Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻�...

De xvii_xxiv

71.1K 3.1K 410

A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her. Mai multe

Prologue
Introduction of Main Characters
Synopsis
Chapter 1: Again
Chapter 2: Marriage Certificate
Chapter 3: First Disaster
Chapter 4: Four Deity
Chapter 5: New Target
Chapter 6: Stress
Chapter 7: Bago yun
Chapter 8: Knowing you
Chapter 9: Fiance
Chapter 11: The Post
Chapter 12: Ideal Girl
Chapter 13: Campus Princess
Chapter 14: Campus Sweetheart
Chapter 15: Ice Queen
Chapter 16: The bet

Chapter 10: Date

2.6K 145 16
De xvii_xxiv

Kallista Leigh's POV

"Hindi ka pa sasabay?" Maeve asked.

"No." Simpling sagot ko.

"Alright, see you there." I just nod at them before they left.

I'm curious about something at hindi ako papatulugin ng kunsensya ko. Bumalik ako sa kung nasaan si Lampa.

I know she saw me, nakita niyang umiyak ako nung nasa clinic kami with may parents and she even saw how my dad slaps me. She was worried that day and I don't know why. Binubully na namin siya pero nakuha parin niyang mag-alala sa akin.

My Dad even told me that she talked to them. Sa simpling conversation na 'yon nakuha niya ang attention nila Dad and just like me, they want to know her more.

I followed her from afar where she can't see or sense my presences. Ang simple niya lang, masayahin siyang tao at parang hindi siya nababalutan ng negative energy sa katawan. Kahit nung binubully namin siya ni Maeve nagagawa pa niyang ngumiti sa amin.

Pakiramdam ko nga hindi siya nagagalit sa amin eh. Parang hindi siya marunong mag tanim ng sama ng loob.

Sinundan ko siya hanggang sa makauwi siya sakanila and I wasn't expecting this. 'Yong bahay nila it's like a bahay kubo pero bato parin naman yung walls niya kaso parang nakapatong lang 'yong bubong and they don't have lights? Kandila kase ginagamit nila.

"Ate, naputulan tayo ng kuryente." I heard a boy's voice.

Napasampal siya sa noo niya at binigay 'yong pinamili niya dun sa lalaki. Walang pasabing tumakbo nanaman siya paalis. Susundan ko pa sana siya pero mas pinili ko na 'wag na.

When I can't see her anymore that's when I decided to go near her house. Lumapit ako sa batang lalaki na nilapitan niya kanina.

"Hey." Tinignan niya ako.

"Bakit po?" Tanong niya.

"Are you Tala's sister?"  I asked.

"Opo." Sagot naman niya.

"Nandyan ba parents mo?" Tanong ko.

"Ahh wala na po kaming mga magulang. Si lolo nalang po kasama naming matanda sa bahay." Nagulat ako sa sinabi niya.

"I'm sorry." Ngumiti siya at doon ko nakita na pareho sila ng ngiti ni Lampa.

"Okay lang po 'yon. Kaibigan niyo po ba si ate?" Tanong niya.

"Yeah, I'm her friend but don't tell her I came."

"Bakit po?" He's really confused right now and he's cute.

"Just don't tell her, by the way. What's your name?" I asked.

"Amaro po." He answered. I was about to asked him pero may isang batang nag sisigaw palabas ng bahay nila.

"Kuyaaaaaa!!" Damn, she's adorable. I wanna pinch her cheeks.

"Bakit? Napano ka?" Tanong ni Amaro sa kapatid niya. She's like Tala's Minimi.

"Yung assignment ko kuya, hindi ko masagutan. Tignan mo oh." May inabot siyang notebook kay Amaro at tinignan naman to ni Amaro.

Math equation siya, madali lang naman 'yon pero nakakapag taka lang bakit pang highschool'yong math ng batang 'to?

"Sure ka ito assignment mo?" Halos 'di na mapinta mukha ni Amaro.

