng kill block. Nakakabawas confidence pa naman iyon sa mga spikers lalo na kapag madalas ma-block iyong palo mo.

Kaya first ball is life talaga sa volleyball.

Do'n nag-uumpisa lahat kapag kayo ang re-receive ng serve.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Jerome no'ng pinag-break muna kami ni coach.

Nanalo ang team A. Two sets to one. Medyo nakabawi naman ako lalo na no'ng latter part ng third set pero hindi pa rin ako satisfied sa naging performance ko. Kailangan kong makabawi agad.

Tumango lang ako saka uminom ng tubig.

"Hindi nga? Dami mong misreceives. Hindi ikaw iyan," napailing si Jerome. "Ano iniisip mo, Kai? Halatang lutang ka kanina, e."

Gano'n ba ako kahalata?

"Wala. Medyo pagod lang kasi may exam kami kanina."

"Weh? Nag-away kayo ng girlfriend mo, 'no?"

"Paulit-ulit? Wala nga akong girlfriend."

At paano naman iyon, e, hindi naman girl si number eleven-

Gago?! Ano iyon, Kai?! Bakit nasama si number eleven? Iniisip mo bang magiging kayo? Itigil mo iyan! In your dreams! Isipin mo na lang kapag nalaman no'ng tao na may gusto ka sa kaniya. Ano na lang ang iisipin no'n?

Kikilabutan iyon for sure!

Baka nga... mandiri pa iyon sa 'yo, e.

Tapos layuan ka. Tapos hindi ka na i-message. Tapos baka sadyain na niyang i-facial hit ako kapag magkalaban kami.

Shit. Nakakainis! Bakit bigla akong nalungkot? E, kasalanan ko naman iyon kung sakali. Kina-karma na nga yata ako, e. Unti-unti na yatang inaalis sa katawan ko iyong magandang reception.

Pero bakit ba ako nag-aalala sa magiging reaksyon ni number eleven kung sakaling malaman nga niya na gusto ko siya? E, 'di 'wag kong sabihin, 'di ba? Ang simple, simple pero pinapakomplikado ko.

Iyon naman kasi talaga ang dapat gawin.

Lilipas din naman siguro 'tong... kung ano man 'to.

"E, ano pala? Si Alejo iniisip mo, 'no?"

Nanlaki ang mga mata ko at nabulunan kahit wala namang iniinom. Naubo ako at gusto sanang itanggi iyong sinabi ni Jerome pero hindi ko magawa. Ang sakit bigla ng lalamunan ko!

"Gago, si Alejo nga?!" Tanong niya habang tinatapik iyong likod ko.

"H-hindi!" Sagot ko nang maka-recover na.

"Sus! Sabihin mo nga sa 'kin, tinakot ka niya, 'no? Anong sinabi niya sa 'yo no'ng nakita ko kayo no'ng Sunday ha?"

"Wala-"

"Sabihin mo na, Kai! Ano nga? Hindi naman kayo close no'n, e. Imposibleng nadaanan ka lang niya tapos hinatid ka sa dorm. Sure akong may sinabi siya sa 'yo kaya distracted ka ngayon."

"Wala siyang sinabi-"

"Sinabi ba niyang ipatalo natin iyong remaining games para may pag-asa na mag-number 1 sa standings ang Westmore?"

Napanganga na lang ako sa mga sinasabi ni Jerome. Grabe. Kung saan-saan na napunta iyong imagination niya. Ni hindi ko nga naisip iyon, e. To think na malikot din ang utak ko, a?

"Ano, Kai? Close kayo ni Alejo ng Westmore?" Sumali pa si Vince na bigla na lang sumulpot sa tabi ko!

"Ang kukulit n'yo! Pagod nga lang ako sa school works. Kung anu-ano na iniisip n'yo diyan."

"Hindi nga, Kai? Sabihin mo na-"

Buti na lang ay tinawag na ulit kami ni coach kaya natigil pansamantala iyong pangungulit nila.

No'ng mga sumunod na araw ay puro trainings at school works lang talaga ang inatupag ko. Kapag may free time ay nanonood lang ako ng Haikyuu. No'ng nagsawa na ay naglinis naman ako ng kwarto namin. Ako na rin nag-volunteer ng mga kung anu-ano na pwedeng gawin basta ang mahalaga ay ma-distract ako sa ibang bagay.

Hindi iyong puro ngiti ni number eleven ang nasa isip ko.

Buti na nga lang din talaga ay hindi siya nag-message nitong mga nakaraang araw. At least, hindi ako magi-guilty kasi wala muna akong balak na reply-an siya hangga't hindi pa ako nakakapagnilay-nilay.

