Jersey Number Eleven

By xelebi

1.9M 75.9K 33.2K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

11

31.2K 1.1K 226
By xelebi

• 🏐 •

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na ang bilis lumipas ng mga araw. Siguro dahil sobrang busy ko lately? Namalayan ko na lang na tapos na ang hell week at naka-anim na games na kami sa off-season tournament. Gano'n kabilis!

Ewan ko kung binabalewala ko na lang ang lahat ng pagod kaya hindi ko na namamalayan ang oras. Sunod-sunod kasi talaga lahat ng gagawin. School works, trainings, at games. Wala na nga kaming time magliwaliw ng team, e. Kahit sina Jerome ay hindi ko na nakakausap tungkol sa mga random na bagay-bagay kasi takot din sila na magkaro'n ng bagsak na grade.

Pero worth it naman lahat ng iyon kasi 6-0 ang win-loss record namin ngayon... so far!

Six wins and no loss as of this moment!

Masaya syempre kasi akalain mo iyon? Wala pa kaming talo considering na nawala iyong ace spiker namin at wala akong kapalitan sa libero position. Pero iyon nga lang, hindi pa pwedeng mag-celebrate kasi hindi pa namin nakakalaban ang Easton at ang Westmore na gaya namin ay wala pa ring mga talo.

"Guys, kailangan nating tibayan ang block coverage. Mabilis ang middles ng Easton. Kapag established na ang blocks, spikers, gamitin n'yo mga kamay nila," sabi ni assistant coach habang pinapanood namin ngayon iyong games ng Easton.

"Yes, coach."

"And heavy servers sila. We need a stable first ball. Magaling sila t-um-arget sa serve."

Tumango ako kahit kinakabahan na kasi Easton na ang next naming kalaban.

And speaking of Easton, given na na wala pa silang talo kasi all out sila ngayon sa lineup nila. Gusto yata talaga nilang bumawi from their silver finish last season.

Pero iyong Westmore? Nakaka-amaze talaga sila. Partida pa iyon, a? Team B ang pinadala nila pero mga mamaw rin. Gano'n kaganda ang sports program nila at gano'n ka-competitive ang mga players nila kasi kailangan mo talagang galingan kung gusto mong mapasama sa team A.

Kaya sobrang amazing lang talaga ni number eleven kasi hindi lang siya part ng team A ng Westmore, siya pa ang pinakamagaling nilang player.

At speaking of number eleven, ewan ko sa isang iyon. Paano ba naman kasi, sa anim na panalo namin ay anim na beses na rin siyang nagpapadala ng pagkain!

Tinignan ko na nga iyong sarili ko sa salamin, e.

Ang payat ko ba sa paningin niya?

Nagugulat na nga lang ako, e. Akala ko kasi, no'ng unang game lang iyon. Pero nawili na yata si MVP! Nahuli na nga ako nina Jerome minsan pero buti na lang ay nakapagpalusot ako. Sinabi ko na lang na order ko iyon.

Dapat talaga mailibre ko na siya as soon as possible!

kaireyes: Ano number mo?

roenalejo11: Why?

kaireyes: Basta.

roenalejo11: If you're thinking of paying me for the food, then I won't give my number.

kaireyes: Hindi naman kasi pwede na every time na mananalo kami, e, manlilibre ka.

roenalejo11: That's because you deserve it.

kaireyes: Sinasabotahe mo ako, 'no?

roenalejo11: What?

kaireyes: Gusto mo ako patabain para bumigat ako tapos hindi na makahabol ng bola.

Natawa ako nang hindi siya nakapag-reply agad. Nai-imagine ko iyong mukha niya na nakakunot ang noo habang nagta-type.

kaireyes: At hindi ba nagtataka iyong girlfriend mo?

roenalejo11: Girlfriend?

kaireyes: Baka mamaya magtaka iyon kapag nalaman niya na may pinapadalhan ka ng pagkain. Nakukwento mo ba sa kaniya na ako ang nililibre mo? Baka kung ano isipin no'n. Lagot ka.

roenalejo11: What are you saying?

kaireyes: Hoy ang sama. Dine-deny mo girlfriend mo.

roenalejo11: There's no denying because I don't have a girlfriend.

Kumunot ang noo ko. Wala raw siyang girlfriend? E, sino iyong pinakita no'ng finals? Nagtilian pa nga iyong mga tao no'n, e.

kaireyes: Hindi nga?

roanelejo11: Where did you get the idea that I have a girlfriend, Kai?

kaireyes: Wala ba talaga? E, sino iyong Nica Guerrero?

roenalejo11: She's not my girlfriend.

