All-Time Favorite: First Time...

By teldelulu_

42.2K 511 32

"You have innocent eyes, Blanca, and you are as pure as your name signifies." Magpapakasal sila ni Kier. At... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 3

2.6K 38 3
By teldelulu_


"GOOD NIGHT, Blanca," ani Benedict nang nasa kotse na ito matapos siyang maihatid at makausap si Rowena. "Or shall we say, good morning."

"T-thank you, Benedict..."

"Anytime, Ihanda mo ang sarili mo sa pakikipagkita ni Kier sa iyo. At tinitiyak ko rin sa iyong ngayon pa lang ay alam na ng kapatid kong magkasama tayo. He wouldn't like it." Ini-start nito ang ignition ng kotse.

"Hindi magkakalakas ng loob na magpakita sa akin si Kier pagkatapos ng ginawa niya, Benedict."

"Ipupusta kong darating siya, Blanca. I only wished you wouldn't show him that you almost died because of what happened." Hinagod nito ng tingin ang dalaga at nahinto ang mga mata sa gasgas na nasa bisig nito. "Try to hide those when he comes." Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Hindi ka nagbi-biro ano?"

Matabang na ngumiti si Benedict. "I know my brother so well, Blanca. Darating siya at hihingi ngtawad sa kasalanang ginawa."

"You expected me to forgive him?" Tanong niya sa mataas na tinig.

"Nasa iyo ang pagpapasiya. Higit kanino man ay ikaw ang nakakaalam ng tunay mong damdamin."

Hindi sumagot si Blanca. Hindi niya alam ang sasabihin. Naguguluhan siya. Ang pagkatuklas niya sa kataksilan ng kapatid at ni Kier at ang biglang pagsulpot ni Benedict sa buhay niya. Si Benedict na sa buong panahong magkasintahan nila ni Kier ay wala na siyang narinig na magandang katangian para dito. And of course, she couldn't change opinions immediately. Naitanim na ni Kier sa isip niya ang uri ng pagkatao ni Benedict.

Pero sa nakalipas na mga oras ay si Benedict ang tumulong sa kanya. And yet he was cold and contained. So distantly polite. She couldn't believe Denise fell for this man. Oh, well, knowing her stepsister's penchant for rich men. Ganoon pa man, ipinahiwatig ni Kier sa kanya na walang babaeng tumagal kay Benedict.

And she believed him. If he and Denise were seeing each other paanong nagawa ni Denise ang ginawa lang nito?
"HINDI ako makapaniwalang magkasama kayo ni Benedict, Blanca," salubong sa kanya ni Denise sa galit na tono pagkapasok niya ng bahay.

"Pagkatapos ng ginawa ninyo ni Kier? Ano ang karapatan mong kausapin ako ng ganiyan?" Sagot niya sa malamig na tono. Hangga't magagawa niya'y hindi niya gustong ipakita dito ang matinding sama ng loob.

Umilap ang mga mata ni Denise at sumulyap sa hagdan. Hindi nito gustong marinig ni Rowena ang pinag-uusapan nila.

"Leave Benedict alone, Blanca," galit na utos ni Denise. "Hindi ko alam kung paano kayong nagkasama at kung paano kang nasa unit kagabi. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Benedict na nagpunta kayo roon. Hindi pupunta si Benedict sa bahay ni Kier at lalong hindi niya tatawagan ang kasintahan ng kapatid para ilabas!" Mariing wika nito.

Sarkastikong ngumiti si Blanca. "Meaning, ikaw lang ang pumapatol sa boyfriend ng may boyfriend."

Naglalabas ng apoy ang mga mata ni Denise. "Did you go to Benedict's house to seek comfort? Sinabi mo ba sa kanya ang nakita mo?"

Naningkit ang mga mata ni Blanca. "I won't even dignify your questions by answering them. Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin!" Galit niyang sinabi at humakbang patungo sa hagdan.

"At paano kayo ni Kier ngayon?" Pahabol ni Denise nang nasa gitna na siya ng hagdan.

"He's all yours," aniya sa pagitan ng pag-iigting ng mga bagang. At bago pa muling may sabihin si Denise ay mabilis na pumanhik ng hagdan. Ini-lock ang pinto ng silid at ibinagsak ang sarili sa kama at saka tahimik na umiyak nang umiyak.

