Jersey Number Eleven

By xelebi

2M 79.7K 34.9K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

12

30.5K 1.3K 441
By xelebi

• 🏐 •

Natalo kami.

Straight sets.

Tapos muntik pa akong ma-facial hit. Nakakainis. Buti na lang ay naiwasan ko iyong bola kasi nakakahiya naman kung talo na nga kami tapos natamaan pa ako ng bola sa mukha.

Tahimik ang buong team habang pabalik kami ng Creston. Sina coach lang ang maingay at chi-cheer up kami pero walang epekto. Paano ba naman kasi, ito na yata iyong masasabi kong pinakamalalang talo namin sa buong off-season.

Ni hindi man lang umabot ng 20 iyong scores namin. Muntik pa ngang ma-single digit no'ng 3rd set. Kung hindi pa nag-service error ang Easton, hindi pa aabot sa 10 points ang score namin.

Alam naman naming malakas ang Easton pero we could have done better. Kaya naman makadikit, e. Siguro naunahan lang ng pressure at kaba na hindi dapat.

Tapos hindi ko na rin yata makakalimutan na ang unang point ng Easton kanina ay dahil sa service ace nila sa 'kin.

Sa 'kin na libero!

Hindi ko matanggap.

Nakakahiya talaga kapag gano'n. Libero tapos misreceive agad sa umpisa? Buti na lang talaga ay nakabawi ako kahit paano. Gusto ko na nga rin sana magpa-subout kay coach kanina pero sino naman ang papalit sa 'kin? Nawala sa isip ko na ako na nga lang pala ang libero ng team.

"Lakas ng Easton," bumuntong hininga si Jerome sa tabi ko.

"Oo nga, e," huminga rin ako nang malalim.

Natawa siya. "Wala pa si John no'n, a? Ano na lang kapag naglalaro na rin siya?"

Sabay kaming bumuntong hininga ulit.

"Basta semis muna ang i-goal natin," sabi ko. "Kaya natin iyan, cap. Think positive."

"Daming error ng team kanina," sumandal siya saka pumikit. "Mamamatay yata tayo kapag hindi nag-error. Iyon ang trabahuin natin."

Tumango na ako kasi totoo naman iyon. Guilty rin ako ro'n. Iyon na nga yata ang pinakamasamang nilaro ko, e. Kailangan naming bumawi lalo na't Westmore na ang sunod naming kalaban.

At mukhang narinig yata ni number eleven na iniisip ko na kung paano tatalunin ang school niya. Pag-check ko kasi ng phone ko pagbalik namin sa dorm ay may message siya.

roenalejo11: Still a good game, Kai. Rest well and bawi next game.

Oo nga pala. Nawala na rin sa isip ko na nanood nga pala kanina si number eleven-

Nanlaki ang mga mata ko nang may na-realize.

Shit... Nakakahiya! Nakita niya iyong misreceive ko no'ng umpisa! Iyong MVP namin, nakita akong nagkalat! Ano ba naman iyan, Kaizen! Kung kailan nanood nang live si number eleven, doon pa talaga sa natalo kayo? Kung kailan off game mo?

kaireyes: Thank you. Pero gusto mo talaga bumawi kami next game? Westmore next na kalaban namin.

roenalejo11: Oh.

Natawa ako sa sagot niya. Tignan mo, MVP? Sabi ka pa diyan ng bawi, e, school mo na ang next naming makakalaro? Buti na lang talaga at hindi siya kasali sa lineup nila kundi patawarin na lang talaga. Awa na lang din talaga na matatalo namin sila.

Hindi naman sa negative ako mag-isip pero syempre kailangan din natin ng reality sa buhay.

Maraming trainings pa ang dapat naming gawin para makasabay talaga sa sistema na meron ang Westmore at Easton.

At doon na papasok ang positive thinking na kaya namin iyon. Alam kong kakayanin ng Creston iyon.

kaireyes: Kaya pakisabi sa kanila na 'wag masyado galingan ha? Have mercy on Creston kamo hehe.

roenalejo11: Okay.

kaireyes: Anong okay ka diyan? Hahaha! By the way, manonood ka ba ulit nang live?

roanalejo11: Yes. I will be cheering for both Westmore and Creston.

kaireyes: Hindi iyon pwede, MVP! Westmore na lang ang i-cheer mo or mas maganda na 'wag ka na lang manood sa arena.

roeanalejo11: Why? I want to see you play live.

kaireyes: Natalo kami no'ng nanood ka, e. May balat ka yata sa pwet.

roenalejo11: ☹️

Natawa ulit ako. Ang sad boy naman pala nito ni number eleven. Nai-imagine ko tuloy ulit iyong mukha niya na nakasimangot ngayon. And knowing him, iniisip na niya iyan kung totoo bang siya ang malas.

