What Are The Chances? (Profes...

Por sinner_from_south

15.4K 849 414

Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind an... Mais

Characters
Quadro
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chaper 17
Chapter 18

Chapter 7

619 36 24
Por sinner_from_south

Vaine Fleur

"Good morning, Miss Hemsworth." asar na bati ni Rain sa akin pagkapasok niya ng room.

Ilang araw na din kasi mula nang nanalo ako ay yun na ang tawag ng mga estudyante sa akin. Jusko, halos tuwing breaktime ang daming lumalapit sa akin para magpa-picture o di kaya ay magbigay ng mga letters tsaka gifts at karamihan pa ay mga freshmen na galing sa Engineering at Nursing Department. Kahit nga sa library tsaka sa canteen sinusundan ako, kulang nalang pati sa CR ay sumunod sila.

"Dumaan ako sa locker room kanina puno nanaman ng sticky notes tsaka mga letters yung locker mo." natatawang sabi ni Storm.

Inis na napasubsob ako ng mukha sa lamesa, na a-appreciate ko naman sila pero kasi sobra sobra na. Wala na nga akong privacy tuwing lalabas ako ng room sa dami ng lumalapit eh.

"Vaine, may mga naghahanap sayo sa labas." tawag ng kaklase ko sa akin kaya napatingin ako sa pinto.

Biglang nagsitilian naman yung mga estudyante sa labas na sa tingin ko ay mga freshmen. Ulo lang nila ang nakasilip sa pinto at nakatingin sa akin. Tumayo na ako at lumapit sakanila dahil nag-uumpisa na silang umingay at baka magreklamo pa yung nagka-klase sa kabilang room.

"Shh. Children quiet." strikto ngunit pabiro kong saway sakanila nang makalapit ako.

Agad naman silang nagsitahimik at naghampasan para patahimikin ang isa't isa na ikinatawa ko.

"Anong sa atin?" tanong ko sakanila.

"Hello po, Ate Vaine. Magpapa-picture lang po sana kami. Ang ganda niyo po kasi, crush ka po namin." sagot naman ng maganda ngunit maliit na babae na parang nahihiya pa. Ang cute niya, parang may kamukha siya kapag nakangiti.

"Kayo talaga. Wala ba kayong mga klase?" tanong ko naman sakanila.

"Vacant po namin. Papicture po kami please." sagot naman ng isa.

"Hindi naman ako artista eh." kamot ang batok na sagot ko.

"Matagal ka na po naming crush kahit hindi ka pa sumasali sa pageant. Nahihiya lang kaming lumapit pero kilala ka po ng lahat." sagot ulit ng babaeng maliit.

"Osige, sige na. Bilisan natin at baka magalit yung mga Professor dito, wag kayong maingay ha." sagot ko naman para matapos na.

Isa isa na silang nagpapicture sa akin at binigay yung mga letters na dala nila.

"What's going on here?" natigilan sila at lalo na ako nang marinig ang boses na yun.

"M-ma'am."

"Ate!"

Napatingin ako sa maliit na babae sa gilid ko nang tawagin niyang ate si Prof. Xanther.

"Yuna, what are you doing here? And didn't I tell you that don't call me ate if we are inside the University?" sambit naman ni Prof. Xanther sa babaeng maliit na tinawag niyang Yuna nang makalapit ito sakanya.

"Ay oo nga pala, sorry na. Nagpa-picture lang kami kay Ate Vaine." sagot ni Yuna na ikinabaling ng tingin ni Prof. Xanther sa akin.

"Are you done? If yes, then go back to your respective department because we will have class now." sagot naman ni Prof. Xanther sa kapatid niya.

"Oh, you're ate Vaine's professor pala? Cool!" nakangiti nitong sabi saka ibinaling ang tingin sa akin.

"Ate Vaine punta ka sa bahay sa Sunday kapag hindi ka busy ha? It's my birthday." sabi nito sa akin.

Binalingan ko naman ng tingin si Prof. Xanther na nakatingin din pala sa akin na parang sinasabi na huwag akong pumayag sa sinabi ng kapatid niya.

"Sure." sagot ko naman na mas ikinangiti niya ng malaki.

"Cool! Bring with you your friends also! The more the merrier." sabi pa nito na ikinatango ko nalang.

Tumingin ulit ako kay Prof. at nakita kong masama ang tingin nito sa akin dahil sa pagpayag ko.

