Jersey Number Eleven

By xelebi

2M 79.9K 35K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

14

32.9K 1.2K 630
By xelebi

• 🏐 •

Ilang beses ko nang nakita sa mga videos sa social media ang Tanay pero iba pa rin talaga kapag sa personal. Grabe... ang ganda rito! Parang iyong mga nasa post cards.

Ang tahimik din. Parang ang payapa lang palagi. Sobrang layo sa busy at matao na Manila. Tapos ang lamig pa ng hangin kahit medyo tirik ang araw.

Ang sarap siguro tumira rito.

Alam mo iyon, para siyang probinsya na parang hindi. Gano'n iyong vibes niya. Kung gusto mo ng quick getaway or roadtrip na malapit lang sa Manila, okay rito pumunta. Gets ko na rin kung bakit ang daming nagmo-motor dito.

Pero syempre hindi ko pa rin ipagpapalit ang Baguio. Baka magalit sina mama sa 'kin, e.

Nandito na kami ngayon ni number eleven sa isang café and restaurant na may overlooking view ng Sierra Madre at Laguna de Bay. Nakarating kami rito siguro pagkatapos ng lagpas isang oras. Medyo maraming tao ngayon dahil Sunday. May al fresco dining setting sila kaya do'n kami naghanap ng pwesto para masulit iyong view at sariwang hangin.

Grabe nga, e. Feeling ko, ang linis na ng baga ko. Hindi pa yata kasi nabibisita ng polusyon ang lugar na 'to.

Nilabas ko iyong phone ko saka p-in-icture-an iyong view para may mai-IG story naman mamaya. Nang ma-satisfy na ay tumingin ako kay number eleven.

Na nakatingin na pala sa 'kin.

At mas instant pa sa instant noodles na naramdaman ko ulit iyong... something.

Something na mabilis ko ring inalis sa utak ko.

Tumikhim ako. "Bakit?" Kinapa ko iyong gilid ng mga mata ko. "May muta ba ako?"

"Do you want me to take a picture of you with the view?"

Natawa ako at agad na umiling. Ano ba iyan. Nakakahiya naman dito kay MVP. Kaya siguro nakatingin siya sa 'kin kasi mukha siguro akong ignorante na ngayon lang nakakita ng magandang view. Akala mo, hindi tiga-Baguio, e. Pero first time ko naman talaga rito. Ay, ewan.

"Hala, hindi. Nakakahiya. Ang daming tao," sagot ko.

"Sure?"

"Sure na sure," tumango tango pa ako. "Ikaw? Gusto mo ba? Ako na lang mag-picture sa 'yo."

Umiling din siya. Natawa ulit ako. Tignan mo 'to. Ayaw rin naman pala magpa-picture. Loko rin 'tong si number eleven, e.

"Kung sabagay. Marami ka na sigurong picture dito. Madalas ka rito, 'no?" Tinanong ko iyong obvious.

"I go here once or twice a month especially when I'm stressed. Sometimes with my high school friends with our motorbikes."

"Wow, marunong ka rin mag-motor?"

Tumango siya saka ngumiti.

Natigilan ako at huminga nang malalim no'ng magandahan na naman ako sa signature smile niya. Ano ba naman iyan. Dati pa namang ngumingiti si number eleven nang hindi nakalabas ang ngipin, a? So, anong difference ngayon, Kai? Kamukha niya nga iyong emoji na may creepy na smile na ayaw ko, e.

Pero maganda naman kasi talaga iyong smile niya. Baka ngayon ko lang na-appreciate kasi ngayon ko lang din talaga natignan.

Pero may kung ano talaga-

Tsk. Ewan ko sa 'yo, Kaizen.

Kung anu-ano iniisip mo. Gutom lang iyan.

Pasimple kong nilipat ang tingin sa menu. Naghanap agad ng pwedeng kainin kasi nando'n na naman iyong malikot sa loob ng tiyan ko. Wala na 'to kanina, a? Bumalik na naman? Hindi ko na nga inubos iyong iced coffee ko, e...

"If you're free, we can go here nang naka-motor."

"Hindi ako marunong mag-motor."

"What I mean is, you'll ride with me."

Nabalik ang tingin ko kay number eleven. Iyon nga lang, hindi nakatakas sa 'kin iyong pamumula ng tenga niya. And for some reason, naramdaman ko na naman iyong something.

Pero hindi ko na lang pinansin.

"Hindi yata ako marunong umangkas? Actually, hindi ko pa nasusubukan umangkas sa motor."

"Really?"

"Really."

"I think it's time for you to try."

"I think parang mas okay kung naka-sasakyan na lang tayo. Ako na bahala sa gas at pagkain natin."

Tumawa si number eleven. Natawa na rin ako pero seryoso ako ro'n. Kahit lumaki ako sa lugar na puro liko ang daan, nakakatakot pa rin mag-motor papunta rito sa Tanay, 'no. Ang daming blind curves kaya kahit nakaka-excite sana iyong idea niya at kahit gaano pa siya kagaling mag-motor, e, mas maganda nang safe.

"Oo nga pala," sabi ko no'ng tawagin namin iyong waiter pero sinenyasan kaming wait lang daw. "Order ka lang ha? 'Wag ka mahihiya. Treat ko. Pero 'wag naman iyong wala na akong pamasahe pabalik ng dorm."

And for the nth time, ngumiti si number eleven. Tsk. Iyon na naman... Tinatagan ko iyong sarili ko sa ngiti na iyon. Kunwari... walang epekto.

"Don't worry. I'll drive you in front of your dorm."

"Salamat."

"But are you sure you don't want me to treat you instead? You won against my school-"

"'Wag na makulit, MVP," putol ko sa kaniya. "Treat ko 'to. Nakarami na akong libre sa 'yo, e. Basta, order ka lang diyan. Ipaalala mo rin pala iyong bayad ko sa iced coffee kanina."