"Nakita ko lang sa bag mo 'yan kuya. Bakit hindi mo pa sinasagutan?" Ahh kaya naman pala.

"Hindi ko kase alam kung paano, hihintayin ko pa si Ate." Wait, if Tala is working and she have two siblings then siya 'yong nag papa-aral sa mga kapatid niya?

"Let me see." Napatingin silang pareho sa akin.

Agad naman pinakita ni Amaro 'yong homework niya na mukhang kinopya ng kapatid niya sa homework niya.

I taught him the short method and have him all the formula. I gave him some examples para maging guide niya sa pag sagot. I'm impressed kase fast learner siya.

"Wow, mas naintindihan ko pa po nung ikaw na 'yong nag explain." Manghang mangha siya ngayon. "Thankyou ate!" Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap.

I'm really not a fan of hugs but I'll let him for now. Wala akong kapatid and I'm not asking to have one, I'm not even jealous with others that have siblings but for some reason I like the idea of being an ate. Masarap pala sa feeling na tawagin ka ng ate.

Nung kahiwalay niya sa akin para siyang nahiya kaya natawa ako ng mahina. Ginulo ko buhok niya at ngumiti sakaniya.

"I'll go ahead, don't tell your ate 'kay?" Tumango tango naman siya kaya natawa ako ng mahina.

"Bye bye ate." Napatingin ako sa batang kapatid niya.

Lumuhod ako para mapantayan siya. I slightly pinch her cheeks and she giggles so cutely.

"Mag kikita pa ba tayo ulet ate?" Tanong ni Amaro.

"Maybe." Nag paalam na ako sakanila baka kase maabutan pa ako ni Tala and I don't want that.

But maybe, just maybe..

_____________

Tala Amara's POV

Monday nanaman, parang tinatamad na ako. Di pa ba uwian?

"Teka, papasok palang pala ako hehe." Pumara na ako ng jeep pero puro lahat.

Malalate na ako jusko naman. Ang aga palang pero puno na mga jeep, sana masaya kayo.

Lalakarin ko nalang sana pero biglang may huminto sa harap ko. Napataas kilay ko kase dito pa talaga siya sa harap ko huminto.

Naka motor siya 'yong malaki, inalis niya'yong helmet niya at don ko siya nakilala.

"Hop in." Nakangiti niyang sabi. Ang pilya talaga ng mga ngiti niya.

"Ayoko nga." Sabi ko.

"Oh come on, hop in. Malalate na tayo." Napatingin ako sa oras. 10 minutes nalang malate na talaga ako.

Napairap ako at tinanggap 'yong helmet na binigay niya, wala naman akong choice eh. Nag alangan lang ako kanina baka kase manyakin niya ako ulet.

"Hold on tight." Hindi ko masyadong naintindihan sinabi niya.

Inandar na niya pero bigla niya ding prineno kaya hindi sinasadya na napayakap ako sakaniya.

"Gusto mo din pal—aray!" Daing niya sa sakot katapos ko siyang kurutin sa tagiliran.

"Huwag ka ngang feeling." Sabi ko at umirap kahit hindi naman niya nakita.

"Alright, alright." Aalisin ko na sana 'yong pag kakayakap ko sakaniya pero hinawakan niya 'yon. "Don't, you might fall." Sabi niya lang at binitawan na din.

Hindi ko na nagawa pang alisin kase bigla niyang pinatakbo ng pagkabilis itong motor niya. Wala na din akong choice kun'di ang kumapit sakaniya ng mahigpit.

Pag dating sa school isang malakas na halakhak ang pinakawalan niya. Nakakatawa? Suntukin kk kaya lungs nito.

"HAHAHAHAHA I'M SORRY, MALALATE NA KASE TAYO HAHAHAHAHA" Napairap ako sakaniya at binalik sakaniya ang helmet niya.

Nag lakad na ako paalis. "Hey, wait up." Hindi ko na siya pinansin at nag tuloy tuloy na akong umalis.