"Why did you say yes?" inis na tanong nito nang maka-alis na ang kapatid niya.

"Why not? Ininvite niya ako eh." sagot ko naman na mas lalong ikinasama ng tingin niya.

"Whatever." pa-irap na sabi nito sa akin at nauna nang pumasok ng room habang sinusundan ko naman siya ng tingin saka sumunod na ding pumasok.

Buong klase ay halatang mainit ang ulo ni Prof. Xanther dahil nagagalit agad siya kapag hindi nasasagot yung tinatanong niya. At hindi lang yun, nagpa-long quiz ba naman at ang malupit yung hindi pa dini-disscuss yung mga tanong. Hanep.

Kung tungkol pa rin to sa pagoayag ko sa imbitasyon ng kapatid niya, aba sumosobra naman na ata siya. Tsaka anong mali dun? Siya ba may birthday?

"10/50? Wala na, sira na pangarap kong maging doktor." bagsak ang balikat na sabi ni Rain habang tinitingnan ang papel niya.

"Paano naman akong naka 5/50 lang?" sambit naman ni Storm habang nakapangalumbaba at nanlulumo sa score na nakuha niya.

"If you had studied in advance you wouldn't have gotten a low score." sabat ni Snow habang nagbabasa ng libro niyang kasing kapal ng mukha nina Rain at Storm.

"Ang yabang mo porket naka 45/50 ka." naka-simangot na sagot ni Rain kay Snow na hindi naman pinatulan ng isa.

"Buti pa kami ni Vaine, saktong passing score lang." cool lang na sambit naman ni Sunny saka ako inakbayan.

"Muntik ko na makalimutan, we're invited sa birthday ng kapatid ni Prof. Xanther sa linggo." sabi ko na ikinatingin nilang lahat sa akin.

"Kapatid? Who?" nagtatakang tanong ni Sunny.

"Isa sa freshmen na pumunta dito kanina. Her name is Yuna." sagot ko naman.

"Close kayo agad?" tanong ni Rain.

"Hindi, ininvite ako nang malamang Professor natin yung ate niya." sagot ko.

"Edi game, wala naman kaming gagawin sa Saturday eh." pagpayag ni Sunny na tinanguan din naman ng tatlo.

Sabay sabay na kaming lumabas ng room para pumunta sa library at manghiram ng libro. May exam kasi kami next week kaya need naming mag-review.

"Vaine, pinapatawag ka ni Prof. Xanther sa office niya." pagkuha ni Sunny sa atensyon ko saka pinakita sa akin ang chat sa gc.

Agad akong nagpaalam sa tatlo at nagtungo na sa office niya.

Pagkarating sa office niya ay kumatok lang ako at diretso nang pumasok. Pagkapasok ay napatingin sa direksyon ko si Prof. Xanther na kasalukuyang may ginagawa na kung ano sa laptop niya.

"Good morning po." bati ko saka lumapit sakanya.

Hindi naman siya nagsalita at may kinuha lang sa drawer niya na maliit na card tsaka ini-abot sa akin na agad ko namang tinanggap.

"Queen's Gate Village." basa ko dito at nagtatanong na nakatingin kay Prof. Xanther.

"That's our address. You said yes to my sister's invitation, yet you don't know where our house is." masungit nitong sambit.

"Bakit ba ang sungit mo ma'am? Masama bang pumayag sa invitation ng kapatid mo?" tanong ko sakanya.

"Yes. As your professor, it's not nice to see you being close to me." sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

Ano daw? Eh ang ayos nga namin nung nagkasama kami para sa pageant eh tas biglang iba nanaman yung pakikitungo niya sa akin.

"Luh, ikaw lang po ang nag-iisip niyan. At saka si Yuna naman po ang may birthday eh hindi ikaw. Siya ang pupuntahan namin." rason ko na mas lalong ikinasama ng timpla niya.

"You have a lot of nerve, Alvarez. Just leave before I shove your face on my desk." nang gi-gigil nitong sabi sa akin.

"Ang init talaga palagi ng ulo mo sa akin ma'am. Umamin ka nga po, buntis ka ba at ako ang pinaglilihian mo?" tanong ko sakanya na mas lalo niyang ikina-inis saka ako hinampas ng folder.