Ayoko munang i-overthink iyong pagkakagusto ko sa kaniya pati na rin kung... ano ba talaga ako. Saka ko na siguro iisipin kapag tapos na ang off-season.

Kailangan ko muna talagang mag-focus. Lalo na't dahil sa hindi ko magandang reception nitong mga nakaraan, e, kinakabahan ako sa next game namin kahit alam kong kaya namin iyon. Hindi naman sa pang-a-underestimate sa Southern University pero malaki ang chance namin na manalo laban sa kanila.

Iyon nga lang... bilog pa rin pala talaga ang bola.

"Kai, ano bang nangyayari sa 'yo? Wala ka pang maayos na first ball!" Galit na sabi ni coach no'ng mag-timeout kami.

Set 4 na at lamang ang Southern U ng dalawang sets. Nakuha namin iyong set 1 pero nilaban nila ang sets 2 and 3. Pareho pang 25-23 ang score no'n kaya mas lalong nakaka-frustrate. At alam kong malaki iyong ambag ko sa pagkatalo namin do'n. Tapos sila pa ang lamang ngayong set 4. 13-10 ang score.

Kailangan naming i-fifth set 'to kung hindi ay malaking upset ang mangyayari. And worse is baka Easton agad ang makalaban namin sa semis.

Badtrip na talaga ako sa sarili ko.

Akala ko, okay na ako kahit paano. Bumalik na iyong receive ko no'ng last training namin, e. Nando'n na ulit iyong energy ko.

Pero, shit, isang tingin ko lang kanina kay number eleven na nasa gitna ngayon ng crowd... isang cheer niya lang ulit sa 'kin... isang ngiti niya lang ulit...

Nawala na naman ako sa wisyo.

Nawala iyong adrenaline ko sa game.

Nawala na naman ulit iyong first ball ko. Dalawang magkasunod na service ace ng kalaban ay ako iyong r-um-eceive.

Nakaka-frustrate!

"Sorry po, coach. Bawi po ako," sagot ko.

"Kanina mo pa sinasabi iyang babawi ka pero hindi ko naman nakikita. Kung ano man iyang iniisip mo ngayon, pag-usapan natin mamaya. Pero sa ngayon, kailangan ka ng team."

"Yes po, coach."

"Kai, laban!" Sabi ni Jerome at ginulo ang buhok ko.

"Smile ka ulit, Kai," sabi naman ni Vince. "Mas okay ang galaw mo kapag happy, happy ka, e."

Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtapik ng teammates ko sa ulo ko kaya tinanguan ko silang lahat. Kailangan ako ng team ngayon. Kailangan ko lang ibalik iyong confidence ko. 'Wag na munang mag-isip ng kung ano. Focus muna dapat sa game.

Mananalo kami. Alam ko iyon.

"Re-receive ako guys," sabi ko sa kanila.

"One good pass, a? Tatlo lang iyang lamang nila. Kaya nating habulin iyan!"

"Creston!"

"U!"

Bumalik kami sa court at nag-ready agad ako para r-um-eceive. Pero bago pa man pumito iyong referee para sa serve ay mabilis kong tinapunan ng tingin si number eleven.

Na nakatingin na pala sa 'kin.

Seryoso lang ang mukha niya pero bumilis pa rin ang kabog ng dibdib ko. Maya-maya ay nakita kong tinaas niya iyong kaliwang kamao niya na para bang sinasabi niyang laban.

I mean, fighting pala kasi englishero nga pala siya.

Maliit akong ngumiti kay number eleven. Pagkatapos ay huminga ako nang malalim saka tumango sa kaniya.

Pumito ang referee at hindi na nag-aksaya ng oras iyong server ng kalaban. Mabilis na float serve ang ginawa niya pero for the first time sa set 4 ay walang kahirap-hirap ko iyong na-receive! Napa-thank you, Lord talaga ako no'n!

Ganiyan nga, Kai!

Bakit mo ba kasi ginagawang distraction ang dapat ay inspiration mo?

"Nice pass!"

Nagsigawan ang supporters ng Creston nang mabilis na mapatay ni Drew iyong bola. Nag-celebrate kami at doon ko na naramdaman ang adrenaline sa katawan ko.

Nagpatuloy ang game at nanalo kami sa set 4.

And eventually, nanalo ang Creston in 5 thrilling sets.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
299 60 11
The sinking ship represent Leiro Dewey Salazar's life, he always see his life as battleship fighting his own unpredictable waves, but when his ship s...
925K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
151K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...