Parang nag sisi akong sumama ako sakaniya, dapat pala nilakad ko nalang o kaya sumabit nalang ako sa jeep.

Buti nalang wala pa si Miss kaya medyo safe pero parang iniissue ata nila na mag kasama kami ni Manyak. Hindi ko naman dapat papansinin 'yon pero kase ang talim ng tingin nila sa akin.

Hindi ko nalang sila pinansin at hinintay nalang na dumating si Miss.

"Tala." Tumabi ng upo sa akin si Rhya kaya napatingin ako sakaniya.

"Hmm?"

"Can I take you out for dinner later? Gusto ko lang bumawi sa nangyare nung isang araw." Medyo nagulat pa ako na inaya niya ako.

Ayaw kong bigyan ng meaning to pero lately napapaligiran ako ng mga bading. Isa pa, babae din fiance niya.

"Fiance mo talaga 'yong kahapon?" Tanong ko.

"Ahhh hindi. Feeling lang siya." Natawa ako sa sinabi niya. "So, will you go out with me?"

"Inaaya mo akong makipag date?" Tanong ko. Gusto ko lang siyang asarin, at gumana naman.

Namula agad mukha niya at umiwas siya ng tingin kaya natawa ako ng mahina. "Friendly date, tama?" Sumulyap siya sa akin at nahihiyang tumango.

Ang cute talaga niya, hindi siya nakakabwiset tignan eh.

"Osige." Pag payag ko kaya lumingon siya sa akin na parang gulat na gulat sa naging sagot ko.

"Really?" Hinawakan niya ako sa mag kabilang balikat kaya medyo nagulat ako.

"Oo." Sagot sabay tumango na din.

"Yeyyyy!! Thankyouuuuu!!" Niyakap niya ako ng mabilis at bumalik na sa upuan niya.

________________

"Are you ready?" Tanong niya. Napatingin ako sa bike na gamit niya.

Nag kita kase kami dito sa karinderya kung saan kami unang nag kita. Yung bike niya may basket at upuan sa likod, ang lakas maka korean vibe ng bike niya.

"Oo naman." Hindi halata pero pangarap ko rin sumkay sa ganto, wala kase kaming bike eh.

Umupo na ako sa likod niya at kumapit na din. "Kapit ka ng mabuti ha?" Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero ang saya niya palang kasama. Nabubuhay 'yong inner child ko.

Kumakanta pa siya habang papunta kami sa kung saan. Ang ganda din ng boses niya 'di ko nga lang maintindihan kung ano 'yong kinakanta niya.

"We're hereeeeee!" Ang energetic talaga nito. 'Di siya nauubusan ng energy.

Napatingin ako sa lugar. Japanese town, hindi ko alam na may ganto pala dito. Ang ganda, para ka ding nasa Japan.

Tinabi niya muna 'yung bike niya sa kung saan talaga sila parang pinapark, kinandado na din niya 'to.

"Let's go." Hinila niya ako sa kamay kaya wala akong nagawa kundi ang mapasunod sakaniya.

Infairness, ang ganda talaga dito tapos 'yung mga nag titinda mukha ding mga hapon.

Tumigil kami sa isang stall ng takoyaki. Nagutom ako bigla, mukha kase silang masarap e. Natakam ako huhu.

"You want some?" Tanong niya saken. Napatingin ako sakaniya pero hindi siya sa akin nakatingin, nkatingin siya sa mga takoyaki na niluluto. "300 pesos please." Sabi niya.

"What flavor?" Tanong nung nag titinda na halatang hapon base sa accent niya.

"Assorted please." Parang bata siya na nag piplease sa nag titinda. Ang cute lang.

Pero teka, 300 pesos? Ilang piraso 'yon? Tinignan ko sa menu nila. Inang yan, mauubos ba niya 'yon?

100 pesos kasi 20 pieces na, edi 60 pieces? Grabe naman pala.

"Mauubos mo ba 'yon?" Tanong ko sakaniya.