NAHINTO sa pagbaba ng hagdan si Blanca kinabukasan nang makarinig ng mga tinig sa ibaba.

"Pagkatapos ng nangyari sa atin, Kier, magpapakasal pa rin kayo ni Blanca?" Hindi makapaniwalang sinabi ni Denise.

"Magkasintahan kami, Denise, alam mo iyan. At malapit nang ikasal." Kalmanteng sagot ni Kier.

"Damn you, Kier!" Singhal ni Denise dito. "Itinawag ko sa iyo kagabi na magkasama sila ni Benedict. Malapit na kayong ikasal pero nakikipag-date sa kapatid mo ang kasintahan mong ni hindi mo mahawakan. Ala-una pasado na silang umuwi kagabi!"

Humugot ng matalim na paghinga si Kier at halatang nagpipigil ng galit. "Gusto kong makausap si Blanca, Denise. Ipatawag mo."

"Ano ang pag-uusapan natin, Kier?" Si Blanca mula sa hagdan. Sabay na lumingon ang dalawa sa kanya. She wished na sana'y nagawan ng paraan ng tubig at make-up ang pamumugto at ang pangingitim ng ilalim ng mga mata.

"Blanca," si Kier na hinagod ng tingin ang kasintahan. Nasa mga mata ang matinding pagsisisi. Si Denise ay umikot ang mga mata at iniwan sila.

Si Blanca ay walang kibong lumakad patungo sa dining room. Nagsalin ng mainit na kape sa tasa. Tumingin kay Kier na sumunod.

"Care for coffee?" Kaswal niyang tanong na parang walang nangyari.

"Don't do this, darling," nakikiusap ang tinig ng binata.

"Awayin mo ako, sigawan mo, o kahit saktan mo ako. Huwag lang ang ganitong cold treatment."

Naupo sa silya si Blanca at marahang hinigop ang kape. Pagkatapos ay ngumiti. "Why, Kier, I'm the Snow Queen, have you forgotten? Kaya angkop lamang ang ganitong pakikiharap, di ba?"

Inabot niya ang butter at nilagyan ang sandwich niya at kaswal na kumain. "Oh, c'mon, Blanca," patuloy ni Kier na naupo sa tapat niya. "Magalit ka kung gusto mo, karapatan mo iyon. Murahin mo ako. Tatanggapin ko dahil nagkasala ako." She stopped chewing and took one sip from her cup Pagkatapos ay tinitigan nang deretso ang binata. "Para ano, Kier? I won't waste my breath shouting at you. Bakit ka nga pala nandito?"

Napaungol ang binata. Ginagap ang isang kamay niyang may hawak pang sandwich. "Blanca, I love you. Iyon ang dahilan kaya ako nandito. At gusto kong ihingi ng tawad ang nangyari kagabi. Makapagpapaliwanag ako doon."

"Ano'ng paliwanag ang maaari mong ibigay, Kier?"

Tahimik niyang tanong. "Masama ang pakiramdam ko kahapon, alam mo iyan, di ba?" Hindi sumagot si Blanca at tahimik na ininom ang kape. Nagpatuloy si Kier. "I was in bed when Denise came. At alam nating pareho na noon pa may gusto sa akin ang kapatid mo. She seduced me-well, you know those kind of things..."

"Hindi ko alam, Kier," malamig niyang tugon.

"Oh, yes. That is why I love you, Blanca. Wala kang kamuwang-muwang sa mga bagay na iyon. Pero lalaki ako at naroon si Denise kagabi offering herself. And I wasn't really feeling very well kaya tulad ng dinatnan mo, she did he rown...," hindi nito naituloy ang sinasabi dahil matalim ang tinging ipinukol dito ni Blanca.

"Benedict and Denise are seeing each other! Paano ninyong nagawang dalawa iyon?"

"Are they?" Nagkibit ng mga balikat ang binata. "Hindi ko alam. Baka. Kilala ko ang kapatid ko, Blanca, walang babaeng tumagal doon."

Nagsalubong ang mga kilay ni Blanca sa sinabi ni Kier sa kapatid. "Kapatid mo si Benedict, Kier."

