All-Time Favorite: First Time...

By teldelulu_

65.6K 832 48

"You have innocent eyes, Blanca, and you are as pure as your name signifies." Magpapakasal sila ni Kier. At... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 8

4K 60 2
By teldelulu_


ILANG SANDALING inikot ni Blanca ang paningin sa loob ng malaking silid bago luminaw sa isip kung nasaan siya. Mabilis siyang bumangon. Inihilamos niya ang palad sa mukha.

Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama kagabi. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Nasa dibdib ang matinding kaba sa inaantabayanang pagpanhik ni Benedict. Ni hindi niya namalayangnakatulog siya. At natiyak niya ngayong hindi na muling pumanhik ang lalaki sa silid.

Tuluyan siyang napababa sa kama sa katok na nanggagaling sa pinto. Bumukas ang pinto bago pa siya nakahakbang. Si Benedict.

"Good morn...," hindi nito naituloy ang sasabihin pagkakita sa hitsura niya at dumilim ang mukha.
She was still wearing the white tailored dress na siya niyang ipinangkasal at ang black pantyhose. Ang buhok niya'y nanatiling nakapusod bagaman may mga hiblang kumawala at nakasabog mula sa pagtulog.

"Damn it, Blanca," wika nito na bagaman hindi sumigaw ay alam niyang galit. "Can't you take my word that I don't force myself on women?"

"I-I-waited up on you..."

"Like hell!" agap nito. Tumingala at hinawakan ang batok. Pagkatapos ay marahas siyang binalingan. "You waited up on me in fear na baka anumang sandali ay pumasok ako at i-rape ka, ganoon ba?"

She winced. Alam niyang totoo ang sinasabi ni Benedict. At gusto niyang mapahiya bukod pa sa kabila ng galit nito'y nahimigan niyang may bahid ng pagdaramdam ang tinig ng lalaki.

"I-I'm sorry, Benedict. It's just that..."

"And stop telling me you're sorry," muling asik nito. "Nagiging paboritong linya mo ang salitang iyan," pagkatapos ay nagbuntong-hininga at nilapitan siya. Gusto niyang umatras pero piniling huwag. Nakagawa na siya ng malaking pagkakamali kagabi.

Hinawakan ni Benedict ang baba niya at itinaas.

She held her breath. "I gave you my word, Blanca. I will never touched you unless you want me to," wika nito sa banayad ng tono. "I have promised you that we won't share bedroom. Sa kabilang silid ako matutulog gabi-gabi. Papasok lang ako dito pag magbibihis. At ang ipakikiusap ko sa iyo'y ikaw ang magligpit ng kabilang silid para hindi malaman ng mga maid na ginagamit ko iyonsagabi."
Nanatili siyang namamalikmata kahit nang bitiwan ni Benedict ang mukha niya. Humakbang ito patungo sa banyo. Nang nasa pinto na ay nilingon siya.
"Get yourself ready. We'll leave for Puerto Galera today."
"Puerto Galera?" Gulat niyang tanong.
"Everybody is expecting that we have a honeymoon. Let's obliged them, sweetheart," wika nito na ang paraan ng pagbigkas sa endearment ay patudyo.
At hanggang sa makapasok ng banyo ang asawa ay walang nasabi si Blanca. She had never felt so foolish in all her life. Ngayong natiyak niyang hindi siya makikipag- away dito gabi-gabi ay nakadama siya ng relief. Marahil ay talagang hindi intresado sa kanya si Benedict.


Pero bakit kailangang mag-out-of-town sila?

KUNG hindi man pinakamaganda ang Puerto Galera sa mga beaches sa buong Pilipinas ay hindi na niya alam kung ano pang tanawin ang higit na gaganda dito. Mahahabang puno ng niyog, mga punong-kahoy, puting buhangin at asul na dagat na masisilip mo ang mga corals at maliliit na isda sa ilalim sa linaw. And the waterfall is breathtaking.

Ang mga cottages ay magaganda at primera klaseng kawayan ang mga ginamit. Isa sa mga iyon na may dalawang silid ay okupado nilang mag-asawa sa loob ng tatlong araw. At nagpapasalamat siya kay Benedict sa pagkakataong ibinigay nito sa kanya sa sandaling ito upang mapag-isa.

She felt uneasy with her husband. Hindi niya maintindihan. There was something dangerous about him bagaman wala siyang natatanggap mula dito kundi gentleness and politeness. Sa loob ng tatlong araw na magkasama sila ay natitiyak niyang ginawa lahat ni Benedict ang paraan upang malibang at mapalagay siya. Funny it may seem pero ang panahong magkasama sila ay maituturing niyang isa sa mga maliligayang sandali sa buhay niya.
She had never worn a bikini pero ibinili siya ni Benedict ng tatlong pirasong designer's label and insisted na iyon ang gamitin niya sa paliligo. At wala siyang magawa kundi ang sumunod.

"Lovely," he said softly nang lumabas siya ng cottage. His eyes sparkled in appreciation. And then there's something else na hindi niya gustong bigyan ng kahulugan.