Naguguluhan na ako. Hindi niya ba talaga girlfriend iyon? Hala siya. Akala ko pa naman may girlfriend na 'tong si number eleven. Hindi rin naman yata siya iyong tipo na magsisinungaling tungkol do'n. At bakit naman siya magsisinungaling?

Pumunta ako sa IG profile no'ng Nica Guerrero. At confirmation na ba 'to na hindi talaga siya girlfriend ni number eleven kasi wala ni isa silang picture na silang dalawa lang tapos sweet sa isa't isa? Puro group picture lang ang nakita ko, e.

Malay ko ba. Hindi rin naman kasi ako mahilig tumingin ng profile ng iba. Maliban na lang kung sobrang curious ako o 'di kaya ay pinapatingin nila Jerome.

Profile nga ni number eleven, hindi ko pa talaga tinitignan, e.

roenalejo11: She's just a friend, Kai.

kaireyes: Sorry naman. Akala ko girlfriend mo, e.

roenalejo11: Where did you get that info?

kaireyes: Napanood ko kasi no'ng finals. Ikaw nagse-serve no'n tapos tinutukan siya ng camera tapos nagsigawan iyong mga tao.

Hindi ba gano'n iyon? Napapansin ko kasi minsan iyong mga cameraman, alam na alam nila kapag may something sa mga players at kung sinu-sino sa audience, e. Parang mas alam pa nga nila minsan iyong mga chismis kaysa sa 'min na mismong involved. Siguro kasi tambay din sila sa social media? Ewan ko.

roenalejo11: All this time you thought I have a girlfriend?

kaireyes: Oo hehe. Pero kung sabi mo na wala, naniniwala naman ako. Sorry na.

Hindi na nag-reply no'n si number eleven. Nakatulog na yata. Tinulugan ako ni MVP!

"Guys, just enjoy the game ha? Also, don't forget to communicate para hindi kayo mawala sa loob. Maliwanag?" Sabi ni coach.

"Yes, coach!"

"Kapag nagkamali, bawi agad, okay?"

"Copy, coach!"

"Creston!"

"U!"

It's game day today. Ito na naman iyong familiar na kaba pero mas doble iyon this time kasi Easton na ang kalaban namin.

Battle of undefeated teams ngayon since pareho kami ng win-loss record. First loss of the tournament 'to ng kung sino man ang matatalo kaya kinakabahan ako. Hindi ko lang sure kina Jerome kasi game face on na agad sila. Hindi nila masyadong gusto ang Easton kasi nga medyo maangas ang players nila pero mas lalong naging intense ngayon kasi napunta na ro'n si John. Si John na hindi naman naka-lineup pero nandito ngayon sa arena para manood.

"Creston's starting libero, number eleven, Kaizen Reyes!"

Pagpasok ko sa court ay nagkaro'n kami ng mabilis na huddle. Pagkatapos ay pumwesto na kami. Unang magse-serve ang Easton kaya nag-ready ako sa receive.

Hindi pa pumipito ang referee kaya hinayaan ko muna ang sarili na ilibot ang tingin sa crowd.

Grabe. Ang daming tao! Mostly ay mga naka-green na supporters ng Easton. Sa totoo lang, nilamon nila ang mga naka-white na supporters naman namin.

At napakurap na lang ako nang sa gitna ng mga naka-white shirts ay nando'n si number eleven na naka-red hoodie at white baseball cap. May hawak pa siyang white na pahabang lobo na tinaas niya nang magkatinginan kami. Dala niya ba iyon? O nakuha niya lang dito sa mga nagchi-cheer para sa Creston?

At iyon na naman ang signature smile niya.

Iyong hindi nakalabas ang ngipin.

Shit... totoo nga! Nandito si number eleven!

Akala ko, hindi siya makakanood? Iyon ang sabi niya kanina sa message, e! Naloko ako ro'n, a?

Naalis lang ang tingin ko sa kaniya nang pumito na ang referee para sa unang serve. Ewan ko pero dumoble iyong kaba ko. Naku, hindi pwede 'to.

Minsan pa naman, kapag sobra iyong kaba ko, do'n ako nag-e-error.

Kalma, Kaizen!

Huminga ako nang malalim at nag-focus sa server ng Easton. Jump serve ang ginawa niya at ako ang t-in-arget!

"Kai!" Rinig kong sigaw ni Jerome.

Iyon nga lang, shit, misreceive!

Napanganga na lang ako habang tinitignan ang bola na dumiretso papunta sa audience.

Continue Reading

You'll Also Like

Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.3K 161 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...
770K 26.5K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.8M 36.6K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...