"We will. " nakangiti niyang sabi.

Hindi ko alam na gantong dinner pala gusto niya. Pero okay na din naman, buti nalang kumakain ako ng takoyaki.

Ilang minuto lang 'yong tinagal nung maluto na 'yong takoyaki at agad din naman nilang sinerve sa amin. Parang food court lang din naman to kaya may mga table sa gitna.

"Date talaga 'to." Asar ko matapos niyang mag pasalamat  dun sa nag bigay ng order namin.

"Is..I-It's l-ll-li..like—"

"Si Noelle 'yon diba?" Napalingon din siya sa tinuro ko.

"Why is she here?" Pabulong lang 'yon pero narinig ko parin.

Parang hindi naman alam ni Noelle na nandito kami kase nag titingin tingin siya sa paligid.

"Ate Noe!" Tawag ni Rhya sakaniya kaya napatingin 'to sa amin.

Napangiti naman siya at kumaway muna bago lumapit sa amin. Ang ganda talaga ng ngiti niya, hindi nakakasawa pero nakakahawa din.

"Hey, what are you guys doing here?" Tanong niya.

"Inaya niya akong makipag date eh." Gulat na tumingin siya kay Rhya.

"Is that right?" Natawa ako ng mahina nung makita kong namumupa na mukha ni Rhya. Ang sarap niya talagang asarin.

"N-No.. S-She's..it's ahmm.."

"Hey pips, nandito din pala kayo." Biglang sulpot ng dalawa sa kung saan.

Kasama ni Manyak si Yelo, saan ba galing tong mga to. Mag kakadugtong ba bituka nila? Kung nasaan 'yong isa matik na bigla nalang sumusulpot 'yong iba.

Wala na ngang nagawa si Rhya kundi ayain din 'yong tatlo na sumama sa amin. Nakakatuwa lang kase parang inaasar nila si Rhya na dalaga na daw siya ganon.

Kung iisipin, hindi naman pala talaga masamang kasama 'tong dalawa. Sa totoo niyan, nakaka enjoy pa silang kasama. Kahit mag kakaiba ugali nila talaga ngang nag kakasundo sila. Para ngang bunso pa nila si Rhya kung tratuhin.

Kung saan saan na din kami nag iikot tapos pag nagutom kakain nanaman. Minsan nag lalaro silang apat at ang cute din nilang tignan pero hindi parin nawawala 'yong nakikipag bangayan sa akin si Manyak.

Lumabas na kami sa parang Japanese Town na 'yon. Pumunta kami sa isa pang food park dito. Nagutom kase sila ulet sa kakaikot kaya dito naman daw kami.

Hindi ko alam paanong nauwi sa nakasama ko 'tong apat na 'to. Parang kailan lang binubully pa ako ng dalawa, well hanggang ngayon naman pero hindi na physically.

Nag order na sila at nag simula na din kaming kumain. Grabe hindi ako nag kanin ngayong araw.

"Man, I'm so full."

"Kadiri ka, parang hindi ka babae!" Pinalo ko 'yong paa ni Manyak nung ipatong niya sa mesa.

Hindi lang 'yon nag burp pa siya na parang hindi babae eh. 'Yong burp talaga na malakas.

"Why ba? Tsk." Napairap ako sakaniya.

"Here." Napatingin ako sa sabay na inabot ni Noelle at Yelo.

Tubig 'yong hawak ni Yelo habang juice naman yung hawak ni Noelle.

Nag sukatan sila ng tingin pero agad din nilang pinutol 'yon at sabay na tumingin sa akin.

"Ahmm thankyou nalang pero may coffee pa ako na bigay ni Rhya kanina." Sabi ko sakanila.

Napairap naman si Yelo at siya na 'yong uminom nung tubig na inaabot niya sa akin. Si Noelle naman napangiti lang hanang kinakamot 'yong likod ng ulo niya.

"Tala, here." Muli akong napatingin sa dalawang katabi ko.