"I-I felt awkward," nahihiya niyang sinabi pero nakadama siya ng galak sa nakitang appreciation sa mga mata ng asawa.

"Sa una lang iyan," he said huskily.

"Masasanay ka rin."

Tinanaw niya ang dagat at wala siyang nakitang hindi nakasuot ng bikini at kung naka-bathing suit man ay mga nakatangga. Karamihan sa mga naroroon ay mga foreigners. And of course, nakakahiya namang magsuot siya ng shorts at t-shirt sa beach. She maybe an old fashion pero hindi siya ganoon ka-demure.

Nang malaman ni Benedict na hindi siya marunong lumangoy ay hinawakan siya nito sa beywang at hinila sa malalim na bahagi.

"W-what are you doing?" Nataranta niyang sinabi. Hindi dahil sa muntik na siyang makalunok ng tubig kundi dahil sa pagkakahapit nito sa katawan niya. Na sa kabiglaanan ay napayakap siya sa dibdib nito.

Sa kabila ng nasa tubig sila'y tila may gumuhit na kakaiba sa katawan niya sa pagkakadikit nilang iyon.

"Tuturuan kitang lumangoy," nakangising wika nito. His face is so close to hers and she could smell the male scent. "Now, tread on the water and splash your feet...no, like this..."

"Oh, Benedict, I'm hopeless," reklamo niya na pilit sumunod sa sinasabi. "Matanda na ako para turuang.. ayy!" Binitiwan siya nito nang nagsisimula na niyang ikampay ang mga braso.

Lumubog siya sa tubig bigla.

On instinct, kasabay ng muling paghawak sa kanya ni Benedict ay yumakap siya rito.

"T-that's-not-f-fair!" she said na nakalunok ng kaunting tubig alat at umubo. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakayakap siya sa leeg ng asawa. Mabilis siyang bumitiw subalit hindi siya lumubog at nanatiling nakadikit dito. He was holding her firmly.

"B-bitiwan mo-ako...," she said in a softest whisper. Her heart was pounding erratically.

"Lulubog ka," he whispered back at inalis ang buhok sa mukha niya. His eyes on her face. His hands warm on her naked skin. She was unconsciously straddling him underwater.

"B-Benedict...," hindi niya alam ang sasabihin pero nararamdaman niya ang matinding tension. Ang mga palad niyang nasa dibdib nito'y nadarama ang pintig ng dibdib ng asawa.

When Benedict lowered his head, she closed her eyes and received his mouth while her fingers curled on his chest. She gasped a little when their lips touched as if an electric eel touched her skin.

Nararamdaman niya ang tubig-dagat sa mga labi nito but she didn't think it mattered at that moment. At lalo nang hindi niya kailanman naisip that a man's kiss could make you feel weak and helpless and dizzy.

Benedict was kissing her unhurriedly. Applying a little pressure until her lips parted. Then he touch her upper lip with his tongue. He was taking his time exploring the sweetness of her mouth, flavoring her breath. His tongue played and played and he groaned when she met it with her own. Then he was kissing her with more fire, with hunger that she could feel something hot travelled accross her belly.

Isang ugong ng nagdaang aqua cycle ang nagdaan sa may di-kalayuan kasabay ng palayong tawanan ng mga sakay.

Dahan-dahan ang ginawang paghinto ni Benedict. He slowly withdrew his mouth but his tongue flirt a little with her upper lip and brushed her mouth with his lips. At saka pa lang nito tuluyang iniwan ang mga labi niya. And for one startled moment stared at each other.

Si Blanca na pinamulahan ang mukha matapos maisip ang nangyari ay mabilis na kumawala. Gusto niyang lumubog sa dagat sa kahihiyan. She couldn't believe herself na nawala siya ng ganoon. And she even kissed him back!

"T-take me back to the shore...," ni hindi halos lumabas sa bibigniya iyon.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Blanca sa alaalang iyon ng pangyayari kahapon. Pagkatapos noon ay tila sila estrangherong dalawa ni Benedict. Out of politeness ay nag-uusap sila but she refused to meet his eyes.

At nararamdaman niyang nagagalit ito. Kung bakit ay hindi niya masagot.

She peacefully watched the sunset. Ang mahinhing liwanag nito na iba't ibang kulay ang dala sa ibabaw ng tubig. Gold, crimson and indigo. Lahat ng kulay marahil tulad din ng suot niyang sarong ngayon na nakapulupot sa dibdib niya at ang haba ay lampas lang ng kaunti sa tuhod.

She smiled. She had never owned such clothing, just like the bikinis. Binili rin ito ni Benedict sa kanya sa mismong resort. Kasama ng isang choker na yari sa maliliit na shells. Puka shells ang itinawag ni Benedict dito. He insisted that she wears them sa pamamaybay sa dagat. And with her hair being blown by the wind ay para siyang Hawaiiana.

Crazy but though they were not expensive, she felt romantic by the gifts.
Dahan-dahan ang ginawang paglingon ni Blanca. Nararamdaman niyang may mga matang nasa likod. Si Benedict.