Muling nagkibit ng mga balikat si Kier. "Huwag si Benedict ang pag-usapan natin, Blanca. Kaya ako nandito ay para ihingi ng tawad ang nangyari kagabi. Kalimutan natin ang bangungot na iyon and let's talk about our wedding. Now." Mariing wika nito.

"Hindi ganoon kadali iyon, Kier," tahimik niyang sinabi. Inilapag ang sandwich na hindi naman halos nagalaw.

"Madali kung gugustuhin mo, Blanca," patuloy ng binata na lumipat ng upuan sa tabi niya. Pagkatapos ay inakbayan ang dalaga. She shrank from it.

"Please, Kier..."

Naningkit ang mga mata ni Kier. "Ano ang gusto mong gawin ko, Blanca, lumuhod at magmakaawang patawarin mo ako? Gagawin ko, bakit hindi. Pero alalahanin mong kung may kasalanan man ako ay mayroon ka rin. Kung hindi mo ba naman ipinagkakait ang sarili mo sa akin, di sana'y hindi ako matukso ng iba."

Hindi makapaniwala sa narinig niya si Blanca.

"Kasalanan kong mahuli kitang may katalik na babae sa kama?"

"C'mon, Blanca, it is one of those things. At nagkataong isa akong normal na lalaki with a healthy and strong sex-drive. At ang pananabik ko sa iyo ang siyang naging dahilan upang hindi ako makapagpigil sa sarili." Pangangatwiran nito. Tumayo at nagpalakad-lakad sa tabi niya. "Kung hindi ka naging maramot, kahit pa marahil ano ang gawin ni Denise ay walang mangyayari."

Patuyang ngumiti si Blanca. "Huwag mong ibato sa akin ang kasalanan mo, Kier. At simula kagabi ay tinapos ko na ang lahat sa atin." Mariing sinabi niya.

"Hindi mo magagawa ito," protesta ni Kier na yumuko sa mesa. "Mahal kita at mahal mo ako. Humingi na ako ng tawad, ano pa ba ang gusto mo?"

"Wala. Iwan mo ako." Aniya sa kalmanteng tinig. Pilit niyang itinago ang panginginig ng mga tuhod.

Hanggang ngayon ay nararamdaman niyang mahal niya ang lalaki. At hindi niya gustong magpatangay. Hindi na siya naniniwala dito. Naiwala na nito ang tiwala niya. At lalong hindi niya kayang ipagpatuloy ang relasyon sa lalaking wala siya kahit na anong tiwala.

Trust. Iyon ang isa sa mga pangunahing pundasyon ng relasyon. Love covers a multitude of sins. Totoo naman. But how can you keep on loving a man you don't trust anymore.

"Kaya ka ba ganiyan dahil si Denise ang babaeng involve, Blanca?" Si Kier sa galit na tinig.

"Another thing. Nasaan ang delicadeza mo. You are bedding my sister and then afterward, ako, kung makakasal tayo. Pero kahit pa siguro ibang babae ang kasama mo sa kama kagabi, Kier, ganito pa rin ang pasiya ko."

"Kinausap ka ni Benedict tungkol dito, ano?" Akusa nito sa nanlilisik na mga mata. "Magkasama kayo hanggang madaling-araw kagabi. Ano ang ginawa ninyong dalawa?"

Umiling si Blanca. Pilit na pinipigil ang mapaiyak. "Huwag mo akong baliktarin, Kier. Walang mangyayari." Itinaas niya ang mukha upang ibalik ang namumuong mga luha.

"Umalis ka na, please."

"Kung nakikipag-break ka sa akin dahil kay Benedict, Blanca, then you'll be sorry. Hindi ako papayag na mapunta ka kay Benedict!"

Naguguluhang tumingala si Blanca dito. "Hindi kita naiintindihan, Kier. Ano ang kinalaman ni Benedict dito?"

Muling nag-iba ang ekspresyon ni Kier at sa mahinahong tinig ay, "Please, darling, let's forget all about this. Let's start all over again."

"I'm sorry, Kier. Pero nakapagpasiya na ako. Kagabi pa. At walang makapagbabago noon." Mariin at tiyak niyang sinabi.

Nagtagis ang mga bagang ni Kier. Matagal na tinitigan ang kasintahan na tila tinatantiya. Si Blanca ay ipinagpatuloy ang pag-inom ng kape na tila wala roon ang binata.