Nakagitna kase ako kay Rhya at Manyak tapos 'yong nasa harap ko naman si Yelo at Noelle.

Tinignan ko 'yong inabot ng dalawa sa akin. Fries 'yong kay Manyak habang burger naman 'yong kay Rhya. Katapos namin sa japanese food ito naman?

"Ahh may kinakain pa ako eh." Hindi ko pa naubos 'yong inabot na shawarma salad ni Yelo kanina.

Nagiging mabait na talaga silang dalawa sa akin pero hindi parin nawawala 'yong tawag nila sa akin na cheap at lampa.

Tumambay pa kami ng ilang oras sa park, pinag masdan din namin 'yong mga tao sa paligid. Ngayon nalang ako naka gala ng ganito. Sa work at school nalang kase talaga umiikot buhay ko, nag paalam nga lang akong di papasok ngayon kase kahit minsan lang gusto ko namang i-treat 'yong sarili ko.

Nagawa ko ding iwan muna sila Amaro sa bahay kase nandun si Keiti at may kasama din siyang kambal. Sino kaya 'yon? Hindi nga sana ako papayag na siya mag bantay sa mga kapatid ko pero ayon, pinalayas ako sa sarili kong bahay.

Wala din naman aking magagawa kase sinusumbat niya sa akin na  'yon na nga lang daw ang maitutulong niya umaangal pa ako. Tapos papipiliin pa niya ako kung 'yong offer ba daw ni ate Ten o 'yong bantayan sila Amaro. Diba? Wala ng choice kundi pumayag na mag bantay siya sa bahay.

Huminga ako ng malalim tapos tumingin sa kalangitan.

________________

Third person's POV

"Ang ganda ng mga bituin." Sabi ni Tala habang nakatingin sa mga bituin.

"Yeah" sabay sabay na sagot nila habang nakatingin lang kay Tala.

"They're beautiful, aren't they?" Tanong ni Kalli habang nakatingin kay Tala.

"Oo, sobra." Nakangiting sagot ni Tala habang nakatingin sa mga bituin.

Napangiti ng konti si Kalli at hindi niya maiwasan na hindi humanga sa babaeng nasa harap niya.

"I'm starting to like stars." Sabi ni Maeve.

"Bakit, ayaw mo ng stars?" Tanong ni Tala.

"Nope, but now that I appreciate it's beauty. I think like the thought of liking it." Sabi nito kaya napatingin sakaniya si Tala pero agad itomg umiwas ng tingin at tumingin sa kalangitan.

"Hindi mo pala bagay." Natawa ng mahina si Tala.

"I really admire stars since I first saw it and I'm still admiring it from afar." Sabi ni Noelle habang nakatingin parin kay Tala.

"Grabeng admiration 'yan pero sabagay ang ganda kaseng pag masdan eh." Sabi ni Tala.

"Hai, suki da." Bulong lang 'yon na sakto lang para marinig ni Tala kaya napatingin siya kay Rhya.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Tala.

Umiling naman si Rhya at ngumiti. "Nothing."

"I think I already like her." - Noelle.

"I like Tala but I don't know how to tell her." -Rhya.

"This is the first, I don't want the idea of liking her but.. Ahhh nvm." - Maeve.

"She really caught my attention and I'm scared." -Kalli.

'Yan ang mga iniisip nila habang nakatingin lang kay Tala. Hindi nga nila napansin ang sinabi ng bawat isa kay Tala dahil nakatitig lang sila dito at parang wala silang ibang makita o marinig bukod lang kay Tala.

Nag patuloy lang sila sa pag kukwentuhan ng kung ano-ano hanggang sa naisipan na nilang umuwi.

Sabay sabay silang pumunta ng parking lot.

"Hahatid na kita." Sabay sabay nilang sabi pag dating sa parking lot.

Si Rhya na naka bike, si Maeve na naka big bike, si Noelle na naka lambo at si Kalli naman naka Raptor.