"No. The coffee is-"

"Hep! Hep! Babayaran ko nga iyon."

Umawang ang labi niya at napailing na lang habang pangiti-ngiti na naman. Tapos namumula na naman iyong mga tenga niya.

Natawa tuloy ako. Makikipagtalo pa, e.

Dumating na iyong waiter at kinuha na iyong order namin. Pasta at bottled water lang ang in-order ni number eleven kaya dinagdagan ko agad iyon ng pizza at salad. Buti na lang ay hindi na siya nagreklamo kasi hindi niya ako mapipigilan.

Sinamahan ko ng salad kasi mukha siya iyong tipo na healthy living. Kita naman sa katawan niya. Magji-gym na talaga ako. Nahiya iyong braso ko sa braso niya, e.

Naalala ko tuloy iyong meme na nakita ko tungkol sa biceps. May picture do'n ng lalaki na may malaking braso tapos nagtatanong iyong nag-post kung nanghe-headlock daw ba iyon.

Napatingin ulit ako sa braso ni number eleven.

Grabe. Hindi ko ma-imagine na maiipit iyong leeg ko ro'n. Nakakatakot. Ayoko rin namang mamatay na ang cause of death ko ay na-headlock po ang biktima.

Maya-maya lang din ay dumating na iyong order namin. Ang bilis! 4 stars 'to sa 'kin. 5 stars kung masarap iyong food.

"How's Baguio by the way?" Tanong ni number eleven no'ng nag-uumpisa na kaming kumain.

"Baguio?" Tanong ko sabay subo ng in-order kong chicken katsu with rice. At official nang 5 stars ang rating ko sa restaurant na 'to kasi masarap iyon. "Ah, no'ng umuwi ako last time?" Tumango si number eleven. "Gano'n pa rin. Malamig. Maraming turista."

"Nando'n iyong family mo?"

"Mama ko pati iyong tita ko. Iyong papa ko, nasa Canada. Nurse siya ro'n."

"I see," tumango siya. "Do you have siblings?"

"Only child ako. Ikaw ba?"

"I have an older sister."

"Gusto ko rin magkaro'n ng ate. Ano feeling?"

Natawa siya. "Trust me. You don't want to have an older sister."

"Talaga? Para kasing masarap may kaagaw ng almusal sa umaga. Alam mo iyon?" Umiling lang si number eleven. Kung sabagay. Hindi naman niya kasi alam kung ano feeling ng nag-iisang anak kaya nag-decide akong ibalik sa Baguio ang topic. "Pero nakapunta ka naman na siguro ng Baguio, 'no?"

"Once."

"Once lang? Hindi nga?"

"Yeah. Back when I was in high school. We only stayed there for 2 days so I was unable to explore the whole city."

"Naku, sign na 'to para mag-Baguio ka ulit. Favorite recovery food mo ang sinigang, 'di ba? Try mo iyong strawberry sinigang 'pag pumunta ka. Favorite ko iyon."

Kumunot ang noo niya. "Strawberry... sinigang?"

"Uy, merong gano'n. Masarap iyong recipe ng mama ko. Narinig mo naman na siguro iyong watermelon sinigang, 'di ba? Parang gano'n lang iyon pero strawberry iyong pampaasim."

"Wait, there's watermelon sinigang?"

Hindi ko napigilang matawa sa hitsura ng mukha ni number eleven. Pinaghalong naguguluhan at na-a-amaze sa mga bago niyang nalaman. Nai-imagine ko na iyong mukha niya kapag na-discover pa niya na nag-e-exist ang fried chicken sinigang.

"Meron. 'Wag mo i-judge hangga't 'di mo pa natitikman. Kaya ano pang hinihintay mo? Byahe na! Baguio na!"

Nagtunog tourism officer ako tapos sinamahan ko pa iyon ng pagsenyas ng kamay. Natatawa na lang ako sa sarili kong kalokohan. Kaso si MVP... nakatingin lang sa 'kin. Hindi yata na-gets iyong joke ko. Natigil tuloy ako sa pagtawa. Basag trip din 'to, e.

Tumikhim ako. "Basta, mag-Baguio ka na, MVP. Iyon ang pinaka-point."

"Hmm..." tumango siya tapos bigla siyang ngumiti. "Will you be my tour guide then?"

Nagkatinginan ulit kami.

Sinabayan iyon ng malakas na pag-ihip ng hangin.

Shit... pinakita na naman niya iyong signature smile niya. Hindi ako nakailag. Hindi ko na tuloy magawang mag-iwas ng tingin lalo na ro'n sa...

Ang pula pala ng labi niya-

Gago, Kaizen? Umayos ka!

Pero wala na. Unti-unti ko na ulit nararamdaman iyong... something.

"Kai?"

"H-ha?"

Napakurap ako. Kung hindi ko pa narinig na tinawag niya iyong pangalan ko, hindi pa ako maaalis do'n sa... ay ewan!

"Are you okay?"

"O-Oo! Okay ako!" Tumikhim ako at umayos ng upo. Mabilis din akong uminom ng tubig. "Ano nga ulit iyon? Tour guide? Ah! Nalibot ko na lahat do'n, e. Pero, ano, sige. Uh, tour kita kapag, ano, nadayo ka ro'n."

Hindi agad sumagot si number eleven. Nakatingin lang siya sa 'kin habang nakakunot ang noo pero inabala ko na lang ang sarili sa pagkain.

Shit. Nasusuka pa yata ako.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...
2.5K 230 47
𝗩𝗜𝗥𝗧𝗨𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧𝗕𝗘𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1/9
1.9M 37.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.