"Hindi pa tayo tapos, Blanca!" Ang pagalit nitong sinabi bago lumabas ng kusina. Ang sunod niyang narinig ay ang pag-alis ng kotse nito.

Hindi matiyak ni Blanca ang nararamdaman. She was torn between a broken heart and anger and hatred at ang pagnanais na patawarin ang binata.

"So, another of those 'chase me' act of yours, Blanca?" Si Denise mula sa kung saan at nakasandal sa hamba ng pinto.

Naningkit ang mga mata niya. "Nakinig ka rin lang pala'y bakit hindi ka pa sumali sa usapan?" tuya niya.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Denise. "Hanggang saan mo pahihirapan si Kier, Blanca?"

"Take him, Denise. Kung papatulan ka pa uli niya."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Galit nitong tanong.

"Ano pa ba ang gugustuhin ni Kier sa iyo? Kung magandang mukha at katawan tulad ng sa iyo, marami siya niyan, di ba? Ikaw nga itong nagsabing ang mga babae mismo ang humahabol sa kanya. Now, what have you got para mahawakan mo siya when he's not even in love with you." Itinaas niya ang mukha bilang paghahamon. "You bitch!"

"Mas bagay sa iyo ang salitang "iyan, Denise," wika niya na iniwan ang dalaga at lumabas sa sala. Nagngingitngit na sumunod si Denise.

"Kier is only good while it lasts, Blanca!" Galit nitong sinabi. "But I want you to leave Benedict alone. Huwag mong gamitin sa kanya ang touch-me-not game mo." Nilingon ni Blanca ang stepsister. "You're sick, Denise."

Gusto niyang umalis sa bahay na iyon. Hindi siya titigilan ni Denise pagkatapos ng nangyari. Pagkatapos na patulan niya ng salita ang stepsister. She will hate her forever. She hated her noong nanatili siyang hindi sumasagot sa mga ginagawa at sinasabi nito. She will hate her more ngayong pinapatulan niya ito.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang tumunog ang telepono. Mabilis niyang dinampot ito kung iyon ang paraan para makaiwas siya sandali sa panlilisik ng mga mata ng stepsister.

"Hello...," aniya sa gumagaralgal na tinig.

"Are you all right?" Ang kabilang linya.

"Benedict?" Mabilis niyang sinulyapan si Denise na lalong naningkit ang mga mata sa galit. Mabilis itong pumanhik sa itaas. At siya ay hindi maunawaan kung magagalit o makakahinga ng maluwag na marinig ang tinigngbinata.

"Ano ang ibig mong sabihin sa tanong na iyan?"

"Alam konggaling diyan si Kier, Blanca."

"Oh."

"Want to have lunch with me?"

"Yes. No!" Mabilis niyang bawi.

"I'll pick you up at eleven," wika ng kabilang linya na tila hindi siya nagbago ng sagot. "Give or take ten minutes."

"Wait!" Subalit nawala na sa linya si Benedict. Nanlumong ibinaba ni Blanca ang telepono. Damn him for complicating things.

Gusto niyang mawala sandali sa mga paningin ni Denise. Gusto niyang makaipon ng self-control para sa susunod nilang pagtatagpo ng stepsister. Hindi niya gustong magtalo sila sa harap ni Rowena at lalong hindi niya gustong ipaalam kay Rowena ang dahilan kung bakit tinapos na niya ang ugnayan nila ni Kier.

Pero hindi niya gustong gawin iyon sa pamamagitan ni Benedict. Lalo lamang nagiging masalimuot ang mga pangyayari. Kung maari lamang ay umuwi siya sa probinsiya nila ng Papa niya. Subalit sino ang uuwian niya roon. Wala na silang bahay doon.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 2.6K 16
Grabbing my bag from the back room I look to the injured man. "Im sorry for dragging you back here but there aren't any hospitals nearby. I'm Sally J...
1.4M 33.6K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
472K 6.7K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
60.1K 862 33
Ang pagkakaligtas nina Xander at Cameron mula sa mga kamay ni Hestercita ay siyang pagtatapos ng ilang taong paghahanap ni Xander sa tunay niyang mga...