"It's late Rhya, hindi mo naman siya pwedeng ihatid ng naka bike." Sabi ni Maeve kay Rhya.

"But I was the one who pick her up. So dapat ako mag hahatid sakaniya." Nakasimangot na sabi ni Rhya.

"Ako nalang—"

"You said it yourself Maeve, it's late plus it's cold outside hindi mo siya pwedeng ihatid ng naka motor, baka mag kasakit pa siya." Sabi ni Noelle. "Ako nalang mag hatid sayo." Prisinta ni Noelle.

"Ihahatid mo pa si Rhya, right? I'm taking her home." Malamig na sabi ni Kalli.

"Using your Ford Raptor?" Tanong ni Maeve sakaniya.

"Ikaw na mag hatid kay Rhya. Ikaw lang naman makakapag dala ng bike niya." Sabi ni Noelle.

"Her father don't want to see me. You know that, right?" Naguguluhan na si Tala sakanilang apat dahil konti nalang mag aaway na sila.

"Hep! Teka lang." Awat ni Tala sa apat. "Mabuti pa umuwi na kayong apat, kaya ko namang umuwing mag is—"

"No!" Sabay sabay nilang sabi kay Tala na kinagulat nito.

"Grabe, parang may kasalanan pa ako na nagawa ah." Sa isip ni Tala.

Hindi na alam ni Tala anong gagawin niya hanggang sa may marinig siyang isang pamilyar na boses.

"Talaaaaa! Girl. Owemji nandito ka." Biglang sulpot ni Willa. "And you're with them? Huh? Why?"

Biglang nag karoon ng idea si Tala kaya naman napangito 'to ng malawak at lumapit kay Willa.

"Si Willa nalang mag hahatid sa akin. Umuwi na kayo. Rhya, thank you so much!" Sabi nito sabay kindat kay Rhya kaya hindi nito maiwasan ang pamulahan ng mukha.

Nag pasalamat din siya sa tatlo bago hinila si Willa palayo sa apat. Wala na din silang nagawa kundi ang tanawin si Tala na papalayo na sakanila.

"Teka lang nga, kanina  pa ako nag tatanong eh. Bakit mo sila kasama?" Tanong ni Willa.

"Inaya kase ako ni Rhya na mag dinner pang bawi daw. Naalala mo 'yong kinuwento ko sa 'yo na sumabunot sa akin? 'Yon, gusto jiyang bumawi then bigla nalang sumulpot 'yong tatll out of nowhere." Kwento niya sakaniya.

Sumakay na sila sa kotse ni Willa kahit sinabi naman ni Tala na mag cocommute nalang siya pero hindi pumayag si Willa at totoong ihahatid nalang siya nito.

"Akala ko ba binubully ka nung dalawa." Sabi
Willa habang iniistart 'yong makina.

"Binubully parin naman nila ako pero hindi na gaya ng dati." Sabi naman ni Tala.

"Don't get too close with them ha? Kung ayaw mong maging kaaway lahat ng student sa OU." Pag papaalala nito.

"Susubukan ko." Pakiramdam kase ni Tala, araw araw na niyang makakasama ang apat.

"Gawin mo sis." Ngumiti lang si Tala sakaniya.

Kahit lumayo kase siya pakiramdam niya kusa namang lumalapit sakaniya 'yong apat.

"Anong gagawin ko?" Tanong ni Tala sa sarili niya.

Ayaw din naman kase niyang maging close sa apat kundi dun lang sa dalawa. Pero gaya nga ng sinasabi ng mga kaibigan niya na hindi mapag hiwalay ang apat kaya kung nasaan ang dalawa nandun din ang dalawa.

"Sana lang maging maayos ang buhay ko sa OU."

Continuă lectura

O să-ți placă și

82.1K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
2.3K 152 8
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
99.5K 4.8K 31
"I am a vampire." Mula sa papel na hawak ko ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng naka puti at nakaposas ang isang kamay sa kama nya. Sa sobrang put...
71.1K 3.1K 19
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.