Nakasandal sa puno ng niyog at nasa tig-isang bulsa ng maong ang mga kamay
"K-kanina ka pa riyan?" Bakit kailangang mag-unahan sa pagtibok ang dibdib niya dahil lang nakita niya ito?

Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. Humakbang papalapit sa kanya at huminto sa tabi niya.

"Few seconds ago," sagot nito at saka idinugtong, "Beautiful..."

Iniwas niya ang mga mata. "Yes, it is," sagot niya na ang tinutukoy ay ang sunset bagaman hindi siya nakatitiyak kung iyon din ang tinukoy ni Benedict dahil hindi naman ito sa lumulubog na araw nakatingin kundi sa kanya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"Pero sana'y," hindi niya itinuloy ang sinasabi.

"Sana'yano, Blanca?" Banayad nitong tanong pero nakatiim ang mukha. Umiling si Blanca at hindi sumagot.

"Sana'y si Kier ang kasama mo dito? Iyon ba ang ibig mong sabihin?" Marahas nitong tanong.

Nilingon niya si Benedict at sinalubong ang tingin nito. "Yes," mariing sagot niya. Hindi naman iyon ang nasa isip niya. Actually, sa buong panahong magkasama sila ni Benedict sa resort ay hindi niya naisip si Kier. And she thought she was so brokenhearted na mahabang panahon bago niya makalimutan ang binata.

She was getting romantic with the environment and the sunset at nasa isip na sana'y pareho silang may pag-ibig sa isa't isa ni Benedict. Bukod sa hindi niya iyon masabi kaya huminto siya sa pagsasalita ay nairita pa siya sa tono nito.

Huminga nang malalim si Benedict at banayad na ngumiti bagaman hindi umabot sa mga mata. "Of course. I am only sorry that my presence here spoiled the beauty of this place."

Hindi niya sinagot iyon. She felt miserable. Bakit ba biglang-bigla ay naging ganoon ang kinalabasan ng pag-uusap.

"We're leaving in thirty minutes. You can stay here until then. Naihanda ko na ang mga gamit natin."

"There's no need to delay. Tara na," she said in haste. Mabilis na humakbang at pag-ikot ay lumuwag ang pagkakabuhol ng sarong niya at bago pa siya nakakilos ay humulagpos pababa.

Inagapan ni Benedict ang sarong kasabay din niya pero hindi bago nahantad sa ang dibdib niya. At maliban sa panties ay wala siyang suot na bra.

Matalim na paghinga ang binitiwan ni Benedict. He groaned at pagkatapos ay mabilis na tumalikod pabalik sa cottage.
Napapikit siya. Gusto niyang mapahiya pero mas nananayo ang balahibo niya sa apoy na nakita niya sa mga mata ng asawa. Muli niyang ipinulupot sa dibdib ang sarong at walang naguguluhang sinundan si Benedict.

"GUSTO kong magtrabaho, Benedict," aniya dito kinabukasan matapos silang makabalik ng Maynila.

Matagal bago sinagot ng lalaki iyon. Pagkatapos ay tinitigan siya. "Ikaw ang bahala. Pero ang ipinakikiusap ko'y manatili ka muna rito sa bahay sa loob ng dalawang linggo bago ka magtrabaho."

"Why?"

"Anim na araw pa lang mula ng makasal tayo, Blanca. Ayokong may sisimulang usapan at speculations kung bakit ka nagtatrabaho agad pagkagaling natin sa honeymoon," hindi niya maintindihan pero parang maasim sa pandinig niya ang pagkakasabi ni Benedict sa huling salita.

"Considering my status," patuloy nito. "...maraming magtataka. Whereas, maihahanda ko ang mga empleyado ko sa pagsasabing naiinip ka kaya gusto mong magtrabaho."

Tumango si Blanca. May katwiran si Benedict.

"Perhaps you can give some feminine touch to this house kung naiinip ka sa buong maghapon. Ayusin mo sa paraang gusto mo. Palitan mo ang dapat mong palitan."

Banayad siyang ngumiti. "Maganda na ang buong bahay, Benedict. Wala akong maisip na dapat baguhin at palitan. Maliban marahil sa wall curtain sa sala, they're a little bit faded."

Natawa si Benedict. "Isa iyan. Makikita mo, sa pag-iikot mo sa buong bahay ay mapupuna mong marami palang dapat palitan at baguhin. I'll arrange a bank card for you para magamit mo sa gusto mong bilhin."

"Is it necessary?"

"Very"

Continue Reading

You'll Also Like

520K 17.1K 119
Read and find out...
783K 7.8K 66
๐ข๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐๐ž๐ฌ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐จ๐ฒ๐ฌ โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ don't forget to vote, share and comment. ๐Ÿค
25.3K 862 21
This story is about a boy whose parents died in a car accident. And he is living with his uncle and aunt who beat him daily,due to which he often fal...
3.2K 50 20
A collection of The lost Boys imagines, feel free to request anything ๐Ÿ˜โค๏ธ