Pero at least may alam na siyang ibang emoji maliban do'n sa naka-creepy smile.

kaireyes: Joke lang hehe. Pangit talaga nilaro namin kanina.

roenalejo11: Do you want iced coffee? To cheer you up?

Naku, ito na naman ang rich kid side ni number eleven. Manlilibre na naman siya. Nahihiya na nga ako, e. Pang-pito na niya 'to at dahil hindi pa naman gano'n kakapal ang mukha ko, hindi na ako papayag ngayon.

kaireyes: Ako na lang manlilibre sa 'yo kapag natalo namin Westmore sa Saturday. Naka-ilan ka nang libre sa 'kin, e. Ako naman ngayon.

roenalejo11: Hmm...

kaireyes: Deal?

roenalejo11: Thailand?

kaireyes: 'Wag naman do'n MVP. Iyong student friendly naman.

roenalejo11: Haha alright. Deal. Looking forward to it already.

Pero mukhang napasubo yata ako.

Hindi sa libre kundi sa pagiging mayabang ko na matatalo namin ang Westmore.

Bakit ba kasi nawawala sa isip ko na kahit team B 'tong kalaban namin ngayon ay parang wala rin naman silang pinagkaiba sa team A nila? Kahit yata team Z ang ipadala nila ay magagaling pa rin, e. Awa na lang talaga, Lord.

Set 5 na. 14-13 ang score. Match point. Kami iyong lamang pero nasa Westmore ang momentum. 14-8 iyon kanina. Akala ko ay sa 'min na ang game pero nahabol pa nila kami.

Error after error ang nangyari sa 'min na t-in-ake advantage ng kalaban. Nakaka-frustrate na nga sa totoo lang. Totoo nga yata talaga na hindi Creston ang naglalaro kung hindi kami nag-e-error.

Nakakainis kasi mas gusto talaga namin iyong nahihirapan kami. Cardiac 'tong game na 'to.

"Nice pass!" Sigaw ni Jerome pagkatapos kong i-receive iyong jump serve ng setter ng Westmore.

Isa na lang, Kai.

Isa na lang at panalo na kami.

"Patayin n'yo! Patay!" Sigaw ko nang i-set kay Vince ang bola. Iyon nga lang, blocked!

Napasigaw ang mga tao lalo na no'ng na-cover ni Jerome iyong bola pero tumalsik iyon palabas ng court. Tumakbo ako at hinayaan ang sarili na i-sacrifice ang katawan ko para lang ma-save iyon. Buti na lang ay naiangat ko pa rin iyong bola at naitawid papunta sa court ng Westmore. Dumagundong ang arena sa sigawan ng mga tao habang bumabangga ako sa mga barricade doon.

"Nice one, Kai!"

Tinulungan agad ako ng iba kong teammates na makatayo. Masakit iyong likod ko pero hindi ko na ininda iyon. Dapat makabalik ako agad sa court namin!

Mabilis akong bumalik ng court para dumepensa at sakto namang pumalo iyong middle blocker ng Westmore. Running attack! Down-the-line shot pero nabasa ko agad iyon kaya na-dig ko papunta kay Jerome. Buti na lang!

"Patay!" Sigaw ko nang mabilis na i-set kay Drew ang bola.

Akala ko ay papaluin niya nang malakas pero nag-decide siyang mag-dropball habang nasa ere!

Pakiramdam ko ay natigil kaming lahat sa paghinga habang pinapanood namin iyong bola na dahan-dahang tumatawid sa ibabaw ng net... hanggang sa tuluyan na nga iyong bumagsak sa court ng Westmore!

"Creston University wins the game!"

Shit... Panalo kami?

Panalo kami!

Panalo kami laban sa Westmore!

Westmore team B pero kahit na!

Nagsigawan ang mga supporters ng Creston at naramdaman ko na lang ang iba kong teammates na lumapit ay niyakap kami. Sabay-sabay kaming tumalon talon do'n na akala mo, e, nanalo na kami ng championship game. Ang saya!

At sa gitna no'n ay hinanap ng mga mata ko si number eleven sa crowd.

Nakita ko siyang nakatayo at pumapalakpak habang nakatingin sa 'kin. Ngumiti siya, this time ay nakalabas iyong ngipin, at binigyan ako ng thumbs up.

Ngumiti rin ako.

Continue Reading

You'll Also Like

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
9.1K 342 115
I'amore Dello Scrittore Epistolary Series #5 The writer's twisted words of love.
245K 13.8K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.