"Excuse me? Do I look like a pregnant woman to you?" napipikon niyang tanong na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Malay ko po ba, palagi kang galit sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama eh." kibit balikat na sagot ko kaya nakatanggap ulit ako ng isa pang hampas na galing sakanya.

"Aray ko ma'am, nakakarami ka na ha." reklamo ko sakanya.

"I don't care! Leave my office now!" inis na sabi nito habang patuloy pa rin sa paghampas sa akin.

"Ma'am, masakit na. Isusumbong kita nananakit ka ng estudyante." sabi ko habang inihaharang ang kamay ko sa hampas niya.

"Hindi ka masasaktan kung kanina ka pa umalis." sabi niya at dahil ayaw niya tumigil ay hinawakan ko na ang dalawang kamay niya para pigilan siya.

"Get your hands off of me, Alvarez!" sabi nito at pilit na kinukuha ang kamay mula sa pagkakahawak ko.

"Bibitawan lang po kita kung titigil ka na sa kahahampas sa akin." sabi ko habang umaatras at hawak pa rin siya dahil ayaw niya talagang tigilan ako kakahampas.

Sa kaka-atras ko ay hindi ko namalayan na nasa likod ko pala ang couch kaya natumba ako at nasama si ma'am na ngayon ay nasa ibabaw ko. Sabay kaming natigilan at nagkatitigan sa sitwasyon namin ngayon.

"M-ma'am." utal na sambit ko habang nakatingin sa mukha niya at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at dumiretso ang mga tingin ko sa mapupulang labi nito.

I leaned in towards her while she seemed lost, still gazing at me. Our lips touched, sending a million volts of electricity throughout my entire body.

Hindi nagtagal ang pagdampi ng aming mga labi at nang mapagtanto namin ang pangyayari ay mabilis kaming napabitaw sa isa't isa. Agad na napatayo si Prof. Xanther at hindi makapaniwalang tiningnan ako at walang sabi-sabing tunakbo ito palabas ng office niya.

Napahilamos ako sa mukha ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nangyari.

"Ang bobo mo, Vaine!" naiinis na sabi ko sa sarili ko saka tumayo at lumabas na din ng office para habulin si Prof. Xanther.

"Professor Xanther!" tawag ko sa kanya pero hindi ito lumilingon sa akin at mas lalo niya pang binilisan ang lakad niya.

"Professor Xanther, wait!" sigaw ko ulit sa pangalan nito hanggang sa maabutan ko siya saka ko hinawakan ang kamay niya na agad din naman niyang itinabig at tumingin ng masama sa akin.

Palihim akong napalunok nang makita ko ang madilim nitong mukha at pag-igting ng panga nito. Halatang pinipigilan nito ang sarili na mag-salita.

"P-professor Xanther. I-I'm sorry, hindi ko po talaga sinasadya ang nangyari." mahina at kinakabahan kong sambit habang nakayuko.

Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya, nang hihina ako sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata.

"Hindi mo sinasadya? Bullshit! Alam mo ang ginagawa mo, Alvarez! You freaking stole my first kiss!" biglaang sigaw niya kaya medyo napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng boses nito.

"How dare you. I will talk to your parents tomorrow." nanginginig sa galit na sabi pa nito habang pinipilit na ikalma ang sarili.

"B-bakit po? Wag na po please, sorry po talaga." natakot ako nang sabihin nitong ipapatawag niya ang mga magulang ko dahil siguradong itatakwil talaga nila ako sa ginawa ko lalo na si Daddy.

"No. Hindi mo alam ang gulong pinasok mo, Alvarez. Just wait until your father finds out about this." seryosong sabi nito at muling tumalikod at naglakad palayo sa akin.

Talk to my parents? Ano ako high school?

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustrations na nararamdaman ko.

"Yan kase magnanakaw ka nalang ng halik sa Professor mo pa. I'm fucking doomed. Ang tanga mo Vaine Fleur Alvarez." naiinis na sabi ko ulit sa sarili ko ngunit agad din namang nawala iyon at napalitan ng ngiti dahil hindi ko maiwasan na maalala kung gaano kalambot ang mga labi niya.


I'm not gonna lie, I kinda enjoyed it.

Continuar a ler

Também vai Gostar

2.9K 644 137
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
33.9K 2.3K 19
Based from a Star Cinema movie "Can't help falling in love" starring KathNiel comes another RaStro adaptation
103K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...